669 Kinokontrol ng Lumikha ang Buhay at Kamatayan ng Tao
I
Kung ang kapanganakan ng isang tao ay tinadhana ng nakaraan niyang buhay, ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng tadhanang iyon. Kung ang kapanganakan ng isang tao ay simula ng kanyang misyon sa buhay na ito, ang kamatayan niya ang nagmamarka sa katapusan ng misyong iyon. Yamang ang Lumikha ang naghanda ng isang itinakdang mga kapaligiran para sa bawat kapanganakan ng isang tao, tiyak na nagsaayos din Siya ng isang itinakdang mga kapaligiran para sa kamatayan nito. Sa madaling salita, walang sinuman ang ipinanganak nang nagkataon lang, walang pagkamatay ang biglaan, at ang kapanganakan at kamatayan ay kapwa marapat na konektado sa nakaraan at kasalukuyang buhay ng isang tao.
II
Kung ano ang mga kapaligiran sa kapanganakan ng isang tao, at kung ano ang mga kapaligiran sa kanyang kamatayan, ay nauugnay sa mga paunang itinakda ng Lumikha; ito ang tadhana ng isang tao, ang kapalaran ng isang tao. Ang lahat ay nagnanais ng isang tanyag na kapanganakan, isang maningning na buhay, at isang maluwalhating kamatayan, subalit walang sinuman ang makakalampas sa sarili niyang tadhana, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Ito ang kapalaran ng tao. Maaaring magplano ng kung ano-ano ang tao para sa kanyang kinabukasan, subalit walang sinuman ang makakapagplano kung paano siya isisilang o kung ano ang paraan at panahon ng kanyang pag-alis mula sa mundo.
III
Bagama't ginagawa ng lahat ng tao ang lahat ng kanilang makakaya upang iwasan at labanan ang pagdating ng kamatayan, tahimik pa ring lumalapit ang kamatayan nang hindi nila nalalaman. Walang sinuman ang nakakaalam kung kailan o kung paano sila mamamatay, o lalong hindi nila alam kung saan ito magaganap. Malinaw, na hindi ang tao ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa buhay at kamatayan, ni sinumang buhay na nilalang sa natural na mundo, kundi ang Lumikha, na nagtataglay ng natatanging awtoridad. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng kung anong batas ng natural na mundo, kundi resulta ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III