Kabanata 69

Kapag lumabas ang Aking mga layunin, ang sinumang nangangahas na tumutol at sinumang nangangahas na humatol o magduda, kaagad Kong itataboy. Ngayon, ang sinumang hindi kumikilos ayon sa Aking mga layunin, o sinumang nagkakamali ng pakahulugan sa Aking mga layunin, ay dapat itiwalag at alisin mula sa Aking kaharian. Wala nang iba pa sa Aking kaharian; mga anak Ko ang lahat—mga taong minamahal Ko at isinasaalang-alang Ako. Higit pa rito, sila ang mga kumikilos ayon sa Aking salita at kayang gumamit ng kapangyarihan bilang mga hari upang hatulan ang di-mabilang na mga bayan at tao bilang kinatawan Ko. Higit pa rito, pangkat sila ng mga panganay na anak na mga inosente at masisigla, payak at bukas, at parehas na matapat at marunong. Natutugunan ang Aking mga layunin sa inyo, at natutupad sa inyo ang nais Kong magawa, na walang pagkakamali, ganap na bukas at bunyag. Nasimulan Ko nang itapon ang mga may maling intensiyon at pakay, at isa-isa Ko silang ilalagay sa ayos. Lilipulin Ko sila isa-isa at hindi nila magagawang manatiling buhay—at lahat ng ito ay tumutukoy sa kanilang mga espiritu, sa kanilang mga kaluluwa, at sa kanilang mga katawan.

Tingnan nang malinaw kung ano ang ginagawa ng Aking kamay: pinagkakatiwalaan ang mahihirap ng mga atas, inaalagaan at iniingatan ang mga nagmamahal sa Akin, inililigtas ang mga walang muwang at masigasig na hindi nanggagambala sa Aking pamamahala, pinarurusahan ang mga lumalaban sa Akin at ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin. Isa-isang makukumpirma ang lahat ng bagay na ito, nang alinsunod sa Aking mga pagbigkas. Ikaw ka ba talaga’y nagmamahal sa Akin? Ikaw ba ay debotong gumugugol ng iyong sarili para sa Akin? Ikaw ba ay nakikinig sa Aking salita at nagsasagawa nang naaayon? Ikaw ba’y lumalaban sa Akin, o ikaw ba’y umaayon sa Akin? Sa kaibuturan mo, mayroon ka bang malinaw na ideya sa mga bagay na ito? Masasagot mo ba ang bawat isa sa mga bagay na Aking sinabi? Kung hindi, kung gayon ay isa kang taong masigasig na naghahangad ngunit hindi nakakaunawa sa Aking mga layunin. Ang gayong mga tao ang pinakamadaling manggambala sa Aking pamamahala at magkamali ng pakahulugan sa Aking mga layunin. Kung magkaroon sila ng hindi wastong layunin kahit na sa isang saglit, mapapasailalim sila sa Aking paglilinis at sila ang mga mamamatay.

Sa loob Ko, mayroong mga walang katapusang hiwagang hindi maaarok. Isa-isa Kong ibubunyag ang mga ito sa mga tao, alinsunod sa Aking plano. Ibig sabihin, ipapamalas Ko ang mga ito sa Aking mga panganay na anak. Pahihintulutan Ko na lamang na sumabay sa agos ang mga walang pananampalataya at ang mga sumasalungat sa Akin; ngunit sa huli ay kailangan Kong ipaunawa sa kanila na Ako ang kamahalan at paghatol. Alam lamang ng mga walang pananampalataya ngayon kung ano ang nangyayari sa kanilang harapan, ngunit hindi nila alam ang Aking mga layunin. Ang mga anak Ko lamang—ang mga taong minamahal Ko—ang nakaaalam at nakauunawa sa Aking mga layunin. Hayagan Akong nabubunyag sa Aking mga anak; kay Satanas, Ako ang kamahalan at paghatol, at hinding-hindi natatago. Sa panahong ito, tanging ang mga panganay Kong anak ang karapat-dapat makaalam sa Aking mga layunin; walang ibang nararapat—at nauna Ko nang isinaayos ang lahat ng ito bago ang paglikha. Noong una, maayos kong isinaayos kung sino ang pagpapalain at kung sino ang mahaharap sa kapahamakan; naging malinaw Ako tungkol dito, at ngayon ay lubusan na itong naipapamalas: Ang mga pinagpala ay nagsimula nang matamasa ang kanilang mga pagpapala, samantalang ang mga nahaharap sa kapahamakan ay nagsimula nang magdusa ng sakuna. Ang mga hindi nagnanais na maharap sa kapahamakan ay mahaharap pa rin, dahil ito ang itinalaga Ko at ito ang isinaayos ng Aking mga kamay ng mga atas administratibo. Anong uri ba talaga ng tao ang pinagpapala, at anong uri ng tao ang nahaharap sa kapahamakan? Naipamalas Ko na ang mga bagay na ito; hindi ito isang hiwaga sa inyo, at sa halip ay lantad na ito: Ang mga tumatanggap sa Akin ngunit mayroong maling mga layunin; ang mga tumatanggap sa Akin ngunit hindi naghahangad; ang mga nakakikilala sa Akin ngunit hindi sumusunod sa Akin; ang mga nakikisangkot sa mga kabuktutan at panlilinlang upang dayain Ako; ang mga nagbabasa ng Aking mga salita ngunit naglalabas ng pagkanegatibo, at ang mga hindi kilala ang kanilang mga sarili, ang mga hindi alam kung ano sila, ang mga tumuturing sa sarili nilang dakila, at mga nag-aakalang naabot na nila ang tamang gulang (ang halimbawa ni Satanas)—lahat ng ganitong tao ay mahaharap sa kapahamakan. Ang mga taong tinatanggap Ako at may mga layuning alang-alang sa Akin (at, kung lilikha sila ng mga paggambala, hindi Ko tatandaan ang kanilang mga pagsalangsang—ngunit tama dapat ang kanilang mga layunin, at palagi dapat silang maging mapagbantay, mag-ingat, at hindi nagpapakalayaw; at palagi dapat silang magtataglay ng kaloobang makinig sa Akin at magpasakop sa Akin); ang mga dalisay at simple; ang mga bukas; ang mga matapat; ang mga hindi nalilimitahan ng anumang tao, pangyayari, o bagay; at ang mga mukhang bata ang anyo kahit nasa hustong espirituwalidad na sa buhay—ang mga ito ang Aking minamahal, mga pakay ng Aking pagpapala. Ngayon, bawat isa sa inyo ay pupuwesto sa tamang kinalalagyanayon sa inyong kalagayan. Malalaman mo kung ikaw ay pinagpapala o nahaharap sa kapahamakan; hindi Ko na kailangang sabihin ito nang malinaw. Dapat magbunyi at magsaya ang mga pinagpala, samantalang hindi dapat mabagabag ang mga nahaharap sa kapahamakan. Parehas silang isinaayos ng Aking kamay, ngunit hindi ka dapat magreklamo tungkol sa Akin: Sa halip, ang sarili mong kakulangan ng aktibong pakikipagtulungan sa Akin, pati na ang iyong pagkabigong makaunawa na Ako ang Diyos na nag-oobserba sa kaloob-loobang puso ng tao. Ito ang pauna Kong itinadhana, at napinsala mo ang iyong sarili dahil sa sarili mong mga walang kuwentang pandaraya; ikaw ang gumawa nito sa iyong sarili! Ang pagkahulog mo sa Hades ay hindi pagmamaltrato sa iyo! Ito ang iyong katapusan; ito ang iyong kinalabasan!

Mga pinagpalang panganay na anak! Kaagad tumindig at magbunyi! Kaagad tumindig at magpuri! Mula ngayon, hindi na magkakaroon ng pait at wala nang pagdurusa; lahat ay nasa mga kamay natin. Ang sinumang kaisa Ko sa puso at isipan ay isang taong minamahal Ko, at hindi kailangang magdusa ng sakuna. Anumang nais ng puso mo, makakasiguro Ako na tutuparin Ko ito (ngunit hindi ito puwedeng arbitraryo), ito ang gawain Ko.

Sinundan:  Kabanata 68

Sumunod:  Kabanata 70

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger