Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita

Sa Kapanahunan ng Kaharian, gumagamit ang Diyos ng mga salita upang pasimulan ang bagong kapanahunan, baguhin ang paraan ng Kanyang paggawa, at gawin ang gawain ng buong kapanahunan. Ito ang prinsipyong ginagamit ng Diyos sa paggawa sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay naging tao at nagsasalita mula sa iba’t ibang perspektiba, nagbibigay-kakayahan sa tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao, at mamasdan ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan upang mas mainam na makamit ang mga layon ng paglupig sa mga tao, paggawang perpekto sa mga tao, at pagtitiwalag sa mga tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng mga salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng mga salita, nakikilala ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang nararapat pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng mga salita, ang lahat ng gawaing nais gawin ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay naisasakatuparan. Sa pamamagitan ng mga salita, ang mga tao ay ibinubunyag at itinitiwalag, at sinusubukan. Ang mga tao ay nakita na ang mga salitang ito, narinig na ang mga salitang ito, at kinilala na ang pag-iral ng mga salitang ito. Dahil dito, naniwala na sila sa pag-iral ng Diyos, sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos, at sa puso ng Diyos sa pagmamahal at pagliligtas sa tao. Ang terminong “mga salita” ay maaaring ordinaryo at simple, ngunit ang mga salitang sinambit mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang sansinukob; binabago nila ang puso ng mga tao, binabago ang kanilang mga kuru-kuro at dating disposisyon, at binabago ang dating anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganitong paraan, at Siya lamang ang nangungusap nang gayon at nagliligtas sa tao nang gayon. Mula sa oras na ito, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng pagpapastol at pagtutustos ng Kanyang mga salita; namumuhay ang lahat ng tao sa mundo ng mga salita ng Diyos, sa gitna ng mga sumpa at pagpapala ng mga salita ng Diyos, at ang karamihan ng tao ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita. Ang mga salita at ang gawaing ito ay pawang para sa kaligtasan ng tao, para matupad ang kalooban ng Diyos, at para mabago ang orihinal na anyo ng mundo ng dating paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo gamit ang mga salita, inaakay Niya ang lahat ng tao sa sansinukob gamit ang mga salita, nilulupig at inililigtas Niya sila gamit ang mga salita, sa huli, gagamitin Niya ang mga salita upang wakasan ang buong dating mundo, sa gayon ay makumpleto ang kabuuan ng Kanyang plano ng pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, gumagamit ng mga salita ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain, at makamtan ang mga resulta ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa ng mga kababalaghan o nagsasagawa ng mga himala, kundi ginagawa lamang ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng mga salita. Dahil sa mga salitang ito, napapalusog at natutustusan ang lahat ng tao, at nagkakamit ng pagkakilala at tunay na karanasan. Sa Kapanahunan ng Salita, ang tao ay lubhang napagpala. Hindi siya nagdaranas ng pisikal na sakit at nagtatamasa lamang ng saganang panustos ng mga salita ng Diyos; nang hindi na kinakailangang pikit-matang maghanap o magtatakbo kung saan-saan, sa gitna ng kanyang kaginhawaan, nakikita niya ang pagpapakita ng Diyos, naririnig niyang mangusap ang Diyos gamit ang sariling bibig, tinatanggap niya yaong ibinibigay ng Diyos, at nakikita niyang personal na ginagawa ng Diyos ang gawain. Ito ang mga bagay na hindi natamasa ng mga tao noong nakaraang mga kapanahunan, at ito ay mga pagpapalang hindi nila kailanman natanggap.

Matibay na naipasya ng Diyos na gawing ganap ang tao, at anuman ang perspektiba ng pagsasalita Niya, lahat ito ay para magawang perpekto ang mga tao. Ang mga salitang sinambit mula sa perspektiba ng Espiritu ay mahirap maunawaan ng mga tao; wala silang paraan para makita ang landas para makapagsagawa, sapagkat limitado ang kanilang abilidad na makaarok. Ang gawain ng Diyos ay nagkakamit ng iba’t ibang epekto, at sa pagsasagawa sa bawat hakbang ng gawain ay mayroon Siyang layunin. Bukod pa riyan, kailangang mangusap Siya mula sa iba’t ibang perspektiba, sapagkat sa paggawa lamang nito Niya maaaring gawing perpekto ang tao. Kung nagsasalita lamang Siya mula sa perspektiba ng Espiritu, walang paraan para makumpleto ang yugtong ito ng gawain ng Diyos. Mula sa tono ng Kanyang pananalita, makikita mo na determinado Siyang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Kaya ano dapat ang unang hakbang para sa bawat isa sa mga naghahangad na magawang perpekto? Higit sa lahat, kailangan mong makilala ang gawain ng Diyos. Ngayon, nagsimula na ang isang bagong paraan sa gawain ng Diyos; nagbago na ang kapanahunan, nagbago na rin ang paraan ng paggawa ng Diyos, at iba na ang pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos. Ngayon, hindi lamang nagbago ang paraan ng Kanyang gawain, kundi pati na ang kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Ito rin ang kapanahunan ng pagmamahal sa Diyos. Isang patikim ito ng Kapanahunan ng Milenyong Kaharian; ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian ay siya ring Kapanahunan ng Salita, kung saan gumagamit ang Diyos ng maraming kaparaanan ng pagsasalita upang gawing perpekto ang tao, at nagsasalita mula sa iba’t ibang perspektiba upang tustusan ang tao. Sa pagpasok sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, nagsisimulang gumamit ang Diyos ng mga salita upang gawing perpekto ang tao, na tinutulutan ang tao na makapasok sa buhay realidad at inaakay siya patungo sa tamang landas. Pagkatapos makaranas ng napakaraming hakbang ng gawain ng Diyos, nakita na ng tao na ang gawain ng Diyos ay hindi nananatiling hindi nagbabago, kundi umuunlad at lumalalim nang walang tigil. Matagal na itong naranasan ng mga tao, at sa panahong iyon ay paulit-ulit na nagbabago ang gawain, paulit-ulit na napapalitan. Gayunman, gaano man ito nagbabago, hindi ito lumilihis kailanman mula sa layunin ng Diyos na maghatid ng kaligtasan sa sangkatauhan. Kahit magbago pa nang sampung libong beses, hindi ito lumilihis sa orihinal nitong layunin kailanman. Paano man maaaring magbago ang pamamaraan ng gawain ng Diyos, hindi kailanman lumalayo ang gawaing ito sa katotohanan o sa buhay. Ang kasama sa mga pagbabago sa pamamaraan ng paggawa ng gawain ay isang pagbabago lamang sa ayos ng gawain, at sa perspektiba ng pagsasalita ng Diyos; walang pagbabago sa pinakabuod na layon ng gawain ng Diyos. Ginagawa ang mga pagbabago sa tono ng tinig ng Diyos at sa pamamaraan ng Kanyang gawain upang may makamit na epekto. Ang isang pagbabago sa tono ng tinig ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa layunin o prinsipyo sa likod ng gawain. Ang pananampalataya sa Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahangad ng buhay; kung nananampalataya ka sa Diyos subalit hindi ka naghahangad ng buhay, ng katotohanan o ng pagkakilala sa Diyos, hindi ito pananampalataya sa Diyos! At makatotohanan bang hangarin pa ring makapasok sa kaharian upang maging hari? Ang pagkakamit ng tunay na pagmamahal para sa Diyos sa pamamagitan ng paghahangad ng buhay—ito lamang ang realidad; ang paghahangad at pagsasagawa ng katotohanan—lahat ng ito ay realidad. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos, at kasabay nito ang pagdanas sa mga salitang ito, maaarok mo ang pagkakilala sa Diyos sa gitna ng aktuwal na karanasan, at ito ang tunay na paghahangad.

Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Kung nakapasok ka sa bagong kapanahunang ito ay nakadepende sa kung nakapasok ka sa realidad ng mga salita ng Diyos, kung naging buhay realidad mo ang Kanyang mga salita. Ang mga salita ng Diyos ay nagpapakita sa bawat tao upang, sa huli, lahat ng tao ay mabuhay sa mundo ng mga salita ng Diyos, at liliwanagan at tatanglawan ng Kanyang mga salita ang kalooban ng bawat tao. Kung, sa panahong ito, hindi ka maingat sa pagbasa sa mga salita ng Diyos, at wala kang interes sa Kanyang mga salita, nagpapakita ito na mali ang iyong kalagayan. Kung hindi ka makapasok sa Kapanahunan ng Salita, hindi gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu; kung nakapasok ka sa kapanahunang ito, gagawin Niya ang Kanyang gawain. Ano ang magagawa mo sa pagsisimula ng Kapanahunan ng Salita upang matamo ang gawain ng Banal na Espiritu? Sa kapanahunang ito, at sa gitna ninyo, isasakatuparan ng Diyos ang sumusunod na katunayan: na bawat tao ay isasabuhay ang mga salita ng Diyos, magagawang isagawa ang katotohanan, at mamahalin ang Diyos nang buong puso; na gagamitin ng lahat ng tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang pundasyon at bilang kanilang realidad, at magkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, maghahari ang tao kasama ang Diyos. Ito ang gawaing isasakatuparan ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy nang hindi binabasa ang mga salita ng Diyos? Ngayon, pakiramdam ng marami ay hindi nila kayang magpatuloy nang kahit isa o dalawang araw lamang nang hindi binabasa ang Kanyang mga salita. Kailangan nilang basahin ang Kanyang mga salita araw-araw, at kung hindi tutulutan ng oras, sasapat nang makinig sila sa mga ito. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa mga tao, at ito ang paraan na sinisimulan Niya silang antigin. Ibig sabihin, kinokontrol Niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga salita, nang sa gayon ay makapasok sila sa realidad ng mga salita ng Diyos. Kung, pagkaraan ng kahit isang araw lamang na hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, makadarama ka ng kadiliman at pagkauhaw, at hindi mo ito matatagalan, ipinakikita nito na naantig ka na ng Banal na Espiritu, at na hindi ka pa Niya tinatalikuran. Ikaw, kung gayon, ay isang tao na nasa daloy na ito. Gayunman, kung pagkaraan ng isa o dalawang araw nang hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, wala kang anumang nadarama, kung hindi ka nauuhaw, at ni hindi ka man lamang naaantig, nagpapakita ito na tinalikuran ka na ng Banal na Espiritu. Nangangahulugan ito, kung gayon, na may hindi tama sa kalagayang nasa iyong kalooban; hindi ka pa nakapasok sa Kapanahunan ng Salita, at isa ka sa mga yaong naiwan. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang kontrolin ang mga tao; maganda ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang landas na susundan. Ang mga salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng mga tao, at ang puwersang nagtutulak sa kanila. Sinasabi sa Bibliya na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos” (Mateo 4:4). Ngayon, tatapusin ng Diyos ang gawaing ito, at isasakatuparan Niya ang katunayang ito sa inyo. Paanong nakakatagal ang mga tao nang maraming araw, noong araw, nang hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos subalit nakakakain at nakakagawa pa rin tulad ng dati, ngunit hindi ganito ang nangyayari ngayon? Sa kapanahunang ito, mga salita ang pangunahing ginagamit ng Diyos upang kontrolin ang lahat. Hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at sa wakas ay dinadala ng mga salitang ito sa kaharian. Tanging ang mga salita ng Diyos ang makapagtutustos sa buhay ng tao, at mga salita lamang ng Diyos ang makakapagbigay sa tao ng liwanag at isang landas ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Basta’t hindi ka lumalayo mula sa realidad ng mga salita ng Diyos, at kumakain at umiinom ka ng Kanyang mga salita araw-araw, gagawin kang perpekto ng Diyos.

Ang paghahangad ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring madaliin; ang paglago sa buhay ay hindi nangyayari sa loob lamang ng isa o dalawang araw. Ang gawain ng Diyos ay normal at praktikal, at may isang proseso itong kailangang pagdaanan. Kinailangan ni Jesus na nagkatawang-tao ng tatlumpu’t tatlo’t kalahating taon upang makumpleto ang Kanyang gawaing maipako sa krus—kaya paano pa kaya ang pagdadalisay sa tao at pagbabago sa kanyang buhay, na gawaing pinakamahirap? Hindi madaling gumawa ng isang normal na tao na nagpapamalas ng Diyos. Totoo ito lalo na para sa mga taong isinisilang sa bansa ng malaking pulang dragon, na mahina ang kakayahan at nangangailangan ng matagal na panahon ng mga salita at gawain ng Diyos. Kaya huwag kang mainip na makakita ng mga resulta. Kailangan kang maging maagap sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at higit na magsikap sa mga salita ng Diyos. Kapag natapos mong basahin ang Kanyang mga salita, kailangan mong tunay na maisagawa ang mga iyon, lumago sa kaalaman, kabatiran, pagkilatis, at karunungan sa mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan nito, magbabago ka nang hindi mo namamalayan. Kung nagagawa mong tanggapin bilang prinsipyo mo ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagbasa sa mga ito, pag-alam sa mga ito, pagdanas sa mga ito, at pagsasagawa ng mga ito, lalago ka nang hindi mo namamalayan. May mga nagsasabi na hindi nila naisasagawa ang mga salita ng Diyos kahit matapos nila itong basahin. Bakit ka nagmamadali? Kapag naabot mo ang isang tiyak na tayog, magagawa mong isagawa ang Kanyang mga salita. Masasabi ba ng isang apat o limang-taong gulang na bata na hindi niya magawang suportahan o bigyang-dangal ang kanyang mga magulang? Dapat mong malaman kung gaano kataas ang iyong kasalukuyang tayog. Isagawa kung ano ang kaya mong isagawa, at iwasang maging isang tao na gumagambala sa pamamahala ng Diyos. Kainin at inumin lamang ang mga salita ng Diyos, at tanggapin iyon bilang iyong prinsipyo mula ngayon. Huwag kang mag-alala, sa ngayon, kung magagawa kang ganap ng Diyos. Huwag mo munang siyasatin iyon. Tanggapin mo lamang ang mga salita ng Diyos at kainin at inumin ang mga ito, at titiyakin ng Diyos na magawa kang ganap. Gayunman, may isang prinsipyong kailangan mong sundin sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Huwag mo itong gawin nang pikit-mata. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa isang dako, hanapin ang mga salitang dapat mong malaman—yaong may kaugnayan sa mga pangitain—at sa kabilang dako, hanapin yaong dapat mong aktuwal na isagawa—kung ano ang dapat mong pasukin. Ang isang aspekto ay may kinalaman sa kaalaman, at ang isa pa ay sa pagpasok. Kapag naarok mo iyon pareho—kapag naarok mo kung ano ang dapat mong malaman at kung ano ang dapat mong isagawa—malalaman mo kung paano kainin at inumin ang mga salita ng Diyos.

Sa hinaharap, ang pag-uusap tungkol sa mga salita ng Diyos ang dapat na prinsipyo mo sa iyong pagsasalita. Karaniwan, kapag nagsasama-sama kayo, dapat kayong magbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos, na ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang nilalaman ng inyong mga pagbabahaginan, na pinag-uusapan kung ano ang alam ninyo tungkol sa mga salitang ito, kung paano ninyo isinasagawa ang mga ito, at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Basta’t nagbabahagi ka tungkol sa mga salita ng Diyos, tatanglawan ka ng Banal na Espiritu. Ang pagkamit sa mundo ng mga salita ng Diyos ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng tao. Kung hindi mo ito papasukin, walang paraan ang Diyos upang gumawa; kung ititikom mo ang iyong bibig at hindi ka mangungusap tungkol sa Kanyang mga salita, wala Siyang paraan upang tanglawan ka. Tuwing hindi ka naman abala, mangusap ka tungkol sa mga salita ng Diyos, at huwag makisali sa walang-kabuluhang pagdadaldalan! Hayaan mong mapuspos ng mga salita ng Diyos ang buhay mo—saka ka lamang magiging isang debotong mananampalataya. Hindi mahalaga kung mababaw ang iyong pagbabahagi. Kung walang kababawan, hindi magkakaroon ng kalaliman. Kailangan ay may isang proseso. Sa pamamagitan ng iyong pagsasanay, maaarok mo ang pagtanglaw ng Banal na Espiritu sa iyo, at kung paano epektibong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos. Pagkaraan ng ilang panahon ng pagtuklas, papasok ka sa realidad ng mga salita ng Diyos. Kung may determinasyon kang makipagtulungan, saka mo lang matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu.

Ang prinsipyo ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay may dalawang aspekto: ang isa ay may kaugnayan sa kaalaman, at ang isa pa ay sa pagpasok. Aling mga salita ang dapat mong malaman? Dapat mong malaman ang mga salitang may kaugnayan sa mga pangitain (tulad ng, yaong mga may kaugnayan sa kung aling kapanahunan na nakapasok ngayon ang gawain ng Diyos, ano ang nais makamit ng Diyos ngayon, ano ang pagkakatawang-tao, at iba pa; lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga pangitain). Ano ang ibig sabihin ng landas na dapat pasukin ng tao? Tumutukoy ito sa mga salita ng Diyos na dapat isagawa at pasukin ng tao. Ang mga nasa itaas ang dalawang aspekto ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Mula ngayon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan. Kung mayroon kang malinaw na pagkaunawa sa Kanyang mga salita tungkol sa mga pangitain, hindi na kailangang patuloy na magbasa sa lahat ng oras. Ang pinakamahalaga ay kumain at uminom ng higit pang mga salita ukol sa pagpasok, tulad ng paano ibaling ang puso mo sa Diyos, paano patahimikin ang puso mo sa harap ng Diyos, at paano maghihimagsik laban sa laman. Ito ang mga bagay na dapat mong isagawa. Kung hindi mo alam kung paano kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, imposible ang tunay na pagbabahaginan. Kapag alam mo na kung paano kumain at uminom ng Kanyang mga salita, kapag naarok mo na kung ano ang mahalaga, magiging malaya ang pagbabahaginan, at anumang isyu ang dumating, magagawa mong magbahagi at maintindihan ang realidad. Kung, kapag nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, wala kang realidad, kung gayon, hindi mo pa naaarok kung ano ang mahalaga, na nagpapakita na hindi mo alam kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Maaaring nakakabagot para sa ilan ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, na hindi isang normal na kalagayan. Ang normal ay hindi kailanman mabagot sa pagbasa sa mga salita ng Diyos, palaging mauhaw para sa mga ito, at palaging ituring na mabuti ang mga salita ng Diyos. Ganito kumain at uminom ng mga salita ng Diyos ang isang taong may tunay na pagpasok. Kapag nadarama mo na ang mga salita ng Diyos ay lubos na praktikal at siya mismong dapat pasukin ng tao; kapag nadarama mo na napakalaking tulong at kapaki-pakinabang sa tao ang Kanyang mga salita, at na ang mga ito ang panustos sa buhay ng tao—ang Banal na Espiritu ang nagbibigay sa iyo ng damdaming ito, at ang Banal na Espiritu ang umaantig sa iyo. Pinatutunayan nito na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa iyo at na hindi ka tinalikuran ng Diyos. Ang ilang tao, na nakikita na ang Diyos ay laging nagsasalita, ay nagsasawa sa Kanyang mga salita, at iniisip na hindi mahalaga kung basahin man nila ang mga ito o hindi—na hindi isang normal na kalagayan. Wala silang pusong nauuhaw na makapasok sa realidad, at ang gayong mga tao ay hindi nananabik ni nagpapahalaga na magawa silang perpekto. Tuwing nasusumpungan mo na hindi ka uhaw sa mga salita ng Diyos, nagpapakita ito na hindi normal ang iyong kalagayan. Sa nakaraan, malalaman kung tumalikod na ang Diyos sa iyo kung payapa ba ang iyong kalooban at kung nakaranas ka ba ng kasiyahan. Ngayon ang mahalaga ay kung uhaw ka sa mga salita ng Diyos, kung ang Kanyang mga salita ay iyong realidad, kung ikaw ay tapat, at kung nagagawa mo ang lahat ng makakaya mo para sa Diyos. Sa madaling salita, hinahatulan ang tao sa pamamagitan ng realidad ng mga salita ng Diyos. Itinutuon ng Diyos ang Kanyang mga salita sa buong sangkatauhan. Kung handa kang basahin ang mga ito, liliwanagan ka Niya, ngunit kung hindi, hindi Niya gagawin iyon. Binibigyang-liwanag ng Diyos ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, at nililiwanagan Niya ang mga naghahanap sa Kanya. Sinasabi ng ilan na hindi sila niliwanagan ng Diyos kahit matapos nilang basahin ang Kanyang mga salita. Ngunit sa paanong paraan mo binasa ang mga salitang ito? Kung binasa mo ang Kanyang mga salita sa isang pahapyaw na paraan, at hindi pinahalagahan ang realidad, paano ka maliliwanagan ng Diyos? Paano Niya magagawang perpekto ang isang taong hindi nagpapahalaga sa mga salita ng Diyos? Kung hindi mo pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi mapapasaiyo ang katotohanan ni ang realidad. Kung pinahahalagahan mo ang Kanyang mga salita, maisasagawa mo ang katotohanan, at saka lamang mapapasaiyo ang realidad. Kaya nga kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, abala ka man o hindi, masama man ang iyong sitwasyon o hindi, at sinusubukan ka man o hindi. Sa kabuuan, ang mga salita ng Diyos ang pundasyon ng pag-iral ng tao. Walang sinumang dapat tumalikod sa Kanyang mga salita, bagkus ay kailangang kumain ng Kanyang mga salita tulad ng pagkain nang tatlong beses sa isang araw. Ganoon ba kadaling magawang perpekto at makamit ng Diyos? Nauunawaan mo man o hindi sa ngayon, at mayroon ka mang kabatiran sa gawain ng Diyos o wala, kailangan mong mas kumain at uminom pa ng mga salita ng Diyos. Ito ang pagpasok sa isang maagap na paraan. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, magmadaling isagawa kung ano ang kaya mong pasukin, at pansamantalang isantabi kung ano ang hindi mo kayang pasukin. Maaaring marami sa mga salita ng Diyos ang hindi mo maunawaan sa simula, ngunit pagkaraan ng dalawa o tatlong buwan, marahil ay kahit isang taon, mauunawaan mo ang mga ito. Paano mangyayari ito? Ito ay dahil hindi magagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa loob ng isa o dalawang araw. Madalas, kapag binasa mo ang Kanyang mga salita, hindi mo ito mauunawaan kaagad. Sa sandaling iyon, hindi mahalaga kung paano mo man basahin ang mga ito, magmumukhang mga salita lamang ang mga iyon; kailangan mong maranasan ang mga iyon nang ilang panahon bago mo maunawaan ang mga iyon. Dahil napakarami nang nasabi ng Diyos, dapat mong gawin ang lahat upang kainin at inumin ang Kanyang mga salita, at pagkatapos, nang hindi namamalayan, mauunawaan mo ang mga ito, at nang hindi namamalayan, bibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas ay lingid ito sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan ka Niya kapag ikaw ay nauuhaw at naghahanap. Ang prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu ay na ito ay nakasentro sa mga salita ng Diyos na iyong kinakain at iniinom. Lahat ng hindi nagpapahalaga sa mga salita ng Diyos at palaging iba ang saloobin tungkol sa Kanyang mga salita—na naniniwala, sa kanilang magulong pag-iisip, na hindi mahalaga kung binabasa nila ang Kanyang mga salita o hindi—ay yaong mga walang realidad. Hindi makikita ang gawain ng Banal na Espiritu ni ang kaliwanagang hatid Niya sa gayong tao. Ang mga taong katulad nito ay palamunin, at sila ay mga mapagpanggap na walang totoong mga kakayahan, tulad ni Mr. Nanguo sa talinghaga.

Kung wala ang mga salita ng Diyos bilang iyong realidad, wala kang tunay na tayog. Pagdating ng panahon ng pagsubok, tiyak na babagsak ka, at pagkatapos ay mabubunyag ang iyong tunay na tayog. Ngunit yaong mga regular na naghahangad na pumasok sa realidad, kapag nahaharap sa mga pagsubok, ay makakaunawa sa layunin ng gawain ng Diyos, at na ang sinumang taong may konsensiya, at nauuhaw sa Diyos, ay dapat gumawa ng praktikal na pagkilos upang masuklian ang Diyos sa Kanyang pagmamahal. Yaong mga walang realidad ay hindi makakatayo nang matatag kahit sa harap ng maliliit na bagay. Gayon ang pagkakaiba sa pagitan ng mga may tunay na tayog at ng mga wala. Bakit kaya, bagama’t sila ay kapwa kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nagagawa ng ilan na tumayo nang matatag sa gitna ng mga pagsubok, samantalang ang iba ay tumatakas? Ang malinaw na pagkakaiba ay na walang tunay na tayog ang ilan; wala sa kanila ang mga salita ng Diyos upang magsilbing kanilang realidad, at ang Kanyang mga salita ay hindi nag-ugat sa kanilang kalooban. Kapag sinubukan na sila, wala silang landas. Kung gayon, bakit nagagawang manindigan ng ilan sa gitna ng mga pagsubok? Dahil ito sa nauunawaan nila ang katotohanan at mayroon silang isang pangitain, at nauunawaan nila ang mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga hinihingi, at sa gayon ay nagagawa nilang manindigan sa oras ng mga pagsubok. Ito ay tunay na tayog, at ito rin ay buhay. Maaari ding basahin ng ilan ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, hindi sineseryoso ang mga ito; yaong mga hindi sineseryoso ang mga ito ay hindi pinahahalagahan ang pagsasagawa. Yaong mga walang mga salita ng Diyos para magsilbing kanilang realidad ay yaong mga walang tunay na tayog, at ang gayong mga tao ay hindi makakapanindigan nang matatag sa oras ng mga pagsubok.

Kapag binibigkas ang mga salita ng Diyos, dapat mong tanggapin kaagad ang mga ito, at kainin at inumin ang mga ito. Gaano man karami ang nauunawaan mo, ang isang pananaw na kailangan mong kapitan ay ang pagkain at pag-inom, pag-alam, at pagsasagawa ng Kanyang mga salita. Ito ay isang bagay na dapat mong magawa. Huwag mo nang isipin kung gaano kataas ang iyong magiging tayog; magtuon ka lamang sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita. Dito dapat makipagtulungan ang tao. Sa iyong espirituwal na buhay, pangunahing dapat mong subukang pumasok sa realidad ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at pagsasagawa ng mga iyon. Huwag mong pagtuunan ang anupamang ibang bagay. Iyong mga namumuno sa iglesia ay dapat magabayan ang lahat ng kanilang kapatid para alam nila kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Ito ang responsabilidad ng bawat isang taong namumuno sa iglesia. Bata man sila o matanda, lahat ay dapat ituring ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos na napakahalaga at dapat isapuso ang Kanyang mga salita. Ang pagpasok tungo sa realidad na ito ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Ngayon, pakiramdam ng karamihan ng mga tao ay hindi sila mabubuhay nang hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at pakiramdam nila ay sariwa ang Kanyang mga salita anumang oras. Ang ibig sabihin nito ay na nagsisimula silang tumahak sa tamang landas. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang gawin ang Kanyang gawain at tustusan ang tao. Kapag nasasabik at nauuhaw ang lahat para sa mga salita ng Diyos, papasok ang mga tao sa mundo ng Kanyang mga salita.

Napakarami nang nasabi ng Diyos. Gaano karami ang nalaman mo? Gaano karami ang napasok mo? Kung hindi nagabayan ng mga namumuno sa iglesia ang kanilang mga kapatid tungo sa realidad ng mga salita ng Diyos, naging pabaya na sila sa kanilang responsabilidad, at nabigong tuparin ang kanilang mga responsabilidad! Malalim man o mababaw ang iyong pagkaunawa, anuman ang antas ng iyong pagkaarok, kailangan mong malaman kung paano kumain at uminom ng Kanyang mga salita, kailangan mong labis na pagtuunan ang Kanyang mga salita, at unawain ang kahalagahan at pangangailangan ng pagkain at pag-inom ng mga iyon. Dahil napakarami nang nasabi ng Diyos, kung hindi mo kinakain at iniinom ang Kanyang mga salita, o hinahangad ang mga ito, o isinasagawa ang mga ito, hindi ito matatawag na pananampalataya sa Diyos. Dahil nananampalataya ka sa Diyos, kailangan mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, danasin ang Kanyang mga salita, at isabuhay ang Kanyang mga salita. Ito lamang ang matatawag na pananampalataya sa Diyos! Kung nananampalataya ka sa Diyos sa salita subalit hindi mo naisasagawa ang anuman sa Kanyang mga salita o naipapamalas ang anumang realidad, hindi ito tinatawag na pananampalataya sa Diyos. Sa halip, ito ay “paghahangad na makinabang hangga’t nais.” Ang pagsasalita lamang ng maliliit na patotoo, walang-silbing mga bagay, at mababaw na mga bagay, nang wala ni katiting na realidad: ang mga ito ay hindi katumbas ng pananampalataya sa Diyos, at sadyang hindi mo naarok ang tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Bakit mo kailangang mas kainin at inumin pa ang mga salita ng Diyos? Kung hindi ka kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita kundi naghahangad ka lamang na mapunta sa langit, pananampalataya ba iyon sa Diyos? Ano ang unang hakbang na dapat gawin ng isang nananampalataya sa Diyos? Sa anong pamamaraan ginagawang perpekto ng Diyos ang tao? Maaari ka bang magawang perpekto nang hindi ka kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos? Maituturing ka bang isang tao ng kaharian kung hindi nagsisilbing iyong realidad ang mga salita ng Diyos? Ano nga ba talaga ang pananampalataya sa Diyos? Ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat man lamang kumilos nang maayos sa labas; ang pinakamahalaga sa lahat ay ang magtaglay ng mga salita ng Diyos. Anuman ang mangyari, hindi ka maaaring tumalikod kailanman mula sa Kanyang mga salita. Ang pagkilala sa Diyos at pagtugon sa Kanyang mga layunin ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Sa hinaharap, bawat bansa, denominasyon, relihiyon, at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Magsasalita nang tuwiran ang Diyos, at lahat ng tao ay hahawakan ang mga salita ng Diyos sa kanilang mga kamay, at sa pamamagitan nito, sila ay magagawang perpekto. Sa loob at sa labas, ang mga salita ng Diyos ay lumalaganap saanman: Ang lahat ay magbibigkas ng mga salita ng Diyos gamit ang kanilang bibig, magsasagawa alinsunod sa mga salita ng Diyos, at magpapanatili ng mga salita ng Diyos sa loob nila, nananatiling nakababad sa mga salita ng Diyos kapwa sa loob at sa labas. Sa ganitong paraan, sila ay magagawang perpekto. Yaong mga tumutugon sa mga layunin ng Diyos at nagagawang magpatotoo para sa Kanya ay ang mga taong nagtataglay ng mga salita ng Diyos bilang kanilang realidad.

Ang pagpasok sa Kapanahunan ng Salita—ang Kapanahunan ng Milenyong Kaharian—ay ang gawaing isinasakatuparan ngayon. Mula ngayon, magsanay sa pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at pag-inom gayundin sa pagdanas ng mga salita ng Diyos mo maaaring isabuhay ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong magpakita ng ilang praktikal na karanasan upang makumbinsi ang iba. Kung hindi mo maisasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos, walang mahihimok! Lahat ng kinakasangkapan ng Diyos ay kayang magsabuhay sa realidad ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo maipapamalas ang realidad na ito para makapagpatotoo sa Diyos, nagpapakita ito na hindi pa gumawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at na hindi ka nagawang perpekto. Ito ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos. Mayroon ka bang pusong uhaw sa mga salita ng Diyos? Yaong mga uhaw sa mga salita ng Diyos ay uhaw sa katotohanan, at ang gayong mga tao lamang ang pinagpapala ng Diyos. Sa hinaharap, magsasalita ng marami pang salita ang Diyos sa lahat ng relihiyon at lahat ng denominasyon. Nagsasalita muna Siya at bumibigkas ng Kanyang tinig sa gitna ninyo upang gawin kayong ganap bago magpatuloy sa pagsasalita at pagbigkas ng Kanyang tinig sa gitna ng mga Hentil upang lupigin sila. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, lahat ay taos-puso at lubos na makukumbinsi. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos at ng Kanyang mga paglalantad, nababawasan ang tiwaling disposisyon ng tao, nakakamit niya ang anyo ng isang tao, at nababawasan ang kanyang mapaghimagsik na disposisyon. Ang mga salita ay gumagawa sa tao nang may awtoridad at nilulupig ang tao sa loob ng liwanag ng Diyos. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kasalukuyang kapanahunan, gayundin ang mga punto ng pagbabago sa Kanyang gawain, ay matatagpuang lahat sa loob ng Kanyang mga salita. Kung hindi mo babasahin ang Kanyang mga salita, wala kang mauunawaan. Sa pamamagitan ng iyong sariling pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, at pakikipagbahaginan sa iyong mga kapatid at ng iyong aktuwal na mga karanasan, matatamo mo ang buong kaalaman sa mga salita ng Diyos. Saka mo lamang tunay na maisasabuhay ang realidad ng mga ito.

Sinundan:  Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang may Taos na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Sumunod:  Ang Lahat ay Naisasakatuparan ng Salita ng Diyos

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger