Ang Diwa at Pagkakakilanlan ng Tao

Sa katunayan, hindi nabigo ang mga Israelita; nakita nila ang gawaing ginagawa ng Diyos sa loob ng nakaraang anim na libong taon, sapagkat hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng mga ninuno nila ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan, na iniregalo ng diyablo sa kanila, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang kabutihan ay palaging sa Akin, samantalang ang kasamaan ay sa diyablo na humihimok sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni hindi Ko sila pinupuksa nang walang awa at isinasailalim sa walang-awang pagkastigo, sapagkat ang kasamaan ay hindi sa sangkatauhan sa simula. Samakatwid, bagamat hayagan Akong ipinako sa krus ng mga Israelita na iyon, sila, na naghihintay sa Mesiyas at kay Jehova at nananabik sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nila kailanman nakalimutan ang pangako Ko: Sapagkat hindi Ko sila inabandona. Kahit na kinuha Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa sangkatauhan; ang katotohanang ito ang naging “dugong tipan” na nakaukit sa puso ng mga bata pa at walang salang taong ito, tulad ng tatak at walang hanggang nakasandig sa isa’t isa tulad ng langit at lupa. Sapagkat hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang itinalaga, pinili, at kalaunan ay tinubos at nakamit Ko, at na mas minahal Ako kaysa sa pagmamahal nila sa diyablo, sabik nilang inaasahan ang pagbabalik Ko at marubdob na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakagugulat na taimtim silang naghihintay. Bibihagin Kong muli ang Aking mga tupa na maraming taon nang naliligaw, sapagkat palagi Kong minamahal ang mga tao; naidagdag lamang ang mga sangkap ng kasamaan sa kabutihang nasa loob nila. Makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwang nagmamahal sa Akin at na siyang matagal Ko nang minamahal, ngunit paano Ko madadala sa tahanan Ko ang mga masasamang hindi Ako kailanman minahal, at na gaya ng mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa kaharian Ko ang mga inapo ng diyablo at ng ulupong na kinamumuhian, sinasalungat, nilalabanan, sinasalakay, at isinusumpa Ako, sa kabila ng tipan na itinatag Ko sa tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung bakit Ko ba talaga ginagawa ang gawain Ko, at kung para kanino Ko ito isinasakatuparan. Naglalaman ba ang pagmamahal mo ng mabuti o masama? Ang kaalaman mo ba sa Akin ay katulad ng kay David at Moises o hindi? Ang paglilingkod mo ba sa Akin ay kagaya ng kay Abraham o hindi? Totoong ginagawa Kitang perpekto, ngunit dapat mong malaman kung sino ang kakatawanin mo, pati na kung kanino ka aani ng kaparehong mga bunga. Sa buong buhay mo, sa karanasan mo sa gawain Ko, buong-galak ka bang umani ng masaganang ani? Masagana at mabunga ba ito? Dapat kang magsuri sa sarili mo: Nagtiis ka ng ilang taon ng paghihirap para sa kapakanan Ko, ngunit mayroon ka bang anumang natamo? Sumailalim ka ba sa anumang pagbabago o nagtamo ng anuman? Bilang kapalit ng mga pagdanas mo ng pagdurusa, naging katulad ka ba ni Pedro na ipinako sa krus, o kagaya ni Pablo na inilugmok at tumanggap ng isang matinding liwanag? Dapat ay may kamalayan ka tungkol sa mga bagay na ito. Hindi Ako palaging nagsasalita o nakatuon sa buhay mo, na mas maliit pa kaysa sa binhi ng mustasa at kasing liit ng isang butil ng buhangin. Upang maging malinaw, ang sangkatauhan ang siyang pinamamahalaan Ko. Gayunman, hindi Ko itinuturing ang buhay ng tao, na kinasuklaman Ko nang minsan ngunit kalaunan ay pinulot muli, bilang isang mahalagang bahagi ng pamamahala Ko. Dapat kang magkaroon ng malinaw na ideya tungkol sa inyong dating pagkakakilanlan, gayundin sa kung kanino kayo naging mga alipin. Kaya naman, hindi ko ginagamit ang mala-Satanas na mukha ng tao bilang hilaw na sangkap upang pamahalaan ang tao, sapagkat hindi mahalagang bagay ang tao. Dapat ninyong maalala ang saloobin Ko sa inyo sa simula, at alalahanin ang paraan ng pagsasalita Ko sa inyo noon—hindi isang pangalang walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong mabatid na hindi walang mga dahilan ang mga bansag sa inyo. Ipinapalagay Ko na nababatid ninyong lahat na hindi kayo orihinal na hinirang ng Diyos, ngunit maagang nabihag ni Satanas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matatapat na tagapaglingkod, at matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng tahanan Ko at nasa mga kamay ng diyablo. Ang mga taong inililigtas Ko ay mga matagal Ko nang itinalaga at mga tinubos Ko, samantalang kayo ay mga kaawa-awang kaluluwa na inilagay sa gitna ng sangkatauhan bilang mga eksepsyon sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa tahanan ni David o ni Jacob, kundi kay Moab, at na mga miyembro kayo ng mga pamilyang Hentil. Sapagkat hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, kundi gumawa lamang ng gawain, nagsalita sa gitna ninyo, at inakay kayo. Hindi dumanak ang dugo Ko para sa inyo; isinasakatuparan Ko lamang ang gawain Ko sa gitna ninyo alang-alang sa patotoo Ko. Hindi ba ninyo alam ito? Ang gawain Ko ba ay talagang kagaya ng kung paano nilabasan ng dugo hanggang mamatay si Jesus para sa inyo? Hindi sulit sa simula pa lamang na nagtiis Ako ng ganito kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, ay agad na pumunta sa isang labis na napakanakapandidiring lugar, isang mundo ng mga baboy at ng mga aso na hindi karapat-dapat tirahan ng tao, subalit tiniis Ko pa rin ang lahat ng malulupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Ama Ko at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong mabatid kung ano ang asal ninyo, at makita na hindi kayo mga anak na isinilang sa “mga mayayaman at makapangyarihang pamilya,” kundi mga naghihikahos na supling ni Satanas lamang. Hindi rin kayo ang mga patriyarka ng sangkatauhan, ni wala kayong mga karapatang pantao o kalayaan. Sa simula ay wala kayong bahagi na kahit na ano pa man sa mga pagpapala ng sangkatauhan ni ng kaharian ng langit. Ito ay dahil nasa pinakamababang antas kayo ng sangkatauhan, at hindi Ko kailanman naisip ang kinabukasan ninyo. Samakatwid, bagaman bahagi ng plano Ko ngayon na magkakaroon Ako ng kumpiyansa upang gawin kayong perpekto, isa itong gawain na wala pang nakagagawa, sapagkat napakababa ng katayuan ninyo at sa simula ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba’t isa talaga itong pagpapala sa tao?

Ang mga inililigtas Ko ay mga kaluluwang matagal Ko nang pinalaya mula sa purgatoryo, sila ang hinirang na mga tao na matagal Ko nang binisita, sapagkat hinangad nila ang Aking muling pagpapakita sa kanila. Minahal nila Ako, at iniukit sa mga puso nila ang tipan Ko, na itinatag Ko sa pamamagitan ng dugo, sapagkat minahal Ko sila. Kagaya sila ng mga naligaw na tupa na naghahanap sa Akin sa loob ng maraming taon, at likas silang mabubuti; samakatwid, tinatawag Ko silang mabubuting Israelita at kaibig-ibig na mga munting anghel. Hindi Ako magdurusa ng ganitong kahihiyan kung kasama Ko sila. Ito ay dahil mas minamahal nila Ako kaysa sa pagmamahal nila sa sarili nilang mga buhay, at minamahal Ko sila bilang pinakamagaganda sa lahat ng bagay. Ito ay dahil nilikha at hinirang Ko sila; hindi nila Ako kailanman nakalimutan. Nahihigitan ng pagmamahal nila ang sa inyo, at mas minamahal nila Ako kaysa sa pagmamahal ninyo sa mga sarili ninyong buhay. Nagpapasakop sila sa Akin tulad ng pagpapasakop ng mga munting puting kalapati sa himpapawid, at sa mga puso nila ay mas may pagpapasakop sila sa Akin, higit kaysa sa pagpapasakop sa inyong puso. At ito ay dahil mga inapo sila ni Jacob, supling ni Adan, at Aking hinirang na mga tao, sapagkat minahal Ko sila nang matagal na panahon—at mas lalo Ko silang minahal kaysa sa inyo; ito ay dahil masyado kayong maraming paghihimagsik, mayroon kayong matinding paglaban, masyado ninyo Akong minamaliit, masyado kayong malamig sa Akin, napakaliit ng pagmamahal ninyo sa Akin, at masyado ninyo Akong kinapopootan. Masyado ninyong hinahamak ang gawain Ko at kinamumuhian ang mga kilos Ko. Hindi kagaya nila, hindi ninyo kailanman itinuring na mga kayamanan ang mga gawa Ko. Sa halip, kinamumuhian ninyo sila, namumula ang mga mata ninyo sa pagkayamot kagaya ng kay Satanas. Nasaan ang pagpapasakop ninyo? Nasaan ang integridad ninyo? Nasaan ang pagmamahal ninyo? Kailan ninyo naipakita ang mga sangkap ng pagmamahal na nasa loob ninyo? Kailan ninyo sineryoso ang gawain Ko? Kaawaan nawa ang maririkit na anghel na sabik na inaabangan ang pagdating Ko at matinding nagdurusa habang marubdob na naghihintay sa Akin, sapagkat minamahal Ko sila nang labis. Gayunman, ang nakikita Ko ngayon ay isang hindi-taong mundo na walang kinalaman sa kanila. Hindi ba ninyo naiisip na matagal nang naging manhid at walang pakiramdam ang mga budhi ninyo? Hindi ba ninyo naiisip na kayo ang mga basurang humahadlang sa muling pagsasama Ko at ng maririkit na anghel na iyon?[a] Kailan ba sila hindi naghihintay sa pagbabalik Ko? Kailan ba sila hindi naghihintay na muli Akong makasama? Kailan ba sila hindi umaasang gumugol ng magagandang araw na kasama Ako at kumakaing kasama Ako? Napagtatanto ba ninyo kung ano ang ginagawa ninyo ngayon: nag-aamok sa buong mundo; nagpapakana laban sa isa’t isa; nililinlang ang isa’t isa; lumalahok sa panlilinlang at itinatago ang katotohanan; walang anumang pagkaramdam ng kahihiyan; hindi nababatid ang katotohanan; kumikilos nang may pagiging baliko at panlilinlang; nambobola; nagiging mapagmagaling, labis na magpahalaga sa sarili, at mapagmataas; at mabangis kagaya ng mga ligaw na hayop sa mga kabundukan at kasingbagsik ng hari ng mga hayop—angkop ba sa isang tao ang mga asal na ito? Kayo ay bastos at hindi makatwiran. Hindi ninyo kailanman pinahalagahan bilang mga kayamanan ang mga salita Ko, ngunit sa halip ay nagkaroon ng isang mapanghamak na saloobin sa mga ito. Kung mayroong mga ganitong bagay, paano magkakaroon ng mga tagumpay, ng isang tunay na buhay ng tao, at ng magagandang maaasahan? Tunay ka bang sasagipin ng iyong maluluhong imahinasyon mula sa bibig ng tigre? Tunay ka bang sasagipin nito mula sa nagliliyab na apoy? Mahuhulog ka ba sa puntong ito kung totoong itinuring mong walang kasing halagang kayamanan ang gawain Ko? Maaari kaya talagang hindi maaaring mabago ang kapalaran mo? Handa ka bang mamatay nang may ganitong mapapait na panghihinayang?

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Hindi ba ninyo naiisip na kayo ang mga basurang sumisira sa muling pagsasama Ko at ng maririkit na anghel na iyon?”

Sinundan:  Ang Layunin ng Pamamahala sa Sangkatauhan

Sumunod:  Ang Likas na Pagkakakilanlan ng Tao at ang Kanyang Halaga: Ano Ba Talaga ang mga Ito?

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger