Kabanata 112

Na “sabay na nagaganap ang mga salita at katunayan” ay bahagi ng Aking matuwid na disposisyon. Mula sa mga salitang ito, tiyak na ipapakita Ko sa lahat ang Aking disposisyon sa kabuuan nito. Iniisip ng mga tao na hindi ito matatamo, subalit para sa Akin ay madali at kaaya-aya ito, at walang pagsisikap na kailangan. Sa sandaling lumabas ang Aking mga salita mula sa Aking bibig, kaagad na may isang katunayang makikita ng lahat. Ito ang Aking disposisyon. Ang Aking sinabi ay tiyak na matutupad. Kung hindi, Ako ay hindi magsasalita. Sa mga kuru-kuro ng tao, ang salitang “kaligtasan” ay sinasabi para sa lahat ng tao, ngunit hindi ito katugma ng Aking layunin. Sinabi Ko noon, “Palagi Kong inililigtas ang mga mangmang at ang masisigasig na naghahangad.” Dito, ang salitang “inililigtas” ay sinabi patungkol sa mga nagseserbisyo para sa Akin, at nilayon nito na magbigay Ako ng espesyal na pagtrato sa gayong mga tagapagserbisyo. Sa madaling salita, babawasan Ko ang pagkastigo sa mga taong iyon. Gayumpaman, ang baliko at mapanlinlang na mga tagapagserbisyong iyon ay mapabibilang sa mga masasawi, na ibig sabihin, ipasasailalim Ko sila sa matinding kaparusahan. (Bagama’t sila ay kasama sa mga masasawi, labis na higit silang parurusahan kaysa sa mga masasawi: Tatanggap sila ng matinding kaparusahang walang hanggan, at ang kaparusahan ng mga taong ito ay ang kaparusahan ng mga diyablo at ni Satanas. Ito rin ang tunay na kahulugan ng ibig Kong sabihin nang sinabi Ko na ang mga taong iyon ay ang mga inapo ng malaking pulang dragon.) Pero hindi Ko ginagamit ang ganitong mga uri ng mga salita tungkol sa Aking mga panganay na anak; tungkol sa kanila, sinasabi Ko na babawiin Ko ang Aking mga panganay na anak at na muli silang babalik sa Sion. Samakatwid, palagi Kong sinasabi na ang Aking mga panganay na anak ay ang Aking mga paunang itinadhana at hinirang. Orihinal na kabilang sa Akin ang Aking mga panganay na anak at nagmula sila sa Akin, kaya dapat silang bumalik dito sa Akin. Kung ihahambing ang mga anak at mga tao sa mga panganay na anak—ito ang talagang agwat sa pagitan ng langit at lupa: Bagaman ang mga anak at ang mga tao ay higit na mas mabuti kaysa sa mga tagapagsilbi, sa anumang paraan ay hindi sila ang mga kabilang sa Akin. Masasabi rin na ang mga anak at ang mga tao ay karagdagang pinili mula sa sangkatauhan. Sa gayon, palagi Kong itinutuon ang Aking lakas sa mga panganay na anak, at pagkatapos ay hahayaan Ko ang mga panganay na anak na gawing ganap ang mga anak at ang mga taong ito. Ito ang Aking mga hakbang ng gawain sa hinaharap. Ngayon ay walang saysay na sabihin ito sa inyo, kaya bihira Ko itong nabanggit sa mga anak at sa mga tao, ngunit sa mga panganay na anak lang paulit-ulit Ko nang sinabi at paulit-ulit nang binanggit ang mga usaping ito. Ito ang paraan ng pagsasalita at paggawa Ko. Walang makapagbabago nito—Ako lang ang may huling pasya tungkol sa lahat.

Araw-araw, nakikipaglaban Ako sa inyong mga kuru-kuro, at araw-araw, hinihimay Ko ang bawat isa sa inyo. Kapag nagsalita na Ako hanggang sa isang partikular na punto, bumabalik kayo sa dati at muling pinaghihiwalay ang Aking pagkatao mula sa Aking pagka-Diyos. Sa puntong ito, dumating na ang panahon para ihayag ang mga tao: Iniisip ng mga tao na nabubuhay pa rin Ako sa katawang-tao at talagang hindi Ako ang Diyos Mismo, na tao pa rin Ako at ang Diyos ay Diyos pa rin, at na walang kinalaman sa Aking persona ang Diyos. Napakatiwaling sangkatauhan ito! Napakaraming salita ang nasabi Ko na noon, subalit matagal na ninyong itinuturing ang mga ito na parang hindi umiiral ang mga ito, at pinupuno Ako nito ng pagkamuhi sa inyo na sagad sa Aking mga buto! Tunay, dahil dito ay kinapopootan Ko kayo! Sinong nangangahas na basta-bastang makagawa ng pagkakasala laban sa Akin, Ako na ang ganap na Diyos Mismo, Ako na taglay ang kapwa pagkatao at ganap na pagka-Diyos? Sinong nangangahas na labanan Ako sa kanilang mga isipan? Matapos mag-umpisang bumaba ang Aking malalaking sakuna, parurusahan Ko sila isa-isa, hindi hahayaang makawala ang sinuman, ngunit sa halip ay parurusahan silang lahat nang matindi. Personal na gumagawa ang Aking Espiritu. Hindi ibig sabihin nito na hindi Ako ang Diyos Mismo; sa kabaligtaran, mas lalo pa nga itong nangangahulugan na Ako ang Diyos Mismo na makapangyarihan sa lahat. Hindi Ako nakikilala ng mga tao—nilalabanan nila Akong lahat at hindi nila namamasdan ang Aking pagkamakapangyarihan-sa-lahat mula sa Aking mga salita, ngunit sa halip ay sinusubukan nilang hanapin ang isang bagay sa Aking mga salita na magagamit nila laban sa Akin at maghanap ng kamalian sa Akin. Kapag nagpakita Ako isang araw kasama ng Aking mga panganay na anak sa Sion, uumpisahan Kong harapin ang mga nilalang na ito. Sa panahong ito, pangunahin Kong ginagawa ang gawaing ito. Kapag nagsalita na Ako hanggang sa isang partikular na punto, mag-aatrasan ang isang malaking bilang ng mga tagapagserbisyo, at magdurusa rin ang mga panganay na anak sa lahat ng uri ng mga paghihirap. Sa pagsulong nitong dalawang hakbang ng gawain, magwawakas ang isang yugto ng Aking gawain. Kasabay nito, ibabalik Ko sa Sion ang Aking mga panganay na anak. Ito ang mga hakbang ng Aking gawain.

Isang kailangang-kailangang bahagi ng Aking kaharian ang Aking mga panganay na anak, makikita mula rito na ang Aking persona ay talagang ang kaharian—ang pagsilang ng Aking kaharian ay kasunod ng kapanganakan ng Aking mga panganay na anak. Sa madaling salita, umiiral na ang Aking kaharian simula pa noong panahon ng paglikha ng mundo, at ang pagkakamit sa Aking mga panganay na anak (ibig sabihin ay pagbawi sa Aking mga panganay na anak) ay pagpapanumbalik sa Aking kaharian. Mula rito, makikita mo na napakahalaga ng mga panganay na anak. Tanging kapag umiiral na ang Aking mga panganay na anak saka mabubuo ang kaharian, mangyayari ang realidad ng paghahari sa kapangyarihan, magkakaroon ng bagong buhay, at maaari nang wakasan ang lumang kapanahunan sa kabuuan nito. Ito ang di-maiiwasang direksyon. Dahil nasa posisyong ito ang mga panganay na anak, sumasagisag sila sa pagkawasak ng mundo, sa pagkawasak ni Satanas, sa paghahayag ng mga tunay na kulay ng mga tagapagserbisyo, at ng katunayan na hindi na magkakaroon ng mga inapo at bababa sa lawa ng apoy at asupre ang malaking pulang dragon—samakatwid, ang mga nasa kapangyarihan at ang lahat ng inapo ng malaking pulang dragon ay paulit-ulit na gumagawa ng paghadlang, paglaban, at pagwasak. Samantala, paulit-ulit Kong itinataas, ipinapamalas, at pinatototohanan ang Aking mga panganay na anak. Sapagkat ang mga nagmula lang sa Akin ang karapat-dapat na magpatotoo sa Akin; sila lang ang kalipikadong isabuhay Ako, at sila lang ang may saligan na lumaban sa digmaan at manalo ng magandang tagumpay para sa Akin. Ang mga hiwalay sa Akin ay walang iba kundi isang pirasong putik sa Aking kamay—mga nilikha, bawat isa sa kanila. Silang mga anak at mga tao ay walang iba kundi ang mas mahuhusay na hinirang mula sa mga nilikha, pero hindi sila kabilang sa Akin. Kaya, may napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng mga panganay na anak at mga anak. Ang mga anak ay hindi kalipikado na maihambing sa mga panganay na anak kahit kaunti—pinamamahalaan at pinangingibabawan sila ng mga panganay na anak. Dapat maging napakalinaw nito sa inyo ngayon! Totoo ang bawat salitang sinabi Ko, at hindi huwad sa anumang paraan. Bahagi ang lahat ng ito ng pagpapahayag ng Aking persona, at ito ang Aking pagbigkas.

Nasabi Ko nang hindi Ako nangungusap ng hungkag na mga salita, at hindi Ako nagkakamali; sapat na ito para ipakita ang Aking pagiging kapita-pitagan. Pero hindi alam ng mga tao kung ano ang makabubuti sa kanila, at lubusan lang silang nakukumbinsi kapag sumasapit na sa kanila ang Aking pagkastigo; kung hindi, nananatili silang mapaghimagsik at sutil. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit Ko ang pagkastigo para gumanti laban sa buong sangkatauhan. Sa mga kuru-kuro ng tao, yamang Ako ang nag-iisa at tanging Diyos Mismo, bakit napakaraming panganay na anak na nagmumula sa Akin? Masasabi Ko ito nang ganito: Sa Aking sariling mga usapin, nagsasalita Ako tungkol sa mga ito sa anumang paraang nais Ko. Ano ang kayang gawin ng tao sa Akin? Masasabi Ko rin ito nang ganito: Bagaman kami ng mga panganay na anak ay hindi iisa ang wangis, parehas kami ng Espiritu, kaya magagawa nilang maging kaisa Ko sa isipan habang nakikipagtulungan sila sa Akin. Ang dahilan kung bakit hindi iisa ang aming wangis ay upang makita ng lahat ng tao ang bawat bahagi ng Aking persona nang may pambihirang kalinawan. Ito ang dahilan kaya hinahayaan Ko ang Aking mga panganay na anak na mamuno sa di-mabilang na mga bayan at tao kasama Ko. Ito ang katapusan ng Aking mga atas administratibo. (Ang “katapusan” na ito na sinasabi Ko ay nangangahulugan na ang Aking tono ay malumanay at nagsimula na Akong magsalita sa mga anak at sa mga tao.) Mayroong pagdududa ang karamihan sa mga tao hinggil sa aspektong ito, pero hindi nila kailangang magduda masyado. Isa-isa Kong ilalantad ang lahat ng kuru-kuro ng mga tao, para mahiya sila at walang mapagtaguan. Naglalakbay Ako sa buong sansinukob at hanggang sa mga dulo ng mundo, at pinagmamasdan ang buong mukha ng sansinukob. Sinisiyasat Ko ang bawat uri ng tao—walang makatatakas sa Aking kamay. Nakikibahagi Ako sa bawat uri ng bagay, at walang hindi Ko personal na pinangangasiwaan. Sinong nangangahas na ikaila ang Aking pagkamakapangyarihan-sa-lahat? Sinong nangangahas na hindi lubos na makumbinsi tungkol sa Akin? Sinong nangangahas na hindi ganap na magpatirapa sa harapan Ko? Magbabago ang buong kalangitan dahil sa Aking mga panganay na anak, at lalong higit pa roon, matinding mayayanig ang buong lupa dahil sa Akin at sa Aking mga panganay na anak. Luluhod ang lahat ng tao sa harapan ng Aking persona, at tiyak na mapasasailalim sa kontrol ng Aking mga kamay ang lahat ng bagay—nang walang kahit katiting na pagkakamali. Lahat ay dapat lubusang makumbinsi at darating ang bawat isang bagay sa Aking sambahayan at magseserbisyo sa Akin. Ito ang huling bahagi ng Aking mga atas administratibo. Simula ngayon, ang bawat artikulo ng Aking mga atas administratibo, na pumupuntirya sa iba’t ibang tao, ay mag-uumpisang magbunga. (Lubusang ipinaaalam sa madla ang Aking mga atas administratibo, at nagawa na ang angkop na mga pagsasaayos para sa bawat uri ng tao at bawat isang bagay. Bilang resulta, ang lahat ng tao ay paroroon sa kanilang tamang lugar, at malalantad ang tunay na mga kulay ng bawat uri ng tao dahil sa Aking mga atas administratibo.) Gayon ang magiging pagbaba ng totoo at aktuwal na mga atas administratibo.

Ngayon, ayon sa mga hakbang ng Aking gawain, sinasabi Ko ang nais Kong sabihin, at dapat seryosohin ng lahat ang Aking mga salita. Sa lahat ng kapanahunan, nabanggit na ng bawat banal ang tungkol sa “Bagong Jerusalem,” at nalalaman ito ng lahat, ngunit walang nakauunawa ng tunay na kahulugan ng terminong ito. Habang ang gawain ngayon ay umabot na sa yugtong ito, ibubunyag Ko ang tunay na kahulugan ng terminong ito sa inyo, upang maunawaan ninyo ito. Ngunit may isang limitasyon—paano Ko man ipaliwanag ito, at gaano Ko man kalinaw sabihin ito, hindi ninyo kailanman ganap na mauunawaan, dahil walang sinuman ang makakaabot sa realidad ng terminong ito. Sa nakalipas, tumutukoy ang Jerusalem sa tirahan Ko sa lupa, ibig sabihin, ang dako kung saan Ako lumalakad at gumagalaw. Subalit binabago ng salitang “bago” ang terminong ito, at hinding-hindi na ito katulad ng dati. Hindi ito naaarok ng mga tao kahit kaunti. Iniisip ng ilang tao na tumutukoy ito sa Aking kaharian; iniisip ng ilang tao na ito ang Aking persona; iniisip ng ilang tao na ito ang bagong langit at lupa; at iniisip ng ilang tao na ito ang bagong mundo na darating matapos Kong wasakin ang mundong ito. Kahit na ang isip ng tao ay masyadong masalimuot at may kakayahan para sa mayamang imahinasyon, hindi pa rin niya kayang maarok ang anuman tungkol dito. Sa lahat ng kapanahunan, inaasam-asam na ng mga tao na malaman o makita ang tunay na kahulugan ng terminong ito, ngunit hindi pa nila nagawang matupad ang kanilang mga pagnanais—namatay silang lahat na bigo, iniwan ang kanilang mga inaasam; dahil hindi pa dumarating ang Aking oras, hindi Ko basta-bastang nagawang sabihin kaninuman. Yamang nagawa na ang Aking gawain hanggang sa yugtong ito, sasabihin Ko sa inyo ang lahat. Nasasaklaw ng Bagong Jerusalem ang apat na bagay na ito: ang Aking poot, ang Aking mga atas administratibo, ang Aking kaharian, at ang walang katapusang mga pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa Aking mga panganay na anak. Ang dahilan kung bakit ginagamit Ko ang terminong “bago” ay dahil nakatago ang apat na bahaging ito. Dahil walang nakakaalam sa Aking poot, walang nakakaalam sa Aking mga atas administratibo, wala pang nakakita sa Aking kaharian, at wala pang nakapagtamasa sa Aking mga pagpapala, ang “bago” ay tumutukoy sa kung ano ang natatago. Walang lubusang makauunawa sa kung ano ang nasabi Ko na, dahil bumaba na sa lupa ang Bagong Jerusalem ngunit walang personal na nakaranas ng realidad ng Bagong Jerusalem. Kahit gaano Ako lubusang magsalita tungkol dito, hindi ito lubusang mauunawaan ng mga tao. Kahit na may isang nakauunawa, ang pagkaunawang ito ay mga salita, isipan, at mga kuru-kuro lang niya. Ito ang di-maiiwasang direksyon; ito ang landas na dapat tahakin, at walang makakaalis mula rito.

Sinundan:  Kabanata 111

Sumunod:  Kabanata 113

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger