Kabanata 30

Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay pagliligtas sa buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung hindi kayo makapasa sa pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, maaari kayong mag-aral at kumuha muli ng pagsusulit kahit ilang ulit ninyo naisin. Gayunman, ang Aking araw ay hindi na maaantala. Tandaan! Tandaan! Ito ang mababait na salita Ko ng pagpapayo. Nagaganap ang katapusan ng mundo sa harap mismo ng inyong mga mata, at matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna. Ano ang mas mahalaga: ang buhay ninyo, o ang inyong pagtulog, ang inyong pagkain at inumin at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito. Huwag nang magduda pa at huwag umiwas sa pagiging sigurado!

Kahabag-habag! Napakadukha! Napakabulag! Napakalupit ng mga tao! Talagang nagbibingi-bingihan kayo sa Aking salita—nagsasalita ba Ako sa inyo nang walang saysay? Napakapabaya pa rin ninyo—bakit? Bakit ganoon? Hindi ba talaga ninyo ito naisip kailanman? Para kanino Ko sinasabi ang mga bagay na ito? Maniwala sa Akin! Ako ang inyong Tagapagligtas! Ako ang inyong Pinakamakapangyarihan sa Lahat! Magbantay! Magbantay! Ang nawalang oras ay hindi na maibabalik kailanman—tandaan ito! Walang gamot sa mundo ang nakapaghihilom sa panghihinayang! Kaya, paano Ako dapat makipag-usap sa inyo? Hindi ba karapat-dapat ang Aking salita sa inyong maingat at paulit-ulit na pagsasaalang-alang? Napakapabaya ninyo sa Aking mga salita at napakairesponsable sa inyong buhay; papaano Ko matitiis ito? Papaano Ko ito magagawa?

Bakit hindi nagkaroon ng wastong buhay-iglesia sa inyo sa buong panahong ito? Ito ay dahil kulang kayo ng pananampalataya; hindi kayo handa na magbayad ng halaga, na ihandog ang inyong mga sarili, na gugulin ang inyong mga sarili sa harapan Ko. Gising, Aking mga anak na lalaki! Maniwala sa Akin, Aking mga anak na lalaki! Aking minamahal, bakit hindi ninyo isanasaalang-alang kung ano ang nasa puso Ko?

Sinundan:  Kabanata 29

Sumunod:  Kabanata 31

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger