Kabanata 22

Ang manampalataya sa Diyos ay hindi isang bagay na madaling gawin. Sumusunod kayo nang magulo ang isip, kinakain ang lahat at iniisip na napakasarap nito, napakamalasa! Ang ilan sa inyo ay pinapalakpakan pa nga ito—wala kayong pagkilatis sa inyong espiritu. Isa itong karanasan na karapat-dapat suriin nang seryoso. Sa mga huling araw, lumilitaw ang lahat ng uri ng espiritu para gampanan ang kanilang mga papel, hayagang sinasalungat ang pag-usad ng mga anak ng Diyos at nakikibahagi sa pagsabotahe sa pagtatayo ng iglesia. Kung babalewalain ninyo ito at bibigyan ninyo si Satanas ng mga pagkakataong gumawa, masasadlak sa ganap na kaguluhan ang iglesia, matataranta ang mga tao at mawawalan ng daan palabas, at sa malulubhang kaso ay maglalaho ang mga pangitain ng mga tao. Kaya, ang lahat ng dugo ng puso na iginugol Ko sa loob ng maraming taon ay mawawalan ng saysay.

Ang panahon ng pagtatayo sa iglesia ay panahon din na pinakawalang-habas si Satanas. Pinakamadalas gamitin ni Satanas ang ilang tao para magsanhi ng mga panggugulo at paggambala, at yaong hindi nakakakilala sa mga espiritu at yaong mga bagong mananampalataya ang maaaring pinakamadaling gumanap sa papel ni Satanas. Kadalasan, dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kumikilos sila nang walang-pakundangan, ganap na naaayon sa sarili nilang mga kagustuhan, sa sarili nilang mga paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, at sa sarili nilang mga kuru-kuro. Pigilan mo ang iyong dila—para ito sa sarili mong proteksyon. Magpasakop nang wasto at sumunod. Ang iglesia at lipunan ay magkaiba. Hindi sa dapat kang magsalita nang dahil lang gusto mong magsalita; hindi sa dapat mong sabihin ang anumang sumagi sa isipan mo. Hindi iyan maaari rito, dahil ito ang sambahayan ng Diyos. Hindi tinatanggap ng Diyos ang paraan ng tao ng paggawa ng mga bagay-bagay. Kailangan mong gawin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagsunod sa Espiritu; kailangan mong isabuhay ang mga salita ng Diyos, at saka ka lamang hahangaan ng iba. Dapat kang sumandig sa Diyos para malutas muna ang mga paghihirap sa loob mo, at iwaksi ang iyong bulok na disposisyon. Dapat magawa mong tunay na maunawaan ang sarili mong kondisyon at alamin kung paano ka dapat kumilos, at higit na makipagbahaginan tungkol sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan. Hindi katanggap-tanggap na hindi makilala ng isang tao ang kanyang sarili. Pagalingin mo muna ang sarili mong sakit, at, sa pamamagitan ng mas madalas na pagkain at pag-inom ng Aking mga salita at pagbubulay-bulay sa mga ito, ipamuhay mo ang iyong buhay at kumilos ka batay sa Aking mga salita; nasa bahay ka man o sa ibang lugar, dapat mong hayaan ang Diyos na maghari sa loob mo. Kung iwawaksi mo ang laman at pagiging natural at palaging hahayaan ang mga salita ng Diyos na mamahala sa loob mo, hindi mo kakailanganing mag-alala na hindi magbabago ang iyong buhay; sa paglipas ng panahon, mararamdaman mo na malaki na ang ipinagbago ng iyong disposisyon. Dati, sabik kang maging sentro ng atensyon at hindi ka magpaparaya kaninuman, o kaya ay mayroon kang mga ambisyon, mapagmagaling, at puno ng pride. Unti-unti mong iwawaksi ang mga bagay na ito. Kung nais mong iwaksi ang mga iyon ngayon mismo, imposible iyan! Ito ay dahil hindi hahayaan ng dati mong pagkatao ang iba na salingin ito, napakalalim ng mga ugat niyon. Kaya, kailangan mong magsagawa ng sariling pagsisikap, aktibong magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu, gamitin ang iyong kalooban upang makipagtulungan sa Diyos, at maging handang isagawa ang Aking mga salita. Kung magkasala ka, didisiplinahin ka ng Diyos. Kapag bumalik ka at nakaunawa, maaayos kaagad ang lahat sa iyong kalooban. Kung nagsasalita ka nang basta-basta, didisiplinahin ka kaagad sa loob-loob mo. Kapag nakikita mo na hindi nalulugod ang Diyos sa gayong mga bagay, tumigil ka kaagad, at mapapayapa ang kalooban mo. May ilang bagong mananampalataya na hindi nauunawaan kung ano ang mga damdamin ng buhay o kung paano mamuhay sa loob ng mga damdaming iyon. Kung minsan ay nagtataka ka, kahit wala kang nasabi, kung bakit hindi payapa ang kalooban mo. Sa gayong mga pagkakataon, ang iyong mga iniisip at ideya ang may mali. Kung minsan may sarili kang mga pagpili, mga kuru-kuro, at opinyon; kung minsan itinuturing mo na mas hamak ang iba kaysa sa iyo; kung minsan ay gumagawa ka ng sarili mong makikitid na kalkulasyon at hindi ka nagdarasal o hindi mo sinusuri ang iyong sarili. Ito ang dahilan kaya hindi payapa ang iyong kalooban. Marahil ay alam mo kung ano ang problema, kaya, agad kang tumawag sa pangalan ng Diyos sa puso mo, lumapit ka sa Diyos, at makakabawi ka. Kapag lalong nagiging balisa at nawawalan ng kapayapaan ang iyong puso, hinding-hindi mo dapat isipin na hinihingi sa iyo ng Diyos na magsalita ka! Ang mga bagong mananampalataya ay lalong dapat na maayos na magpasakop sa Diyos sa bagay na ito. Ang mga damdaming ibinibigay ng Diyos sa loob ng mga tao ay kapayapaan, kagalakan, kalinawan, at katatagan. Kadalasan, may mga tao na hindi nakakaunawa rito at talagang kumikilos sila nang walang-pakundangan at arbitraryo—pawang mga paggambala ang mga ito; maingat na bigyang-pansin ito. Kung madali kang magkaroon ng problemang ito, dapat ka munang uminom ng kaunting “gamot na pang-iwas”; kung hindi, lilikha ka ng mga paggambala at hahampasin ka ng Diyos. Huwag maging mapagmagaling; kunin mo ang mga kalakasan ng iba para punan ang sarili mong mga pagkukulang, panoorin kung paano namumuhay ang iba ayon sa mga salita ng Diyos, at tingnan kung karapat-dapat tularan ang kanilang mga pamumuhay, kilos, at pananalita. Kung itinuturing mo ang lahat ng iba pa bilang mas mababa kaysa sa iyo, ikaw ay mapagmagaling, palalo, at hindi nakapagpapatibay sa iba. Ang mahalaga ngayon ay ang tumuon sa buhay, ang kumain at uminom ng mas maraming salita Ko, ang dumanas ng Aking mga salita, ang kilalanin ang Aking mga salita, ang gawing tunay na iyong buhay ang Aking mga salita—ito ang pangunahing bagay. Kung hindi kayang mamuhay ang isang tao ayon sa mga salita ng Diyos, maaari bang maging may-gulang ang kanyang buhay? Hindi, hindi maaari! Dapat kang mamuhay ayon sa Aking mga salita sa lahat ng oras at gawing pamantayan ng pag-asal sa iyong buhay ang Aking mga salita, para maramdaman mo na ang pagkilos sa ganitong paraan ay nakakalugod sa Diyos, at ang pagkilos sa ganoong paraan ay kinamumuhian ng Diyos; at unti-unti, mapupunta ka sa tamang landas. Dapat mong maunawaan kung ano ang nagmumula sa Diyos at kung ano ang nagmumula kay Satanas. Ang nagmumula sa Diyos ay nagbibigay sa iyo ng higit na kalinawan tungkol sa mga pangitain, lalo kang inilalapit sa Diyos, binibigyang-kakayahan kang magbahagi ng taos-pusong pagmamahal sa iyong mga kapatid, ginagawa kang may kakayahang isaalang-alang ang pasanin ng Diyos, pinipigilan na mabawasan ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso, at binibigyan ka ng daan sa harapan na malalakaran. Ang nagmumula kay Satanas ay nagiging sanhi para maglaho ang iyong mga pangitain, at nagiging sanhi para mawala sa iyo ang lahat ng mayroon ka noon. Napapalayo ka sa Diyos, wala kang pagmamahal sa iyong mga kapatid, at mayroon kang pusong puno ng pagkamuhi. Wala kang daan palabas, ayaw mo nang ipamuhay ang buhay iglesia, at wala na ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso. Ito ay gawain ni Satanas, at ito rin ang kahihinatnan ng gawain ng masasamang espiritu.

Ngayon ay isang kritikal na sandali. Dapat ninyong panindigan nang maayos ang inyong huling pagbabantay, panatilihing matalas ang inyong mga espirituwal na mata para makilatis ninyo ang mabuti at masama, at ibigay ang lahat ng inyong pagsisikap sa pagtatayo ng iglesia. Alisin ang mga alipin ni Satanas, mga paggambala ng relihiyon, at ang gawain ng masasamang espiritu, at dalisayin ang iglesia, para maisakatuparan ang Aking kalooban nang walang hadlang at, sa napakaikling panahon bago ang mga sakuna, tunay kayong magawang ganap sa lalong madaling panahon at madala sa kaluwalhatian.

Sinundan:  Kabanata 21

Sumunod:  Kabanata 23

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger