Gawain at Pagpasok (2)

Ang inyong gawain at pagpasok ay labis na kulang; hindi pinahahalagahan ng tao kung paano gumawa at mas wala pa silang ingat pagdating sa buhay pagpasok. Hindi ito itinuturing ng tao bilang mga aral na dapat niyang pasukin; kaya, sa inyong karanasan, halos lahat ng nakikita ninyo ay mga walang-kabuluhang malikmata. Di-gaanong marami ang hinihiling sa inyo kung gawain ang pag-uusapan, ngunit, bilang isang taong gagawing perpekto ng Diyos, dapat ninyong matutunan ang inyong mga aral tungkol sa paggawa para sa Diyos upang kayo ay maging ayon sa mga layunin ng Diyos sa lalong madaling panahon. Sa nagdaang mga kapanahunan, iyong mga gumawa ay tinawag nang mga manggagawa o apostol, na mga salitang tumutukoy sa maliit na bilang ng mga taong kinakasangkapan ng Diyos. Gayunman, ang gawaing binabanggit Ko ngayon ay hindi lamang tumutukoy sa mga manggagawa o apostol, kundi sa halip ay patungkol ito sa lahat ng gagawing perpekto ng Diyos. Marahil ay marami ang di-gaanong interesado rito, ngunit, para sa kapakanan ng pagpasok, pinakamainam na pag-usapan ang katotohanan hinggil sa bagay na ito.

Hinggil sa gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay pumaroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng dako, at gumugol para sa Kanyang kapakanan. Bagama’t ang paniniwalang ito ay tama, masyado itong nakatuon sa iisang panig; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang ang magparoo’t parito para sa Diyos, sa halip, ito ay higit na ministeryo at pagtustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid, kahit pagkaraan nitong lahat ng taon ng karanasan, ang hindi kailanman nakaisip na gumawa para sa Diyos, dahil ang gawaing iniisip ng tao ay hindi tumutugma sa hinihingi ng Diyos. Samakatwid, walang anumang interes ang tao patungkol sa gawain, at ito mismo ang dahilan kung bakit labis na maka-isang panig din ang pagpasok ng tao. Ang pagpasok ninyong lahat ay dapat magsimula sa paggawa para sa Diyos, upang mas mainam kayong sumailalim sa lahat ng aspekto ng karanasan. Ito ang dapat ninyong pasukin. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagparoo’t parito para sa Diyos, kundi sa kung ang buhay ng tao at ang isinasabuhay ng tao ay nagagawang magbigay ng kasiyahan sa Diyos. Ang gawain ay tumutukoy sa paggamit ng mga tao ng kanilang katapatan sa Diyos at ng kanilang pagkakilala sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos, at magministeryo sa tao. Ito ang responsabilidad ng tao at ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Maaaring sabihin na ang pagpasok ninyo ang inyong gawain, at na naghahangad kayong pumasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na marunong kayong kumain at uminom ng Kanyang salita; ang mas mahalaga, kailangan ninyong malaman kung paano magpatotoo sa Diyos at makapaglingkod sa Diyos at makapagministeryo at makapaglaan sa tao. Ito ang gawain, at ito rin ang inyong pagpasok; ito ang dapat isakatuparan ng bawat tao. Marami ang nakatuon lamang sa pagparoo’t parito para sa Diyos at pangangaral sa lahat ng dako, subalit nakakaligtaan ang kanilang personal na karanasan at kinaliligtaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang dahilan kaya iyong mga naglilingkod sa Diyos ay naging iyong mga lumalaban sa Diyos. Ang mga taong ito, na naglilingkod na sa Diyos at nagmiministeryo sa tao sa loob ng napakaraming taon, ay itinuring na lamang na pagpasok ang paggawa at pangangaral, at walang sinumang nagturing sa kanilang indibidwal na espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, itinuring na nila ang kaliwanagang natatamo nila mula sa gawain ng Banal na Espiritu bilang puhunan para magturo sa iba. Kapag nangangaral, may pasanin sila at tinatanggap nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito ay inilalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Sa sandaling ito, iyong mga gumagawa ay nasisiyahan na sa sarili, na para bang naging indibidwal na espirituwal na karanasan na nila ang gawain ng Banal na Espiritu; pakiramdam nila, ang lahat ng salitang kanilang sinasambit ay kung ano sila, ngunit para bang ang sarili nilang karanasan ay hindi kasinglinaw ng kanilang nailarawan. Bukod dito, bago magsalita ay wala silang ideya kung ano ang kanilang sasabihin, ngunit kapag gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, tuluy-tuloy na dumadaloy palabas ang kanilang mga salita. Matapos kang makapangaral nang minsan sa gayong paraan, pakiramdam mo ay hindi kasingliit ng iyong akala ang iyong aktuwal na tayog, at kapag marami-rami nang ganitong sitwasyon kung saan gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, saka mo tinutukoy na mayroon ka nang tayog at nagkakamali ka ng paniniwala na ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at kung ano ka. Kapag palagi kang dumaranas sa ganitong paraan, magiging pabaya ka tungkol sa iyong sariling pagpasok, magiging tamad nang hindi mo napapansin, at hindi mo na pahahalagahan kahit kaunti ang iyong sariling pagpasok. Dahil dito, kapag nagmiministeryo ka sa iba, kailangan mong matukoy nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong tayog at ng gawain ng Banal na Espiritu. Mas mapapadali nito ang iyong pagpasok at maghahatid ng higit na pakinabang sa iyong karanasan. Kapag itinuring ng tao na indibidwal niyang karanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, pinagmumulan ito ng pagkatiwali. Kaya nga sinasabi Ko, anumang tungkulin ang inyong ginagawa, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang mahalagang aral.

Gumagawa ang isang tao upang matugunan ang mga layunin ng Diyos, upang dalhin ang lahat ng naaayon sa mga layunin ng Diyos sa Kanyang harapan, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawain ng Banal na Espiritu at gabay ng Diyos sa tao, at sa gayon ay napeperpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Samakatwid, kinakailangan na lubusang malinaw sa inyo ang diwa ng gawain. Ang bawat tao na ginagamit ng Diyos ay karapat-dapat na gumawa para sa Diyos, ibig sabihin, lahat ay may pagkakataong kasangkapanin ng Banal na Espiritu. Gayunman, may isang punto kayong kailangang matanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawaing iniatas ng Diyos, nabigyan na ng pagkakataon ang tao na kasangkapanin ng Diyos, ngunit ang sinasabi at alam ng tao ay hindi ganap na ang tayog ng tao. Ang tanging magagawa ninyo ay mas alamin ang inyong mga kakulangan habang ginagawa ninyo ang inyong gawain, at magkamit ng higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, mabibigyang-kakayahan kayo na makapagkamit ng mas mainam na pagpasok sa panahon ng inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang gabay na nagmumula sa Diyos bilang sarili niyang pagpasok at bilang isang bagay na likas sa loob niya, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Ang pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu sa mga tao ay nagaganap kapag sila ay nasa normal na kondisyon; sa gayong mga pagkakataon, madalas mapagkamalan ng mga tao ang kaliwanagang natatanggap nila bilang sarili nilang aktuwal na tayog, dahil ang paraan ng pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu ay lubhang normal, at ginagamit Niya kung ano ang likas sa loob ng tao. Kapag gumagawa at nagsasalita ang mga tao, o kapag nagdarasal sila at nag-eespirituwal na debosyon, biglang lumilinaw sa kanila ang isang katotohanan. Gayunman, ang totoo ay nakikita lamang ng tao ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu (natural, ang kaliwanagang ito ay konektado sa pakikipagtulungan ng tao) at hindi kumakatawan sa tunay na tayog ng tao. Pagkaraan ng isang panahon ng karanasan kung saan nakakaharap ng tao ang ilang paghihirap at pagsubok, ang tunay na tayog ng tao ay nabubunyag sa ilalim ng gayong mga sitwasyon. Noon lamang matutuklasan ng tao na ang kanyang tayog ay hindi gaanong mataas, at lalabas lahat ang kanyang mga makasariling pagnanais, personal na mga pagsasaalang-alang, kasakiman, at iba pang gayong mga bagay. Pagkaraan lamang ng ilang ulit na mga karanasang katulad nito matatanto ng maraming tao na mulat sa loob ng kanilang espiritu na ang kanilang naranasan noong araw ay hindi ang sarili nilang indibiduwal na realidad, kundi isang panandaliang pagtanglaw ng Banal na Espiritu, at na natanggap lamang ng tao ang liwanag na ito. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, kadalasan ay sa malinaw at tiyak na paraan, nang hindi ipinaliliwanag kung paano nangyari ang mga bagay-bagay o kung saan patungo ang mga ito. Ibig sabihin, sa halip na isama ang mga paghihirap ng tao sa pagbubunyag na ito, tuwiran Niyang ibinubunyag ang katotohanan. Kapag nakakaranas ang tao ng mga paghihirap sa proseso ng pagpasok, at pagkatapos ay isinasama niya ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu, nagiging praktikal na karanasan ito ng tao. Halimbawa, ganito ang sinabi ng isang kapatid na dalaga sa pagbabahagi: “Hindi tayo naghahangad ng kaluwalhatian at kayamanan o nag-iimbot sa kaligayahan ng pag-iibigan sa pagitan ng mag-asawa; hinahangad lamang natin na mag-ukol ng isang pusong dalisay at nakatuon sa Diyos.” Nagpatuloy siya sa pagsasabing: “Kapag nag-asawa na ang mga tao, marami silang pinoproblema, at ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay hindi na tunay. Laging nakatuon ang puso nila sa kanilang pamilya at asawa, kaya nga lalo pang nagiging komplikado ang kanilang panloob na mundo….” Habang nagsasalita siya, para bang ang namutawi sa kanyang bibig ay ang iniisip niya sa kanyang kanyang puso; ang mga salita niya ay malalim at makapangyarihan, na para bang lahat ng kanyang sinabi ay nagmula sa kaibuturan ng kanyang puso, at para bang taimtim niyang hinahangad na italaga nang lubusan ang kanyang sarili sa Diyos at umaasa siya na gayon din ang matibay na ipasya ng mga kapatid na katulad niya. Masasabi na ang iyong determinasyon at ang iyong damdamin ng pagkaantig sa sandaling ito ay lubos na nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nagbago ang pamamaraan ng gawain ng Diyos, tumanda ka na rin nang ilang taon; nakikita mo na lahat ng kaklase at kaibigan mo na kaedad mo ay nakapag-asawa na, o naririnig mo na pagkatapos mag-asawa ni ganito at ganoon, dinala siya ng kanyang asawa upang manirahan sa lungsod at nakakita siya ng trabaho roon. Kapag nakita mo siya, magsisimula kang mainggit, dahil nakikita mo na siya ay kahali-halina at maganda ang tindig mula ulo hanggang paa, at kapag kinakausap ka niya, may pagkasopistikado siya, hindi na mukhang probinsyana. Pumupukaw ito ng mga damdamin sa iyo. Ikaw, na gumugol para sa Diyos simula’t sapul, ay walang pamilya o propesyon, at nagtiis na ng napakaraming pagpupungos; matagal-tagal ka nang sumapit sa katanghaliang gulang, at unti-unti nang tahimik na naglaho ang iyong kabataan, na para bang nananaginip ka. Ngayon, nakarating ka na rito sa kasalukuyan, hindi mo alam kung saan ka pipirmi. Sa sandaling ito, napakarami mong naiisip bigla, na para bang ikaw ay nahihibang. Nag-iisa at hindi makatulog nang mahimbing, nahihirapang matulog sa buong magdamag, bago mo pa mamalayan ay nagsisimula kang mag-isip tungkol sa iyong matibay na pagpapasya at sa iyong taimtim na mga panata sa Diyos, at naghihimutok: “Bakit nasadlak pa rin ako sa gayong napakaabang kalagayan?” Hindi mo namamalayan, tahimik na tumutulo ang mga luha at lubha kang nasasaktan. Lumalapit ka sa Diyos upang manalangin, naalala mo, noong panahon na kasama mo ang Diyos, kung gaano kayo kalapit at hindi mapaghiwalay. Magkakasunod na lumilitaw ang mga tagpo sa iyong paningin, at ang pangakong ginawa mo sa araw na iyon ay muling umaalingawngaw sa iyong pandinig, “Hindi ba’t ang Diyos ang kaisa-isa kong katapatang-loob?” Sa pagkakataong ito, humahagulgol ka na: “Diyos ko! Minamahal na Diyos! Naipagkaloob ko na nang buong-buo ang puso ko sa Iyo. Nais kong maipangako ako sa Iyo magpakailanman, at mamahalin Kita palagi habang ako’y nabubuhay….” Habang nagpupunyagi ka sa matinding pagdurusang iyon, saka mo lamang talaga madarama kung gaano kaibig-ibig ang Diyos, at noon mo lamang malinaw na natatanto: Matagal ko nang ipinagkaloob sa Diyos ang lahat-lahat sa akin. Pagkatapos matiis ang gayong dagok, mas lalo kang nahihinog pagdating sa usaping ito, at nakikita mo na ang gawain ng Banal na Espiritu noon ay hindi isang bagay na taglay mo. Sa iyong mga karanasan pagkaraan nito, hindi ka na malilimitahan sa aspektong ito ng pagpasok; para bang ang mga pilat mula sa dati mong mga sugat ay nakabuti nang husto sa iyong pagpasok. Tuwing nahaharap ka sa ganitong sitwasyon, agad mong maaalala ang iyong mga luha sa araw na iyon, na para bang nakapiling mong muli ang Diyos matapos kang mahiwalay, at palagi kang matatakot na baka muling maputol ang iyong relasyon sa Diyos at baka mapinsala ang emosyonal na ugnayan (normal na relasyon) sa pagitan mo at ng Diyos. Ito ang iyong gawain at iyong pagpasok. Samakatwid, kasabay ng pagtanggap ninyo sa gawain ng Banal na Espiritu, dapat ninyong higit na pahalagahan ang inyong pagpasok, na nakikita kung ano talaga ang gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, gayundin ang pagsasama ng gawain ng Banal na Espiritu sa inyong pagpasok, upang mas matanggap ninyo ang pagpeperpekto ng Banal na Espiritu at upang ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay magawa sa inyo. Habang nararanasan ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu, makikilala ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong sarili, at bukod pa riyan, sa gitna ng napakaraming ulit na matitinding pagdurusa, magkakaroon kayo ng normal na relasyon sa Diyos, at ang relasyon ninyo sa Diyos ay mas magiging malapit araw-araw. Pagkaraan ng napakaraming pagkakataon ng pagpupungos at pagpipino, magkakaroon kayo ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Kaya kailangan ninyong matanto na ang pagdurusa, paghampas, at mga kapighatian ay hindi dapat katakutan; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ngunit hindi ng inyong pagpasok. Pagdating ng araw na tapos na ang gawain ng Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang inyong paggawa; bagama’t naranasan ninyo ang gawain ng Diyos, hindi ninyo makikilala ang Banal na Espiritu o hindi kayo magkakaroon ng sarili ninyong pagpasok. Ang kaliwanagang ginagawa ng Banal na Espiritu sa tao ay hindi upang panatilihin ang maalab na kasigasigan ng tao, kundi upang magbukas ng landas para sa pagpasok ng tao, gayundin upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula sa puntong ito ay magkaroon ng pusong may takot at labis na pagmamahal sa Diyos.

Sinundan:  Gawain at Pagpasok (1)

Sumunod:  Gawain at Pagpasok (3)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger