Tanong 5: Hindi ko pa rin nauunawaan. May imahe ba ng Diyos si Cristo? Nais ng Diyos na tularan natin si Cristo, at sa huli kung maisabuhay natin si Cristo, hindi ba’t magkakaroon tayo ng imahe ni Cristo? Kung gayon hindi ba tayo magiging Diyos?

Sagot: Sinasabi mo na sa pagtulad kay Cristo, ang isang tao ay maaaring mamuhay nang tulad ni Cristo at magiging Diyos. Kung gayon dapat muna nating maunawaan ang kakanyahan ni Cristo bago natin matukoy kung maaaring mamuhay ang tao nang tulad ni Cristo. Tingnan muna natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Si Cristo ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya’t ang kakanyahan ni Cristo ay kabanalan. Dito’y kailangan nating maunawaan na ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ng Diyos ay ang Banal na Espiritu, na ang Diyos Mismo. Ang kakanyahan ng buhay ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, mga pag-aari at pagkatao ng Diyos ay naging totoo sa katawang-tao. Dahil dito, ang buhay ni Cristo, ang disposisyon ni Cristo, at ang mga pag-aari at pagkatao ni Cristo ay nagmula sa pagiging totoo sa katawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Samakatuwid, si Cristo ay ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Sino ang makaaarok sa buhay ng Diyos? Ang buhay ng Diyos ay nangyari kay Cristo, kaya’t paano man hinahanap ng tao ang katotohanan, hindi siya kailanman maaaring mamuhay ayon sa kakanyahan ng buhay ni Cristo sapagkat si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang tao ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; wala sa kanya ang banal na kakanyahan. Paano siyang makapamumuhay nang tulad ni Cristo? Ito ay talagang imposible. May nagsabi na nais niyang tularan si Cristo at mamuhay nang tulad ni Cristo. Ito ay dahil sa hindi niya alam ang kakanyahan ni Cristo at sinasabi ang gayon kayabang na mga salita. Kung gayon, ang pahayag na “mamuhay na tulad ni Cristo” ay hindi balido. Si Cristo ang sagisag ng katotohanan. Ang kasaganaan ni Cristo ay walang hangganan. Gayunman, ang katotohanang ipinahayag ni Cristo ay may hangganan. Ito ay napakaliit na bahagi ng katotohanang ipinahayag batay sa tayog ng tao at sa kayang matamo ng tao. Kumpara sa kakanyahan ng buhay ni Cristo, ang mga katotohanang ito ay gaya ng isang patak sa karagatan. Kahit na maipamuhay ng tao ang maliit na bahagi ng katunayan ng katotohanan, magtaglay ng kaunting imahe ni Cristo, hindi ito maibibilang na talagang pamumuhay nang tulad ni Cristo. Ang pamumuhay nang tulad ni Cristo ay hindi kailanman matatamo ng tao. Gayunman hinahanap ng tao ang katotohanan, ang matatamo niya ay limitado. Tayo ay palaging mga sanggol sa harap ng Diyos, kaya’t hindi kailanman masasabi ng tao na kapag siya ay buhay, siya si Cristo. Ang pahayag na “Ang tao ay maaaring maging Diyos kung magagawa niyang mamuhay nang tulad ni Cristo” ay hindi talaga balido! Sinabi ni Pablo na siya si Cristo noong nabubuhay siya. Ito ay masyadong arogante at walang saysay. Ito ay hindi tugma sa katotohanan. Gusto ng ilang tao na tularan si Cristo. Hindi maaaring sabihin ng isang tao na ito ay mali. Upang tularan si Cristo, dapat tularan ng isang tao ang lubos na pagsunod ni Cristo sa Diyos, ang tunay na pagmamahal sa Diyos, pagsasagawa ng kalooban ng Diyos, at katapatan sa Diyos hanggang kamatayan. Ito ay pinupuri ng Diyos. Ngunit paano man natin tularan, totoo na hindi natin magagawang mamuhay nang tulad ni Cristo, sapagkat ang kakanyahan ng buhay ni Cristo ay sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi ito mula sa karanasan. Kaya’t hindi kailanman maaaring mamuhay ang isang tao nang tulad ni Cristo.

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Sinundan:  Tanong 4: Nang nabuhay muli ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao. Siya nga ang naging Espiritu. At sa gayo’y nananahan sa atin ang Espiritung nagbibigay-buhay, pinagsasama ang espiritu at tayo’y magiging isa. Kaya pa’nong ’di tayo magiging Diyos? Sabihin nyo paano naman ako magkakamali?

Sumunod:  Tanong 1: Lahat ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naglilingkod sa Diyos sa iglesia. Tama lang sabihing pagdating sa pagbalik ng Panginoon, dapat silang magmasid at maghintay, at saka mag-ingat. Pero ba’t ’di lang nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sa halip, tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at hinihigpitan ang nananalig sa tunay na daan?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger