Tanong 1: Lahat ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ay naglilingkod sa Diyos sa iglesia. Tama lang sabihing pagdating sa pagbalik ng Panginoon, dapat silang magmasid at maghintay, at saka mag-ingat. Pero ba’t ’di lang nila hinahanap o sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sa halip, tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, at hinihigpitan ang nananalig sa tunay na daan?

Sagot: Hindi naman talaga kakaiba ang tanong na ’yan. No’ng pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, naharap Siya agad sa pagtutol at pagtuligsa ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng mga relihiyon sa mundo, at ipinako nila Siya sa krus sa huli. Makasaysayang pangyayari ’yan. Kaya naman, isipin nating lahat, bakit ipinako sa krus ng mga relihiyoso ang Panginoong Jesus? Kung mauunawaan natin ang mga tanong na ’to, hindi magiging mahirap unawain kung ba’t ipinako ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at lahat ng ginagawa Niya ay mismong paghatol ng Diyos, pero nahaharap Siya sa matinding pagtuligsa at paglapastangan ng mga elder at pastor. Talagang nakakapagtaka ’yon. Ang ganitong pagtuligsa sa Diyos ay paglapastangan sa Espiritu Santo. Tulad ’yon ng pagpapako sa krus sa Cristo ng mga huling araw. Kaya napakabigat ng problemang ito. Hindi lang talaga ’to maintindihan ng ilan, at sinasabi nila na ang lahat ng pastor at elder ay naglilingkod sa Diyos, pero ba’t ’di nila hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan, sa halip tinutuligsa ’yon? May kaugnayan ’to sa kanilang pagkatao. Alam nating lahat na ang mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay naglingkod sa Diyos sa mga templo. Nang maglingkod sa kanila ang Panginoong Jesus, maraming tumanggap na may awtoridad nga at kapangyarihan ang Kanyang gawain at mga salita. Pero ba’t ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus? Base sa mga nakatala sa Biblia, alam nating niyanig ng pangangaral ng Panginoong Jesus ang buong Israel noon. Gumamit Siya ng limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang marami, pinalakad Niya’ng mga lumpo, ginamot ang bulag, muling binuhay ang patay at iba pa, na siyang yumanig sa buong Judea. Maraming nagpapalaganap ng pangalan ng Panginoong Jesus at ng katotohanan ng Kanyang gawain. Dumami rin nang dumami ang mga sumunod sa Kanya. Pero nang makita ’yon ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong iyon, nagtanim sila ng galit sa puso nila. Malinaw nilang alam sa puso nila na kung nagpatuloy ang Panginoong Jesus sa ginagawa Niya, hindi magtatagal, susunod na sa Kanya ang lahat ng mga Judio, at ’di magtatagal, mapaparalisa at magsasara ang buong Judaismo. Kaya nga para protektahan ang Judaismo at ang kabanalan ng Biblia, at ang totoo’y, pati na ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila’ng lahat para tuligsain at siraan ang Panginoong Jesus, at sa huli, nakipagsabwatan sila sa gobyerno ng Roma na ipako Siya sa krus. Gayun din, nakikita ng mga pastor na lahat ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay katotohanan, at may awtoridad at kapangyarihan. Pag ipinalaganap ito sa lahat ng mga relihiyosong nagmamahal sa katotohanan, kikilalanin nilang lahat na ito ang salita at tinig ng Diyos, at tatanggapin nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Kaya takot ang mga pastor na makita ng mga nananalig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at marinig ang tinig Niya. Mas takot silang susunod ang lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos dahil mawawala ang katayuan at kabuhayan nila. Dahil diyan, namumuhi sila sa Makapangyarihang Diyos at sinisiraan, hinuhusgahan at tinutuligsa nila Siya, ginagawa nila ang lahat para hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig sa tunay na daan. Malinaw na nakikita ’yan ng lahat ng taong nakakaintindi. Ipinapakita niyang ang ugat ng pagkalaban ng mga pastor sa Makapangyarihang Diyos ay tulad ng pagkalaban ng mga Fariseong Judio sa Panginoong Jesus. Pinangibabawan sila ng kademonyohan na sawa na at nagagalit sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Sapat na’ng mga pangyayari para patunayang sino mang mga pastor na kumakalaban sa Makapangyarihang Diyos, ay hindi talaga nagliingkod sa Diyos at katulad silang lahat ng mga ipokritong Fariseo. Lahat sila Anticristo.

Ang mga Fariseong Judio noon ay nalantad na mga anticristo dahil sa gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga pastor at elder sa kasalukuyan, ay nalantad ding mga anticristo dahil sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pare-pareho silang namumuhi sa katotohanan. Ang sabi nga sa Biblia: “Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo(2 Juan 1:7). “Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Diyos: ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Diyos: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na(1 Juan 4:2–3). Kaya makakasiguro tayong lahat ng ayaw tumanggap na dumating na ang Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Lahat ng tumutuligsa’t kumakalaban sa Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Siguradong tatanggapin ng mga tunay na nananalig ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sigurado namang tutuligsain at kakalabanin Siya ng mga hindi taos na nananalig at nakakakilala sa Diyos. Inilantad na ng gawain ng Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ang lahat ng anticristo at ihiniwalay ang mga tupa sa mga kambing, ang mabubuti sa masasama. Sa gano’n inayos ang tao ayon sa sarili niyang uri. Kaya kung hindi matukoy ng mga nananalig ang mga anticristo, napakadali silang malilinlang at makokontrol, at mahihirapan silang makabalik sa luklukan ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan:  Tanong 5: Hindi ko pa rin nauunawaan. May imahe ba ng Diyos si Cristo? Nais ng Diyos na tularan natin si Cristo, at sa huli kung maisabuhay natin si Cristo, hindi ba’t magkakaroon tayo ng imahe ni Cristo? Kung gayon hindi ba tayo magiging Diyos?

Sumunod:  Tanong 2: Pero madalas ipangaral ng mga pastor ang kasulatan sa mga tao, ipagdasal ang mga kapatid, at hinihiling sa mga taong panghawakan ang Biblia. Pag sinasabi natin na mga ipokritong Fariseo sila, hindi ’yon maiintindihan o matutukoy ng karamihan. Kaya, pakidetalye naman ’yon sa ’min.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger