Tanong 2: Tungkol sa mga salita ng Diyos sa Genesis. “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, at ayon sa ating wangis(Genesis 1:26). Di ko pa maintindihan. Kung nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis, Ibig bang sabihin, mayroon tayong imahe ng Diyos? Kung taglay natin ang imahe ng Diyos, tao ba tayo o isang Diyos?

Sagot: Ayon sa Genesis, ang sabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis(Genesis 1:26). Pero hindi Niya sinabi na nilalang Niya ang Diyos ayon sa Kanyang larawan Kahit nilalang Niya ang tao sa Kanyang larawan at wangis hindi ibig sabihin na gagawin Niyang Diyos ang tao. Sabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa’ting larawan, at ayon sa ating wangis.” Anong tinutukoy na “larawan” sa talatang ito sa Biblia? Tumutukoy ang “imahe” sa Disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon ang Diyos, at ang sangkap ng buhay ng Diyos, na tumutukoy din sa katotohanan. Kung isasabuhay natin ang katotohanang inihayag ng Niya, magkakaro’n ng imahe ng katotohanan ang imahe Niya. Pero alam nating lahat na ang disposisyon ng Diyos at ang buhay ng Diyos ay napakayaman. At limitado lang ang ipinapakita Niya sa Kanyang gawain. Nangangahas ba kayong sabihing ang Disposisyon ng Diyos at ang kanyang buhay ay mabubuo at mailalarawan sa mga salitang inihahayag Niya? Naranasan ng lahat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at masasabing ang katotohanan at kung anong mayroon Siya at inihayag Niya, ay ang isang sampung libo o isang trilyon ng kabuuan ng Kanyang disposisyon. Ang Diyos ang Manlilikha at ang pinagmulan ng buhay ng lahat. Kumpara sa totoong disposisyon ng buhay Niya ang Kanyang inihayag na pag-aari at katauhan ay patak lang ng tubig sa karagatan. Ang totoo mas maganda kung maisabuhay natin kahit isang patak ng katotohanan. Kahit hanapin natin ang katotohanan, ang katotohanang kaya nating isabuhay ay limitado. Hindi natin maisasabuhay ang katotohanang inihayag ng Diyos. Kinikilala ito ng mga nakaranas ng gawain Niya. Balang araw pag natapos ang gawin ng Diyos kung naisabuhay natin ang kahit kaunting imahe at katauhan Niya hindi pa rin masasabing maaari tayong maging Diyos. Dahil ang Diyos ang Manlilikha at ang sangkap ng buhay Niya’y hindi masukat ng tao. Siya ang lumikha at namahala sa sansinukob. Ang lahat ng bagay ay napunan ng buhay ng Diyos. Hindi mailalarawan ng salita ang Kanyang kadakilaan. Ang inihahayag ng Diyos sa Kanyang gawain ay maliit na bahagi lang ng kung ano ang mayroon ang Diyos. Kahit isabuhay nating lahat ang katotohanang inihayag ng Diyos sa Kanyang gawain, hindi ibig sabihing tunay tayong may imahe ng Diyos, at lalong hindi natin tunay na nakamit ang katotohanan. Kaya kahit maisabuhay natin ang kaunting imahe Niya, pa’no natin masasabing hindi tayo Diyos? Impossible itong mangyari. Kaya ang kaisipang, “May imahe ng Diyos ang tao upang maging Diyos” ay wala ngang pinagbatayan. Malaking kalokohan lang ’yon.

Kahit maisabuhay ang konting imahe ng Diyos sa karanasan natin, di pa rin tayo magiging Diyos. Ito ang halimbawa. Kahit wala itong kinalaman, mabibigyang liwanag nito ang problema natin. Tulad ng isang ama at ang anak ang anak ay kamukhang kamukha ng kanyang ama pero ang personalidad nila ay magkaiba. Malaki ang pagkakaiba. Kahit pareho ang dugong dumadaloy, hindi pa rin magkatulad ang kanilang pagkatao, ang landas din nila ay hindi rin magkapareho. Sa ilang pamilya ang ama ay mabuti ang anak naman ay masama. Magkamuka sila at iisa ang dugo pero magkaiba ng karakter. At sa ibang pamilya lumalayo ang ama sa Diyos, pero ang anak ay naniniwala at sumusunod. Sapat itong patunay na pareho man ang hitsura natin at iisa ang dugo, ay magkapareho ang karakter din natin. Kaya, kahit na maisabuhay natin ang kaunting imahe Niya, ay taglay na natin ang sangkap ng buhay ng Diyos. Hindi magiging Diyos ang tao. Sigurado iyan.

mula sa iskrip ng pelikulang Nanganganib na Pagdala

Sinundan:  Tanong 1: “Naging tao ang Diyos at magiging Diyos ang tao” yan ang pinakamahalagang pangaral ni Brother Lin. Sa simula, tao ang nilikha ng Diyos kaya nilikha ang tao ay para gawin silang Diyos. Nung una, dahil wala silang katangian ng Diyos nilinlang sila ni Satanas para magkasala. Niligtas Niya ang tao para maibigay Niya ang disposisyon Niya para sa atin. Kapag ba nakuha natin ang disposisyon Niya, ’di pa ba tayo magiging Diyos? Paanong magkakaroon ng mali?

Sumunod:  Tanong 3: Hindi magiging Diyos ang tao kahit na isabuhay natin ang imahe Niya. Buong-buo ko ’yung tinatanggap. Pero pag sinabi nating pwede siyang maging Diyos sa pagsabuhay sa imahe ng Diyos hindi natin tinutukoy ang Diyos at ang Kanyang pagkatao, kundi ang Diyos sa Kanyang disposisyon pero wala ang Kanyang pagkatao. Kung isinabuhay natin ang imahe Niya tayo’y magiging Diyos na may buhay Niya, yun nga lang, wala ang pagkatao Niya. Kaya ang pahayag na “naging tao ang Diyos at maaaring magiging Diyos ang tao” ay ganap na totoo.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger