Tanong 3: Nasusulat na, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sagot: Akala n’yo basta’t nananalig ang isang tao kay Jesucristo, na kay Jesucristo na siya. Ideya ng tao ’yan. Ang “mga na kay Cristo Jesus” ay hindi tumutukoy sa lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus Karamihan sa mga tao na nananalig sa Panginoong Jesus ay hindi pupurihin ng Diyos, sabi nga ng Panginoong Jesus, “Marami ang tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Sa mga hindi nahirang, ang ilan ay nananalig lang sa Panginoon para pansamantalang makinabang sa kanilang pananampalataya; ang ilan naman ay hindi minahal ni sinunod ang katotohanan kailanman; ang ilan ay gumagawa pa ng kasamaan para kalabanin ang Diyos. Lalo na ang mga pinuno ng mga relihiyon, halos lahat sila ay sumusunod sa yapak ng mga Fariseo; mga anticristo silang lahat. Ang ilan sa kanila ay nananalig lang sa Diyos sa pangalan; wala silang pananalig. Sabi mo, lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus na; walang katuturan ang mga salitang ’yon. “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.” Aling grupo ng mga tao ang tinutukoy nito talaga? Yaong mga sumusunod sa mga utos ng Diyos, nabubuhay sa katotohanan, at sumusunod sa Diyos, ibig sabihin, yaong mga naghahanap ng katotohanan at nagtatamo ng buhay, kayang sumunod kay Cristo, umiiwas na makagawa ng masama sa pagkalaban sa Diyos, at lubos na kasundo ni Cristo. Sila ang mga taong na kay Cristo. Siguradong hindi totoo na lahat ng nananalig sa Panginoong Jesus ay na kay Cristo Jesus. May ilang nananalig na ang pananampalataya ay hindi tanggap ng Diyos. Halimbawa, sinabi Niya minsan, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan(Mateo 7:22–23). Masasabi mo ba na ang mga binanggit dito na nagpopropesiya, nagpapalayas ng mga demonyo, at lahat ng maraming magandang ginawa sa pangalan ng Panginoon ay na kay Cristo? Hindi ba sila mga tao na isinumpa na ng Diyos? Kung gayon, magkaiba ang “pananampalataya kay Jesucristo” at “pagiging na kay Cristo” Yaong mga nananalig sa Panginoon ngunit hindi matamo ang Kanyang papuri ay hindi kay Cristo, dahil ang pagliligtas ng Diyos ay hindi ginagawa sa paraang inaakala ng lahat. Hindi lahat ng taong nananalig sa Diyos ay maliligtas. Marami sa kanila ang aalisin, lalo na yaong mga sadyang gumagawa ng kasalanan matapos malaman ang katotohanan. Kasama sa mga kasalanang ito ang pagnanakaw ng mga alay, pagtatakwil sa Diyos, kabiguang mamuhay sa katotohanan, pagkadungo o pakikiapid, atbp. Isusumpa at pababayaan pa rin sila ng Diyos. Ang mga gumagawa ng malalaking kasamaan ay parurusahan. Katulad lang ’yan ng nakasaad sa mga Hebreo 10:26: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan(Mga Hebreo 10:26). Kung gayon, nakikita natin na hindi lahat ng nananalig sa Panginoon ay na kay Cristo. Yaon lamang mga nananalig na nagmamahal sa katotohanan ang nakakahanap sa katotohanan, at sa gayo’y sinusunod at talagang nakikilala si Cristo, walang ideya tungkol kay Cristo, hindi naghihimagsik o kumakalaban sa Kanya, nasa puso nila ang puso ni Cristo at magagawa ang kalooban ng Diyos ang mga taong na kay Cristo. Sila ang pupurihin ng Diyos at makakapasok sa Kanyang kaharian.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 2: Sabi sa Biblia, “Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ay ang nagbibigay-katwiran. Sino siya na humahatol?” (Roma 8:33–34). Patunay ’yan na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, napatawad na ang lahat ng kasalanan natin. Sa Kanya’y hindi na tayo makasalanan. Sino pang magbibintang sa’tin?

Sumunod:  Tanong 4: Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger