Ang Normal na Espirituwal na Buhay ay Inaakay ang mga Tao Patungo sa Tamang Landas

Napakaliit na bahagi pa lamang ng landas ng isang mananampalataya sa Diyos ang nalakad ninyo, at hindi pa kayo nakakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo sa pagtugon sa pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga hinihingi. Dahil sa inyong kakayahan at tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos; hindi ninyo ito sineseryoso. Ito ang pinakamalaking pagkukulang ninyo. Siguradong walang sinumang makatitiyak sa landas na tinatahak ng Banal na Espiritu; hindi ito nauunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ninyo ito nakikita nang malinaw. Bukod pa rito, hindi iniisip ng karamihan sa inyo ang bagay na ito, lalong hindi ninyo ito sineseryoso. Kung patuloy ninyong gagawin ito, ang mabuhay nang walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu, ang landas na inyong tinatahak bilang isang mananampalataya sa Diyos ay mawawalan ng saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat ng kaya ninyo upang hangaring matugunan ang mga layunin ng Diyos at dahil hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi ito dahil sa hindi ka pa nagawaan ng Diyos, o hindi ka pa naantig ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil masyado kang walang ingat kaya hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong baligtarin kaagad ang sitwasyong ito at tahakin ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao. Ito ang pangunahing paksa para ngayon. “Ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu” ay tumutukoy sa pagtatamo ng kaliwanagan sa espiritu; pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa salita ng Diyos; pagtatamo ng kalinawan sa landas na hinaharap; pagkakaroon ng kakayahang makapasok nang paisa-isang hakbang sa katotohanan; at pagkakaroon ng higit na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang landas kung saan inaakay ng Banal na Espiritu ang mga tao una sa lahat ay isang landas na patungo sa mas malinaw na pagkaunawa sa salita ng Diyos, nang malaya sa mga paglihis at maling pagkaintindi, at yaong mga tumatahak dito ay tumatahak nang tuwid dito. Upang maisagawa ito kailangan ninyong gumawa nang kasundo ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas sa pagsasagawa, at tahakin ang landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Kailangan dito ang pakikipagtulungan sa panig ng tao: ibig sabihin, kung ano ang kailangan ninyong gawin upang matugunan ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo kailangang kumilos upang makapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos.

Maaaring tila kumplikado ang pagtahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu, ngunit mas madadalian ka rito kapag ang landas ng pagsasagawa ay malinaw sa iyo. Ang katotohanan ay na may kakayahan ang mga tao na gawing lahat ang hinihiling ng Diyos sa kanila—hindi naman Niya sinusubukang turuang lumipad ang mga baboy. Sa lahat ng sitwasyon, hangad ng Diyos na lutasin ang mga problema ng mga tao at ayusin ang kanilang mga alalahanin. Kailangang maunawaan ninyong lahat ito; huwag magkamali ng pag-unawa sa Diyos. Ginagabayan ang mga tao ayon sa salita ng Diyos sa landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Gaya ng binanggit noong una, kailangan ninyong ibigay ang inyong puso sa Diyos. Kailangan ito para makatahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu. Kailangan ninyong gawin ito upang makapasok sa tamang landas. Paano sadyang ginagawa ng isang tao ang gawaing ibigay ang kanilang puso sa Diyos? Sa inyong pang-araw-araw na buhay, kapag nararanasan ninyo ang gawain ng Diyos at nananalangin kayo sa Kanya, ginagawa ninyo ito nang padalus-dalos—nananalangin kayo sa Diyos habang kayo ay gumagawa. Matatawag ba itong pagbibigay ng inyong puso sa Diyos? Nag-iisip kayo tungkol sa mga bagay sa bahay o usapin ng laman; palagi kayong nagdadalawang-isip. Maituturing ba itong pagpayapa sa inyong puso sa presensya ng Diyos? Ito ay dahil ang puso mo ay palaging nakatutok sa panlabas na mga usapin, at hindi ka nakakabalik sa harap ng Diyos. Kung nais mong tunay na maging payapa ang puso mo sa harap ng Diyos, kailangan mong gawin ang gawain ng sadyang pakikipagtulungan. Ibig sabihin, bawat isa sa inyo ay dapat gumugol ng panahon para sa inyong mga debosyon, isang panahon na maiiwasan ninyo ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay; panatagin ang inyong puso at patahimikin ang sarili ninyo sa harap ng Diyos. Ang bawat isa sa inyo ay kailangang magkaroon ng indibidwal na mga tala ng debosyon, na itinatala ang inyong kaalaman tungkol sa salita ng Diyos at kung paano naaantig ang inyong espiritu, malalim man ang mga iyon o mababaw; ang bawat isa sa inyo ay kailangang sadyang payapain ang inyong puso sa harap ng Diyos. Kung makapaglalaan ka ng isa o dalawang oras bawat araw sa tunay na espirituwal na buhay, madarama mo na ang buhay mo sa araw na iyon ay pinagyaman at ang puso mo ay magiging maningning at maaliwalas. Kung ipinamumuhay mo ang ganitong uri ng espirituwal na buhay araw-araw, mas magiging pag-aaring muli ng Diyos ang puso mo, ang iyong espiritu ay lalakas nang lalakas, ang iyong kondisyon ay patuloy na bubuti, mas makakaya mong tumahak sa landas kung saan umaakay ang Banal na Espiritu, at pagkakalooban ka ng Diyos nang dobleng mga pagpapala. Ang layunin ng inyong espirituwal na buhay ay upang may kamalayang matamo ang presensya ng Banal na Espiritu. Hindi ito upang sumunod sa mga patakaran o magsagawa ng mga ritwal na pangrelihiyon, kundi upang tunay na makipagtulungan sa Diyos, upang tunay na displinahin ang inyong katawan—ito ang dapat gawin ng tao, kaya dapat ninyong gawin ito nang buong pagsisikap. Kapag mas maganda ang inyong pakikipagtulungan at higit na pagsisikap ang inyong inilalaan, mas makakabalik ang puso mo sa Diyos at mas mapapatahimik mo ang puso mo sa Kanyang harapan. Aabot sa puntong lubos na matatamo ng Diyos ang puso mo. Walang sinumang makakaimpluwensya o makakabihag sa puso mo, at magiging ganap kang pag-aari ng Diyos. Kung tatahakin mo ang landas na ito, ibubunyag ng salita ng Diyos ang sarili nito sa iyo sa lahat ng pagkakataon at liliwanagan ka tungkol sa lahat ng bagay na hindi mo nauunawaan—makakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng iyong pakikipagtulungan. Kaya nga palaging sinasabi ng Diyos, “Lahat ng nakikipagtulungan sa Akin, gagantimpalaan Ko nang doble.” Kailangan ninyong makita nang malinaw ang landas na ito. Kung nais ninyong tumahak sa tamang landas, kailangan ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang mapalugod ang Diyos. Kailangan ninyong gawin ang lahat ng inyong makakaya upang magtamo ng espirituwal na buhay. Sa simula, maaaring hindi ka magkamit ng magagandang resulta, pero huwag maging negatibo, at huwag umurong—patuloy kang magsikap! Kapag mas espirituwal ang buhay mo, mas sasakupin ng mga salita ng Diyos ang puso mo, lagi kang mababahala sa mga bagay na ito, at laging dinadala ang mga ito bilang pasanin mo. Pagkatapos niyon, sabihin sa Diyos ang lahat ng iniisip mo sa iyong kaibuturan sa pamamagitan ng iyong espirituwal na buhay; sabihin sa Kanya kung ano ang handa kang gawin, kung ano ang iniisip mo, ang iyong pagkaunawa at pananaw tungkol sa Kanyang salita. Huwag kang magtago ng anuman, ni katiting! Magsanay sa pagsasabi ng mga salitang nasa puso mo at paghahayag ng totoong damdamin mo sa Diyos; ipahayag ang anumang nasa puso mo. Kapag mas nagsalita ka sa ganitong paraan, mas madarama mo ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at mas mapapalapit ang puso mo sa Diyos. Kapag nangyari ito, madarama mo na mas mahalaga sa iyo ang Diyos kaysa kaninuman, at hindi mo kailanman lilisanin ang tabi ng Diyos, anuman ang mangyari. Kapag ginampanan mo ang ganitong klaseng espirituwal na debosyonal sa araw-araw, hindi kailanman nakakalimutan na gawin ito, na para bang isa itong usapin na napakahalaga sa buhay mo, saka lang maookupa ng salita ng Diyos ang puso mo. Ito ang kahulugan ng maantig ng Banal na Espiritu. Parang ang puso mo ay palaging angkin ng Diyos, para bang palaging nasa puso mo ang iyong minamahal, at walang sinumang makakaagaw nito mula sa iyo. Kapag nangyari ito, tunay na mananahan ang Diyos sa iyong kalooban at magkakaroon ng puwang sa puso mo.

Sinundan:  Napakahalagang Magtatag ng Isang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Sumunod:  Ang mga Pangako sa Yaong mga Naperpekto

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger