b. Bakit sinasabi na mas malaki ang pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan sa pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamaraan ng Espiritu at gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at ni hindi maaaring lapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao bilang ang Espiritu, hindi makakamit ng tao ang Kanyang biyayang nagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para matanggap ang biyayang nagliligtas na ito. Sapagkat wala talagang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nagawang makalapit sa ulap ni Jehova. Sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng paglalagay ng Kanyang Daan sa laman na kakatawanin Niya, saka lamang Niya personal na makikintal ang Daan sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang personal na maririnig at makikita ng tao ang Kanyang Daan, at makamit din ang Kanyang Daan, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinumang may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang biyayang nagliligtas, at wala ring kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng tao, ang lahat ng tao ay hahampasin, o, nang walang paraan na makasalamuha ang Diyos, sila ay ganap na mabibihag ni Satanas. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin ito sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang mga satanikong tiwaling disposisyon ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang iyong mga pinatawad na ang mga kasalanan nila ay mapalaya mula sa kasalanan at lubos na madalisay, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Pagkatapos magwakas ang Kapanahunan ng Kautusan, at simula sa Kapanahunan ng Biyaya, sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas, na nagpapatuloy hanggang sa mga huling araw, kung kailan ginagampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga tao dahil sa kanilang paghihimagsik, sa gayon ay ganap na dinadalisay ang sangkatauhan. Pagkatapos lamang nito wawakasan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang maisagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang gagabay sa mga tao sa kanilang pamumuhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Sa pamamagitan lamang ng pagkakatawang-tao maaaring mamuhay ang Diyos na kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawan ng laman. Sa ganitong paraan lamang Niya matutustusan ang mga tao ng praktikal na Daan na kailangan nila bilang mga nilikha. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos natatanggap ng tao ang buong biyayang nagliligtas mula sa Diyos, hindi direktang mula sa langit sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsusumamo. Ang tao ay laman at dugo, wala itong paraan na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan nito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang buong biyayang nagliligtas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o ang anumang bagay na hindi sa laman, kundi ang tao, na sa laman at nagawa nang tiwali ni Satanas. Mismong dahil ang laman ng tao ay ginawang tiwali kaya ginawa ng Diyos ang tao na sa laman bilang layon ng Kanyang gawain; higit pa rito, dahil ang tao ang layon ng katiwalian kung kaya’t pinili ng Diyos ang tao bilang ang tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang mortal na nilalang, binubuo ng laman at dugo, at ang Diyos lamang ang Siyang makapagliligtas sa tao. Kaya, ang Diyos ay dapat maging tao na nagtataglay ng mga katangiang katulad ng sa tao upang magawa ang Kanyang gawain, upang matamo ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil mismo ang tao ay sa laman, at walang kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan o maiwaksi sa kanyang sarili ang laman. Bagama’t malaki ang pagkakaiba ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, ang Kanyang kaanyuan ay katulad pa rin ng sa tao; may kaanyuan Siya ng isang normal na tao, at namumuhay bilang isang normal na tao, at iyong mga nakakakita sa Kanya ay walang makikilatis na pagkakaiba sa pagitan Niya at ng isang normal na tao. Sapat na ang normal na kaanyuan at normal na pagkatao na ito upang magawa Niya ang Kanyang may pagka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Tinutulungan Siya ng Kanyang katawang-tao na magawa sa normal na pagkatao ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain sa piling ng tao, at lalo pa Siyang tinutulungan ng Kanyang normal na pagkatao na isakatuparan ang gawain ng pagliligtas sa piling ng tao. Bagama’t ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa mga tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa mga normal na resulta ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Bagama’t hindi kayang tanggapin ng karamihan ng mga tao ang Kanyang normal na pagkatao, nakapagkakamit pa rin ng mga resulta ang Kanyang gawain, at ang mga resultang ito ay nakakamit dahil sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, nagkakamit ang tao ng sampung ulit o dose-dosenang ulit na mga bagay na higit kaysa sa mga kuru-kuro na umiiral sa mga tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga kuru-kuro, sa huli, ay lulunuking lahat ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit na ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin ay ang kaalaman na mayroon ang tao tungkol sa Kanya, ay higit na mas marami kaysa sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang maisip o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sa sinumang taong may laman; bagama’t parehong-pareho ang panlabas na anyo, ang diwa ay hindi magkatulad. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbubunga ng maraming kuru-kuro sa mga tao tungkol sa Diyos, ngunit ang Kanyang katawang-tao ay kaya ring magpahintulot sa tao na makakuha ng maraming kaalaman, at kaya pa ngang lumupig sa sinumang taong nagtataglay ng isang katulad na panlabas na anyo. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi Diyos na may panlabas na anyo ng isang tao, at walang maaaring ganap na makaarok o makaunawa sa Kanya. Minamahal at sinasalubong ng lahat ang isang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na manampalataya sa Diyos. Maaaring hayaan ng mga tao na maging malaya ang kanilang mga imahinasyon, maaari silang pumili ng anumang wangis na ibig nila bilang wangis ng Diyos upang mabigyang-kasiyahan at mapaligaya ang kanilang mga sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anumang pinakaibig at pinakanais ipagawa sa kanila ng sarili nilang “Diyos,” nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, naniniwala ang mga tao na walang sinuman ang mas tapat at mas deboto sa “Diyos” kaysa sa kanila, at na ang lahat ng iba pa ay mga asong Hentil, at di-tapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ganito maghangad ang mga taong ang pananampalataya sa Diyos ay kathang-isip at nakabatay sa doktrina; ang kanilang hinahangad ay magkakatulad halos, na may kaunting pagkakaiba. Magkakaiba lamang ang mga wangis ng mga diyos sa kanilang imahinasyon, ngunit ang diwa ng mga ito, sa katunayan, ay magkatulad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay pumarito sa katawang-tao ganap na dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Dahil ito sa mga pangangailangan ng tao, hindi ng Diyos, at ang lahat ng Kanyang ibinayad na halaga at ang lahat ng Kanyang pagdurusa ay alang-alang sa sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang pakinabang at kawalan o mga gantimpala para sa Diyos; ang Kanyang natatamo ay hindi isang bagay na Kanyang inaani, kundi iyong orihinal nang nararapat sa Kanya. Ang layunin sa likod ng lahat ng Kanyang ginagawa para sa sangkatauhan at lahat ng halagang Kanyang ibinayad para sa sangkatauhan ay hindi upang makapagkamit Siya ng mas maraming gantimpala, kundi lubos na alang-alang sa sangkatauhan. Bagama’t sangkot sa gawain ng Diyos sa katawang-tao ang maraming paghihirap na di-mailarawan sa isip, ang mga bunga na nakakamit nito sa huli ay labis na lampas sa mga nakakamit ng gawaing tuwirang ginagawa ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay puno ng napakaraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi makapagtataglay ng katulad na dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi Siya makakapagsakatuparan ng mga kahima-himalang gawa gaya ng Espiritu, at higit na hindi Niya kayang magtaglay ng katulad na awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing ginagawa ng ordinaryong katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa diwa ng gawain na tuwirang ginagawa ng Espiritu, at ang katawang-taong ito Mismo ang kinakailangan ng lahat ng tao. Para sa mga ililigtas, ang halagang gamit ng Espiritu ay lubhang mas mababa kaysa sa halagang gamit ng katawang-tao: Nagagawa ng gawain ng Espiritu na sumaklaw sa buong sansinukob, sa lahat ng mga bundok, ilog, lawa, at karagatan, ngunit ang gawain ng katawang-tao ay higit na mabisang nauugnay sa bawat tao na nakakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na may nahahawakang anyo ay kayang higit na maunawaan at mapagkatiwalaan ng tao, at lalo pang makapagpapalalim sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at makapag-iiwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng praktikal na mga gawa ng Diyos. Nababalot sa hiwaga ang gawain ng Espiritu; mahirap para sa mga mortal na nilikha na hulaan ito, at higit na mahirap para sa kanila na makita, at kaya maaari lamang silang magguni-guni ng mga bagay tungkol dito batay sa wala. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ay normal at praktikal, at nagtataglay ng saganang karunungan, at ito ay isang katunayan na maaaring personal na makita ng mga mata ng mortal na tao; maaaring personal na mapahalagahan ng tao ang karunungan ng gawain ng Diyos, at hindi kailangan na gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Maaari lamang gumawa ang Espiritu ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanya na ilarawan sa isip, halimbawa, ang kaliwanagan ng Espiritu, ang pag-antig ng Espiritu, at ang gabay ng Espiritu, ngunit para sa tao na may isip, ang mga bagay na ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Nagbibigay lamang ang mga ito ng isang pag-aantig, o ng isang halos katulad na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa pamamagitan ng mga salita. Gayunman, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay labis na naiiba: Kalakip nito ang tumpak na gabay ng mga salita, at may malilinaw na layunin at malilinaw na hinihinging layon. At kaya’t ang tao ay hindi kailangang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang manghula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at labis na naiiba ang Kanyang gawain mula sa gawain ng Espiritu. Angkop lamang ang gawain ng Espiritu para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring pumalit sa gawain ng katawang-tao. Ang mga tumpak na layon na hinihingi sa tao sa pamamagitan ng gawain ng katawang-tao, at ang praktikal na halaga ng kaalaman na natatamo ng tao sa pamamagitan ng gawaing ito, ay higit na nalalampasan ang katumpakan at praktikal na halaga ng gawain ng Espiritu. Para sa tiwaling tao, tanging ang gawain na nagbibigay ng tumpak na mga salita at malilinaw na layon na dapat hangarin, at nakikita at nahahawakan, ay ang uri ng gawain na may pinakamalaking halaga. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong gabay ang angkop sa panlasa ng tao, at tanging praktikal na gawain ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at napakasamang disposisyon. Kaya lamang itong makamit ng Diyos na nagkatawang-tao; tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makapagliligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at napakasamang disposisyon. Bagama’t ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay kaya lamang gawin ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, hindi posible sa gayon na maging mabisa ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katunayan. Ang karamihan ng mga tao ay naging mga kaaway na ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito. Gayumpaman, kapag winakasan ng katawang-taong ito ang Kanyang gawain, iyong mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang hihinto sa pagiging mga kaaway Niya, bagkus ay magiging mga saksi Niya. Magiging mga saksi sila na Kanya nang nalupig, mga saksi na kaayon Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya. Idudulot Niya na malaman ng tao ang kahalagahan ng gawain ng katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang praktikal na halaga tungkol sa paglago ng buhay ng tao, at, mas lalo na, malalaman na ang katawang-tao na ito ay hindi inaasahang magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan hindi makakaya ng tao na mapahiwalay. Bagama’t ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay malayong tumugma sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, at para sa tao ay tila hindi kaayon ng Kanyang aktuwal na halaga, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng likas na wangis ng Diyos, o ng likas na pagkakakilanlan ng Diyos, ay kayang gawin ang gawain na hindi nakakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang likas na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang kabuluhan at halagang ito ang hindi kayang maarok at makilala ng tao. Bagama’t lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, anuman ang kanilang mga pananaw o iniisip, malayong nahihigitan ng praktikal na kabuluhan at halaga ng katawang-tao ang sa Espiritu. Mangyari pa, tungkol lamang ito sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nananabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay makakapagbigay lamang ng pagkaantig o inspirasyon, at ng isang pagkaramdam ng pagkamangha na ang gawaing ito ay kagila-gilalas, hindi maarok, at hindi lubusang maisip, at isang pagkaramdam na ito ay dakila, nakahihigit, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at maabot ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa isa’t isa mula sa malayo, na tila ba may napakalawak na agwat sa kanilang pagitan, at sila kailanman ay hindi maaaring maging magkatulad, na tila ba ang tao at ang Diyos ay pinaghiwalay ng isang di-nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinibigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi magkatulad ng uri at hindi kailanman magkasamang iiral sa parehong mundo, at dahil ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng anuman sa tao. Kaya hindi kailangan ng tao ang Espiritu, sapagkat ang Espiritu ay hindi kayang tuwirang gawin ang gawaing pinakakinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng praktikal na mga layunin upang hangaring matamo, mga tahasang salita, at isang pakiramdam na Siya ay praktikal at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at karaniwan. Bagama’t takot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao, Siya ay talagang madaling lapitan. Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at marinig ang Kanyang tinig, at hindi kailangang tingnan ng tao mula sa malayo ang Diyos. Ang pakiramdam ng tao ay malapit sa kanya ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, bagkus ay nakikita at naaabot, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa kaparehong mundo ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Nang hindi pa naging tao ang Diyos, hindi naunawaan ng mga tao ang marami sa Kanyang sinabi, sapagkat nanggaling ang Kanyang mga salita sa ganap na pagka-Diyos. Ang perspektiba at konteksto ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi naaabot ng mga tao; ipinahayag ito mula sa espirituwal na mundo na hindi nakikita ng mga tao, at kung saan ang mga taong namumuhay sa laman ay hindi makalusot. Subalit pagkatapos maging tao ng Diyos, nagsalita Siya sa mga tao mula sa perspektiba ng pagkatao, at Siya ay lumabas at lumagpas sa saklaw ng espirituwal na mundo. Kaya Niyang ipahayag ang Kanyang maka-Diyos na disposisyon at mga layunin, pati na ang Kanyang saloobin, sa pamamagitan ng mga bagay na naiisip ng mga tao sa kanilang sariling mga kuru-kuro, mga bagay na kanilang nakita at nakaharap sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng sangkatauhan, sa wika na kanilang mauunawaan, at gamit ang kaalamang naarok nila, upang tulutan ang tao na maunawaan at makilala ang Diyos, upang maarok ang Kanyang mga pagnanais at ang Kanyang mga hinihinging pamantayan sa loob ng saklaw ng kapasidad ng tao at sa antas na kaya nito. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagama’t ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga prinsipyo ng paggawa sa katawang-tao ay karamihang nakamit gamit ang pagkatao o sa pamamagitan nito, nagtamo ito ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng direktang paggawa sa pagka-Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Ngayon ay nakikita ng tao na ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay sadyang higit sa karaniwan, at maraming bagay rito na hindi magagawang makamit ng tao, at na mga hiwaga at mga himala. Samakatwid, marami ang nagpasakop na. Ang ilan ay hindi kailanman nagpasakop sa sinuman magmula nang ipanganak sila, gayunma’y kapag nakikita nila ang mga salita ng Diyos sa araw na ito, lubos silang nagpapasakop nang hindi napapansing nagagawa na nila ang gayon, at hindi sila nangangahas na magsiyasat nang mabuti o magsalita ng ano pa mang bagay. Ang mga tao ay pawang bumagsak na sa ilalim ng salita at nakatirapa na sa ilalim ng paghatol ng salita. Kung ang Espiritu ng Diyos ay direktang nagsalita sa mga tao, sila ay pawang magpapasakop sa tinig, nagpapatirapa nang hindi kinakailangan na ilantad sila ng Diyos gamit ang Kanyang mga salita, tulad ng kung paanong si Pablo ay bumagsak sa lupa sa gitna ng liwanag habang siya ay papunta sa Damasco. Kung ang Diyos ay nagpatuloy na gumawa sa ganitong paraan, hindi kailanman magagawa ng tao na makilala ang kanyang sariling katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng salita at nang sa gayon ay makamit ang kaligtasan. Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao maihahatid ng Diyos nang personal ang Kanyang mga salita sa mga tainga ng lahat ng tao upang lahat ng may mga tainga ay marinig ang Kanyang mga salita at matanggap ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Ito ang mismong resulta na natamo ng Kanyang salita. Hindi nagpapakita ang Espiritu upang daigin ng takot ang tao. Sa pamamagitan lamang ng praktikal at higit sa karaniwang gawaing ito maaaring lubusang malantad ang mga lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ng tao ang mga ito at makaranas ng pagbabago. Lahat ng bagay na ito ay ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung saan nagsasalita Siya at isinasagawa Niya ang paghatol sa isang ganap na praktikal na paraan, at pagkatapos ay nakakamit ang mga resulta ng paghatol sa tao gamit ang salita. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ito ay ginagawa upang ibunyag ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao, ibunyag ang mga resultang nakamit sa pamamagitan ng gawain ng salita, at ibunyag na ang Espiritu ay pumarito sa katawang-tao at nagpapakita ng Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng paghatol sa tao sa pamamagitan ng salita. Bagama’t ang katawang-tao Niya ay ang panlabas na anyo ng isang ordinaryo, normal na pagkatao, ang mga resultang nakakamit ng Kanyang mga salita ang nagpapakita sa mga tao na Siya ay puno ng awtoridad, na Siya ang Diyos Mismo at na ang Kanyang mga salita ay ang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Sa pamamagitan nito ay ipinakikita sa lahat ng tao na Siya ang Diyos Mismo, ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao, na walang sinuman ang maaaring gumawa ng pagkakasala laban sa Kanya, at na walang maaaring makadaig sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita, at walang puwersa ng kadiliman ang maaaring mangibabaw sa Kanyang awtoridad. Ang pagpapasakop ng tao sa Kanya ay pawang dahil sa laman kung saan Siya nagkatawang-tao, lahat ng ito ay dahil sa Kanyang awtoridad, at dahil sa Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ang gawain na dinala ng Kanyang nagkatawang-taong laman ang awtoridad na Kanyang tinataglay. Ang dahilan kung bakit nagkakatawang-tao Siya ay dahil ang katawang-tao ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng tao sa isang praktikal na paraan, sa paraang nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay higit na mas praktikal kaysa sa gawain na direktang ginagawa ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad, at maaaring lapitan ng tao, samantalang ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi kayang pansinin ng tao ang pag-iral ng Kanyang awtoridad; ito ay nakakatulong sa Kanyang paggawa ng Kanyang praktikal na gawain. Lahat ng naturang praktikal na gawain ay makakapagkamit ng mga resulta. Kahit na walang tao ang nakakatanto na Siya ay nagtataglay ng awtoridad, o nakakakita na walang pagkakasala ang maaaring gawin laban sa Kanya, o nakakakita sa Kanyang poot, nakakamit Niya ang hinahangad na mga resulta ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng Kanyang natatagong awtoridad at poot, at mga salitang hayagan Niyang binibigkas. Sa madaling salita, sa pamamagitan ng tono ng Kanyang boses, mahigpit na pagsasalita, at lahat ng karunungan ng Kanyang mga salita, ang tao ay lubusang nakukumbinsi. Sa ganitong paraan, ang tao ay nagpapasakop sa salita ng Diyos na nagkatawang-tao, na tila ba walang awtoridad, at dahil doon ay natutupad ang layunin ng Diyos na iligtas ang tao. Ito ang isa pang aspeto ng kabuluhan ng Kanyang pagkakatawang-tao: ang magsalita nang mas praktikal, ang hayaan ang realidad ng Kanyang mga salita na magkamit ng mga resulta nito sa tao, at ang hayaan ang tao na masaksihan ang lakas ng salita ng Diyos. Samakatwid, kung hindi ginawa ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, hindi ito magkakamit ng anumang resulta at hindi nito magagawang lubos na iligtas ang mga makasalanang tao. Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nalalapitan ng tao. Ang tao ay isang nilalang na makalaman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na makalaman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga ugnayan sa pagitan nila; samantala, ang tao ay hindi kayang maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilikha upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at magpakumbaba para maging isang nilikhang tao, na gumagawa ng gawain sa gitna ng mga tao at namumuhay na kasama ng mga ito, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang maisakatuparan ang Kanyang gawain. Ito ay tulad na lamang, noong unang pagkakatawang-tao, tanging ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tumubos sa tao sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus, samantalang hindi posible para sa Espiritu ng Diyos na maipako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Ang Diyos ay maaaring direktang magkatawang-tao upang magsilbing handog para sa kasalanan ng tao, ngunit ang tao ay hindi maaaring direktang umakyat sa langit upang kuhain ang handog para sa kasalanan na inihanda ng Diyos para sa kanya. Dahil dito, ang posible lamang ay ang hingin sa Diyos na magpabalik-balik nang ilang beses sa pagitan ng langit at lupa, sa halip na paakyatin ang tao sa langit upang kunin ang biyayang nagliligtas na ito, sapagkat ang tao ay nahulog at, bukod pa roon, sadyang hindi maaaring umakyat sa langit ang tao, lalo na ang tamuhin ang handog para sa kasalanan. Samakatwid, kinailangan na dumating si Jesus sa gitna ng tao at personal na gawin ang gawain na sadyang hindi maaaring maisakatuparan ng tao. Tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, lubos itong kinakailangang gawin. Kung alinman sa mga yugto ay maaaring maisakatuparan nang direkta ng Espiritu ng Diyos, hindi na sana Siya nagpasailalim sa mga reklamo at kawalang-dangal na kalakip ng pagkakatawang-tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Para sa lahat ng nabubuhay sa laman, ang paghahangad ng disposisyonal na pagbabago ay nangangailangan ng mga layon, at ang paghahangad ng pagkakilala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsaksi sa praktikal na mga gawa at tunay na mukha ng Diyos. Matatamo lamang ang dalawang ito ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at maisasakatuparan lamang ang dalawang ito ng normal at praktikal na katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ang pagkakatawang-tao—ito ay kailangan ng lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil kinakailangang makilala ng mga tao ang Diyos, kailangang maiwaksi sa kanilang mga puso ang mga imahe ng kathang-isip at higit-sa-karaniwang mga diyos, at dahil hinihinging iwaksi nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kung tao lamang ang gagawa ng gawain para maiwaksi mula sa puso ng mga tao ang mga imahe ng mga kathang-isip na diyos, mabibigo siyang makamit ang nilalayong epekto. Hindi mailalantad, maiwawaksi, o ganap na mapapatalsik ng mga salita lamang ang mga imahe ng mga kathang-isip na diyos sa puso ng mga tao. Sa paggawa nito, hindi pa rin posible sa huli na iwaksi ang mga bagay na malalim na nakaugat sa mga tao. Makakamit lamang ang angkop na epekto kapag napalitan ng praktikal na Diyos at ng likas na wangis ng Diyos ang malabo at higit-sa-karaniwang mga bagay na ito, at unti-unting ipinapaalam sa mga tao ang mga ito. Kinikilala ng tao na kathang-isip at higit-sa-karaniwan ang diyos na kanyang hinangad sa mga nakaraang panahon. Ang may kakayahang makapagkamit ng epektong ito ay hindi ang tuwirang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang partikular na indibidwal, kundi ang Diyos na nagkatawang-tao. Mismong dahil ang pagiging normal at ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao ang kabaligtaran ng mga kathang-isip at mga higit-sa-karaniwang diyos na nasa imahinasyon ng tao kung kaya’t pawang nailalantad ang mga kuru-kuro ng tao kapag opisyal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain. Maibubunyag lamang ang orihinal na mga kuru-kuro ng tao kapag naihambing sa Diyos na nagkatawang-tao. Kung wala ang paghahambing sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi maibubunyag ang mga kuru-kuro ng tao; sa madaling salita, kung walang pagiging praktikal bilang hambingan, hindi mabubunyag ang malalabong bagay. Walang may kakayahang gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang ipaliwanag nang malinaw ang gawaing ito gamit ang mga salita. Ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain, at wala nang iba pa ang makakagawa ng gawaing ito sa ngalan Niya. Gaano man kayaman ang wika ng tao, hindi niya kayang sabihin nang maliwanag ang pagiging praktikal at pagiging normal ng Diyos. Kaya lamang makilala ng tao ang Diyos nang higit na praktikal, at maaari lamang Siyang makita nang higit na malinaw, kung personal na gagawa ang Diyos sa gitna ng tao at ganap na ipakikita ang Kanyang wangis at pagiging Diyos. Hindi makakamtan ang epekto na ito ng sinumang tao na sa laman. Mangyari pa, wala ring kakayahan ang Espiritu ng Diyos na makamit ang epektong ito. Makakayang iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensiya ni Satanas, ngunit hindi makakayang tuwirang gawin ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito; sa halip, makakaya lamang itong gawin ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, ng nagkatawang-taong laman ng Diyos. Ang katawang-taong ito ay isang tao at ang Diyos din; ang katawang-taong ito ay isang tao na nagtataglay ng normal na pagkatao at Diyos na nagtataglay ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, bagama’t ang katawang-taong ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao na nagliligtas sa tao, ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Anuman ang tawag sa Kanya, sa huli ay ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas sa sangkatauhan. Sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay hindi mahihiwalay mula sa katawang-tao, at ang gawain ng katawang-tao ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; sadya lamang na ang gawaing ito ay hindi ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, bagkus ay ginagawa gamit ang pagkakakilanlan ng katawang-tao. Ang gawain na kailangang tuwirang gawin ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na kailangang gawin ng katawang-tao ay hindi kayang gawin nang tuwiran ng Espiritu, at kaya lamang gawin ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang tuwirang isinagawa ng Espiritu, at isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang natitirang dalawang yugto, at hindi tuwiran ng Espiritu. Hindi kabilang ang pagbabago ng tiwaling disposisyon ng tao sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan na ginawa ng Espiritu, at wala rin itong kaugnayan sa pagkakilala ng tao sa Diyos. Gayunman, ang gawain ng katawang-tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at sa Kapanahunan ng Kaharian ay kinapapalooban ng tiwaling disposisyon ng tao at ng kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at isang mahalaga at kritikal na bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatwid, higit na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng nagkatawang-taong Diyos, at higit na kinakailangan ang tuwirang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang Diyos na nagkatawang-tao para magpastol sa kanya, alalayan siya, diligan siya, pakainin siya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at lalong higit na pagtubos mula sa Diyos na nagkatawang-tao. Tanging ang Diyos sa katawang-tao ang kayang maging katiwalang-loob ng tao, pastol ng tao, laging handang sumaklolo sa tao, at ang lahat ng ito ay kung bakit kailangan ang pagkakatawang-tao ngayon at sa mga lumipas na panahon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao at siya ang pinakamataas sa lahat ng nilikha ng Diyos, kaya nangangailangan ang tao ng pagliligtas ng Diyos. Tao, hindi si Satanas, ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at ang maliligtas ay ang laman ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang mga diyablo. Si Satanas ang pakay ng paglipol ng Diyos, ang tao ang pakay ng pagliligtas ng Diyos, at nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, kaya’t ang laman ng tao ang unang dapat na iligtas. Napakamalalimang nagawang tiwali ang laman ng tao, at naging isang bagay ito na lumalaban sa Diyos, kung kaya’t lantaran pa nga itong lumalaban at nagtatatwa sa pag-iral ng Diyos. Sadyang napakahirap nang mapaamo ang tiwaling laman na ito, at wala nang mas mahirap pang pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumapaloob si Satanas sa laman ng tao upang magpasimula ng mga kaguluhan, at ginagamit nito ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos, at pinsalain ang plano ng Diyos, at sa gayon ay naging si Satanas ang tao, at naging kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang malupig. Ito ang dahilan kung bakit humaharap sa hamon ang Diyos at pumaparito sa katawang-tao upang gawin ang gawain na nilalayon Niyang gawin, at upang labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkagapi at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Nagagapi Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Isa itong gawain na sabay nakakamit ang dalawang layunin. Gumagawa Siya sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isinasagawa ang lahat ng gawain sa katawang-tao upang higit na mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at higit na mahusay na malupig ang tao. Sa huling pagkakataon na nagkakatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri, tatapusin ang Kanyang buong pamamahala, at tatapusin din ang lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pagkaraang matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, ganap Siyang magtatagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ganap na malulupig ng Diyos ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na magwawakas na ang Kanyang buong pamamahala? Kapag winakasan na ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, dahil lubos Niyang nagapi si Satanas at nagtagumpay, mawawalan na ng pagkakataon si Satanas na gawing tiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay pagtubos at ang pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao. Ito ngayon ang gawain ng paglupig at ganap na pagkakamit sa tao, upang wala nang paraan si Satanas na magawa ang gawain nito at ganap nang mabibigo, at ganap nang magtatagumpay ang Diyos. Ito ang gawain ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo. Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay tuwirang ginawa ng Espiritu, at hindi ng katawang-tao. Gayunman, ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nang tuwiran ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa gitnang yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensiya ni Satanas. Ang susing gawain ay ang ganap na lupigin ang mga tiwaling tao para manumbalik ang orihinal na may-takot-sa-Diyos na puso ng mga nalupig at makapagkamit sila ng normal na buhay ng tao, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha. Kritikal ang gawaing ito, at ito ang sentro ng gawain ng pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo sa sentro ng gawain ng pamamahala; may bahagyang anyo lamang ito ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Tuwirang ginawa ng Espiritu ang unang yugto ng gawain dahil, sa ilalim ng kautusan, pagsunod sa kautusan ang tanging alam ng tao, at hindi nagkaroon ng higit na maraming katotohanan ang tao, at sapagkat halos hindi nauugnay ang mga pagbabago ng disposisyon ng tao sa gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, lalong hindi ito tungkol sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Kung kaya nakompleto ng Espiritu ng Diyos itong sukdulang payak na yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. May maliit na kaugnayan lamang ang yugtong ito ng gawain sa sentro ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon ay hindi kinailangan ng Diyos na maging tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Nakatago at di-maarok ang gawain na ginagawa ng Espiritu, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; hindi naaangkop ang Espiritu sa tuwirang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi naaangkop sa tuwirang pagtutustos ng buhay sa tao. Ang pinakaangkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraang malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinakaangkop para sa tao ay maging isang ordinaryo, normal na tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Nangangailangan ito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang Espiritu sa Kanyang gawain, at para sa tao, wala nang higit na angkop na paraan upang gumawa ang Diyos. Sa tatlong yugtong ito ng gawain, dalawang yugto ang isinasagawa sa katawang-tao, at ang dalawang yugtong ito ang mga susing bahagi ng gawain ng pamamahala. Pinupunan ng dalawang pagkakatawang-tao ang isa’t isa at ganap na kinokompleto ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at masasabi na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi nagsasalungatan sa isa’t isa. Isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang katawang-tao ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos dahil napakahalaga ng mga ito sa buong gawain ng pamamahala. Halos masasabi na kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mahihinto ang buong gawain ng pamamahala, at magiging walang anuman kundi walang saysay na salita ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kung mahalaga o hindi ang gawain na ito, at sa realidad ng kabulukan ng sangkatauhan, at sa kalubhaan ng pagiging mapaghimagsik ni Satanas at ng panggugulo nito sa gawain. Ang siyang tama na may kakayahan sa gampanin ay nakasalalay sa kalikasan ng gawaing ginagampanan ng gumagawa, at sa kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawaing ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—gawaing tuwirang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang tinatanggal ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu kumpara sa kalikasan ng gawain ng katawang-tao, napagpasyahan sa huli na higit na kapaki-pakinabang para sa tao ang gawaing ginawa ng katawang-tao kaysa sa gawain na tuwirang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ito ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos noong oras na nagpasya Siya kung ang gawain ay gagawin ng Espiritu o ng katawang-tao. May kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Wala sa mga yugtong ito ng gawain ang nakabatay sa mga imahinasyon na walang batayan, ni isinasagawa nang walang pakundangan; may tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang tunay na kuwento sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, ang gayong kadakilang gawain tulad ng personal na paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa gitna ng tao ay lalo pang naglalaman ng plano ng Diyos. Samakatwid, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos ay nasasalamin sa bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa Kanyang gawain; ito ang higit na kongkreto at sistematikong pagiging Diyos ng Diyos. Mahirap para sa tao na ilarawan sa isip ang mga banayad na saloobin at ideyang ito, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawaing ginagawa ng tao ay ginagampanan ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawain ng Diyos, sadyang napakalaki ang pagkakaiba. Bagama’t dakila ang mga gawa ng Diyos at nasa isang kagila-gilalas na saklaw ang gawain ng Diyos, maraming napakadetalyado at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos sa likod ng mga ito na hindi mailarawan ng isip ng tao. Hindi lamang ginagawa ayon sa prinsipyo ang bawat yugto ng Kanyang gawain, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi makakayang masabi nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, naglalaman ang bawat isa ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi Siya gumagawa ng walang saysay na gawain. Kapag tuwirang gumagawa ang Espiritu, gumagawa Siya ng may mga layon Niya, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na anyo) upang gumawa, ito ay higit pang may kabuluhan. Bakit pa Niya basta na lamang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Paanong basta na lamang Siya magiging isang taong hinahamak at inuusig ng mga tao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang taong makalaman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi isinasagawa sa espirituwal na mundo, kundi sa gitna ng tao. Walang sinuman ang mas angkop at mas kalipikado kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isasagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat, at, dagdag pa rito, ang tao ay mahihirapang tanggapin ito, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao. Batay lamang sa puntong ito, hindi magiging agaran ang mga epekto, lalong hindi makikita ng tao nang may mas malaking kalinawan ang disposisyon ng Diyos na hindi dapat lapastanganin. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Ang Diyos sa katawang-tao ay isa ring tao na may normal na pagkatao, gayumpaman, kaya Niyang tuwirang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang kalipikado, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan at pagiging matuwid, at kaya nagagawa Niyang hatulan ang tao. Iyong mga walang katotohanan at pagiging matuwid ay hindi karapat-dapat na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na mas matayog ang Espiritu kaysa sa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng paghihimagsik ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng hindi pagiging matuwid ng tao. Sapagkat ang gawain ng paghatol ay ginagawa rin sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na pagbubunyag sa hindi pagiging matuwid ng tao, lalong hindi kaya ang lubusang pagsisiwalat ng gayong hindi pagiging matuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao tungkol sa Kanya at sa paglaban nila sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagiging mapaghimagsik ng sangkatauhan. Ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay mas malinaw kaysa sa epekto ng gawain ng Espiritu. At kaya, ang paghatol sa lahat ng sangkatauhan ay hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu, bagkus ay ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay kayang ganap na lupigin ang tao. Ang tao ay umuusad mula sa paglaban sa Diyos patungo sa pagpapasakop sa Kanya, mula sa pag-uusig sa Kanya patungo sa pagtanggap sa Kanya, mula sa pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya patungo sa pagkakilala sa Kanya, at mula sa pagtanggi sa Kanya patungo sa pagmamahal sa Kanya—ang mga ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa proseso ng paglaban nito sa Kanya, at tumatanggap ito ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa proseso ng pagtanggap sa Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawaing ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamalalim na gawain, at ang pinakakritikal na bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang mga balakid na kinakaharap ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay masyadong malalaki, dahil napakalalim na nagawang tiwali ang tao. Sa partikular, ang gawaing isinasakatuparan sa mga taong ito sa mga huling araw ay lalo nang napakahirap—ang kapaligiran ay napakasama, at ang kakayahan ng bawat uri ng tao ay talagang mahina. Ngunit sa katapusan ng gawain na ito, makakamit pa rin nito ang wastong epekto, nang wala ni katiting na pagkukulang; ito ay ang epekto ng gawain ng katawang-tao, at higit na nakakakumbinsi ang epektong ito kaysa sa epekto ng gawain ng Espiritu. Tatapusin sa katawang-tao ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at dapat tapusin ang mga ito ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang pinakamahalaga at pinakakritikal na gawain ay ginagawa sa katawang-tao, at ang pagliligtas sa tao ay kailangang personal na isakatuparan ng Diyos sa katawang-tao. Bagama’t nararamdaman ng lahat ng sangkatauhan na tila walang kaugnayan sa tao ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan ay nauugnay sa kapalaran at pag-iral ng buong sangkatauhan ang katawang-tao na ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang pinakadakilang kalakasan ng Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga panghihikayat, at ng Kanyang tumpak na mga layunin para sa sangkatauhan sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at sa mas praktikal na paraan ay maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang mga layunin para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa daang ito. Tanging ang Diyos sa katawang-tao na gumagawa sa gitna ng tao ang tunay na nagdudulot na maging realidad ang pagsama ng Diyos sa tao at ang pamumuhay kasama ng tao, at tumutupad sa pagnanais ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winakasan na ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinapos na rin Niya ang kapanahunan ng pananampalataya ng sangkatauhan sa mga kathang-isip na diyos. Sa partikular, ang gawain ng huling pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagdadala sa buong sangkatauhan sa isang kapanahunang mas makatotohanan, mas praktikal, at mas maganda. Ang gawaing ito ay hindi lamang tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at mga regulasyon ngunit ang higit na mahalaga, ipinaaalam nito sa sangkatauhan ang Diyos na praktikal at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga misteryo at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago sa loob ng libo-libong taon. Winawakasan nang lubusan ng gawaing ito ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos nito ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan nito ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at ganap nitong inaakay ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao kapalit ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, saka lang ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sa paghula sa mga layunin ng mga kathang-isip na diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng relihiyon at denominasyon, at kanilang ipapamahagi ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat ng naririnig ng mga tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, at magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao—magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi ito. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kung walang mga katunayan kundi pawang mga imahinasyon lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan para sa tao ng anumang karagdagang katibayan o anumang karagdagang katunayan ng gawain ng Diyos. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, palagi siyang mananampalataya sa isang kathang-isip na diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang mukha ng Diyos, ni kailanman ay maririnig ng tao ang mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Ang mga imahinasyon ng tao, sa huli, ay hungkag, at hindi mapapalitan ng mga ito ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng pagkakatawang-tao ng Diyos at pagparito Niya sa gitna ng tao para personal na gawin ang Kanyang gawain. Ito ang pinaka-ideyal na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, at para makita ng tao ang Diyos at makilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Pagkagawa ng gawain ng Diyos hanggang sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Natapos na ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng Kanyang buong gawain ng pamamahala. Naakay ng katawang-taong ito sa isang mas mahusay na panimula ang lahat ng Kanyang gawain, at nadala ng katawang-taong ito sa isang pagtatapos ang lahat ng Kanyang gawain, nadeklara nito ang lahat ng Kanyang gawain, at nagawa nito ang huling lubusang pagpupuno sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay dapat magawa sa katawang-tao. Kung tuwiran itong gagawin ng Espiritu ng Diyos, wala itong bisang ibubunga. Gawin man ito ng Espiritu, walang magiging malaking kabuluhan ang gawain, at sa huli ay hindi makakakumbinsi. Nais ng lahat ng nilikha na malaman kung may kabuluhan ba ang gawain ng Lumikha, at kung ano ang kinakatawan nito, at sa anong kapakanan ginagawa ito, at kung puno ba ng awtoridad at karunungan ang gawain ng Diyos, at kung ito ba ay may sukdulang kahalagahan at kabuluhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, alang-alang sa paggapi kay Satanas, at para sa pagpapatotoo sa Kanyang sarili sa gitna ng lahat ng bagay. Dahil diyan, dapat na may malaking kabuluhan ang gawain na ginagawa Niya. Ang laman ng tao ay nagawang tiwali ni Satanas, at ito ay pinakalubhang nabulag at labis na napinsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay sapagkat ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at sapagkat ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang guluhin ang gawain ng Diyos. Sa katunayan, ang pakikipaglaban kay Satanas ay ang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Kaya, ang pagkakatawang-tao ng Diyos para gawin ang Kanyang gawain ay labis na kinakailangan. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging pinakalarawan ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Samakatwid, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan, nakikipaglaban Siya kay Satanas sa katawang-tao. Kapag gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain ng espirituwal na mundo, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na mundo. Tao ang nalulupig, tao na mapaghimagsik sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na kaaway Niya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Kaya, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilikha, upang magawa Niya ang aktuwal na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapaghimagsik sa Kanya at nagtataglay ng panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na anyo na katulad ng sa Kanya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang layon ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain—nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at higit pa rito ay nagagawang iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t normal at praktikal ang katawang-tao na ito, hindi Siya pangkaraniwang katawang-tao: Hindi Siya katawang-tao na may pagkatao lamang, kundi katawang-tao na kapwa mayroong pagkatao at pagka-Diyos. Ito ang pagkakaiba Niya sa tao, at ito ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging katawang-tao na tulad nito ang makakayang gumawa ng mga gawaing ninanais Niyang gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na makompleto ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Kung hindi ito ganoon, laging magiging hungkag at may kapintasan ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Bagama’t makakaya ng Diyos na makipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, hindi malulutas kailanman ang lumang kalikasan ng tiwaling tao, at iyong mga mapaghimagsik sa Kanya at lumalaban sa Kanya ay hindi kailanman totoong magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman malulupig ang sangkatauhan, at hindi kailanman makakamit ang buong sangkatauhan. Kung hindi malulutas ang Kanyang gawain sa lupa, kung ganoon ay hindi kailanman matatapos ang Kanyang pamamahala, at hindi magagawa ng buong sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan. Kung hindi makakapasok ang Diyos sa kapahingahan kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman sa ganoong gawain ng pamamahala, at kasunod na mawawala ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t walang awtoridad ang Kanyang katawang-tao, makakamit na ang epekto ng gawain na Kanyang ginagawa. Ito ang di-maiiwasang tunguhin ng Kanyang gawain. Nagtataglay man o hindi ng awtoridad ang Kanyang katawang-tao, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya ay ang Diyos Mismo. Gaano man kanormal o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, magagawa Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, dahil Diyos at hindi tao lamang ang katawang-tao na ito. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagkat ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba sa sinumang tao. Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang gawain na hindi kaya ng karaniwang taong may laman, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay tao rin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nagagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t normal at ordinaryo ang katawang-tao na ito, pagdating sa ambag Niya sa sangkatauhan at kabuluhan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan, napakahalaga Niya, at hindi masusukat ng sinumang tao ang aktuwal na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi tuwirang mawawasak si Satanas ng katawang-tao na ito, magagamit Niya ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na sumuko sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang gapiin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang winawasak si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, mas mahusay Siyang makapagpapatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilikha, at mas mahusay Niyang maliligtas ang tiwaling tao. Ang paggapi kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagbibigay ng higit na malaking patotoo, at higit na nakakakumbinsi, kaysa sa tuwirang pagwasak ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na kapaki-pakinabang para sa pagkilala ng tao sa Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilikha Niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Higit ang Pangangailangan ng Tiwaling Sangkatauhan sa Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Kaugnay na mga Eksena ng Pelikula

Ang Pangangailangan na Gawin ng Diyos ang Kanyang Gawain sa Pamamagitan ng Pagkakatawang-tao

Paano Magpapakita ang Panginoon sa Tao sa Kanyang Muling Pagdating?

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Paano Ko Dapat Salubungin ang Panginoon

Kaugnay na mga Sermon

Bakit Nagpapakita at Gumagawa ang Diyos sa Katawang-Tao sa mga Huling Araw sa Halip na sa Anyong Espiritu?

Bakit Nagkakatawang-tao ang Diyos Para Isagawa ang Kanyang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw?

Kaugnay na mga Himno

Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Lubos na Makapagliligtas sa Tao

Ang Pangangailangan ng Pagkakatawang-tao ng Diyos

Kailangan ng Sangkatauhan na Ginawang Tiwali ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos

Sinundan:  a. Ano ang pagkakatawang-tao, at bakit Siya lamang na nagpapahayag ng katotohanan ang Diyos na nagpapakita at gumagawa

Sumunod:  c. Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, bagkus ay nagkakatawang-tao at ginagawa ito Mismo

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger