g. Ang layon at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa Tsina para magpakita at gumawa sa mga huling araw

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, iyon ang simula; ang yugtong ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang kongklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga taong hinirang sa Israel, at ito ay gawaing nagbukas ng bagong yugto sa pinakabanal sa lahat ng lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa pinakamarumi sa lahat ng bansa, upang hatulan ang mundo at wakasan ang kapanahunan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay itataboy, ang liwanag ay dadalhin, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao sa ganitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, at kinilala ng buong populasyon na mayroong Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat tao ay lubusan nang nakumbinsi, ang katunayang ito ay gagamitin upang isagawa ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay representatibo. Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain ng anim na libong taon ng pamamahala ay ganap nang magwawakas. Sa oras na ang mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba pang lugar. Kung gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng representatibong kabuluhan. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng sa laman, kay Satanas, at sa karnalidad. Ang mga Tsino ang pinakaginawang tiwali ng malaking pulang dragon, ang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang pagkatao ay pinakamababa at pinakamarumi, at kaya sila ang tipikal na halimbawa ng lahat ng tiwaling tao. Hindi ito nangangahulugan na walang anumang problema sa ibang mga bansa; ang mga kuru-kuro ng tao ay magkakaparehong lahat, at bagama’t ang mga tao sa mga bansang ito ay maaaring mayroong mahusay na kakayahan, kung hindi nila kilala ang Diyos, tiyak na sinasalungat nila Siya. Bakit kumontra at naghimagsik din ang mga Hudyo laban sa Diyos? Bakit kinontra rin Siya ng mga Pariseo? Bakit ipinagkanulo ni Hudas si Jesus? Sa panahong iyon, marami sa mga disipulo ang hindi nakakilala kay Jesus. Bakit, pagkatapos ipako sa krus si Jesus at muling mabuhay, ay hindi pa rin nananampalataya sa Kanya ang tao? Hindi ba’t pare-pareho lamang ang paghihimagsik ng tao? Ginagawa lamang halimbawa ang mga tao ng Tsina, at kapag sila ay nalupig, sila ay magiging mga huwaran at uliran, at magsisilbing reperensiya para sa iba. Bakit palagi Kong sinasabi na kayo ay dugtong sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina pinakalubos na naipapamalas ang katiwalian, karumihan, pagiging di-matuwid, pagsalungat, at paghihimagsik sa lahat ng iba’t ibang anyo ng mga ito. Sa isang banda, sila ay may mahinang kakayahan, at sa kabilang banda, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay salat at pinakapaurong. Ang kanilang katayuan ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay representatibo, at pagkatapos ganap na gawin itong gawain ng pagsubok, ang susunod na gawain ng Diyos ay magiging higit na madali. Kapag natapos na ang hakbang na ito ng gawain, ang susunod na gawain ay hindi na magiging mahirap kahit kaunti. Sa oras na maisakatuparan na ang hakbang na ito ng gawain, lubos nang makakamit ang malaking tagumpay, at ang gawain ng paglupig sa buong sansinukob ay ganap nang magwawakas. Sa katunayan, kapag nagtagumpay na ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa buong sansinukob. Ito ang kabuluhan ng kung bakit pinagsisilbi Ko kayo bilang huwaran at uliran.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)

Ang Tsina ang pinakapaurong sa lahat ng bansa; ito ang lupain kung saan nakapulupot ang malaking pulang dragon, narito ang pinakamaraming taong sumasamba sa mga diyos-diyosan at nakikibahagi sa salamangka, may pinakamaraming templo, at ito ang lugar kung saan naninirahan ang maruruming espiritu. Isinilang ka nito, tinuruan nito at nakalubog sa impluwensiya nito; nagawa ka nitong tiwali at pinahirapan nito, ngunit nang magising ka ay naghimagsik ka laban dito at lubos kang nakamit ng Diyos. Ito ang kaluwalhatian ng Diyos, at ito ang dahilan kaya ang yugtong ito ng gawain ay may malaking kabuluhan. Nakagawa ang Diyos ng napakalawak na gawain, nakasambit ng napakaraming salita, at sa huli ay lubos Niya kayong makakamit—ito ay isang bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at kayo ang “mga samsam ng tagumpay” ng pakikibaka ng Diyos kay Satanas. Habang lalo ninyong nauunawaan ang katotohanan at napapabuti ang inyong buhay sa iglesia, lalong napapanikluhod ang malaking pulang dragon. Lahat ng ito ay mga bagay ng espirituwal na mundo—ito ang mga pakikibaka ng espirituwal na mundo, at kapag nagtagumpay ang Diyos, mapapahiya at babagsak si Satanas. Ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay may napakalaking kabuluhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (2)

Ang paggawa ng gawain ng paglupig sa mga taong tulad nito ay may pinakamalalim na kabuluhan. Kayong lahat ay nahulog sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman at labis na napinsala. Ang layon ng gawaing ito, kung gayon, ay ang bigyang-kakayahan kayo na makilala ang kalikasan ng tao at sa pamamagitan niyon ay maisabuhay ang katotohanan. Ang magawang perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng nilikha. Kung ang gawain ng yugtong ito ay kinapapalooban lamang ng pagpeperpekto sa mga tao, kung gayon ay maaari itong magawa sa UK, o sa America, o sa Israel; maaari itong magawa sa mga tao ng anumang bansa. Ngunit ang gawain ng paglupig ay namimili. Ang unang hakbang ng gawain ng paglupig ay panandalian lamang; higit pa rito, ito ay gagamitin upang hiyain si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito ang panimulang gawain ng paglupig. Maaaring sabihin na ang sinumang nilikha na nananampalataya sa Diyos ay magagawang perpekto dahil ang magawang perpekto ay isang bagay na makakamit lamang pagkatapos ng mahabang-panahong pagbabago. Ngunit ang malupig ay iba. Ang uliran at huwaran para sa paglupig ay dapat ang mga taong pinakapaurong, na namumuhay sa pinakamalalim na kadiliman; sila dapat ang pinakahamak na tao, iyong mga pinakahindi kumikilala sa Diyos, at iyong mga pinakamapaghimagsik sa Diyos. Ito mismo ang uri ng tao na makakapagpatotoo tungkol sa pagkalupig. Ang pangunahing layon ng gawain ng paglupig ay ang talunin si Satanas, habang ang layon ng pagpeperpekto sa mga tao ay ang makamit ang mga tao. Isinagawa rito ang gawain ng paglupig, sa mga taong katulad ninyo, upang bigyang-kakayahan ang mga tao na magkaroon ng patotoo pagkatapos na malupig. Ang layunin ay ang magpatotoo ang mga tao pagkatapos na malupig. Ang nalupig na mga taong ito ay gagamitin upang makamit ang layon na maipahiya si Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Ang paggawa ngayon sa mga inapo ni Moab ay pagliligtas sa mga nahulog sa pinakamatinding kadiliman. Bagama’t sila ay isinumpa, ang Diyos ay handang magkamit ng kaluwalhatian mula sa kanila. Ito ay dahil lahat sila noong una ay mga taong wala ang Diyos sa kanilang puso, at ang idulot lamang iyong mga wala ang Diyos sa kanilang puso na magpasakop sa Diyos at mahalin Siya ang tunay na paglupig. Ang gayong mga resulta ng Kanyang gawain ang pinakamahalaga at pinakakapani-paniwala. Ito lamang ang pagkakamit ng kaluwalhatian—ito ang kaluwalhatiang nais makamit ng Diyos sa mga huling araw. Bagama’t mababa ang posisyon ng mga taong ito, na nagagawa na nila ngayong tumanggap ng ganoon kalaking biyayang nagliligtas ay tunay na isang pagtataas ng Diyos. Ang gawaing ito ay napakamakahulugan: Ang layunin ay ang makamit ang mga taong ito sa pamamagitan ng paghatol—hindi ang parusahan sila, kundi ang iligtas sila. Kung, sa mga huling araw, isinasagawa pa rin Niya ang gawain ng paglupig sa Israel, mawawalan ito ng kabuluhan; magkaroon man ito ng bunga, hindi ito magkakaroon ng halaga o anumang malaking kabuluhan, at hindi Siya magkakamit ng buong kaluwalhatian. Ang paggawa sa inyo ay ang paggawa sa mga nahulog sa pinakamadilim sa lahat ng lugar, sa mga pinakaatrasado. Hindi kinikilala ng mga taong ito na may Diyos at hindi nalaman kailanman na may Diyos. Ang mga nilikhang ito ay nagawang tiwali ni Satanas hanggang sa antas na nalimutan na nila ang Diyos. Dahil nabulag na sila ni Satanas, hindi man lang nila alam na may Diyos sa langit. Sa inyong puso, lahat kayo ay sumasamba sa mga diyos-diyosan at sumasamba kay Satanas—hindi ba kayo ang pinakahamak, ang pinakaatrasadong mga tao? Kayo ang pinakahamak sa lahat ng laman, walang anumang personal na kalayaan, at dumaranas din kayo ng mga paghihirap. Kayo rin ang mga tao sa pinakamababang antas ng lipunang ito, na wala kahit ng kalayaang manampalataya. Narito ang kabuluhan ng paggawa sa inyo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab

Sa pamamagitan lamang ng pagiging tao ng Diyos sa pinakapaurong at pinakamaruming mga lugar maihahayag ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang banal at matuwid na disposisyon. At sa pamamagitan ng ano naibubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon? Naibubunyag ito sa pamamagitan ng paghatol Niya sa mga kasalanan ng tao, paghatol Niya kay Satanas, pagkasuklam Niya sa kasalanan, at pagkamuhi Niya sa mga kaaway na lumalaban at naghihimagsik laban sa Kanya. Ang mga salitang sinasambit Ko ngayon ay upang hatulan ang mga kasalanan ng tao, upang hatulan ang hindi pagiging matuwid ng tao, at upang sumpain ang paghihimagsik ng tao at ang pagiging baliko at panlilinlang ng tao. Ang lahat ng hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos sa mga salita at gawa ng tao ay kailangang isailalim sa paghatol, at ang lahat ng paghihimagsik ng tao ay inilalarawan bilang kasalanan. Umiikot ang Kanyang mga salita sa mga prinsipyo ng paghatol; ginagamit Niya ang paghatol sa hindi pagiging matuwid ng tao, ang pagsumpa sa paghihimagsik ng tao, at ang paglalantad sa lahat ng pangit na mukha ng tao upang ipamalas ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang kabanalan ay isang representasyon ng Kanyang matuwid na disposisyon, at sa katunayan, ang kabanalan ng Diyos ay ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang mga tiwali ninyong disposisyon ay ang konteksto ng mga salita ngayon—Ako ay nagsasalita at humahatol, at nagsasagawa ng gawain ng paglupig ayon sa mga ito. Ito lamang ang praktikal na gawain, at sa paraan lamang na ito lubos na maipapakita ang kabanalan ng Diyos. Kung walang bahid ng tiwaling disposisyon sa iyo, hindi ka hahatulan ng Diyos, at hindi rin Niya ipapakita sa iyo ang Kanyang matuwid na disposisyon. Sapagkat mayroon kang mga tiwaling disposisyon, hindi ka palalampasin ng Diyos, at sa pamamagitan nito naipapakita ang Kanyang kabanalan. Kung makikita ng Diyos na masyadong malubha ang karumihan at paghihimagsik ng tao ngunit hindi Siya magsasalita o hahatol sa iyo, ni hindi ka Niya kakastiguhin dahil sa iyong hindi pagiging matuwid, patutunayan nito na hindi Siya Diyos, dahil wala Siyang pagkamuhi sa kasalanan; magiging kasingdumi lamang Siya ng tao. Ngayon, dahil sa karumihan mo kaya kita hinahatulan, at dahil sa katiwalian at paghihimagsik mo kaya kita kinakastigo. Hindi Ko ipinangangalandakan ang Aking kapangyarihan sa inyo o sadya kayong inaapi; ginagawa Ko ang mga bagay na ito dahil kayo, na naisilang sa lupaing ito ng karumihan, ay labis-labis nang narumihan. Sadyang naiwala ninyo ang inyong integridad at pagkatao, tulad ng mga baboy na naninirahan sa maruruming lugar. Dahil sa inyong karumihan at katiwalian kaya kayo hinahatulan at kaya Ko pinapakawalan sa inyo ang Aking poot. Dahil mismo sa paghatol ng mga salitang ito kaya ninyo nakikita na ang Diyos ay ang matuwid na Diyos, at na ang Diyos ay ang banal na Diyos; dahil mismo sa Kanyang kabanalan at Kanyang pagiging matuwid kaya Niya kayo hinahatulan at pinapakawalan Niya ang Kanyang poot sa inyo; dahil mismo sa nakikita Niya ang paghihimagsik ng sangkatauhan kaya nabubunyag mula sa Kanya ang Kanyang matuwid na disposisyon. Ang karumihan at katiwalian ng sangkatauhan ay nagbubunyag ng Kanyang kabanalan. Sapat na ito upang ipakita na Siya ang Diyos Mismo, na banal at busilak, ngunit namumuhay sa lupain ng karumihan. …

Malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng gawaing ginawa sa Israel at ng gawain sa ngayon. Ginabayan ni Jehova ang buhay ng mga Israelita, at walang gaanong pagkastigo at paghatol, dahil sa panahong iyon, napakakaunti ng naunawaan ng mga tao tungkol sa mundo at mayroon silang kakaunting tiwaling disposisyon. Noon, nagpasakop kay Jehova ang mga Israelita nang walang pasubali. Nang sabihin Niya sa kanila na magtayo ng mga altar, agad silang nagtayo ng mga altar; nang sabihin Niya sa kanila na magsuot ng mga balabal ng mga saserdote, nagpasakop sila. Sa mga araw na iyon, si Jehova ay parang ang pastol nila na nag-aalaga sa isang kawan ng mga tupa, kung saan ang mga tupa ay sumusunod sa paggabay ng pastol at kumakain ng damo sa pastulan; ginabayan ni Jehova ang buhay nila, pinapatnubayan sila kung paano sila kumain, magbihis, manirahan, at maglakbay. Hindi iyon ang panahon ng pagpapamalas ng disposisyon ng Diyos, sapagkat ang sangkatauhan noong panahong iyon ay bagong silang; kakaunti ang mapaghimagsik at lumalaban, walang gaanong karumihan sa mga tao, kaya hindi sila makapagsilbing isang hambingan sa disposisyon ng Diyos. Sa pamamagitan ng mga taong nanggagaling sa lupain ng karumihan na naipamamalas ang kabanalan ng Diyos; ngayon, ginagamit Niya ang karumihang ibinubunyag ng mga taong ito sa lupain ng karumihan, at Siya ay humahatol, at sa ganitong paraan naibubunyag ang lahat ng kung ano Siya sa gitna ng paghatol na iyon. Bakit Siya humahatol? Kaya Niyang sambitin ang mga salita ng paghatol dahil kinapopootan Niya ang kasalanan; paanong galit na galit Siya kung hindi Niya kinapopootan ang paghihimagsik ng sangkatauhan? Kung walang pagkapoot sa loob Niya, walang pagkasuklam, kung hindi Niya papansinin ang paghihimagsik ng mga tao, patutunayan niyon na kasingdumi Siya ng tao. Nahahatulan at nakakastigo Niya ang tao dahil kinapopootan Niya ang karumihan, at ang kinapopootan Niya ay wala sa Kanya. Kung mayroon ding paglaban at paghihimagsik sa Kanya, hindi Niya kapopootan iyong mga lumalaban at mapaghimagsik. Kung ang gawain ng mga huling araw ay isinasagawa pa rin sa Israel, hindi ito magkakaroon ng kabuluhan. Bakit ginagawa ang gawain ng mga huling araw sa Tsina, ang pinakamadilim at pinakaatrasadong lugar sa lahat? Iyon ay upang ibunyag ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid. Sa madaling salita, kapag mas madilim ang isang lugar, mas naibubunyag ang kabanalan ng Diyos. Sa katunayan, lahat ng ito ay alang-alang sa gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig

Ang mga Tsino ay hindi kailanman nanampalataya sa Diyos; hindi nila napaglingkuran si Jehova kailanman, at hindi napaglingkuran si Jesus kailanman. Yumuyukod lamang sila, nagsusunog ng insenso, nagsusunog ng papel na joss, at sumasamba kay Buddha. Sumasamba lamang sila sa mga diyos-diyosan—napakamapaghimagsik nilang lahat. Kaya, kapag mas mababa ang posisyon ng mga tao, mas ipinapakita nito na ang nakakamit ng Diyos mula sa inyo ay higit pang kaluwalhatian. Maaaring sabihin ng ilan, mula sa kanilang pananaw, “O Diyos, ano ang gawaing Iyong ginagawa? Isang napakarangal na Diyos, isang napakabanal na Diyos na katulad Mo ang nagpupunta sa isang maruming lupain? Napakaliit ba ng palagay Mo sa Iyong sarili? Napakarumi namin, ngunit handa Kang makasama kami? Handa Kang mamuhay sa piling namin? Napakababa ng aming posisyon, ngunit handa Kang gawin kaming ganap? At gagamitin Mo kaming mga huwaran at uliran?” Sinasabi Ko: Hindi mo nauunawaan ang Aking mga layunin. Hindi mo nauunawaan ang gawaing nais Kong gawin ni nauunawaan ang Aking disposisyon. Ang kabuluhan ng gawaing Aking gagawin ay hindi mo kayang matamo. Maaari bang umayon ang Aking gawain sa iyong mga kuru-kurong pantao? Ayon sa mga kuru-kuro ng tao, kailangan Akong maisilang sa isang magandang bansa upang ipakita na Ako ay may mataas na katayuan, upang ipakita na malaki ang Aking kahalagahan, at upang ipakita ang Aking karangalan, kabanalan, at kadakilaan. Kung naisilang Ako sa isang lugar na nakikilala Ako, sa isang elitistang pamilya, dahil sa Aking mataas na posisyon at katayuan, tatratuhin Ako nang napakaayos. Hindi iyan makakabuti sa Aking gawain, at mabubunyag pa rin kaya ang gayon kadakilang biyayang nagliligtas kung nangyari iyon? Lahat ng nakakakita sa Akin ay nagpapasakop sa Akin, at hindi sila nadurungisan ng dumi—dapat naisilang Ako sa ganitong klaseng lugar. Iyan ang inyong pinaniniwalaan. Ngunit isipin ninyo ito: Pumarito ba ang Diyos sa lupa para masiyahan, o para gumawa? Kung gumawa Ako sa gayon kadali at komportableng lugar, matatamo Ko kaya ang Aking buong kaluwalhatian? Magagawa Ko kayang lupigin ang lahat ng nilikha? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, hindi Siya sa mundo, at hindi Siya nagkakatawang-tao para tamasahin ang mundo. Ipinapanganak Siya kung saan man ipinapamalas ng gawain Niya ang Kanyang disposisyon at saan man ito nagiging pinakamakabuluhan. Ang lupain man ay banal o marumi—saan man gumagawa ang Diyos, Siya ay banal. Lahat ng bagay sa mundo ay nilikha Niya, sadya lamang na nagawang tiwali ni Satanas ang mga ito. Gayumpaman, lahat ng bagay ay pag-aari pa rin Niya; nasa mga kamay Niya ang lahat ng iyon. Pumupunta Siya sa isang maruming lupain at gumagawa roon upang ibunyag ang Kanyang kabanalan; ginagawa lamang Niya ito alang-alang sa Kanyang gawain, na ibig sabihin ay tinitiis lang Niya ang malaking kahihiyan upang gawin ang gayong gawain upang iligtas ang mga tao ng maruming lupaing ito. Ginagawa ito alang-alang sa pagpapatotoo, para sa kapakanan ng buong sangkatauhan. Ang ipinapakita sa tao ng gayong gawain ay ang pagiging matuwid ng Diyos, at mas naipapakita nito na ang Diyos ang pinakamataas. Ang Kanyang kadakilaan at pagkamatuwid ay mismong naipapamalas sa pagliligtas sa isang grupo ng hamak na mga tao na nililibak ng iba. Ang maisilang sa isang maruming lupain ay hindi nagpapatunay na Siya ay hamak; tinutulutan lamang nitong makita ng lahat ng mga nilikha ang Kanyang kadakilaan at Kanyang tunay na pagmamahal para sa sangkatauhan. Habang mas ginagawa Niya ito, mas ibinubunyag nito ang Kanyang dalisay na pagmamahal, ang Kanyang perpektong pagmamahal sa tao. Ang Diyos ay banal at matuwid, kahit isinilang Siya sa isang maruming lupain, at kahit namumuhay Siyang kasama ng mga taong puno ng karumihan, gaya noong namuhay si Jesus sa piling ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba’t ginagawa ang Kanyang buong gawain para sa kapakanan ng pananatiling buhay ng buong sangkatauhan? Hindi ba’t ang lahat ng iyon ay upang magtamo ng dakilang kaligtasan ang sangkatauhan? Dalawang libong taon na ang nakararaan, namuhay Siya sa piling ng mga makasalanan sa loob ng ilang taon. Iyon ay alang-alang sa pagtubos. Ngayon, namumuhay Siya sa piling ng isang grupo ng marurumi at hamak na mga tao. Ito ay alang-alang sa pagliligtas. Hindi ba para sa kapakanan ninyong mga tao ang lahat ng Kanyang gawain? Kung hindi para iligtas ang tao, bakit Siya namuhay at nagdusa kasama ng mga makasalanan sa loob ng napakaraming taon pagkatapos maisilang sa isang sabsaban? At kung hindi para iligtas ang tao, bakit Siya magbabalik sa katawang-tao sa ikalawang pagkakataon, isisilang sa lupaing ito kung saan nagtitipon ang mga demonyo, at mamumuhay sa piling ng mga taong ito na lubhang nagawang tiwali ni Satanas? Hindi ba tapat ang Diyos? Anong bahagi ng Kanyang gawain ang hindi naging para sa sangkatauhan? Anong bahagi ang hindi naging para sa inyong tadhana? Ang Diyos ay banal—hindi iyan mababago! Hindi Siya nadudungisan ng dumi, bagama’t pumunta Siya sa isang maruming lupain; lahat ng ito ay maaari lamang mangahulugan na ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay labis na walang pag-iimbot at ang pagdurusa at kahihiyang Kanyang tinitiis ay napakatindi! Hindi ba ninyo alam kung gaano kalaking kahihiyan ang Kanyang dinaranas, para sa inyong lahat at para sa inyong tadhana? Sa halip na iligtas ang mga dakilang tao o ang mga anak ng mayaman at makapangyarihang mga pamilya, nakatuon Siyang iligtas iyong mga hamak at minamaliit ng iba. Hindi ba lahat ng ito ay Kanyang kabanalan? Hindi ba lahat ng ito ay Kanyang katuwiran? Para manatiling buhay ang buong sangkatauhan, mas gusto pa Niyang maisilang sa isang maruming lupain at magdusa ng lahat ng kahihiyan. Ang Diyos ay tunay na tunay—wala Siyang ginagawang huwad na gawain. Hindi ba ginagawa ang bawat yugto ng Kanyang gawain sa napakapraktikal na paraan? Kahit sinisiraan Siya ng lahat ng tao at sinasabi na nauupo Siya sa hapag na kasama ang mga makasalanan, kahit iniinsulto Siya ng lahat ng tao at sinasabi na namumuhay Siya sa piling ng mga anak ng karumihan, na namumuhay Siya sa piling ng pinakahamak sa lahat ng tao, gayumpaman ay iniaalay pa rin Niya nang walang pag-iimbot ang Kanyang Sarili, at itinatakwil pa rin Siya ng mga tao sa ganitong paraan. Hindi ba mas matindi ang pagdurusang Kanyang tinitiis kaysa sa inyo? Hindi ba mas marami ang gawaing Kanyang ginagawa kaysa sa halagang inyong naibayad? Kayo ay isinilang sa isang lupain ng karumihan, subalit nakamit ninyo ang kabanalan ng Diyos. Isinilang kayo sa isang lupain kung saan nagtitipon ang mga demonyo, subalit nakatanggap kayo ng malaking proteksyon. Ano pa ang pagpipilian ninyo? Ano ang inirereklamo ninyo? Hindi ba mas matindi ang pagdurusang Kanyang natiis kaysa sa pagdurusang natiis ninyo? Naparito Siya sa lupa at hindi nagtamasa kailanman ng mga kasiyahan ng mundo ng tao. Kinasusuklaman Niya ang gayong mga bagay. Hindi pumarito ang Diyos sa lupa upang magtamasa ng mga materyal na bagay na bigay ng tao, ni upang masiyahan sa pagkain, damit, at mga palamuti ng tao. Hindi Niya pinapansin ang mga bagay na ito. Pumarito Siya sa lupa upang magdusa para sa sangkatauhan, hindi para magtamasa ng makamundong kaginhawahan. Naparito Siya upang magdusa, gumawa, at tapusin ang Kanyang plano ng pamamahala. Hindi Siya pumili ng isang magandang lugar na titirhan, gaya ng isang embahada o isang magarang hotel, at wala rin Siyang ilang katulong na magsisilbi sa Kanya. Batay sa inyong nakita, hindi ba ninyo alam kung naparito Siya upang gumawa o masiyahan? Hindi ba nakikita ng inyong mga mata? Hindi ba sapat ang ipinagkaloob Niya sa inyo? Kung Siya ay naisilang sa isang komportableng lugar, magagawa kaya Niyang magtamo ng kaluwalhatian? Makakagawa ba Siya? Magkakaroon kaya ng anumang kabuluhan ang paggawa Niya niyon? Magagawa kaya Niyang ganap na lupigin ang mga tao? Maililigtas kaya Niya ang mga tao mula sa lupain ng karumihan? Itinatanong ng mga tao, ayon sa kanilang mga kuru-kuro: “Yamang ang Diyos ay banal, bakit Siya isinilang dito sa aming maruming lugar? Namumuhi at nasusuklam Ka sa amin na maruruming tao; nasusuklam Ka sa aming paglaban at aming paghihimagsik, kaya bakit Ka namumuhay sa piling namin? Ikaw ay isang kataas-taasang Diyos. Maaari Kang isilang kahit saan, kaya bakit Mo kinailangang maisilang sa maruming lupaing ito? Kinakastigo at hinahatulan Mo kami araw-araw, at alam na alam Mo na kami ay mga inapo ni Moab, kaya bakit namumuhay Ka pa rin sa piling namin? Bakit Ka isinilang sa isang pamilya ng mga inapo ni Moab? Bakit Mo ginawa iyon?” Ang mga iniisip ninyong ito ay lubos na wala sa katwiran! Ang gayong gawain lamang ang nagtutulot sa mga tao na makita ang Kanyang kadakilaan, ang Kanyang kapakumbabaan at pagiging tago. Handa Siyang isakripisyo ang lahat alang-alang sa Kanyang gawain, at pinagtiisan Niya ang lahat ng pagdurusa para sa Kanyang gawain. Kumikilos Siya para sa kapakanan ng sangkatauhan, at higit pa riyan, para lupigin si Satanas at hayaan ang lahat ng nilikha na magpasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan. Ito lamang ang makahulugan at mahalagang gawain. Kung naisilang ang mga inapo ni Jacob sa Tsina, sa piraso ng lupaing ito, at sila ay kayong lahat, ano ang magiging kabuluhan ng gawaing ginagawa sa inyo? Ano ang sasabihin ni Satanas? Sasabihin ni Satanas, “Lagi silang natatakot sa Iyo, sa simula pa lamang ay nagpasakop na sila sa Iyo, at hindi Ka nila ipinagkanulo kailanman. Hindi sila ang pinakamadilim, pinakaaba, o pinakaatrasado sa sangkatauhan.” Kung ginawa nga ang gawain sa ganitong paraan, sino ang makukumbinsi nito? Sa buong sansinukob, ang mga Tsino ang pinakaatrasado sa sangkatauhan. Isinilang silang hamak, at may mababang karakter; mapurol ang kanilang isipan at manhid sila, at bastos at bulok. Lubog sila sa mga disposisyon ni Satanas, marurumi at mahahalay. Taglay ninyo ang lahat ng katangiang ito. Kapag natapos na ang gawaing ito, iwawaksi ng mga tao ang mga tiwaling disposisyong ito at magagawa nilang lubos na magpasakop at magagawa silang ganap. Ang gayong mga bunga lamang ng gawain ang patotoo sa gitna ng mga nilikha!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kabuluhan ng Pagliligtas sa mga Inapo ni Moab

Ganap na itinuon ng Diyos ang gawain Niya sa sansinukob sa grupong ito ng mga tao. Isinakripisyo na Niya ang lahat ng dugo ng puso Niya para sa inyo; binawi at ibinigay na Niya sa inyo ang buong gawain ng Espiritu sa sansinukob. Ito ang dahilan kung bakit kayo ang mapapalad. Bukod pa rito, inilipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang hinirang na mga tao, patungo sa inyo, at lubos Niyang ipamamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ng grupong ito. Samakatwid, kayo ang mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa rito, kayo ang mga magmamana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: “Sapagkat ang magaan na pagdurusa na panandalian lamang ay nagdudulot sa atin ng lalong dakila at walang hanggang kaluwalhatian.” Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan ng mga ito. Ngayon, malalim ninyong nauunawaan ang tunay na kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga brutal na inusig ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay nang nakapulupot. Inuusig ng malaking pulang dragon ang Diyos at ito ang kaaway ng Diyos, kaya nga, ang mga tao sa lupaing ito ay sumasailalim sa pamamahiya at pang-uusig dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, bilang resulta. Dahil isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa isang lupain na lumalaban sa Diyos, ang lahat ng gawain Niya ay nahaharap sa malalaking balakid, at marami sa Kanyang mga salita ang hindi maisasakatuparan kaagad; kaya, ang mga tao ay pinipino bilang resulta ng mga salita ng Diyos, na bahagi rin ng pagdurusa. Napakahirap para sa Diyos na isagawa ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit sa pamamagitan ng hirap na ito, ginagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain Niya, nang sa gayon ay maipamalas Niya ang Kanyang karunungan at mga kamangha-manghang gawa, at ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang gawing ganap ang grupong ito ng mga tao. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, at sa pamamagitan ng lahat ng satanikong disposisyon ng mga tao sa maruming lupaing ito, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagdadalisay at paglupig, nang sa gayon, mula rito, magkakamit Siya ng kaluwalhatian at niyaong mga nagpapatotoo sa Kanyang mga gawa. Ito ang buong kabuluhan ng lahat ng halagang ibinayad ng Diyos para sa grupong ito ng mga tao. Ibig sabihin, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paglupig sa pamamagitan ng mga lumalaban sa Kanya, at sa gayon lamang maipapamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa madaling salita, yaon lamang mga nasa maruming lupain ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagpapatingkad sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit mula sa maruming lupain, at sa mga yaon na naninirahan sa maruming lupain, nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian—iyon ang layunin ng Diyos. Katulad lang ito ng yugto ng gawain ni Jesus: Maaari lamang Siyang magtamo ng kaluwalhatian sa gitna ng mga Pariseo na umusig sa Kanya; kung hindi sa pag-uusig ng mga Pariseo at sa pagkakanulo ni Hudas, hindi sana napagtawanan o nasiraang-puri si Jesus, lalong hindi sana Siya ipinako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kung saan gumagawa ang Diyos sa bawat kapanahunan, at kung saan Siya gumagawa ng Kanyang gawain sa katawang-tao, doon Siya nagkakamit ng kaluwalhatian at doon Niya nakakamit yaong mga nais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawain ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

Sa plano ng Diyos ng ilang libong taon, dalawang bahagi ng gawain ang ginagawa sa katawang-tao: Ang una ay ang gawain ng pagpapapako sa krus, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian; ang isa pa ay ang gawain ng panlulupig at pagpeperpekto sa mga huling araw, kung saan Siya ay nagtatamo ng kaluwalhatian. Ito ang pamamahala ng Diyos. Kaya huwag ninyong ituring na simpleng bagay ang gawain ng Diyos, o ang atas ng Diyos sa inyo. Kayo ang lahat ng magmamana ng lubhang nakahihigit at walang hanggang bigat ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito ay espesyal na inorden ng Diyos. Sa dalawang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian, ang isa ay naipapamalas sa inyo; ang kabuuan ng isang bahagi ng kaluwalhatian ng Diyos ay ipinagkaloob na sa inyo, upang siyang maging inyong pamana. Ito ang pagtataas sa inyo ng Diyos, at ito rin ang plano na matagal na Niyang paunang itinakda. Dahil sa kadakilaan ng gawaing nagawa ng Diyos sa lupain kung saan nananahan ang malaking pulang dragon, kung nalipat ang gawaing ito sa ibang lugar, matagal na sana itong nagkaroon ng malaking bunga at madaling natanggap ng tao. Bukod pa rito, naging napakadali sanang tanggapin ang gawaing ito para sa mga pastor ng Kanluran na nananampalataya sa Diyos, sapagkat ang yugto ng gawain ni Jesus ay nagsisilbing naunang halimbawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagagawang isakatuparan ng Diyos ang yugtong ito ng gawain ng pagkakamit ng kaluwalhatian sa ibang lugar; kapag sinusuportahan ng mga tao at kinikilala ng estado ang gawain, walang lugar kung saan maitatatag ang kaluwalhatian ng Diyos. Ito mismo ang pambihirang kabuluhang taglay ng yugtong ito ng gawain sa lupaing ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple Ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?

Ngayon, may mga hindi pa rin nakakaunawa kung anong bagong gawain ang nasimulan ng Diyos. Sa mga bayan ng Hentil, nagpasimula na ang Diyos ng isang bagong panimula. Nagpasimula Siya ng isang bagong kapanahunan, at nagpasimula ng bagong gawain—at ginagampanan Niya ang gawaing ito sa mga inapo ni Moab. Hindi ba ito ang Kanyang pinakabagong gawain? Wala pang sinuman sa lahat ng kapanahunan at henerasyon ang nakaranas ng gawaing ito kailanman. Ni wala pang nakarinig dito, lalo nang walang nakaarok dito. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, pagiging di-maarok, kadakilaan, at kabanalan ng Diyos ay pawang naipapamalas sa yugtong ito ng gawain, ang gawain sa mga huling araw. Hindi ba ito bagong gawain, gawaing bumabasag sa mga kuru-kuro ng tao? May mga nag-iisip ng ganito: “Yamang isinumpa ng Diyos si Moab at sinabi na aabandonahin Niya ang mga inapo ni Moab, paanong ililigtas Niya sila ngayon?” Sila iyong mga Hentil na isinumpa ng Diyos at pinaalis sa Israel; tinawag sila ng mga Israelita na “mga asong Hentil.” Sa paningin ng lahat, hindi lamang sila mga asong Hentil, kundi mas masahol pa, ang mga anak na masasawi; na ibig sabihin, hindi sila mga taong hinirang ng Diyos. Bagama’t inisyal silang isinilang sa loob ng mga hangganan ng Israel, hindi sila kabilang sa mga tao ng Israel, at pinatalsik sila sa mga bayan ng Hentil. Sila ang pinakaaba sa lahat ng tao. Ito ay dahil mismo sa sila ang pinakaaba sa sangkatauhan kaya isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paglulunsad ng isang panibagong kapanahunan sa kanila, sapagkat kinakatawan nila ang tiwaling sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos ay hindi walang pagpili o walang layon; ang gawaing Kanyang ginagawa sa mga taong ito ngayon ay gawain ding isinasagawa sa lahat ng nilikha. Si Noe ay isang nilikha, gayundin ang kanyang mga inapo. Sinuman sa mundo na may laman at dugo ay isang nilikha. Ang gawain ng Diyos ay nakatuon sa lahat ng nilikha; hindi ito nakasalalay sa kung isinumpa ang tao matapos siyang likhain. Ang Kanyang gawain ng pamamahala ay nakatuon sa lahat ng nilikha, hindi roon sa mga taong hinirang na hindi isinumpa. Dahil nilalayon ng Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lahat ng Kanyang nilikha, tiyak na isasakatuparan Niya ito hanggang sa matagumpay na matapos, at gagawa Siya sa mga taong kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Samakatwid, binabali Niya ang lahat ng regulasyon kapag gumagawa Siya sa mga tao; ang mga salitang “isinumpa,” “kinastigo” at “pinagpala” ay hindi umiiral para sa Kanya! Ang mga Hudyo ay mabuti, gayundin ang mga taong hinirang sa Israel; sila ay mga taong may mataas na kakayahan at mabuting pagkatao. Sa simula, sa kanila inilunsad ni Jehova ang Kanyang gawain, at isinagawa ang Kanyang pinakaunang gawain—ngunit ang gawin silang mga tagatanggap ng gawain ng paglupig ngayon ay magiging walang kabuluhan. Bagama’t sila rin ay bahagi ng mga nilikha, at may maraming positibo tungkol sa kanila, ngunit walang silbi ang pagsasagawa ng yugtong ito ng gawain sa kanila; hindi nito malulupig ang mga tao, ni hindi nito makukumbinsi ang lahat ng nilikha. Ito mismo ang kabuluhan ng paglilipat ng Kanyang gawain sa mga taong ito sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang may pinakamalaking kabuluhan dito ay ang Kanyang paglulunsad ng isang kapanahunan, ang Kanyang pagbali sa lahat ng regulasyon at lahat ng kuru-kuro ng tao at ang Kanyang pagtatapos ng gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Kung isinasakatuparan pa rin ang Kanyang kasalukuyang gawain sa mga Israelita, kapag natapos na ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala, maniniwala ang lahat na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, na ang mga Israelita lamang ang mga taong hinirang ng Diyos, at na ang mga Israelita lamang ang karapat-dapat na magmana ng pagpapala at pangako ng Diyos. Isinasakatuparan ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw sa bayan ng Hentil ng malaking pulang dragon ang Kanyang gawain ng pagiging ang Diyos ng lahat ng nilikha, tinatapos ang kabuuan ng Kanyang gawain ng pamamahala, at winawakasan ang pinakamahalagang bahagi ng Kanyang gawain ng pamamahala sa bansa ng malaking pulang dragon. Ang sentro ng tatlong yugto ng gawain ay ang pagliligtas sa tao—iyon ay, pasambahin sa Lumikha ang lahat ng nilikha. Sa gayon, may malaking kahulugan ang bawat yugto ng gawain; walang anumang ginagawa ang Diyos na walang kahulugan o halaga. Sa isang banda, pinasisimulan ng yugtong ito ng gawain ang isang bagong kapanahunan at winawakasan ang naunang dalawang kapanahunan; sa kabilang banda, binabasag nito ang lahat ng kuru-kuro ng mga tao at lahat ng lumang paraan ng paniniwala at mga lumang paraan ng pag-unawa sa mga bagay. Ang gawain ng naunang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan ayon sa iba’t ibang mga kuru-kuro ng tao; gayunman, ganap na inaalis ng yugtong ito ang mga kuru-kuro ng tao, sa gayon ay lubos na nalulupig ang tao. Sa pamamagitan ng paglupig sa mga inapo ni Moab, sa pamamagitan ng gawaing isinakatuparan sa mga inapo ni Moab, lulupigin ng Diyos ang mga tao sa buong sansinukob. Ito ang pinakamalalim na kabuluhan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, at ito ang pinakamahalagang aspekto ng yugtong ito ng Kanyang gawain. Kahit alam mo na ngayon na aba ang iyong sariling posisyon at na mababa ang iyong halaga, madarama mo pa rin na nagmana ka ng isang napakalaking pagpapala at tumanggap na ng isang napakadakilang pangako, at na makakatulong kang isakatuparan ang dakilang gawaing ito ng Diyos, makita ang tunay na mukha ng Diyos, malaman ang likas na disposisyon ng Diyos, at makasunod sa kalooban ng Diyos, na makikita mong ang pinakanakagagalak na bagay. Ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos ay isinakatuparan sa Israel. Kung isinasakatuparan din ang yugtong ito ng Kanyang gawain sa mga huling araw sa mga Israelita, hindi lamang maniniwala ang lahat ng nilikha na ang mga Israelita lamang ang mga taong hinirang ng Diyos, kundi mabibigo rin ang buong plano ng pamamahala ng Diyos na makamit ang nais nitong epekto. Sa panahon kung kailan isinakatuparan ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, walang bagong gawain—ni walang anumang gawain ng paglulunsad ng isang bagong kapanahunan—ang isinakatuparan sa mga bayan ng Hentil. Ang yugto ng gawain sa ngayon—ang gawain ng paglulunsad ng isang bagong kapanahunan—ay unang isinasakatuparan sa mga bayan ng Hentil, at, dagdag pa rito, pauna itong isinasakatuparan sa mga inapo ni Moab, sa gayon ay inilulunsad nito ang buong kapanahunan. Binabasag ng Diyos ang anumang kaalamang nakapaloob sa mga kuru-kuro ng tao, na hindi tinutulutang manatili ang anuman dito. Sa Kanyang gawain ng paglupig, binasag na Niya ang mga kuru-kuro ng tao, at ang mga luma at dating paraan ng pag-unawa sa mga bagay. Hinahayaan Niya na makita ng mga tao na walang mga regulasyon sa Diyos, na walang anumang luma tungkol sa Diyos, na ang gawaing Kanyang ginagawa ay lubos na napalaya, lubos na malaya, at na tama Siya sa lahat ng Kanyang ginagawa. Kailangan mong lubos na magpasakop sa anumang gawaing Kanyang ginagawa sa mga nilikha. Lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay may kahulugan, at isinasakatuparan ayon sa Kanyang sariling mga layunin at karunungan, at hindi ayon sa mga pagpili at kuru-kuro ng tao. Kung may anumang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain, ginagawa Niya iyon; at kung may hindi kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain, hindi Niya iyon ginagawa, gaano man iyon kaganda! Gumagawa Siya at pumipili ng mga tatanggap at lugar ng Kanyang gawain alinsunod sa kahulugan at layunin ng Kanyang gawain. Hindi Siya kumakapit sa mga dating regulasyon kapag gumagawa Siya, ni hindi Siya sumusunod sa mga lumang pormula. Sa halip, ipinaplano Niya ang Kanyang gawain ayon sa kabuluhan ng gawain. Sa huli, matatamo Niya ang isang tunay na epekto at ang inaasam na layon nito. Kung hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito ngayon, hindi magkakaroon ng bisa ang gawaing ito sa iyo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha

Ang isang yugto ng gawain ng naunang dalawang kapanahunan ay isinakatuparan sa Israel, at ang isa ay isinakatuparan sa Judea. Sa pangkalahatan, alinman sa mga yugto ng gawaing ito ay hindi iniwan ang Israel, at bawat isa ay isinagawa sa unang mga taong hinirang. Dahil dito, naniniwala ang mga Israelita na ang Diyos na si Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil gumawa si Jesus sa Judea, kung saan tinapos Niya ang gawain ng pagpapapako sa krus, ang tingin sa Kanya ng mga Hudyo ay Manunubos ng mga Hudyo. Akala nila ay Hari lamang Siya ng mga Hudyo, hindi ng sinumang iba pang mga tao; na hindi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Briton, ni hindi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ang Panginoong tumutubos sa mga Israelita; at ang mga Hudyo ang tinubos Niya sa Israel. Sa totoo lang, ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha. Hindi lamang Siya Diyos ng mga Israelita, ni ng mga Hudyo; Diyos Siya ng lahat ng nilikha. Ang naunang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at ang mga tao ay nagkaroon ng mga kuru-kuro bilang resulta nito. Naniniwala sila na ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, na si Jesus Mismo ang nagsakatuparan ng Kanyang gawain sa Judea, at, bukod pa rito, na ginawa ni Jesus ang gawaing ito sa laman. Ano’t anuman, iniisip nila, ang gawaing ito ay hindi lumagpas pa sa Israel. Hindi gumawa ang Diyos sa mga taga-Ehipto o sa mga Indiano; gumawa lamang Siya sa mga Israelita. Sa gayon ay nakabuo ng iba’t ibang kuru-kuro ang mga tao, at nilimitahan ang gawain ng Diyos sa isang tiyak na saklaw. Sinasabi nila na kapag gumagawa ang Diyos, kailangan Niyang gawin iyon sa mga taong hinirang, at sa Israel; maliban sa mga Israelita, hindi na gumagawa ang Diyos sa iba, ni wala nang anumang mas malawak na saklaw ang Kanyang gawain. Napakahigpit nila pagdating sa pagkokontrol sa Diyos na nagkatawang-tao, at hindi nila Siya pinapayagang kumilos nang lampas sa mga hangganan ng Israel. Hindi ba mga kuru-kuro lamang ng tao ang lahat ng ito? Ginawa ng Diyos ang lahat ng langit at lupa at lahat ng bagay, ginawa Niya ang lahat ng nilikha, kaya paano Niya lilimitahan ang Kanyang gawain sa Israel lamang? Kung magkagayon, ano ang silbi ng paglalang Niya sa lahat ng nilikha? Nilikha Niya ang buong mundo, at naisakatuparan Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala hindi lamang sa Israel, kundi sa bawat tao sa sansinukob. Ano ka man—Tsino, Amerikano, Briton, Ruso—bawat tao ay inapo ni Adan; lahat sila ay nilalang ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang makakatakas sa mga hangganan ng mga nilikha, at wala ni isa sa kanila ang makakahiwalay sa titulo na “inapo ni Adan.” Lahat sila ay mga nilikha, at lahat sila ay supling ni Adan, at lahat sila ay mga tiwaling inapo rin nina Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang mga nilikha, kundi lahat ng tao; kaya lamang ay isinumpa na ang ilan, at napagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na bagay tungkol sa mga Israelita; gumawa ang Diyos sa kanila sa simula dahil sila ang mga taong pinaka-hindi gaanong tiwali. Hindi maikukumpara ang mga Tsino sa kanila; hamak na mas mababa ang mga ito. Kaya, gumawa ang Diyos sa mga tao ng Israel sa simula, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay isinakatuparan lamang sa Judea—na humantong na sa pagkabuo ng maraming kuru-kuro at regulasyon sa mga tao. Sa katunayan, kung kikilos ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao, magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at sa gayon ay hindi Niya makakayang ipalaganap ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil, sapagkat magiging Diyos lamang Siya ng mga Israelita, at hindi Diyos ng lahat ng nilikha. Isinaad sa mga propesiya na ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bayan ng Hentil, na lalaganap ito sa mga bayan ng Hentil. Bakit ito ipinropesiya? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa Israel lamang Siya gagawa. Bukod pa riyan, hindi Niya palalaganapin ang gawaing ito, at hindi Siya gagawa ng ganitong propesiya. Dahil ginawa nga Niya ang propesiyang ito, siguradong ipapalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil, sa loob ng bawat bansa at lahat ng lupain. Dahil sinabi Niya ito, kailangan Niyang gawin ito; ito ang Kanyang plano, sapagkat Siya ang Panginoon na lumikha sa langit at lupa at lahat ng bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilikha. Gumagawa man Siya sa mga Israelita, o sa buong Judea, ang gawaing Kanyang ginagawa ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang gawain ng buong sangkatauhan. Ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bayan ng Hentil—ay gawain pa rin ng buong sangkatauhan. Ang Israel ay maaaring maging pundasyon ng Kanyang gawain sa lupa; gayundin, maaari ding maging pundasyon ang Tsina sa Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil. Hindi ba natupad na Niya ngayon ang propesiya na “ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa mga bayan ng Hentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil ay ang gawaing ito, ang gawaing Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Salungat talaga sa mga kuru-kuro ng tao ang paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa lupaing ito, at ang paggawa sa mga isinumpang taong ito; sila ang mga taong pinakaaba sa lahat, wala silang halaga, at sa simula ay inabandona sila ni Jehova. Ang mga tao ay maaaring talikuran ng ibang mga tao, ngunit kung inabandona sila ng Diyos, sila na ang may pinakamababang katayuan, sila na ang may pinakamababang halaga. Para sa isang nilikha, ang maangkin ni Satanas o matalikuran ng mga tao ay isang bagay na napakasakit—ngunit ang isang nilikha na inabandona ng Lumikha ay nangangahulugan na wala nang mas mababa pa sa kanyang katayuan. Ang mga inapo ni Moab ay isinumpa, at isinilang sila sa paurong na bansang ito; walang duda, sa lahat ng taong nasa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman, ang mga inapo ni Moab ang may pinakamababang katayuan. Dahil ang mga taong ito ay may pinakamababang katayuan noon pa man, ang gawaing ginagawa sa kanila ang pinakabumabasag sa mga kuru-kuro ng tao, at pinakakapaki-pakinabang din sa buong anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang paggawa ng gayong gawain sa mga taong ito ang pinakanakakabasag sa mga kuru-kuro ng tao, at sa pamamagitan nito ay inilulunsad ng Diyos ang isang kapanahunan; sa pamamagitan nito ay binabasag Niya ang lahat ng kuru-kuro ng tao; sa pamamagitan nito ay tinatapos Niya ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang inisyal na gawain ay isinakatuparan sa Judea, sa loob ng mga hangganan ng Israel; sa mga bayan ng Hentil, wala Siyang ginawang anumang gawain para maglunsad ng isang bagong kapanahunan. Ang huling yugto ng gawain ay hindi lamang isinasakatuparan sa mga Hentil, kundi lalo na sa mga taong isinumpa. Ang isang puntong ito ang katibayan na may pinakamalaking kakayahang pahiyain si Satanas, at sa gayon, ang Diyos ay “nagiging” Diyos ng lahat ng nilikha sa sansinukob, ang Panginoon ng lahat ng bagay, ang pakay ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang Pagpapakita at Paggawa ng Diyos sa Tsina ay Napakamakabuluhan

Kaugnay na mga Himno

Ang Kahulugan ng Pagpapakita at Gawain ng Diyos sa Tsina sa mga Huling Araw

Sinundan:  f. Paano makikilala na si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay

Sumunod:  a. Ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger