Tanong 4: Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ’Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ’yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ’di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ’di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “ailangang magsimula ang paghuhukom sa bahay ng Diyos,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 3: Nasusulat na, “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Dahil nananalig tayo kay Cristo Jesus, garantisado nang hindi tayo isusumpa at makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sumunod:  Tanong 5: Sabi mo kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lang mababago ang kanilang masamang disposisyon. Pero, alinsunod sa mga ipinagagawa ng Panginoon, nagpapakumbaba at nagpapasensya tayo, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan ang ating krus, sinusupil ang ating katawan, tinatalikuran ang mga makamundong bagay, at nagsisikap at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago natin ang lahat ng ito? Hindi ba puwedeng maging mga kredensyal ang mga ito para sa pagpasok natin sa kaharian ng langit? Naniniwala ako na basta’t naghanap tayo sa ganitong paraan, mapapadalisay tayo, at makakapasok sa kaharian ng langit.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger