Paunang Salita

Bagama’t maraming tao ang nananampalataya sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung paano sila dapat kumilos upang makaayon sa mga layunin ng Diyos. Ito ay dahil, bagama’t alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at ang mga pariralang tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, at lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na ang lahat ng hindi nakakakilala sa Diyos ay naguguluhan sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Hindi sineseryoso ng mga tao ang pananampalataya sa Diyos, at ito ay ganap na dahil sa masyadong hindi pamilyar at masyadong kakaiba para sa kanila ang pananampalataya sa Diyos. Sa ganitong paraan, labis nilang hindi natutugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Sa madaling salita, kung hindi kilala ng mga tao ang Diyos, at hindi nila alam ang Kanyang gawain, hindi sila magiging angkop na gamitin ng Diyos, at lalong hindi nila matutugunan ang Kanyang mga layunin. Ang ibig sabihin ng “pananampalataya sa Diyos” ay paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto ng pananampalataya sa Diyos. Para mapalawak pa ito, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananampalataya sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananalig na may matitinding kahulugang panrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa pananampalataya na ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang mga salita ng Diyos at ang gawain ng Diyos, at sa gayon ay iwinawaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon, tinutugunan ang mga layunin ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay ang maaaring tawaging “pananampalataya sa Diyos.” Subalit madalas ituring ng mga tao ang pananampalataya sa Diyos bilang isang napakasimple at napakababaw na bagay. Kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan, nawawalan ito ng kahulugan, at bagama’t maaari silang patuloy na manampalataya hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Ang mga nananampalataya sa Diyos hanggang ngayon sa gitna ng mga salita at mga hungkag na doktrina ay hindi pa rin nakakaalam na wala silang diwa ng pananampalataya sa Diyos, at na hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila na pagpalain sila ng Diyos ng kapayapaan at sapat na biyaya. Patahimikin natin ang ating puso at mag-isip tayo nang husto: Maaari kaya na ang pananampalataya sa Diyos ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong nananampalataya sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o na nananampalataya sa Diyos subalit nilalabanan Siya ay makatutugon sa mga layunin ng Diyos?

Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring banggitin nang magkapantay. Ang Kanyang diwa at ang Kanyang gawain ay labis na di-maaarok at hindi kayang maunawaan ng tao. Kung hindi personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at sinasambit ang Kanyang mga salita sa gitna ng sangkatauhan, anuman ang mangyari, hindi mauunawaan ng tao ang mga layunin ng Diyos kailanman. Kaya naman, kahit yaong mga naglaan na ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi makatatanggap ng Kanyang pagsang-ayon. Kung hindi sisimulan ng Diyos ang Kanyang gawain, gaano man kahusay gumawa ang tao, mababalewala ang lahat ng iyon, dahil ang mga iniisip ng Diyos ay laging magiging mas mataas kaysa sa mga iniisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng sinumang tao. Kaya nga sinasabi Ko na yaong mga “lubos na nakakaunawa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay mga walang kakayahan; lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat limitahan ng tao ang gawain ng Diyos; bukod pa riyan, hindi kayang limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay sadyang mas maliit kaysa sa isang langgam; kaya paanong maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga palaging naglilitanya na, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganyang paraan,” o “Ang Diyos ay ganito o ganyan”—hindi ba’t mayabang sila magsalita? Dapat alam nating lahat na ang tao, na sa laman, ay nagawa nang tiwali ni Satanas, na ang kanyang pinakakalikasan ay ang labanan ang Diyos, at na hindi siya makapapantay sa Diyos, lalo nang hindi siya makapagbibigay ng anumang payo pagdating sa gawain ng Diyos. Pagdating naman sa kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao, ito ay gawain ng Diyos Mismo. Akma na dapat magpasakop ang tao, nang hindi nagkikimkim ng ganito o ganyang pananaw, sapagkat ang tao ay alabok lamang. Yamang ang ating intensyon ay hanapin ang Diyos, hindi natin dapat pangibabawin ang ating mga kuru-kuro sa gawain ng Diyos para isaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon para labanan nang sadya at matindi ang gawain ng Diyos. Hindi ba’t gagawin tayo niyan na mga anticristo? Paano masasabing ang gayong mga tao ay nananampalataya man lang sa Diyos? Yamang naniniwala tayo na mayroong Diyos, at yamang nais nating palugurin Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at ang daan ng pagiging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat makipagmatigasan sa paglaban sa Kanya. Anong kabutihan ang maidudulot ng gayong mga pagkilos?

Ngayon, gumawa ang Diyos ng bagong gawain. Maaaring hindi mo magawang tanggapin ang mga salitang ito, at maaaring tila hindi pangkaraniwan ang mga ito sa iyo, ngunit ipinapayo Ko sa iyo na huwag ilantad ang iyong pagiging natural sa ngayon, sapagkat yaon lamang mga tunay na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran sa harap ng Diyos ang maaaring magkamit ng katotohanan, at yaon lamang mga tunay na deboto ang maliliwanagan at magagabayan Niya. Natatamo ang mga resulta sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan nang may mahinahong kapanatagan, hindi ng pakikipag-away at pakikipagtalo. Kapag sinabi Kong “ngayon, gumawa ang Diyos ng bagong gawain,” tinutukoy Ko ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil ay hindi nakakaligalig sa iyo ang mga salitang ito; marahil ay kinasusuklaman mo ang mga ito; o marahil ay may malaking interes ka sa mga ito. Anuman ang sitwasyon, sana ay kayang harapin ng lahat ng tunay na nasasabik na magpakita ang Diyos ang katunayang ito at maingat itong suriin, sa halip na basta na lang bumuo ng mga kongklusyon tungkol dito; iyan ang dapat gawin ng isang marunong na tao.

Hindi mahirap na suriin ang gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman muna ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay nagtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dinadala Niya ang gawaing nilalayon Niyang gawin, at dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, ipinapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid sa tao ang katotohanan, pagkalooban ito ng buhay, at ituro dito ang daan. Ang laman na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung nilalayon ng tao na suriin kung ito ba ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, kailangan itong tukuyin ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag ng Diyos at sa mga salitang sinasambit ng Diyos. Ibig sabihin, para matukoy kung ito nga ba ang nagkatawang-taong laman ng Diyos o hindi, at kung ito nga ba ang tunay na daan o hindi, kailangang makilala ang kaibhan batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, ang susi sa kung ito ba o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay nakasalalay sa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang ibang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung sinusuri ng tao ang panlabas na anyo lamang ng Diyos, at dahil dito ay hindi niya napapansin ang diwa ng Diyos, ipinapakita nito na ang tao ay hangal at mangmang. Hindi matutukoy ng panlabas na anyo ang diwa; bukod pa riyan, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maaaring umayon sa mga kuru-kuro ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na anyo ni Jesus ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang hitsura at pananamit ay hindi nakapagpakita ng Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba’t tinutulan ng mga Pariseo noon si Jesus dahil mismo sa tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi nila maingat na tinanggap ang mga salita mula sa Kanyang bibig? Inaasahan Ko na ang bawat isang kapatid na naghahanap sa pagpapakita ng Diyos ay hindi na uulitin ang trahedya ng kasaysayan, at hindi magiging isang Pariseo ng makabagong panahon at muling magpapako sa Diyos sa krus. Dapat ninyong pag-isipan nang mabuti kung paano sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat kayong magkaroon ng malinaw na isipan kung paano maging isang taong nagpapasakop sa katotohanan. Ito ang responsabilidad ng bawat isang naghihintay na bumalik si Jesus na sakay ng ulap. Dapat nating palinawin ang ating espirituwal na mga mata, at hindi tayo dapat malubog sa mga salita ng pantasya. Dapat nating pag-isipan ang makatotohanang gawain ng Diyos, at tingnan ang praktikal na aspekto ng Diyos. Huwag magpatangay o magpadala sa inyong mga pangangarap nang gising, palaging umaasa na biglang bababa ang Panginoong Jesus sa gitna ninyo nang nakasakay sa ulap, at dadalhin paitaas kayong mga hindi kailanman nakakilala o nakakita sa Kanya, at hindi nakakaalam kung paano sumunod sa Kanyang kalooban. Mas mabuti pang pag-isipan ang mga mas makatotohanang bagay!

Maaaring binuksan mo ang aklat na ito nang may balak na magsaliksik, o nang may hangaring tanggapin ito; anuman ang iyong saloobin, umaasa Akong babasahin mo ito hanggang dulo, at hindi mo ito isasantabi nang basta-basta. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, magbabago ang iyong saloobin, ngunit depende iyan sa iyong motibasyon at sa antas ng iyong pag-unawa. Gayunman, may isang bagay kang dapat malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaring palabasin na salita ng tao, at lalong hindi maaaring palabasin ang salita ng tao bilang salita ng Diyos. Ang isang taong ginagamit ng Diyos ay hindi ang Diyos na nagkatawang-tao, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay hindi isang taong ginagamit ng Diyos. Dito, mayroong pagkakaiba ng diwa. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, hindi mo kinikilala na ang mga ito ang mga salita ng Diyos, kundi bilang ang kaliwanagan lamang na natanggap ng isang tao. Kung gayon, ikaw ay napakamangmang. Paano magiging kapareho ng mga salita ng Diyos ang kaliwanagang natanggap ng tao? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagbubukas ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga misteryo, at nagpapakita sa tao ng direksyong dapat niyang sundan sa bagong kapanahunan. Ang kaliwanagang natanggap ng tao ay walang iba kundi ilang simpleng pagsasagawa o kaalaman lamang. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang mga misteryo ng Diyos. Pagkatapos ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may diwa ng Diyos, at ang tao ay may diwa ng tao. Kung ituturing ng tao ang mga salitang sinambit ng Diyos bilang simpleng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at propeta bilang mga salitang personal na sinambit ng Diyos, pagkakamali iyan ng tao. Ano’t anuman, hindi mo kailanman dapat na pagbaligtarin ang itim at puti, o palabasing mababa ang mataas, o ilarawan na mababaw ang malalim; anuman ang mangyari, kailanman ay hindi mo dapat sadyang pabulaanan ang malinaw mong nalalaman na katotohanan. Ang lahat ng naniniwala na mayroong Diyos ay dapat magsuri ng mga bagay-bagay mula sa tamang pananaw, at tanggapin ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang mga bagong salita mula sa posisyon ng isang nilikha; kung hindi, ititiwalag sila ng Diyos.

Pagkatapos ng gawain ni Jehova, naging tao si Jesus upang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nakahiwalay, kundi nakabatay sa gawain ni Jehova. Iyon ay gawain para sa isang bagong kapanahunan na ginawa ng Diyos nang matapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, nagpatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, dahil ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging sumusulong. Paglipas ng lumang kapanahunan, papalitan ito ng isang bagong kapanahunan, at kapag natapos na ang lumang gawain, magkakaroon ng bagong gawain para ipagpatuloy ang pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, na sumusunod sa gawain ni Jesus. Siyempre pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang nakahiwalay; ito ang pangatlong yugto ng gawain pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Tuwing nagpapasimula ang Diyos ng isang bagong yugto ng gawain, kailangan ay palaging may isang bagong simula at kailangan na palagi itong maghatid ng isang bagong kapanahunan. Mayroon ding mga kaukulang pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa paraan ng Kanyang paggawa, sa lokasyon ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit paano man Siya nilalabanan ng tao, laging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at laging inaakay ang buong sangkatauhan pasulong. Nang pumarito si Jesus sa mundo ng tao, pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa mga huling araw, minsan pang naging tao ang Diyos, at sa pagkakatawang-taong ito ay winakasan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng nagagawang tumanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay aakayin tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at bukod pa riyan ay magagawang personal na tumanggap ng gabay ng Diyos. Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at magpasan ng mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din nito na gumawa ang Diyos ng mas dakila pang gawain upang ganap na iwaksi sa tao ang mga disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mamumuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Kung mananatiling nakatali ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila maaalis kailanman ang kanilang mga tiwaling disposisyon, lalong hindi nila makikilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung palaging mamumuhay ang mga tao sa gitna ng kasaganaan ng biyaya, ngunit hindi nila taglay ang daan ng buhay na magtutulot sa kanila na makilala ang Diyos o mapalugod Siya, hindi nila Siya tunay na makakamit kailanman sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Kaawa-awa talaga ang ganitong uri ng pananampalataya. Kapag natapos mo nang basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, madarama mo na ang mga pagnanais na maraming taon mo nang tinataglay ay natupad na rin sa wakas. Madarama mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harapan; ngayon mo lamang natitigan ang Kanyang mukha, narinig ang Kanyang personal na mga pagbigkas, naarok ang karunungan ng Kanyang gawain, at tunay na nadama kung gaano Siya kapraktikal at kamakapangyarihan sa lahat. Madarama mo na marami kang nakamtan na bagay na hindi pa nakita ni nataglay ng mga tao noong nakalipas na mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong malalaman kung ano ang manampalataya sa Diyos, at kung ano ang umayon sa mga layunin ng Diyos. Siyempre pa, kung kakapit ka sa mga pananaw ng nakaraan, at tatanggihan mo at hindi tatanggapin ang katunayan ng pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mananatili kang walang napala, walang natamo, at sa huli ay hahatulan kang nagkasala ng paglaban sa Diyos. Yaong mga nakapagpapasakop sa katotohanan at nakapagpapasakop sa gawain ng Diyos ay aangkinin sa ilalim ng pangalan ng pangalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat. Matatanggap nila ang personal na gabay ng Diyos, magkakamit sila ng mas marami at mas matataas na katotohanan, at pati na rin ng tunay na buhay ng tao. Mamamasdan nila ang pangitaing hindi pa nakita kailanman ng mga tao noong araw: “At ako ay lumingon upang makita ang tinig na kumausap sa akin. At nang ako ay lumingon, nakita ko ang pitong kandelerong ginto; at sa gitna ng pitong kandelero ay may isang katulad ng isang Anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang Kanyang ulo at ang Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niyebe; at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; at ang Kanyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi” (Pahayag 1:12–16). Ang pangitaing ito ay pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos sa Kanyang kasalukuyang pagkakatawang-tao. Sa mga pagragasa ng mga pagkastigo at paghatol, ipinapahayag ng Anak ng tao ang Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng mga pagbigkas, na nagtutulot sa lahat ng tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng tao, na isang matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng tao na nakita ni Juan. (Siyempre pa, lahat ng ito ay hindi makikita ng mga hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi ganap na maipapahayag nang malinaw gamit ang pananalita ng tao, kaya ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita sa tao ang Kanyang tunay na mukha. Na ibig sabihin ay lahat ng umarok sa likas na disposisyon ng Anak ng tao ay nakita na ang tunay na mukha ng Anak ng tao, sapagkat napakadakila ng Diyos at hindi Siya ganap na maipapahayag nang malinaw gamit ang pananalita ng tao. Kapag naranasan na ng tao ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang banggitin niya ang Anak ng tao sa gitna ng mga ilawan: “Ang Kanyang ulo at ang Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niyebe; at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; at ang Kanyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang anumang pagdududa na ang ordinaryong katawang-tao na ito na napakarami nang nasabi ay hindi maikakailang ang pangalawang nagkatawang-taong Diyos. Bukod pa riyan, madarama mo talaga kung gaano ka pinagpala, at madarama mo na ikaw ang pinakamapalad. Hindi ka ba handang tanggapin ang pagpapalang ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos

Sumunod:  Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger