Tanong 3: Kahit ano pa, nangangaral ang mga pastor at elder base as Biblia. ’Di ba pagpapatotoo sa Panginoon ang pagpapaliwanag sa Biblia at panghihikayat sa mga tao’ng panghawakan ’yon? Mali bang ipinapaliwanag ng mga pastor ang Biblia? Papa’no niyo nasasabi na mga ipokritong Fariseo sila?

Sagot: Hindi dapat maling ipinapaliwanag ang Biblia sa mga tao, pero sabay ng pagpapaliwanag sa Biblia, kinakalaban nila’ng Diyos sa ginagawa nila. Ano’ng klaseng mga tao sila? Hindi ba mga ipokritong Fariseo sila? Di ba mga anticristo sila’ng kumakalaban sa Diyos? Bakit naging pagkalaban sa Diyos ang pagpapaliwanag sa Biblia? Ba’t ’yon naging pagtuligsa sa Diyos? Nagtataka nga ako eh. Kahit pag-usapan ’yan nang ganito, meron pa ring ’di nakakaintindi at nag-iisip pa ring ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos. Ang mga Judiong punong saserdote, eskriba at Fariseo noon, ay pawang mga iskolar lahat at eksperto sa kasulatan na madalas na nagpaliwanag ng kasulatan sa mga tao. Kung pagpupuri sa Diyos ang pagpapaliwanag sa Biblia, ba’t nang pumarito ang Panginoong Jesus para mangaral at gumawa, galit nilang kinalaban at tinuligsa ang Panginoong Jesus, at sa huli ay nakipagsabwatan sila sa gobyerno na ipako Siya sa krus? Pamilyar ang mga pastor sa Biblia at matagal nila ’yong pinaliwanag. Kaya kung talagang ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos, bakit nang pumarito ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang Kanyang paghatol, hindi lang sila nabigong magsiyasat, kundi sa halip ay kinalaban at tinuligsa pa nila ’to? Ano’ng problema rito? Hindi ba mabigat na problema ’yan na dapat pagnilayan ng lahat ng nananalig? At saka kung ang pagpapaliwanag ng Biblia ng mga pinuno ng relihiyon ay kapareho ng pagpapatotoo sa Diyos, no’ng Kapanahunan ng Biyaya, bakit hindi gumawa ang Panginoong Jesus sa templo nang dumating Siya? Ba’t di gumagawa ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa iglesia nang dumating Siya? Kasi ni hindi pinupuri at pinatototohanan ng mga pinuno ng relihiyon ang Diyos at lahat sila ay mga ipokrito at mayayabang na Fariseo. Mga anticristo silang kumokontrol sa relihiyon at kumukontra sa Diyos. Pa’no pa nila matutulutang umiral ang Diyos o magkaro’n ng tinig ang mga relihiyon na nagpapatotoo sa Diyos? Kung sumali sa relihiyon ang Cristong nagkatawang-tao, at gumawa at nangaral sa iglesia, siguradong dadalhin Siya sa namumunong partido at ipapako sa krus. Kung pumunta ang mga tao sa mga iglesia para magpatoto sa Diyos, tiyak na aarestuhin sila. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Narito, sinusugo Ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo” (Mateo 10:16). Hindi pa rin ba malinaw ang katotohanang ’yan sa mga tao? Base sa katotohanang kinakalaban at tinutuligsa ng mga Fariseo ang Diyos, dapat tayong malinawan kung totoo o hindi na ang pagpuri sa Biblia ay pagpapatotoo sa Diyos. Maaari bang kalabanin ang Diyos ng mga taong tunay na pumupuri at nagpapatotoo sa Kanya? Maituturing ba nila ang Diyos bilang kaaway? Bukod do’n, dapat nating malaman na hindi lang mga salita ng Diyos ang nasa Biblia kundi pati na ang maraming salita ng tao. Kaya, ang pagpuri sa Biblia at pagpuri sa Diyos ay hindi magkapareho. Ang pag-ayon sa Biblia at pag-ayon sa mga utos ng Panginoon ay ’di magkapareho. Pag ipinapaliwanag ng mga Fariseo ang Biblia, nakatuon lang sila sa mga salita ng tao sa Biblia, pagpapaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teolohiya, at pagpapatotoo sa mga salita ng tao, pero ’di nakatuon sa pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos at sa katotohanang ipinahayag Niya. Masasabi pa ba na pagpapatotoo sa Diyos ’yan? Hindi ba pagkalaban at pagtataksil ’yan sa Diyos? Kaya lahat ng nag-iisip na ang pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpapatotoo sa Diyos ay hindi naiintindihan ang mga bagay na espiritwal at diwa ng problema. Nalilito silang lahat mga sumasamba at pikit-matang sumusunod sa mga pinuno ng relihiyon. Hindi ba totoo ang bagay na ’yan?

Noon, nakatuon lang ang mga Judiong Fariseo sa pagpapaliwanag sa kaalaman at mga doktrina sa Biblia, at sumasali sa mga ritwal ng relihiyon at sumusunod sa mga panuntunan at tradisyon ng tao, pero tinalikuran ang mga utos ng Diyos at lumihis sa landas Niya, kaya nang pumarito ang Panginoong Jesus, galit nila Siyang kinalaban at tinuligsa, at pagkatapos ay ipinako nila Siya sa krus. Sinumpa at pinaruashan sila ng Diyos dahil dito. Bagama’t madalas ipaliwanag at patotohanan ng mga pastor at elder ngayon ang Biblia sa mga tao, hindi naman nila pinatototohanan ang salita ng Diyos, o ipinaparangal ang kalooban ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga ipinapagawa sa tao, at bihira silang nagpapatotoo sa banal na diwa at kagandahan ng Panginoong Jesus. Hindi nila ginagabayan ang mga tao sa pagsasabuhay sa salita ng Panginoon, at ’di rin nila tinitingnan kung pa’no nila sinusunod ang kalooban ng Diyos. Nakatuon lang sila sa pagpapaliwanag at pagpuri sa mga salita ng tao sa Biblia, ipinapaturing nilang mga salita ng Diyos ang salita ng tao, at katotohanang ipapamuhay at aayunan. Pag lumulutas sila ng mga problema, nakabase ’yon sa mga salita ng tao sa Biblia sa halip na sa salita ng Diyos. Ginagamit nila’ng salita ng tao sa Biblia para kalabanin ang salita ng Diyos. Tungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus sa mga tao: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Pero isinasantabi ng mga pastor ang mga salita ng Panginoong Jesus at tinuturing na katotohanan ang salita ng tao sa Biblia para makapasok sa kaharian ng langit, na kailangan lang maglingkod sa Panginoon para makapasok sa kaharian ng langit. Ginagamit nila’ng salita ng tao para palitan ang salita ng Diyos, kaya naliligaw ng landas ang mga tao. Ito’ng pinakatraidor at pinakamasamang aspeto ng pagkalaban ng mga pastor at elder sa Diyos! Iniinterpreta nila’ng Biblia nang wala sa konteksto, gamit ang salita ng tao para kalabanin ang Makapangyarihang Diyos, at ’di tumitigil sa panlilinlang at pagkontrol sa mga nananalig, at hinahadlangan silang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, kaya naman lubos nilang nakokontrol ang mga tao. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?” (“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Base sa katotohanang ’yon, pa’no natin masasabi na ang mga pastor at elder na nagpapaliwanag sa Biblia ay pinatototohanan ang Diyos? Hindi ba nila sinasamantala ang pagkakataong ipaliwanag ang Biblia para ipaliwanag ’yon nang mali at kalabanin ang Diyos? Matagal na silang hadlang sa mga taong tumatanggap sa tunay na daan at bumabalik sa Diyos, at mga anticristo silang inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi pa rin ba malinaw para sa mga tao ang katotohanang ’yan?

Ang alam ng mga tao, pareho ang pagpapaliwanag sa Biblia at pagpuri sa Diyos, pero sa pagpapaliwanag ng mga Fariseo’t pinuno ng mga relihiyon sa Biblia, nakikitang hindi ganyan ang nangyayari. Ang pinupuri at pinatototohanan ng mga Fariseo ay ang Biblia at hindi ang Diyos. Ipinaliliwanag lang nila ang mga salita ng tao sa Biblia at hindi ang mga salita ng Diyos. Ginagamit nila’ng mga salita ng tao sa Biblia para palitan at kalabanin ang mga salita ng Diyos, at wala sa konteksto’ng paliwanag nila sa mga salita ng tao sa Biblia para kalabanin at husgahan ang Diyos. Ang layunin ng pagpapaliwanag nila sa Biblia ay ’di para purihin ang Diyos, kundi para linlangin ang mga tao’t magtagumpay sa kasuklam-suklam nilang layunin. Ang gayong pagpapaliwanag sa Biblia ay masama at pagkalaban sa Diyos. Kaya nga, kapag dumarating ang Diyos para gumawa, ginagamit nila ang Biblia para higpitan ang mga tao upang pikit-mata silang mapaniwala at humawak sa Biblia, at maakay silang lahat na kalabanin ang Diyos. Pinapakita niyan na ang paliwanag ng mga Fariseo’t pinuno ng relihiyon ay paraan ng pagkalaban sa Diyos. Iniintindi nila nang wala sa konteksto ang salita ng tao sa Biblia para kalabanin ang Diyos para maitayo ang sarili nilang independienteng kaharian. Kung gayon, pa’no dapat ipaliwanag ang Biblia para maging papuri at patotoo sa Diyos? Ang nakatala sa Biblia ay gawain at mgapatotoo ng Diyos. Ang kahulugan ng pagpapaliwanag sa Biblia ay pagpuri at pagpapatotoo sa Diyos ayon sa mga salita Niya at mga katotohanan sa Biblia. Para ’yon sa pagpapalaganap at pagpapatotoo sa mga salita ng Diyos sa Biblia. Para pag-usapan ang intensyon ng Diyos ayon sa kanyang mga pinapagawa at salita at ang katotohanan sa Kanyang mga salita. Iyo’y para patotohanan sa mga tao ang gawain at disposisyon ng Diyos, at ang tunay Niyang diwa at kagandahan. Iyo’y para hikayatin ang mga tao’ng ipamuhay ang mga salita ng Diyos, upang matanggap nila’ng realidad ng salita ng Niya. Iyo’y para purihin ang Panginoong Jesus at patotohanan Siya sa lahat ng bagay. Sa gayong paraan lang ng pagpapaliwanag sa Biblia pinupuri at pinatototohanan ng tao’ng Diyos dahil pakikiisa’t tunay na paglilingkod ’yan sa Diyos. Ang mga salita ng tao sa Biblia ay magagamit lang bilang suplemento, at ’di kailanman maikukumpara sa salita ng Diyos. Pero ang gusto lang ipaliwanag ng mga pastor at elder ay ang mga salita ng tao sa Biblia. Tinuturing nilang salita ng Diyos at katotohanan ang mga salita ng tao sa Biblia, gabay ’yon sa pagkilos nila, at basehan ng paglutas nila sa mga problema. Pero bihira nilang banggitin ang mga salita ng Diyos, at ginagamit nila ang salita ng tao para palitan ang mga salita ng Diyos. Pagpapatotoo ba sa Diyos ang gayong pagpapaliwanag sa Biblia? Di ba pagpuri at pagpapatotoo lang ’yan sa tao? Saka pag pinapaliwanag nila ang Biblia, sa teoryang teolohikal lang sila nakatuon, pinapaliwanag ang mga tauhan, lokasyon, at kasaysayan sa Biblia para magpakitang-tao. Hindi ba panlilinlang at pangbibitag ’yan sa mga tao? ’Di ba panghihikayat ’yan sa mga tao na sambahin at sundin sila? Noon, sinamantala ng mga ipokritong Fariseo ang pagkakataong ipaliwanag nang mali ang Biblia para linlangin at kontrolin ang mga tao, at sa huli’y hinikayat nila’ng mga nananalig na sundin ang tao at kalabanin ang Diyos, at ginawang independienteng kahariang kontra sa Diyos ang Judaismo. Sa mga huling araw, sinasamantala rin ng mga pastor na ipaliwanag ang Biblia para pikit-matang manalig at sumamba ang mga tao sa Biblia, at ipinapalit nila ang Biblia sa Diyos sa puso ng mga tao, di sinasadyang hinihikayat nila’ng mga nananalig na talikuran ang salita ng Panginoon, at ginawa ring independienteng kahariang kontra sa Diyos ang mga relihiyon, isang balwarte ng mga kumakalaban as gawain ng Diyos. Hindi ba paglapastangan sa Diyos ang ginagawa nilang pagpapaliwanag sa Biblia? ’Di ba ’yan ang panlilinlang ng mga anticristong Fariseo sa pagkontra sa Diyos at pagtatayo ng sarili nilang kaharian? Papa’no nasabi na pagpuri at pagpapatotoo ’yan sa Diyos? Ang katusuhan ng mga Fariseo sa pagkalaban sa Diyos ay nasa pagsasamantala nilang ipaliwanag nang mali ang Biblia para linlangin at kontrolin ang mga tao. Sa simula, ang Biblia’y isang patotoo sa Diyos. Sa pang-unawa ng tao, lagi silang nagpapatotoo sa Diyos pa’no man ipaliwanag ang Biblia, pero sinasamantala ng mga ipokritong Fariseo ang pagkaintinding ’yan ng tao, ginagawa nila ang lahat sa pagpupuri sa Biblia. Ginagamit nila ang Biblia para palitan at kalabanin ang Diyos at linlangin ang mga tao. Kaya pikit-matang sinasamba ng lahat ang Biblia, at sinusunod ng mga tao ang mga Bible scholar na gaya nila kaya nagtataksil sila sa Diyos. ’Yan ang pinakatraidor at tusong panlilinlang ni Satanas para kalabanin ang Diyos at linlangin ang mga tao, at ang pinakamahirap nilang maunawaan at pinakamadaling makalinlang sa kanila.

Tingnan natin ang sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). “Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga ‘kayamanang’ nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga ‘hindi palulupig na mga bayani,’ na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang ‘sagrado at hindi malalabag’ na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging ‘mga hari’ sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos). Malinaw na kahit madalas ipinapaliwanag ng mga pastor at elder ang Biblia, di nila kilala’ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan. Sila mismo ang mga ipokritong Fariseo. Sila ang mga bulaang pastol na lumilinlang, kumokontrol at nananakit sa mga tao. Hinihikayat nila ang mga tao na tanggihan at tuligsain si Cristo, hanggang sa kalabanin at kontrahin pa nila ang Diyos, kaya naging kasabwat at tau-tauhan silang lahat ni Satanas. Nakikita ng sinumang hindi bulag na ’yan ang nangyayari.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan:  Tanong 2: Pero madalas ipangaral ng mga pastor ang kasulatan sa mga tao, ipagdasal ang mga kapatid, at hinihiling sa mga taong panghawakan ang Biblia. Pag sinasabi natin na mga ipokritong Fariseo sila, hindi ’yon maiintindihan o matutukoy ng karamihan. Kaya, pakidetalye naman ’yon sa ’min.

Sumunod:  Tanong 4: Madalas ipaliwanag ng mga pastor ang mga salita ng tao sa Biblia, lalo na yung kay Pablo sa halip na talakayin ang mga salita ng Panginoon, o ang mga intensyon Niya. Pero meron pa rin akong ’di naiintindihan. ’Di ba kinasihan ng Diyos ang buong kasulatan? Di ba salita ng Diyos ang lahat ng nasa Biblia? Ba’t kailangan niyong tukuyin nang napakalinaw ang mga salita ng tao at ng Diyos sa Biblia? Hindi ba kinasihan ng Diyos ang lahat ng salita ng tao sa Biblia?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger