Kabanata 41

Tungkol sa mga problemang lumilitaw sa iglesia, huwag kayong palaging mapuno ng gayong mabibigat na pag-aalinlangan. Sa proseso ng pagtatayo sa iglesia, imposibleng maiwasan ang mga pagkakamali, ngunit huwag kayong mataranta kapag nahaharap kayo sa mga problema; sa halip, maging kalmado at palagay ang loob. Hindi ba sinabi Ko na sa inyo? Madalas kang lumapit sa Aking harapan at manalangin, at ibubunyag Ko sa iyo ang Aking mga layunin. Ang iglesia ang Aking puso at ito ang Aking sukdulang layunin, kaya paanong hindi Ko ito mamahalin? Huwag kayong matakot—kapag nangyayari ang mga ganitong bagay sa iglesia, nangyayari ang mga ito nang may pahintulot Ko. Tumayo ka at magsalita para sa Akin. Manalig na ang lahat ng bagay at pangyayari ay pinahihintulutan ng Aking trono at nagtataglay ng Aking mga layunin sa loob ng mga ito. Kung magpapatuloy kayong magbahagi nang walang ingat, malamang na magkakaroon ng mga problema. Naisip mo na ba ang mga kahihinatnan? Kung kikilos ka sa ganoong paraan, sasamantalahin ito ni Satanas. Madalas kang lumapit sa Aking harapan. Magsasalita Ako nang malinaw: Kung gagawa ka ng isang bagay nang hindi lumalapit sa Aking harapan, huwag mong isipin na matatapos mo iyon. Kayo ang nagtulak sa Akin sa sitwasyong ito.

Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at ibubunyag Ko ang mga bagay sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag—walang ganyan kadali! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang ganitong mga pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat pumasa ang lahat ng tao sa mga pagsubok na ito; magkakaiba lamang ang tindi ng mga pagsubok. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumuluhod sa harap Ko, humihingi ng Aking pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang salitang magandang pakinggan ay katumbas ng Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kailanman pinaniniwalaan na ang kapaitan ang Aking pagpapala. Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo. Huwag kayong mag-atubiling kumain at uminom at tamasahin ang Aking mga salita. Kapag dumaraan ang kadiliman, dumarating ang liwanag. Pinakamadilim bago magbukang-liwayway; pagkatapos nito ay unti-unting nagliliwanag ang kalangitan, at sumisikat ang araw. Huwag kayong matakot o mangamba. Ngayon, Aking inaalalayan ang Aking mga anak at ginagamit ang Aking kapangyarihan para sa kanila.

Pagdating sa usapin ng iglesia, huwag ninyong laging iwasan ang inyong responsibilidad. Kung maingat ninyong dadalhin ang usapin sa harap Ko, makakahanap kayo ng paraan. Kapag nangyayari ang isang maliit na problema gaya nito, natatakot at natataranta ba kayo, na hindi malaman ang gagawin? Nasabi Ko na nang higit pa sa isang beses, “Madalas kayong lumapit sa Akin!” Maingat na ba ninyong naisagawa ang mga hinihingi Kong gawin ninyo? Ilang ulit na ba ninyong napagnilayan ang Aking mga salita? Kung hindi pa ninyo nagagawa, wala kayong anumang malinaw na pagkaunawa. Hindi ba ninyo kagagawan iyan? Sinisisi ninyo ang iba, pero bakit hindi ninyo sa halip kamuhian ang inyong sarili? Ginugulo ninyo ang mga bagay-bagay at pagkatapos ay nananatili kayong walang-ingat at pabasta-basta; dapat ninyong isapuso ang Aking mga salita.

Ang masunurin at ang mapagpasakop ay tatanggap ng mga dakilang pagpapala. Sa iglesia, manindigan sa inyong patotoo sa Akin at itaguyod ang katotohanan. Ang tama ay tama at ang mali ay mali; huwag paghaluin ang itim at puti. Dapat kayong makipaglaban kay Satanas at dapat ninyong lubusang magapi ito upang sa gayon ay hindi na ito kailanman babangon. Dapat ninyong ibigay ang lahat ng mayroon kayo upang pangalagaan ang Aking patotoo. Ito dapat ang maging layon ng inyong mga pagkilos—huwag kalimutan ito. Subalit ngayon, kulang kayo sa pananalig at pagkilatis at hindi ninyo kailanman nagagawang arukin ang Aking mga salita at ang Aking mga layunin. Gayumpaman, huwag mawalan ng pasensiya; ang lahat ay nagpapatuloy ayon sa Aking mga hakbang at humahantong lamang ang kawalan ng pasensiya sa kaguluhan. Gumugol kayo ng higit na panahon sa harap Ko, huwag bigyang-halaga ang pagkain at kasuotan ng inyong pisikal na katawan, at madalas na hanapin ang Aking mga layunin. Ibubunyag Ko ang mga layunin Ko sa iyo, at unti-unti mong masusumpungan ang mga ito sa lahat ng bagay, para magkaroon Ako ng daan para kumilos sa bawat tao nang walang sagabal, at masisiyahan ang Aking puso. Kapag nagkagayon, tatanggap kayo ng mga pagpapala kasama Ko magpakailan pa man!

Sinundan:  Kabanata 40

Sumunod:  Kabanata 42

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger