Paano Hangarin ang Katotohanan (11)

Karagdagang Babasahin: Ang Landas na Tinatahak ng mga Tao ay Tumutukoy sa Kung Ano ang Aanihin Nila sa Huli

Ano ang layunin ng pananampalataya sa Diyos? Ito ba ay para magtamo ng biyaya at mga pagpapala? Ito ba ay para maiwasang mamuhay ng isang hungkag na buhay at makawala mula sa mabababang uri ng interes? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? (Para makamit ang katotohanan.) Ito ay para makamit ang katotohanan, para makamit ang buhay. Kung gayon, ang lahat ba ng ginagawa ng mga tao araw-araw ay nakatuon sa layong ito? Ang oras at lakas ba na ginugugol mo sa paggampan ng iyong tungkulin araw-araw ay alang-alang lahat sa layong ito? Nananampalataya ang mga tao sa Diyos nang walang malinaw na layon na makamit ang katotohanan. Sa kanilang puso, malabo sa kanila ang aspektong ito ng mga pangitain, at hindi nila alam kung ano ang layunin ng pananampalataya sa Diyos. Tila ba alam lang nila sa kanilang puso na ito ay para magtamo ng mga pagpapala—pero ano ang dapat gawin ng isang tao para magtamo ng mga pagpapala? Hindi nila alam na ang pagtatamo ng mga pagpapala ay nangangailangan ng pagkaunawa sa katotohanan, pagsasagawa ng katotohanan, at paghahangad ng katotohanan. Kaya, sila ba ay mga taong naghahangad ng katotohanan? Hindi rin sila sigurado rito. Iniisip nila, “Hindi ito malaking problema. Sinsero akong nananampalataya sa Diyos; hindi ako aabandonahin ng Diyos. Kahit pa sabihin ng mga tao na hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan, hindi ito mahalaga.” Minsan, kapag nakikita ang iba na nagbabahagi ng patotoong batay sa karanasan ng mga ito habang sila mismo ay walang maibahagi, nakakaramdam din sila ng pagkabagabag, medyo nababalisa at nag-aalala sa kanilang puso. Pero mas madalas, pakiramdam nila ay hindi ito malaking problema. Nang ganoon-ganoon lang, limang taon ang lumilipas sa isang kisapmata, sampung taon ang lumilipas sa isang kisapmata—ang ilang tao ay nasa edad tatlumpu o apatnapu na ngayon, ang ilan ay mahigit limampu na; hindi sila nag-asawa, at palagi nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Hanggang ngayon, gaano karaming katotohanan na ang nakamit nila? Mayroon ba silang buhay? Sila mismo ay hindi nakakatiyak. Pakiramdam nila: “Tila marami-rami na akong naunawaang katotohanan at kaya kong mangaral ng maraming sermon; dapat ay mayroon akong buhay, hindi ba?” Maging sa mga pagtitipon man, o kapag nakakaharap sila ng mga problema sa kanilang mga tungkulin, nakapagsasalita sila nang mahaba, na tila ba nauunawaan nila ang bawat katotohanan, pero hindi nila kayang lutasin ang anumang aktuwal na problema. Gaano man katatayog pakinggan ang mga doktrinang sinasabi nila, sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, hindi pa rin sila makakilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo at sinusunod pa nga rin nila ang sarili nilang kalooban sa maraming usapin, hindi nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo kahit kaunti. At kaya, sa kanilang puso, nagtataka sila: “Ako ba talaga ay isang taong nakakaunawa sa katotohanan o hindi?” Hindi nila alam kung sila ba ay isang taong nakakaunawa sa katotohanan. Kung gayon, sila ba ay mga taong naghahangad ng katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan? Sila mismo ay hindi rin sigurado tungkol dito. Kaya, nakamit ba talaga nila ang katotohanan o hindi? Nagdududa pa rin sila tungkol dito. Kung gayon, mayroon ba talaga silang buhay o wala? Ano ba talaga ang buhay? Ano ang pakiramdam para sa isang tao na magkaroon ng buhay? Anong mga pagbabago ang mangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao kapag mayroon siya nito? Paano magbabago ang kanyang mga kaisipan? Anong mga pagbabago ang mangyayari sa kanyang pagkatao? Hindi malinaw sa kanya ang alinman sa mga ito. Kahit ilang taon na siyang nananampalataya sa Diyos, kapag nagsasalita tungkol sa ilang aspekto ng katotohanan, nakakapangaral siya ng ilang salita at doktrina; pero kapag nasasangkot ang mga prinsipyo ng pagsasagawa ng katotohanan, hindi niya maipaliwanag nang malinaw ang mga ito. Sa partikular, ang ilang tao, pagkatapos mapungusan dahil sa pagsalungat sa mga prinsipyo sa kanilang mga kilos, ay hindi lang nagiging negatibo kundi nalilito rin at pinagdududahan ang kanilang sarili, sinasabi nila: “Nakamit ko ba talaga ang buhay o hindi? May puwang ba ang katotohanan sa aking puso, naging buhay ko ba ito? Matatamo ko pa rin ba talaga ang kaligtasan?” Nalilito sila tungkol sa lahat ng usaping ito na kinasasangkutan ng katotohanan, pero pagdating sa mga panlabas na usapin na hindi kinasasangkutan ng katotohanan, naaalala nila ang mga ito nang napakalinaw. Halimbawa, kung ilang taon, buwan, at araw na silang nananampalataya sa Diyos, anong antas ng pagkalider o pagkamanggagawa ang ginanapan nila, anong mga tungkulin ang ginampanan nila, gaano karaming gawain ng iglesia ang nagawa nila, ilang lugar na ang napuntahan nila, ilang tao na ang nakamit nila sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, ilang iglesia na ang diniligan nila, gaano sila nagdusa sa paggugol ng sarili nila para sa Diyos, gaano karaming pera ang inihandog nila, anong mga bagay ang naibigay nila sa mga kapatid, gaano katagal silang inaresto at ibinilanggo, ilang pambubugbog ang natanggap nila, gaano karaming pagpapahirap ang dinanas nila, ilang beses silang nanindigan sa kanilang patotoo para sa Diyos, at iba pa—itinatangi nila ang lahat ng panlabas na usaping ito sa kanilang alaala, madalas na inaalala ang mga ito. Itinatala nila ang lahat ng ito sa kanilang isipan, malinaw na tinatandaan ang bawat isang detalye at hindi ito kailanman kinakalimutan. Pero pagdating sa kung gaano karaming katotohanan ang nauunawaan nila at kung gaano karaming realidad ang taglay nila, palaging magulo ang pagkaunawa nila tungkol dito. Hindi kailanman malinaw sa kanilang isipan kung anong mga katotohanan ang nauunawaan nila, anong mga katotohanan ang naisagawa nila, at kung kaya nilang manindigan sa katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo kapag may mga nangyayari sa kanila; magulo ang pagkaunawa nila sa lahat ng ito. Hindi rin malinaw sa kanilang isipan kung alin sa kanilang mga tiwaling disposisyon ang mayroon silang tunay na pagkaunawa, kung naiwaksi na nila ang mga ito, at aling mga tiwaling disposisyon ang madalas nilang naibubunyag pero hindi pa naiwawaksi; magulo ang pagkaunawa nila sa lahat ng ito. Pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, kung aling mga katotohanan ang kaya nilang isagawa at alin ang hindi nila naisagawa, sa anong mga aspekto ng katotohanan sila nakagawa ng pag-usad, at gaano kalaki ang pag-usad nila—magulo ang pagkaunawa nila sa lahat ng ito. Kung ano ba talaga ang isinasabuhay nila pagdating sa kanilang pagkatao—kung nagtataglay ba sila ng konsensiya at katwiran, at kung naisabuhay ba nila ang normal na pagkatao—magulo ang pagkaunawa nila sa lahat ng ito. Kung ilan sa kanilang mga tungkulin ang ginampanan nila nang may sinseridad at katapatan, ilang tungkulin ang sadyang ginampanan nang pabasta-basta, ilan ang ginampanan nang pasok sa pamantayan at ilan ang hindi pa pasok sa pamantayan, sa aling mga tungkulin sila nakakilos ayon sa mga prinsipyo kaya ang paggampan nila ng mga tungkuling ito ay nakakapagpalugod sa Diyos at nakaaayon sa mga layunin ng Diyos, at sa aling mga tungkulin pa nila hindi naaarok ang mga katotohanang prinsipyo at hindi pa nakakamit ang pagpapalugod sa Diyos—magulo ang pagkaunawa nila sa lahat ng ito. Kung sa aling mga aspekto ba talaga nila kayang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos at magpasakop sa Diyos, hanggang saan sila nagpasakop sa Diyos, sa aling mga aspekto pa rin sila hindi makapagpasakop sa Diyos, ano ang naging sanhi ng kawalan nila ng kakayahang magpasakop sa Diyos, at kung paano sila dapat pumasok sa pag-usad—tungkol sa lahat ng bagay na ito, wala silang plano at walang mga ideya, at siyempre, lalong wala silang malinaw na landas. Nanampalataya na sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi nila alam kung ilang bagay na ang nagawa nila para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung gaano karaming mabuting gawa ang naihanda nila; hindi nila alam kung gaano karaming kasamaan ang nagawa nila, o kung ilang bagay na ang nagawa nila na nagdulot ng mga paggambala at panggugulo—sa kanilang memorya, tila ba nagawa nila ang ilan sa mga bagay na ito, pero hindi nila alam kung nagsisi ba sila pagkatapos gumawa ng kasamaan. Bagama’t minsan ay napagtatanto nilang nakagawa sila ng kasamaan at nakakaramdam sila ng pagkabagabag, at nagdasal sila sa Diyos at ipinagtapat nila ang kanilang mga kasalanan, natamo ba nila ang pagpapatawad ng Diyos? Mayroon bang anumang pag-aakusa sa kanilang puso? Hindi rin nila alam ang mga bagay na ito. Iniisip nila sa kanilang sarili: “Sino ba ang may pakialam kung nakakaramdam ako ng pag-aakusa o hindi? Ano’t anuman, namumuhay ako nang napakakomportable ngayon; ginagampanan ko pa rin ang aking tungkulin.” Kung gayon, gaano karaming mabubuting gawa ang nagawa nila sa paggampan ng kanilang tungkulin? Hindi rin nila talaga masabi, gayunman ay nararamdaman nilang nakagawa sila ng ilang mabuting gawa—kamakailan, ipinangaral nila ang ebanghelyo at nakamit ang dalawang tao. Mayroon silang ganitong maliit na bilang ng mabubuting gawa, pero gumagawa sila ng mga bagay nang walang mga prinsipyo, at kumikilos pa nga ayon sa sarili nilang kalooban at nang arbitraryo at walang pakundangan—maituturing ba itong masasamang gawa? Hindi rin malinaw sa kanila ang tungkol dito. Iniisip nila na dahil hindi sila pinangasiwaan ng iglesia, at hindi sila pinungusan o pinanagot ng mga lider para sa mga bagay na ito, kung gayon ay hindi masasamang gawa ang mga ito; kung pinanagot sila, marahil ang mga bagay na ito ay magiging masasamang gawa. Hindi nila alam kung ilang mabubuting gawa ang naihanda nila. Kung ang mga bagay ba na kasalukuyan nilang ginagawa ay mabubuting gawa o masasamang gawa, kung ilan sa mga ito ang mabubuting gawa, ilan sa mga ito ang masasamang gawa, ilan ang umaayon sa mga katotohanang prinsipyo, ilan ang sumasalungat sa mga pagsasaayos ng gawain at sa mga katotohanang prinsipyo—hindi nila alam ang alinman sa mga ito. Hindi nila kailanman itinala ang mga usaping ito. Ano’t anuman, araw-araw silang kumakain at natutulog sa tamang oras, bumabangon sa itinakdang oras para sa mga espirituwal na debosyon o gawain, at nagpapanatili ng parehong kalagayan habang gumagawa at ng parehong mga hakbang sa gawain mula sa nakaraang araw, ginagawa ang mga bagay na palagi nilang ginagawa. Hindi nila kailanman partikular o sistematikong inalam o ibinuod ang mga usapin ng paghahangad ng katotohanan at pagpasok sa katotohanang realidad o pagwawaksi ng mga tiwaling disposisyon at pagkamit ng buhay. Samakatwid, anumang bagay na kinasasangkutan ng paghahangad ng katotohanan o buhay pagpasok ay isang magulong talaan para sa kanila. Sabihin ninyo sa Akin, kung ang isang tao ay namumuhay sa ganitong paraan araw-araw, namumuhay sa gayong kalagayan, hindi ba’t magulo ang isip niya? (Oo.) Ang “magulo ang isip” ay isang pampanitikang pagpapahayag; sa kolokyal na pananalita, nangangahulugan ito ng pagpapaanod nang walang direksyon. Mabuti ba o hindi ang kalagayang ito ng pamumuhay, ang kalagayang ito ng pag-iral? (Hindi ito mabuti.) Sa panlabas, wala silang ipinapakitang malinaw na mga pag-uugali o pagpapamalas ng paglaban sa Diyos, pero pagdating sa mga usapin ng paghahangad ng katotohanan at buhay pagpasok, nalilito sila at hindi seryoso tungkol dito. Ang kalagayang ito ang mismong ibig sabihin ng pagiging magulo ang isip. Malinaw na ipinapakita nito ang problema ng isang tao at malinaw na ibinubunyag ang landas na tinatahak niya sa pananampalataya sa Diyos.

Pagdating sa mga usapin ng paghahangad ng katotohanan at buhay pagpasok sa proseso ng pananampalataya sa Diyos, anuman ang saloobin, mga pansariling pagnanais, o mga pagpapamalas ng isang tao, sa paningin ng Diyos, ang kalagayan ng isang tao ay nagpapakita kung anong landas ang tinatahak niya. Ang ilang tao, mula sa sandaling magsimula silang manampalataya sa Diyos, ay hindi nagmamahal sa katotohanan, at paano man ibahagi ang katotohanan, hindi nila ito tinatanggap. Ang landas na tinatahak nila ay isang landas na tuwirang patungo sa kamatayan at impiyerno. Ang ilang tao, noong una silang manampalataya sa Diyos, ay hindi nakakaunawa sa mga hinihingi ng Diyos at naghahangad lang na makakuha ng mga pagpapala at makapasok sa kaharian ng langit. Gayumpaman, sa pamamagitan ng patuloy na pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, nauunawaan nila ang katotohanan at nagagawa nilang hangarin ang katotohanan, at kaya nilang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga alang-alang sa pagkamit ng katotohanan. Sa huli, makikita na ang landas na tinatahak nila ay patungo sa liwanag at sa kaharian ng langit. Tungkol naman sa mga usapin ng buhay pagpasok, ang karamihan sa mga tao ay pare-parehong hindi malinaw sa kanilang mga layon at nananatili sa isang kalagayan ng pagkalito. Gayumpaman, kung huhusgahan mula sa mga pagpapamalas ng mga taong ito, ang ilan ay hindi tumatanggap ng katotohanan kahit kaunti, palagiang pabasta-basta sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, at, pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon, ay hindi nagbago kahit kaunti—ang landas na tinatahak nila ay patungo sa pagkawasak at sa impiyerno. Sa kabilang banda, ang ilang tao ay kayang tanggapin ang katotohanan, kayang tanggapin ang pagpupungos sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, mayroong kaunting tunay na pagpapasakop, at unti-unting nagagampanan ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan—ang landas na tinatahak nila ay patungo sa liwanag at sa kaharian ng langit. Iyong mga hindi tumatanggap sa katotohanan kahit kaunti—sa madaling salita, iyong mga tuwirang tumatahak sa landas ng pagkawasak—sa paggampan ng kanilang tungkulin, ay walang-tigil na gumagawa ng kasamaan, at madalas na gumagawa ng mga kilos na sumasalungat sa katotohanan at kinasusuklaman ng Diyos, ginugulo ang buhay iglesia at ang gawain ng iglesia. Nagpapakita ang mga taong ito ng ilang “espesyal” na pagpapamalas. Ibig sabihin, mula sa sandaling magsimula silang manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, hindi sila kailanman nagsisi, at sa paggampan ng kanilang tungkulin, madalas silang pabasta-basta, tuso at nagpapakatamad sila, pinipili nila ang madadaling gampanin at iniiwasan ang mahihirap, at hindi nila pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; sila ay lubhang makasarili at kasuklam-suklam, at iniisip lang nila ang sarili nilang kasiyahan. Isa rin itong katangian ng mga taong ito. May ilang tao na mas masama pa nga—sa proseso ng paggampan ng kanilang tungkulin, nag-aamok sila sa paggawa ng mga maling gawa at kumikilos nang arbitraryo at walang pakundangan, hindi kailanman nagsasagawa o nagpapatupad ng gawain ayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Mayroon ding mga tao na, sa kanilang tungkulin, madalas na nakikipagkompetensiya para sa katayuan, nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili, at nang-aakit ng mga tao para magtatag ng sarili nilang nagsasariling kaharian. Mayroon din namang mga tao na, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, nagnanakaw ng mga handog, nagwawaldas ng mga handog, at nagkakanulo ng mga interes ng sambahayan ng Diyos. Positibo ba o negatibo ang mga pagpapamalas na ito? (Negatibo.) Nagpakita ang mga taong ito ng gayong mga pagpapamalas mula sa sandaling magsimula silang manampalataya sa Diyos. Patuloy silang binibigyan ng mga pagkakataon ng sambahayan ng Diyos—ang ilan na may kaunting kakayahan ay isinasaayos na gumampan ng tungkulin ng isang superbisor, pero pagkatapos ng isang panahon ng hindi magandang paggampan, isinasaayos silang gumampan ng tungkuling may iisang aspekto; gayumpaman, kahit sa tungkuling may iisang aspekto, nananatili silang pabasta-basta, nag-aamok sa paggawa ng mga maling gawa, kumikilos nang arbitraryo at walang pakundangan, nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, at ang ilan ay nakikipagkompetensiya pa nga para sa katayuan at kapangyarihan, hindi pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kapag nagkakaroon sila ng pagkakataon, nagnanakaw pa nga sila ng mga handog at nagwawaldas ng mga handog. Kahit ilang taon na silang nananampalataya sa Diyos, ang mga pagpapamalas na ito sa kanila ay hindi nabawasan kahit kaunti, ni nagbago kahit kaunti. Sa huli, ano ang nakikita sa kanila? Ito ay na, sa paggampan ng kanilang tungkulin, ang mga taong ito ay palagiang kumikilos nang pabasta-basta, tuso at nagpapakatamad, pumipili ng madadaling gampanin at umiiwas sa mahihirap, at nagpapasasa pa nga sa kaginhawahan ng laman at kumikilos nang iresponsable. Ang kanilang mga pagpapamalas ay hindi paminsan-minsan o pansamantala, kundi palagian—ito ay problematiko para sa kanila. Sa paggampan ng kanilang tungkulin, palagian silang kumikilos nang pabasta-basta, nag-aamok sa paggawa ng mga maling gawa, at nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, at sinuman ang kumausap sa kanila, hindi sila nagbabago. Kahit ilang sermon ang marinig nila, hindi sila kailanman nagsisisi o nagkakaroon ng pusong nagsisisi. Mayroon din namang mga palagiang nakikipagkompentensiya para sa katayuan, palagiang ipinagkakanulo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi kailanman pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Madali bang maunawaan ang salitang “palagian”? Sinuman, sa paggampan ng kanilang tungkulin, ang kumikilos nang pabasta-basta, arbitraryo at walang pakundangan, o may ilang masamang pagpapamalas, palagi silang binibigyan ng sambahayan ng Diyos ng maraming pagkakataon para magsisi. Hindi kailanman dahil sa kanilang mga pansamantalang pagpapamalas kaya sila pinapaalis at hindi na pinapayagang gumampan ng kanilang tungkulin. Sa halip, paulit-ulit silang hinihikayat, binabahaginan tungkol sa katotohanan, at mapagmahal na tinutulungan at sinusuportahan. Higit pa rito, inaantig, binibigyang-liwanag, at sinasaway sila ng Banal na Espiritu sa mas matinding antas. Ginagawa ng mga tao ang gawain, at ginagawa rin ng Banal na Espiritu ang gawain, gayunman ang mga taong tulad nito sa kaibuturan ay sadyang matigas ang kalooban at tutol sa katotohanan. Hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, hindi nila kailanman tinatanggap ang tulong, pagpuna, mga pagsubaybay, o pangangasiwa ng mga kapatid, at lalong hindi nila tinatanggap ang kaliwanagan at pagtutuwid ng Banal na Espiritu. Manampalataya man sila sa Diyos nang tatlo o limang taon, o nang sampu o dalawampung taon, nananatili silang ganito. Bagama’t mas matanda na sila ngayon at tila medyo mas may-gulang at may karanasan na, ginagampanan pa rin nila ang kanilang mga tungkulin sa parehong paraan—palagian silang kumikilos nang pabasta-basta at nag-aamok sa paggawa ng masasamang bagay. Ganito na sila sa loob ng dalawampung taon na ito, nang hindi nagbabago kahit kaunti. Kapag nagsasalita sila, nag-uumapaw sa kasinungalingan ang kanilang mga bibig, at hindi nila kailanman sinasabi ang totoo. Ganito pa rin sila kahit ngayon; kahit gaano karaming salita ang sabihin nila, hindi alam ng isang tao kung alin ang totoo at kung alin ang kasinungalingan—wala ni isang matapat na salita sa mga ito. Bagama’t medyo nagdusa sila sa paggampan ng kanilang mga tungkulin sa loob ng dalawampung taon na ito, at nakamit nila ang ilang tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, hindi nagbago kahit kaunti ang kanilang buhay disposisyon. Sila ay partikular na tuso at mapanlinlang pa rin; sila ay matatandang ahas lang, hindi makapagsalita ng kahit isang matapat na salita. Sapat na ito para patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; kahit pa nauunawaan nila ang kaunti nito, hindi nila ito maisagawa. Anong uri sila ng mga tao? Sila ay mga tao na palagiang kumikilos nang pabasta-basta, palagiang nag-aamok sa paggawa ng masasamang bagay at kumikilos nang arbitraryo at walang pakundangan, palagiang nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, nakikipagkompetensiya para sa kapangyarihan, at palagiang nanlalansi, nagsisinungaling, at nanlilinlang. Masasabing sila ay tusong matatandang soro—na sila ay matatandang ahas lang, matatandang taong tuso, matatandang diyablo, matatandang Satanas. Bago ang lahat ng kanilang kilos, dapat idagdag ang panuring na “palagian.” Sa sandaling maidagdag ang “palagian,” hindi na ito magiging usapin ng personal na pagkiling laban sa kanila kundi isang bagay na dulot ng sarili nilang mga kilos at pag-uugali. Sa paningin ng lahat, hindi lang ginawa ng taong ito ang mga bagay na ito nang isa o dalawang beses—sila ay palagiang lumalabag. Paano tinatrato ng mga departamento ng pulisya sa iba’t ibang bansa ang mga palagiang lumalabag? Dapat na ilagay sa arkibo ang mga rekord ng krimen ng mga palagiang lumalabag. Sa tuwing may nangyayaring krimen, ang mga palagiang lumalabag na ito ang mga pangunahing suspek, at tiyak na magsisimula sa kanila ang mga pulis kapag nagsimulang mag-imbestiga sa kaso ang mga ito at maglunsad ng pagsisiyasat. Kung gayon, paano naman iyong mga palagiang gumagampan ng kanilang tungkulin nang pabasta-basta sa sambahayan ng Diyos? Ang kanilang mga pagpapamalas ng pagiging pabasta-basta at pag-aamok sa paggawa ng mga maling gawa ay hindi lang mga bagay na nangyayari nang isa o dalawang beses, at hindi rin lang nangyayari ang mga ito sa mga espesyal na sitwasyon. Ang mga kalagayan at pagpapamalas na ito ang palagiang paraan ng pagtrato nila sa kanilang tungkulin. Kung huhusgahan mula sa palagiang paraang ito ng pagtrato nila sa kanilang tungkulin, makikita kung ano ang kanilang saloobin sa katotohanan. Kaya, ano ang kanilang saloobin sa katotohanan? (Sila ay tutol dito at nakakaramdam ng paglaban dito.) Ang ganitong uri ng mga tao ay tutol at nakakaramdam ng paglaban sa katotohanan. Hindi nila ito kailanman tinatanggap. Sa kaibuturan, hinahamak nila ito at kinasusuklaman nila ang mga positibong bagay. Sinuman ang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, hindi sila nakikinig. Kahit gaano karaming pagkakataon ang ibigay sa kanila para magsisi, hindi nila pinahahalagahan ang mga ito o sineseryoso ang mga ito. Kumikilos sila kung paanong paraan man nila gusto, sa anumang paraan na nakakapagpalugod sa kanila. Kapag inaantig sila ng Banal na Espiritu, wala silang pakiramdam at wala silang pakialam dito. Tutol sila sa mga panghihikayat at tulong ng mga tao at binabalewala nila ang mga ito, at kung pupungusan sila ng mga taong iyon, magagalit sila, magpupuyos sa galit, mapopoot sa mga ito, at makakaramdam ng pagkasuklam sa kanilang puso. Mayroong pagsusuri ang iglesia sa mga pagpapamalas ng bawat tao sa bawat yugto, at ang pagsusuring ito ay napakahalaga para sa kalalabasan ng isang tao. Kung ang salitang “palagian” ay idadagdag sa mga pagpapamalas ng masasamang gawa ng isang tao kapag inilalarawan siya, kung gayon ay problematiko ito para sa kanya. Nagiging napakalinaw kung anong uri mismo ng landas ang tinatahak ng gayong mga tao. Kaya, anong landas ba talaga ang tinatahak nila? Ito ba ay isang landas na patungo sa pagkawasak, o isang landas na patungo sa kaligtasan? (Isang landas na patungo sa pagkawasak.) Bakit nangyayari ang resultang ito? Ito ba ay paghusga sa mga taong ito? Ito ba ay hindi naaayon sa aktuwal na sitwasyon? (Hindi.) Dapat pa ba silang bigyan ng mga pagkakataon para magsisi? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao, “Hindi natin sila dapat sukuan nang tuluyan—baka balang araw ay magsisi sila!” Ang mga tao ng Ninive ay gumawa ng napakaraming masamang gawa, at ang kanilang masasamang gawa ay nakarating sa mga tainga ng Diyos. Nang wawasakin na sila ng Diyos, pinauna Niya si Jonas para maghatid ng isang mensahe, sinasabi sa kanila na wawasakin ang Ninive sa loob ng apatnapung araw. Paano umasal ang mga tao ng Ninive pagkatapos itong marinig? Sa loob ng apatnapung araw, nagsuot sila ng damit-panluksa at abo at nagsisi sa Diyos. Pero ngayon, para sa mga palagiang hindi maganda ang paggampan habang ginagawa ang kanilang tungkulin, ilang apatnapung araw na ba ang naibigay sa kanila para magsisi? Nagsisi ba sila? Mayroon ba silang kahandaang magsisi? Nagpapakita ba sila ng anumang inklinasyon tungo sa pagsisisi? (Hindi.) Sa nakalipas na sampu o dalawampung taon, ang kanilang mga pagpapamalas ay palagiang mga pagpapamalas ng paggawa ng kasamaan, kaya, sa susunod na sampu o dalawampung taon, maaari ba silang magbago? Maaari ba silang tumigil sa paggawa ng kasamaan? Maaaring hindi iyon alam, pero ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga taong ito sa nakalipas na sampu o dalawampung taon ay sapat na para ipakita na ang lahat ng kanilang mga pag-uugali at pagpapamalas ay sumasalungat sa katotohanan, lumalaban sa Diyos, at tumututol sa Diyos. Pinatutunayan nito na ang kanilang puso ay tutol sa katotohanan, na ang kanilang kalikasang diwa ay buktot at walang elemento ng pagmamahal sa katotohanan, at na hindi sila nagtataglay ng pagkatao na nagmamahal at nagsasagawa ng katotohanan. Kung huhusgahan mula sa kanilang mga pagpapamalas sa nakalipas na sampu o dalawampung taon, ito ang kongklusyon. Dahil ito ang kongklusyon hanggang sa puntong ito, kung huhusgahan mula sa kanilang pagkatao at sa kanilang diwa, sa susunod na sampu, dalawampu, o tatlumpung taon, mayroon ba sa kanila na tunay na makakapagsisi at makakapagbago? Sa tatlumpung tao, maaari bang mayroon kahit isa? Sa limampung tao, maaari bang mayroon kahit isa? Sa isandaang tao, maaari bang mayroon kahit isa? Ibig sabihin, sa susunod na sampu o dalawampung taon, maaari ba silang biglang magkaroon ng kamalayan ng konsensiya, maging interesado sa katotohanan at sa mga positibong bagay, magkaroon ng kakayahang tanggapin ang katotohanan at mga positibong bagay, makakilala sa kanilang sarili at magkaroon ng tunay na pagsisisi, at makaramdam ng panunumbat ng konsensiya at pagkakautang para sa kasamaang nagawa nila noon? Batay sa inyong mga obserbasyon, ano ang proporsyon? Sa isang libong tao, maaari bang mayroon kahit isa? (Sa tingin ko, kahit sa isang libong tao, wala ni isa.) Ano ang pinagbabatayan mo rito? (Ang katunayan na habang nananampalataya sa Diyos sa loob ng sampu o dalawampung taon, ang saloobin ng gayong mga tao sa katotohanan ay saloobin ng palagiang pagkasuklam at pagkaramdam ng paglaban, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, at hindi sila nagpakita ng kahit katiting na pagpapamalas ng pagsisisi. Pinatutunayan niyon na hindi rin sila tunay na magsisisi sa hinaharap.) Tumpak ba ang pahayag na ito? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Dapat tayong maging mapagparaya at mapagpasensiya sa iba. Kung hindi sila nagsisi sa nakalipas na sampu o dalawampung taon, ito ay dahil bata pa sila at wala pang gulang ang isipan, o dahil maganda ang kondisyon ng kanilang pamilya at pinalaki sila sa layaw at ibinigay ang gusto nila, o dahil mayroon silang mataas na katayuan sa lipunan at ilang kalakasan. Hindi ba’t ang mga espesyal na sitwasyon at kapaligirang ito ang naging sanhi kaya sila naging ganito? Marahil sa susunod na sampu o dalawampung taon, makakawala sila mula sa mga impluwensiya ng mga kapaligirang iyon sa pamilya at masasamang salik, at baka magbago sila.” Mahirap sabihin iyon. Gayumpaman, batay sa mga nakaraang pagpapamalas ng mga taong ito, ang lahat ng may panuring na “palagian” na idinagdag bago ang kanilang mga pagpapamalas ay nasa malaking panganib. Kahit sa isandaan o isang libo ng mga taong ito, imposibleng may kahit isang tunay na makakapagsisi. Kung wala pa sa kanilang masasamang gawa ang pinangunahan ng panuring na “palagian,” marahil ay mayroon pang kaunting pag-asa para sa gayong mga tao. Nakadepende ito sa kung ano ang kanilang mga pagpapamalas sa susunod na tatlo hanggang limang taon. Kung ito ay dahil bata pa sila at wala pang gulang ang isipan, o dahil ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay walang pundasyon, o dahil mahina ang kanilang kakayahan, o dahil naapektuhan ng ilang obhetibong salik sa kapaligiran ang kanilang pagtanggap at pag-unawa sa katotohanan—kung ito ay idinulot ng mga obhetibong dahilang ito, at ang kanilang mga pagpapamalas ng masasamang gawa ay pansamantala lang, kung gayon ay kinakailangan ang karagdagang obserbasyon. Pero hanggang ngayon, iyong mga walang-tigil na gumagawa ng masasamang gawa—yaong may mga pagpapamalas na pinangungunahan ng salitang “palagian”—ay hindi nakapaghanda ng sapat na mabubuting gawa para sa kanilang hantungan. Sa halip, sa kanilang proseso ng pananampalataya sa Diyos, nakaipon sila ng maraming masamang gawa. Iyon nga lang, tumatanggi silang aminin na sila ay masasamang tao, at sinusubukan din nilang bigyang-katwiran ang kanilang sarili gamit ang mga paghihirap na tiniis nila, ang halagang ibinayad nila, at ang kanilang senyoridad bilang mga matagal nang mananampalataya sa Diyos. Ang landas na tinatahak ng mga taong ito ay hindi lang inilalatag sa harap nila kundi ibinubunyag din sa harap ng lahat. Ang kanilang mga pagpapamalas at pagbubunyag, ang kanilang mga kilos at pag-uugali, ang kanilang saloobin sa paggampan ng kanilang tungkulin, ang kanilang saloobin sa katotohanan, at ang kanilang saloobin sa lahat ng positibong bagay ay sapat na para ipakita ang kanilang diwa. Siyempre, ang kanilang saloobin sa kanilang tungkulin at ang kanilang saloobin sa katotohanan ay nagbunyag din sa landas na kanilang tinatahak.

Ang landas na tinatahak ng mga tao ay tumutukoy sa kung ano ang aanihin nila sa huli. Kung tinatahak ng mga tao ang landas ng pagkawasak, ang aanihin nila sa huli ay ang paghampas ng mga tarangkahan ng impiyerno upang buksan ang mga ito at ang pagbaba sa impiyerno. Wala itong kinalaman sa iba—hindi ito idinudulot ng ibang tao, kundi sa halip ay ito ang resultang idinulot sa huli ng landas na tinatahak mo. Maaaring maraming taon ka nang nananampalataya sa Diyos at nakagawa ka na ng maraming pagsalangsang, nakagawa ng ilang maling pagpapasya, at nakagawa ng ilang bagay na lumilihis mula sa tamang landas; mayroon pa ngang ilang tao na nakagawa ng ilang gawa ng paghihimagsik at paglaban sa Diyos. Bagama’t hindi mabuti ang mga pagpapamalas na ito, at sa paningin ng Diyos ay kinokondena ang mga ito, kung—kasabay ng pagbubunyag mo ng isang tiwaling disposisyon at paghihimagsik at paglaban mo sa Diyos—nagagawa mong pagnilayan ang iyong sarili at tunay na magbago, at gamitin ang iyong sinseridad, ang iyong pagbabayad ng halaga, ang iyong pagsasagawa ng katotohanan, at ang iyong positibo at maagap na saloobin sa katotohanan para aktibong maghanda ng maraming mabubuting gawa, kung gayon ay magbabago ang saloobin ng Diyos sa iyo. Halimbawa, ipagpalagay na kapag ginagambala at ginugulo ng mga anticristo at masasamang tao ang gawain ng iglesia at inililihis nila ang mga kapatid, nagagawa mong agarang ilantad ang masasamang gawa ng mga anticristo at masasamang tao, pinipigilan ang kanilang mga paggambala at panggugulo, pinoprotektahan ang mga kapatid, at pinangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Dagdag pa rito, sa proseso ng paggampan ng iyong tungkulin, nagkaroon ng maraming hindi inaasahang paghihirap at hadlang, at ginugol mo ang iyong oras, enerhiya, at pisikal na lakas, isinasakripisyo ang iyong masasayang sandali ng makalamang kasiyahan at ibinibigay ang iyong buong lakas para lutasin ang mga paghihirap at problemang ito. Sa pamamagitan ng iyong panghihikayat, pangangasiwa, at pagsubaybay, sa pamamagitan ng iyong pagdurusa at pagbabayad ng halaga, ang gawain ng ebanghelyo ng iglesia ay nagawang umunlad at nakausad nang normal at maayos. Higit pa rito, sa proseso ng pangangaral ng ebanghelyo, nakapagdala ka ng ilang tao na may mahusay na kakayahan at abilidad na maarok ang katotohanan, at malinaw kang nakipagbahaginan sa kanila tungkol sa iba’t ibang katotohanan, binibigyang-kakayahan silang maglatag ng pundasyon sa tunay na daan, at gampanan ang kanilang tungkulin sa iglesia, at maging mga katuwang na may kapabilidad sa ilang partikular na aytem ng gawain. O gumanap ka ng isang napakahalagang papel sa ilang partikular na espesyalisadong gawain sa sambahayan ng Diyos, gumagamit ng mga epektibong pamamaraan sa gawain o mga hakbang sa gawain para isulong ang pag-usad ng gawain at pagandahin ang mga resulta nito. O, sa buhay iglesia, tinulungan mo ang ilang kapatid na negatibo at mahina, o na nakakaramdam ng pagkaligaw at na walang landas, tinutulungan silang makahanap ng landas pasulong, na maunawaan ang mga layunin ng Diyos at hindi magkamali ng pagkaunawa sa Kanya, at magkaroon ng determinasyong hangarin ang katotohanan. Ang mas mabuti pa, nagawa mong palakasin ang loob ng mga taong ito kaya handa silang gumampan ng isang tungkulin at gumugol ng kanilang sarili para sa Diyos. O, sa ilang espesyalisadong gawain, umako ka ng isang kailangang-kailangang papel—maaaring ang gampaning ginagawa mo ay mahirap at nakakapagod, at walang nakakakita, gayunman ay handa kang maging isang manggagawang hindi kilala at nasa likod ng eksena, nagsisikap nang hindi humihingi ng anumang gantimpala, naghahangad lang na ialay ang iyong sinseridad at katapatan. Ang lahat ng positibong pagpapamalas na tulad ng mga ito ay, sa paningin ng Diyos, mabubuting gawa na karapat-dapat tandaan. Sa kabilang banda, maaaring kapag nakakaharap mo ang mga bagay na ito, hindi lang sa nabibigo kang gampanan ang iyong tungkulin at tuparin ang iyong mga responsabilidad, kundi wala ka ring ginagawa at pinapanood at pinagtatawanan mo ang sitwasyon mula sa gilid, ganap na binabalewala ang mga ito, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan. Hindi mo ginagawa ang makakaya mo, at ni hindi ka man lang nag-aabalang mag-alok ng suhestiyon, sa takot na mapagod ka. Iniiwasan mo ang mga bagay-bagay hangga’t maaari, iniisip na kapag mas wala kang ginagawa, mas mabuti. Palagi mong nararamdaman na hindi sulit ang pagiging metikuloso at responsable, at na ang pag-iisip tungkol sa mga usapin ng gawain ay masyadong malaking abala. Bagama’t ang mga pagpapamalas na ito ay iba sa masasamang gawa ng paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, at hindi ka bibigyan ng Diyos ng pangit na marka, hindi ka rin Niya bibigyan ng magandang marka. Ano ang ibig Kong sabihin sa hindi pagbibigay sa iyo ng magandang marka? Nangangahulugan ito na sa mga bagay na ito, hindi ka naghanda ng mabubuting gawa, ni gumawa ng mga bagay na nagkakamit ng pag-alala ng Diyos. Nang makaharap mo ang mga bagay na ito, pinalagpas mo ang pagkakataon na maghanda ng mabubuting gawa. Napakahangal mo; hindi ka mapagkakatiwalaan, hindi karapat-dapat na iangat, hindi karapat-dapat na itaas, at hindi karapat-dapat na pagkatiwalaan ng mga usapin ng Diyos. Napakalayo mo kina Noe at Abraham. Sabihin mo sa Akin, ang isang tao na hindi pinangangahasang pagkatiwalaan ng Diyos ng anumang bagay ay maaaring hindi naman mapunta sa impiyerno sa huli, pero makakapasok ba siya sa kaharian ng langit? Masasabi lang na hindi ito tiyak, at sinusundan ito ng napakaraming tandang pananong; puno ito ng maraming kawalan ng katiyakan. Ang kawalan ng katiyakang ito ay batay sa kanyang mga palagiang pagpapamalas. Kung tatanungin mo ang lahat kung bakit sila nananampalataya sa Diyos, kung gusto ba nilang pumasok sa kaharian ng langit o mapunta sa impiyerno, lilibakin ka ng ilang tao, sinasabing ang tanong na ito ay napakahangal: “Sino ba ang may gustong mapunta sa impiyerno at mawasak? Sino ba ang hindi gustong pumasok sa kaharian ng langit at magtamo ng kaligtasan?” Pero ang tanong na ito ay talagang kailangang itanong. Hindi ito kahangalan. Ang ilang tao ay hindi kailanman nagnilay sa kanilang sarili sa ganitong paraan. Kapag nakakaharap sila ng mga sitwasyon, palagi silang natatakot sa problema at natatakot na magsanhi ng mga alitan. Sa partikular, kapag nakikita nilang ginagambala at ginugulo ng masasamang tao ang gawain ng iglesia, kung saan ang hinirang na mga tao ng Diyos ay naililihis at nasasamantala, at dahil dito ay hindi makausad ang gawain ng iglesia, hindi nila batid na sinisiyasat ng Diyos ang mga tao, ni batid na ito mismo ay isang pagkakataon para maghanda ng mabubuting gawa. Sa halip, pinipili nilang maging mapagpalugod ng mga tao at tinatalikuran nila ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi nila pinagninilayan ang kanilang sarili kahit kaunti. Ano ang iyong responsabilidad? Ano ang iyong obligasyon? Ano ang atas ng Diyos sa iyo? Nagsabi na ang Diyos ng napakaraming salita at nakagawa na Siya ng napakaraming gawain—ano ang inaasahan sa iyo ng Diyos? Mabibigyan mo ba ang Diyos ng isang kasiya-siyang sagot? Nakapaghanda ka na ba ng mabubuting gawa? Sa lahat ng usaping ito, dapat kang madalas na magnilay sa iyong sarili at magkaroon ng kalinawan sa iyong puso.

Gusto ng lahat na magkamit ng mga pagpapala. Walang sinuman ang may gustong malipol at mapadala sa impiyerno, pero kahit ayaw nila, maraming tao ang paulit-ulit na gumagawa ng kasamaan, naglalakbay nang napakabilis sa landas na patungo sa impiyerno. Paulit-ulit na binabalewala ng ilang tao ang mga pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin na ibinigay ng sambahayan ng Diyos, binabalewala nila kapag inaantig at sinasaway sila ng Banal na Espiritu, at binabalewala nila ang tulong at mga inaasahan sa kanila ng sambahayan ng Diyos. Ipinagpipilitan nilang maging pabasta-basta, mag-amok sa paggawa ng masasamang bagay, kumilos nang arbitraryo at walang pakundangan, at gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia, nang hindi pinagninilayan ang kanilang sarili kahit katiting. Hindi ba’t sila ay mga taong sadyang suwail at walang hiya? Palagi kang gumagawa ng kasamaan na tulad nito. Hindi sa pinipilit ka ng iba na gawin ito—malinaw na ito ay personal mong pagpili, isang bagay na personal mong gusto at masaya mong ginagawa. Kung may magsasabi na ang landas na tinatahak mo ay landas ng paglaban sa Diyos at patungo sa impiyerno, nakararamdam ka ng pagkabagabag at pagkanegatibo. Ano ang dahilan ng pagkanegatibo mo? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagdulot nito sa iyong sarili at umaani ng iyong itinanim? Hindi ba’t nararapat lang ito sa iyo? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko sinasadyang gumawa ng kasamaan. Sa tuwina, gusto kong gawin nang maayos ang mga bagay-bagay, pero pagkatapos kong gawin ang mga ito, natutuklasan ko na hindi masyadong maganda ang mga kahihinatnan ng aking mga kilos.” Nakagawa ka ng kasamaan, nagdulot ng mga paggambala at panggugulo, at nagdulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia. Kahit pa hindi ka panagutin para sa iyong mga pagsalangsang, nag-iwan ang mga ito ng mga nakatagong panganib, at maaari mo itong magawa ulit sa hinaharap. Napakamapanganib nito. Katulad lang ito ng isang landas na nilakaran ng isang tao—saanman siya naglakad, tiyak na mag-iiwan siya ng mga bakas. Nakikilala mo ba ang mga pagsalangsang na nagawa mo? Nakararamdam ka ba ng pagsisisi dahil sa mga ito? Nakararamdam ka ba ng pagkakautang at kalungkutan? Umiiyak ka ba nang mapait dahil sa mga ito? Nagbago ka na ba? Tunay mo bang kinamumuhian ang iyong masasamang gawa? Binitiwan mo na ba ang kasamaan na nasa iyong mga kamay at tunay ka na bang nagsisi sa Diyos? Sinasabi ng ilang tao: “Kinamumuhian ko rin ang aking sarili. Sinampal ko na ang sarili kong mukha nang di-mabilang na beses sa pribado, at lumuhod na rin ako sa harap ng Diyos, umiiyak nang mapait sa panalangin.” Maaaring pinagdaanan mo ang mga prosesong ito, pero hindi tinitingnan ng Diyos ang mga prosesong ito. Ang tinitingnan ng Diyos ay ang iyong mga pagpapamalas. Kapag lumitaw muli ang parehong sitwasyon o napunta muli sa iyo ang parehong tungkulin, paano mo ito tinatrato? Mayroon ka bang sinseridad at katapatan? Kaya mo bang magbayad ng halaga? Kaya mo bang kumilos ayon sa mga salita ng Diyos? Ano ang mga pagpapamalas ng iyong pagbabago? Binitiwan mo na ba ang kasamaan na nasa iyong mga kamay? Ipinagpapatuloy mo pa rin ba ang paggawa ng masasamang bagay na ginawa mo noon? Nagsisinungaling ka pa rin ba, kumikilos pa rin nang arbitraryo at walang pakundangan, sumasalungat pa rin sa mga pagsasaayos ng gawain at sa mga katotohanang prinsipyo, kumikilos pa rin ayon sa sarili mong mga ambisyon at pagnanais, at nakikipagsabwatan pa rin sa masasamang tao para gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia? Kung kumikilos ka pa rin nang ganito, ang iyong pagsisisi at mapait na pag-iyak ay huwad at pabasta-basta. Bilang ano inilalarawan ang pabasta-basta at huwad na pagsisisi? (Pagpapaimbabaw.) Inilalarawan ba ito bilang pagpapaimbabaw? Inilalarawan ito bilang panlilinlang. Tumpak ba ang pahayag na ito? (Oo.) Sa paningin ng Diyos, ang gayong mapait na pag-iyak at ang gayong pagsisisi ay panlilinlang. Halimbawa, sinabi ng Diyos, “Ihandog mo sa Akin ang sampung libra ng bigas mula sa ani ngayong taon.” Ang ilang tao ay ayaw itong ihandog at gusto itong itago para kainin nila, kaya kumuha sila ng sampung libra ng ipa ng palay at inilagay ang mga ito sa altar. Nang tanungin kung ano ito, sinabi nilang palay ito. Sinabi ng Diyos, “Hindi ba’t humingi Ako sa iyo ng bigas?” Sinabi nila, “Ang palay ay bigas.” Panlilinlang ba ito? (Oo.) Ito ay walang-hiyang panlilinlang. Pagkatapos gumawa ng kasamaan, ipinagtatapat mo ang iyong kasalanan, paulit-ulit na sinasabing may pagkakautang ka sa Diyos, at umiiyak ka pa nga nang mapait, pero pagkatapos, kumikilos ka na parang walang nangyari at patuloy mong ginagawa ang mga bagay sa parehong paraan tulad ng dati. Inilalarawan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-uugali bilang panlilinlang. Sa paningin ng Diyos, ang ganitong uri ng mapanlinlang na pag-uugali ay katumbas ng masasamang gawa. Kung tunay kang may determinasyong magbago at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi mo kailangang gumawa ng mga pagpapasya o umiyak nang mapait. Gawin mo muna ito—manumpa ka sa Diyos kapag kaya mo itong gawin. Kung hindi mo ito kayang gawin, hinding-hindi ka dapat manumpa. Kung manunumpa ka, seseryosohin ito ng Diyos at hihingin Niya ang resulta ng iyong isinumpa. Kung hindi mo ito matutupad, sa paningin ng Diyos ay panlilinlang iyon—ang panlilinlang sa Diyos ay nagiging isa na namang masamang gawa na nakatala laban sa iyo. Kaya, kung hindi ka tunay na makapagsisisi at sa halip ay nililinlang mo ang Diyos gamit ang iyong mga panunumpa, ang landas na tinatahak mo ay patungo sa pagkawasak. Ang bawat isa sa iyong masasamang gawa ay isang paghampas sa mga tarangkahan ng impiyerno; marahil isa sa mga paghampas na ito ang sa wakas ay magbubukas sa mga ito, at ang oras ng iyong kamatayan ay sumapit na. Masasabing para sa ilang tao, mula noong magsimula silang manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, ang lahat ng kanilang mga kilos at pag-uugali ay ang patuloy na pag-iipon ng masasamang gawa at paghampas sa mga tarangkahan ng impiyerno, at kasabay nito, ang pag-iipon ng galit ng Diyos; hinihintay nilang bumaba sa kanila ang kaparusahan ng Diyos. Gayumpaman, ang ibang tao ay umuusad sa isang positibo at tamang direksyon sa proseso ng pananampalataya sa Diyos. Ang landas na tinatahak nila ay ang daan patungo sa kaharian ng langit. Sa panahong ito, bagama’t sila ay mapaghimagsik at nagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, at siyempre ay mayroon din silang mga kuru-kuro at imahinasyon tungkol sa Diyos, at may sarili nilang kalooban sa paggampan ng kanilang tungkulin, habang ibinubunyag ang mga pagpapamalas na ito o nakikibahagi sa mga pag-uugaling ito, patuloy rin nilang tinatanggap ang katotohanan, at patuloy na iwinawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at hinahayaang mabago ang mga ito; tunay silang nagbago, at mayroon silang mga pagpapamalas at realidad ng pagtanggap at pagpapasakop sa katotohanan. Bagama’t ang gayong mga tao ay nakagawa na noon ng maraming pagsalangsang at nakagawa ng ilang bagay na kinamumuhian at kinokondena ng Diyos, unti-unti nilang iwinawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at hindi na sila gumagawa ng kasamaan pagkatapos nilang maunawaan ang katotohanan at magbago. Sa kanilang pagbabago, at sa kanilang determinasyon at paninindigan na magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga para sa katotohanan, inaantig nila ang Diyos. Kasabay nito, ang kanilang mga pagsisikap at kilos, at ang mabubuting gawa na inihahanda nila ay unti-unting nagkakamit ng pagtanggap at pagsang-ayon ng Diyos, at ang mga bagay na ito ay tinatandaan din ng Diyos. Kung huhusgahan mula sa kabuuang mga pagpapamalas ng gayong mga tao, sa pangkalahatan, sila ay—gaya ng madalas ninyong sabihin—mga tamang tao. Ang landas na tinatahak ng mga tamang taong ito ay ang landas na patungo sa kaharian ng langit, ang landas na patungo sa kaligtasan. Ang gayong mga tao ay tumatahak sa landas ng kaligtasan. Siyempre, ang mga pagpapamalas ng mga taong ito, sa pangkalahatan, ay hindi resulta ng pag-uudyok, pangangasiwa, pamamahala, o pagpupungos ng iba, ni ng regulasyon ng mga atas administratibo ng iglesia. Sa halip, maagap silang nagbabago, at, sa kanilang buhay pagpasok, mayroon silang sarili nilang mga personal na plano at balak, pati na rin ng sarili nilang maagap na determinasyon. Ang landas na tinatahak ng mga taong ito ay ang tamang landas. Naghahanda sila ng mabubuting gawa para sa sarili nilang hantungan gamit ang mga positibo at maagap na pagpapamalas na ito. Ang kanilang personal at pansariling paghahangad ang tumutukoy sa landas na tinatahak nila at tumutukoy sa saloobin ng Diyos sa kanila. Sa huli, dahil sa kanilang personal at pansariling paghahangad, nagagawa nilang makatanggap mula sa Diyos ng isang angkop na hatol at isang angkop na hantungan.

Sabihin mo sa Akin, paano dapat gumawa ang mga tao ng mga makatarungang gawa, at sa anong kalagayan at kondisyon nila dapat gawin ito, para makonsidera ito na paghahanda ng mabubuting gawa? Sa pinakamababa, dapat mayroon silang positibo at maagap na saloobin, at habang ginagawa ang kanilang tungkulin, dapat silang maging tapat, dapat magawa nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang pagiging positibo at aktibo ang susi. Kung palagi kang pasibo, isa itong problema. Para bang hindi ka miyembro ng sambahayan ng Diyos; hindi mo ginagawa ang tungkulin mo, kundi wala kang pagpipilian kundi gawin ito sa utos ng isang amo para makakuha ng suweldo—hindi mo ito ginagawa nang kusa. Kahit na gumawa ka ng kaunti nito, ginagawa mo ito dahil kailangan, at ginagawa mo ito nang pasibo. Kung hindi sangkot ang mga interes mo, sadyang hindi mo ito gagawin, o kung walang nangangasiwa sa iyo, hinding-hindi mo ito gagawin. Ang gayong mga negatibo at pasibong kilos ay hindi mabubuting gawa. Samakatwid, ang ganitong uri ng tao ay napakahangal. Napakapasibo niya sa paggawa ng mga positibong bagay at sa paggawa ng dapat niyang gawin—hindi niya ginagawa ang mga bagay na naiisip niya, ni hindi niya ginagawa ang mga bagay na kaya niyang gawin na nangangailangan ng oras at lakas, sa halip, naghihintay at nanonood lang siya sa tabi, iniisip na pinakamabuti kung iba ang gagawa ng mga iyon. Problematiko ito, at napakahirap para sa kanya na gampanan nang maayos ang tungkulin niya. Una, hindi naman sa hindi sapat ang kakayahan mo; ikalawa, hindi naman sa kulang ang karanasan mo; ikatlo, hindi naman sa wala kang mga tamang kondisyon para gawin ito. Taglay mo ang kakayahan na gawin ang gawaing ito, at kung gugugulin mo ang oras at enerhiya, magagawa mo ito, pero hindi ka gumugugol, nabibigo kang maghanda ng mabubuting gawa. Labis itong nakakapanghinayang. Bakit Ko sinasabi na nakakapanghinayang ito? Ito ay dahil kung magbabalik-tanaw ka rito pagkalipas ng maraming taon, makakaramdam ka ng pagsisisi, at kung gusto mong bumalik sa taon na iyon, sa buwang iyon, at sa araw na iyon, para gawin ang gawaing iyon, nagbago na ang mga bagay-bagay at lumipas na ang oras na iyon. Hindi ka makakakuha ng pangalawang pagkakataon na gaya niyon; kapag lumipas na ang pagkakataong iyon, lumipas na ito, kapag nawala na ito, nawala na ito. Kung mapapalampas mo ang mga kasiyahan ng laman gaya ng pagkain ng masasarap na pagkain o pagsuot ng magagandang damit, hindi ito gaanong mahalaga, dahil hungkag ang mga bagay na ito, at ang mga ito ay walang anumang epekto sa iyong buhay pagpasok o sa iyong paghahanda ng mabubuting gawa, o sa iyong hantungan. Gayumpaman, kung ang isang bagay ay nauugnay sa saloobin at pagsusuri ng Diyos sa iyo, o maging sa landas na nilalakaran mo o sa hantungan mo, ang mawalan ng pagkakataong magawa ito ay labis na nakakapanghinayang. Ito ay dahil mag-iiwan ito ng isang mantsa at magdudulot ng mga pagsisisi sa iyong landas ng pag-iral sa hinaharap, at sa buong buhay mo ay hindi ka na kailanman magkakaroon ng isa pang pagkakataon para makabawi rito. Hindi ba’t nakakapanghinayang ito? Kung masyadong mahina ang kakayahan mo at hindi mo kayang isagawa ang gawaing ito, hindi iyon nakakapanghinayang—kayang isaayos ng sambahayan ng Diyos na iba ang gumawa nito. Kung kaya mong gawin ito nang maayos, pero hindi mo ito ginagawa, labis iyong nakakapanghinayang. Isa itong pagkakataong ibinigay sa iyo ng Diyos, pero hindi mo ito sineseryoso, hindi mo sinusunggaban ang pagkakataong ito, at hinahayaan mo itong makalampas—masyado itong nakakapanghinayang! Para sa iyo, nakakapanghinayang ito; para sa Diyos, nakakadismaya ito. Binigyan ka ng Diyos ng sapat na kakayahan at ng mas nakakahigit na kondisyon, na nagtutulot sa iyong makita nang malinaw ang ilang bagay at maging may-kakayahan sa gawaing ito. Gayumpaman, wala ka ng tamang saloobin sa iyong tungkulin, wala kang sinseridad, mas lalo na ng debosyon, at ayaw mong subukan ang lahat ng makakaya mo para magawa ito nang maayos. Lubhang nadidismaya ang Diyos dito. Kaya, kung tamad ka at palagi mong nararamdaman na ang gawaing itinalaga sa iyo ay problematiko at ayaw mo itong gawin, at palihim kang nagrereklamo na, “Bakit sa akin ito ipinapagawa at hindi sa iba?” kung gayon, kahangalan ang iniisip mo. Kapag napunta sa iyo ang isang tungkulin, hindi iyon isang hindi magandang pangyayari, isa itong karangalan, at pagtataas ito ng Diyos. Dapat mo itong tanggapin nang masaya at gawin ang tungkuling nararapat mong gawin; hindi ka nito papagurin. Sa kabaligtaran, kung gagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, mauunawaan ang katotohanan at malulutas ang mga problema, makakaramdam ka ng kapayapaan at kapanatagan sa iyong puso, at hindi mo bibiguin ang Diyos. Sa harap ng Diyos, magkakaroon ka ng pananalig at makakaasal ka nang taas-noo. Kung hindi mo natupad ang iyong tungkulin at palagi kang pabasta-basta, isa itong pagsalangsang, at kahit pa wala kang naidulot na anumang kawalan, mag-iiwan ang pagsalangsang na ito ng habambuhay na pagsisisi sa iyong puso. Ang pagsalangsang na ito ay magiging tulad ng isang walang-hanggang itim na butas; sa tuwing maiisip mo ito, makakaramdam ka ng pasakit at pagkabalisa, isang pighati na tumatagos sa puso. Hindi lang sa hindi ka magkakaroon ng kapayapaan o kagalakan, kundi sa kabaligtaran, sasamahan ka ng pasakit ng pagsisisi at pagpapahirap sa buong buhay mo at hindi na ito kailanman mabubura. Hindi ba’t isa itong walang-hanggang pagsisisi? At paano naman mula sa perspektiba ng Diyos? Ginagamit ng Diyos ang mga katotohanang prinsipyo para ilarawan ang usaping ito, kaya ang kalikasan nito ay higit na mas malubha kaysa sa nararamdaman mo. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kaya, komprehensibong isasaalang-alang ng Diyos ang iyong karaniwang paggampan, at ang saloobin mo sa katotohanan at ang tungkulin mo, para tingnan ang landas na tinatahak mo. Ipagpalagay na ang saloobin mo sa katotohanan at sa tungkulin mo ay palaging pabaya, at nangangako ka sa panlabas pero hindi mo isinasagawa ang mga ito kapag walang nakakakita, at nagpapatumpik-tumpik ka at nagmamabagal, at wala kang positibong saloobin ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Bagama’t sa panlabas ay hindi ka nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, gumagawa ng kasamaan, o kumikilos nang pabasta-basta at walang habas o nag-aamok na gumagawa ng mga maling gawa, at mukha kang isang taong masunurin sa patakaran at medyo may magandang asal, hindi mo positibo at aktibong ginagawa ang hinihingi ng Diyos sa iyo, sa halip, tuso ka at nagpapakatamad, at umiiwas sa totoong gawain. Kung gayon, anong landas ba talaga ang tinatahak mo? Kahit na hindi ito ang landas ng isang anticristo, sa pinakamababa, ito ang landas ng isang huwad na lider.

May ilang tao na tila may pagpapasakop sa paggawa ng kanilang tungkulin, ginagawa nila kung ano man ang isinasaayos ng ang Itaas. Pero kapag tinanong sila, “Pabasta-basta mo bang ginagawa ang tungkulin mo? Ginagawa mo ba ito ayon sa mga prinsipyo?” wala silang maibigay na tiyak na sagot, sasabihin lang nila, “Ginagawa ko ang mga itinatagubilin ng ang Itaas at hindi ako nangangahas na magwala sa paggawa ng masasamang gawa.” Kapag tinanong kung natupad ba nila ang kanilang responsabilidad, sinasabi nila, “Buweno, ginagawa ko naman ang dapat kong gawin.” Palagi silang may ganitong uri ng saloobin sa paggawa ng tungkulin nila, walang pagmamadali at walang pakialam. Bagama’t walang lumitaw na kapansin-pansing problema, kung susukatin ayon sa mga katotohanang prinsipyo, ang paggampan nila sa tungkulin nila ay hindi episyente at hindi pasok sa pamantayan. Pero wala silang pakialam. Kumikilos pa rin sila sa pabasta-bastang paraan tulad ng ginawa nila noon, at ganoon pa rin sila kapasibo pagdating sa mga bagay na dapat silang mag-inisyatiba—hindi sila nagbago kahit kaunti. Hindi ba’t sila ay walang-kahihiyang matigas ang ulo? Palagi nilang pinapanatili ang saloobing ito: “Maaaring mayroon kang sanlibong mahuhusay na plano, ngunit mayroon akong sariling mga panuntunan. Ganito lang talaga ako. Tingnan natin kung ano ang magagawa mo sa akin. Ito ang saloobin ko!” Wala silang nagawang napakalaking panlilinlang o kasamaan, ngunit kakaunti rin ang mabubuting gawa na nagawa nila. Anong landas ang masasabi mong tinatahak nila? Mabuti ba ang ganitong uri ng saloobin sa pananampalataya sa Diyos at sa tungkulin ng isang tao? (Hindi.) Sa Aklat ng Pahayag sa Bibliya, sinasabi ito ng Diyos: “Kaya naman sapagkat ikaw ay maligamgam, at hindi mainit ni malamig, isusuka kita mula sa Aking bibig” (Pahayag 3:16). Ang pagiging maligamgam, hindi malamig ni mainit—mabuti ba ang ganitong saloobin? (Hindi.) Mayroon ding sariling mga kalkulasyon sa isip niya ang ganitong uri ng tao: “Hangga’t hindi ako gumagawa ng kasamaan o nanggagambala sa gawain ng iglesia sa paggampan ng tungkulin ko, hindi ako makokondena. Kung ang paggampan nang maayos sa tungkulin ko ay masyadong nakakapagod at nangangailangan ng labis na pagdurusa, hindi ko ito gagawin. Hindi ko papagurin ang sarili ko, pero hindi rin ako gagawa ng malalaking pagkakamali. Sa ganoong paraan, hindi ako mapapaalis o matitiwalag, at mas mabuti pa rin ako kaysa sa mga hindi gumagawa ng tungkulin. Kaya, nananatili akong maligamgam, hindi malamig ni mainit. Anuman ang ipagawa mo sa akin, gagawin ko ito. Pero kung hindi mo sasabihin sa akin na gawin ang isang bagay, hindi ako makikialam. Sa ganitong paraan, hindi ako mapapagod, at dagdag pa roon, walang mahahanap na kamalian sa akin ang mga tao. Mahusay ang pamamaraang ito!” Mabuti ba ang ganitong paraan ng pag-asal? (Hindi.) Alam mong hindi ito mabuti, kaya paano dapat magbago ang iyong pagsasagawa? Kung hindi mo kailanman hahangaring lumakad sa landas ng paghahangad sa katotohanan at magpupursigi ka pa ring mamuhay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, kung gayon, tiyak na wala kang pag-asang matamo ang kaligtasan. Kung aasal ka sa mundo sa ganitong paraan, talaga ngang magkakaroon ka ng kalamangan. Poprotektahan ka ng iyong pilosopiya at saloobin sa mga makamundong pakikitungo, at hindi mo rin mapapasama ang loob ng mga tao. Higit pa rito, iyong mga taong nasa mataas na antas ng lipunan na may katanyagan at reputasyon ay hindi makararamdam na isa kang banta sa kanila at pahahalagahan ka nilang lahat nang labis. Iyong mga taong nasa mababang antas ng lipunan na walang katayuan ay hindi rin mangangahas na mapasama ang loob mo. Kaya, magiging sikat na sikat ka—kapwa sa mga tao na nasa mababang antas ng lipunan at mga tao na nasa mataas na antas ng lipunan, ikaw ay magiging isang tao na hinahangad nilang makuha ang loob, magiging isa kang kanais-nais na tao, at magagawa mong makisalamuha sa lahat ng grupo ng tao, mataas at mababa, mabuti at masama, nang madali. Gayumpaman, kung gagamitin mo pa rin sa sambahayan ng Diyos at sa harap ng Diyos ang ganitong uri ng saloobin sa mga makamundong pakikitungo, hindi ito uubra. Ang lahat ng iba’t ibang prinsipyo na kinasasangkutan ng katotohanan ay nangangailangan ng isang saloobin mula sa iyo, at ang saloobing ito ay maaaring tama o mali, itim o puti, totoo o huwad—ito ay partikular na malinaw, at partikular na may prinsipyo. Nangangailangan ang mga ito ng iyong paninindigan at ng iyong tumpak na pananaw, sa halip na ng iyong pamamaraan na walang pinapanigan. Iyong mga gumagamit ng pamamaraan na walang pinapanigan ay hindi makapaninindigan sa harap ng katotohanan. Huwag mong isipin, “Tingnan mo kung gaano katalino ang paraan ko ng pamumuhay. Natutunan kong protektahan ang aking sarili gamit ang pamamaraang ito mula pa noong bata ako, at sa pagbabalik-tanaw sa buhay ko hanggang sa kasalukuyan, pakiramdam ko ay napakapraktikal ng pamamaraang ito. Pagkatapos manampalataya sa Diyos, namumuhay pa rin ako ayon sa pamamaraang ito. Sa mga taon na nanampalataya ako sa Diyos, hindi ako napungusan, hindi ako nabigo nang malaki sa paggampan ng aking tungkulin, hindi ako napasailalim sa anumang malaking pagpipino o mga pagsubok, at hindi ako kailanman kinondena o itinaboy ng Diyos. Tingnan mo kung gaano ako kamatagumpay sa pag-asal, kung gaano ako kahusay rito!” Mali ka! Hindi mo alam kung paano umasal—gumagamit ka ng tusong pamamaraan para harapin ang bawat usapin at para harapin ang katotohanan. Ang pamamaraang ito ay ganap na mali, at hindi ka makapaninindigan sa paggawa nito. Huwag kang magkaroon ng mentalidad na umaasa sa suwerte, iniisip na, “Ginagawa ko ito noon at palagi akong nagtatagumpay. Hindi ako kailanman nabigo, at hindi kailanman napahiya o nagpakita ng aking kamangmangan. Ngayong nananampalataya na ako sa Diyos, magpupursigi pa rin ako sa pinakasopistikadong estratehiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo.” Sinasabi Ko na hangal ka! Bakit nagsasalita ang Diyos ng napakaraming salita para iligtas ang mga tao? Ito ay mismong para bigyang-kakayahan ang mga tao, sa ilalim ng gabay ng mga salitang ito, na maunawaan kung ano ang tamang landas sa buhay at kung anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao; ito ay para hayaan kang pumili—hindi ito para hayaan kang sumabay sa agos nang may pagka-oportunistiko. Kung ito ay para hayaan kang sumabay sa agos nang may pagka-oportunistiko, hindi sasabihin ng Diyos ang mga salitang ito o gagawin ang gawaing ito. Bakit sa ating pagbabahaginan tungkol sa iba’t ibang usapin, ang lahat ng bagay na sumasalungat sa katotohanan ay ginagawang napakalinaw? Ito ay mismong para sabihin sa iyo kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, upang malinaw mong mapag-iba ang mga ito at makita ang mga ito nang malinaw. Ang mga positibong bagay at mga negatibong bagay ay ganap na bukas, nabubunyag, at malinaw sa harap ng Diyos—hindi malabo ang mga ito. Samakatwid, hinihingi sa iyo ng Diyos na maging malinaw sa paggawa ng anumang bagay at sa pagpili ng iyong landas—dapat na malinaw ang iyong saloobin, at dapat na malinaw ang iyong mga kaisipan at pananaw; dapat walang anumang malabo. Ang kinasasangkutan ng katotohanan at ng mga katotohanang prinsipyo ay hindi naglalaman ng anumang malabo—ang itim ay itim, ang puti ay puti, ang oo ay oo, ang hindi ay hindi. Ang isang kasinungalingan, kahit pa sabihin nang isang libong beses, ay isa pa ring kasinungalingan at hindi kailanman magiging katotohanan. Ang katotohanan, kahit pa iilan lang sa mundo ang tumatanggap dito, o kahit pa tinatanggihan at kinokondena ito ng maraming bansa, ay nananatiling katotohanan. Ang katotohanan ay palaging ang katotohanan at hinding-hindi magiging isang maling kaisipan o erehiya. Kahit gaano karaming tao ang sumusunod sa mga negatibong bagay na kay Satanas o kahit ilang taon nang naging makamundong kalakaran ang mga ito, mga negatibong bagay pa rin ang mga ito at kay Satanas pa rin—hindi kailanman magiging mga positibong bagay ang mga ito. Sa kabaligtaran, ang mga positibong bagay, kahit pa inaatake, sinusupil, at kinokondena ang mga ito sa mundong ito, ay nananatiling mga positibong bagay at hindi kailanman magiging mga negatibong bagay. Ang Diyos ay Diyos magpakailanman, magpakailanmang kumakatawan sa katarungan, at ang kinatawan ng lahat ng positibong bagay magpakailanman. Ang katayuan ng Diyos ay hindi nagbabago, at ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Samantala, si Satanas ay si Satanas magpakailanman, kumakatawan sa kasamaan magpakailanman, kinatawan ng sentro ng kasamaan magpakailanman, negatibo magpakailanman, at hindi ito kailanman magiging isang positibong bagay.

Sinasabi ng ilang tao, “Kailangan marunong kang makibagay sa pamumuhay sa iglesia. Huwag kang masyadong kumiling sa alinmang direksyon. Huwag mong tanggapin ang katotohanan, pero huwag ka ring maging tutol dito; huwag mong pasamain ang loob ng mga positibong tao o ng mga negatibong tao. Pinakamabuti na maging isang taong walang pinapanigan. Hindi ko tinututulan ang mga positibong bagay, at hindi ko pinupuna ang mga negatibong bagay. Hindi ako nagpapalapad ng papel o sumusubok na makakuha ng pabor sa mga taong naghahangad ng katotohanan, at hindi rin ako nakikipaglapit sa kanila. Hindi ko rin inilalayo ang aking sarili sa mga anticristo. Ano ang magagawa mo sa akin? Tingnan mo kung gaano ko kalinaw na nauunawaan ang buhay!” Ito ba ay malinaw na pag-unawa? Hindi ito malinaw na pag-unawa; ito ay kahangalan. Ito ay pagiging magulo ang isip at kawalan ng kakayahang mapag-iba ang tama sa mali. Ang gayong tao ay isang taong magulo ang isip. Sinasabi Ko sa iyo, ang ganitong uri ng taong namamangka sa dalawang ilog ay sadyang walang kuwenta. Ano ang magiging panghuling resulta ng pamumuhay sa ganitong paraan? (Wala siyang kalalabasan at kahahantungan) Nasira na niya ang sarili niyang destinasyon. Bagama’t hindi niya tinututulan ang mga positibong bagay, sa diwa, hindi rin niya tinatanggap ang mga positibong bagay. Ang hindi pagtutol ay hindi katulad ng pagtanggap, at ang hindi pagpuna sa mga negatibong bagay ay hindi katulad ng pagbitiw sa mga ito. Iniisip mo ba na sa hindi pagtanggap sa mga positibong bagay at hindi pagpuna sa mga negatibong bagay, nabitiwan mo na ang mga negatibong bagay at mga negatibong pananaw? Hindi mo mabibitiwan ang mga ito. Tanging sa pagtanggap sa mga positibong bagay at pagtanggap sa katotohanan unti-unting mabibitiwan at masisira ang mga negatibong kaisipan at pananaw ng mga tao, pati na rin ang mga buktot na kaisipan at pananaw na kay Satanas; saka lang matatanggap ng mga tao ang mga positibong kaisipan at pananaw, kasama na ang mga pagsasagawa, kabatiran, pag-unawa, at pamantayan na umaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa madaling salita, kung gusto mong tanggapin ang mga positibong kaisipan at pananaw, kung gusto mong tanggapin ang katotohanan, kung gusto mong pumasok sa iyo ang katotohanan at maging buhay mo, dapat mo munang alisin kung ano ang nasa loob ng iyong sarili, at pagkatapos ay tanggapin ang katotohanan at hayaan ang katotohanan na pumasok sa iyo at magkaroon ng kapangyarihan sa iyong puso. Ito ay pagkakaroon ng katotohanan bilang buhay. Ang paghahangad ng katotohanan ay isinasagawa sa ganitong paraan. Ang pangunahing layunin ng pananampalataya sa Diyos ay ang makamit ang katotohanan. Dapat mong makilatis ang iba’t ibang kaisipan at pananaw na sumasalungat sa katotohanan. Lalo na kung ikaw ang uri ng tao na sumusunod sa pilosopiya ni Satanas, dapat mong bitiwan ang mga tusong kaisipan at pananaw ng pamamaraan na walang pinapanigan, at dapat kang sadyang maghimagsik laban sa mga ito. Kapag lumitaw ang gayong mga kaisipan at pananaw sa mga sitwasyong nakakaharap mo, dapat mong mapagtanto na mali ang mga ito at dapat mong isipin: “Ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos? Ano ang hinihingi ng Diyos? Alinmang paraan ng pagkilos ang umaayon sa mga katotohanang prinsipyo, magkukusa ako at magsusumikap na kumilos nang naaayon, hindi hinahayaan ang mga kaisipan at pananaw ng pamamaraan na walang pinapanigan na pamahalaan ako o hadlangan ako sa pagsasagawa ng katotohanan. Sa halip, dapat kong hayaan ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, na maging pamantayan para sa aking pag-asal at mga kilos, at para sa paggampan ko ng aking tungkulin.” Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magdudulot ng ibang resulta. Kahit pa ito ay isang napakaliit na bagay at hindi karapat-dapat na tandaan ng Diyos, kahit papaano, hindi ito kokondenahin ng Diyos. Habang unti-unting naiipon ang iyong mga kilos sa ganitong paraan, ang iyong mabubuting gawa ay unti-unting maihahanda nang paunti-unti. Kung ang iyong mga kilos ay maituturing na mabubuting gawa sa paningin ng Diyos, magkakaroon ka ng pag-asa. Magsisimula kang magkaroon ng tama at positibong direksyon at layon, at magsisimula kang maging isang positibong tao, isang tamang tao. Sa ganitong paraan, nailayo mo na ang iyong sarili mula sa landas ng pagkawasak na patungo sa impiyerno at unti-unti ay nakabaling ka na sa landas na patungo sa kaharian ng langit. Ito ay isang magandang resulta ng isang tao na nagagawang magbago. Madali ba itong makamit? Nakadepende iyon sa antas ng pagmamahal ng isang tao sa katotohanan. Kung nakakagawa ka ng pagkakamali at sinasabi mo lang: “Talagang namumuhi ako sa sarili ko! Paano ko nagawa ang gayon kababang, ubod ng samang bagay? Talagang nangangati akong sampalin ang sarili ko!” namumuhi lang sa sarili mo, wala iyang silbi. Ang susi ay na, kapag nagkamali ka, dapat magawa mong kilatisin kung ano ang mali rito, kung ano ang nag-udyok sa iyo na gawin ito, bakit hindi mo magawang isagawa ang katotohanan, ano ang ugat na dahilan, at ano ang batayan at mga prinsipsyo ng pagkilos mo. Ang susi rin ay kung, kapag nahaharap sa isang usapin, ikaw ba ay sadyang kumikilos ayon sa mga salita ng Diyos at sadyang naghihimagsik laban sa iyong mga satanikong kaisipan at pananaw, sa iyong mga ambisyon at pagnanais, at sa iyong mga intensiyon at plano. Kung sadya mong ginawa ang lahat ng bagay na ito, kung gayon ay nakapaghanda ka ng mabubuting gawa, at isa itong magandang bagay, at may nakamit ka. Mabuti ba ang ganitong uri ng resulta? Ito ba ang resultang gusto ninyong makita? Ito ba ang gusto ninyong hangarin? (Oo.) Anong uri ng pananaw ang pinanghahawakan ng karamihan sa mga tao ngayon? Ito iyon: “Hindi ako gumagawa ng kasamaan o nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo. Hangga’t hindi ako pinapaalis sa iglesiang may tungkuling full-time, ayos lang ang lahat. Bagama’t hindi ako nakapaghanda ng maraming mabuting gawa, at sa aking tungkulin ay hindi ako masyadong tapat, wala akong gaanong sinseridad, at hindi ako masigasig na nagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hangga’t hindi ako gumagawa ng kasamaan o nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, hindi ba’t sapat na iyon?” Kumusta ang pananaw na ito? Ito ay isang tiwaling kaisipan at pananaw—ito ay hindi naghahangad ng pag-unlad. Hinding-hindi mo dapat isipin na hangga’t hindi ka gumagawa ng kasamaan o nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo, ikaw ay isang mabuting tao, isang marangal na tao, na makakapanindigan ka, at ang ginagawa mo ay katugma ng katotohanan. Sinasabi Ko sa iyo, mali iyan—ito ay isang hangal na paraan ng pag-iisip! Ang hindi paggawa ng kasamaan ay hindi katumbas ng paghahanda ng mabubuting gawa. Ang hindi paggawa ng kasamaan at ang paghahanda ng mabubuting gawa ay dalawang magkaibang konsepto. Ang paggawa ng tungkulin nang hindi gumagawa ng kasamaan ay ang dapat gawin ng isang nilikha; isa itong pagpapamalas na dapat taglayin ng mga may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Halimbawa, sinasabi ng ilang tao: “May mga taong pumapatay, pero hindi ko ginawa iyon; ang taong iyon ay nagnakaw ng mga bagay mula sa ibang mga tao, pero hindi ko ginawa iyon. Ibig sabihin nito ay mabuti akong tao.” Karapat-dapat bang ipagyabang iyon? Tama ba ang iginigiit nila? (Hindi.) Ito ay pagkalito sa mga konsepto. Ang pagiging hindi magnanakaw, hindi pagpatay o pagsunog, at hindi pakikibahagi sa mga bawal na seksuwal na ugnayan, ay hindi katulad ng pagiging isang mabuting tao. Ang hindi paggawa ng kasamaan o paglabag sa batas ay ibang konsepto mula sa pagiging isang mabuting tao. Ang pagiging mabuting tao ay may sarili nitong mga pamantayan. Ang hindi paggawa ng kasamaan at ang paghahanda ng mabubuting gawa ay dalawang magkahiwalay na konsepto rin. Ang paggawa ng tungkulin mo nang hindi gumagawa ng kasamaan ay isang bagay na dapat mong makamit bilang isang normal na tao. Pero ang paghahanda ng mabubuting gawa ay nangangahulugan na dapat aktibo at positibo mong isagawa ang katotohanan at tuparin ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Dapat kang magkaroon ng katapatan, maging handang magtiis ng mga paghihirap at magbayad ng halaga, maging handang akuin ang responsabilidad, at dapat magawa mong kumilos nang positibo at aktibo. Sa kabuuan, maituturing na mabubuting gawa ang mga kilos na ginagawa ayon sa mga prinsipyong ito. Malaki o maliit na mga usapin man ito, karapat-dapat mang tandaan ng mga tao ang mga ito o hindi, pinahahalagahan man ito ng mga tao o itinuturing nilang walang halaga, o kung iniisip man ng mga tao na karapat-dapat sa atensiyon ang mga ito, sa mga mata ng Diyos, mabubuting gawa ang lahat ng ito. Kung naghanda ka ng mabubuting gawa, sa huli ay magdadala ito sa iyo ng mga pagpapala, hindi ng mga kapahamakan. Ang ilang tao ay hindi naghahanda ng anumang mabuting gawa kahit kaunti at kontento na sila sa sumusunod: “Ginagawa ko ang anumang ipinapagawa sa akin at pumupunta ako kahit saan ako pinapapunta. Hindi ako kailanman nagsasalita o kumikilos nang arbitraryo, at hindi ako nananadyang gumawa ng problema o nagdudulot ng mga pagkagambala o kaguluhan. Masunurin at mabuti ang asal ko.” Palagi nilang kinikimkim ang ganitong uri ng saloobin. Hindi nila aktibong hinahanap ang katotohanan o sinusunod ang mga prinsipyo sa paggampan ng kanilang tungkulin. Kapag natutuklasan nila ang sarili nilang mga paglihis at pagkakamali, hindi nila agad itinatama o binabago ang mga ito. Kapag natutuklasan nilang naging mapaghimagsik sila at nagbunyag sila ng mga tiwaling disposisyon, hindi nila kailanman pinagninilayan ang kanilang sarili, ni aktibong hinahanap ang katotohanan para lutasin ang problema; sa halip, ginagawa lang nila kung ano ang gusto nila. Bagama’t hindi sila nakagawa ng anumang malaking kasamaan na magdudulot ng mga kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, naapektuhan pa rin nila ang pag-usad ng gawain ng iglesia. Sa pinakamabuti, ang paggampan nila ng kanilang tungkulin ay pagtatrabaho lang, at ang pagtatrabaho, sa kalikasan nito, ay hindi umaabot sa pagiging isang mabuting gawa. Kung gayon, paano ba talaga natutukoy ang mabubuting gawa sa huli? Ito ay kapag, sa pinakamababa, nakakatulong ang ginagawa mo sa buhay pagpasok mo at ng mga kapatid, at kapag kapaki-pakinabang ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung kapaki-pakinabang ito sa iyong sarili, sa iba, at sa sambahayan ng Diyos, kung gayon, epektibo sa harap ng Diyos at sinasang-ayunan ng Diyos ang paggampan mo. Bibigyan ka ng Diyos ng marka. Kaya, suriin mo ang mga bagay na ito: Gaano karaming mabubuting gawa ang naipon mo sa paglipas ng mga taon? Matutumbasan ba ng mabubuting gawang ito ang mga pagsalangsang mo? Pagkatapos matumbasan ang mga ito, ilang mabuting gawa na lang ang natitira? Kailangan mong bigyan ng marka ang sarili mo at magkaroon ng mahigpit na pagkaarok dito; hindi ka dapat maguluhan tungkol sa bagay na ito.

Sabihin ninyo sa Akin, kinakailangan ba ang Aking pagbabahagi tungkol sa mga usaping ito? (Oo.) Dapat Kong sabihin ang mga salitang ito sa inyo, at dapat Ko kayong bigyan ng ilang payo. Ang layunin ng pagbibigay sa inyo ng mga payo ay hindi para pawiin ang inyong kasiglahan, ni pagtawanan kayo, lalong hindi para kondenahin kayo, kundi para bigyan kayo ng isang paalala, para magbigay ng babala, upang malaman ninyo—ngayon mismo, sa kasalukuyan, sa panahong ito—kung anong sitwasyon ang kinaroroonan ninyo, kung ano ang inyong kalagayan, at kung ano ang mga posibleng panganib. Dapat malinaw sa inyong puso ang mga bagay na ito. Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, dapat na palagi at madalas na suriin ng mga tao kung ano ang kanilang kalagayan sa harap ng Diyos. Dapat nilang palagi at malinaw na malaman kung ano ang kanilang ugnayan sa Diyos, kung may mga alitan at hadlang ba na umiiral sa pagitan nila at ng Diyos, kung mayroon ba silang mga kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, kung mayroon ba silang mga hindi makatwirang hinihingi sa Diyos, at kung ano ang tingin ng Diyos sa kanilang kabuuang mga pagpapamalas. Dapat maunawaan at malaman ng mga tao ang mga bagay na ito; lubha itong kapaki-pakinabang sa kanilang buhay pagpasok. Ang layunin ng pagsasagawa sa ganitong paraan ay para matiyak na tumpak na makakikilos ang mga tao ayon sa mga layunin ng Diyos. Huwag kang tumahak sa anumang maling landas, huwag kang makontento sa iyong sarili, at huwag mong linlangin ang iyong sarili at ang iba. Ang hindi pagtahak sa anumang maling landas ay nangangahulugan ng hindi pagsunod sa sarili mong lihis na landas. Iniisip mo na ang paggampan mong ito sa pananampalataya sa Diyos ay medyo maganda, kaya patuloy kang lumalakad sa ganitong paraan. Gayumpaman, lumalabas na lumihis ka mula sa tamang landas; matagal ka nang inabandona ng Diyos, at tumigil na ang Banal na Espiritu sa paggawa sa iyo. Kinamumuhian ka ng Diyos, pero iniisip mo pa rin na mahusay ang ginagawa mo sa iyong pananampalataya: “Mayroon akong mga nakamit mula sa pananampalataya sa Diyos. Kaya ko nang magtiis ng paghihirap ngayon, hindi na ako gumagawa ng kasamaan ngayon, alam ko na kung paano umiwas sa pagdudulot ng mga paggambala, at alam ko na ngayon kung bakit ang mga nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo ay pinapaalis o ibinubukod, at kung bakit hindi sila pinapayagang gumampan ng isang tungkulin.” Hindi sapat na malaman ang mga bagay na ito. Dapat mong malaman kung paano kumilos upang masunod ang daan ng Diyos, kung paano magsagawa upang makalakad sa tamang landas, at kung paano kumilos upang matamo ang kaligtasan. Ang lahat ng ito ay napakahalaga; dapat kang regular na magsagawa ng mga pagsusuri at bumuo ng mga kongklusyon. Hanggang dito na lang ang paksang ito. Ipagpatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa paksang pinagbabahaginan natin sa panahong ito.

Ang Unang Pagsasagawa Para sa Paghahangad sa Katotohanan: Pagbitiw

Pagbitiw sa mga Hadlang sa Pagitan ng Sarili at ng Diyos at sa Pagkamapanlaban Nila sa Diyos

I. Pagbitiw sa mga Kuru-kuro at Imahinasyon Tungkol sa Diyos: Pagbitiw sa mga Kuru-kuro at Imahinasyon Tungkol sa Gawain ng Diyos

F. Hindi Binabago ng Gawain ng Diyos ang mga Likas na Kondisyon ng mga Tao; Layon Nitong Baguhin ang Kanilang mga Tiwaling Disposisyon
6. Iba’t Ibang Pagpapamalas ng mga Likas na Kondisyon, ng Pagkatao, at ng mga Tiwaling Disposisyon

Ang ating pagbabahaginan sa panahong ito ay tungkol sa isang partikular na paksa na nakapaloob sa prinsipyo ng pagsasagawa ng “pagbitiw” sa loob ng kung paano hangarin ang katotohanan—mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon. Pagkatapos pagbahaginan ito nang maraming beses, mayroon na ba kayong kaunting pagkilatis tungkol sa ilang partikular na pagpapamalas at pagbubunyag na kinasasangkutan ng tatlong aspektong ito—mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon? (Ang aking pagkilatis sa mga bagay na ito ay medyo mas mabuti na kaysa noon. Dati, madalas kong napagpapalit ang karakter at mga tiwaling disposisyon, pero sa pamamagitan ng ilang nakaraang pagbabahagi ng Diyos, medyo napag-iiba ko na ang mga ito ngayon.) Bakit kinakailangang pag-ibahin ang mga bagay na ito? (Ito ay upang malaman natin kung aling mga problema sa ating sarili ang dapat malutas at kung alin ang kailangan lang nating harapin nang tama.) Mismo. Ang pagbabahaginan nang ganoon kadetalyado ay mas nagpapalilinaw sa mga pagkakaiba ng mga likas na kondisyon, pagkatao, at mga tiwaling disposisyon, at nagkakamit ang mga tao ng mas malinaw na pag-unawa sa mga tiwaling disposisyon at mga pagpapamalas ng napakasamang karakter, na dalawang magkahiwalay na bagay. Sa partikular, nagagawang mapag-iba ng mga tao ang masamang karakter, mga tiwaling disposisyon, at mga likas na kondisyon. Hindi nila ituturing ang ilang kapintasan sa pagkatao bilang mga tiwaling disposisyon, at siyempre, hindi rin nila ituturing ang ilang pagkukulang at kapintasan sa loob ng mga likas na kondisyon bilang mga tiwaling disposisyon. Kapag mayroong ganitong pagkilatis ang mga tao, lumilinaw nang lumilinaw sa kanila ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga tiwaling disposisyon, at hindi na nila pinalalaki ang maliliit na bagay tungkol sa mga problema na hindi kinasasangkutan ng mga tiwaling disposisyon. Kasabay nito, mayroon din silang mas malinaw na pag-unawa kung ano ba talaga ang mga tiwaling disposisyon. Kaya, maaari ba ninyong ipaliwanag nang malinaw kung ano ba talaga ang mga tiwaling disposisyon? Mayroon bang anumang kaugnayan ang mga tiwaling disposisyon sa mga likas na kondisyon? Naiimpluwensiyahan ba ang mga ito ng mga likas na kondisyon? (Hindi.) Ipagpalagay na ang isang tao ay may magandang hitsura, maputing balat, at magandang proporsyon ng mga bahagi ng katawan—masasabi ba na dahil mayroon siyang magandang panlabas na anyo ay wala siyang mga tiwaling disposisyon, na ang kanyang pagkatao ay kasingperpekto at kasingdalisay ng kanyang hitsura, na hindi siya mapagmataas o buktot kahit kaunti kundi napakabanal? Masasabi ba ito? (Hindi.) Pagkatapos magbahaginan nang ganito, ang mga pagkakaiba ng tatlong aspektong ito—mga tiwaling disposisyon, mga likas na kondisyon, at pagkatao—ay malinaw na ngayon sa pangkalahatan, hindi ba? (Oo.) Madaling kilatisin ang mga ito.

Ang Pagiging Mahusay sa Pagnenegosyo

Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa pagkahilig sa pagnenegosyo. Sa aling aspekto dapat ikategorya ang pagpapamalas na ito ng pagkahilig at pagkagusto sa pagnenegosyo? (Mga likas na kondisyon.) Bakit ito itinuturing na isang likas na kondisyon? (Ito ay isang interes at isang libangan, kaya maituturing ito bilang isang likas na kondisyon.) Sa isang banda, ito ay isang interes at isang libangan; sa kabilang banda, kung ang isang tao ay mahilig sa pagnenegosyo at may talento sa pagnenegosyo—likas siyang mahusay rito nang hindi nag-aaral nang propesyonal, at nagagawa niyang maunawaan ito at alam niya kung paano kumita ng pera, magkaroon ng tubo, samantalahin ang mga oportunidad sa negosyo, at iba pa nang walang gabay mula sa iba—kung gayon, ang taong ito ay nagtataglay ng isang kalakasan sa pagnenegosyo sa kanyang mga likas na kondisyon. Kung likas na taglay ng isang tao ang kalakasang ito, tiyak na isa itong likas na kondisyon, at ang mga likas na kondisyon ay walang gaanong kinalaman sa mga impluwensiyang natatanggap pagkatapos isilang. Tingnan mo, ang ilang tao ay nagsisimulang matutong magnegosyo sa edad na 15 o 16 habang nag-aaral pa. Sa tuwing mayroon silang magandang bagay, nag-iisip sila ng mga paraan para ibenta ito. Ibinebenta pa nga nila ang mga regalo ng kanilang mga magulang para sa kaarawan nila. Hindi nila ginagastos ang sarili nilang baon, at sa halip ay iniipon ang lahat ng ito para magnegosyo. Pagsapit nila sa edad na 18 o 19, kaya na nilang magpatakbo ng maliliit na negosyo. Katamtaman lang ang kanilang mga marka sa paaralan, pero mayroon silang talento para sa pagnenegosyo, mabilis sila sa mga kalkulasyon, at mayroon silang partikular na husay sa negosyo—ito ay isang kalakasan. Ang pagkahilig sa pagnenegosyo ay nabibilang sa mga kategorya ng mga kalakasan o ng mga interes at libangan sa loob ng mga likas na kondisyon. Ano’t anuman, isa itong aspekto ng mga likas na kondisyon, at dito ikinaklasipika ang pagpapamalas ng pagkahilig sa pagnenegosyo. Kung minsan, ang ilang tao ay wala namang libangan o kalakasan na nauugnay sa negosyo. Pangunahin silang umaasa sa pandaraya at panloloko sa mga tao kapag nagnenegosyo sila. Hindi sila kumikita ng pera sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap at pagpupursigi o sa pamamagitan ng paggamit ng mga lehitimong pamamaraan at metodo sa negosyo, kundi sa halip ay gumagamit sila ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya at ng pagsasamantala sa mga butas sa batas para makamit ang kanilang layon na magkaroon ng tubo at kumita ng pera. Anong uri ng problema ito? Palagiang nagnenegosyo ang gayong mga tao sa ganitong paraan—nasasangkot ba rito ang diwa ng kanilang pagkatao? (Oo.) Mabuti ba o masama ang gayong pagkatao? (Masama ito.) Paano ito naging masama? Pagdating sa pagkatao ng gayong mga tao, sa pangkalahatan, mayroon silang masamang karakter. Ang layon ng mga tao sa pagnenegosyo ay palaging ang kumita ng pera. Kung kumikita ka ng pera sa pamamagitan ng mga lehitimong pamamaraan ng pagnenegosyo, ito ay isang abilidad na mayroon ka, at isa itong pakinabang na dulot ng kalakasang ibinigay sa iyo ng Diyos. Pero kung hindi nakapagtatamo ng pera at tubo ang isang tao sa pamamagitan ng mga lehitimong pamamaraan ng pagnenegosyo, kundi sa pamamagitan ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, kung gayon, ang gayong mga tao ay walang integridad at may mababang karakter. Mayroon bang konsensiya ang gayong mga tao? (Wala.) Sa kolokyal na pananalita, ganap na bulok ang kanilang konsensiya—wala silang konsensiya. Bakit natin sinasabing wala silang konsensiya? (Sa pangkalahatan, ang mga taong may konsensiya ay nakararamdam ng pag-aakusa mula rito pagkatapos nilang mandaya at manloko ng ibang tao, at hindi na nila ginagawa ang mga bagay na iyon. Gayumpaman, ang mga taong walang konsensiya ay nag-aalala lang na magkaroon ng tubo. Ang kanilang konsensiya ay walang anumang kamalayan, kaya patuloy lang sila sa paggawa ng mga bagay na iyon.) Hindi gumagana ang kanilang konsensiya; masasabi rin na wala silang konsensiya. Kung mayroon silang konsensiya, gagana ang kanilang konsensiya, at pagkatapos manloko ng isang tao nang isang beses, makararamdam sila ng panunumbat sa sarili mula sa kanilang konsensiya. Kahit na kumita sila, makararamdam sila ng matinding pagkabalisa sa loob-loob nila. Kapag ginastos nila ang pera, mamumula ang kanilang mukha, at makararamdam sila ng pagkabagabag sa loob-loob nila, nararamdaman na ang ginawa nila ay marumi at mababang-uri. Kaya, mula noon, hindi na sila manloloko ng sinuman muli; gaano man kalaki ang posibleng tubo, hinding-hindi nila ito gagawin—ito ang paggana ng konsensiya. Pero iyong mahuhusay sa pandaraya, panlilinlang, at panloloko sa iba ay gagawin ito sa tuwing gusto nila. Pagkatapos nilang magtagumpay, hindi nababagabag ang kanilang puso kapag ginagastos nila ang pera. Sa sandaling makuha nila ang pera, iniisip nila na sila ay matalino at magaling, at nakararamdam sila ng kagalakan at malaking pagmamalaki sa tagumpay ng kanilang mga estratehiya sa panloloko. Nagbebenta sila ng mga kalakal na kulang sa timbang, nagbebenta sila ng pekeng gamot, pekeng ginseng, karneng tinurukan ng tubig—ang lahat ng ibinebenta nila ay may halo at mapanlinlang. Ang bawat negosyong pinapasok nila ay kinasasangkutan ng mga taktika at patibong sa panloloko, at ang lahat ng perang kinikita nila ay nakukuha sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na pamamaraan. Anuman ang negosyong pinapasok nila, hindi nila ito kailanman isinasagawa sa paraang sumusunod sa panuntunan sa pamamagitan ng paniningil ng tamang presyo. Tingnan mo, partikular na niloloko ng ilang tao ang mga regular na parokyano kapag nagnenegosyo. Halimbawa, kung madalas kang bumili sa kanila at alam nilang may pera ka, sisingilin ka nila ng 100 yuan para sa isang bagay na ibinebenta nila sa iba nang 10 yuan. Sasabihin pa nga nila, “Hindi ko ito ibinebenta sa iba—itinatabi ko ito para lang sa iyo. Nakikita mo ba kung gaano katibay ang ating ugnayan? Sulit para sa iyo, hindi ba?” Nanloloko sila ng mga tao at ipinaparamdam pa nga sa mga ito na dapat maging mapagpasalamat ang mga ito—napakagagaling nilang manloloko! Ang mga tao na walang anumang pagkaramdam ng pag-aakusa sa sarili sa kanilang konsensiya ay hindi nakararamdam ng panunumbat ng konsensiya o kamalayan sa kanilang konsensiya anuman ang gawin nila, kaya masasabing ang gayong mga tao ay walang konsensiya. Anuman ang lagay ng kanilang katwiran, kung huhusgahan lang batay sa kanilang konsensiya, ang mga taong ito ay walang pagkatao at may mababang karakter. Hanggang saan ang pagiging mababa nito? Wala silang konsensiya at walang pagkatao. Ibig sabihin, wala silang kamalayan, paggana, at mga pagpipigil ng konsensiya na mayroon ang mga normal na tao. Kung wala ang mga pagpipigil na ito, kaya nilang gawin ang anumang bagay. Sa pagnenegosyo, kaya nilang gumawa ng pandaraya at panloloko; sa anumang operasyon ng negosyo, kaya nilang manipulahin ang mga bagay-bagay at labagin ang mga panuntunan. Kaya nilang gumawa ng anumang imoral na kilos. Kahit kapag nagtatayo sila ng mga bahay, gumagamit sila ng mga mahinang klase ng materyales. Tingnan mo—ano ang sanhi niyong mga nakatagilid na gusali at mga pagguho ng gusali sa kalakhang Tsina? Ito ay dahil, para kumita ng labis-labis na tubo, gumamit ang mga tagapagtayo ng mga hindi pasok sa pamantayang proporsyon ng halo ng semento at pamamaraan sa paggamit ng steel rebar, na nakaapekto na sa kondisyon ng mga gusali. Bilang resulta, hindi pa nagtatagal pagkatapos manirahan ng mga tao roon, gumuguho na ang ilang gusali. Kung magkakaroon ng magnitud lima o anim na lindol, guguho ang karamihan sa mga gusali, at hindi lubos maisip ang mga kahihinatnan. Ang mga walang-pusong kontratistang iyon ay walang konsensiya kahit kaunti—pagkakita na may mga taong namatay, agad nilang hinahanap ang kanilang mga tagasuporta para gumawa ng mga pangontrang hakbang upang harapin ang sitwasyon. Kung sapat ang lakas ng kanilang mga tagasuporta at mayroon silang mga pangontrang hakbang, matagumpay na mapagtatakpan ang usapin. Ang iilang pagkamatay na iyon ay binabalewala sa pamamagitan ng ilang tulong sa pagpapalibing, at walang sinuman ang makapagpapanagot sa kanila kahit paano. Ang kanilang konsensiya ay walang kamalayan; lalo na kung may iilang pagkamatay—kahit pa dose-dosena, daan-daan, o sampu-sampung libong tao ang mamatay, wala lang ito sa kanila. Sa kanilang paningin, ang buhay ng mga tao ay walang pinagkaiba sa buhay ng mga langgam—walang kabuluhan ang mga ito. Sabihin mo sa Akin, mayroon bang konsensiya ang gayong mga tao? Ang mga tao na walang konsensiya ay masasabing walang pagkatao. Kaya, ang kanilang mga kilos ba ng pandaraya at panloloko sa iba habang nagnenegosyo ay mga pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon? (Oo.) May mga partikular na tiwaling disposisyon sa loob nito. Anong mga tiwaling disposisyon? (Pagiging malupit at pagiging mapanlinlang.) Ang kanilang mga karakteristiko at representatibong tiwaling disposisyon ay panlilinlang at kabuktutan. Iyong mga kayang gumawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya ay partikular na mapanlinlang. Minsan, ang mga pamamaraang ginagamit nila para manloko at mandaya ng mga tao ay iyong mga hindi mo kailanman inaasahan, at maaari ka pa ngang makaramdam ng labis na kaligayahan habang niloloko ka nila, inaakala na tinatrato ka nila nang napakabuti. Pagkalipas lang ng mahabang panahon ka magigising at bigla mong mapagtatanto na nalinlang ka. At kapag hinanap mo sila, naglaho na sila nang walang bakas. Napakasopistikado ng kanilang mga pamamaraan ng panloloko sa mga tao! Noong dekada 80 at 90, medyo maunlad ang industriya at komersyo sa Guangdong, Tsina. Ang ilang medyo makabagong gamit sa bahay ay hindi pa nakararating sa mga panloob na rehiyon, kaya ang ilang tao mula sa mga panloob na rehiyon ay naglakbay patungong Guangdong para bilhin ang mga ito upang sumabay sa uso. Nang mapagtanto ng mga mangangalakal na ang mga parokyanong ito ay mula sa mga panloob na rehiyon, nagsimula silang mag-isip kung paanong ito na ang kanilang pagkakataon para magsagawa ng isang panloloko. Bumili ang mga taong mula sa mga panloob na rehiyon ng mga tape recorder, telebisyon, at iba pang kagamitan. Pagkatapos magbayad, sinabi pa nga sa kanila ng mga nagbebenta kung gaano katagal ang warranty at sinabing kung may anumang isyu sa mga kagamitan, maaari silang bumalik para magpapalit, na nagparamdam sa mga parokyano na medyo maganda ang serbisyo pagkatapos makabenta. Nang paalis na sila, sinabi ng mga nagbebenta na kailangan nilang balutin ang mga kagamitan, at pagkatapos ay dinala nila ang mga ito sa likod para balutin. Pero, nang makauwi ang mga parokyano at buksan ang balot, wala silang nakita kundi mga laryo at bato sa loob sa halip na mga kagamitan—saka lang nila napagtanto na pinalitan ng mga mangangalakal ang binili nila, at na naloko sila. Ang paglalakbay pabalik para hanapin ang mga manloloko ay magiging napakahaba, at malaki rin ang magagastos nila sa paglalakbay, kaya ang magagawa na lang nila ay tanggapin ang kawalan at matuto ng aral mula sa karanasan—kapag bumili ka ng isang bagay, dapat mong iabot ang bayad gamit ang isang kamay at kunin ang mga kalakal gamit ang kabila, at dapat na personal na suriin ang lahat para makatiyak na nakukuha mo ang binayaran mo. Madalas mangyari ang ganitong uri ng bagay sa mga tao na madalas bumiyahe para sa negosyo. Ngayon, ang gayong mga insidente ay hindi na lang mga paminsan-minsang pangyayari sa iisang lungsod kundi naging karaniwan na. Dumarami ang mga insidente ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, at parami nang paraming mga tao na nagnenegosyo ang nanloloko. Bakit hindi ganoon karami nito noon? Ito ay dahil lang, noon, hindi pa natutuklasan ng ilang tao ang mga taktikang ito sa panloloko. Noong sandaling sumikat na ang mga taktikang ito sa panloloko sa lipunan, nagsimula nang sunod-sunod na gumaya at sumunod ang mga mangangalakal, at nagsimula silang lahat na gawin ito. Nagsimula silang lahat na gawin ito—maaari bang mangahulugan iyon na naging tiwali ang kanilang konsensiya kalaunan? Hindi, ang mga taong ito ay likas na walang gaanong konsensiya. Sadya lamang na dati, dahil sa antas ng kanilang karanasan o kaalaman, hindi pa nila naiisip kung paano manloko at mandaya ng iba nang ganito. Kalaunan, dahil sa pagiging tiwali ng lagay ng lipunan, unti-unti silang naging mas malupit at walang awa sa paggawa ng gayong mga bagay, at ang kalikasan ng kanilang mga kilos ay sumama nang sumama.

Ang mga taong tulad nito ay gumagamit ng mga pamamaraan ng pandaraya at panloloko habang nagnenegosyo, kaya mandadaya at manloloko rin ba sila ng mga tao habang gumagawa sila ng ibang mga bagay? (Oo.) Ang kanilang mga pamamaraan at metodo ng pagnenegosyo at ang kanilang saloobin sa mga bagay tulad ng pandaraya at panloloko ay kumakatawan sa kanilang pagkatao. Mayroon silang ganitong uri ng pagkatao, kaya anuman ang gawin nila—kahit pa hindi ito pandaraya at panloloko sa iba—hindi ito magiging mas mabuti kaysa roon. Dahil ang ganitong uri ng pagkatao ang batayan ng paggawa nila ng mga bagay na ito, anuman ang gawin nila, ang kalikasan nito ay halos pareho lang—sadyang wala silang kamalayan ng konsensiya. Kapag naging mga opisyal ang mga taong ito, ang kanilang mga pamamaraan ng pagsasalita at pagkilos ay pareho lang sa pamamaraan nila kapag nagnenegosyo sila—hindi gumagana ang kanilang konsensiya, nandadaya at nanloloko sila, pumipinsala at pumapatay sila ng mga tao, at lumalabag sila sa batas; kaya nilang gawin ang anumang bagay na sumasalungat sa pagkatao, moralidad, at moral na hustisya. Ganito sila umasal sa negosyo pati na rin sa politika. Kung makikibahagi sila sa siyentipikong pananaliksik, maaari bang magbago ang kanilang pagkatao dahil iba ang larangang kinabibilangan nila? Hindi. Sabihin mo sa Akin, mayroon bang kalamangan ang gayong mga tao pagdating sa paggampan ng mga pangkalahatang gawain sa iglesia? Sinasabi ng ilang tao, “Si ganito-at-ganyan ay naging isang malaking boss o isang CEO sa sekular na mundo noon. Ang kanyang mga pamamaraan ng pagnenegosyo ay napakatalino, pero medyo hindi lang disente—minsan ay nandadaya at nanloloko siya ng mga tao. Hindi ko alam kung ang pag-aangat sa ganitong uri ng tao para gumawa ng mga pangkalahatang gawain sa iglesia ay angkop ba o hindi.” Sabihin mo sa Akin, mabuting tao ba ang ganitong uri ng tao? Siya ba ay isang indibidwal na tunay na may talento? (Hindi.) Palaging itinuturing ng ilang tao ang mga indibidwal na ito bilang mga taong may talento, at inirerekomenda ang lahat ng taong ito na may kaunting prestihiyo sa lipunan, sinasabing si ganito-at-ganyan ay isang CEO o isang nakatataas na ehekutibo, na ang isa pang indibidwal ay isa sa nangungunang sampung natatanging kabataan sa lipunan o isang huwarang manggagawa, at na ang iba ay may mga master’s o doctoral degree, o nagtrabaho bilang mga abogado o mamamahayag, o bilang mga lingkod-bayan o opisyal. Ang totoo, ang mga taong nagrerekomenda sa mga indibidwal na ito ay walang espirituwal na pang-unawa at hindi nakakaunawa sa katotohanan. Pakiramdam lang nila na ang iba’t ibang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos ay kailangang akuin ng mga taong ito na may talento at mga piling tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay sa lipunan, kaya inirerekomenda nila ang mga taong ito na akuin ang papel ng mga superbisor para sa mga aytem na ito ng gawain. Pagkatapos maging mga superbisor ng mga taong ito, hindi lang sa nabigo silang pangasiwaan nang maayos ang gawain, kundi ginulo rin nila ito nang husto, na nagresulta sa paglitaw ng kaguluhan saanman sa gawain ng iglesia—ito ay talagang walang katuturan! Ang tanging nagawa ng mga taong ito ay ang mangahas na kumilos nang may hindi makatwirang kapusukan, mag-amok sa paggawa ng masasamang gawa, maging walang pakundangan at mapangahas, at walang-kahihiyang isagawa ang ilang gawain—bukod doon, walang kahit isang aytem ng gawain na tunay nilang nagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang pinakamalaking katangian ng mga taong ito ay na hindi nila kailanman hinahanap ang katotohanan sa anumang ginagawa nila at wala silang may-takot-sa-Diyos na puso. Bakit nagagawa nilang maging mga superbisor? Ang isang dahilan ay na naniniwala silang sila ay mga piling tao, mga indibidwal na may talento, at mga haligi mula sa lahat ng antas ng pamumuhay sa lipunan, kaya iniisip nila na dapat silang umako ng mga pangunahing posisyon, umako ng malalaking responsabilidad, at gumanap ng mahahalagang papel pagkatapos nilang pumasok sa sambahayan ng Diyos, na dapat silang magkaroon ng prestihiyo at bigyan ng paggalang, at na hindi makakaya ng sambahayan ng Diyos nang wala sila. Kaya, ginagawa nilang sentro ng atensiyon ang kanilang sarili, sinusubukang maging mga superbisor at umako ng gawain. Ang isa pang dahilan ay na binibigyan din sila ng mga pagkakataon ng sambahayan ng Diyos. Dahil handa silang gawin ang gawain, pinapayagan silang subukan ito—may kakayahan man sila o wala, kailangan silang subukin. Pero ang mga taong ito ay walang anumang tunay na talento o tunay na kaalaman. Huwag nang isipin kung nauunawaan ba nila ang katotohanan at kung kaya ba nilang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo—sa usapin lang ng sarili nilang kakayahan, mga talento, kabatiran, ng kanilang abilidad na makaarok sa iba’t ibang usapin, ng kanilang abilidad na tingnan ang mga bagay-bagay, at ng kanilang abilidad na mangasiwa ng mga usapin, karamihan sa kanila ay walang tunay na talento o tunay na kaalaman. Wala silang tunay na talento o tunay na kaalaman, kaya bakit sabik na sabik at maagap pa rin sila sa pag-ako ng malalaking responsabilidad at pagpasan ng gawain? Ito ay dahil gumagana ang kanilang ambisyon at banidad, at bukod pa rito, sila ay walang-hiya—hindi nila alam ang sarili nilang tunay na kakayahan pero palagi nilang gustong magpakitang-gilas. Bilang resulta, nabibigo silang gawin nang maayos ang gawain at napagmumukha lang nilang hangal ang kanilang sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil pagkatapos akuin ng mga taong ito ang mga papel na ito, ang bawat bahagi ng gawaing ginawa nila ay magulo at walang kaayusan. Para ilarawan ito sa isang salita, ito ay “kaguluhan.” Wala silang mga prinsipyo sa paggamit ng mga tao, walang mga prinsipyo sa pangangasiwa ng mga usapin, ginastos nila ang mga handog nang hindi makatwiran, at hindi nila sinubaybayan o pinangasiwaan ang iba’t ibang aytem ng gawain nang maagap. Kahit ang pinakapangunahing mga pangkalahatang gawain ay hindi makaya ng karamihan sa kanila; iniwan nila ang lahat ng bagay nang ganap na gulo-gulo. Pagsasaka, pag-aalaga ng mga manok, pag-aalaga ng mga tupa—wala ni isa sa kanila ang may kakayahan para sa gayong mga gampanin. Hindi malinaw sa kanila kung ano ang itatanim sa aling panahon, kung kailan aararuhin, lalagyan ng pataba, at tatanggalan ng damo ang lupa, o kung kailan mag-aani. Isinadlak nila ang lahat ng kanilang gawain sa kaguluhan. Kung, sa simula, hindi ginamit ng sambahayan ng Diyos ang mga taong ito, iisipin nilang hindi sila binibigyan ng mga pagkakataon ng sambahayan ng Diyos at na minamaliit sila nito. Kaya binigyan sila ng mga pagkakataon—at ano ang naging resulta ng paggamit sa kanila? Iniwan nila ang kanilang gawain sa ganap na kaguluhan, at sa huli ay kinailangan pa ring ayusin ng sambahayan ng Diyos ang kanilang kalat. Ang bawat aytem ng gawain na ginawa nila ay nangailangan na magbigay ng tagubilin at pagsusuri ang Itaas—kahit para sa maliliit na usapin tulad ng pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas, kinailangan na magbigay ng tagubilin ang Itaas. Sa huli, ang gawain ay maituturing lang na nasa tamang landas na ngayon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Itaas ng mahigpit na pangangasiwa, pagpaplano, at koordinasyon, nagtatagubilin at nagdidirekta sa lahat ng bagay mula sa simula nang paunti-unti. Nang hindi na binabanggit ang iba pang bagay—sa pag-uusap lang tungkol sa mga isyu sa mga sakahan, kahit papaano ay kailangang may mga angkop na tao para mamahala sa kalinisan. Ang karamihan sa mga tao ay parang maiilap na hayop, nagtatapon ng basura kung saan-saan, nagsasalita nang hindi isinasaalang-alang ang epekto sa kapaligiran, sumisigaw at humihiyaw—sadyang kaparehong-kapareho sila ng mga walang pananampalataya. Wala ni isa sa mga tinatawag na taong ito na may talento, nang maharap sa mga partikular na pangkalahatang gawaing ito, ang sistematikong nakapamahala nang maayos sa mga bagay-bagay. Hindi man lang nila mapangasiwaan nang maayos ang maliliit na usapin tulad ng pamamahala sa kalinisan at sa kapaligiran. Ang mga panlabas na usaping ito ay hindi kinasasangkutan ng katotohanan, at sinumang may kaunting kakayahan at kaunting konsensiya ay dapat na kayang pangasiwaan ang mga ito nang maayos—kung hindi man lang mapangasiwaan nang maayos ng isang tao ang mga panlabas na usaping ito, sadyang wala siyang silbi. Gusto ng mga taong iyon na maging mga opisyal at magmando sa kabila ng katunayan na wala silang konsensiya at katwiran, o kakayahan at talento. Nang hindi sila payagang maging mga opisyal, naging mapanghamon sila at nakipagtalo, at hindi sumuko kaninuman. Hindi ba’t sila ay mga diyablo? Pagkatapos ilantad at itiwalag ng sambahayan ng Diyos ang mga diyablong ito, pinili ang mga angkop na tao para mamahala sa sakahan. Salamat sa gabay at pagpaplano ng Itaas, ang sakahan ay naitayo na ngayon nang napakaayos, at gusto ito ng lahat. Labis din itong hinahangaan at lubos na sinasang-ayunan ng mga lokal. Sinabi ng ilan sa kanila, “Hindi pa ako kailanman nakakita ng isang sakahan na pinamahalaan para maging napakalinis at napakaganda. Hindi namin ito kayang baguhin sa ganitong antas kahit sa loob ng sampung taon. Paano ninyo ito napamahalaan nang ganito kaayos, nang ganito kabilis? Ilang taon ang inabot ninyo para baguhin ito at maging ganito?” Ang totoo, ang gayon kalaking pagbabago ay inabot lang ng isang taon, ang isang tiwangwang na lupa ay ginawang isang parke, isang hardin sa paningin ng mga kapatid. Sinabi pa nga ng ilan na ang lugar na ito ay mukhang isang fairyland, tulad ng isang painting. Ang wastong pagpaplano at pagtatayo ay tunay na malaki ang nagagawa. Ang lugar na ito ay orihinal na nababalot ng dumi at putik, at may basura at kalat kahit saan. Kalaunan, sa pamamagitan ng paglilinis at regulasyon, unti-unti itong bumuti. Sa paglipas ng panahon, nasanay na ang lahat sa ganitong uri ng kapaligiran sa pamumuhay, hanggang sa punto na kung magiging medyo marumi o magulo ito, hindi man lang sanay ang ilang tao rito. Tingnan mo, sa pamamagitan ng ganitong uri ng pamamahala, nakikinabang ang karamihan sa mga tao at nagkakaroon sila ng mabubuting gawi sa pamumuhay. Sa ilalim lang ng personal na tagubilin ng Itaas makakamit ang ganitong uri ng pagtatayo. Sa kabaligtaran, ang totoo ay wala ni isa sa mga tinatawag na taong ito na may talento ang kayang gumawa ng anumang tunay na bagay. Hindi man lang nila mapamahalaan nang maayos ang simpleng gawain ng paglilinis. Hindi nila alam kung paano ayusin ang isang silid sa paraang mukhang angkop, at hindi nila makilatis kung anong uri ng tao ang angkop na gumawa ng kung anong tungkulin. Anong uri ng gawain ang kayang pasanin ng mga taong ito? Hindi nila kayang gumawa ng anumang gawain. Hindi man lang nila mapamahalaan ang sarili nilang kapaligiran sa pamumuhay—paano sila maituturing na mga taong may talento? Wala man lang kaunting katalinuhan ang mga taong ito, hindi sila makapagsalita nang malinaw, hindi tumpak ang pagtingin nila sa mga bagay-bagay, at wala silang sarili nilang paghusga. Ipinapakita nito na sila ay “mga taong may talento” na nasa loob ng mga panipi, hindi mga tao na may tunay na talento at tunay na kaalaman. Ang mga taong may talento ay dapat munang magtaglay ng ilang katangian sa kanilang pagkatao, tulad ng abilidad na pahalagahan ang mga bagay-bagay, abilidad na suriin at pahalagahan ang mga bagay-bagay, at kabatiran. Kung hindi nila taglay ang mga katangiang ito, pinapahiya lang nila ang kanilang sarili kapag nangangasiwa ng mga partikular na usapin, at hindi man lang nila mapamahalaan at maplano ang ni isang hardin o isa o dalawang ektarya ng lupa—ni magamit ito nang epektibo—kung gayon ay walang anumang talento ang gayong mga tao. Hindi hinihingi sa iyo na pamahalaan ang buong mundo, binibigyan ka lang ng isa o dalawang ektarya ng lupa para pamahalaan nang maayos, ibig sabihin, para ayusin upang maging maganda at malinis ang mga ito, at magawa itong isang eleganteng kapaligiran—napakaganda para sa mga tao na manirahan doon, kahit ang mga ibon ay hindi gugustuhing umalis sa sandaling dumating ang mga ito. Ang mga tinatawag na taong ito na may talento ay walang-wala talaga. Hindi nila kayang gawin ang anumang kongkretong gawain. Wala talaga silang talento kahit kaunti—nagkukulang sila ng mga bagay sa kanilang pagkatao. Hindi nila kayang gawin nang maayos ang anumang bagay, gayunman ay gusto pa rin nilang magpakitang-gilas at maging mga lider at manggagawa, at gusto pa rin nilang umako ng mga pangunahing posisyon at maging mga superbisor. Anong uri ng disposisyon ito? Ito ay isang mapagmataas na disposisyon.

Bumalik tayo sa paksa ng pagkahilig sa pandaraya at panloloko ng mga tao sa pagnenegosyo. Anong uri ng isyu ang pandaraya at panloloko ng mga tao? Ang isang aspekto ng isyu ay na ang pagkatao ng gayong mga tao ay masama; wala silang konsensiya o katwiran. Kung gayon, kung huhusgahan batay sa kanilang pag-uugali, anong mga tiwaling disposisyon ang ibinubunyag nila? Una sa lahat, ang disposisyon ng gayong mga tao ay mapanlinlang at buktot; ikalawa, tutol sila sa katotohanan at matigas ang kalooban nila. Kapag nandadaya sila ng iba, ang kawalang-habag na ipinapakita nila ay pagiging malupit—mayaman man o mahirap ang puntirya nila, may pera man o wala ang puntirya nila, niloloko nila ang mga ito nang pare-pareho, hindi nagpapakita ng awa. Ang mga tiwaling disposisyon ng gayong mga tao ay napakalubha sa bawat aspekto. Sabihin mo sa Akin, madali ba para sa gayong mga tao na matamo ang kaligtasan? (Hindi.) Kung huhusgahan batay sa kanilang mga tiwaling disposisyon, hindi madali para sa kanila na matamo ang kaligtasan. Kung gayon, sa usapin ng kanilang pagkatao, anong aspekto ang nagpapahirap sa kanila na matamo ang kaligtasan? Mayroon bang ugat na sanhi? (Wala silang konsensiya.) Tama iyan, hindi madali para sa mga tao na walang konsensiya na matamo ang kaligtasan. Ang pakultad ng konsensiya ay wala na sa kanila, hindi na ito umiiral. Kung hindi gumagana ang konsensiya, hindi nagtataglay ang isang tao ng pundamental na kondisyon para tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan. Kaya, napakahirap para sa kanya na matamo ang kaligtasan; masasabi rin na hindi siya makapagtatamo ng kaligtasan. Posible rin na ang ganitong uri ng tao ay handang magtrabaho at magagawa ito hanggang sa isang partikular na antas, at sa huli, dahil ang kanyang pagtatrabaho ay pasok sa pamantayan at nakatutugon sa mga hinihingi ng Diyos, magiging tapat na trabahador siya at makaliligtas. Biyaya rin ito ng Diyos. Bagama’t ang mga tapat na trabahador ay makakapanatiling buhay, hindi iyon nangangahulugan na natamo na nila ang kaligtasan. Ang manatiling buhay at ang matamo ang kaligtasan ay dalawang magkaibang konsepto. Mayroong agwat at pagkakaiba sa pagitan ng mga ito. Ang mga prinsipyo, hangganan, direksyon, at layon ng mga kilos ng isang tao ay, sa malaking antas, nauugnay sa kung mabuti ba o masama ang kanyang pagkatao. Kung ang isang tao ay nagmamahal sa mga positibong bagay o may kaunting pagpapahalaga sa katarungan, ipinapakita nito na ang kanyang konsensiya ay may kamalayan—ipinapakita nito na ang taong ito ay may kaunting konsensiya. Sa kanilang sariling asal, ang ilang tao ay walang pagpapahalaga sa katarungan, at hindi rin sila gumagawa ng anumang positibong pagpili. Gustong-gusto lang nilang gumawa ng mga buktot na bagay at labis silang nasusuklam sa mga positibong bagay. Lalo na kapag may nagsasalita nang kaunti tungkol sa mga positibong paraan ng pagkilos, tungkol sa kung paanong ang isang tao, sa kanyang sariling asal, ay dapat na may pagkatao, konsensiya, at mga hangganan ng moralidad at sumunod sa mga panuntunan, tinitingnan nila ito bilang pagiging mapangaral. Ang pagtawag dito na “pagiging mapangaral” ay ang magandang paraan ng paglalarawan dito; ang totoo, hinahamak at nililibak ka nila. Naniniwala sila na ang pag-asal sa ganitong paraan ay isang kabiguan: “Tingnan mo kung gaano kakaawa-awa ang buhay mo. Hindi mo alam kung paano gumawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, ni alam kung paano magkamit ng mga kalamangan sa pamamagitan ng katusuhan. Sa iyong asal, palagi kang sumusunod masyado sa panuntunan, masyadong dungo. Sa panahon ngayon, ang matatapang ay nagpapakasasa habang ang mga dungo ay nagugutom. Kung dungo ka, hindi ka magtatagumpay!” Naniniwala sila na sa pag-asal nang may konsensiya at mga prinsipyo ay nagiging dungo ka lang, at na sa pangangahas na gumawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya ay nagiging matapang sila. Pero dahil ba talaga ito sa matapang sila? Ang ilang tao na nananampalataya sa Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon ay hindi natatakot na dumanas ng pag-uusig at maaresto at nagpupursigi pa rin sa pananampalataya sa Diyos. May anumang kinalaman ba ito sa pagiging matapang o dungo? (Wala.) May kaugnayan ito sa kanilang paghahangad—sa kanilang pagkatao, mayroon silang pangangailangan at pag-aasam para sa pananampalataya sa Diyos. Hindi ito usapin ng pagiging matapang o dungo. Ang ilang tao ay gumagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya kapag nagnenegosyo. Sa maraming pagkakataon, nahaharap sila sa pagtugis at pag-aresto, sa pagkumpiska ng kanilang mga ari-arian, o sa panganib ng pagkabangkarote at pagsasara, pero patuloy pa rin sila sa panloloko ng mga tao. Kahit pa hahantong ang kanilang panloloko sa pagkawala ng buhay, wala silang pakialam. Ang ilang tao, kapag nagnenegosyo, ay nanloloko ng iba sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang pekeng kompanya—ang totoo, ang kompanyang ito ay hindi talaga umiiral at wala itong tunay na negosyo, at hindi rin ito gumagawa ng anumang mga produkto. Umaasa lang sila sa kanilang matatamis na dila para manloko ng mga tao na umorder kahit saan. Sa sandaling magbayad sa kanila ng deposito ang ibang tao, agad silang tumatakas, nang hindi nag-iiwan ng bakas. Niloloko nila ang mga tao nang ganito, sa sunod-sunod na transaksiyon, at pagkatapos nilang makuha ang lahat ng pera, ang buong pamilya nila ay namumuhay sa karangyaan, nagpapakasasa sa pinakamasasarap na pagkain at inumin. Hanggang sa anong antas nanloloko ang ilang tao? Niloloko pa nga nila ang mga institusyon at ahensiyang may matataas na antas. Minsan, nasa alanganing sitwasyon na sila, at posible na may isang tao na makahalata sa kanilang mga panlalansi at maglantad sa kanila. Ang totoo ay alam nila sa kanilang puso na ilalagay sila sa panganib ng kanilang mga kilos, pero wala silang pakialam. Kung susuwertuhin sila at malulusutan nila ito, patuloy silang manloloko ng mga tao sa susunod na pagkakataon. Hangga’t kumikita sila ng pera sa pamamagitan ng kanilang mga panloloko, iniisip nilang nanalo sila, na “nakamit nila ang kasikatan at tagumpay.” Pero kung hihilingin mo sa kanila na manampalataya sa Diyos, hindi sila mangangahas. Sinasabi nila, “Ang pananampalataya sa Diyos ay magiging dahilan para mahatulan at maaresto ako ng gobyerno. Hindi ako nangangahas na manampalataya!” Gayunman, pagdating sa paggawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, hindi sila natatakot na maaresto. Kung pupunta ka sa mga pagtitipon, sinasabi pa nga nila, “Napakamapangahas mo talaga. Ang estado ay baliw na nang-aaresto at nang-uusig ng mga mananampalataya ngayon; paanong nagagawa mo pa ring mangahas na pumunta sa mga pagtitipon?” Sinasabi mo, “Kaming mga nananampalataya sa Diyos at tumatahak sa tamang landas ay hindi natatakot na maaresto. Napakamapanganib para sa inyo na magpatakbo ng mga pekeng kompanya at magsagawa ng mga panloloko—bakit hindi ka natatakot?” Sinasabi nila, “Kaming mga negosyante ay hindi natatakot na sumuong sa panganib. Pero napakamapangahas mo na maglakas-loob pa ring dumalo sa mga pagtitipon ngayong labis na sinusubukan ng gobyerno na arestuhin ang mga mananampalataya!” Kapag nakikita nilang inaaresto ang mga mananampalataya sa Diyos, hindi sila nangangahas na manampalataya, pero hindi sila natatakot na maaresto dahil sa pagsasagawa ng mga panloloko habang nagnenegosyo. Anong uri sila ng mga hamak na tao? Hindi ba’t ipinapakita nito ang pagkakaiba sa pagkatao ng mga tao? Mayroon mismong ganitong pagkakaiba sa pagitan ng mga tao. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay pare-pareho—lahat sila ay may parehong mga tiwaling disposisyon—pero kung huhusgahan batay sa mga pagkakaiba sa kanilang pagkatao, ang ilang tao ay hindi kailanman magagawang manampalataya sa Diyos; hindi sila kailanman maaaring maging mga miyembro ng sambahayan ng Diyos. Kahit pa manampalataya sa Diyos ang gayong mga tao, hindi sila kailanman makapagtatamo ng kaligtasan. Mula sa anong aspekto ito makikita? Makikita ito mula sa kanilang pagkatao. Sinusuportahan ng ilang tao ang kanilang mga misis sa pananampalataya sa Diyos, pero kapag hinihimok sila ng kanilang mga misis na manampalataya, sinasabi nilang masyado itong mapanganib at hindi sila nangangahas. Gayunman, sa pagnenegosyo, gumagawa sila ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, at wala silang pakialam kahit gaano kalaking panganib ang kanilang harapin. Kaya nilang labagin ang anumang batas at nangangahas silang gumamit ng anumang taktika. Kahit gaano kahigpit ang pagmamanman ng gobyerno o anong mga paghatol at sentensiya ang ibinibigay sa ilalim ng batas, wala silang pakialam. Wala silang mga hangganan sa kung paano sila umaasal, wala silang pakialam sa mga kahihinatnan kapag kumikilos sila, at iniisip nilang ayos lang ang lahat hangga’t may tubong kikitain. Kung mananampalataya sa Diyos ang gayong tao, hindi siya makapagkakamit ng katotohanan, at hindi siya makapagtatamo ng kaligtasan—ito ay dahil hindi niya minamahal ang katotohanan, kundi pera lang. Hangga’t nagnenegosyo siya, mandadaya at manloloko siya ng iba, at mamanipulahin niya ang mga bagay-bagay—naipapamalas ang kanyang maitim na budhi. Ganap na katapusan na ng isang tao na may ganitong uri ng karakter; hindi inililigtas ng Diyos ang ganitong uri ng tao. Sinasabi ng ilang tao, “Paano kung ang ganitong uri ng tao ay kumita ng maraming pera at ihandog ito sa sambahayan ng Diyos?” Hindi tinatanggap ng sambahayan ng Diyos ang gayong pera; hindi tinatanggap ng sambahayan ng Diyos ang pera na hindi kinita sa pamamagitan ng mga lehitimong pamamaraan. Ang gayong uri ng tao ay gagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya sa sandaling magnegosyo siya—napakasama ng kanyang pagkatao. Gaano ito kasama? Kung hihilingin mo sa kanya na suriin ang kanyang konsensiya, sasabihin niya, “Wala akong nararamdaman. Hindi ko alam kung nasaan ang aking konsensiya. Hindi ko rin alam kung ano ang konsensiya, o kung magkano ito kada libra.” Sa sandaling iyon, mauunawaan mo: “Kaya pala mas mabilis siyang kumita ng pera kaysa sa ibang mga tao sa parehong negosyo. Hindi nakapagtataka na lahat ng parokyano ay bumibili sa kanya. Gumagamit ang taong ito ng mga mapanlinlang na taktika—gumagawa siya ng mga kahina-hinalang gawain kapag nagnenegosyo siya, at ang kanyang mapanlinlang na pag-uugali ay talagang malubha!” Pero hindi lang sa hindi niya ito nakikita bilang kahiya-hiya, nagmamayabang at nagmamalaki pa nga siya, sinasabi niya, “Tingnan ninyo ang inyong sarili, nagnenegosyo nang seryoso at wasto. Manloko kayo ng isang tao nang isang beses at labis kayong natatakot na kumakabog ang inyong puso. Tingnan ninyo ako—hindi ako natatakot! Hangga’t hindi nakakakuha ng anumang ebidensya ang Kawanihan ng Industriya at Komersiyo at ang mga pulis, ayos lang ang lahat. Gusto ninyo akong kasuhan? Wala kayong ebidensya! Tingnan mo kung gaano ako katalino manloko ng mga tao! Kaya mo ba itong gawin? Hindi mo kaya! Sa sandaling manloko ka ng isang tao, ibinubunyag mo ang iyong sarili. Wala ka ng mga taktikang tulad ng sa akin. Mahina ang iyong kakayahan!” Anong uri ng tao ito? Siya ay isang masamang tao. Mayroon bang anumang pag-asa na matubos siya? Hindi na siya matutubos. Hindi dahil may mga tiwaling disposisyon ang gayong mga tao kaya hindi sila maililigtas, kundi dahil masyadong masama ang kanilang pagkatao. Masama sa anong paraan? Masama sa paraang wala silang pagkatao at walang konsensiya; nawala na ang kanilang konsensiya. Ano ang ibig sabihin ng mawala ang konsensiya ng isang tao? Nangangahulugan ito ng paggawa ng mga bagay nang walang mga hangganan ng konsensiya. Ang mga hangganang ito ay itinatag batay sa konsensiya—ang konsensiya ang bumubuo sa mga hangganan. Sinuman ang lokohin mo sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya habang nagnenegosyo, masamang tao man ito o mabuting tao, ano’t anuman, ang mismong kilos na ito ay sumasalungat sa moralidad, konsensiya, at pagkatao. Sa sandaling magawa ang gayong bagay, makararamdam ka ng pag-aakusa sa sarili sa iyong konsensiya magpakailanman. Magiging mantsa ito habambuhay. Kung tunay kang tao, hinding-hindi mo dapat gawin ang gayong bagay. Sinuman ang puntirya ng iyong mga panloloko, at anuman ang halaga ng pera na nakukuha mo sa panloloko—kahit pa manloko ka ng mga buktot na tao at masasamang tao—panloloko pa rin ito. Kaya, anuman ang sitwasyon o sinuman ang kinakaharap mo, hindi ka dapat kailanman manloko ng mga tao. Ito ang pagkakaroon ng mga hangganan ng konsensiya sa iyong sariling asal, at ito ang pumipigil na puwersa na nagmumula sa paggana ng konsensiya. Kung gumagana ang iyong konsensiya, magkakaroon ka ng mga hangganan sa iyong mga ginagawa. Kung hindi gumagana ang iyong konsensiya, lalampas ka sa mga hangganang iyon at makakaya mong gawin ang anumang bagay. Masasabing ang mga indibidwal na tulad nito ay walang kahit katiting na konsensiya at katwiran at na mas masahol pa sila kaysa sa mga hayop. Kung iniisip ng ilang tao na masyadong sukdulan ang pahayag na ito, sabihin natin ito sa ibang paraan: Ang isang tao na walang kahit katiting na katwiran ay parang isang hayop. Hindi ba’t mga hayop ang mga taong walang pagkatao? Kung ang isang tao ay tao pero walang pagkatao, ano ang kanyang diwa? Hindi ba’t iyon ay sa isang hayop? Ang pagkakaiba sa pagitan niya at ng isang hayop ay na nakakalakad siya nang nakatayo, at mayroon siyang wika, samantalang ang mga hayop ay hindi nagtataglay ng abilidad ng tao sa wika. Para kumita, kaya mong gumamit ng lahat ng uri ng pamamaraan at metodo para gumawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya, samantalang ang mga hayop ay walang gayong mga pamamaraan. Kaya, ang pagsasabing ang ganitong uri ng mga tao ay katumbas ng mga hayop ay, sa katunayan, pagiging maluwag sa kanila—ang totoo, ang gayong mga tao ay tunay na mas masahol kaysa sa mga hayop. Makapagtatamo ba ng kaligtasan ang mga mas masahol pa sa mga hayop? Hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti—pera lang ang minamahal nila. Isa itong problema sa kanilang kalikasan, at walang sinuman ang makakapagpabago nito. Ang asahan ang gayong mga tao na tumanggap sa katotohanan ay tulad ng pag-asa na mangitlog ang isang tandang—hindi ito mangyayari kailanman. Samakatwid, sa tiwaling sangkatauhan, maliban sa mga pumapatay para kumita o nakikibahagi sa mga kriminal na gawain at lumalabag sa batas, ang mga taong ito na gumagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya ay maituturing na may pinakamasamang pagkatao—sila ang mga latak ng sangkatauhan, ang mga bulok sa sangkatauhan. Sa kasalukuyang panahong ito ng malaking kasaganaan ng ekonomiya, mayroong napakaraming taong tulad nito na gumagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya habang nagnenegosyo. Pero kahit gaano pa karami ang mga taong ito, ano’t anuman, ang gayong mga pagpapamalas ay sapat na para ilarawan ang isang problema sa pagkatao. Kung paano ang konsensiya ng isang tao, pati na rin kung mayroon ba siyang mga hangganan ng konsensiya—ito ay isang indikasyon para sa pagsukat sa kanyang pagkatao. Paano posibleng maligtas ang isang tao na wala man lang pagkatao? Sa pinakamababa, ang pagkatao ng isang tao ay dapat na maglaman ng mga kondisyon para tumanggap ng katotohanan. Iyong mga gumagawa ng lahat ng uri ng panlilinlang at pandaraya ay sadyang hindi nagtataglay ng mga kondisyon para tumanggap ng katotohanan sa kanilang pagkatao. Kaya, kung hihilingin mo sa kanila na tanggapin ang katotohanan para iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, magiging imposible para sa kanila na makamit ito. Tanging ang mga may konsensiya at katwiran ang makatatanggap sa katotohanan at makapagwawaksi ng kanilang mga tiwaling disposisyon at sa gayon ay magtatamo ng kaligtasan, dahil ang kanilang konsensiya ay may isang partikular na antas ng kamalayan, at kapag umaasal at kumikilos sila, ang kanilang konsensiya ay kayang gumampan ng isang partikular na papel. Kapag nakikipagbahaginan ka tungkol sa katotohanan sa gayong mga tao, at nagsasalita ka tungkol sa kung paano pumasok sa katotohanan, kung paano iwaksi ang mga tiwaling disposisyon, kung aling mga bagay ang kaayon ng mga layunin ng Diyos at alin ang hindi, at kung paano dapat kumilos ang mga tao, kaya nilang tumanggap at magpasakop. Angkop na makipagbahaginan tungkol sa katotohanan sa gayong mga tao—sila ang mga tamang tatanggap. Kung makikipagbahaginan ka tungkol sa katotohanan sa mga tao na ang pangunahing pamamaraan ng pagnenegosyo ay ang pandaraya at panloloko sa iba, para ka na ring nakikipag-usap sa pader. Kaya, pagdating sa gayong mga tao na nagnenegosyo, pagmasdan mo lang kung gumagamit ba sila ng mga lehitimong pamamaraan sa pagnenegosyo at sa kanilang mga pakikipagtransaksiyon at pakikitungo sa mga tao, kung mayroon ba silang mga pagpipigil at hangganan ng konsensiya, at kung ang kanilang konsensiya ay kaya bang gumana sa kanilang mga pakikipagtransaksiyon at pakikitungo sa mga tao. Kung ang konsensiya ng isang tao ay kayang gumana at maglapat ng isang pumipigil na puwersa sa kanila, katanggap-tanggap sila at karapat-dapat na makasalamuha. Ang ebanghelyo ay maaaring ipangaral at ang katotohanan ay maaaring ibahagi sa gayong mga tao. Kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, may pag-asa na matamo nila ang kaligtasan. Hanggang dito na lang ang ating talakayan tungkol sa pagkahilig sa pagnenegosyo.

Ang Pagmamahal sa Sining

Ngayon tingnan natin ang pagmamahal sa sining. Iyong mga nagmamahal sa sining ay likas na mahilig sa pag-awit, pagsayaw, at pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika, at nasisiyahan din sila sa pagtatanghal. Habang dumarami ang mga tao, mas nasasabik sila; at gusto nilang magpakitang-gilas nang kaunti, sa pamamagitan ng pag-crosstalk, mga skit, pag-awit, pagsayaw, o pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika para pasayahin ang lahat at tulungan ang mga ito na makapagrelaks. Anong uri ng pagpapamalas ang pagmamahal sa sining? Una, kailangan nating tingnan kung ang sining ba ay binubuo ng mga positibong bagay o mga negatibong bagay. Kung hindi malinaw sa inyo ang tungkol dito, hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Sa tingin ba ninyo ay mga lehitimong pangangailangan ng sangkatauhan ang pag-awit at pagsayaw? (Oo.) Mga lehitimong pangangailangan ng sangkatauhan ang mga ito. Ibig sabihin, ginagamit ng mga tao ang kanilang mga boses sa pag-awit, ang lengguwahe ng katawan, o ang isang uri ng masining na pamamaraan para gawing masaya ang buhay, para dagdagan ang kagalakan ng buhay, o para ipahayag ang isa sa kanilang mga lagay ng loob. Maituturing ba itong lehitimo? (Oo.) Ngayon, bumalik tayo sa orihinal na paksa—ang pagmamahal sa sining, pagkahilig sa pag-awit at pagsayaw, sa pagtugtog ng mga instrumento at pagtatanghal—sa anong kategorya nabibilang ang mga ganitong uri ng pagpapamalas? (Mga hilig at libangan.) Dahil mga hilig at libangan ang mga ito, saan nabibilang ang mga ito? (Mga likas na kondisyon.) Ang ilang bata ay mahilig makinig sa musika at manood ng mga sayaw mula sa edad na lima o anim, at kapag naririnig nila ang kumpas ng musika, nagsisimula nang gumalaw ang kanilang mga kamay at paa, at nakararamdam sila ng pagnanais na sumayaw. Ito ay likas. Ang ilang tao ay nakaririnig ng mga kanta at musikang pansayaw at gustong matuto, pero hindi nila kaya, kahit pa sila ay tinedyer na o nasa edad dalawampu. Napakahirap para sa kanila na subukang matutong sumayaw, at partikular silang malamya. Ito ay likas din. Sa kabaligtaran, iyong mga likas na mahilig sa pag-awit at pagsayaw ay nakapagsisimula na masayang sumayaw kapag nakaririnig sila ng tumutugtog na musika. Kapag nakaririnig sila ng isang taong umaawit ng isang kanta, nakasasabay sila at natututo mula sa mga ito, at pagkatapos lamang magsanay nang ilang beses, kaya na nila mismong awitin ito. Pinatutunayan nito na para sa ganitong uri ng tao, ang mga bagay na ito ay likas at nasa dugo na nila; gusto nila ang mga bagay na ito sa puso nila, at magaling din sila sa mga ito. Alam nila kung paano gawin ang mga ito nang walang sinumang nagtuturo sa kanila. Mayroon pa ngang ilang partikular na natatanging indibidwal na kayang umawit ng ilang linya ng rehiyonal na opera sa edad na pito o walong taong gulang pa lang, at ang kanilang pag-awit ay mayroong makatotohanang dating, at nasa tamang tono ito at sumusunod sa tamang ritmo—tunay na bihira iyon! Ang ilang bata ay kaya pa ngang umawit ng ilang pop song, at ang ilan ay kayang sumayaw sa mga estilo tulad ng Indian dance, Xinjiang dance, o modern dance. Kapag nakaririnig sila ng mga kanta o musikang pansayaw, likas na nagugustuhan nila ang mga ito, at mabilis nilang sinisimulang igalaw ang kanilang mga katawan sa musika. Kung hindi mo sila hahayaang umawit, palihim silang aawit sa kanilang puso o maghahanap ng angkop na lugar para umawit nang malakas. Gusto lamang nilang umawit at mahilig silang umawit, at walang sinuman ang makapipigil sa kanila. Hindi sila naimpluwensiyahan ng kanilang mga magulang, ni tinuruan ng sinuman. Mula noong maliit pa sila, taglay na nila ang mga kalakasan o libangang ito. Malinaw na isa itong likas na kondisyon—mayroon silang likas na hilig sa sining. Kung interesado ang mga batang iyon sa sining, dapat ba silang makibahagi sa gawaing ito—dapat ba silang gumawa ng isang trabaho sa industriyang ito sa buong buhay nila? Hindi naman kinakailangan. Nakadepende ito sa pag-orden ng Diyos, sa kung paano isinasagawa ng Diyos ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at isinasaayos ang mga bagay-bagay. Kung isasaayos ng Diyos na magtrabaho sila sa sining, matatali sila sa industriyang ito sa buong buhay nila. Pero kung hindi isinaayos o inorden ng Diyos na magtrabaho sila sa industriyang ito, magkakaroon lang sila ng hilig at libangang ito, at kahit pa nasisiyahan sila rito, hindi magiging posible para sa kanila na makibahagi sa trabahong iyon. Ang ilang tao ay mahilig na sa sining mula pa pagkabata. Ang kanilang mga magulang, nang makita na ang kanilang anak ay may ganitong hilig at libangan, ay nag-iisip, “Linangin natin ito kung gayon. Baka makapaglabas ang ating pamilya ng isang talento sa sining. Baka sumikat pa nga ang ating anak at maging isang bituin!” Kaya sinisimulan nilang linangin ang kanilang anak sa mga pag-aaral nito sa pagsayaw at pag-awit, at sa huli, natatanggap ang anak sa isang akademya ng sining. Bagama’t nananatiling matindi ang hilig at libangan ng anak sa sining pagkatapos makapagtapos, hindi tiyak kung makakapagtrabaho ba siya sa industriyang ito. Posible na kapag makikibahagi na siya sa trabahong ito, magbabago ang kanyang timpla, at pagkatapos ay magbabago ang kanyang saloobin at mga pananaw sa trabahong ito, at posible rin na dahil sa iba’t ibang dahilan sa loob ng mga obhetibong sitwasyon, mapapalampas niya ang pagkakataong maging bahagi ng industriyang ito. Posible ang lahat ng bagay na ito; nakadepende ito sa pag-orden ng Diyos. Pero kung titingnan ito mula sa ugat na sanhi, ang hilig at libangan ng anak ay ang kanyang likas na kondisyon—bago pa man siya ipanganak, isinaayos na ng Diyos ang kalakasang ito para sa kanya, at nagdagdag na ang Diyos ng ilang espesyal na katangian sa kanyang pagkatao, ginagawa siyang likas na partikular na sensitibo at magaling sa musika, sayaw, at iba pang aspekto ng sining. Kaya, ang ipinamamalas niya sa kanyang pang-araw-araw na buhay ay isang partikular na pagkahilig sa pag-awit at pagsayaw. Masigla man o mahiyain ang kanyang personalidad, mahilig man siyang magsalita o hindi mahilig magsalita, ano’t anuman, mayroong isang bagay na nasa dugo niya na hindi maaalis—mahilig siyang umawit, mahilig sumayaw, at mahilig magtanghal. Ang ilang tao, kahit na nagiging labis silang masigla at nakararamdam sila ng paglaya sa kanilang kaluluwa kapag umaawit sila, ay napakamahiyain pa rin kapag kinakausap mo sila, at hindi sila magaling sa pagpapahayag ng kanilang sarili o sa pakikisalamuha sa mga tao. Kapag nakikisama sa iba, labis silang di-natural at tensiyonado, at kinakabahan at natatakot pa nga, hindi alam kung paano haharapin ang mga sitwasyong ito. Pero kapag tumutuntong sila sa entablado para magtanghal, ginagawa nila ito nang may kadalian; tila ba naging ibang tao sila. Sinasabi ng mga walang pananampalataya na ito ay pagbibigay sa kanila ng “patron na diyos” ng kanilang larangan ng abilidad na ito para kumita ng ikabubuhay—tama ba ito? Ang totoo, ito ay pag-orden ng Diyos. Kung anong mga kalakasan, hilig, at libangan ang likas na mayroon ang isang tao ay nauugnay sa paunang pag-oorden ng Diyos. Anumang mga kalakasan at libangan mayroon ang isang tao, ang lahat ng ito ay paunang inorden ng Diyos. Kung binibigyan ka ng Diyos ng isang hilig at isang libangan, gusto mo ito at pinahahalagahan mo ito mula sa kaibuturan ng iyong puso, partikular na maalab ang damdamin mo rito. Kapag nakikibahagi ka sa gawaing ito o gumagawa ka ng isang bagay na nauugnay sa gawaing ito, nakararamdam ka ng matinding kapayapaan at kaginhawahan sa loob-loob mo, at labis ka ring interesado rito. Samakatwid, kung mayroon kang isang uri ng kalakasan, kapag kailangan ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, dapat mong gawin ang kaukulang tungkuling iyon. Para sa iyo, ito ang pinakamagandang pagkakataon para magamit ang iyong kalakasan. Gayundin, dahil ang kalakasang ito ay ibinigay sa iyo ng Diyos, hindi mo ito pribadong pag-aari; hindi mo ito maaaring gamitin nang mali ayon sa gusto mo. Kapag kailangan ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, dapat mo itong gamitin at ihandog sa Diyos, nang ginagamit ito sa iyong tungkulin. Ito ay isang paborableng kondisyon para matamo mo ang kaligtasan, at isa rin itong nakatataas na kondisyon na ibinigay sa iyo ng Diyos—dapat mo itong gamitin nang maayos at ilapat nang maayos, nang hindi nagpipigil. Sa ganoong paraan, sa isang banda, magagamit mo ang iyong kalakasan, at sa kabilang banda, matutupad mo rin nang maayos ang iyong tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Hindi ba’t napakaganda nito? (Oo.)

Binigyan ng Diyos ang mga tao ng ilang uri ng kalakasan, at maging sa sinaunang panahon man o sa makabagong panahon, ang isa sa mga ito—ang sining—ay hindi kailanman sineryoso, at palaging ibinilang sa mga bagay ng nasa mabababang antas ng lipunan. Sa partikular, sa ilang medyo tradisyonal at pyudal na kapaligirang panlipunan, tinitingnan ng lahat ng tao ang sining nang may pagkiling, at ang sining ay palaging dinidiskrimina ng ilan. Sa gitna ng mga tao, ang sining ay inilalarawan sa ganitong paraan, at mayroon itong ganitong uri ng ranggo, katayuan, o kahulugan, dahil sa mga kuru-kuro ng mga tao, mga pyudal na ideya ng mga tao, o mga baluktot at walang-katotohanang kaisipan at pananaw na ikinikintal ni Satanas sa mga tao. May isa pang salik, na isang masamang kultura ang nalinang sa industriyang ito dahil sa impluwensiya ng masamang lipunan at masasamang kalakaran, at kaya, nagkakaroon ang mga tao ng mababang pagtingin sa industriya ng sining. Ginamit ng ilang taong nakikibahagi sa industriyang ito ang kanilang mga hilig at kalakasan sa sining para gumawa ng maraming negatibo at buktot na bagay, na nakasira sa sining at bumaluktot sa kalikasan ng sining. Bilang resulta, nakabuo ang mga tao ng maraming negatibong opinyon tungkol sa mundo ng sining, at itinuturing nila iyong mga nagtatrabaho sa sining o may mga hilig at libangan sa larangang ito bilang mga negatibong tao. Gayumpaman, anuman ang pagtingin ng lipunan at sangkatauhang ito sa ganitong uri ng kalakasan, sa madaling salita, kung ang sinumang tao—miyembro man siya ng sambahayan ng Diyos o isang tao na nasa labas ng sambahayan ng Diyos—ay may kalakasan o hilig at libangan sa larangang ito, hindi maikakaila na ang kalakasan at libangang ito ay mga likas na kondisyon. Dahil mismo mga likas na kondisyon ang mga ito, hindi negatibo o buktot ang mga ito. Dahil lang sa patnubay ng ilang maling kaisipan at teorya sa mga partikular na panahon kaya ang sining at iyong mga nakikibahagi rito ay inilarawan bilang mga buktot at negatibong bagay. Ito ay isang bagay na madalas nangyari sa buong kasaysayan. Katulad lang ito ng kung paanong ang mga soybean ay maaaring gawing fragrant tofu na gustong-gustong kainin ng mga tao, pero maaari ding i-ferment gamit ang mga mikroorganismo tulad ng amag para maging stinky tofu. Hindi mo masasabing masama ang mga soybean dahil lang sa ayaw mong kumain ng stinky tofu. Tama ba ang lohikal na pangangatwirang ito? (Hindi.) Malinaw na hindi ito tama; ito ay baluktot. Samakatwid, bagama’t may ilang marumi at pangit na bagay sa loob ng mga grupo ng sining sa lipunan, hindi mo masasabing ang sining mismo ay marumi, pangit, at negatibo, lalong hindi mo masasabing ang mga taong ito na mahilig at mahusay sa sining ay pawang mga buktot at pangit na negatibong tao. Ito ay maling pangangatwiran; hindi ito isang tamang pag-arok. Kung, dahil buktot ang ilan sa mga taong iyon, sasabihin mong buktot din ang sining kung saan sila magaling, kung gayon ito ay isang malubhang pagkakamali. Ang iba’t ibang kalakasan na ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay may layong maglingkod sa mundo ng tao. Kung walang kultural na buhay ang sangkatauhan, magiging napakawalang-buhay niyon. Ang pagsasaayos ng Diyos para magkaroon ang mga tao ng isang kultural na buhay ay hindi mali. Ang mga buktot na bagay na iyon ay pawang isinasanhi ng pananamantala ng mga diyablo at ni Satanas sa mga pagkakataon para magdulot ng mga panggugulo. Kahit na, kumpara sa perpektong sangkatauhan—iyong sa huli ay gagawing ganap—ang sangkatauhang ito na nilikha ng Diyos ay hindi perpekto at may mga kapintasan ngayon, hindi ito nangangahulugan na ang sangkatauhang nilikha ng Diyos ay buktot o negatibo—ang mga ito ay dalawang magkaibang konsepto. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Anuman ang pagpoposisyon ng masamang panahong ito at masamang mundong ito sa sining, at sa mga hilig, libangan, o kalakasan sa pag-awit at pagsayaw, ano’t anuman, hindi maikakaila na mga pangangailangan ng sangkatauhan ang mga ito, at na mga hilig at libangan din ang mga ito na taglay ng ilang espesyal na tao. Dahil mga hilig at libangan ang mga ito, likas ang mga ito sa mga tao at isang bagay na taglay na ng mga tao pagkapanganak, na nangangahulugang nagmumula ang mga ito sa Diyos at ibinibigay ng Diyos. Bago pa man ipanganak ang mga tao, pauna nang itinadhana ng Diyos ang trabahong papasukin ng bawat isa sa kanila: Ang ilang tao ay inilalagay sa komersyo para magnegosyo, ang ilan ay inilalagay sa mga pabrika para maging mga manggagawa, ang ilan ay inilalagay sa agrikultura para gumawa ng gawaing bukid, ang ilan ay inilalagay sa edukasyon para maging mga guro, at ang ilan ay inilalagay sa sining para maging mga tagapagtanghal. Naglagay na ang Diyos ng iba’t ibang uri ng kalakasan sa iba’t ibang tao sa oras na ipanganak sila. Ibig sabihin, sa kanilang makalamang buhay, ang mga hilig, libangan, at kalakasan ng bawat tao ay magkakaiba. Bago ka pa man ipanganak, nagdagdag na ang Diyos ng ilang espesyal at iba’t ibang bagay sa iyo. Kung wala kang mga hilig at libangan o mga kalakasan, hindi ka dapat magreklamo na hindi idinagdag ng Diyos ang mga ito sa iyo. Kung wala ang mga ito, maaari ka pa ring mabuhay, at maaari mo pa ring gampanan ang iyong tungkulin. Hindi ka nagkukulang ng anumang bagay kumpara sa iba, dahil mayroon kang parehong pagkakataon tulad ng iba para gumampan ng isang tungkulin. Ang iyong mga tiwaling disposisyon ay pareho sa mga tiwaling disposisyon ng iba; iyon nga lang, ang mga likas na kondisyon ng mga tao ay magkakaiba—ang bawat tao ay may sariling mga kalakasan at kahinaan. Kaya, ano ang pangunahing punto? Ang pangunahing punto ay ang mga pagkakaiba sa pagkatao. Ang isang tao na nagtataglay ng ilang espesyal na hilig, libangan, at kalakasan sa kanyang mga likas na kondisyon ay hindi isang uri ng espesyal na talento, at ang isang tao na hindi nagtataglay ng anumang hilig, libangan, o kalakasan sa kanyang mga likas na kondisyon ay hindi isang uri ng pangkaraniwang tao. Ang lahat ay halos pare-pareho lamang. Iyon nga lang, anuman ang ibigay sa iyo ng Diyos, hinihingi Niya mula sa iyo, at dapat mo itong gamitin sa iyong tungkulin, at anuman ang hindi Niya ibigay sa iyo, hindi Niya karagdagang hinihingi mula sa iyo. Bagama’t maaaring hindi ka binigyan ng Diyos ng mga hilig at libangan, o mga kalakasan, ang iba’t ibang bagay o kondisyon na taglay mo sa iyong pagkatao ay sapat pa rin para umako ka ng isang aytem ng gawain o isang tungkulin. Kung hindi mo ito kayang akuin, posible na ikaw ay isang tao na nasa labas ng mga hanay ng mga gumagampan ng isang tungkulin, at iyon ay magiging isang ganap na iba nang usapin.

Tatapusin natin dito ang ating talakayan tungkol sa paksa ng pagmamahal sa sining. Ang paglalarawan sa ganitong uri ng kalakasan ay dapat na malinaw na sa inyo ngayon. Huwag ninyong isipin na ang mga nagmamahal sa sining ay kakatwa o buktot. Kung ganito kayo mag-isip, ang inyong pag-arok ay lubhang baluktot. Dapat ninyong tratuhin ang gayong mga tao nang tama, pakisalamuhaan ang gayong mga tao nang tama, at hikayatin silang ilapat sa kanilang mga tungkulin ang mga propesyonal na teknik kung saan sila magaling at na nauunawaan nila. Kung ikaw ay isang lider o manggagawa, dapat kang matutong gumamit ng tamang diskarte para tulungan, gabayan, at patnubayan ang mga taong iyon sa paggamit ng kanilang mga kalakasan, upang makarating sila sa tamang landas at makaako ng isang tungkulin na nauugnay sa kanilang mga hilig at libangan, at sa gayon ay maging mga nilikha na pasok sa pamantayan, at maging karapat-dapat sa iba’t ibang hilig, libangan, at kalakasan na ibinigay sa kanila ng Diyos. Kung hindi nila kayang umako ng isang tungkulin na nauugnay sa kanilang mga hilig at libangan, ayos lang din na gumawa sila ng ibang tungkulin. Gayumpaman, hindi sila dapat pagbawalan na magkaroon ng sarili nilang mga hilig at libangan, dahil bahagi ito ng pagkatao.

Tungkol diyan, may naaalala Ako—ngayon, sa sambahayan ng Diyos, may ilang bagong mang-aawit na nag-record ng mga kanta. Ang mga bagong mang-aawit na ito, pagkatapos masigasig na magtamo ng propesyonal na kaalaman at magsanay sa pag-awit, ay nakapag-record na rin sa wakas ng mga tapos na kanta, lumipat mula sa pagtatrabaho sa likod ng eksena patungo sa pagtatanghal sa pangunahing entablado. Kahit na ang kanilang pag-awit ay hindi umaabot sa isang propesyonal na pamantayan, at hindi pa umaabot sa antas ng mga propesyonal na mang-aawit, at may puwang pa para bumuti—ang ilan sa kanila ay umaawit nang walang gaanong bihasang kapinuhan, ang mga boses ng ilang mang-aawit ay hindi gaanong malambing at ang kanilang mga pagtatanghal ay hindi gaanong kaaya-aya sa paningin—ang kanilang saloobin sa paggampan ng kanilang tungkulin ay karapat-dapat na hikayatin. Ang paglipat mula sa pagiging isang baguhan patungo sa paglabas sa screen bilang isang baguhang mang-aawit, isang walang karanasang mang-aawit, ay isang bagay na karapat-dapat na hikayatin. Kaya, ano ang gusto Kong sabihin sa inyo tungkol sa usaping ito? Kapag ang mga video ng himno na ini-record ng mga bagong mang-aawit na ito ay in-upload sa internet, dapat ninyong palakasin ang loob nila nang kaunti. Maaari din kayong magbigay ng ilang magandang suhestiyon na mapapakinabangan nila, pero huwag ninyo silang hanapan ng mali, huwag ninyo silang maliitin sa mapanghamak na paraan, at huwag kayong maging masyadong mapamuna. Ang saloobing ito ay hindi mabuti; sa pinakamababa na, walang pagmamahal at pagpaparaya rito, at hindi ito ang saloobin na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang mga kapatid. Ano ang angkop na paraan para tratuhin sila, kung gayon? Dapat ninyo silang hikayatin at palakpakan nang kaunti, at pagkatapos ay magbigay kayo ng ilang angkop na suhestiyon; ito lang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Kahit papaano man lang, mayroon silang lakas ng loob na tumayo sa entablado at umawit ng mga himno para purihin ang Diyos, na kapaki-pakinabang sa hinirang na mga tao ng Diyos. Samakatwid, dapat silang tulungan ng lahat na makagampan nang maayos sa kanilang tungkulin, at hinding-hindi dapat magbitiw ng iresponsableng komento ang lahat, at hindi dapat mainggit sa kanila. Dapat tayong maging masaya at magalak na ang sambahayan ng Diyos ay mas marami nang tao na may talento sa pag-awit—isa itong mabuting bagay. Iyong mga may kalakasan sa larangang ito ay pawang dapat payagan na magamit ang mga ito; lahat sila ay dapat bigyan ng mga pagkakataon. Sila mismo ay walang gaanong kumpiyansa, at wala silang mapaggagamitan ng kaunting hilig at libangan na mayroon sila. Kung mayroon silang kahandaan na gampanan nang maayos ang tungkuling ito at nakapag-record sila ng mga video ng himno, kapag nakita mo ito, dapat mo itong pakinggan nang hindi bababa sa dalawa o tatlong beses—pakinggan mo nang mabuti at maingat—at palakasin mo nang kaunti ang loob nila. Huwag mo silang siraan kapag nakatalikod sila. Dapat mong sabihin sa ibang mga kapatid na pakinggan pa ang mga kantang inaawit nila at bigyan sila ng mas maraming like. Ang ilan sa kanila ay umaawit nang napakaganda, nang may tunay na emosyon, binibigkas ang bawat linya nang napakalinaw; ang kanilang kasuotan at kilos ay marangal at wasto, na pinagmumukha silang angkop sa iba. Gayumpaman, ang iba ay maaaring nagkukulang nang kaunti sa usapin ng kanilang mga boses at teknikal na kahusayan. Kung may alam ka nang kaunti tungkol sa musika at nakakapansin ka ng mga kapintasan, huwag mo silang kutyain; tratuhin mo sila nang wasto, at hikayatin at suportahan mo pa rin sila. Ito ang saloobin na dapat mong taglayin bilang isang kapamilya, bilang isang kapatid. Huwag mong tularan ang masasamang tao sa paggawa ng mga bagay na minamaliit ang iba o hinahamak ang iba. Kung ikaw mismo ay hindi makatuntong sa entablado, pero kapag may ibang nakagagawa nito ay naiinggit ka, sinisiraan mo sila, at nagbibitiw ka ng mga walang-kuwentang komento kapag nakatalikod sila, ito ay kawalan ng pagkatao. Ang umasal sa ganitong paraan ay hindi mabuti—ito ay kasuklam-suklam. Kahit pa napapansin mo ang kanilang mga kapintasan, dapat mo pa rin silang hikayatin. Dapat mo itong gawin dahil sila ay mga kapatid—hindi sila mga propesyonal, at hindi rin sila sumailalim sa propesyonal na pagsasanay—at ang kanilang kakayahang umawit tulad ng ginagawa nila ngayon ay ganap na resulta ng sarili nilang pagtuklas, pagsasanay, at pagsisikap. Kaya bakit hindi mo sila hikayatin? Kung matututo kang maging mapanghikayat at mapagparaya, at kaya mo pa rin silang tratuhin nang tama nang may pagmamahal at pagpaparaya kahit na kapag nakakapansin ka ng ilang kapintasan sa kanilang pag-awit, kung gayon ay ipinapakita nito na mayroon kang pagkatao. Palaging ikinukumpara ng ilang tao ang mga mang-aawit sa sambahayan ng Diyos sa mga propesyonal na mang-aawit ng mundong walang pananampalataya, at kaya minamaliit nila ang mga mang-aawit sa sambahayan ng Diyos at naghahanap sila ng mali sa ganito at ganyan. Ito ay kawalan ng pagkatao. Kung palagi mong pinupuna ang mga pagkukulang ng iba at palagi mong iniisip na mas magaling at mas nakatataas ka kaysa sa iba, bakit hindi ka makaawit ng isang kanta na umaantig sa mga tao? Huwag kang maghanap ng mali sa iba. Ang mga mang-aawit sa iglesia ay walang mga propesyonal na karanasan, pero may isang bagay na espesyal tungkol sa kanila: Sa paggawa ng gawaing ito, hindi sila nakikibahagi sa isang karera—ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Ang kanilang tungkulin ay ang gamitin ang kanilang mga boses para awitin ang mga salita ng Diyos at para patotohanan at ipalaganap ang mga salita ng Diyos. Kaya dapat mo silang hikayatin. Hindi ba’t mabuti ang paggawa nito? (Oo.) Ito ay pagkakaroon ng pagkatao. Huwag kang maghanap ng mali kapag nakikinig ka sa pag-awit ng isang bagong mang-aawit, sinasabing, “Hindi maganda ang boses ng taong ito. Hindi ito pino. Wala siya sa kumpas, at hindi tama ang kanyang tono—hindi ako makikinig! Walang sinuman ang dapat makinig sa kanya, at walang sinuman ang dapat magbigay sa kanya ng like!” Bakit labis kang metikuloso tungkol sa usaping ito? Ang pag-awit nang medyo wala sa tono, pag-awit nang walang bihasang kapinuhan, o sa isang hindi propesyonal na paraan—sumasalungat ba ito sa mga katotohanang prinsipyo? Hindi. Ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, kaya dapat mong sukatin ang kanilang pag-awit gamit ang mga prinsipyo ng paggampan ng isang tungkulin, hindi batay sa sarili mong mga panlasa at perspektiba. Sa prangkang pananalita—ano ba ang alam mo? Kung napakarami mong alam tungkol sa pag-awit, bakit hindi ka pa nakaawit ng kahit isang kanta na pasok sa isang huwarang pamantayan? Dahil hindi ka pa nakaawit nang pasok sa isang huwarang pamantayan, wala kang karapatang punahin ang iba. Siyempre, kahit pa kaya mong umawit nang pasok sa isang huwarang pamantayan, hindi mo pa rin dapat punahin ang iba. Ang kanilang mismong paggampan sa gawaing ito ay hindi pakikibahagi sa industriya ng sining o pagtatrabaho sa sining—ito ay paggampan ng isang tungkulin at pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos, na may ibang kalikasan. Umaawit man sila nang maganda o hindi, inilalagay nila ang kanilang puso sa kanilang ginagawa—ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Pagdating naman sa kanilang propesyonal na antas, iyon ay iba nang usapin. Ang isang propesyonal na pamantayan ay unti-unti lang makakamit sa pamamagitan ng pag-aaral at pangmatagalang pagsasanay. Ang mga bagong mang-aawit sa sambahayan ng Diyos ay kasalukuyang nasa antas na kinaroroonan nila. Dapat silang tratuhin nang tama ng mga tao—dapat magbigay ang lahat ng pagpapalakas ng loob at suporta. Huwag kang maghanap ng mali, at huwag mong ipangalandakan ang iyong sarili. Kung ipapangalandakan mo ang iyong sarili, kasusuklaman ka ng mga tao. Kung hindi mo ipapangalandakan ang iyong sarili at sa halip ay makikinig ka nang ilang beses pa, iisipin ng mga tao na isa kang medyo mabuting tao, isang tao na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, na ang puso ay nasa sambahayan ng Diyos, at may pagpaparaya, at ito, kung gayon, ay isang kalakasan, isang merito ng iyong pagkatao. Kung gagawin mo ito, magugustuhan ka ng mga tao, at magugustuhan ka rin ng Diyos. Kung magpapakitang-gilas ka, palaging pinapansin ang mga kapintasan para ipakita na ikaw ay magaling at ikaw ay isang eksperto, kung gayon ay sinisira at ginugulo mo ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Kung sinisira mo ang gawain, magagawa ka bang magustuhan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ka magugustuhan ng Diyos, at hindi ka rin magugustuhan ng mga kapatid. Ano ba ang naging kasalanan ng mga mang-aawit sa iyo? Bakit kailangan mong magpakitang-gilas at sirain sila nang ganito? Isang tao lang ba ang sinisira mo? Hindi, sinisira mo ang gawain ng sambahayan ng Diyos, sinisira mo ang Diyos. Kung gagawin mo ito, maaari ka bang magustuhan ng Diyos? Kahit pa nakaririnig ka ng mga kapintasan sa mga kantang inaawit nila, hindi mo sila dapat husgahan, dahil ang pag-abot sa isang propesyonal na pamantayan sa anumang espesyalisadong gawain ay hindi isang bagay na nangyayari nang magdamag. Hindi ito madali—nangangailangan ito ng pagpapahusay at pagsasanay, at gabay mula sa mga propesyonal; at, bilang karagdagan, ang lahat ay may magkakaibang kakayahan. Kahit ang Diyos ay hindi humihingi sa kanila batay sa propesyonal na pamantayan, kaya anong kalipikasyon ang mayroon ka para hingin ito mula sa kanila? Ang palaging paghingi na dapat maabot ng iba ang isang partikular na antas ay hindi makatwiran; ito ay pagmamataas, at ito ay pagpapakitang-gilas. Kapag namumukod-tangi ang iba, nababagabag ang puso mo at nagiging walang-katapusan ang pagkainggit mo, palaging gustong magsabi ng ilang sarkastiko at nakakasakit na salita para mapalugdan ang iyong kahambugan. Napakababa ng paggawa nito! Ito ay kasuklam-suklam at ubod ng sama, at ang gayong tao ay walang konsensiya at katwiran. Dapat kang gumawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa iba, mga bagay na karapat-dapat sa paghanga ng iba at tinatandaan din ng Diyos. Huwag kang gumawa ng mga bagay na sumisira sa iba. Tatandaan ba ninyo ito? (Oo.) Kung hindi mo makamit ang pagiging mapagparaya, mapagsuporta, at mapanghikayat, at hindi mo maprotektahan at mapangalagaan ang gawain ng iglesia, kung wala ka ng pagkataong ito, kahit papaano man lang ay huwag kang gumawa o magsabi ng mga bagay na sumisira sa iba. Ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin—ito ang hangganan.

Pagkahilig sa Pag-idolo sa mga Bituin

Natapos na nating talakayin ang pagmamahal sa sining. Susunod, pag-usapan natin ang tungkol sa pagkahilig na pagtuunan ng pansin ang mga pribadong usapin ng mga sikat na personalidad. Partikular na mahilig ang ilang tao na pagtuunan ng pansin ang mga pribadong usapin ng mga sikat na personalidad, mga bituin—tulad ng kung ano ang kinakain ng mga sikat na personalidad, kung ano ang isinusuot nila, kung saan sila pumupunta para magsaya, kung nagparetoke ba sila, kung sino ang karelasyon nila, kung sino-sino ang mga kaibigan nila sa kabilang kasarian, kung sino-sino ang mga kapareha nila sa pakikipagtalik, at maging kung ilan ang anak nila sa labas at kung sino-sinong matataas na opisyal at mayayamang tao ang matalik nilang kaugnayan. Partikular na nagtutuon ng pansin ang gayong mga tao sa mga pribadong usaping ito ng mga sikat na personalidad. Hindi lang nila pinagtutuunan ng pansin ang mga pribadong usapin ng mga sikat na personalidad, kundi partikular din silang mahilig manggaya ng mga pang-araw-araw na desisyon sa pamumuhay ng mga sikat na personalidad, ng pananalita at pag-uugali ng mga ito, at ng saloobin ng mga ito sa buhay. Kasabay nito, partikular din nilang gustong subaybayan ang mga kinaroroonan ng mga ito at ang iba't iba kaisipan at pananaw ng mga ito. Halimbawa, kung gusto ng isang sikat na personalidad na mag-alaga ng isang partikular na uri ng aso, mag-aalaga rin sila nito. Kung nagsusuot ang isang sikat na personalidad ng isang partikular na tatak ng damit na sikat na sikat sa merkado, bibilhin din nila ang parehong damit. Kung hindi nila ito kayang bilhin, bibili na lang sila ng peke. Kung gumagamit ang isang sikat na personalidad ng isang partikular na produktong kosmetiko, bibilhin nila ito para pagandahin ang sarili nila, kahit pa wala na silang pera at kailangan nilang magbenta ng bato o dugo para mabili ito. Sinusundan pa nga nila ang mga sikat na personalidad saanman ang mga ito magtanghal, magdaos ng mga press conference, o dumalo sa mga kaganapan para sa pagpapalabas ng pelikula at telebisyon. Pagtutuunan nila ng pansin at susubaybayan ang bawat salita at kilos, bawat galaw, at lahat ng kinaroroonan ng sikat na personalidad na sinusundan nila, hanggang sa punto ng pagkahumaling kung saan wala na silang sariling buhay, o ng sarili nilang mga tamang kaisipan, pananaw, at paraan ng pamumuhay, kung saan ganap silang naililihis at nakokontrol ng mga kaisipan, pananaw, at paraan ng pamumuhay ng sikat na personalidad. Anong klaseng problema ito? Isa ba itong likas na kondisyon? (Hindi.) May anumang kinalaman ba ito sa kapaligirang panlipunan kung saan namumuhay ang mga tao ngayon? (Mayroon.) Mayroon itong kaunting kaugnayan. Kaya, bakit palaging isang partikular na grupo ng mga tao ang umiidolo sa mga bituin sa halip na ang lahat, sa kabila ng katunayang namumuhay ang lahat ng tao sa iisang kasalukuyang kapaligiran? Saan ito nauugnay? Sasabihin mo ba na ang mga taong ito na umiidolo sa mga bituin ay nagmamahal sa sining? Hindi tiyak iyon. Magaling ba sila sa sining? Hindi rin iyon tiyak na totoo. Pero ang mga bagay na ginagawa nila ay nauugnay sa mga tao sa mundo ng sining at sa mga kalakaran sa sining. Anong klaseng problema ito? Problema ba ito ng mga tiwaling disposisyon? Isang pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon mismo ang bagay na ito. Ang gayong mga tao ay tumitingala sa kasamaan at sumusunod sa masasamang kalakaran. Kung gayon, may problema ba sa pagkatao ng gayong mga tao? (Mayroon.) Kung gayong napakaraming landas na mapagpipilian sa buhay, bakit pinipili nila ang gayong landas? Nasasangkot ba rito ang isyu ng karakter? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao: “Isa itong depekto sa pagkatao. Ito ay ang pagiging likas na mangmang at hangal, at pagiging madaling mailihis ng iba.” Ito ba ang dahilan? (Hindi.) Sinasabi ng iba: “Ito ba ay dahil karamihan sa mga taong umiidolo sa mga bituin ay bata, wala pang gulang ang isip, at mababaw, hindi kayang labanan ang tukso ng mga panlipunang kalakarang ito?” Ito ba ay dahil bata sila? (Hindi.) Ang ilan sa mga taong umiidolo sa mga bituin ay nasa katanghaliang-gulang o matatanda—kabilang sa grupong ito ang mga tao mula sa lahat ng edad. Dahil dito, ang mga taong ito na umiidolo sa mga bituin ay hindi naililihis ng mga panlipunang kalakarang ito dahil sila ay bata, wala pang gulang ang isip, at hindi pa nakauunawa sa mga usapin sa buhay. Samakatwid, ang pahayag na “ang mga taong umiidolo sa mga bituin ay pawang mga bata at wala pang gulang ang isip” ay hindi totoo. Dahil hindi ito dulot ng pagiging bata at wala pang gulang ang isip, isa itong problema ng pagkatao. Kaya, anong problema ng pagkatao ito? Ito ba ay ang hindi paggawa ng mga nararapat na gampanin? (Oo.) Sa isang banda, ito ay ang hindi paggawa ng mga nararapat na gampanin; sa kabilang banda, ito ay pagiging medyo hindi seryoso at hindi pananatili sa loob ng mga tamang hangganan. Ano pa ito? (Hindi pagtahak sa tamang landas.) Tama iyan—ito ay ang hindi pagtahak sa tamang landas. Nasasangkot dito ang isyu ng landas na tinatahak ng isang tao. Pagkatapos umabot sa hustong gulang, kung anong trabaho ang pinapasok ng isang tao, at kung anong uri ng landas ang pinipili niyang tahakin sa lipunang ito at sa gitna ng mga tao, ay isang kinakailangang aralin na hinaharap ng bawat tao. Kung nananatili ba siya sa lugar niya at namumuhay sa maayos na paraan, kung pumapasok ba siya sa isang maayos na trabaho, at kung gumagawa ba siya ng mga nararapat na gampanin at tumatahak sa tamang landas—ang lahat ng ito ay nakasalalay sa kung ano ang gusto niya at kung ano ang sinusunod niya sa kanyang pagkatao. Tingnan mo ang mga tao mula sa lahat ng antas ng pamumuhay—ang ilan ay nagsasanay ng martial arts, ang ilan ay nag-aaral tungkol sa malusog na pamumuhay, ang ilan ay pumapasok sa industriya ng teknolohiya, ang ilan ay pumapasok sa industriya ng pananamit, ang ilan ay pumapasok sa industriya ng pelikula at telebisyon, ang ilan ay nagnenegosyo, at ang ilan ay pumapasok sa pulitika, habang ang ilan ay naniniwala sa Budismo, ang ilan ay sumasali sa pananampalatayang Daoista, at ang ilan ay pinipiling manampalataya sa Diyos. Ang ilang tao ay walang maayos na trabaho, at hindi rin sila naghahanap ng sarili nilang mga layon sa buhay—araw-araw, nakatuon lang sila sa pag-idolo sa mga bituin. Hanggang sa anong antas nila ginagawa ito? Hanggang sa antas na nawawalan na sila ng gana sa pagkain at pag-inom. Kung ang bituin na iniidolo nila ay ang pinapangarap nilang kasintahan, maaari pa nga nilang abandonahin ang sarili nilang asawa anumang oras. Kung ang mga taong ito ay umiidolo sa mga bituin hanggang sa punto ng pagkahumaling, hanggang sa antas na kaya na nitong diktahan ang kanilang buhay at ang kanilang pagpili ng landas, nagiging isang kailangang-kailangang bahagi ng kanilang buhay, nasa anong kalagayan ang buhay nila sa kasalukuyan? Hindi sila lumulugar nang tama habang namumuhay sila. Kung ang taong umiidolo sa mga bituin ay isang babae, maaari ba siyang maging isang masunuring maybahay na sumusuporta sa kanyang asawa at nagpapalaki sa kanyang mga anak, isang butihing asawa at mapagmahal na ina? (Hindi.) Ang isang tao na umiidolo sa mga bituin hanggang sa punto ng pagkahumaling ay sadyang baliw. Saanman magdaos ng konsiyerto o press conference ang kanyang pinapangarap na kasintahan, pakiramdam niya ay kailangan niyang pumunta roon para magpa-autograph. Naglalakbay siya nang malalayo sakay ng eroplano at tumatawid pa nga sa mga hangganan para lang sundan ito, at hindi siya mapigilan ng kanyang pamilya. Palagi niyang sinusubaybayan sa internet ang itineraryo ng sikat na personalidad at palagi siyang nag-aabang sa mga lugar kung saan lilitaw ang sikat na personalidad. Kung hindi niya ito maabutan, ilang araw at gabi siyang hindi kumakain at natutulog, walang-katapusang umiiyak. Kadalasan, ang lahat ng pinagtutuunan niya ng pansin sa internet at sa telebisyon ay tungkol sa mga sikat na personalidad. Siyempre, ang ilang tao ay hindi lang nakatuon sa iisang sikat na personalidad kundi sa marami—mga lalaki at babaeng sikat na personalidad, mga bata, nasa katanghaliang-gulang, at matatandang sikat na personalidad. Pinagtutuunan nila ng pansin ang mga hitsura ng mga sikat na personalidad na ito, ang kalagayan ng buhay may-asawa ng mga ito, ang estado ng relasyon ng mga ito, at ang mga pribadong buhay ng mga ito, gumagamit ng maraming lakas ng isip para maghanap ng impormasyon tungkol sa mga ito. Itinuturing nila ang pag-idolo sa mga bituin bilang ang pinagmumulan ng kasiyahan at interes sa buhay, ginagawa ito na para bang isa itong seryosong usapin. Nasa anong kalagayan ang buhay ng ganitong uri ng tao? Para siyang isang naglalakad na bangkay—ang kanyang mga kaisipan, ang kalagayan ng kanyang buhay, pati na rin ang kanyang pang-araw-araw na pag-uugali at kung maganda ba o masama ang kanyang timpla ay ganap na naiimpluwensiyahan ng sikat na personalidad na kanyang hinahabol at ginagaya. Kung magkakaroon ng karelasyon ang sikat na personalidad na kanyang hinahabol, nakakaramdam siya ng matinding kalungkutan na nawawalan siya ng gana sa pagkain at pag-inom sa loob ng ilang araw at gabi. Kung makikipaghiwalay ang sikat na personalidad sa karelasyon nito, tuwang-tuwa siya, nagpipiyesta siya, nagbubukas ng champagne, at nagpo-post sa Weibo para magdiwang. Gabi-gabi, napapanaginipan niyang kasama niya ang sikat na personalidad na kanyang hinahabol, at puro matatamis ang kanyang panaginip! Ang sikat na personalidad na kanyang hinahabol ay ang kanyang pinapangarap na kasintahan, at wala nang iba pang mas kaaya-aya sa kanyang paningin kaysa sa taong ito. Hindi ba't hindi normal ang kalagayan ng kanyang buhay? (Oo.) Umabot na siya sa ganitong antas ng pagkahumaling—nakontrol ba siya ng isang masamang espiritu? (Oo.) Kaya, depekto ba, kapintasan, o problema ang mayroon sa pagkatao ng ganitong uri ng mga tao? (Problema.) Ang kalagayan ng kanilang pag-iisip ay medyo hindi normal. Ang mga normal na tao ay nakakarinig minsan ng ilang balita tungkol sa mga tao sa mundo ng sining, at kapag nagkukuwentuhan sila, maaari din nila itong mabanggit nang pahapyaw, pero pagbalik nila sa tunay na buhay, patuloy silang namumuhay gaya ng dati. Kung sila ay isang ina, tinutupad nila ang kanilang mga responsabilidad bilang isang ina; kung sila ay isang ama, tinutupad nila ang kanilang mga responsabilidad bilang isang ama. Ang gawaing ginagawa nila ay hindi naaapektuhan o nahahadlangan kahit kaunti. Kung ang bituin na gusto nila ay magdaraos ng konsiyerto sa isang lugar, pakiramdam nila ay wala itong kinalaman sa kanila at patuloy silang namumuhay gaya ng dati, nang hindi naaapektuhan. Bagama't mayroon silang kaunting paghanga at inggit sa bituing iyon, at kaunting pagkagusto, pagbalik nila sa tunay na buhay, mayroon silang sariling pag-iisip, at walang anumang nagiging epekto sa sarili nilang buhay at karera, sa sarili nilang pananalig, at sa mga bagay na dapat nilang hangarin at sa landas na dapat nilang tahakin. Ito ang pagkakaroon ng normal na pag-iisip ng pagkatao at ng isang normal na kalagayan ng pag-iisip. Gayumpaman, ang mga taong mahilig umidolo sa mga bituin ay hindi na nakapag-iisip para sa kanilang sarili at wala na silang abilidad na kontrolin ang kanilang sarili sa proseso; ganap silang sunud-sunuran sa mga tinatawag na bituing ito. Ang kanilang mga kaisipan at ang kalagayan ng kanilang buhay ay ganap na nakokontrol at nadidiktahan ng mga salita, kilos, at emosyon ng mga bituin. Hindi na lang ito isang problema ng pagkatao—ang kalagayan ng kanilang pag-iisip ay medyo problematiko. Naging hindi normal na ang kanilang mga emosyon, naging magulo ang kalagayan ng kanilang pang-araw-araw na buhay, at ganap na silang nawalan ng direksyon. Ang buong buhay nila ay umiikot lamang sa pag-idolo sa mga bituin; ang pag-idolo sa mga bituin ang tanging bagay na kailangang-kailangan sa kanilang landas ng pag-iral. Hangga't sila ay nabubuhay at humihinga, ikinasisiya nila ang pag-idolo sa mga bituin, at umaasa sila rito para magpalipas ng oras araw-araw. Kung hindi sila iidolo sa mga bituin, iisipin nila na ang buhay ay hungkag at walang kabuluhan, at na namumuhay sila nang walang anumang layon o direksyon, at walang direksyon ang kanilang puso. Kaya, paminsan-minsan, pakiramdam nila ay kailangan nilang mag-online para maghanap ng mga pinakabagong balita sa sikat na personalidad na gusto nila—kung ano ang kinakain at iniinom nito, kung ano ang kalagayan ng buhay nito sa kasalukuyan, kung kailan ito magdaraos ng konsiyerto, kung kumusta na ang pinakabagong pagganap nito sa pelikula, kung ano ang kalagayan ng buhay may-asawa nito, kung ano ang sitwasyon ng pamilya nito—paminsan-minsan, naghahanap sila ng gayong impormasyon para magpalipas ng oras at para punan ang kanilang hungkag, walang direksyon, at magulong buhay. Hindi ba't ganap na silang nakontrol ng mga sikat na personalidad na ito? Hindi ba't nakontrol na sila ng ganitong kaisipan o kalakaran ng pag-idolo sa mga bituin? (Oo.) Kung gayon, mayroon pa bang konsensiya at katwiran ang ganitong uri ng mga tao? Nawala na sila sa katinuan, naging hindi na normal ang kalagayan ng kanilang pag-iisip. Pagkatapos mailihis at magulo ng ganitong uri ng panlabas na kalakaran o penomenon, nawalan na sila ng direksyon at hindi na nila alam kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa—hindi nila alam kung ano ang mabuti o masama para sa kanila. Kung susubukan ng mga tao na payuhan silang huwag gawin ang isang bagay, sadyang hindi nila ito matanggap o maunawaan. Para makadalo sa konsiyerto ng bituin na sinasamba nila, handa silang gumastos ng katumbas ng tatlo hanggang limang buwang sahod, at isinasangla pa nga nila ang ilang mahalagang gamit, o nanghihiram sila ng pera, at pagkauwi nila, kailangan nilang bayaran ang kanilang mga utang. Nagbabayad sila ng ganitong uri ng halaga para lang makamit ang kanilang layon na umidolo sa mga bituin. Normal ba ang ganitong uri ng mga tao? (Hindi.) Batay sa antas ng pagkahumaling at kawalan ng kontrol sa sarili na naabot nila, nawalan na ng lahat ng konsensiya at katwiran ang gayong mga tao, at hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang sarili; wala silang pakialam kahit kaunti kung gaano karaming pera ang ginagastos nila at gaano kalayo ang nilalakbay nila alang-alang sa pag-idolo sa mga bituin. Kaya, batay sa mga pagpapamalas na ito, napakahirap na maklasipika sila bilang mga normal na tao. Dapat sabihin na may problema sa kanilang pagkatao—nawalan na sila ng pagkamakatwiran. Gumagana pa ba ang kanilang konsensiya, kung gayon? Mayroon pa ba silang konsensiya? (Wala na.) Kung gayon, anong uri sila ng mga tao? Wala silang konsensiya ni katwiran; ang kanilang pagkatao ay naging isa na lang hungkag na katawan. Ang tunay na buhay ng normal na pagkatao ay napalayo nang napalayo sa kanila. Napakahirap para sa kanila na makibagay sa tunay na buhay at napakahirap para sa kanila na pakalmahin ang kanilang isip at makibahagi sa mga normal na usapin ng tunay na buhay. Sa kanilang buhay, naroon lang ang iisang usapin ng pag-idolo sa mga bituin. Kaya, hindi ba't nakontrol na ang kanilang espirituwal na mundo ng usapin ng pag-idolo sa mga bituin? (Oo.) Ang gayong tao, sa panlabas, ay mukhang tao, pero sa diwa, hindi ba't naging isa na lang siyang hungkag na katawan? (Oo.) Anong uri ng mga tao iyong mga naiwan bilang mga hungkag na katawan? (Mga naglalakad na bangkay.) Tama iyan—mga naglalakad na bangkay. Mayroon ba silang pananalig? (Wala.) Mayroon ba silang anumang mga positibong paghahangad? (Wala.) Nauunawaan ba nila kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay, kung ano ang makatarungan at kung ano ang buktot? (Hindi.) Paano makikita na hindi nila nauunawaan? Sa kasalukuyan, ang mga sikat na mang-aawit sa entablado ay nagsusuot ng mga damit na habang tumatagal ay lalong naglalantad ng balat at nagiging mapang-akit, at gumagawa ng mga kilos na pabuktot nang pabuktot. Ang mga manonood na umiidolo sa mga bituing ito ay nakakaramdam ng lalong pagkasabik, kasiyahan, at pagkalango habang pinapanood nila ito. Sa partikular, kapag ang isang pop star ay medyo nadadala ng emosyon at hinuhubad ang kanyang mga damit at inihahagis ang mga ito sa mga manonood, ang mga manonood ay ganap na nababaliw. Ang ilan ay labis na nasasabik kaya inaatake sila sa puso at pagkatapos ay hinihimatay. Ang mga eksena ng pag-idolo sa bituin ay talagang ganito katindi! Minsan ay nagkakaroon pa nga ng mga stampede, at ang ilang tao ay nasusugatan at namamatay kapag nabibigo ang mga pagsisikap na sagipin ang mga tao. Ang lahat ng ito ay mga trahedyang dulot ng pag-idolo sa mga bituin. Ang masugatan at mamatay bilang resulta ng pag-idolo sa isang bituin—sabihin ninyo sa Akin, hindi ba't walang halaga ang gayong buhay? Mayroon ba itong anumang halaga? Batay sa kanilang mga emosyon, sa mga bagay na gusto nila, at sa mga eksenang nagpapatili sa kanila sa sobrang pananabik, may kahihiyan ba ang mga taong ito? Alam ba nila kung ano ang mga positibo at makatarungang bagay, at kung ano ang mga buktot na bagay? (Hindi.) Hindi nila alam. Nakikita ng mga normal na tao ang mga eksenang ito at nakakaramdam sila ng pagkasuklam: “Paanong naging ganito kasama ang mundo? Masyado itong masama!” Pero ang mga taong ito na umiidolo sa mga bituin ay nakikita ang mga eksenang ito at nakakaramdam sila ng kaligayahan, pagmamalaki, kasiyahan, at pagkakontento, naniniwalang wala na silang mga pagsisisi sa buhay na ito, at tumitili at naghihiyawan sila para sa mga eksenang ito. Ipinapakita nito na sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, hindi nila alam kung ano ang mga buktot na bagay, kung ano ang mga makatarungang bagay, kung ano ang mga positibong bagay, o kung ano ang mga negatibong bagay. Hinahabol pa nga ng ilang babaeng tagahanga ng mga mang-aawit o aktor ang paborito nilang lalaking bituin hanggang sa tirahan nito, handang ialay ang kanilang sarili rito. Kapag tumanggi ang bituin, nagagalit pa nga sila at tinatawag na duwag ang bituin. Mayroon man lang bang anumang kahihiyan ang gayong mga tao? Nauunawaan ba nila ang kahulugan ng mga salitang “pagkaramdam ng kahihiyan”? Nauunawaan ba nila kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay? (Hindi.) Hindi man lang nila nauunawaan ang mga salitang “pagkaramdam ng kahihiyan.” Kapag tumatanggi ang bituin, iniinsulto pa nga nila ito. Tao pa ba sila? Hindi sa may kulang sa kanilang pagkatao—nasiraan na sila ng bait; sila ay maruruming espiritu at masasamang espiritu!

Sa iba't ibang grupo ng mga tao, palaging may ilang tao na nahuhumaling sa pag-idolo sa mga bituin. Ang gayong mga tao, sa tumpak na pananalita, ay mga naglalakad na bangkay, at sa partikular na pananalita, sila ay hindi tao. Itinuturing nila ang mga bituin na madalas na lumilitaw sa entablado at sa mga screen bilang isang bagay na dapat habulin, at itinuturing pa nga nila ang paggawa nito bilang isang lehitimong propesyon. Sinasayang nila ang kanilang buhay sa ganitong uri ng pamamaraan. Dapat sabihin na sa buong lipunan, ang ganitong uri ng mga tao ay isang espesyal na grupo, halos kapareho ng mga nasa pinakamababang antas ng lipunan na hindi gumagawa ng mga nararapat na gampanin—silang lahat ay mga latak at walang halaga! Wala silang pananalig, walang mga positibong paghahangad, at sa kanilang pagkatao, hindi sila nagtataglay ng anumang mga positibong pangangailangan, mga positibong adhikain, o mga positibong bagay. Gaano man kabuktot o gaano man kadilim ang mundo ng sining, wala silang pakialam o hindi ito kasuklam-suklam sa kanilang paningin, at tinatanggap at sinasang-ayunan nila ito, at higit pa rito, masigasig nila itong sinusunod. Anong uri ng mga tao ang mga indibidwal na ito? Masasabing sila ay mga latak. Mula sa perspektiba ng espirituwal na mundo, ang ganitong uri ng mga tao ay maruruming espiritu at masasamang espiritu. Kapag ang maruruming espiritu at masasamang espiritu ay nagrereinkarnasyon bilang mga tao, kailangan din nilang kumain at kumilos tulad ng mga normal na tao, pero hindi sila gumagawa ng mga nararapat na gampanin, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, at gusto lang nilang maghanap ng mga taong kauri nila para maghanap ng kasiyahan, at wala silang ginagawa habang nagpapalipas ng oras at naghihintay ng kamatayan. Kung hindi sila makapasok sa industriya ng sining, sinusundan nila ang mga tao rito, at sinusunod nila ang lahat ng uri ng masasamang kalakaran sa loob nito para tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Samakatwid, saan man magaling ang mga taong ito, ang katunayan pa lang na mayroon silang gayong mga paghahangad at pinipili nila ang gayong landas at ang gayong paraan ng pamumuhay sa lipunan, ay nagpapakita na hindi sila mabubuting tao o mga taong makapagtatamo ng kaligtasan. Ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na hindi makapagtatamo ng kaligtasan ang gayong mga tao ay mismong dahil sa loob ng kanilang pagkatao ay mayroong isang “kahungkagan.” Ang “kahungkagang” ito ay dapat ilagay sa mga panipi. Bakit? Dahil ang kanilang pagkatao ay hindi nagtataglay ng mga positibong bagay kundi sa halip ay nagtataglay ng lahat ng bagay na taglay ng maruruming espiritu at masasamang espiritu: ang pagsunod sa kasamaan, pagdakila sa kasamaan, pagsunod sa kadiliman, at pagdakila sa kadiliman. Sila ang mga tagasunod sa unahan ng masasamang kalakaran sa buong masamang lipunang ito, pati na rin ang mga tagapagpalaganap ng mga kalakarang ito. Pagkatapos maipalaganap sa publiko ang iba't ibang buktot na maling kaisipan at iba't ibang baluktot na kaisipan at pananaw mula sa mundo ng sining sa pamamagitan ng mga computer, telebisyon, magasin, pahayagan, mga pelikula at palabas sa telebisyon, at iba pa, unti-unting lumalaganap sa mga tao ang mga ito, at pagkatapos ay malawakang kumakalat. Sa gitna ng mga taong ito, ang mga umiidolong ito sa mga bituin ang mismong nangunguna sa pagpapalaganap ng mga buktot na kaisipan o masasamang kalakaran at mga paraan ng paggawa ng mga bagay na matatagpuan sa iba't ibang pelikula at palabas sa telebisyon at mga gawang sining. Sila ang unang linya ng mga tagapagpasa na nagpapalaganap ng iba't ibang buktot na kaisipan at iba't ibang baluktot na kaisipan at pananaw. Sa pamamagitan ng kanilang pasalitang pagpapasa-pasa ng impormasyon, sa pamamagitan ng kanilang mga kongkretong kilos at pagpapamalas, unti-unting sinasang-ayunan at tinatanggap ng publiko ang iba't ibang buktot na kaisipan at masasamang kalakaran. Pagkatapos, unti-unti silang nakokondisyon ng mga ito at nanunuot sa kanila ang mga ito. Sa huli, nagdudulot ito na ang masasamang kalakaran, mga buktot na kaisipan, at mga baluktot na kaisipan at pananaw ay unti-unting magkaroon ng puwang at mabuo sa ilalim ng iba't ibang panlipunang sistema at sa gitna ng iba't ibang grupo ng mga tao. Sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, pagdating sa pag-aasawa, kapag umabot na ang mga tao sa edad na maaari nang mag-asawa, ipinapakilala sila sa isang matchmaker at inirereto sila nito. Ang pag-aasawa ay nangangailangan din ng pahintulot ng parehong panig ng mga magulang, pagkatapos ay nagtatakda ng petsa, at ang mag-asawa ay haharap sa dambana. Sa panlipunang konteksto ng nakaraan, karamihan sa mga tao ay nagpapakita ng paggalang at pag-iingat pagdating sa pag-aasawa sa pagitan ng mga lalaki at babae. Itinuturing nila ang pag-aasawa bilang isang malaking kaganapan at nagagawa nila itong tratuhin nang may kaseryosohan at kataimtiman. Lalo na pagdating sa kanilang mga anak, hinihingi nila sa mga ito na huwag maging imoral, huwag gumawa ng insesto, at huwag makibahagi sa mga ipinagbabawal na seksuwal na pakikipag-ugnayan—ang mga hinihinging ito ay dapat sundin. Kahit papaano man lang, karamihan sa mga tao ay may ganitong konsepto sa kanilang puso. Sa ganitong paraan, sa ilalim ng pagpipigil ng konsensiya ng kanilang pagkatao, maraming tao ang umiwas sa masasamang gawa ng pakikibahagi sa mga ipinagbabawal na seksuwal na pakikipag-ugnayan at pagkamahalay, na, hanggang sa isang antas, nagprotekta sa kapwa mga lalaki at babae. Siyempre, mayroon din itong positibong epekto at impluwensiya sa lagay ng lipunan. Gayumpaman, sa pag-unlad ng mga panahon at sa paglitaw ng iba't ibang gawang sining, ang lahat ng uri ng mga kaisipan at pananaw na nagsusulong ng kalayaang seksuwal, kalayaan sa pag-aasawa, at iba pa ay patuloy na lumitaw. Sa isang banda, isinusulong ang mga ito ng ilang indibidwal; dagdag pa rito, itinataguyod at malawakang ipinapalaganap ng lipunan ang mga ito nang mas higit pa sa pamamagitan ng mga pagtatanghal at pagganap sa iba't ibang anyo ng sining. Ang mga kaisipang ito ay unang kinikilala at tinatanggap ng isang bahagi ng mga umiidolo sa bituin—ibig sabihin, ang unang manonood para sa mga ito ay ang mga umiidolong ito sa mga bituin. Dahil ang mga taong ito ay umiidolo sa mga bituin, mabilis nilang tinatanggap at sinasang-ayunan ang mga kaisipang ito na isinusulong ng mga bituin sa entablado, sa screen, o sa ilang anyo ng sining. Pagkatapos na matinding sang-ayunan ang mga ito, iniimpluwensiyahan din nila ang kanilang mga anak pati na rin ang mga tao sa paligid nila sa pang-araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan, ipinapasa ng isang tao ang mga kaisipang ito sa sampung tao, ipinapasa ng sampung tao ang mga ito sa isandaan, ipinapasa ng isandaang tao ang mga ito sa isang libo, ipinapasa ng isang libong tao ang mga ito sa sampung libo—ikinakalat ang mga kaisipang ito mula sa isang maliit na saklaw patungo sa mas malawak na saklaw. Sa susunod na isa o dalawang taon, isinasatinig ng mga tao ang mga kaisipang ito, at pagkalipas ng lima o sampung taon, isinasatinig pa rin nila ang mga ito. Pagkalipas ng dalawampu o tatlumpung taon, ang gayong mga buktot na kaisipan ay nabubuo nang nabubuo sa gitna ng mga tao, palawak nang palawak na naipapalaganap ang mga ito sa bawat sulok ng lipunan, at palalim nang palalim na naitatanim sa puso ng bawat tao. Pagkatapos, ang mga buktot na kaisipan at masasamang kalakarang ito ay unti-unting sinasang-ayunan ng mga tao at unti-unting tinatanggap ng publiko, at habang tumatagal, ang mga tao ay lalong nagiging mapagpalayaw sa sarili, imoral, at walang pagpipigil pagdating sa pag-aasawa at sa mga usapin sa pagitan ng mga lalaki at babae. Naniniwala ang mga tao na ito ay pagiging bukas ang isip at pagkakaroon ng malawak na pananaw, at na ito ay tanda ng may-gulang na pagkatao, nagsasalita tungkol sa mga negatibong bagay na para bang ang mga ito ay positibo at lehitimo. Sa puntong ito, ang masasamang kalakaran ng buong lipunan ay lumaganap nang matindi, nangibabaw, at naging pangunahing kalakaran. Ang karamihan sa mga tao ay wala nang mga tamang kaisipan at pananaw pagdating sa pag-aasawa sa pagitan ng mga lalaki at babae at sa mga ugnayan ng lalaki at babae; pakiramdam nila ay hindi malaking isyu ang mga bagay na ito. Sa partikular, lalong naging karaniwan ang homoseksuwalidad; higit pa rito, lalong naging karaniwan ang mga pakikiapid sa hindi asawa, at sa gayon ay tumaas nang tumaas ang bilang ng mga nagdidiborsiyo. Mas maraming bata rin ang nawalan ng pagmamahal ng ama at ina, namumuhay sa isang tahanan na may nag-iisang magulang o sa isang tahanan na may madrasta o amain. Maraming tao ang may karelasyon na sa kabilang kasarian bago pa mag-asawa at hindi nila ito nakikita bilang kahiya-hiya, at iniisip pa nga nila na normal ito, na ganito ang lipunan, at na hindi ito malaking isyu. Sa lahat ng oras, ang kabuktutan ay kabuktutan magpakailanman, at ang mga positibong bagay ay positibo magpakailanman. Kahit pa iniisip mo na hindi ito malaking isyu, iyon ay dahil sa masamang kalakarang ito at sa pagkabulok ng lipunang ito—dulot ito ng paggawang tiwali ni Satanas sa mga tao at ng pagtatanim at pagpupuno sa kanila ng mga buktot na kaisipan at masasamang kalakaran. Hindi totoo na ang mga positibong bagay ay maaaring tawaging negatibo, o na ang mga negatibong bagay ay maaari na ngayong gawing mga positibong bagay. Kung ganito ka mag-isip, ito ay dahil hindi mo nauunawaan ang katotohanan o kung ano ang mga positibong bagay. Dulot ito ng pagkapuwersa sa iyo, sa ilalim ng mga sitwasyong ito, na tumanggap ng masasamang kalakaran at mga buktot na kaisipan bilang mga prinsipyo at pundasyon sa kung paano ka umasal. Ang lipunang ito at ang sangkatauhang ito ay malalim na nagawang tiwali sa ganitong paraan, nang paunti-unti. Samakatwid, sa usapin ng malawakang pagpapalaganap at malalim na pagtatanim ng masasamang kalakaran sa puso ng mga tao, ang mga umiidolong ito sa mga bituin ay gumagampan sa papel ng tagapanguna sa pagpapalaganap ng masasamang kalakaran at mga buktot na kaisipan at pananaw. Sila ang mga pangunahing tagapagpalaganap ng mga bagay na ito. Kung sasabihin natin na ito ay ang paggawang tiwali ni Satanas sa mga tao, ito ay medyo malabo o abstrakto. Pero kung sasabihin natin na ang mga umiidolong ito sa mga bituin ang mga aktuwal na tagapagsulong ng pagpapalaganap ng mga kaisipan ni Satanas at ng masasamang kalakaran ni Satanas, ito ay napakatumpak. Ito ay dahil sila ang grupo ng mga tao na pinakamalapit sa mundo ng sining o sa iba't ibang buktot na kaisipan at masasamang kalakaran, at sila ang bahagi ng mga tao na malapit na nakakasalamuha ang mga bituin sa pelikula at mga sikat na mang-aawit na ito. Kung wala ang mga taong ito na humahabol sa kanila, kung wala ang nahuhumaling na pagsuporta ng mga ito, ang mga tinatawag na sikat na mang-aawit at bituin sa pelikula na ito ay hindi magiging ganoon kaakit-akit, ganoon katanyag, ganoon kamaimpluwensiya, at ganoon kamakapangyarihan sa panlilihis. Dahil mismo sa labis na paghanga at matinding paggaya ng mga umiidolong ito sa mga bituin kaya ang iba't ibang masasamang kalakaran at buktot na kaisipan ay naipalaganap sa mga tao nang napakabilis. Sa pamamagitan ng kanilang mga kongkretong kilos, sinasabi nila sa publiko na ang iba't ibang buktot na bagay at iba't ibang baluktot at buktot na kaisipan at pananaw na lumilitaw sa mundo ng sining ay mga bagay na dapat tanggapin ng mga tao, na ang mga bagay na ito ay napakanormal at napakalehitimo. Sa huli, unti-unting tinatanggap ng karamihan sa mga tao ang mga buktot na paraang ito ng paggawa ng mga bagay at ang mga buktot na kaisipan at pananaw na ito. Bilang resulta, ang mga pakikiapid sa hindi asawa, ang pagkamahalay, o ang alinman sa mga buktot na kaisipan, pananaw, at paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ng mga tinatawag na kilalang personalidad, sikat na mang-aawit, at bituin sa pelikula na ito ay binabalewala na, nang walang sinumang nagpapahayag ng tamang opinyon o paghusga sa mga bagay na ito. Kaya, gaano man kamahalay ang mga kilalang personalidad, sikat na mang-aawit, at bituin sa pelikula na ito, hindi sila itinitiwalag o kinokondena kundi patuloy nilang ipinangangalandakan ang kanilang sarili sa entablado. Ganap itong umaayon sa isang sikat na kasabihan sa lipunan: “Kutyain ang mahirap, hindi ang mga patutot.” Isa itong tunay na paglalarawan ng pagkabulok ng sangkatauhan, at ebidensya rin nito. Tingnan mo, kapag nananampalataya ka sa Diyos at inaaresto at ikinukulong ka, kinukutya at minamaliit ka ng mga tao. Ang totoo, alam din nila na wala kang ginawang masama—ang pananampalataya sa Diyos ay pagkakaroon ng pananalig, pagnanais na maging isang mabuting tao, at pagnanais na makapunta sa langit; ang mga babaeng mananampalataya ay hindi nagbebenta ng kanilang katawan at nagtatrabaho bilang mga patutot, at ang mga lalaking mananampalataya ay hindi nanghoholdap kundi umaasal sa paraang sumusunod sa panuntunan. Ngunit kinaiinisan ka ng mga tao. Kung ang isang babae ay isang kaakit-akit na dilag, at mayroon siyang mga hindi disenteng pakikipag-ugnayan sa matataas na opisyal at mayayamang tao, at namamasyal siya sakay ng mararangyang sasakyan araw-araw, naiinggit at humahanga sa kanya ang iba, sinasabi nila: “Talagang mayroon kang ibubuga, ang galing mo. Nagagawa mong kumita ng pera para sa mga magulang mo para makakain sila ng masasarap na pagkain at makapagsuot ng magagandang damit. Talagang mahalaga ang hitsura mo!” Pero kung mayroon kang magandang hitsura at nagpakasal ka sa isang taong nananampalataya sa Diyos, pagtatawanan ka nila. Hindi ka lang nila pagtatawanan, kundi kapag nakita ka nilang inuusig, aapihin ka rin nila. Hindi ba't ganoon nga? (Oo.)

Walang anumang kabuluhan ang mga bagay na ginagawa ng grupong ito—ng mga umiidolong ito sa mga bituin. Sa kabaligtaran, nagpasidhi ang mga kilos na ito sa pagpapalaganap ni Satanas ng mga buktot na kaisipan at masasamang kalakaran. Tingnan mo ang mga umiidolo sa mga bituin sa kasalukuyang panahon—umaakyat sa entablado ang ilang babae at walang pag-aatubiling kumakanta at sumasayaw, at kapag nakakita sila ng isang sikat na mang-aawit, sinasamba nila ito nang walang katapusan. Lubha itong naiiba sa mga babae noong dekada 40 at 50. Sa mga salita ng mga walang pananampalataya, naging bukas sila—bukas sa kaisipan, at bukas sa seksuwalidad, malaya sila sa parehong larangang ito. Sinasabi ng ilang tao: “Anong panahon na ba ito? Sino ba ang gumugugol ng lahat ng kanyang mga araw kasama ang iisang mister lang? Sino ba ang palaging umiikot ang buhay sa kanyang mga anak? Kailangan mong humanap ng bago kapag kaya mo, at magpakasaya ka kapag may pagkakataon!” Tingnan mo kung anong uri ng mga kaisipan mayroon ang mga taong ito—lubhang kakila-kilabot ang mga ito! Kung ganito rin mag-isip ang isang mananampalataya sa Diyos, isa ba itong magandang senyales? Kung ang isang mananampalataya ay mayroong ganitong mga kaisipan at pananaw, naiinggit at sumasamba sa gayong mga tao, at gustong maging gayong tao, hindi ba't lubhang kakila-kilabot at napakamapanganib niyon para sa kanya? (Oo.) Huwag muna nating pag-usapan sa ngayon kung gaano ito kakila-kilabot o kamapanganib. Batay lang sa diwa ng mga taong ito, sa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, labis silang naiinggit, humahanga, at nagmamahal sa mga bituing ito. Kaya nilang tanggapin ang lahat ng uri ng pag-uugali at lahat ng uri ng kaisipan at pananaw mula sa mga bituin. Gaano man kabuktot ang mga kaisipan, kaya nilang tanggapin ang mga ito. Naniniwala sila, “Ganito dapat umasal ang mga tao—ito lang ang pagiging malaya. Dapat pahintulutang umiral ang lahat ng kaisipan at pananaw. Kung tutuusin, iba-iba naman talaga ang mga tao sa mundo.” Sa kanilang mga kaisipan, walang pagkakaiba ang positibo at negatibo, walang pagkakaiba ang tama at mali. Hindi ba't hindi ito normal na pag-iisip? Kung dahil sa mahinang kakayahan kaya walang abilidad ang isang tao na kilatisin kung ano ang tama at mali, pero mayroon pa rin siyang pagkaramdam ng kahihiyan, at kaya niyang manindigan sa isang bagay kung alam niyang tama ito, at hinding-hindi niya gagawin ang isang bagay kung alam niyang mali ito, at kaya niyang kasuklaman ang isang bagay sa kanyang puso kung alam niyang buktot ito, kung gayon, isa pa rin itong normal na tao. Pero kung malinaw niyang alam na mali ang isang bagay, na buktot ito, ngunit hindi lang sa hindi niya ito nilalabanan, kundi kaya rin niya itong tanggapin nang walang pag-aatubili, at kinaiinggitan at sinusunod pa ito, lumulubog nang palalim nang palalim, kung gayon, hindi siya tao kundi isang naglalakad na bangkay. Sira na siya at hindi makapagtatamo ng kaligtasan. Samakatwid, hindi masasabi na ang ganitong uri ng mga tao ay may masamang pagkatao, kaunting integridad, ubod ng samang karakter, o na wala silang konsensiya at katwiran—hindi iyon ang isyu. Ang pinakamalaking isyu ay na sadyang wala silang pagkatao. Kaya, ano ang mga taong ito? Maruruming espiritu, masasamang espiritu, at mga naglalakad na bangkay. Sila ang mga tagapagsulong, tagapagpasa, at tagapagpalaganap ng iba't ibang masasamang kalakaran at iba't ibang buktot at baluktot na kaisipan at pananaw. Katulad lang ito ng isang salot—isang taong may dalang virus ang nagpapakalat nito saanman siya magpunta, at habang dumarami ang lugar na pinupuntahan niya, mas malawakang kumakalat ang virus. Ang mga umiidolong ito sa mga bituin ay katumbas ng mga tagapagdala at tagapagpalaganap ng virus, kaya talagang hindi sila mga miyembro ng sangkatauhan—sila ay hindi tao. Ano ang kahulugan ng mga tinatawag na hindi tao? Ang mga taong ito ay ang mga tagapagsulong at tagapagpalaganap ng masasamang kalakaran at mga buktot na kaisipan at pananaw. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Kung naiinggit ka pa rin sa mga bituing ito sa iyong puso o minsan mo nang ginustong maging ganitong uri ng tao, sinasabi Ko sa iyo, isa itong landas na walang balikan. Huwag na huwag mong subukang maging ganitong uri ng tao! Kung gumanap ka na kailanman ng isang papel sa isang pelikula o palabas sa telebisyon, kung ninais mo na kailanman na maging isang bituin sa pelikula o isang kilalang personalidad at nagplano ka nang tahakin ang landas na ito, sinasabi Ko sa iyo—agad kang huminto. Hindi ito isang usapin ng pagpaparusa o paggantimpala. Isa itong landas na patungo sa walang hanggang pagkapahamak—huwag na huwag mo itong tahakin! Kung gusto mong sundan ang ganitong uri ng tao dahil pansamantala kang nailihis o nanghina, o dahil sa pansamantalang inggit at pag-aasam, pakinggan mo ang Aking babala, pakinggan mo ang Aking panghihikayat—agad kang huminto. Huwag na huwag kang pumasok sa industriyang iyon, huwag na huwag kang pumasok sa mga hanay na iyon; huwag na huwag kang maging isa sa kanila. Kung hindi ka makapagpursigi sa pagtahak sa tamang landas o sa paggawa ng mga makabuluhang bagay, hindi ka pa rin dapat maging isang tagapagpalaganap ng masasamang kalakaran at mga buktot na kaisipan at pananaw—iyon ay isang landas na isinumpa ng Diyos. Kaya, anuman ang papel na ginampanan mo noon sa isang pelikula o palabas sa telebisyon, itinuring mo man ang sarili mo bilang isang mahalagang personalidad, isang kilalang personalidad, o isang mataas na personalidad—paano mo man ipinosisyon ang sarili mo—lumipas na ang lahat ng iyon, mali ang lahat ng iyon. Kung huminto ka na ngayon, masasabi lang na noong panahong iyon, ang tayog mo ay wala pang gulang at hindi mo naunawaan ang katotohanan. Huwag kailanman mag-isip nang ganyan sa hinaharap, at huwag din kailanman tahakin ang landas na iyon. Kung gusto mong maging isang mahalagang personalidad o isang kilalang personalidad, kung gusto mong sambahin at sundan ng iba, agad mong isipin ang mga salitang sinabi Ko ngayon. Para sa sinumang tao, nakalulungkot na matanggap ang balita ng walang hanggang pagkapahamak—ito ang pinakamasamang posibleng balita. Iyon ay isang landas na isinusumpa ng Diyos. Huwag na huwag mong tahakin ang landas na ito, huwag na huwag kang madungisan ng karumihang ito. Ang pagtahak sa landas na ito ay nangangahulugan ng walang hanggang pagkapahamak! Dapat kang umasal sa paraang sumusunod sa panuntunan dahil ikaw ay isang nilikha, isang miyembro ng nilikhang sangkatauhan. Anuman ang papel na ginampanan mo, anumang gawain ang ginawa mo, o anumang mga kontribusyon ang nagawa mo sa sambahayan ng Diyos, sa huli, dapat mong tukuyin ang nararapat mong posisyon. Anong posisyon? Ikaw ay isang nilikha, isang miyembro ng nilikhang sangkatauhan. Dapat mong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Ang paggampan mo ng tungkulin ay dapat na pasok sa pamantayan, dapat itong gawin nang ayon sa ikasisiya ng Diyos. Dapat mong patotohanan ang Diyos, ipalaganap ang mga salita ng Diyos, dapat kang maging isang saksi para sa Diyos, at magtamo ng kaligtasan. Ito ang panghabambuhay na responsabilidad at obligasyon na tungkulin mong tuparin, pati na rin ang landas na dapat mong piliin. Hindi mo dapat sundin ang masasamang kalakaran ni Satanas at hindi ka dapat maging isang tagapagpalaganap at tagapagpasa ng mga buktot na kaisipan at pananaw. Ang mga taong iyon ay ang mga latak ng sangkatauhan, sila ay masasamang espiritu at maruruming espiritu. Sila ay isinumpa at itinalaga sa walang hanggang pagkapahamak! Kung tatahakin ng isang tao ang landas na iyon at kahit sampung mailap na kabayo ay hindi siya mahila pabalik, makukuha niya ang nararapat sa kanya—hindi siya hahantong sa magandang kahihinatnan. Samakatwid, sa lahat ng oras, dapat mong malaman na ikaw ay isang nilikhang tao, dapat mong malaman kung ano ang nararapat mong posisyon, kung ano ang dapat mong gawin, at kung anong uri ng landas ang dapat mong tahakin. Ito ang pinakamahalagang bagay. Kinakailangan bang pagbahaginan ang mga bagay na ito? (Oo.) Ang mga paksang may kinalaman sa mga landas ng mga tao sa buhay ay napakahalaga. Paminsan-minsan, dapat ninyong pakinggan at pagnilayan ang mga ito. Ang paggawa nito ay kapaki-pakinabang at nakatutulong para sa inyong buhay pagpasok at para sa inyong pagtahak sa tamang landas sa buhay—mayroon itong maganda, positibo, at nakabubuting epekto sa mga bagay na ito. Huwag ninyong kalimutan ang mga salitang ito.

Hanggang dito na lang ang pagbabahaginan natin sa araw na ito. Paalam!

Disyembre 30, 2023

Sinundan:  Paano Hangarin ang Katotohanan (10)

Sumunod:  Paano Hangarin ang Katotohanan (12)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger