Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (15)
Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa tatlong partikular na pagpapamalas ng pagkalihis sa mga taongnagreinkarnasyon mula sa mga diyablo: kalaswaan, seksuwal na pang-aakit, at kalaswaan—ibig sabihin, mga lihis na pagpapamalas na taglay ng mga tao tungkol sa seksuwal na pagnanasa. Ang pangunahing problema sa gayong mga tao ay na ang saloobin nila sa seksuwal na pagnanasa ay lubhang mahalay; sinasalangsang nila ang mga hangganan ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, at hindi nila pinipigilan o kinokontrol ang kanilang mga seksuwal na pagnanasa sa anumang sitwasyon, bagkus ay hinahayaan nilang maghari ang mga ito. Mayroon ding isang bahagi ng mga tao na lalong mahalay; ibig sabihin, batay sa pagiging mahalay, nagiging wala silang prinsipyo, lalo pang sumasama. Ang ilan sa kanila ay naghahanap pa nga at gumagawa ng lahat ng uri ng pagkakataon para matugunan ang kanilang mga seksuwal na pagnanasa habang nangangaral ng ebanghelyo. Partikular nilang ipinapangaral ang ebanghelyo sa mga miyembro ng kasalungat na kasarian, at sa sandaling makahanap sila ng angkop na puntirya, inilulunsad nila ang kanilang pag-atake, gamit ang iba’t ibang paraan at pamamaraan para akitin ang kabilang panig na kumagat sa pain, gumagamit pa nga ng mga kasuklam-suklam na panlalansi para makamit ang kanilang mga pakay. Habang nangangaral ng ebanghelyo, hindi lang ganito umasal ang mga taong ito, kundi gumagawa rin sila ng mga bagay na nagdudulot ng matinding kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Hindi lang sila nag-iisip ng malalaswang bagay, kundi, sinasamantala nila ang pagkakataon ng pangangaral ng ebanghelyo bilang isang pagdadahilan para matugunan ang kanilang mga seksuwal na pagnanasa. Higit pa rito, paulit-ulit nilang ginagawa ang parehong pagkakamali, ginagawa ang parehong mga bagay sa mga tao na may iba’t ibang edad at may iba’t ibang sitwasyon. Sabihin ninyo sa Akin, kapag natuklasan ang gayong mga tao, paano sila dapat pangasiwaan? Dapat ba silang pahintulutang ipagpatuloy ang paggawa sa tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo, o dapat ba silang paalisin at patigilin sa paggawa sa tungkuling ito? (Dapat silang paalisin.) Sayang bang paalisin sila? Paano kung makapagkamit pa sila ng isa pang tao? (Kung pananatilihin sila at hahayaang imagpatuloy sa pangangaral ng ebanghelyo, magiging mas malubha pa ang mga kahihinatnan. Sa sandaling gumawa sila ng malalaswang aktibidad, nagbibigay-kahihiyan ito sa pangalan ng Diyos.) Sabihin ninyo sa Akin, makapagkakamit ba ng mga tao ang gayong mga tao na ang isipan ay palaging abala sa seksuwal na pagnanasa kapag nangangaral sila ng ebanghelyo? (Hindi.) Kahit na paminsan-minsan ay makapagkamit sila ng ilang tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, kaya rin nilang gumawa ng mga bagay na nagbibigay-kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Hindi ba’t mas nakakasama kaysa nakakabuti ang paggamit sa gayong mga tao? (Oo.) Kung gayon, sayang pa rin bang paalisin sila? (Hindi.) Puwede bang magbago ang ganitong uri ng tao? Madali bang lutasin ang problema niya? (Hindi. Isa itong problema ng kanyang kalikasang diwa; hindi ito maaaring magbago.) Ang mga taong puno ng pagnanasa ay hindi tao; isang diyablo ang nananahan sa loob nila, ginagamit ang kanilang laman para sabihin kung ano ang gusto nitong sabihin at gawin kung ano ang gusto nitong gawin. Kung gumagamit ang iba ng mga panghihikayat at babala na naaayon sa konsensiya at katwiran, mababago ba ng mga bagay na ito ang kanilang kalikasang diwa? (Hindi.) Kung gayon, malulutas ba ang problema nilang ito sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan ng katotohanan para tulungan sila? (Hindi.) Kahit pa sila ay pungusan, may itinalaga para mangasiwa sa kanila, o inilipat sila sa ibang kapaligiran para wala silang pagkakataong magpasasa sa kanilang mga seksuwal na pagnanasa, maaari bang malutas ang maladiyablong kalikasan sa loob nila? (Hindi.) Sa anumang ginagawa ng mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, wala silang pagkatao. Ito ay itinatakda ng kanilang kalikasang diwa. Samakatwid, paano ka man makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para hikayatin o tulungan sila, hindi nito malulutas ang problema ng kanilang kalikasang diwa. Sa isang banda, ito ay dahil ang kalikasang diwa ng mga diyablo ay na kinamumuhian nila ang katotohanan at hindi nila matanggap ang katotohanan kahit katiting. Sa kabilang banda, ang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo ay walang konsensiya at katwiran, at wala silang katiting na kamalayan tungkol sa kasamaang ginagawa nila at hindi sila kailanman nakakaramdam ng kahihiyan, pagsisisi, o pagkabagabag. Kaya, hindi nila taglay ang pakiramdam ng pagkapahiya o ang pakiramdam ng kahihiyan na dapat taglayin ng mga normal na tao. Hindi nila nauunawaan ang moralidad at etika ng tao, o ang dignidad at pakiramdam ng kahihiyan na dapat taglayin ng isang tao sa pag-asal. Wala silang nauunawaan sa mga bagay na ito. Kahit na makapagsabi sila ng ilang doktrinang magandang pakinggan, hindi nito pinatutunayan na nagtataglay sila ng normal na pagkatao; sila ay mapagpaimbabaw at nanlilinlang lamang ng mga tao. Samakatwid, anuman ang mga katotohanang ibinabahagi sa gayong mga tao, hindi mababago ang kanilang kalikasang diwa. Kung gayon, mayroon lang isang solusyon: Huwag gamitin ang gayong mga tao para sa tungkulin. Alisin sila. Nalulutas nito ang problema. Sinasabi ng ilang tao, “Kung ititiwalag at paaalisin sila, at hindi na sila magpapasasa sa kanilang seksuwal na pagnanasa at manggugulo sa gawain sa loob ng sambahayan ng Diyos, hindi ba’t makapipinsala pa rin sila sa mga tao kung gagawin nila ang mga bagay na ito sa gitna ng mga walang pananampalataya? Hindi ba’t dapat silang panatilihin sa sambahayan ng Diyos, na may itinalagang isang tao para mangasiwa sa kanila, para mapigilan silang maminsala ng mga tao sa lipunan?” Tama ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit ito hindi tama? (Ang pagpapanatili sa kanila sa sambahayan ng Diyos ay nakakapinsala sa mga kapatid, nakakagulo sa gawain ng iglesia, at nakakagambala sa gawain ng Diyos. Hindi ito angkop. Hayaan silang bumalik sa mundo. Napakaraming diyablo at Satanas sa mundo, at anuman ang mga uri ng kaguluhang idulot nila, hindi ito maituturing na pamiminsala sa mga diyablo. Dahil silang lahat ay mga diyablo, ang ginagawa nila sa isa’t isa ay hindi maituturing na pamiminsala.) Hindi ba’t umaayon sa realidad ang pananaw na ito? (Oo.) Tama ang pananaw na ito. Ang mga nagpapasasa sa mga seksuwal na pagnanasa ay mga diyablo, at hindi sila maaaring pahintulutang manatili sa sambahayan ng Diyos para pinsalain ang mga kapatid. Anuman ang gawin nila sa lipunan ay walang kinalaman sa sambahayan ng Diyos, dahil ang mga hindi nananampalataya sa Diyos ay walang pagkatao at pawang mga diyablo. Paano man mag-away-away ang mga diyablo, hindi nito magugulo ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Silang lahat ay kay Satanas, at sa simula pa lang ay kasabwat na sila ni Satanas. Libo-libong taon na nilang inaaway at pinipinsala ang isa’t isa. Ano ang pakialam natin doon? Nagdudulot sila ng pinsala sa isa’t isa, na isang bagay na kusa nilang ginagawa. Lahat sila ay pare-parehong masasama; mga ibong magkakapareho ng balahibo. Sa madaling salita, ayaw ng sambahayan ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Dahil ang mga taong diyablo ay hindi nag-aasikaso ng mga wastong gawain at walang konsensiya o katwiran, nasaan man sila, nagdudulot lang sila ng mga kaguluhan, at nakikibahagi lang sila sa pananabotahe at pagkawasak. Hindi sila makakagawa ng anumang bagay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Kaya lang nilang pinsalain ang mga tao. Kahit na makapagserbisyo sila nang kaunti, mas matimbang pa rin ang mga kawalang idinudulot nila kaysa rito. Ang gayong mga tao ay maaaring mukhang napakabait at tila walang ginagawang anumang masama, pero sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataon, kaya nilang gumawa ng talagang masasamang bagay. Samakatwid, dapat agarang harapin ang gayong mga tao sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanila. Bagama’t maaari silang magserbisyo nang kaunti at gumawa ng ilang tamang bagay, hindi ito nangangahulugang tunay na silang nagsisi, lalo namang hindi nagbago ang kanilang kalikasang diwa. Anuman ang kasalukuyan nilang kondisyon, hindi dapat malihis ng kanilang huwad na hitsura ang isang tao, lalo namang hindi sila dapat pagkatiwalaan o paniwalaan na kaya nilang gumawa ng anumang gawain. Dahil ang kanilang kalikasang diwa ay sa isang diyablo, saanman sila mamumuhay ng buhay iglesia, sila ay isang bombang nagbabadyang sumabog at nagdudulot ng banta sa lahat. Kahit na pansamantala silang tumigil sa paggawa ng masasamang bagay, ang kanilang bawat salita at kilos, ang kanilang bawat galaw, ay makaaapekto pa rin sa kondisyon ng kalooban at mga emosyon mo, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa iyong mga pananaw. Ito ang kahihinatnan ng pagkakaroon ng diyablo sa malapit. Halimbawa, ipagpalagay na kamakailan ay nasa masamang kalagayan ka o medyo negatibo, o nakarinig ka ng ilang negatibong propaganda at walang batayang mga tsismis, na naging sanhi para magkaroon ka ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Kung mayroong isang diyablo na malapit sa iyo, maaari kang patuloy na magkaroon ng mga bangungot kapag natutulog ka. Maaari pa ngang pagkatapos mong makipag-usap sa kanila, bukod sa bigong maging positibo at masigla ang kalagayan mo, lalo ka pang nakakaramdam ng panlulumo at kadiliman sa loob ng iyong espiritu. Habang lalo kang napapalapit sa kanila, lalong hindi mo nararamdaman ang presensiya ng Diyos. Habang mas matagal kang nakikipag-ugnayan sa kanila, lalong lumalayo ang iyong puso sa Diyos, lalo mong nararamdaman na walang kabuluhan ang pananampalataya sa Diyos, at makakaapekto pa nga sa iyong mga kaisipan at makakaimpluwensiya sa iyong mga pananaw at saloobin sa mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo ang bawat salita at kilos nila. Gayumpaman, kapag nakikisalamuha at nakikipag-ugnayan ka sa mga ordinaryong tiwaling tao, iba ito, at hindi ka magkakaroon ng masasamang reaksiyong ito. Samakatwid, kahit na hindi malinaw na maramdaman ng mga tao ang pinsalang dulot ng gayong mga tao na mga diyablo kapag nasa malapit ang mga ito, ang pinsalang idinudulot nila sa iba ay palagian, gayundin ang bantang idinudulot nila. Kahit na mukha silang labis na magiliw sa iyo, tila hindi ka nila kinamumuhian, at hindi ka nila hinusgahan o inatake, basta’t sila ay mga diyablo at hindi mga tao, magkakaroon pa rin ng epekto sa iyo ang kanilang mga salita at kilos, pananalita at pag-uugali. Ang epektong ito ay nangyayari nang hindi mo namamalayan, at maaaring hindi ito maramdaman ng mga hindi nakauunawa sa katotohanan. Samakatwid, kung may matuklasang mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo sa loob ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, lalo na ang mga taong walang pakundangang nagpapasasa sa kanilang mga seksuwal na pagnanasa, dapat silang agarang harapin at paalisin. Hindi dapat bigyang-layaw o kunsintihin ang masasamang tao. Palaging iniisip ng mga tao na sa mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, ang pagkakaroon ng isa pang tao ay nagdaragdag ng isang bahagi ng lakas sa mga pagsisikap sa ebanghelyo. Katanggap-tanggap ang pagkakaroon ng isa pang tao, pero ang pagdaragdag ng isang diyablo ay nangangahulugan ng problema. Kung isa pang tao ito, kahit na medyo mahina ang kakayahan niya at kaya lang niyang gumawa ng mga simpleng gampanin, kahit papaano ay hindi niya guguluhin o pipinsalain ang gawain ng iglesia tulad ng gagawin ng isang diyablo. Pero iba ang isang diyablo. Marahil sa panlabas ay mahusay siyang magsalita at matatas, at batay sa kanyang kakayahan, maaari siyang maging mahusay bilang isang superbisor para sa isang partikular na aspekto ng gawain. Gayumpaman, dahil sa kanilang kalikasang diwa, talagang imposible para sa kanila na gumawa ng gawain nang maayos. Magdudulot lang sila ng ganap na kaguluhan dito, dahil anuman ang ginagawa ng mga diyablo ay nagdudulot ng paggambala, panggugulo, at pinsala. Samakatwid, dapat agarang ilantad at kilatisin ang masasamang gawa ng gayong mga tao, para matukoy at makilatis ng hinirang na mga tao ng Diyos ang masasamang gawa ng mga diyablo. Maliban na lang kung hindi mo pa natutuklasan o napagtatanto na sila ay mga diyablo, at sa palagay mo ay mga normal silang tao na paminsan-minsan lang nagbubunyag ng ilang buktot na pagnanasa—na maaari pang bahagyang maging katwiran para pahintulutan silang manatili para sa karagdagang obserbasyon. Kung matutuklasan mo na hindi lang sila paminsan-minsan nagbubunyag ng buktot na pagnanasa, kundi ikinasisiya nila ito, tulad ng malalaswang taong iyon na, saanman sila magpunta, ay ginagawang priyoridad nila ang paghahanap ng mga miyembro ng kabilang kasarian na gusto nila para magpasasa sa kanilang mga seksuwal na pagnanasa—tulad ng mga diyablong naghahanap ng mga kaluluwang malalamon nila, nililihis, binibitag, at pinipinsala ang mga tao sa lahat ng dako—at sinumang makaugnayan nila ay nagdurusa sa kanilang panliligalig, at palagi silang nag-iiwan ng gayong mga isyu sa kanilang dinaraanan, kung gayon, hindi ito pag-uugali ng isang tao; malinaw na ito ay sa isang diyablo. Dapat paalisin ang mga diyablo sa lalong madaling panahon para maiwasan ang problema sa hinaharap. Maaaring paminsan-minsan ay magkamali ang lahat, mawalan ng kontrol, at gumawa pa nga ng mga bagay na lumalabas sa mga hangganan ng pagkatao, pero hindi palagian ang pag-uugaling ito, hindi nila ito ikinasisiya, at pagkatapos gumawa ng mali at sumalangsang, nakakaramdam sila ng pagsisisi, pagkakonsensiya, at kahihiyan. Kapag nakaharap nilang muli ang parehong sitwasyon o usapin, kaya nilang iwasan ang tukso at magpakita ng mga palatandaan ng pagbabago at pagsisisi. Pero hindi kailanman nagbabago ang mga diyablo, dahil hindi nila kayang magsisi, ni hindi sila nagsisisi. Nakita mo na ba kailanman na nagbago ang kalikasan ng mga diyablo na labanan ang Diyos, lapastanganin ang Diyos, at atakihin ang Diyos? Hindi ito nagbago kailanman. Gaano man katagal nang may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa sangkatauhan at pinamahalaan ito, at gaano man karami ang naibunyag ng Diyos sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat, karunungan, at awtoridad, nananatiling mapanghamon si Satanas at patuloy na nagpoprotesta laban sa Diyos. Kahit na palagi itong talunang kaaway ng Diyos, nagpoprotesta pa rin ito laban sa Diyos, at inaatake at nilalabanan pa rin nito ang Diyos. Samakatwid, kung ang kalikasang diwa ng isang tao ay sa isang diyablo, hindi kailanman mababago ang lihis niyang kalikasang diwa. Ang pagkalihis ang kanyang tunay na mukha, ang pagkalihis ang kanyang kagustuhan at kanya ring kalikasan, kaya hindi siya magbabago. Sa alinmang iglesia mo makita ang ganitong uri ng tao, dapat mo siyang ilantad, kilatisin at pagkatapos ay paalisin sa lalong madaling panahon. Huwag bigyan ang mga diyablo ng pagkakataong magsisi. Ang pagsasagawa sa paraang ito ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa hinirang na mga tao ng Diyos. Kung gayon, anong uri ng tao ang dapat bigyan ng pagkakataong magsisi? Dapat ay nakatitiyak ka na ang gayong tao ay isang normal na tao, hindi isang diyablo, at na sumalangsang lang siya dahil sa pansamantalang kahinaan o sa ilalim ng mga espesyal na sitwasyon, pero pagkatapos ay nakaramdam siya ng pagsisisi, kinamuhian pa nga ang sarili niya at sinampal ang sarili niyang mukha. Dapat ay nakatitiyak ka na gumagana ang kanyang konsensiya. Ang gayong mga tao ay maaaring bigyan ng pagkakataong magsisi. Pero nagpapasasa ang mga diyablo sa kanilang mga seksuwal na pagnanasa sa tuwing may pagkakataon sila. Ito ay itinatakda ng kanilang kalikasan. Samakatwid, hindi maaaring bigyan ng pagkakataong magsisi ang mga diyablo, at dapat silang harapin sa lalong madaling panahon, paalisin o patalsikin. Ito ang prinsipyo sa pagtrato sa ganitong uri ng tao, at ito ang pinakamainam na paraan para harapin siya. Malinaw na ba ang usaping ito ngayon? (Oo.)
Hindi makilatis ng ilang tao ang mga bagay-bagay. Nakikita nila na ang ilan sa mga diyablo ay medyo matanda na, pero patuloy pa ring nakikibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa. Paano man makipagbahaginan ang iba tungkol sa katotohanan, hindi nila ito pinapansin. Kahit na aminin nila nang harap-harapan na nagkamali sila, pagkatapos ay ginagawa pa rin nila ang anumang gusto nila. Ang mga taong hindi nakakakilatis ng mga bagay-bagay ay naiiwanang naguguluhan: “Paano nagkakaroon ang mga diyablo ng gayon kalakas na mga seksuwal na pagnanasa? Paanong napakalihis pa rin nila sa gayong katandang edad? Ang taong ito ay paulit-ulit nang nagkakasala sa mga usaping ito, palaging ganito kung umasal. Paanong wala siyang pakiramdam ng kahihiyan? Paanong hindi siya marunong magpigil?” Hindi ba’t ito ay kabiguang makilatis ang mga bagay-bagay? Pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi pa rin niya alam kung paano pakitunguhan ang mga tao batay sa kalikasang diwa ng mga ito, ni hindi niya nauunawaan na hindi kailanman nagbabago ang kalikasang diwa ng mga diyablo. Hindi ba’t napakahangal at napakamangmang nito? Ipinanganak na ganoon ang mga diyablo; lalaki man o babae, anuman ang edad nila, ganoon sila mismong uri ng nilalang. Ang kanilang kalikasang diwa ay sa isang diyablo. Ang isang pagpapamalas ng kahalayan, seksuwal na pang-aakit, at kalaswaan ng mga diyablo ay ang partikular na pakikibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa, at paggawa nito hanggang sa mamatay ang kanilang laman. Samakatwid, umabot man sila sa anong edad, nananatili silang ganitong uri ng tao at hindi sila magbabago—hindi ito kakatwa. Nakikita mo na hindi na sila bata, at sa panlabas ay hindi sila mukhang ang uri na nakikibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa, pero dahil isang diyablo ang nananahan sa loob nila, nakikibahagi sila sa laro ng seksuwal na pagnanasa nang hindi nalilimitahan ng edad o kasarian ng kanilang laman, ni ng kanilang kapaligiran. Hindi rin ito tiyak na may kaugnayan sa kanilang pamilya o mga magulang; hindi ito isang usapin ng henetika, kundi isang problema ng kanilang panloob na kalikasang diwa. Mayroon silang isang lihis na kalikasang diwa, at iyon ang nagtatakda na ang kanilang katangian ay sa isang diyablo. Dahil nalantad na ang kanilang kalikasang diwa, at itinatakda ng kanilang kalikasang diwa ang kanilang katangian, para sa mga ganitong uri ng tao, anuman ang propesyon na dati nilang ginawa, kahit ilang taon na sila ngayon, at anuman ang kanilang mga kasanayan sa pagsasalita o ang kanilang mga likas na kondisyon—wala sa mga ito ang nakakaapekto sa kanilang katangian. Kung titingnan mo lang ang kanilang panlabas na hitsura, madali kang malilihis nito, sasabihing: “Ang taong ito ay mukhang napakapino at may pinag-aralan, at labis na elegante kung magsalita; tiyak na isa siyang tao na nakauunawa sa kagandahang-asal, katuwiran, integridad, at kahihiyan. Paano niya nagagawa ang gayong mga buktot na bagay? Hindi siya mukhang ang tipo na nakikibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa!” Hindi mo makilatis ang usaping ito; sa tingin mo ay medyo hindi ito kapani-paniwala at medyo mahirap paniwalaan. Napakahangal mo na panghawakan ang pananaw na ito! Kayang gawin ng isang diyablo ang mga maladiyablong bagay anuman ang laman na suot nito. Anuman ang hitsura ng taong ito sa panlabas, gaano man siya katanda, o anuman ang kanyang personalidad, gagawin niya ang anumang naaayon sa kanyang kalikasan. Wala itong kinalaman sa kanyang hitsura, edad, o edukasyon, ni sa kanyang relihiyosong pinagmulan, lalo namang walang kinalaman sa kanyang lahi, at siyempre, wala rin itong kinalaman sa kanyang kapaligiran sa pamilya. Na kaya niyang gawin ang mga bagay na ito at magkaroon ng mga pagpapamalas na ito ay itinatakda ng kanyang diwa at kalikasan. Samakatwid, sa isang banda, huwag mong itong ituring na kakatwa o hindi kapani-paniwala; at sa kabilang banda, huwag kang gumawa ng mga hangal na bagay. Huwag mong laging gustuhing magparaya sa kanya, pagpasensiyahan siya, at bigyan siya ng mga pagkakataong magsisi, gustong iligtas siya para magbago siya, sinusubukang himukin siyang mahalin ang katotohanan para makabalik siya sa landas ng normal na pagkatao. Kung nilalayon mo pa ring tulungan at iligtas ang mga taong ito na mga diyablo, napakahangal mo kung gayon—hindi mo nauunawaan ang diwa ng ganitong uri ng tao, hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo sa pagtrato sa kanila, hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Kung nakikita mo na mayroon silang isang lihis na kalikasang diwa at nilalayon mo pa ring tulungan sila para magsisi sila, ipinapakita nito na hindi ka naniniwala sa mga salita ng Diyos; hindi mo tinitingnan o hinuhusgahan ang mga tao, pangyayari, at bagay batay sa mga salita ng Diyos, at wala kang tunay na pagpapasakop o pagtanggap sa mga salita ng Diyos. Nais mo lang tingnan at husgahan ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay batay sa kung ano ang nakikita mo at sa mga panlabas na penomeno, at nais mo lang kumilos batay sa sarili mong kasiglahan at mabubuting intensyon. Isa itong walang-katotohanang pag-iisip at pananaw, at isa ring pagpapamalas ng paghihimagsik. Ang solusyon sa pagharap sa ganitong uri ng tao na nakikibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa ay napakasimple: Pakitunguhan siya ayon sa kanilang diwa. Hangga’t nakakatiyak ka na siya ay ganitong uri ng tao, pakitunguhan siya sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanya; hindi na kailangang bigyan siya ng isa pang pagkakataon para magsisi. Huwag kang magpapapigil kahit na hindi nauunawaan ng iba. Hindi magbabago ang diwa ng mga diyablo. Sila ay ganitong uri ng nilalang sa kanilang kabataan, nananatili silang ganitong uri ng tao sa kanilang kalagitnaang-gulang, at sa katandaan—sa kabila ng kanilang pagtanda—ganitong uri pa rin sila ng nilalang; hindi sila magbabago. Sabihin ninyo sa Akin, mayroon bang mga lalaking pitumpu o walumpung taong gulang na nang-aakit ng mga dalagita, o mga babaeng animnapu o pitumpung taong gulang na naghahanap ng mga binatang lalaki? (Mayroon.) Maraming gayong kakatwa at lihis na bagay sa lipunan. Nagsimula lang ba silang makibahagi sa laro ng seksuwal na pagnanasa noong tumanda na sila? (Hindi.) Ganito na sila noong bata pa; ganitong uri na sila ng nilalang sa buong buhay nila. Anong mga termino ang ginagamit ng mga walang pananampalataya para ilarawan ito? Ito ang tinatawag nilang “pagpatol sa mas bata”; tinatawag nila itong pagiging maalindog. Tingnan ninyo kung gaano kaganda pakinggan ang kanilang pananalita. Gumagamit sila ng mga termino o kasabihan tulad ng “maalindog,” “malaya ang espiritu,” “marunong mamuhay,” o “kayang lampasan ang mga makamundong kumbensiyon” para ilarawan ang ganitong uri ng bagay at ganitong uri ng tao. Ang mga termino at kasabihang ginagamit ng mga walang pananampalataya para tukuyin ang gayong mga usapin ay kasuklam-suklam. Hindi nila kayang ilapat ang mga tamang terminolohiya para ilarawan ang mga usaping ito mula sa ugat, mula sa diwa, dahil, sa isang banda, ang mundong walang pananampalataya at ang sangkatauhang ito mismo ay lihis, at sa kabilang banda, walang sinuman ang makakilatis sa ugat ng gayong mga problema. Samakatwid, ang kanilang mga pananaw sa pagtukoy sa mga usaping ito ay napakababaw, at napakabaligho at napakabuktot din; hiwalay ang mga ito sa diwa ng mga usaping ito.
Pagkatapos pagbahaginan ang mga pagpapamalas ng kalaswaan, kahalayan, at seksuwal na pang-aakit sa loob ng pagkalihis sa mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo, pagbahaginan natin ang isa pang pagpapamalas ng pagkalihis—ang pagiging kakatwa. Ang salitang “kakatwa” ay sumasaklaw sa maraming nilalaman, na tiyak na may ilang kaugnayan sa mga partikular na pagpapamalas ng pagiging kakatwa. Bukod sa pagiging kakatwa, mayroon ding mga pagpapamalas tulad ng pagiging mahiwaga, sukdulan, at hindi normal; ang lahat ng ito ay mga lihis na pagpapamalas ng mga Satanas at diyablo. Ang mga aspektong ito—ang pagiging kakatwa, mahiwaga, sukdulan, at hindi normal—ay mga bagay na nakikita ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay o sa kanilang mga pakikisalamuha sa iba paminsan-minsan. Magsimula tayo sa pinakamalulubhang kaso, pagkatapos ay talakayin ang mga hindi gaanong malubha. Ano’t anuman, paano man ito magpamalas, lahat ng ito ay kinasasangkutan ng kalikasang diwa ng pagkalihis. Ang pinakamalubhang sitwasyon ay ang madalas na pagsasalita sa di-maintindihang wika. Partikular ito lalo na sa panahon ng pananalangin sa mga pagtitipon, kung saan maaari silang magsalita ng ilang di-maintindihang wika na hindi wika ng anumang bansa at na walang sinumang makaintindi. Kapag nangyayari ito, hindi na ang tao mismo ang nagsasalita, kundi sa halip ay pinaghaharian na sila ng ibang espiritu. Maging sila mismo ay hindi alam kung ano ang sinasabi nila; hindi nila ito natutunan, ni walang sinumang nagturo sa kanila, ngunit sa isang partikular na sitwasyon, basta na lang nila itong sinasabi. Minsan ay aktibo silang nagsasalita sa wikang di-maintindihan, minsan ay pasibo; minsan ay namamalayan nila, minsan ay hindi nila namamalayan. Hindi ba’t napakakakatwa nito? Pagkatapos nilang magsalita, kung hihilingin mo sa kanilang gawin itong muli, hindi nila kaya. Kung tatanungin mo sila kung ano ang sinabi nila, hindi rin nila alam. Ito ay isang uri ng sitwasyon. Mayroon ding mga tao na madalas na nakakarinig ng mga boses na hindi naririnig ng mga normal na tao. Halimbawa, maaari nilang marinig ang isang taong malapit na nagsasalita sa kanila, pero walang sinumang nakikita o naririnig iba. Sa katunayan, nakikipag-usap at nakikipagkuwentuhan sila sa mga hindi kilalang nilalang. Nagsasalita sila nang may matinding sigasig, at hindi mo sila maantala o hindi ka makasingit ng salita. Higit pa rito, ang nilalaman ng kanilang pananalita ay walang-saysay; biglang lumalabas ang mga salita nang walang kaugnayan at walang dahilan. Bilang isang tagamasid, ang panonood dito ay nagdudulot sa iyo ng takot at nagpapakilabot sa iyo. Hindi ba’t napakakakatwa ng gayong mga pagpapamalas? (Oo.) Ang ganitong uri ng tao ay madalas ding nakakakita ng mga kakatwang bagay, mga bagay na hindi nakikita ng simpleng mga mata sa materyal na mundo. Halimbawa, nakikita ng ilan ang mga yumaong kamag-anak na kumakaway, ngumingiti, o tumatango sa kanila, o binabati pa nga sila. Labis silang nasasabik pagkatapos makita ito. Mayroon pa ngang ilang tao na madalas na nakakakita ng mga taong nakaitim na lumalapit at ginagapos sila; nagpupumiglas sila at napapasigaw, “Pakawalan mo ako! Hindi ako sasama! Hindi ako pupunta kahit saan!” Tinatanong sila ng mga tao sa paligid nila kung ano ang problema, pero hindi nila nararamdaman na may sinumang kumakausap sa kanila at patuloy lang sa pagpupumiglas, sumisigaw, “O Diyos, iligtas Mo ako! …” Natatakot at umaalis ang mga taong nakaitim, at pagkatapos ay bumabalik sila sa normal. Pagkatapos matauhan, tinatanong nila ang mga nasa paligid nila kung nakita ng mga ito ang mga taong nakaitim. Hindi nakikita ng mga normal na tao ang mga ito; magiging isang malubhang problema kung makikita nila ang mga ito. Pero ang mga indibidwal na ito ay nakakakita at nakakaramdam sa mga ito. Mayroon pang isang uri ng sitwasyon: Ang ilang tao ay karaniwang tahimik, hindi mahilig magbiro o mag-ingay, pero sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang silang nagsisimulang umikot sa kinatatayuan nila, umiiyak, tumatawa, gumagawa ng gulo, at pinagpapawisan nang husto. Mayroon pa ngang ilan na biglang gumagapang sa lupa na parang mga ahas, o ilan na lumalakad na parang mga pato. Ang isang buhay na tao ay biglang nagiging isang hayop; ang kanilang asal at kilos ay nagiging eksaktong tulad ng sa isang hayop, ganap na naiiba sa isang tao. Ipinapakita nila ang mga pagpapamalas na ito paminsan-minsan. Hindi ba’t kakatwa ito? (Oo.) Hindi ba’t mahiwaga ang mga kakatwang pagpapamalas na ito? (Oo.) Ang mga pagpapamalas na ito ay napakamahiwaga. Ang mahiwaga ay nangangahulugang hindi normal, lampas sa natural o normal na mga sitwasyon—ito ay tinatawag na mahiwaga. Ito ay hindi pangkaraniwan, naiiba sa mga normal na pagpapamalas ng mga ordinaryong tao; ito ay hindi normal. Ito ay tinatawag na pagiging kakatwa, mahiwaga, hindi normal. Siyempre, walang kinalaman ang mga pagpapamalas na ito sa pagiging sukdulan, pero kung huhusgahan mula sa kalikasan ng pagiging kakatwa, mahiwaga, at hindi normal, ang mga pagpapamalas na ito ay may isang lihis diwa at hindi umaayon sa mga pagpapamalas ng mga normal na tiwaling tao ng laman. Ang mga normal na tao ng laman ay nalilimitahan, napipigilan, at kinokontrol ng mga instinto ng tao, malayang kalooban, normal na pag-iisip, katwiran, at ng iba’t ibang normal na abilidad ng tao. Pero ang mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pagpapamalas na ito sa mga diyablo ay lumampas na sa saklaw ng mga normal na instinto ng tao, malayang kalooban, mga abilidad, normal na pag-iisip, at normal na katwiran. Ibig sabihin, hindi na sila kontrolado ng normal na pagkatao; wala na sila sa kontrol. Ang pagiging wala sa kontrol ay nangangahulugan ng pagkilos nang hindi normal. Nakikita sa kanila ang ilang di-pangkaraniwang pagpapamalas at pagsasagawa na hindi dapat ipakita ng mga normal na tao. Nangangahulugan ito na ang gayong mga tao ay hindi kontrolado ng normal na katwiran, normal na pag-iisip, o malayang kalooban, kundi ay kontrolado at pinakikilos ng isang bagay na panlabas o ng isang masamang espiritu, na nagiging sanhi para gumawa sila ng mga bagay na lumalampas sa normal na pagkatao, mga bagay na di-maarok, nakalilito, at nakakakilabot pa nga sa iba. Ito ay tinatawag na pagiging kakatwa, mahiwaga, hindi normal. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t lihis ang mga pagpapamalas na ito? (Oo.) Ang mga kakatwang pagpapamalas na ito ay tiyak na matatawag na lihis. Ang mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo ay may maraming kakatwang pagpapamalas. Halimbawa, madalas na nakakarinig ang ilang tao ng isang taong kumakausap sa kanila sa isang paraang hindi maipaliwanag, pero hindi ito naririnig ng iba. Madalas din silang nakakarinig ng isang tinig sa kanilang isipan na nakikipag-usap sa kanila, tinatagubilinan silang gawin ito o iyon. Palaging nakikita ng ilan ang mga bagay na hindi nakikita o nararamdaman ng mga normal na tao. Sinasabi nila, “Nakita ko ang isang pulutong ng mga sundalo na dumadaan sa kalsada, na may bilang na tatlo hanggang limang daan kung hindi man ay isa o dalawang libo, na may mga kanyon at tangke—napakalaki ng kaguluhan!” Hindi nakikita ng iba ang mga bagay na ito, pero nakikita nila. Hindi natin pinagtutuunan ng pansin kung ang nakikita nila ay batay sa katunayan o isang penomenon mula sa espirituwal na mundo; ang mismong katunayan na kaya nilang makita ang mga bagay na ito ay lubhang di-pangkaraniwan. Bakit Ko sinasabing ito ay di-pangkaraniwan? Bakit Ko sinasabing isa itong pagpapamalas ng pagkalihis? Dahil ang anumang organong pandama ng isang normal na taong nilikha ng Diyos ay may mga partikular na limitasyon sa kung ano ang kaya nitong maramdaman, maging ito man ay ang nakapalibot na kapaligiran o ang mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid nila. Lahat ng ito ay nararamdaman sa loob ng saklaw na kayang abutin ng mga instinto ng laman; ito man ay kung ano ang nakikita, naririnig, naaamoy, o nararamdaman ng laman, mayroong mga limitasyon. Ano ang tinutukoy ng mga limitasyong ito? Tumutukoy ang mga ito sa pagiging nakakulong sa saklaw ng materyal na mundo. Kung gayon, bakit binigyan ng Diyos ang mga tao ng gayong mga organong pandama? Ito ay para ang anumang bagay na hindi kabilang sa materyal na mundo, ito man ay isang positibo o negatibong bagay mula sa espirituwal na mundo, ay hindi makagambala sa buhay ng mga tao, hindi makagambala sa alinman sa mga organong pandama ng mga tao, at hindi makaapekto sa kaayusan at mga kalakaran ng buhay ng mga tao sa materyal na mundo. Samakatwid, ang mga tao ay nabubuhay sa materyal na mundong ito, at anuman ang iba pang umiiral sa labas ng materyal na mundo, hindi kayo papayagan ng Diyos na makita, marinig, o maramdaman ang mga bagay na ito nang lampas sa saklaw ng inyong mga organong pandama ng laman. Ito ay para protektahan ang inyong isipan at katwiran mula sa panghihimasok ng anumang mga nilalang sa labas ng materyal na mundo, na nagpapahintulot sa inyong mamuhay nang normal. Hangga’t normal ang isipan at katwiran ng isang tao, normal na gagana ang kanyang malayang kalooban, magiging normal ang kanyang paghatol, at lahat ng aspekto ng kanyang mga likas na kondisyon ng tao ay mananatili sa orihinal na kalagayan ng mga ito, hindi napipinsala. Ano ang tinutukoy ng hindi napipinsala? Nangangahulugan ito na ang iyong sistema ng nerbiyos, ang iyong mga organong pandama, ang iyong kakayahan, at lahat ng iba pang aspekto ng iyong mga likas na kondisyon ay normal at maayos sa loob ng saklaw ng buhay sa laman. Kapag normal ang isipan at katwiran, magiging normal ang lahat ng aspektong ito ng isang tao at magagawang mapanatili ang kanilang orihinal na kalagayan. Kung ang kayang maramdaman ng mga organong pandama ng isang tao ay lumampas sa saklaw na kayang abutin ng laman at hindi na ito napipigilan ng limitasyong ito, lilitaw ang mga problema sa kanyang isipan at katwiran; maiimpluwensyahan, mapipinsala, at magugulo siya ng mga bagay mula sa labas ng materyal na mundo. Kung magkagayon, lilitaw ang mga problema sa kanyang mga nerbiyos, at magugulo ang kanyang isipan. Anong uri ng sitwasyon ang idudulot nito? Magkakaroon siya ng sakit sa pag-iisip; mababaliw siya, magsasalita nang walang katuturan, tatakbo sa paligid nang walang kahihiyan, iiyak at gagawa ng gulo. Ang gayong tao, kung magkagayon, ay ganap nang nawasak. Ano ang tinutukoy ng pagiging nawasak? Nangangahulugan ito na may ibang bagay na pumasok sa puso ng tao, ginugulo at pinipinsala ang kanyang isipan at katwiran, na nagiging sanhi para hindi makontrol ng normal na katwiran ang kanyang puso kundi ng ibang uri ng bagay. Sa sandaling makontrol ng ibang bagay na iyon ang isang tao, ang panlabas na pagpapamalas, sa medikal na pananalita, ay schizophrenia. Sa sandaling magkakaroon ng schizophrenia ang isang tao, normal pa rin ba siyang tao? (Hindi.) Hindi na siya isang normal na tao, at hindi gagawa ang Diyos sa gayong mga tao. Nauunawaan ba? (Nauunawaan.)
Anong papel ang ginagampanan para sa mga tao ng malayang kalooban, normal na pag-iisip, at konsensiya at katwiran na ibinibigay ng Diyos sa kanila? Hindi ba’t ginagampanan ng mga ito ang papel ng pagprotekta sa isipan at katwiran ng mga tao? (Oo.) Ang pagganap sa papel ng pagprotekta sa isipan at katwiran ng mga tao ay katumbas ng pagganap sa papel ng pagprotekta sa mga tao; tinitiyak ng mga ito na normal ang kalagayang pangkaisipan at katwiran ng mga tao, hindi pinanghihimasukan ng mga bagay sa labas ng materyal na mundo, ni ginugulo ng anumang mga tunog o imahe mula sa labas ng materyal na mundo. Nagpapahintulot ito sa mga tao na manampalataya sa Diyos nang payapa at mamuhay nang normal, at tinitiyak nito ang kanilang personal na seguridad. Isa itong mabuting bagay. Pero ang mga puno ng mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pagpapamalas ay hindi nagtataglay ng malayang kalooban, normal na pag-iisip, at konsensiya at katwiran ng mga normal na tao. Anumang oras, saanmang lugar, kaya nilang makakita ng mga kakatwang bagay o eksenang hindi nakikita ng mga ordinaryong tao, makarinig ng mga tunog na hindi naririnig ng mga ordinaryong tao, o gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong tao, na nagpapakita ng mga kakatwang pag-uugali. Hindi ito nauunawaan ng mga tao sa paligid nila, at hindi nila kayang makilatis ang diwa ng gayong mga usapin. Ang ganitong uri ng tao ay nagreengkarnasyon mula sa isang diyablo; hindi sila bahagi ng sangkatauhan. Hindi sa binihag sila ni Satanas sa kalaunan ng buhay; sa halip, ang ganitong uri ng tao, sa diwa, ay isang diyablo. Sa madaling salita, ang isipan at katwiran ng isang taong diyablo ay hindi normal mula sa kapanganakan; ibig sabihin, ang kanyang malayang kalooban, pag-iisip, at katwiran ay pawang hindi maayos. Kahit na makatanggap siya ng edukasyon, hindi niya taglay ang mga bagay na ito ng normal na pagkatao. Nakikita mo siyang nagsasalita nang medyo normal sa mga karaniwang sitwasyon kapag hindi siya sinusumpong, pero hindi ito nangangahulugang sila ay mga normal na tao. Ang pagkakaroon niya ng mga kakatwang pagpapamalas na ito ay nagpapakita na hindi siya normal na tao, kundi hindi-tao—diyablo. Ang mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pagpapamalas niyang ito ay hindi natutunan mula sa sinuman, ni hindi ito naipasa ng sinuman. Kung gayon, paano lumitaw ang mga ito? Ang mga ito ay likas; ang katangian ng gayong tao ay sa isang diyablo. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng katangian ng isang diyablo? Mayroong dalawang kahulugan. Ang unang kahulugan ay na ang ganitong uri ng tao ay nagreengkarnasyon mula sa isang diyablo. Ang pangalawa ay na ipinanganak sila nang walang espiritu ng tao at kalaunan ay sinaniban ng isang diyablo. Sa madaling salita, ang kalikasang diwa ng gayong mga tao ay sa isang diyablo, hindi sa isang tao. Dahil mismo sa hindi sila tao, ang kanilang mga organong pandama at lahat ng aspekto ng kanilang mga likas na kondisyon ay iba at naiiba mula sa mga normal na tao. Sa usapin ng mga organong pandama, madalas nilang nararamdaman ang mga bagay na hindi nararamdaman, nakikita, o naririnig ng mga normal na tao. Sa usapin ng mga instinto ng laman, ang mga bagay na ginagawa o sinasabi nila, ang ilan sa kanilang mga pagpapamalas, ay madalas na nagpaparamdam sa mga tao na lumalampas sila sa saklaw ng mga normal na instinto ng tao; sila ay napakamahiwaga. Ano ang ibig sabihin ng mahiwaga? Nangangahulugan ito ng paglampas sa mga instinto ng laman. Hindi kayang lampasan ng mga normal na tao ang saklaw na kayang abutin ng mga instinto ng laman, pero madali itong ginagawa ng mga indibidwal na ito; hindi sila kontrolado o nalilimitahan ng mga instinto ng laman, kaya natural na madalas silang nagpapakita ng mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pag-uugali o pagsasagawa. Malinaw na ba sa inyo ngayon ang tungkol sa diwa ng ganitong uri ng tao? (Oo.) Naiinggit ba kayo sa ganitong uri ng tao? (Hindi.) Mabuting bagay ba ang mainggit sa kanila? (Hindi.) Sinasabi ng ilang tao, “Tingnan mo, kaya nilang magsalita ng di-naiintindihang wika sa panahon ng pananalangin; hindi natin ito maintindihan o masalita. At alam nila ang ilang wika nang hindi nila ito pinag-aaralan. Hindi sila kailanman nagkakasakit, hindi nakakaramdam ng gutom pagkatapos ng ilang araw na walang pagkain, at hindi nakakaramdam ng pagod pagkatapos ng ilang araw na walang tulog.” Sinasabi ng iba, “May kakayahan ang taong ito; kaya niyang makita ang nakaraan at hulaan ang hinaharap, alam ang lahat mula sa astronomiya hanggang sa heograpiya, kayang basahin ang mga kapalaran ng mga tao mula sa kanilang mga mukha, at kayang manghula. Anuman ang hitsura ng isang tao, alam niya ang kapalaran nito sa isang sulyap lang. Talagang isa siyang dalubhasa! Sa gabi, nakikita ninyo siyang natutulog, pero ang totoo, nagpunta na siya sa Hades para magtrabaho bilang isang lingkod.” Naiinggit ang ilang tao sa ganitong uri ng tao dahil sa mga abilidad nito. Hindi ba’t kahangalan ang mainggit sa gayong mga tao? (Oo.) Nainggit na ba kayo kailanman sa mahihiwagang taong ito na may mga espesyal na kapangyarihan, na sinasabing, “Wala akong anumang mga espesyal na kapangyarihan. Kung sana ay may alam lang akong kaunting mahika; kung mainit at gusto ko ng ice cream, sa isang kumpas lang ng kamay ko ay makakagawa ako ng ilang ice cream bar—tsokolate, strawberry, anumang flavor ang gusto ko”? Nagkaroon na ba kayo kailanman ng gayong mga kaisipan? Lahat ng tao ay may mga isip-batang kaisipan; kapag malinaw na nakikita ng mga tao na mali ang mga kaisipang ito, natural na kaya nilang bitiwan ang mga ito. Nais lang ng Diyos na danasin ng mga normal na tao ang buhay, lasapin ang buhay, danasin ang mga saya at lungkot ng buhay, ang iba’t ibang paghihirap at kabiguan nito, at sa proseso ng pagdanas, ay pahalagahan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kilalanin ang iba’t ibang maling saloobin na taglay ng mga nilikha patungkol sa Lumikha, at pagkatapos ay bumalik sa tamang landas, nagkakamit ng pagsamba sa Diyos at pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kapag mayroon ang mga tao ng mga karanasang ito sa buhay, matatanto nila ang katunayan na ang Lumikha ang may hawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng tao, pagkatapos ay kikilalanin, paniniwalaan, at magpapasakop sa katunayan na ang Lumikha ang may hawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng tao. Pagkatapos, makakabalik sila sa tamang landas at maging mga wastong nilikha. Huwag mamuhay ayon sa anumang mga hindi makatotohanang kaisipan; hindi kailanman magiging realidad ang mga bagay na iyon. Ang mga mahiwaga, kakatwa, at hindi normal na bagay na iyon ay eksklusibong pag-aari ng mga Satanas at diyablo magpakailanman; walang kinalaman ang mga iyon sa mga normal na tao. Samakatwid, kahit kailan, huwag na huwag mong iisiping maging isang mahiwagang tao, isang taong puno ng mga espesyal na kapangyarihan, ni isiping lampasan ang sarili mong mga instinto, o ang sarili mong mga limitasyon. Maging isang ordinaryong tao ka lang na nakatapak sa lupa, manatili sa iyong nararapat na lugar, at tuparin ang iyong tungkulin. Ito ang nararapat gawin ng mga tao.
Sa pangkalahatan, malinaw na ba ngayon ang mga pagpapamalas ng pagiging kakatwa sa mga diyablo? Ang mga ito ay ilang pagpapamalas na pinakamalubha. Malinaw na ipinadarama at ipinauunawa ng mga ito sa mga tao na ang gayong mga tao ay hindi kauri ng mga normal na tao. Nagmumukha silang lubhang lihis sa gitna ng mga normal na tao. Dahil sa pagiging kakaibang ito, nararamdaman ng mga tao na ang kanilang pag-uugali at asal, pati na rin ang kanilang iba’t ibang pagpapamalas sa pang-araw-araw na buhay, ay partikular na kakatwa, mahiwaga, at hindi normal—naiiba lang talaga sila sa mga ordinaryong tao. Hindi sila nalilimitahan ng mga instinto ng laman, at hindi nila kayang pigilan ang kanilang mga hindi makatwirang pag-uugali, at tila wala silang anumang kamalayan, na para bang sinasaniban sila ng masasamang espiritu. Dapat itong ilarawan bilang isang aspekto ng lihis na kalikasang diwa ng mga diyablo, isang bagay na dapat tanggihan ng mga tao. Ang mga mahiwagaat hindi normal na bagay na ito ay hindi dapat kainggitan, lalong hindi dapat hangarin. Kung dati mong nilayon na hangarin ang pagiging isang mahiwagang tao o gawin ang mahihiwagang bagay na ito, huminto ka na. Bumalik ka, at nariyan na ang kaligtasan. Huwag mong planuhing maging gayong tao. Sa sandaling tahakin mo ang landas na ito at pumasok ang isang diyablo sa iyong isipan, hindi ka na gugustuhin ng Diyos, at ikaw ay mawawasak. Bakit Ko sinasabing ikaw ay mawawasak? Dahil sa sandaling saniban ka ng isang diyablo at kontrolin nito ang iyong isipan, hindi magiging maganda ang kahihinatnan mo. Sa sandaling saniban ka ng isang diyablo, magsisimula itong manghimasok sa iyo, ginugulo ang iyong mga kaisipan at ang iyong utak. Nakikibahagi ito sa iyong pang-araw-araw na buhay, at nakikibahagi ito sa proseso ng iyong pag-iisip kapag isinasaalang-alang mo ang mga tao, pangyayari, at bagay. Kung hindi mo kayang tanggihan ang panghihimasok nito, unti-unti kang mawawalan ng sariling pagpapasya, at sa huli, maamo kang magpapasakop. Kapag ganap ka nang kontrolado ng isang diyablo, sa medikal na pananalita, mada-diagnose kang may schizophrenia, at sa sambahayan ng Diyos, hahatulan ka ng kamatayan. Matatapos ka na. Mawawasak. Ang isang tao bang na-diagnose na may schizophrenia ay isang normal na tao? (Hindi.) Gusto pa ba ng Diyos ang gayong tao? Sa mga mata ng Diyos, anong uri ng tao ito? (Isang hindi-tao.) Sa mga mata ng Diyos, nabihag ka na ni Satanas. Maaaring medyo abstrakto ito pakinggan. Sa madaling salita, nangangahulugan itong kinokontrol ni Satanas ang iyong puso. Nangangahulugan itong si Satanas ang naghahari at may hawak ng kapangyarihan sa iyong puso, at na naging papet ka na ni Satanas. Nangangahulugan itong nabihag ka na ni Satanas. Sa sandaling mabihag ni Satanas ang isang tao, nagiging katulad na siya ng mga diyablo, at mabilis silang nagiging kakatwa, mahiwaga, at hindi normal. Ang gayong mga tao ay hindi na maililigtas. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Sinasabi Ko sa iyo na kailangan mong magkaroon ng pagkilatis tungkol sa mga kakatwang pagpapamalas ng mga diyablo. Pagkatapos magkamit ng pagkilatis, dapat mong layuan ang gayong mga tao at huwag kang lumapit sa kanila. Anuman ang sabihin o gawin nila, huwag kang makibahagi. Huwag mo silang seryosohin. Halimbawa, ipagpalagay na nagsalita sila tungkol sa isang bagay na hinding-hindi mo kayang makita o maramdaman. Ang layunin nila sa pagsasabi nito sa iyo ay para mapalapit sa iyo at para akitin ka. Kung nakakaramdam ka ng pagkamausisa at masidhi mo silang kinaiinggitan at sinusunod, kung gayon ay nasa malaking panganib ka. Bakit Ko sinasabing nasa panganib ka? Dahil ito ay si Satanas na nanlilihis at nang-aakit ng mga tao, at naghahanap ng mga kaluluwang malalamon nito. Kung wala ka man lang pagkilatis kay Satanas at nakakaramdam ka pa rin ng pagkamausisa at inggit, sumuko ka na sa tukso, at malamang na malamang na sasamantalahin ni Satanas ang pagkakataon para gumawa sa iyo. Samakatwid, nasa malaking panganib ka. Lumalapit ka kay Satanas nang walang anumang pagiging mapagbantay—hindi ba’t kahangalan ito? (Oo.) Kapag nakita ni Satanas na wala kang anumang pagiging mapagbantay sa kanya, walang tigil ka nitong susubukang tuksuhin at akitin, na parang isang tampalasan. Kung hindi ka tatanggi, ipagpapalagay nitong nagbibigay ka ng tahimik na pahintulot, kaya magpapatuloy ito sa paggawa ng higit pa. Kung palagi kang nakakaramdam ng pagkamausisa tungkol sa mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na bagay na sinasabi ng yaong mga Satanas, at nagtatanong at nag-uusisa pa nga tungkol sa mga ito, hindi ba’t pinatutunayan nito na interesado ka at hindi ka nasusuklam sa gayong mga bagay? Ang pagiging interesado sa gayong mga bagay ay hindi isang magandang senyales. Kung interesado ka sa mga bagay na ito, sa mga mata ni Satanas, nangangahulugan itong hindi ka interesado sa Diyos, sa katotohanan, o sa mga positibong bagay. Ikinatutuwa niya ito at, natural, masaya itong mag-aabot ng isang “palakaibigang” kamay sa iyo, na naglalayong magsimulang gumawa sa iyo. Sa ganitong paraan, nasa panganib ka. Samakatwid, kapag nakakatagpo ng gayong mga tao, huwag kang basta-basta lumapit sa kanila, at huwag kang maging interesado sa kanila. Sa halip, dapat kang magkaroon ng pagkilatis, magbantay laban sa kanila, at lumayo sa kanila. Sinasabi ng ilang tao, “Kung hindi kami lalapit o magiging interesado sa kanila, paano namin sila makikilatis? Gaya ng kasabihan, ‘Kilalanin mo ang iyong sarili at kilalanin mo ang iyong kaaway, at hindi ka kailanman matatalo.’ Kung hindi kami makikihalubilo sa kaaway, paano namin makikilala ang aming sarili at makikilala ang aming kaaway?” Tama ba ang pahayag na ito? Ito ay tulad ng kapag sumiklab ang isang pandemya, iginigiit ng ilang siyentipiko at mananaliksik na hawakan at pag-aralan ang virus, at bilang resulta, ang ilan ay nahahawaan mismo ng virus at namamatay. Samakatwid, dapat kang mahigpit na magbantay laban sa mga diyablong iyon na nagpapakita ng mga kakatwa at mahiwagang pagpapamalas. Mas mabuting maging labis na mapagbantay kaysa bigyan sila ng pagkakataong pinsalain ka. Ito ang matalinong paraan ng pagsasagawa. Sa isang banda, huwag kang maging interesado sa kanila, at huwag kang makipag-ugnayan o lumapit sa kanila. Sa kabilang banda, huwag mong hangarin o tularan ang mga kakatwa at mahiwaga na pagpapamalas nila. Ganito ka rin dapat magsagawa. Kung madalas kang makipag-ugnayan sa mga mahiwaga, kakatwa, at hindi normal na taong ito, at sa iyong kawalan ng pagiging mapagbantay, naiimpluwensyahan ka nila, at palagi mong naririnig at nakikita ang kanilang mga pagpapamalas, nang hindi mo namamalayan, ang kanilang mga kakatwang pagpapamalas ay maitatatak sa iyong puso at alaala. Pagkatapos, nang hindi mo namamalayan, gugustuhin mo silang hangarin at gayahin. Isa itong mas mapanganib pang senyales. Sa sandaling gustuhin mo silang hangarin at gayahin, nangangahulugan iyon na ang mga pananggalang ng iyong puso ay ganap nang gumuho. Katumbas ito ng pagsang-ayon mong hayaan si Satanas na pumasok sa iyong puso para kontrolin at angkinin ka. Dito, isunusuko mo ang iyong sarili kay Satanas, at sa ganitong paraan, mabilis kang makokontrol ni Satanas. Kung gayon, hindi ba’t nawasak ka na? Talagang mahirap para sa mga tao na ibigay ang kanilang mga puso sa Diyos. Hindi madali para sa Diyos na humawak ng kapangyarihan sa puso ng mga tao. Hindi basta-bastang nangangasiwa at humahawak ng kapangyarihan ang Diyos sa mga puso ng mga tao. Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa sangkatauhan ay kinabibilangan ng pagdidilig, pagpapastol, pagbibigay-liwanag, pagtanglaw, paggabay, at pagprotekta sa kanila batay sa kanilang mga likas na kondisyon. Dagdag pa rito, dinidisiplina, itinutuwid, kinakastigo, at hinahatulan sila ng Diyos, habang naghahanda rin ng lahat ng uri ng sitwasyon para sa mga tao. Nagpapahintulot ito sa kanila, habang sila ay tumatanda, na unti-unting magkamit ng kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos at sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan sa mga obhetibong sitwasyon. Pagkatapos, unti-unti—ayon sa pag-iisip ng normal na pagkatao—ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ay pinag-uugat sa kanilang mga puso at nagiging kanilang buhay, at sa gayon, ang mga taong ito ay nakakamit ng Diyos. Mayroong proseso ang lahat ng ito. Pero iba ang panlilihis at pagtitiwali ni Satanas sa mga tao. Bakit natin sinasabi na ang diwa ni Satanas ay lihis? Sapilitan nitong inaangkin at kinokontrol ang mga tao. Sapat na ang aspektong ito para patunayan na ang diwa ni Satanas ay lihis. Ito ay kongkretong katibayan. Kapag gusto mong hangarin na maging ang uri ng tao na isang diyablo, at kapag hinahangad mo ang mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pagpapamalas, pag-uugali, at abilidad na ito, nagbubukas ang iyong puso kay Satanas. Para bang, sa iyong puso, sinasabi mo kay Satanas: “Pumasok ka, may inilaan akong lugar para sa iyo. Maaari mong kontrolin ang buo kong pagkatao.” Ano ang sasabihin sa iyo ni Satanas? “Kung makikinig ka sa akin at papayagan mo akong humawak ng kapangyarihan sa iyong puso, matututunan mo ang lahat ng gusto mong taglayin. Magkakaroon ka ng lahat ng kakatwa at mahiwagang bagay, malalampasan mo ang mga ordinaryong tao, at mahihigitan mo ang mga karaniwang tao.” Ang paghahangad ng mga tao sa mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pag-uugali at pagpapamalas o abilidad na ito ay katumbas ng pakikipag-usap nila kay Satanas, at katumbas din ito ng pagyakap nila kay Satanas sa kanilang puso. Kung hahangarin mo ang mga kakatwa at mahiwagang bagay na ito, mabilis na magsisimulang gumawa si Satanas sa iyong puso. Sa puntong ito, kapag muli kang makikinig sa mga salita ng Diyos, hindi ka na magkakaroon ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang normal na tao, kundi magkakaroon ng 180-degree na pagbaligtad. Ang iyong saloobin sa katotohanan ay magiging ganap na naiiba mula sa isang normal na tao. Ang ipapamalas mo ay pagtutol sa katotohanan at pagkamapanlaban sa katotohanan. Ganoon iyon. Kung tutol at mapanlaban ka sa katotohanan, makakamit mo pa ba ang katotohanan? Hindi. Nabihag ka na ni Satanas. Samakatwid, tungkol sa mga kakatwa, mahiwaga, at hindi normal na pagpapamalas ng mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo, dapat mahigpit na magbantay ang mga tao laban sa mga ito, pakitunguhan ang mga ito nang may pag-iingat at kahinahunan, at huwag ipagwalang-bahala ang mga ito. Ibig sabihin, dapat kang magkaroon ng pagkilatis sa mga pagpapamalas na ito. Huwag kang maging interesado sa mga ito o lumapit sa gayong mga tao, lalo namang huwag mong lihim na kainggitan, hangaan, o hangarin at tularan pa nga ang mga ito sa iyong puso. Sa halip, dapat kang lumayo sa ganitong uri ng tao, magkaroon ng pagkilatis sa kanila, magkaroon ng malinaw na paninindigan, at gumuhit ng malinaw na hangganan sa pagitan nila at ng iyong sarili. Nauunawaan ba? (Nauunawaan.)
Ang katatapos lang nating pagbahaginan ay ang pinakamalulubhang pagpapamalas ng pagiging kakatwa sa mga taong diyablo. Medyo mas madali para sa mga tao na kilatisin ang mga pagpapamalas na ito. Mayroon ding ilang pagpapamalas na medyo mas hindi malubha. Ibig sabihin, sa pang-araw-araw na buhay, madalas silang magkaroon ng ilang sukdulang kaisipan at pananaw, at sukdulang pag-uugali at pagsasagawa; ang mga kilos nila ay madalas na lumalampas sa saklaw na kayang tiisin ng normal na pagkatao. Halimbawa, kung may masabi o magawa silang mali, kinamumuhian nila ang sarili nila, sinasampal ang sarili nilang mukha, at pinarurusahan pa nga ang sarili nila sa pamamagitan ng hindi pagkain sa maghapon at hindi pagtulog sa gabi. Madalas silang gumamit ng mga sukdulang pamamaraan para parusahan ang kanilang laman, ginagamit ito bilang paraan para ipakita ang determinasyon nilang itama ang kanilang mga pagkakamali. Maaaring payuhan sila ng isang tao, “Hindi malulutas ang problema sa paggawa nito. Kailangan mo munang pagnilayan at kilalanin ang sarili mo batay sa mga salita ng Diyos, pagkatapos ay hanapin ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa, at saka lang magkakaroon ng unti-unting pagbabago. Ang pagbabago ng anumang uri ng tiwaling disposisyon ay hindi isang bagay na maaaring mangyari sa loob ng isa o dalawang araw; nangangailangan ito ng isang partikular na haba ng panahon, kailangang mayroong isang proseso.” Isa itong tumpak na pahayag, pero hindi nila ito tinatanggap ni isinasagawa. Hindi nila hinaharap ang iba’t ibang problema batay sa mga katotohanang prinsipyo kundi gumagamit sila ng mga sukdulang hakbang. Gaano sila kasukdulan? Buweno, madalas silang gumamit ng mga pamamaraang nakapipinsala sa sarili nilang laman at ng mga pamamaraang nagpapahirap sa sarili nila, para lutasin ang mga problema. Hindi ba’t sukdulan iyon? (Oo.) Ganito rin nila tratuhin ang iba, gumagamit ng mga sukdulang pamamaraan laban sa kanila. Gumagamit din sila ng mga sukdulang pamamaraan para harapin ang iba’t ibang usapin. Halimbawa, sabihin nating isang babae ang madalas makaramdam na abalang-abala siya sa kanyang tungkulin at pakiramdam niya ay masyadong malaking abala ang paggugol ng oras sa pagpapagupit at paghuhugas ng kanyang buhok, kaya kinalbo na lang niya ang sarili. Para mabawasan ang dalas ng pag-aahit, naglalagay pa nga siya ng ilang produktong kemikal para pigilan ang normal na pagtubo ng buhok. Hindi ba’t sukdulan ito? Dahil nakikitang kalbo siya, ipinagpapalagay ng mga tao na lalaki siya, pero batay sa kanyang boses at pangangatawan, iniisip nilang baka babae siya—sadyang hindi nila masabi kung lalaki ba siya o babae. Pagkatapos lang magtanong sa ibang mga kapatid saka nila nalaman na babae pala siya at nagpakalbo para makaiwas sa abala. Ang ilang taong walang pagkilatis ay binibigyan pa nga ito ng pagsang-ayon, hinahangaan ang gayong tao: “Tingnan mo, ang determinasyon niyang maghimagsik laban sa laman ay talagang higit pa sa mga ordinaryong tao. Ang pagkamuhi niya sa laman ay tunay na pagkamuhi; talagang kumikilos siya pagdating sa hindi pagpapahalaga sa laman! Isang araw, magpapakalbo rin ako tulad niya.” May ilan pa ngang gumagaya sa kanya! Hindi ba’t magkakauri sila? Nakatagpo sila ng isang katulad nila; bukod sa wala silang pagkilatis sa usaping ito, labis pa nila itong pinupuri at gustong tularan. Hindi ba’t mga sukdulang tao ang mga ito? (Oo.) Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t ginagawa ng mga sukdulang tao ang lahat nang may lihis na puwersang nagtutulak? (Oo.) Saan nagmumula ang lihis na puwersang nagtutulak na ito? Mayroon bang ganitong lihis na puwersang nagtutulak sa normal na pagkatao? (Wala.) Kung gayon, bakit walang ganitong lihis na puwersang nagtutulak sa normal na pagkatao? Dahil, kung taglay ng mga tao ang pag-iisip, konsensiya, at katwiran ng normal na pagkatao, isasaalang-alang nila ang mga usapin sa isang medyo normal, positibo, at praktikal na paraan; kaya, hinding-hindi sila makikibahagi sa mga sukdulang pag-uugaling ito. Ibig sabihin, anuman ang gawin nila, bagay man ito na gusto nila o hindi, kikilos sila nang normal at makatwiran, at hindi sila magiging sukdulan. Masasabi ba kung gayon na mayroong mali sa pag-iisip ng ganitong uri ng tao na nagiging sukdulan? (Oo.) Mayroong problema sa pag-unawa nila, hindi ba? (Mayroon.) Halimbawa, hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging tapat sa paggampan ng kanilang tungkulin. Pinagbubulayan nila kung paano magiging tapat at napagtatanto nila na dapat silang magtiis ng paghihirap, kaya isinasagawa nila ang pagtitiis ng paghihirap: Sumusunod sila sa mga regulasyon sa bawat pagkain, kumakain ng takdang bilang ng butil ng kanin at piraso ng gulay; kapag naluluma na ang kanilang mga damit, tinatagpian nila ang mga ito at patuloy na isinusuot, na nagmumukhang mga asetiko sa iba; habang ang iba ay natutulog nang anim hanggang walong oras araw-araw, sila ay natutulog lang nang isa o dalawang oras. Pakiramdam nila ay mayroon silang determinasyong magtiis ng paghihirap at na mas tapat sila kaysa kaninuman. Palagi nilang pinag-iisipan ang mga sukdulang kaisipan at pag-uugaling ito, na hindi kayang maunawaan ng mga normal na tao. Halimbawa, kung may masabi silang mali o may magamit silang maling salita habang nakikipag-usap sa isang tao at pinagtawanan sila, pakiramdam nila ay nasira ang puri nila at nagbubulay-bulay sila: “Hindi ko na kailanman gagamitin ang salitang ito sa buong buhay ko, at hindi lang iyon—hindi ko na kailanman kikitain ang taong ito sa buong buhay ko, at hindi ko na kailanman kakausapin ang taong ito, para hindi niya ako mapintasan!” At kaya nila itong gawin—kaya nilang panindigan ito. Kaya nilang panindigan ang anumang sukdulang pag-uugali o kaisipan at pananaw sa buong buhay nila, at tumatanggi silang mahikayat ng sinuman. Naninindigan lang sila nang ganito, at mayroon pa nga silang mga dahilan at batayan para sa kanilang paninindigan, naniniwalang isa itong pagpapamalas ng pagpapasakop sa katotohanan, isang pagpapamalas ng pagmamahal sa Diyos, at isang pagpapamalas ng katapatan. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t mapanggulo ang gayong mga tao? (Oo.) Madali ba silang pakisamahan? (Hindi.) Kung gayon, paano lumilitaw ang kanilang mga pag-uugali? Hindi ba’t sanhi ang mga ito ng isang uri ng sukdulang pag-iisip? Itinuturing nila ang mga sukdulang pag-uugali at pagpapamalas na ito bilang pagsasagawa sa katotohanan at nagpupursigi silang gawin ito. Hindi ba’t ang mga sukdulang kaisipan at pananaw na ito ang ugat ng mga pag-uugaling ito sa ganitong uri ng tao? Naniniwala sila na ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan ay pagsasagawa sa katotohanan at pagpapahayag ng katapatan sa Diyos, at higit pa rito, sa kalooban nila ay kinokondena at dinidiskrimina nila ang sinumang hindi gumagawa ng katulad nito, nagpapakita ng paghamak. Halimbawa, isaalang-alang ang babaeng binanggit kanina kinalbo ang sarili niya; nang makita ang iba na hindi nagpapakalbo, iniisip niya, “Hmmp, nagpapahaba kayo ng ganyang buhok, inaayusan pa ito sa iba’t ibang paraan. Labis ang banidad ninyong lahat; hindi ninyo minamahal ang Diyos! Tingnan ninyo ako, napakaraming taon ko nang kalbo at hindi ako kailanman natakot na pagtawanan; wala akong banidad. Pinapahaba ninyo ang buhok ninyo at kailangan ninyo itong hugasan nang madalas—napakalaking pag-aaksaya ng oras! Sa lahat ng oras na iyon, hindi ba’t maganda kung magbabasa pa kayo ng mga salita ng Diyos at gagawa ng kaunti pang tungkulin?” Kinokondena pa nga niya ang iba! Ang ganitong uri ng tao ay nakikinig sa napakaraming salita ng Diyos at nakikinig sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon, pero hindi pa rin niya nauunawaan kung ano ang katotohanan. Marami pa rin siyang sukdulang mga kaisipan, at sa ilalim ng gabay ng maraming sukdulang kaisipang ito, nagpapakita siya ng maraming sukdulang pag-uugali, pagsasagawa, at estilo, pagkatapos ay tinutukoy ang sarili niya bilang ang taong pinakanagmamahal sa Diyos at pinakatapat. Hindi ba’t isa pa itong pagpapamalas ng pagkalihis? (Oo.) Ang pagiging sukdulan sa lahat ng bagay ay lihis. Sabihin ninyo sa Akin, hindi naman nakakapinsala sa iba ang mga sukdulang pagpapamalas na ito, kaya bakit natin sinasabing lihis ang mga ito? (Ang mga pagpapamalas na ito ay hindi umaayon sa pag-iisip ng mga normal na tao; hindi ito mga pag-uugali at pagsasagawang dapat taglayin ng mga normal na tao.) Ang mga sukdulang pagpapamalas na ito ay walang anumang kaugnayan sa pag-iisip at mga pagpapamalas ng mga normal na tao; hiwalay ang mga ito sa realidad, hiwalay sa obhetibo at praktikal na buhay na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Gumagamit sila ng isang radikal na pamamaraan sa iba’t ibang usapin, pagkatapos ay tinutukoy ang mga sukdulan at radikal na kaisipan, pananaw, at pag-uugaling ito bilang mga positibong bagay, habang tinutukoy ang katotohanan bilang isang negatibong bagay. Hindi ba’t pagkalito ito sa tama at mali, ginagawang puti ang itim? (Oo.) Ang pagkalito sa tama at mali, ang paggawang puti sa itim, ang mapanlinlang na pagpapalit ng mga konsepto—ito ay pagkalihis. Paano ka man makipagbahaginan tungkol sa normal na pagkatao, konsensiya at katwiran, sa pag-iisip ng mga normal na tao, o sa mga kaisipan at pananaw na dapat taglayin ng mga normal na tao sa iba’t ibang usapin, hindi nila ito maintindihan, at sa kalooban nila ay sadyang hindi nila ito tinatanggap. Bukod sa hindi pagtanggap dito, bumubuo pa nga sila ng ilang katawa-tawa at kakatwang pagsasagawa, pag-uugali, at maging ng mga kaisipan at pananaw na hiwalay sa landas ng normal na pagkatao, ipinapatupad ang mga ito sa sarili nila, at kasabay nito ay ginagamit ito bilang pamantayan sa pagsukat sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay, naniniwala na ang anumang hindi umaayon sa kanilang mga sukdulang kaisipan, pananaw, at pag-uugali ay mali, habang ang anumang umaayon sa kanilang mga sukdulang kaisipan, pananaw, at pag-uugali ay tama at umaayon sa katotohanan. Hindi ba’t pagkalito ito sa tama at mali? Hindi ba’t ito ay paggawang puti sa itim, hindi ba’t mapanlinlang na pagpapalit ito ng mga konsepto? Isa pa itong pagpapamalas ng pagkalihis sa mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo. Ibig sabihin, hindi nila kailanman tinatanggap ang mga positibong bagay, kundi sa halip ay ipinapalabas nila ang mga hindi positibo o negatibong bagay bilang mga positibong bagay para tularan at gayahin ng mga tao, at sa gayon ay nakakamit ang layong ilayo ang mga tao sa Diyos. Isa rin itong uri ng sukdulang pag-uugali.
May isa pang pagpapamalas ng pagkalihis ang mga taong diyablo: Hindi nila minamahal ang katotohanan kahit kaunti. Gusto nilang hangarin ang mga di-normal at mahiwagang bagay, palaging gustong bumuo ng isang hanay ng mga ganap na espirituwal na teorya at kasabihan, gusto pa ngang saliksikin ang batayan ng mahihiwagang usaping ito. Itinuturing nila ang mga bagay na ito bilang katotohanan, bilang mga gabay, direksyon, at layon para sa mga kilos sa pang-araw-araw na buhay, ginagamit ang mga ito para harapin at husgahan ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Halimbawa, kapag hindi maganda ang takbo ng mga bagay-bagay para sa kanila, inaalala nila kung ano ang mga napanaginipan nila noong nakaraang gabi, kung mayroon bang anumang di-normal na penomenang naganap sa paligid nila, o kung mayroon bang anumang masasamang senyales, sinusubukang maghanap ng batayan doon para matukoy ang kanilang kapalaran; ito ang mga uri ng bagay na palagi nilang hinahangad. Lalo na kapag nakakatagpo ng mga taong may malulubhang sakit, itinuturing nilang malas ang mga ito, naniniwalang ang pakikisalamuha sa gayong mga tao ay sisipsip sa sarili nilang sigla at magdadala ng kamalasan. Kaya, pagkatapos makisalamuha sa gayong mga tao, madalas silang tumingin sa salamin para tingnan kung umitim ba ang noo nila o kung mayroon ba silang anyo ng kamalasan. Karaniwan, palagi nilang pinagbubulay-bulayan kung ano talaga ang magiging kapalaran nila. Sa tuwing mayroon silang libreng sandali, binubuklat nila ang lumang almanake o naghahanap sa internet ng mga kasabihan sa panghuhula. Ang isang panaginip nila, o isang pamahiing narinig mula sa iba—kaya nilang gawing batayan ang lahat ng ito para husgahan kung maganda ba o masama ang kapalaran nila. Bagama’t nananampalataya sila sa Diyos, hindi nila kailanman ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagtrato sa mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid nila, ni hindi nila ginagamit ang katotohanan bilang batayan sa pagtrato sa bawat pangyayaring nagaganap sa paligid nila. Sa halip, palagi silang naghahanap ng ilang di-pangkaraniwang damdamin. Halimbawa, kung medyo masama ang pakiramdam nila habang kumakanta isang araw, iniisip nila, “Pinipigilan ba ako ng diyos? Ayaw ba ng diyos na kumanta ako?” Kung lalabas sila para mangaral ng ebanghelyo isang araw, kahit na malinaw na nilang isinaayos ang oras at lugar sa isang tao, kailangan pa rin nilang magdasal para maarok ang damdamin sa kanilang espiritu. Pagkatapos magdasal, naghihintay sila ng ilang minuto, pero wala silang nararamdaman. Pagkatapos ay titingnan nila kung mayroon bang anumang di-normal na penomenon sa araw noong araw na iyon, o kung mayroon bang mga magpie na humuhuni o mga uwak na umuuwak sa labas, ginagamit ang mga ito para husgahan kung ano ang magiging kapalaran nila sa araw na iyon, kung magiging maayos ba ang paglabas para mangaral ng ebanghelyo, at kung magkakamit ba sila ng mga tao. Kung hindi gumana ang mga pamamaraang ito, maghahagis pa nga sila ng barya para magpasya kung aalis o hindi. Kung ang lumabas ay ang bahagi ng barya na may ulo, para sa kanila ay nangangahulugan itong magiging maayos ang mga bagay-bagay at magkakamit sila ng mga tao; kung ang bahagi naman na may ibon ang lumabas, nangangahulugan itong hindi magiging maayos ang mga bagay-bagay at hindi sila magkakamit ng mga tao. Nagpapasya sila kung lalabas o hindi batay sa mga bagay na ito. Kahit gaano katagal nang nananampalataya sa Diyos ang gayong mga tao, hindi nila kailanman ginagamit ang katotohanan bilang kanilang batayan o bilang kanilang prinsipyo ng pagsasagawa. Sa halip, palagi silang umaasa sa mga pamahiing iyon o sa mga di-normal na pakiramdam at penomenon para husgahan ang mga tao, pangyayari, at bagay, para harapin ang iba’t ibang usaping nangyayari sa paligid nila, o para tukuyin ang mga prinsipyong dapat nilang isagawa. Palagi nilang hinahanap ang mga walang batayan, kakatwa, kakaiba, at mahiwagang pakiramdam na ito, at palagi silang kumikilos at namumuhay batay sa mga ito. Ang ilang tao, kapag nakakita ng isang itim na pusa paglabas nila, ay naniniwalang kumakatawan ito sa kamalasan, at mas gugustuhin pa nilang antalahin ang mga usapin kaysa lumabas. Maaaring masiraan ng sasakyan ang ilan habang papunta para asikasuhin ang isang bagay, at naniniwala silang pinipigilan sila ng Diyos, na malas sila sa araw na iyon, at na hindi sila dapat lumabas. Ang ilan na nakakakita ng kabaong kapag lumalabas ay naniniwalang magiging masuwerte sila sa pera sa araw na iyon. Kapag gumagawa ng anuman, ang ganitong uri ng tao ay palaging naghahanap ng batayan sa isang uri ng mapamahiing kasabihan; wala silang mga tumpak na prinsipyo ng pagsasagawa na batay sa katotohanan. Paano man makipagbahaginan ang iba o paano man isinasagawa ng sambahayan ng Diyos ang gawain, hindi sila kailanman natututong mamuhay at gumawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may ilang di-normal na penomenong paminsan-minsang nangyayari sa bahay, tulad ng isang gripo na biglang nasisira at tumutulo, naghihinala sila na isa itong masamang pangitain. Kung isang bugso ng hangin ang paminsan-minsang nagbubukas ng bintana at nababasag ang salamin, pakiramdam nila, “Hindi normal ang bugso ng hanging ito; tila isa itong tanda ng sakuna. Pinipigilan ba ako ng Diyos na lumabas?” Kung nagniniyebe kapag lumalabas sila, sinasabi nila, “Tingnan mo, nagniyebe sa sandaling lumabas ako. Madalas sabihin ng mga tao, ‘Ang mararangal na tao ay nakakaakit ng hangin at niyebe kapag lumalabas sila.’ Mukhang isa akong marangal na tao!” Hindi ba’t kalokohan ito? Ginagamit nila ang mga kakaiba at kakatwang kasabihang ito bilang batayan sa paghusga at pagpapasya sa lahat ng bagay. Halimbawa, kung sumabit ang strap ng kanilang backpack sa doorknob paglabas nila, naniniwala silang may kasabihan at kabuluhan ito. Agad silang kumokonsulta sa almanake at nakikita na ito ang kasabihan para sa paglabas para gawin ang mga bagay-bagay sa oras na ito: “Lahat ng usapin ay hindi paborable; hindi angkop para sa paglabas.” Nagbubulay-bulay sila, “Lahat ng usapin ay hindi paborable—nangangahulugan iyon na wala akong magagawa, dapat akong manatili sa bahay. Ito ang pagtutulot sa akin ng Diyos na magtamasa ng ginhawa at kaginhawahan; proteksyon ito ng Diyos!” Nakakahanap pa nga sila ng batayan para dito. Hindi ba’t katawa-tawa ito? Anuman ang sitwasyon, pakiramdam nila ay mayroong kasabihan para dito. Hindi ba’t kakatwa ito? Ang lahat ng nangyayari sa paligid nila ay tinitingnan bilang isang kakatwang penomenon, at ang batayan para sa kanilang pagharap sa mga “kakatwang penomenon” na ito ay lahat ng uri ng kakatwang kasabihan. Ginagamit nila ang iba’t ibang kakatwang kasabihang ito para harapin ang lahat ng nangyayari sa paligid nila. Samakatwid, kung namumuhay ka kasama ang ganitong uri ng tao, madalas mong maramdaman na sila ay partikular na kakatwa. Maaari silang biglang magsabi ng isang bagay na magpapakabog sa dibdib mo, na magpapakilabot sa iyo. Halimbawa, ang makarinig ng isang asong tumatahol sa kalaliman ng gabi ay napakanormal, pero para sa kanila, isa itong malaking pangyayari. Kailangan nilang maghanap ng impormasyon, bumaling sa panghuhula at pagbasa ng kapalaran, para malaman kung anong kasabihan ang nagpapaliwanag sa pagtahol ng isang aso sa oras na iyon. Ano ang mararamdaman mo pagkatapos makisalamuha at makisama sa kanila sa loob ng ilang panahon? Tiyak na madalas kang magugulo ng ilang kasabihang walang katuturan. Magkakaroon ka ba ng kapayapaan at kagalakan sa iyong puso? (Hindi.) Kung walang kapayapaan at kagalakan, magiging balisa ka tulad nila, na kailangang maghanap ng kasabihan para sa lahat ng bagay. Habang naghahanap ka nang naghahanap, maglalaho ang Diyos sa iyong puso, at ang mga pamahiing iyon na lang ang matitira sa puso mo. Nangangahulugan ito na ginugulo ka ng masasamang espiritu, mga diyablo at mga Satanas, hanggang sa punto na ang iyong mga isipan ay nababagabag, ang iyong puso ay walang kapayapaan o kagalakan, ang iyong pag-iisip ay magulo, at nawawala sa iyo ang mga pagpapamalas ng normal na pagkatao. Ang normal na kaayusan at mga padron ng buhay ng mga tao ay nagiging ganap na magulo dahil sa magugulong kaisipan at magugulong kasabihang ito. Anuman ang mangyari, kaya itong ipaliwanag ng ganitong uri ng tao sa pamamagitan ng isang kakatwang kasabihan, at sa huli ay harapin ito sa isang katawa-tawa at kakaibang paraan. Ito ay pagkalihis. Mayroon pa ngang ilang tao na, pagkatapos mapungusan ng isang lider, ay nagbubulay-bulay: “Kaninang umaga, naramdaman kong may mali sa katawan ko. Habang naghihilamos, napansin kong madilim ang noo ko. Siyanga naman, napungusan ako ngayon. Tingnan mo, may mga palatandaan. Kaya, kailangan kong tumingin sa salamin araw-araw sa tuwing may libre akong sandali. Kung makita kong madilim ang noo ko, kailangan kong mag-ingat—baka mapungusan ako, baka mabigo ako o madismaya sa isang bagay.” Kapag ang ilang tao ay lumalabas para mangaral ng ebanghelyo at nakikita na ang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ay isang medyo mabuting tao na may pusong nag-aasam at naghahanap, at kayang tanggapin ang katotohanan kapag ibinabahagi ito, bukod sa pagpapasalamat sa Diyos, nagbubulay-bulay rin sila: “Kahapon, napanaginipan kong hinuhugasan ko ang mga paa ko sa isang bukal. Ang bukal na iyon ay kumakatawan sa kayamanan, at ang pagkakamit ng kayamanan ay kumakatawan sa pagkakamit ng isang tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Kaya, para sa pagkakamit sa taong ito ngayon, dapat ko ring pasalamatan ang diyos; nagbigay na ang diyos ng isang palatandaan!” Anuman ang makaharap nila o anuman ang maramdaman nila, palagi nilang gustong tukuyin ang ugat na sanhi at palaging kailangang maghanap ng batayan. Naniniwala ang ilang tao sa pamahiing, “Ang pagkibot ng kaliwang mata ay nagbabadya ng magandang kapalaran, subalit ang pagkibot ng kanang mata ay nagbabadya ng sakuna,” at ginagamit ito bilang batayan para husgahan ang mga bagay na dumarating sa kanila. Hindi sila kailanman nagsisikap sa katotohanan, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan at ginagamit ito bilang batayan para husgahan ang iba’t ibang usapin. Ang kanilang puso ay ganap na puno ng iba’t ibang kakatwa, katawa-tawa, kakaiba, at maging ng mahihiwagang kasabihan, kaisipan at pananaw, at mga maling pananampalataya at maling kaisipan; nilalamon sila ng mga bagay na ito.
Ang ilang tao ay mukhang normal sa panlabas; ang kanilang buhay, gawain, at pakikisalamuha sa iba ay hindi nagpapakita ng anumang sukdulan, mahiwaga, o kakatwang mga pagpapamalas. Gayumpaman, pagkatapos makisalamuha sa kanila sa loob ng mahabang panahon, natutuklasan ng isang tao na ang kanilang isipan at puso ay ganap na puno ng lahat ng uri ng katawa-tawa, kakaiba, at baluktot na mga pamahiin na nagmumula sa masasamang kalakaran, at ginagamit nila ang mga kasabihang ito bilang batayan para husgahan ang iba’t ibang usaping nangyayari sa paligid nila. Kahit na kinikilala nila na ang mga bagay-bagay ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos, at proteksyon ng Diyos, naghahanap pa rin sila ng isang uri ng pamahiin bilang batayan para ipaliwanag ang gayong mga usapin, binibigyang-kahulugan ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos gamit ang mga pamahiin. Hindi ba’t pagkalihis ito? (Oo.) Pagkatapos makarinig ng napakaraming katotohanan, paanong hindi pa rin nila nauunawaan ang katotohanan, hindi kayang tingnan ang mga problema gamit ang katotohanan, at hindi makapagsabi ng kahit isang bagay na umaayon sa katotohanan? Paanong ang kanilang puso ay walang katotohanan, at sa halip ay sinasakop at pinupuno ng mga maling pananampalataya, mga maling kaisipan, at mga pamahiing iyon? Hindi ba’t pagkalihis ito? (Oo.) Sinasabi pa nga ng ilang tao, “Hindi mo dapat tapakan ang mga langgam! Ang isang langgam ay isa ring buhay na nilalang. Kung tatapakan mo ang isa at papatayin ito, at bumalik ito sa espirituwal na mundo at iulat ka sa matandang lalaki sa langit, magdurusa ka ng ganti.” “Kung pumatay ka ng isang isda, at ang bibig nito ay nakabukas na nakaharap sa iyo, nangangahulugan iyon na inaakusahan ka nito! Hindi mo puwedeng kainin ang isdang iyon; kung kakainin mo ito, magdurusa ka ng ganti! Ang pagpatay ng mga manok, aso, baka, baboy—lahat iyon ay pagkitil ng buhay; magdurusa ka ng ganti para dito!” Saan nila nakukuha ang mga maling pananampalataya at mga maling kaisipang ito? Hindi ba’t naririnig nila ang mga ito mula sa masamang sangkatauhang ito? Namumulot sila ng isang kasabihan dito at isang kasabihan doon, tinatanggap ang lahat ng ito, at itinuturing pa nga ang mga kasabihang ito bilang pinakamatataas na utos, itinuturing ang mga ito na kasingtaas ng kalooban ng Diyos. Ang ilang tao, pagkatapos manampalataya sa Diyos sa loob ng ilang taon, ay nagsasabi pa rin ng mga bagay tulad ng, “Hindi ka puwedeng pumatay ng mga manok. Kung papatay ka ng mga manok sa buhay na ito, magiging isang manok ka sa susunod na buhay at papatayin ka ng isang tao. Kaya, hindi ka puwedeng kumitil ng buhay; magdurusa ka ng ganti sa pagkitil ng buhay!” Sinasabi nila ito, pero pagdating sa pagkain ng manok, sila mismo ay kayang kumain ng isang buo sa isang kainan. Hindi ba’t pagiging lihis ito? Sinasabi ng iba, “Hindi ka puwedeng magsuot ng mga balat ng hayop. Pagkatapos mamatay ng mga hayop, nakakaramdam pa rin ang kanilang mga kaluluwa. Kung magsusuot ka ng mga balat ng hayop, para ka na ring nagsuot ng kaluluwa ng hayop. Kung ang hayop na ito ay namatay nang hindi makatarungan, baka hanapin ka nito at guluhin ka, at sa sandaling simulan ka nitong guluhin, hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.” Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t kakatwa ang mga kasabihang ito? (Oo.) Ang iba naman, kapag nakakakita ng ibang taong nakasuot ng peluka, ay mayroon ding masasabi: “Ang orihinal na may-ari ng pelukang iyan na suot mo ay maaaring namatay nang hindi makatarungan; ang kaluluwa niya ay nasa buhok pa rin. Kung isusuot mo ang buhok niya, susundan ka ng kaluluwa niya.” Lahat ng uri ng kakatwa, kakaiba, at walang katuturang kasabihan ay nagiging mga bagay na pinahahalagahan ng ganitong uri ng tao sa puso; ang mga ito ang kanilang pinakamataas na direktiba. Sumusunod sila sa mga walang katuturan at katawa-tawang kasabihang ito na para bang ang mga ito ay katotohanan, subalit naniniwala silang sumusunod sila sa daan ng Diyos. Hindi lang sila mismo ang sumusunod sa mga ito, kundi sinasabihan din nila ang iba na gawin ito. Kung hindi sumusunod ang iba, gumagamit pa nga sila ng mga nakakatakot at nakakakilabot na kasabihan para bantaan at takutin ang iba, pinipilit ang mga ito na sumunod. Ang mga hindi nakakaunawa sa katotohanan ay natatakot sa kanila. Ang mga kakaiba at katawa-tawang kasabihang ito ay ilang walang batayang tsismis at mga maling kaisipang ikinakalat ng mga diyablo at ni Satanas sa mundo ng mga tao. Sa isang banda, nakikialam at kinokontrol ng mga ito ang normal na pag-iisip at malayang kalooban ng mga tao; sa isa pang banda, ginagamit ng mga diyablo at ni Satanas ang mga maling pananampalataya at mga maling kaisipang ito para sakupin ang ilang tao, pinagseserbisyo ang mga taong ito para sa kanila sa mundong ito ng mga tao at maging kanilang mga labasan, ang mga tagapagpatupad ng kanilang iba’t ibang kakaiba at kakatwang kaisipan. Samakatwid, kung huhusgahan batay sa anumang pagpapamalas ng mga kakatwang taong ito, ang kanilang kalikasang diwa ay buktot. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti; pinakapinahahalagahan nila ang mga bagay na lihis. Ito mismo ang isyu. Kapag hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at kulang sila sa pagkilatis, madalas silang naiimpluwensiyahan at naililihis nang hindi sinasadya ng mga kakatwa at kakaibang kasabihang ito. Gayumpaman, pagkatapos maunawaan ng mga tao ang katotohanan, alam na nilang tukuyin kung ano ang dapat at hindi dapat nilang gawin batay sa paghusga ng normal na katwiran at normal na pag-iisip, pati na rin kung paano kumilos, kung ano ang dapat itaguyod, at kung ano ang dapat talikuran kapag may sumapit sa kanilang mga bagay-bagay. Ito ang dapat maunawaan at itaguyod ng mga taong may normal na pagkatao, sa halip na gamitin ang mga kakaiba at katawa-tawang kasabihang ito para kilatisin, husgahan, at magpasya kung paano haharapin ang mga tao, pangyayari, at bagay. Pagkatapos magkaroon ng pagkilatis sa ganitong uri ng kakatwang tao, malinaw ba ninyong nakikita ang kanilang diwa? Ano ang kanilang diwa? Ito ay isang diwa ng pagkalihis. Hindi nila dinadakila ang Diyos kundi dinadakila nila si Satanas. Kahit na gusto nilang magsalita tungkol sa isang aspekto ng katotohanan, magpasalamat sa Diyos, o tanggapin ang mga kapaligirang inihahanda ng Diyos, naghahanap sila ng isang kakatwa, kakaiba, katawa-tawa, o walang katuturang kasabihan bilang kanilang batayan. Para sa kanila, ang mga kakaiba at katawa-tawang kasabihan at pananaw na ito ay mas mataas kaysa sa katotohanan at mas mataas kaysa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Samakatwid, ang kalikasang diwa ng ganitong uri ng tao ay walang alinlangan na isang lihis na diwa. Dahil ang isinasabuhay nila ay ang buhay ni Satanas, ang kanilang dinadakila, isinusulong, at hinahangaan ay hindi ang katotohanan kundi ang mga maling pananampalataya at mga maling kaisipan ni Satanas. Kahit na ang nakikita mo ay ang kanilang personal na pag-uugali, ang puwersang nagtutulak sa likod ng mga personal na pag-uugaling ito ay ang iba’t ibang kaisipan at pananaw ng mga diyablo at ni Satanas. Bagama’t mukha silang tao sa panlabas, sila ay isang labasan para sa, isang tagapagmana ng, at isang saksi para sa iba’t ibang maling pananampalataya at mga maling kaisipan ng mga diyablo at ni Satanas. Ang kanilang pinatototohanan at isinusulong ay ang mga maling pananampalataya at mga maling kaisipan ni Satanas, hindi ang katotohanan. Ito ang pagpapamalas ng kanilang lihis na kalikasang diwa.
Sabihin ninyo sa Akin, mabuting bagay ba para sa isang tao na makakita ng mga anghel? Kung tunay na makakakita ng mga anghel ang isang tao, siyempre, mabuting bagay iyon. Pero kung ang anghel na iyon ay hindi isang tunay na anghel kundi si Satanas na nagpapanggap, napakapanganib na makita ito. Kung magpapanggap si Satanas bilang isang anghel at hahayaan kang makita ito, isa ba itong mabuting bagay o masamang bagay para sa iyo? (Isang masamang bagay.) Bakit mo nasabing isa itong masamang bagay? Sa mga normal na sitwasyon, nakakakita ba ng mga anghel ang mortal na laman? (Hindi.) Mayroon bang ganitong pakultad ang mga tao? (Wala po.) Sa tumpak na pananalita, walang pakultad ang mga tao na makita si Satanas o ang mga anghel, na mula sa espirituwal na mundo. Pero kung makikita mo sila, ano ang nangyayari? Hindi ba’t nangangahulugan ito na medyo nagbago ang pakultad ng iyong laman? (Oo.) Ganoon nga mismo iyon. Kapag may naganap na higit-sa-karaniwang penomenon sa pakultad ng laman, binago ba ito ng Diyos, ng ibang bagay, o ng sarili mo? (Malamang na binago ito ng ibang bagay.) Kung gayon, babaguhin ba ito ng Diyos para sa iyo? (Hindi, hindi gumagawa ng gayong gawain ang Diyos.) Habang nabubuhay ang mga tao, upang mas maging matatag ang kanilang pananalig, babaguhin ba ng Diyos ang kanilang mga pakultad, na nagpapahintulot sa kanilang makakita ng mga anghel o ng ilang bagay mula sa espirituwal na mundo? Gagawin ba ng Diyos ang mga bagay na ito? (Hindi.) Masasabi natin nang may katiyakan na hindi Niya gagawin ito. Bago magtamo ng kaligtasan ang isang tao, hinding-hindi gagawin ng Diyos ang mga bagay na ito; ito ay tiyak na walang alinlangan. Kung gayon, kung biglang magbago ang pakultad ng iyong laman at maganap ang isang higit-sa-karaniwang penomenon—at hindi ito binago ng Diyos, ni hindi mo mismo kayang baguhinito—ano ang nangyayari? Hindi gagawin ng Diyos ang gayong bagay, at hindi mo mismo kayang baguhin ito. Ang tanging posibilidad ay na gumagawa sa iyo si Satanas at ang masasamang espiritu; ibig sabihin, iniligaw at kinontrol ka ni Satanas at ng masasamang espiritu, na nagiging dahilan para makibahagi ka sa mahihiwagang pagsasagawa, na nagpapahintulot sa iyong makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga normal na tao at makarinig ng mga salitang hindi naririnig ng mga normal na tao. Hinding-hindi ito isang mabuting bagay. Kung hahayaan ka ni Satanas na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba, ano ang layunin nito? Ito ba ay para palawakin ang iyong mga pananaw, para maniwala ka sa pag-iral ng espirituwal na mundo, o para bigyan ka ng pananalig sa Diyos? (Hindi.) Kapag ginagawa ito sa iyo ni Satanas, mayroon ba itong mabubuting intensyon o mabubuting motibo? (Wala.) Tiyak na wala. Ginagamit ni Satanas ang higit-sa-karaniwang pakultad mong ito para hayaan kang makakita ng ilang bagay na karaniwan mong hindi nakikita, sa gayon ay inaakit ka at ginagawa kang mas interesado sa mga usapin ng espirituwal na mundo. Binibigyan ka nito ng maliit na pakinabang na ito, ng maliit na patikim na ito, at pagkatapos ay inaakit ka nito na tanggapin ang susunod nitong gagawin. At ano iyon? Pagkakalooban ka ba ni Satanas ng katotohanan? Tutustusan ka ba nito ng buhay? Hindi, uubusin ka nito unti-unti, sisirain nito ang iba’t ibang likas na pakultad ng iyong laman, pagkatapos ay sasakupin ka, aagawin ka mula sa tabi ng Diyos, at idudulot na talikuran mo ang Diyos. Hinahayaan man ni Satanas na makakita ang isang tao ng mga anghel o ng anumang penomenon mula sa espirituwal na mundo, sabihin ninyo sa Akin, mabuti ba itong bagay? (Hindi.) Kung ang isang tao ay madalas na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba, o nagsasabing madalas siyang makakita ng mga anghel na lumilipad sa kanilang bubungan, at sinasabing ang mga anghel ay mapuputi at malilinis, at madalas na nakikipag-usap sa kanya, ano ang dapat mong gawin kapag nakatagpo ng gayong tao? (Agad na lumayo.) Dapat kang agad na lumayo sa gayong tao; huwag makipag-usap sa kanila ng tungkol sa anuman. Kung interesado ka sa usaping ito at makikipag-usap ka sa kanila, mapanganib iyon. Huwag mong sabihin sa kanila, “Nanganganib ka; palagi kang nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba. Nagiging lihis ka, hindi na ako makikisalamuha sa iyo.” Hindi mo kailangang sabihin ang mga bagay na ito; magkaroon ka lang ng kamalayan sa iyong puso—sapat na iyon. Pinupuntirya na sila ng mga diyablo at ni Satanas, o likas na diyablo ang taong ito, hindi tao. Hindi maaaring makisalamuha ang mga tao sa mga diyablo. Mayroon lang isang sukdulang kahihinatnan para sa mga taong nakikisalamuha sa mga diyablo: ang lamunin ng mga diyablo. Kapag nakatagpo ka ng ganitong uri ng tao na nakakaranas ng mahihiwagang penomenon, anumang kakaiba o kakatwang mga bagay ang sinasabi nila, hinding-hindi ka dapat maging mausisa. Agad na lumayo sa gayong mga tao; huwag silang obserbahan, pag-aralan, o subukang baguhin, lalo namang huwag silang pangaralan ng ebanghelyo at pasampalatayanin sa Diyos. Kung gagawin mo iyon, masyado kang hangal. Maging ang Diyos ay ayaw sa mga taong diyablo; gayunman ay magdadala ka ng isang diyablo sa sambahayan ng Diyos at pagagampanan ito ng tungkulin. Makikinabang ba rito ang gawain ng iglesia? Hindi lang ito hindi magdudulot ng pakinabang, kundi magdudulot din ito ng panggugulo at paggambala sa gawain ng iglesia. Bagama’t ginagawa mo ito nang may mabubuting intensyon, hindi ito tatandaan ng Diyos at kokondenahin ka pa nga; isa itong masamang gawa. Kaya hinding-hindi mo dapat gawin ang gayong mga bagay. Pamilyar ka man sa isang tao o hindi, kapamilya mo man ito, pinakamalalapit na kamag-anak, o mga kaibigan, o mga kapatid na katulungan mo—kung madalas silang makakita ng isang taong namamasyal sa kanilang bakuran o isang taong palaging sumisilip sa kanila sa siwang ng pinto, at madalas din nilang sabihin na kaya nilang makipag-usap sa mga anghel, na naririnig nila kung ano ang sinasabi ng Diyos sa kanila, na pakiramdam na nila ay sila ay mga matagumpay na anak na lalaki, na sila ay isang panganay na anak, isang taong madadala paitaas—maituturing mo pa ba ang gayong tao bilang isang kapatid? (Hindi.) Dapat maging malinaw kayo sa inyong puso; huwag ninyong pagkamalan ang gayong mga tao na mga kapatid, huwag kayong maging hangal. Kung hangal ka at, sa sandaling makita ang gayong mga tao, ay iisipin mo, “Sila ay mga mananagumpay, mga panganay na anak, mga taong naperpekto; taglay nila ang katotohanan, dapat akong mapalapit sa kanila,” kung gayon ay hindi ka lang nanganganib, madali ka ring maililigaw nila, na magdudulot ng gulo. Hindi mo kayang kilatisin ang mga tao o matarok ang kanilang kalikasang diwa. Gagawin ba ng Diyos ang ganoong uri ng gawain? Hindi inililigtas ng Diyos ang mga diyablo at mga Satanas. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang tustusan ang mga tao ng katotohanan, na nagpapahintulot sa kanila, sa pamamagitan ng pag-unawa, pagsasagawa, at pagpapasakop sa katotohanan, na makamit ang pagkakaroon ng katotohanan bilang kanilang buhay, at magtamo ng tunay na kaalaman at tunay na takot sa Diyos, sa gayon ay ganap na nakakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas at nagtatamo ng kaligtasan. Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos. Tanging ang katotohanan ang makapagliligtas sa mga tao, hindi ang anumang kakatwang kasabihan, mga maling pananampalataya, o mga maling kaisipan. Ang mga maling pananampalataya at mga maling kaisipang ito ay walang anumang kaugnayan sa katotohanan; kaya lang ng mga ito na iligaw at gawing tiwali ang mga tao, at hinding-hindi mabibigyang-kakayahan ng mga ito ang mga tao na matamo ang kaligtasan. Para matamo ng mga tao ang kaligtasan, para makamit ang pagpapasakop sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, ang tanging landas ay ang tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan; walang ibang landas. Huwag ninyong subukang ipagpanggap ang ilang sukdulang pamamaraan o kasabihan, o mga katawa-tawa at kakaibang kasabihan, bilang ang katotohanan o ipalit ang mga ito sa katotohanan para matamo ang kaligtasan. Walang alinman sa mga landas na ito ang umuubra; ang mga ito ay hindi mula sa Diyos.
Ngayong natapos na nating pagbahaginan ang mga pagpapamalas ng pagkalihis sa mga taong nagreinkarnasyon mula sa mga diyablo, pagbahaginan naman natin ngayon ang isa pa sa kanilang mga pagpapamalas—ang kasamaan. Ang mga pagpapamalas ng kasamaan ay may mga pagkakatulad sa mga pagpapamalas ng pagkalihis, pero mayroon ding mga pagkakaiba. Ang mga pagpapamalas ng pagkalihis ay hindi umaayon sa pag-iisip, konsensiya, katwiran, o mga instinto ng normal na pagkatao, at hindi rin umaayon ang mga ito sa iba’t ibang likas na kondisyon ng normal na pagkatao na inorden ng Diyos para sa mga nilikhang tao; sa halip, nilalampasan ng mga ito ang iba’t ibang likas na kondisyong ito ng normal na pagkatao. Ang pangkalahatang pagpapamalas ay pagiging abnormal, higit sa natural, sukdulan, at kakatwa. Ibig sabihin, nakikita ng mga taong may katwiran at konsensiya ng normal na pagkatao na labis na kakaiba ang gayong mga indibidwal, kapwa sa kanilang mga pagpapamalas at pag-uugali pati na rin sa kanilang mga kaisipan at pananaw. Sadyang hindi mo maarok kung bakit sila mag-iisip o kikilos sa ganoong paraan. Ngayon, sa pamamagitan ng pagbabahaginan, nauunawaan mo na. Kaya nasaan ang ugat nito? Nasa kanilang kalikasang diwa at sa kanilang katangian bilang mga diyablo ang ugat nito. Sa pangkalahatan, ang mga ito ang mga pagpapamalas ng pagkalihis. Gayumpaman, ang kasamaan ng mga diyablo ay hindi lang sumasaklaw sa ilang karaniwan na nakikitang panlabas na pagpapamalas; sa halip, direktang kinasasangkutan nito ang saloobin ng ganitong uri ng tao sa katotohanan. Ito ay mas ubod pa nga ng sama at mas malubha pa nga kaysa sa pagkalihis. Siyempre, ang mga pagpapamalas ng kasamaan ay inilalarawan din ng kung paano tinatrato ng gayong mga tao ang katotohanan. Una, ang mga diyablo ay mapanlaban sa katotohanan; ito ang unang pagpapamalas ng kasamaan. Ang ikalawang pagpapamalas ng kasamaan ay na, bukod sa pagkakaroon ng saloobin ng pagkamapanlaban sa katotohanan, maagap din itong inaatake ng mga diyablo. Ang ikatlong pagpapamalas ng kasamaan ay na, bukod sa pagiging mapanlaban at pag-atake sa katotohanan, hinihigitan pa ito ng mga diyablo at nais nilang palitan ang katotohanan. Ang kanilang mga pagpapamalas ng kasamaan ay hindi kailanman titigil sa antas lamang ng pagkamapanlaban at pag-atake sa katotohanan; sa halip, sa pundasyon ng dalawang pagpapamalas na ito, nais din nilang palitan ang katotohanan. Ito ang kanilang diwa. Marami sa mga pagpapamalas ng kasamaan sa mga diyablo ay kapareho ng mga pagpapamalas ng mga may diwa ng mga anticristo, na napagbahaginan na natin noon, kaya hindi na kailangan pang pag-usapan nang malalim ang mga aspektong ito. Ngayon, pangunahin nating hihimayin ang tatlong pagpapamalas na ito ng kasamaan sa mga diyablo: ang pagkamapanlaban sa katotohanan, ang pag-atake rito, at ang pagtatangkang palitan ito.
Una, pagbahaginan natin ang pagpapamalas ng pagkamapanlaban sa katotohanan sa mga taong mga diyablo. Marami-rami na tayong napagbahaginan noon tungkol sa paksa ng pagkamapanlaban sa katotohanan; hindi ito ang unang pagkakataon ninyong makarinig ng ganitong paksa. Ang pagpapamalas ng pagkamapanlaban sa katotohanan ay kitang-kita sa mga taong mga diyablo. Ibig sabihin, hindi nila kayang tanggapin ang anumang positibong bagay, ang anumang bagay na tama at umaayon sa konsensiya at katwiran ng sangkatauhan. Lalo na kapag ito ay isang bagay na may kinalaman sa mga katotohanang prinsipyo, lalo pa nilang hindi ito kayang tanggapin. Ang kawalan nila ng abilidad na tumanggap ay hindi lang simpleng pag-iling ng kanilang ulo at pagtanggi; sa halip, nakakaramdam sila ng pagkasuklam at pagkapoot sa kanilang puso, pati na rin ng pagkamuhi. Gaano kalalim ang kanilang pagkamuhi? Kung may sinumang makikipagbahaginan tungkol sa katotohanan nang partikular at may realidad, kinaiinisan nila ang taong iyon. Hindi lang ito kaunting selos—ito ay pagkamapanlaban. Ano ang pagkamapanlaban? Nangangahulugan ito ng pagtrato sa iyo na para bang pinatay mo ang kanilang ama. Sa katunayan, maaaring hindi ka nagkaroon ng anumang malalim na pakikipag-ugnayan sa kanila, at hindi ka rin nila kilala talaga, pero kung nauunawaan mo ang katotohanan at nakikipagbahaginan ka tungkol sa katotohanan, nakakaramdam sila ng pagkasuklam sa kanilang puso. Hindi sila nakakaramdam ng pagkasuklam sa isang taong bumibigkas ng mga salita at doktrina, pero sukdulan ang pagkasuklam nila sa sinumang nakikipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, pakiramdam nila ay para silang pinapatay—umaabot sa ganitong antas ang kanilang pagkamuhi. Ano ang kanilang mga partikular na pagpapamalas? Kapag ang iba ay nakikipagbahaginan tungkol sa mga katotohanang prinsipyo o sa mga layunin ng Diyos, nagiging tutol sila sa sandaling marinig nila ito at hindi sila mapakali. Ang ilan ay nagdadahilan at umaalis, habang ang iba naman ay tumatayo pa nga at lumalabas nang walang anumang pag-aalinlangan. Sa kabilang banda, ang mga taong may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, kahit pa hindi nila inaasam o sinasang-ayunan ang mga tamang salita—lalo na iyong mga umaayon sa katotohanan—sa pinakamalala ay hindi nila ito tatanggapin sa kanilang puso, pero kaya pa rin nilang tiisin ito para hindi sila mapahiya. Ngunit ang mga taong mga Satanas ay hindi mapakali. Sa sandaling marinig nila ang katotohanan, nakakaramdam sila ng pagkasuklam at pagkabalisa sa kanilang puso, at kapag labis na silang nababalisa na hindi na nila kayang manatili roon, umaalis sila. Kung hindi nila ito magawa, nag-o-online sila para manood ng mga video, hinahayaan nilang lumipad ang kanilang isip at gumagawa sila ng ilang nakakagambalang kilos, iniiba nila ang usapan at nakikibahagi sila sa walang-kuwentang usapan, o itinataas at pinatototohanan nila ang sarili nilang “maluwalhating” kasaysayan habang minamaliit at pinangangaralan ang iba. Sa madaling salita, kung makikipagbahaginan ka tungkol sa katotohanan, makakaramdam sila ng pagkasuklam; ang kanilang saloobin sa katotohanan ay isang saloobin ng sukdulang pagkamapanlaban. Kung hindi ka makikipagbahaginan tungkol sa katotohanan kundi tungkol lang sa ilang gawaing administratibo o pangkalahatang gawain, magbabahagi ng ilang kuwento mula sa pangangaral ng ebanghelyo, o makikipag-usap tungkol sa mga panlabas na usapin, kaya nilang manatili at makipag-usap kasama ng lahat, na mukhang labis na nakakasundo ang iba. Ngunit sa sandaling pagbahaginan ang katotohanan, lalo na kapag binabasa ang mga salita ng Diyos, nalalantad ang kanilang diwa at ang kanilang tunay na mukha. Nababalisa sila, at kung makikinig pa sila nang kaunti, pakiramdam nila ay sasabog na ang kanilang ulo. Habang lalo mong binabasa ang mga salita ng Diyos, lalo nilang nararamdaman na hinahatulan sila, at lalo nilang nararamdaman na kokondenahin at ititiwalag sila, at na nanganganib ang kanilang buhay. Habang lalo mong binabasa ang mga salita ng Diyos, lalo silang nakakaramdam ng pagkasuklam at pagkapoot sa kanilang puso, na para bang nagkaroon sila ng kung anong sakit. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t napakalubha ng problemang ito? Maililigtas pa ba ang gayong mga tao? Lalo na pagdating sa pagsasagawa sa katotohanan at pagiging isang matapat na tao, ang mga naghahangad sa katotohanan, dahil gusto nilang maging matapat, ay sinasanay ang kanilang sarili na magsalita nang totoo at maging bukas at ilantad ang kanilang sarili. Kapag naririnig ito ng mga diyablo, nakakaramdam sila ng pagkasuklam sa kanilang puso, hinahamak ka, at kinamumuhian ka. Pakiramdam nila ay mababang-uri ka dahil sa pagsasagawa sa katotohanan, habang sila naman ay marangal—at mas dakila at mas mataas kaysa sa iyo—dahil sa hindi pagsasagawa sa katotohanan. Anong uri ng pananaw ito? Hindi ba’t paggawa ito na maging puti ang itim? Sadyang ganoon ang mga mapanlaban sa katotohanan. Kung magbabahagi ka tungkol sa katotohanan o sa kung anong prinsipyo ng pagsasagawa, hindi ka lang nila hinahamak sa kanilang puso kundi tumututol din sila sa iyo; ni hindi man lang sila titingin sa iyong mga mata. Kung gusto mong talakayin sa kanila ang gawain ng iglesia, palagi silang umiiwas sa iyo; ayaw ka nilang kausapin at pakiramdam nila ay wala kayong anumang pagkakatulad. Maaari kang makipag-usap sa kanila tungkol sa anumang paksa, maliban na lang sa mga may kinalaman sa katotohanan o sa gawain ng Diyos ng pagliligtas sa tao; ayaw nilang talakayin ang mga paksang ito. Halimbawa, kung sasabihin mo sa kanila, “Pagbahaginan natin kung paano gagampanan ang ating tungkulin nang may katapatan, at talakayin natin kung anong mga problema pa ang umiiral sa paggampan ng ating tungkulin sa yugtong ito at kung paano lulutasin ang mga ito,” sa sandaling marinig ito, pakiramdam nila ay sasabog na ang kanilang ulo, nakakaramdam sila ng sukdulang pagkasuklam sa kanilang puso, at maaari pa ngang mag-alab sa apoy ang kanilang mga mata habang nagiging antagonistiko sila sa iyo. Handa silang magtiis ng anumang paghihirap para maging tapat kay Satanas, ngunit partikular silang nasusuklam sa Diyos at sa katotohanan, hindi tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Sinuman ang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, hindi nila ito kayang intindihin. Kung hihilingin mo sa kanila na mag-aral ng kaalaman o ng mga tanyag na akdang pampanitikan, handang-handa silang gawin ito, pakiramdam nila ay napakamarangal nila. Ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon o sa pakikipagbahaginan ng iba tungkol sa katotohanan, para silang inaabuso o nililitis sa korte. Ang pinakatinututulan nila ay ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos at ang pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan. Samakatwid, sa kanilang pang-araw-araw na buhay, bagama’t gagawa sila ng ilang pangkalahatang gawain at mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanilang katayuan, reputasyon, at pagkakamit ng mga pagpapala sa kinabukasan nila, hindi kailanman nagbabasa ng mga salita ng Diyos o nakikibahagi sa espirituwal na debosyon ang gayong mga tao. Hindi rin sila nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon at hindi kailanman nagbabahagi ng kanilang personal na kaalamang batay sa karanasan; ang pagdalo nila sa mga pagtitipon ay isang pormalidad lamang. Kung hihilingin mo sa kanila na makipagbahaginan tungkol sa kanilang kaalaman sa mga salita ng Diyos o sa katotohanan, hindi sila makapagbitiw ng kahit isang salita at nakakaramdam sila ng pagkasuklam sa kanilang puso, iniisip na, “Ang pakikipagbahaginan tungkol sa mga salita ng diyos at sa katotohanan ay isang bagay para sa mga maybahay at mga taong mula sa mabababang antas ng lipunan. Paanong ang isang dakilang tao na tulad ko ay gagawa ng gayong mga bagay? Ako ay isang taong gumagawa ng mga dakilang bagay at dakilang gawain, isang taong tatanggap ng malalaking pagpapala. Pagpasok ko sa kaharian, magiging isang haligi at sandigan ako sa kaharian ng diyos. Ako ay isang taong nagpapasan ng malalaking responsabilidad. Sino ba kayo sa tingin ninyo? Nakakababa ng aking antas na dumalo pa sa mga pagtitipon sa iisang iglesia kasama ninyo!” Tingnan ninyo kung gaano sila kahambog! Ang kanilang pagkamapanlaban sa katotohanan ay pagkamapanlaban sa lahat ng tao at bagay na may kaugnayan sa katotohanan, pati na rin sa mga pagsasagawa at kasabihang may kaugnayan sa katotohanan; mapanlaban pa nga sila sa mga positibong bagay. Halimbawa, kung babanggitin mo na ang mga kapatid sa iglesia ay dapat magkaroon ng kagandahang-asal ng isang banal, na ang mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian—sa gawain man o sa pang-araw-araw na buhay—ay dapat isagawa sa loob ng mga partikular na hangganan, na ang lahat ay dapat maging marangal at disente, hindi makibahagi sa walang pakundangang pakikipaglandian, at rumespeto sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at mga babae at rumespeto sa kasal, na dapat magsagawa ang isang tao sa bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos, at na hindi itinataguyod ng sambahayan ng Diyos ang seksuwal na pagpapalaya, ano ang iisipin nila sa sandaling marinig ito? “Isa iyang makalumang kasabihan, gasgas na iyan. Nasa anong kapanahunan na ba tayo ngayon, nagsasalita pa rin tungkol sa kagandahang-asal ng isang banal at mga hangganan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae! Noong unang panahon, ang mga emperador sa kanilang mga palasyo ay mayroong buong harem para sa kanilang sarili—napakaringal niyon! Kung mayroon akong abilidad at paraan, kahit pa hindi ako magkaroon ng harem, magkakaroon man lang ako ng mga mapagpipiliang taong makakalandian!” Hindi sila kailanman tumatanggap ng anumang positibong bagay, ng anumang tamang kasabihan, lalo na ng mga salita ng katotohanan, at lubha pa nga silang nasusuklam at namumuhi sa mga ito. Samakatwid, sa pundasyon ng kanilang pagkamapanlaban sa katotohanan, palaging inaatake ng mga taong ito ang katotohanan at ang mga positibong bagay. Anumang aspekto ng katotohanan o partikular na hinihingi ng Diyos ang pagbahaginan, palagi silang mayroong isang hanay ng mga maling pananampalataya at maling kaisipan na ginagamit para punahin at husgahan ito. Hindi ba’t isang pag-atake ang pagpuna at paghusga na ito? (Oo.) Gaano man karaming tao ang tumanggap sa katotohanan at sa mga positibong bagay, hindi nila kailanman tatanggapin ang mga ito. Naniniwala sila na ang mga itinataguyod ng sambahayan ng Diyos at ang hinihingi ng katotohanan na isagawa ng mga tao ay pawang mga islogan at pormalidad, at na ang tunay na nakakatugon sa mga pangangailangan ng tao ay ang mga makamundong kalakaran; anuman ang itinataguyod ng mga makamundong kalakaran ngayon, iyon ang pinakamataas na katotohanan. Hindi ba’t pagpipitagan ito sa kasamaan? Kaya, anumang aspekto ng katotohanan ang iyong pagbahaginan, personal silang mapanlaban dito, at higit pa rito, huhusgahan, aatakihin, at lalapastanganin nila ito. Halimbawa, hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat. Paano nila binibigyang-kahulugan ang pagiging isang matapat na tao? “Ang pagiging isang matapat na tao ay para sa mga hangal; mga hangal lang ang nagsasagawa ng pagiging matatapat na tao. Mga hangal lang ang nagsasabi sa iba kung ano ang iniisip nila sa kanilang puso, ang kanilang mga pribadong usapin. Mga hangal lang ang nagsasalita nang totoo. Mga hangal lang ang ipinagkakatiwala ang kanilang tadhana sa iba para kontrolin. Hindi ako hangal; ang tadhana ko ay nasa sarili kong mga kamay, at walang karapatan ang iba na makialam! Kung gusto ko mang sabihin o hindi kung ano ang iniisip ko sa aking puso, walang karapatan ang iba na makialam. Kung hindi ito isang bagay na gusto kong sabihin sa mga tao, huwag ka nang mangarap na malaman pa kung ano iyon!” Hindi ba’t pagiging tutol ito sa katotohanan at pagkamuhi sa katotohanan? (Oo.) Ang mga tao na mga diyablo ay hindi tumatanggap sa katotohanan at hindi ito isinasagawa. Bukod sa pagkamapanlaban at pag-atake sa katotohanan, hinihigitan pa nila ito at gumagamit sila ng iba’t ibang satanikong lason at mga pananaw at pagsasagawa mula kay Satanas para palitan ang katotohanan. Halimbawa, gumagamit sila ng mga pakana, kasinungalingan, iba’t ibang paraan, o ng pagkukunwaring nagtitiis ng paghihirap at nagbabayad ng halaga para ilihis ang iba, bilang mga kondisyon para magkamit ng mga pagpapala at makipagtawaran sa Diyos. Iniisip nila na sa pananampalataya sa Diyos, hindi kailangang maging isang matapat na tao, hindi kailangang maging tapat sa tungkulin, at hindi kailangang tanggapin at isagawa ang katotohanan; hangga’t nagtitiis ang isang tao ng mas maraming paghihirap, nagbabayad ng mas malaking halaga, gumagawa ng mas maraming gawain, gumagawa ng mas maraming kabutihan at nag-iipon ng mas maraming merito, gumagawa ng mas maraming bagay na nakakakuha ng pagsang-ayon at mataas na pagtingin ng mga tao, at sa pamamagitan ng mga paraang ito ay nakakamit ang tiwala ng mga kapatid, pati na rin ang kanilang pagtataas at suporta, ay makakamit nila ang layong ipagpalit ang lahat ng ito para sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Hindi ba’t sukdulang katawa-tawa ang pananaw na ito? (Oo.)
Paghahatol man ito at pagkokondena sa katotohanan, pagkamapanlaban at pag-atake sa katotohanan, o palaging pagnanais na gamitin ang mga maling pananampalataya at maling kaisipan ni Satanas para palitan ang katotohanan, lahat ng ito ay mga partikular na pagpapamalas kung paano tinatrato ng mga diyablo ang katotohanan. Anuman ang mga pagpapamalas na ito, pawang ganap na inilalantad ng mga ito ang masamang diwa ng mga diyablo. Ang pagkamapanlaban sa katotohanan, pag-atake sa katotohanan, at pagtatangkang palitan ang katotohanan—ang mga ito ay mga gawang mga diyablo lang ang makakagawa. Mga diyablo lang ang tumatrato sa katotohanan at sa Diyos nang may gayong pagkamapanlaban, paghusga, at pagkondena, at may kakayahang gumamit ng anumang paraan para ilihis, linlangin, at akitin ang mga tao palayo sa katotohanan at palayo sa Diyos. Mga diyablo lang ang mag-iisip ng lahat ng paraan para dayain at makuha ang tiwala, suporta, at papuri ng mga tao, para makamit ang kanilang layon na bilhin ang puso ng mga tao at kontrolin sila, sa pagtatangkang palitan ang lugar ng Diyos sa kanilang puso. Sa madaling salita, ang katunayang nagkakaroon ang mga diyablo ng gayong saloobin sa katotohanan at sa mga naghahangad sa katotohanan ay naglalantad na ang kanilang diwa ay kasamaan. Ang mga positibong bagay at ang katotohanan ang inaasam at minamahal ng lahat ng nilikhang tao, at karapat-dapat din ang mga ito na pahalagahan ng mga tao. Siyempre, ang mga ito rin ang pinakakailangan ng mga nilikhang tao. Ito ay dahil ang katotohanan ay isang mahalagang bagay para makalaya ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas, makatahak sa tamang landas, at magawang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Para makamit ng mga normal na tao ang kaligtasan, ang paghahangad sa katotohanan, pagtanggap sa katotohanan, at pagsasagawa sa katotohanan ay isang kinakailangang proseso; wala nang ibang paraan. Kahit na mahirap para sa kanila na tanggapin at isagawa ang katotohanan dahil mayroon silang mga tiwaling disposisyon, mula sa perspektiba ng kanilang kaibuturang pagkatao at ng kanilang subhetibong kalooban, hindi sila mapanlaban sa katotohanan; ang kanilang subhetibong saloobin ay hindi isang saloobin na mapanlaban sa katotohanan, ni hindi rin ito isang saloobin ng sadyang pag-atake sa katotohanan o pagsubok sa lahat ng paraan na gumamit ng anumang mga maling pananampalataya at maling kaisipan para palitan ang katotohanan. Si Satanas lang ang makakagawa nito; ang diwa nito ng pagkamapanlaban sa katotohanan ay kapareho ng sa malaking pulang dragon. Anuman ang isang positibong bagay, anuman ang may kinalaman sa katotohanan, itinatatwa, kinokondena, at tinatanggihan ito ni Satanas. Kahit na hindi nagdudulot ng banta kay Satanas ang mga katotohanang ito, mapanlaban at namumuhi pa rin ito sa mga ito; ito ay idinidikta ng kalikasan nito. Dahil may masamang kalikasan ang mga diyablo, ang katotohanan, para sa kanila, ay ang kanilang kaaway. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang “kaaway”? Ipinahihiwatig nito na ang magkakaaway ay hindi kailanman maaaring maging magkaayon, hindi kailanman magiging magkaibigan, hindi kailanman magiging mga kasamang may iisang isipan. Ito ay tulad ng malaking pulang dragon. Tinatrato nito ang mga nananampalataya sa Diyos nang may partikular na pagkamuhi at pagkamapanlaban. Hangga’t tumitigil ka sa pananampalataya sa Diyos at iniinsulto mo ang Diyos, maaari kang gumawa ng anumang kasamaan sa lipunan—wala itong pakialam kung magnakaw ka, mang-umit, o makibahagi sa mahahalay na aktibidad; maaari kang makipagsabwatan dito at gumawa ng anumang masamang bagay. Ngunit kung mananampalataya ka sa Diyos at tatahakin mo ang tamang landas, hindi nito iyon papayagan; aarestuhin ka nito, uusigin ka, at papatayin ka pa nga. Sadyang hindi ka nito hahayaang umiral. Hangga’t umiiral ka, isa kang tinik sa tagiliran nito; sa bawat araw na umiiral ka, nakakaramdam ito ng pagkabagabag at hindi mapakali sa loob nito. Kapag nawasak ka na nito, kapag hindi ka na umiiral, saka lang ito nakakaramdam ng tagumpay, kapanatagan, at kapayapaan. Ang saloobin ng mga taong mga diyablo sa katotohanan ay pareho sa kalikasan ng pagkamuhi ng malaking pulang dragon sa katotohanan. Kung hinahangad mo ang katotohanan, isinasagawa ang katotohanan, ginagawa ang lahat ayon sa mga prinsipyo, may paninindigan, at itinataguyod ang mga prinsipyo, kaiinisan at kinamumuhian ka nila. Kung magiging mga lider sila at magkakaroon ng kapangyarihan, iisipin nila ang lahat ng paraan para humanap ng panghahawakan laban sa iyo para pahirapan ka, at ididiin ka pa nga sa kung anong kasalanan para alisin ka. Kapag ang mga naghahangad sa katotohanan ay naibukod na nilang lahat, at ang mga natitira sa iglesia ay pawang mga taong magugulo ang isip at mga hindi nakakaunawa sa katotohanan kahit kaunti, nakakaramdam sila ng kaligtasan, na wala nang banta sa kanila, at na magiging madali na ang kanilang mga araw. Samakatwid, ang mga taong mga diyablo ay hindi lang mapanlaban sa katotohanan kundi mapanlaban din sa mga nagmamahal at naghahangad sa katotohanan. Hindi ba’t ipinapakita nito na mayroon silang masamang kalikasan? (Oo.) Ang ilang tao, pagkatapos makondena, maibukod, at mapahirapan ng mga diyablo, ay nagsasabi, “Hindi ko naman pinasama ang loob nila, pero bakit kinaiinisan nila ako?” Hindi ba’t pagsasalita ito ng magulo ang isip? Hindi ba’t pagkabigo itong makita ang totoong sitwasyon at kawalan ng kakayahang kumilatis ng mga tao? Inaaresto at inuusig ba ng malaking pulang dragon ang mga Kristiyano dahil lumalabag sila sa mga batas at gumagawa ng mga krimen? O dahil nakikilahok ang mga Kristiyano sa mga aktibidad pampulitika para pabagsakin ito at agawin ang kapangyarihang pampulitika nito? (Parehong hindi.) Kung gayon, bakit nila ito ginagawa? Hindi tayo nakikilahok sa pulitika, ni hindi natin ito sinasalungat o inilalantad, lalo nang hindi tayo nakikibahagi sa mga aktibidad pampulitika para agawin ang kapangyarihan nito. Kung gayon, bakit nito sinusupil at inaaresto ang mga nananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan? Ito ay dahil lang sa sinusunod mo ang Diyos, tinatanggap ang katotohanan, at dinadakila ang Diyos at sinasamba Siya kaya namumuhi ito sa iyo. Naniniwala ito na ipinagkanulo mo ito; hindi mo ito sinusunod, sinasamba, at hindi ka nagpapasakop dito, kaya kinamumuhian ka nito. Kaya, nais nitong supilin at itiwalag ka, para makamit ang layong maglaho ka. Dahil lang sa ito ay isang masamang diyablo, at mayroon itong kalikasang diwa na mapanlaban sa katotohanan, kung susundin mo ang Diyos, magiging mapanlaban ito sa iyo, kamumuhian ka nito, at susubukan nito ang lahat ng paraan para pahirapan ka, itiwalag ka, at agawin ka mula sa tabi ng Diyos. Ito ang layunin nito. Kung titigil ka sa pagsunod sa Diyos, hindi ito magiging ganoon kamapanlaban sa iyo. Siyempre, susubukan pa rin nitong wasakin, gawing tiwali, paglaruan, at kontrolin ka. Kung magagawa mong sambahin at sundin ito, malulugod ito at hindi ka pahihirapan, ngunit sa huli, maililibing ka lang kasama nito. Walang sinumang sumasamba kay Satanas ang nagkakaroon ng magandang katapusan!
Ang kalikasan ni Satanas ng paglaban sa Diyos ay hindi kailanman magbabago. Bakit ang mga kay Satanas na mga anticristo ay labis na mapanlaban sa katotohanan at sa Diyos? Sabihin ninyo sa Akin, gaano ba kasama ang kanilang kalikasang diwa! Hindi nila tinatanggap ang katotohanan, ang gawain ng Diyos, ang anumang positibong bagay, o mga tamang kasabihan at pagsasagawa, nang walang eksepsiyon. Hindi lang sila nakakaramdam ng pagkasuklam sa kanilang puso at tumatangging tanggapin ang mga ito, kundi aktibo rin silang gumagawa ng masama para labanan ang Diyos, at nagkakalat ng iba’t ibang walang batayang tsismis at mga maling kaisipan para kondenahin ang katotohanan at mga positibong bagay. Nais din ng masasamang taong tulad nito na magkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos; pumupuslit sila papasok sa sambahayan ng Diyos, ngunit dahil hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, sila ay nabubunyag at natitiwalag. Halimbawa, ang pagtanggap sa pagpupungos ay isang positibong bagay. Kapag ang mga normal na tao ay gumagawa ng mali at pinupungusan, pagninilayan nila ang kanilang sarili. Kung ang kanilang maling gawa ay dahil sa maling mga intensyon o sa isang tiwaling disposisyon, hahanapin nila ang katotohanan para lutasin ito. Kung ang kanilang pagkakamali ay nangyari dahil mahina ang kanilang kakayahan at hindi nila nakita nang malinaw ang mga bagay-bagay, aktibo rin silang maghahanap ng landas para lutasin ito, maghahanap ng mga taong may mahusay na kakayahan na nakakaunawa sa katotohanan para tulungan at gabayan sila. Sa madaling salita, sa ilalim ng gabay at regulasyon ng kanilang konsensiya at katwiran, tatratuhin nila nang tama ang pagpupungos. Ngunit paano tinatrato ng mga taong mga diyablo ang pagpupungos? Ang mga diyablo mismo ay mapanlaban sa katotohanan, ngunit dahil sa kanilang masamang kalikasan, hinding-hindi sila titigil sa pagkamapanlaban lamang; kokondenahin, lalabanan, at lalapastanganin din nila ang katotohanan. Kaya kapag sila ay pinupungusan, buong-lakas nilang sinusubukang mangatwiran at ipagtanggol ang kanilang sarili. Hindi lang nila itinatanggi ang katotohanan, kundi inaatake at kinokondena rin nila ang mga pumupungos sa kanila, at nagkakalat pa nga ng gayong mga salita: “Napakahirap manampalataya sa diyos! Ang mga may mahinang kakayahan sa atin na hindi nakakaunawa sa katotohanan ay mapapatalsik lang sa huli. Hindi madaling maging palamunin ng sambahayan ng diyos! Ang mga taong may mahinang kakayahan ay walang daan pasulong; wala tayong magawa kundi ang mapahirapan ng iba. Paano man tayo paglaruan ng iba, kailangan lang nating tiisin ito. Sino ang masisisi natin kundi ang sarili nating mahinang kakayahan? Kung mahina ang kakayahan mo, mas mababa ka sa iba!” Hindi lang nila hindi tinatanggap ang pagpupungos o pinagninilayan at kinikilala ang kanilang sarili, hindi rin sila naghahanap ng mga prinsipyo ng pagsasagawa o ng isang landas ng pagsasagawa para lutasin ang problemang ito. Kung talagang mahina ang kanilang kakayahan, paano nila, sa pundasyon ng kanilang likas na mga kondisyon, maibibigay ang kanilang buong makakaya para magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin at maalay ang kanilang katapatan? Mag-iisip ba sila sa ganitong paraan? Sila ay mapanlaban sa katotohanan, kaya hinding-hindi sila mag-iisip sa ganitong paraan. Higit pa rito, lalo pa silang magiging matindi sa mga bagay at makikibahagi sa paghusaga at paninirang-puri, lihim pa ngang isinusumpa sa kanilang puso ang mga pumupungos sa kanila: “Hmp! Ginawa mo akong hindi komportable ngayon. Isang araw, ipapakita ko sa iyo kung sino ako! Sa tingin mo ay mahina ang kakayahan ko? Maraming taon na akong nananampalataya sa diyos, samantalang ikaw ay ilang taon pa lang na nananampalataya! Kinaiinisan mo ako? Isang araw, ipaparanas ko sa iyo ang mga kahihinatnan, idudulot ko na mamatay ka nang kahindik-hindik!” Nakikita mo, kapag sila ay pinupungusan, bagama’t wala silang sinasabi at nakangiti pa nga, ang kanilang puso ay nag-uumapaw sa hinanakit, pagkamuhi, at mga sumpa. Ipinapakita ng ilang tao ang kanilang pag-ayaw na tanggapin ang pagpupungos, paminsan-minsan ay nagbibitaw ng mga salita ng reklamo, pag-atake, o paghusga. Hindi lang sila mapanlaban sa pagpupungos, kundi nagkukusa rin silang atakihin ang mga pumupungos sa kanila, hindi tinatantanan ang sinumang gumagawa nito sa kanila. Ang ilang babae ay maaaring medyo maliit at mukhang napakarupok sa panlabas, ngunit kapag may isang taong tunay na pumupungos sa kanila, sumisiklab sila sa galit: “Labis na akong nagdusa sa pananampalataya sa diyos sa loob ng lahat ng taong ito—naging madali ba ito? Kinaiinisan mo ako—aba, nangangaral na ako ng ebanghelyo noon pa man, bago ka pa man isilang! Sinusubukan mo ba akong apihin dahil lang sa mas matanda ako? Sinasabi ko sa iyo, hinding-hindi iyan mangyayari! Magtanong-tanong ka—kanino na ba ako sumuko sa buong buhay ko?” Matatanggap ba ng mga taong may ganitong uri ng disposisyon ang katotohanan? Tiyak na hindi. Hindi nila hindi tinatanggap ang pagpupungos, kundi isinusumpa pa nila ang mga pumupungos sa kanila. Hindi ba’t labis silang mapaminsala? Ang mga taong mga diyablo at mga Satanas ay mapanlinlang, tuso, taksil, at mapanlamang. Dahil ang kanilang saloobin sa katotohanan ay isang saloobin ng pagkamapanlaban at pag-atake, kapag nalantad ang kanilang masasamang gawa at nahaharap sila sa pagpapaalis o pagpapatalsik nang walang pag-asang magkamit ng mga pagpapala, hinding-hindi sila magiging ganoon kabait o kaamò, kundi gagamit sila ng mga paraan para lumaban. Ang ilan ay gumagawa ng mga kasinungalingan, sinasabing pinahihirapan sila ng mga lider at manggagawa, inuudyukan ang iba na ipagtanggol sila, sadyang ginugulo ang gawain ng iglesia. Ang iba ay nagkukunwaring nagpapasakop, sinasabing, “Paano man ako tratuhin ng sambahayan ng Diyos, kahit na ipadala ako sa isang grupong B o paalisin, gagampanan ko pa rin ang aking tungkulin. Tapat ako sa diyos, at hinding-hindi ko itatatwa ang daang ito o isusuko ang aking tungkulin.” Nagpapanggap sila para linlangin ang mga tao, pinagmumukha nilang nagsisisi sila, na para bang kaya nilang tumanggap at magpasakop paano man sila tratuhin ng sambahayan ng Diyos at hindi nila isusuko ang kanilang tungkulin. Sa katunayan, nililinlang at pinaglalaruan ka nila. Iniisip nila: “Hmp! Gusto mo akong gamitin para magserbisyo? Asa ka pa! Kapag ipinapahayag ko ang aking determinasyon sa iyo at sinasabi kong handa akong gampanan ang aking tungkulin, pormalidad lang iyon, niloloko ko lang kayo!” Sa panlabas, mukha silang partikular na maamo at masunurin, na nagpapaisip sa mga tao na handa silang gumampan ng tungkulin. Ngunit kapag talagang isinaayos mo na gumampan sila ng tungkulin, sila ay pabasta-basta, gumagamit ng panlilinlang at nililinlang ka, at naglalaho pa nga na parang bula. Maaaring mahigit sampung araw na mula nang atasan sila ng isang gawain, at walang magiging anumang pag-usad. Ang ilang tao ay ignorante at walang pagkilatis, at malilito sila rito, iisipin na: “Medyo masigasig sila noong pumayag silang gawin ito, sinasabing handa silang gampanan ang kanilang tungkulin. Hindi naman sila mukhang nagsisinungaling. Paanong hindi na sila mahagilap ngayon?” Hayaan mong sabihin Ko sa iyo ang katotohanan: Sila ay malalaking manloloko lang, sila ay mga diyablo. Ano ang turing ng mga taong mga diyablo sa paggampan ng tungkulin? Itinuturing nila ito bilang paggamit sa kanila ng sambahayan ng Diyos para magserbisyo, bilang paglalaro sa kanila. Ito ang mentalidad ng mga taong mga diyablo sa paggampan ng tungkulin. Ano ba ang mayroon sa iyo na karapat-dapat gamitin? Sa pinakamainam, nakakaunawa ka lang nang kaunti tungkol sa isang partikular na propesyon. Kung may pangangailangan ang sambahayan ng Diyos sa gawain sa larangang ito, sa pinakamabuti ay nangangahulugan itong angkop kang gampanan ang tungkuling ito. Ang paggamit sa usapin ng paggampan ng tungkulin para sukatin ka at humingi sa iyo ay isang pagdakila sa iyo. Kung tatanggi ka at hindi ka tatanggap, nabibigo kang magpahalaga ng kabaitan. Ganito kahindi tinatablan ng katwiran ang mga taong mga diyablo. Humihiling silang gampanan ang isang tungkulin, at kapag nagsasaayos ang iglesia ng gawain para sa kanila, ipinagpapalagay nilang nais silang gamitin ng sambahayan ng Diyos. Kung talagang mayroon kang halaga para magamit sa iglesia, ito ba ay mapalad o sawimpalad para sa iyo? (Mapalad.) Ito ba ay isang kasawian o isang pagpapala para sa iyo? (Isang pagpapala.) Bakit mo nasasabing isa itong pagpapala? (Ang kakayahang magserbisyo para sa Diyos ay pagdakila ng Diyos, kaya isa itong pagpapala.) Dapat mong maunawaan ito: Ang pagseserbisyo sa Diyos ay pagdakila ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng pagdakila? Nangangahulugan ito na mayroon kang kaunting kalakasan sa propesyon na maaaring magamit sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na isang pagkakataong ibinibigay sa iyo ng Diyos, na binigyan ka ng Diyos ng pagkakataong magserbisyo para sa Kanya, isang pagkakataong makamit ang kaligtasan, at na ito ay isang pangunahing kondisyon para pagpalain ka. Kapag taglay mo na ang pangunahing kondisyong ito ay saka ka lang maaaring magkaroon ng pagkakataong tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan nang hakbang-hakbang, at makamit ang kaligtasan. Kung wala kang anumang kapuri-puring katangian, kung gayon, sa sambahayan ng Diyos ay wala kang silbi. Magtutustos pa rin ba ang sambahayan ng Diyos para sa iyo nang libre? Kung wala kang magagawang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, kung gayon ay wala kang wasto at makatwirang daluyan at pangunahing kondisyon para mapanatili ang isang normal na relasyon sa Diyos. Kung hindi ka magagamit sa anumang partikular na gawain sa sambahayan ng Diyos, nangangahulugan itong hindi ka nakapagtatag ng anumang relasyon sa Diyos, at sa gayon ay wala kang pagkakataong humarap sa Diyos, walang pagkakataong tanggapin ang anumang hakbang o anumang yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Kung gayon, mayroon ka pa bang pagkakataon at mga kondisyon para makamit ang kaligtasan? Samakatwid, kung sinasabing mayroon kang halaga para magamit, maaaring hindi ito magandang pakinggan sa mundong walang pananampalataya, at marahil ang “paggamit” ay isang negatibong termino roon—ngunit sa sambahayan ng Diyos, kailangan mong tingnan kung sino ang gumagamit sa iyo. Paano dapat bigyang-kahulugan ang “paggamit” na ito? Kung ginagamit ka ng Diyos, pinatutunayan nitong mayroon ka pang halaga at maaari ka pang magserbisyo para sa Diyos. Kapag nagseserbisyo ka sa Diyos, hindi ba’t pagdakila ito ng Diyos sa iyo? (Oo.) Ito ay pagbibigay sa iyo ng Diyos ng isang pagkakataon, pagdadakila sa iyo ng Diyos. Ito ay isang mabuting bagay; pinatutunayan nitong may pagpapahalaga sa iyo ang Diyos at handa pa rin Siyang bigyan ka ng pagkakataon. Kaya, kahiya-hiya ba ang magamit ng Diyos? Ito ba ay isang kawalan? Nawawalan ka ba sa pagpapagamit? Nagiging dahilan ba ito para mawala ang iyong integridad o dignidad? Hindi, higit pa ang nakakamit mo. Binibigyan ka nito ng pagkakataong humarap sa Diyos para tanggapin ang katotohanan at ang pagliligtas ng Diyos. Hindi ka nawawalan kahit kaunti; nakakakuha ka ng malaking kalamangan. Ngunit hindi ito nakikita sa ganitong paraan ng mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo. Mayroon silang masamang kalikasan. Paano man sila gamitin at gawing tiwali ni Satanas, wala silang pagtutol; lubos silang nasisiyahan dito. Kung gagamitin sila ng mga opisyal ng gobyerno, itinuturing nila itong mapalad, isang tanda ng kasaganaan. Hindi sila kumikilatis, sumasalungat, lumalaban, o tumatanggi rito. Ngunit sa iglesia, kung iaangat sila para gampanan ang isang tungkulin, pakiramdam nila ay nagseserbisyo sila, na sinasamantala sila, at na ginagamit sila ng iglesia. Halimbawa, may isang babae na nakakaunawa nang kaunti tungkol sa isang partikular na kasanayang propesyonal, kaya isinaayos ng ng iglesia na gumawa siya ng gawain sa larangang ito. Hindi lang niya ito hindi kayang tanggapin mula sa Diyos, kundi nakakaramdam din siya ng partikular na pagkasuklam sa kanyang puso: “Sinusubuka mo bang gamitin ako? Sige, subukan mo! Hindi ako ganoon kahangal! Nabuhay ako nang ganito katagal at hindi pa kailanman nagamit ng sinuman. Hindi pa naipapanganak ang taong makakagamit sa akin!” Hindi mo kailangang mainis nang husto. Kung handa kang gampanan ang iyong tungkulin, tanggapin mo ito mula sa Diyos at gampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin. Kung hindi ka handang gampanan ang iyong tungkulin, lisanin mo ang sambahayan ng Diyos. Bukas ang tarangkahan ng sambahayan ng Diyos; maaari kang umalis anumang oras at pumunta saan mo man gusto. Ipinagkakaloob ng Diyos ang katotohanan sa mga tao nang libre. Ang pagkakaloob ng Diyos ng katotohanan at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa mga tao ay pawang walang bayad. Humingi ba Siya sa iyo ng kahit isang kusing? (Hindi.) Gumagawa ka ng kaunting tungkulin ngunit itinuturing mo itong paggamit sa iyo ng Diyos. Hindi ba’t kawalan ito ng konsensiya, pagkabigong magpahalaga ng kabaitan? Ano naman kung gamitin ka ng Diyos? Mali ba iyon? Ang mismong buhay mo ay ibinigay ng Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang Diyos na gamitin ka? Hindi ba Siya kalipikado? Maaari ka bang umaktong mataas at makapangyarihan dahil lang sa nakakaunawa ka nang kaunti tungkol sa isang propesyon? Kailangan bang maging labis na mapagpakumbaba ang Diyos, magalang na nagmamakaawa sa iyo, nangangako sa iyo ng mga bagay, dinadakila ka at inilalagay ka sa isang trono—magpapasaya ba iyon sa iyo? Hindi kayang maunawaan nang tama ng mga taong walang normal na pagkatao ang usapin ng paggampan ng tungkulin. Palagi nilang sinasabi, “Ginagamit ako ng sambahayan ng diyos. Hindi ako ganoon kahangal; mga hangal lang ang handang magpagamit sa diyos!” Nakikita mo, ang kaisipang ito ay kapwa lihis at masama, at lubos na hindi makatwiran! Paano dapat tratuhin ang gayong mga tao? Madali lang: Paalisin man sila o italaga sa isang grupong B, dapat lang silang alisin. Kung takot na takot kang magamit, bakit kumakapit ka pa rin sa sambahayan ng Diyos at sinasabing gusto mong gampanan ang isang tungkulin? Hindi ba’t pagiging mapagpaimbabaw ito at panlilinlang sa mga tao? Kung takot kang magamit, hindi ka kailanman gagamitin ng sambahayan ng Diyos para gampanan ang isang tungkulin; hindi namimilit ng mga tao ang sambahayan ng Diyos. Ngayon na ang panahon kung kailan ang bawat isa ay ibinubukod ayon sa kanilang uri. Sinumang handang gampanan ang kanilang tungkulin ay mananatili; sinumang hindi handang gampanan ang kanilang tungkulin ay dapat na mabilis na lisanin ang iglesia at hindi na kailanman bumalik. Hindi pinipilit ng sambahayan ng Diyos ang sinuman. Tanging ang mga kusang-loob na gumagampan ng kanilang tungkulin ang hinirang na mga tao ng Diyos. Ang mga hindi handang gampanan ang kanilang tungkulin ay pawang mga alipin ni Satanas, narito para guluhin ang gawain ng iglesia. Nais ng ilang tao na magkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng paggampan ng kanilang tungkulin, ngunit kasabay nito, takot silang magamit. Sila ba ay mga taong may konsensiya at katwiran? (Hindi.) Palagi silang takot na magdusa ng mga kawalan, palagi nilang nadarama na sinasamantala sila ng sambahayan ng Diyos, na sila ay nagdurusa ng labis na kawalan. Hindi ba’t pagkabigo ito na malaman kung ano ang nakakabuti para sa kanila? Anong kawalan ang dinanas mo? Kung susubukan mong ipagpalit ang iyong mga teknikal na kasanayan para sa katotohanan at para sa kaligtasan, sinasabi Kong hindi mo magagawa ang pagpapalit na iyon; hindi ka karapat-dapat, hindi ka kalipikado. Ang mga salita ng Diyos ay buhay; ang mga ito ang pinakamakapangyarihang sandata para maiwaksi ng sangkatauhan ang mga tiwaling disposisyon at makalaya mula sa impluwensiya ni Satanas. Tanging ang mga salita ng Diyos, tanging ang katotohanan, ang makakalipol sa dating sangkatauhan na nagtataglay ng kalikasang diwa ni Satanas. Tanging ang buhay ng Diyos, tanging ang katotohanan, ang makapagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay at wakasan ang tadhana ni Satanas. Ang buhay ng Diyos at ang katotohanan ay mga kayamanang walang katumbas; walang materyal na bagay sa mundo at walang anumang itinuturing na mahalaga ng mga tao ang maipagpapalit para sa mga ito. Kahit na ialay ng mga tao ang kanilang buhay, ang mga ito ay hindi maipagpapalit para sa mga ito, lalo pa ang kanilang kakarampot na teknikal na kasanayan. Ang katotohanan ay hindi ipinagbibili; hindi ipinagbibili ng sambahayan ng Diyos ang katotohanan, hindi ipinagbibili ang buhay. Kaya ano nga ba ang magagawa ng mga tao para magkamit ng buhay? Tanging sa pamamagitan ng pagtanggap sa katotohanan, pagpapasakop sa katotohanan, pag-aalay ng kanilang katapatan at sinseridad sa Diyos, at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha, sila makapagkakamit ng buhay.
Ang mga taong may masamang diwa ni Satanas ay nagtataglay ng mga disposisyong partikular na mapaminsala. Hindi lang sila nagpapakita ng pagkamapanlaban sa katotohanan at umaatake sa katotohanan, kundi gusto rin nilang gamitin ang sarili nilang mga maling pananampalataya at maling kaisipan para ipalit sa katotohanan. Ang pangunahin nilang pagpapamalas ay na kinamumuhian at inaatake nila ang sinumang pumupungos o naglalantad sa kanila, at pinahihirapan nila ang mga ito. Napakasama ng disposisyong diwang ito, mas malupit pa kaysa sa disposisyon ng anumang mabangis na hayop. Bagama’t may mababangis na disposisyon ang mga tigre at leon, kapag hindi sila gutom o kapag hindi ka banta sa kanila, binabalewala ka nila at ayaw ka nilang saktan. Pero iba ang mga diyablo. Kahit na balewalain mo sila, basta’t banta ka sa katayuan nila, hindi ka nila palalampasin; sila ang unang aatake sa iyo—lalo na kung ilalantad at pupungusan mo sila. Hindi lang nila hindi kailanman tinatanggap ang mapungusan, kundi tumatanggi rin silang makinig sa anumang mga tamang kasabihan o mungkahi. Sa halip, nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para gantihan ang kabilang panig upang gawing tagumpay ang pagkatalo, nagkakamit ng kalamangan sa bawat pakikibaka at paligsahan, ginagawang inisyatiba ang pagiging pasibo. Ipagpalagay mong may makita kang isang tao sa iglesia na hindi sumusunod sa mga panuntunan, hindi napipigilan ng anumang mga limitasyon, hindi matanggap na mapuna o masalungat ng sinuman, hindi tumatanggap kapag may nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, lumalaban at nakikipagtalo kapag pinupungusan, at kinamumuhian at inaatake ang sinumang naglalantad sa kanya—isa itong diyablo. May ilang taong nagkakamali nang kaunti sa gawain nila, at bago pa man sila punahin o ilantad ng iba para sa anuman, inuunahan na nila ang pag-atake, iniisip ang lahat ng paraan para makahanap ng mga dahilan upang bigyang-katwiran at ipagtanggol ang sarili nila, sinasabing may mga dahilan at paliwanag sa mahina nilang paggawa at may isang taong nanabotahe rito, sinusubukan ang lahat ng paraan para ipasa ang responsabilidad sa iba at linisin ang sarili nilang pangalan. Talagang sensitibo sila sa tuwing may sinumang nakikipagbahaginan at humihimay sa sarili nilang tiwaling disposisyon, naniniwalang tungkol talaga ito sa kanila, at sinusubukan nila ang lahat ng paraan para protektahan ang kanilang ego at pagtakpan ang mga pagkakamali nila, hinuhusgahan at kinokondena pa nga ang mga nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan. Hinding-hindi kailanman aaminin ng gayong mga tao ang mga pagkakamali nila o magninilay sa sarili, lalo namang hindi sila magsisisi. Sa halip, nag-iisip sila ng lahat ng paraan para magbalatkayo, para maging mga perpektong tao at mga indibidwal na walang kapintasan sa paningin ng iba, mga taong sa tingin ng iba ay hindi kailanman nagkakamali. Mali man ang masabi nilang isang parirala, mali man ang magamit nilang isang termino, o magkaroon man ng ilang paglihis o kapintasan sa gawain nila, o maglantad man ng ilang tiwaling disposisyon at intensyon na natuklasan ng iba, pakiramdam nila ay isa itong masamang pahiwatig, na para bang may isang teribleng bagay na malapit nang mangyari, na nakataya ang buhay nila, o na magugunaw na ang mundo. Pagkatapos ay nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para bigyang-katwiran at ipagtanggol ang sarili nila; ito ang likas nilang reaksiyon. Gumagawa pa nga sila ng ilang pagkukunwari, nagsasabi ng mga bagay na umaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, mga salitang nakakakuha sa loob ng mga tao, para linlangin ang mga nasa paligid nila. Talagang takot silang malaman ng mga tao ang tunay nilang kulay, ang mga depekto at kapintasan nila, at talagang takot silang malantad ang tunay nilang sitwasyon. Hindi nila kailanman inaamin na mahina ang kakayahan nila o na may mga problema sila sa kanilang pagkatao, at siyempre, lalong hindi nila inaamin ang mga pagkakamaling nagawa nila o ang mga tiwaling disposisyong ibinunyag nila. Mahigpit nilang ibinabalot ang kanilang sarili, tinitiyak na walang anumang makakalusot. Ang layon nila ay protektahan ang kanilang katayuan at reputasyon, na panatilihin magpakailanman ang isang maluwalhati at walang kapintasang imahe sa puso ng mga tao, ipinaiisip sa mga tao na wala silang mga depekto sa kanilang pagkatao, na minamahal at hinahangad nila ang katotohanan, na kaya nilang isagawa ang katotohanan, na kaya nilang magtiis ng paghihirap at magbayad ng halaga, at na wala silang anumang mga tiwaling disposisyon. Ang gayong mga tao ay mga diyablo, hindi mga tao. Sadyang hindi tinatanggap ng mga diyablo ang katotohanan, at nag-iisip pa nga sila ng lahat ng paraan para magbalatkayo bilang ang mismong pagsasakatawan ng katotohanan, ang pinakalarawan ng isang perpektong imahe. Ito ay kapwa lihis at masama, hindi ba? Gaano man karaming taon na silang nananampalataya sa Diyos, palagi nilang ipiniprisinta ang sarili nila bilang mga perpektong tao, walang mga depekto. Kahit na mayroon silang pagkanegatibo, kahinaan, o mga kuru-kuro, hindi sila kailanman naglalakas-loob na ilantad ang mga ito, ibinabalot lang nila ang mga ito. Sa sandaling may isang taong maglantad sa kanila, kinamumuhian nila ang taong iyon at nag-iisip sila ng iba’t ibang paraan para pahirapan ito, habang kasabay nito ay gumagamit ng iba’t ibang metodo at paraan para ibalik ang kanilang imahe. Halimbawa, palaging ipinagtatanggol ng ilang tao ang sarili nila, nagsasalita ng ilang mapanlihis na maladiyablong salita, at sadyang ginagawang puti ang itim at nililito ang tama sa mali, para ilihis ang ilang taong walang pagkilatis, sa gayon ay binabago ang pananaw ng mga tao sa kanila at ipinasusuring-muli sa mga tao ang paglalarawan sa kanila. Ang gayong mga tao ay mga tunay na diyablo, na walang katiting na pagkatao. Gaano man kahusay umarte ang mga diyablo, anuman ang mga pananaw nila sa iba’t ibang usapin, sa madaling salita, dahil mayroon silang masamang kalikasan, magiging mapanlaban sila sa katotohanan. Ibig sabihin, mula sa kaibuturan ng kanilang puso, hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan o mga positibong bagay. Hindi sila nakikinig sa mga salita ng Diyos o tumatanggap sa mga salita ng Diyos; ang kalikasang diwa nila ay ang kamuhian ang Diyos. Anuman ang sabihin ng Diyos, nakakaramdam sila ng pagkasuklam. Marahil ay hindi mo matutuklasan ang pagkasuklam nila; sa panlabas, dumadalo rin sila sa mga pagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at hindi sila nagpapakita ng saloobin ng pagkamapanlaban sa bawat katotohanan. Ngunit kapag may nangyayaring hindi umaayon sa kanilang mga kuru-kuro o may kinalaman sa kanilang mga interes, hinuhusgahan nila ang Diyos, ang sambahayan ng Diyos, at ang katotohanan, hinuhusgahan at inaatake nila ang mga naghahangad sa katotohanan, at hinuhusgahan nila ang anumang positibong bagay—ilalantad nila ang kanilang masamang kalikasan. Sa panahong ito, matutuklasan mo na ang pahayag nilang handa silang tanggapin ang katotohanan ay pawang pagkukunwari; sa kaibuturan ng kanilang puso, nasusuklam sila at kinasusuklaman nila ang katotohanan, at hindi nila ito tinatanggap kahit kaunti. Ngunit dahil magaling silang magbalatkayo, nililinlang nila ang ilang tao, tulad lang ng mga Pariseo.
Ang mga nagreengkarnasyon mula sa mga diyablo ay walang ibang taglay kundi pagkamapanlaban, paghusga, at pag-atake sa katotohanan; dahil sa gayong pag-iisip, imposible para sa kanila na tanggapin ang katotohanan. Pagdating sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, basta lang nila itong binabasa nang malakas para marinig ng iba at pagkatapos ay itinuturing na tapos na. Kapag oras na para gawin ang aktuwal na gawain, kahit kaunti ay hindi sila nagsasagawa ayon sa mga prinsipyong hinihingi sa mga pagsasaayos ng gawain, bagkus ay kumikilos sila ayon sa sarili nilang kalooban, sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon. Tanging ang mga pagsasaayos ng gawaing iyon na kapaki-pakinabang sa kanilang katayuan at reputasyon ang ipatutupad nila; kung hindi kapaki-pakinabang sa kanilang kasikatan, pakinabang, at katayuan ang mga pagsasaayos ng gawain, hindi nila ipatutupad ang mga ito, kahit pa may kakayahan silang gawin ito. Bakit ganito? Dahil sa sandaling maipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain, malalaman ng mga tao na ang sambahayan ng Diyos ang gumawa nito at magpapasalamat lang sila sa Diyos, hindi sa kanila; mararamdaman ng mga tao na mahal ng Diyos ang tao at hindi nila mararamdaman na mayroon silang anumang merito, na nangangahulugang hindi sila magkakamit ng reputasyon, katayuan, o anumang mga pakinabang. Isa itong dahilan. Ang isa pang dahilan ay dahil may kalikasan ang mga diyablo na mapanlaban sa katotohanan, hindi sila gagawa ng anuman ayon sa mga katotohanang prinsipyo, bagkus ay kikilos sila ayon sa sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at instinto. Ano ba ang mga instinto ni Satanas? Ang gumawa ng kasamaan at labanan ang Diyos, ang gambalain ang gawain ng Diyos, at ang ilayo ang mga tao sa Diyos, ipagkanulo ang Diyos, at sa halip ay sambahin ito. Ang layunin ni Satanas sa pagpunta sa iglesia ay ang guluhin at wasakin ang gawain ng iglesia. Gagawin nito ang anumang makapagdudulot ng kaguluhan at panggugulo sa gawain ng iglesia. Kahit na hindi ito magdulot ng pakinabang sa katayuan o reputasyon nito, hangga’t makapagdudulot ito ng paggambala, panggugulo, at pinsala sa gawain ng iglesia, nakamit na nito ang layon nito. Halimbawa, hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga iglesia sa lahat ng lokalidad na tumpak at makatotohanang iulat ang bilang ng mga taong nakamit sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo bawat buwan. Magagawa ba nila ito sa paraang walang panlilinlang? Hindi, mag-iisip sila ng lahat ng paraan para manlinlang at mag-ulat ng mga huwad na bilang, mag-uulat ng dagdag na isandaang tao sa buwang ito, dagdag na dalawandaan sa susunod na buwan, at kung walang sinumang makakatuklas nito, mag-uulat sila ng dagdag na ilang daan pa. Hindi sila kailanman nagsasagawa ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, at anuman ang mga problemang makaharap nila ay hindi nila hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo; wala silang mga moral na hangganan sa kung paano sila umasal o kumilos. Sila ay mga diyablo. Paano man pagbahaginan ang katotohanan, hindi nila ito tatanggapin. Ang kanilang konsensiya ay walang damdamin; sila ay mga walang-konsensiyang nilalang. Itinatakda ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos ang mga prinsipyo para sa pamamahagi ng mga aklat ng mga salita ng Diyos—kung sino ang dapat tumanggap ng mga ito at kung sino ang hindi. Kaya ba nilang kumilos ayon sa mga prinsipyong ito? (Hindi.) Itinatakda ng mga pagsasaayos ng gawain kung gaano karaming tao ang kailangan para magtatag ng isang iglesia, kung gaano karaming iglesia ang bumubuo ng isang distrito, kung gaano karaming distrito ang maaaring bumuo ng isang rehiyon, at kung ano ang mga kondisyon at prinsipyo para sa pagtatatag ng mga lider sa lahat ng antas. Kaya ba nilang magsagawa ayon sa mga prinsipyong ito? (Hindi.) Hindi sila gagawa ng anumang gawaing kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos o sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Iniisip nila, “Kung gagawin ko nang maayos ang gawain para sa iyo, at lalago sa buhay ang mga kapatid at magkakaroon ng pagkilatis sa akin, makakapanatili pa ba ako sa aking posisyon at mapapanatili ko pa ba ang katayuan ko? Tiyak na hindi ko papagurin ang sarili ko para sa iyo! Basta-basta ko na lang gagawin ang mga bagay-bagay. Hinihingi ng sambahayan ng Diyos na limampung tao ang bumuo ng isang iglesia, pero igigiit ko ang walumpu o siyamnapu. Para naman sa kung paano inihahalal ang mga lider ng iglesia, nakadepende iyan sa kung anong pagsasagawa ang kapaki-pakinabang sa akin. Kung hindi ko gusto ang nahalal na lider ng iglesia, magtatalaga ako ng isang taong nakikinig sa akin at sumusunod sa akin.” Sa ganitong paraan ng paggawa nila, posible bang lumitaw ang normal na buhay iglesia? Aabutin ito nang napakatagal. Kung walang normal na buhay iglesia, mabilis bang lalago sa buhay pagpasok ang mga kapatid? Mabilis bang makakapagpatatag ng pundasyon ang mga bagong mananampalataya? (Hindi.) Ibig sabihin, ang mga huwad na lider at anticristong ito na mga diyablo ay hindi gagawa ng anumang gawaing kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Nakikita mo silang abalang-abala at napakasigla, pero ano ba ang ginagawa nila? Gumagawa lang sila ng mga bagay para sa sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ginagawa nila ang anumang gusto nila basta’t ito ay kapaki-pakinabang sa kanila, binibigyan ang sarili nila ng ganap na kalayaang gawin ang anumang gusto nila. Anumang mga ambisyon at pagnanais ang mayroon sila, isasakatuparan nila ang mga ito nang lubos kapag nakakuha na sila ng kapangyarihan; hinding-hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito. Para naman sa buhay iglesia, sa buhay pagpasok ng mga kapatid, sa kaayusan ng iglesia, at kung umuusad ba o maayos na umuusad ang gawain ng ebanghelyo ng sambahayan ng Diyos at ang gawain sa ibang mga larangan—wala sa mga ito ang kanilang inaalala. Halimbawa, kung sasabihan sila kung paano dapat mamahagi ng mga aklat ang isang iglesia at kung kanino, pag-iisipan nila, “Hindi kailangang maging napakahigpit. Basta ko na lang ipapamahagi ang mga ito kahit paano at iyon na iyon.” Kapag tinanong kung ligtas ba ang lugar kung saan nag-iimbak ng mga aklat ang iglesia, sasabihin nila, “Wala akong pakialam kung ligtas ito o hindi. Ano’t anuman, mayroon tayong lugar para pag-imbakan ng mga aklat, kaya ayos na.” Nakikita mo, mayroon silang mga kontra-hakbang sa mga polisiya ng nakatataas. Hindi nila ipinatutupad ang anuman sa mga pagsasaayos ng gawain o mga partikular na prinsipyo ng pagsasagawa mula sa sambahayan ng Diyos; sa halip, kumikilos sila ayon sa sarili nilang mga ideya at pamamaraan. Hindi ba’t pagtatangka itong palitan ang katotohanan ng sarili nilang mga pagsasagawa? Kung mapapasakamay ng gayong mga diyablo ang hinirang na mga tao ng Diyos, magdurusa sila—gagawin ng mga diyablo ang anumang gusto nila, at kailangang makinig sa kanila ang lahat, na para bang sila ay mga pinunong bandido, mga hari-harian sa kanilang lugar, mga amo, o mga emperador. Magiging imposible para sa hinirang na mga tao ng Diyos na magkaroon ng normal na buhay iglesia, magiging imposible para sa kanila na mabilis na makapagtatag ng pundasyon sa tunay na daan, at magiging imposible para sa kanila na mabilis na umusad sa iba’t ibang katotohanan. Hindi gagawa ng kahit isang mabuting bagay ang mga diyablo. Saanman makaranas ang isang iglesia ng mga panggugulo mula sa masasamang tao at mga anticristo, at lumitaw ang isang kalagayan ng kaguluhan, pinatutunayan nito na walang kakayahan ang mga lider ng iglesiang iyon na gumawa ng aktuwal na gawain at sila ay mga tau-tauhan lang. Ang mga kapatid na bago sa pananampalataya ay inililihis ng mga anticristo bago pa man sila makapagtatag ng pundasyon, at ang buhay iglesia ay nasasadlak din sa kaguluhan. Ang lahat ng ito ay idinulot ng mga huwad na lider na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain. Maaari kayang walang panahon ang mga huwad na lider para gumawa ng aktuwal na gawain? (Hindi.) Kung gugustuhin nilang gawin ang mahalagang gawaing ito, magkakaroon sila ng higit pa sa sapat na panahon, pero sadyang hindi nila ito ginagawa. Inilalantad nito ang masamang kalikasan ng mga diyablo. Wala silang ibang higit na kinatatakutan kundi ang hindi maging magulo ang iglesia, ninanais na maging ganap itong magulo, hinahangad na ang gawain ng iglesia ay mapunta sa isang kalagayan ng kaguluhan at pagtigil, umaasang susunod ang lahat ng miyembro ng iglesia sa masasamang tao at mga anticristo, at malilihis ng mga anticristo, masasamang tao, at mga diyablo, at hindi susunod sa Diyos. Ito mismo ang gusto nila, at magiging masaya at kontento sila. Kapag ang mga kapatid ay may normal na buhay iglesia, normal na nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Diyos at nakakapagbahaginan tungkol sa katotohanan, at may natatamo sila sa tuwing nakikilahok sila sa buhay iglesia, hindi sila komportable. Dahil kung palaging may natatamo ang mga tao at unti-unting lumalago ang mga ito sa buhay, magkakaroon ang mga ito ng pagkilatis sa kanila at itatakwil sila, at mawawala ang kanilang katayuan, na isang kalalabasang ayaw nilang makita. Pakiramdam nila, habang mas nagiging magulo ang iglesia, mas marami silang pagkakataon na ipakita ang kanilang mga talento, mas marami silang puwang para gamitin ang kanilang mga talento, at mas nasa kanilang elemento sila at naghahanap ng tagumpay sa gitna ng kaguluhan. Tunay na ito ang pakana ng mga diyablo! Walang katotohanang prinsipyo at walang partikular na pagsasaayos ng gawain ang maipapatupad kung saan naroroon ang mga diyablo. Hindi nababasa ng mga kapatid ang mga pagsasaayos ng gawain at wala silang landas sa paggampan ng kanilang tungkulin. Kapag lumilitaw ang kaguluhan sa iglesia, sadyang hindi ito nilulutas ng mga huwad na lider at anticristong ito na mga diyablo, at lihim pa nga silang nagagalak. Nag-iisip pa nga sila ng lahat ng paraan para lumikha ng gulo, nagtatalaga ng isa pang diyablo o anticristo bilang isang lider, na nagiging sanhi para lalo pang maging magulo ang iglesia; lalo pa nilang ikinasisiya nito. Hindi ba’t pareho ito sa kung paano gumagawa ng mga bagay ang malaking pulang dragon? Hindi pinapayagan ng malaking pulang dragon ang mga tao na manampalataya sa Diyos, sumunod sa Diyos, o gampanan ang kanilang tungkulin; pinapayagan lang nito ang mga tao na makinig sa Partido at sumunod sa Partido. Puwede silang kumain, uminom, magsaya, at gumawa ng anumang krimen; anuman ang krimeng gawin nila, hindi sila nililimitahan nito. Maraming lokal na siga, basagulero, at mga kalapating mababa ang lipad sa lipunan; namumuhay ang mga tao sa kasalanan at nagpapasasa sa mga kaluguran ng kasalanan, at sa gayon ay walang sinumang nagmamalasakit sa mga pambansang usapin, at walang sinumang nagsisiyasat kung gaano karaming kasamaan ang nagawa ng CCP kapag walang nakatingin. Ito ay tinatawag na paglilihis ng atensiyon. Sa maraming taon ng pamumuno nito sa Tsina, ang pinakamabisang taktika para sa malaking pulang dragon ay ang ipakilala sa Tsina ang iba’t ibang masasamang kalakaran at masasamang kaisipan at pananaw mula sa iba’t ibang bansa. Pagkatapos nito, ang mga Tsino ay ganap na naging liberal pagdating sa pakikipagtalik, bukas ang kanilang isipan, at bukas din ang paraan ng pagsasalita nila tungkol sa pakikipagtalik. Iniisip nila ang mga bagay na ito buong araw. Ano na ang nangyari sa buhay ng mga karaniwang tao? Umiikot ito sa pagkain at pakikipagtalik, sa kanilang mga likas na pagnanasa. Lahat ng karaniwang tao ay nabibitag sa gayong malupit na siklo, kaya nagiging maluwag sila sa kanilang pagbabantay sa politika at mga pinuno, wala silang pagkasensitibo tungkol sa politika at mga pinuno, at hindi na sila nagmamalasakit sa mga ito. Tulad ng mga lulong sa opyo, humihina ang lakas ng kanilang kalooban. Wala nang ambisyon ang mga lalaki na maghangad ng mga propesyon, at hindi na ninanais ng mga babae na maging mabubuting asawa at mga mapagmahal na ina. Hindi tinatahak ng mga tao ang tamang landas o ginagawa ang mga nararapat na gawain. Walang sinumang nakikilahok sa politika, at lahat ay ganap na sunud-sunuran sa malaking pulang dragon. Sa ganitong paraan, napatitibay ang rehimen ng malaking pulang dragon, dahil madaling pamunuan ang gayong mga tao. Ano ang ibig sabihin ng “madaling pamunuan”? Ang ibig sabihin nito ay gaano man apihin ng malaking pulang dragon ang mga karaniwang tao, wala silang mga pagtutol at kailangan nilang tiisin ito. Hindi ba’t ito mismo ang epektong nakamit ngayon? (Oo.) Tingnan ninyo ang mga pelikulang Tsino o mga online video; walumpu hanggang siyamnapung porsiyento ng mga ito ay tungkol sa seksuwal na pagnanasa o mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Mayroon itong teribleng epekto sa mga tao; hindi nito pinoprotektahan ang mga bata at menor de edad. Mayroong mahihigpit na regulasyon ang mga taga-Kanluran sa bagay na ito; pinoprotektahan nila ang mga bata at menor de edad at mayroon silang mga hakbang sa pag-iwas para sa mga ito. Ang mga kabataang Tsino ngayon ay lumalaki sa gayong kapaligirang panlipunan. Sa napakabatang edad, ang kanilang isipan ay punong-puno ng mga bagay tulad ng romansa, pag-ibig, pakikipagtalik, at pag-aasawa. Kakila-kilabot! Kung mamumuhay ang sangkatauhan sa gayong konteksto ng lipunan, at sa pamamagitan ng pagkokondisyon at edukasyon ng kapaligirang panlipunan, ang mga normal na pangangailangang pisyolohikal ng sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas sa antas ng pagkabulok, kung gayon ang mga puso ng mga tao ay magiging buktot at bulok. Isang pagpapamalas ng kabuktutan at pagkabulok ay na walang kahihiyan ang mga tao sa bagay na ito, o bumababa ang kanilang pamantayan para sa pakiramdam ng kahihiyan sa bagay na ito. Ang ilang tao, dahil mayroon silang konsensiya at katwiran, ay may isang linya sa kanilang puso na hindi nila lalampasan; ito ang kaunting hiya na kayang makamit ng kanilang kakaunting konsensiya at katwiran. Ngunit pagkatapos manampalataya sa Diyos ng mga taong ito, dala pa rin nila ang mga anino at bakas ng paglaki sa kontekstong iyon ng lipunan. Hanggang sa araw na ito, unti-unting iwinawaksi ng ilan ang mga ito, habang ang iba ay namumuhay pa rin sa aninong iyon at hindi pa nakakaahon mula rito. Ang mga taong lumalaki sa ganoong uri ng kapaligiran at kaligirang panlipunan ay winasak sa isang tiyak na antas ang kanilang panloob na pagnanais para sa mga positibong bagay, para sa katarungan, at ang kanilang pagpapasya, determinasyon, o pananabik na tahakin ang tamang landas. Ano ang ibig sabihin ng “winasak”? Ang ibig sabihin nito ay dahil nakondisyon at naturuan ng gayong kapaligirang panlipunan, ang determinasyon, pagtitiyaga, at lakas ng kalooban ng mga taong ito na manabik para sa mga positibong bagay at hangarin ang liwanag at katarungan ay napakahina; hindi nila kayang labanan ang anumang pagsubok, anumang mga kabiguan, o anumang mga pagkatalo. Ito ay tulad ng mga taong gumamit ng opyo; kahit na tumigil sila, hindi roon nagtatapos ang pinsala ng droga. Kapag nakakaranas sila ng mga kabiguan o pagkatalo, kapag nasisiraan sila ng loob o nagiging negatibo, maaari silang muling bumalik sa bisyo at gumamit muli ng opyo para pamanhirin ang kanilang isipan at takasan ang iba’t ibang paghihirap sa buhay. Ibig sabihin, imposible para sa kanila na talikuran ang kanilang pagkalulong sa droga nang minsanan at tuluyan; babalik sila sa dati habang nasa proseso, babalik sa kanilang mga dating gawi, at gagamitin ang parehong paraan para lutasin ang iba’t ibang problema sa buhay. Ang mga taong ito na lumaki sa gayong masamang kapaligiran at kaligirang panlipunan ay nakatanggap ng maraming maling pananampalataya at maling kaisipan mula kay Satanas, na napakalalim na nag-ugat sa kanilang puso. Ang kanilang kalooban na hangarin ang katotohanan ay napakarupok pa rin, at hindi nila kayang labanan na mailihis at maakit, o ang iba’t ibang tukso ng, mga satanikong masamang puwersa. Ibig sabihin, bagama’t sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, ang kanilang pananaw sa buhay, ang kanilang sistema ng mga pinahahalagahan, ang kanilang pananaw sa pag-ibig, at ang kanilang pananaw sa kaligayahan ay pawang malalim na naiimpluwensiyahan at kinokondisyon ng masasamang kalakaran, ginagapos at kinakadenahan pa nga ng mga bagay na ito. Nais pa rin ng ilan na hangarin ang isang masayang pag-aasawa, isang mundo para sa dalawa, at bumalik sa masasamang kalakaran ng mundo para magpasasa sa seksuwal na pagnanasa. Napakadali para sa mga taong ito na muling pasukin o makontrol ng masasamang kaisipan at pananaw na iyon. Lalo na kapag nakakapanood ang mga tao ng ilang pelikulang may kinalaman sa pag-ibig at pag-aasawa, rumurupok ang kanilang puso, naiinggit sila sa mga walang pananampalataya na namumuhay sa pag-aasawa at pag-ibig at nagagalak sa buhay, at nawawalan sila ng pagnanais na hangarin ang katotohanan at gampanan ang kanilang tungkulin. Isa itong labis na nakakatakot na bagay. Mula sa mga aktuwal na sitwasyong ito, makikita na ang bawat tao, bagama’t dumaan sila sa hindi mabilang na paghihirap para sumunod sa Diyos hanggang sa araw na ito, ay hindi pa rin ligtas. Marahil ay pakiramdam mo ay nagamit mo na ang lahat ng iyong lakas sa paghahangad sa katotohanan, sa pagtanggap sa katotohanan at pagsasagawa sa katotohanan, ngunit ang masasamang bunga ng paninira ni Satanas sa tao ay hindi pa naaalis sa iyo, kaya nasa malaking panganib ka pa rin.
Ipagpatuloy natin ang pakikipagbahaginan tungkol sa masasamang pagpapamalas ng mga diyablo. Masyadong marami ang masasamang pagpapamalas ng mga diyablo; masasabing nasa lahat ng dako ang mga ito—masusumpungan ninyo ang mga ito sa anumang grupo ng mga tao. Pangunahin nating sinusukat ang iba’t ibang masamang pagpapamalas ng mga diyablo ayon sa katotohanan para ilarawan ang kanilang masamang diwa. Ito ang pinakatumpak na paraan. Batay sa iba’t ibang saloobin ng mga diyablo sa katotohanan—ang pagkamapanlaban dito, pag-atake rito, at paghahangad na palitan ito—ang kalikasang diwa ng ganitong uri ng tao ay isang masamang diwa, ang diwa ng isang diyablo. Hindi sila kailanman magbabago, dahil hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan at hindi nila kailanman itinuturing ang katotohanan bilang isang positibong bagay. Bakit hindi nila itinuturing ang katotohanan bilang isang positibong bagay? Dahil wala silang pagkatao, at sila ay mga diyablo; hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan, at wala silang pakultad para tanggapin ang katotohanan, ni wala silang anumang pangangailangan na tanggapin ang katotohanan. Kung gayon, ano ang kanilang pangangailangan? Ito ay ang gumawa ng masasamang bagay, mga bagay na kumakalaban sa Diyos at sa katotohanan, at mga bagay na umaatake at pumapalit sa katotohanan. Ito ang kanilang misyon, at idinidikta rin ito ng kanilang kalikasang diwa. Samakatwid, sa huli, ang gayong mga tao ay maaari lang paalisin sa iglesia. Walang lugar para sa kanila ang sambahayan ng Diyos, ni anumang tungkulin para gawin nila. Walang anumang pangangailangan sa kanila ang sambahayan ng Diyos. Ang mga sinserong gumagampan ng kanilang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, minamahal man nila ang katotohanan o hindi, kahit papaano man lang, sa kanilang kalooban ay handang tanggapin ang katotohanan, hindi mapanlaban sa katotohanan, hindi kailanman itatatwa ang katotohanan, at hindi kailanman huhusga, aatake, o lalapastangan sa Diyos. Siyempre, hindi rin sila sadyang magbibitaw ng anumang mga pahayag o makikibahagi sa anumang mga pag-uugali o pagsasagawa na pumapalit sa katotohanan. Ang masasamang pagpapamalas ni Satanas at ng mga diyablo—ang pagkamapanlaban sa katotohanan, pag-atake sa katotohanan, at pagpapalit sa katotohanan—ay sapat na para patunayan na may masamang diwa si Satanas; hindi sila maaaring manatili sa iglesia. Habang lalong nauunawaan ng hinirang na mga tao ng Diyos ang katotohanan, at habang nagkakaroon ng pagkilatis ang karamihan sa iba’t ibang uri ng mga taong tutol at mapanlaban sa katotohanan, ang kalikasang diwa ng mga diyablo ay lalo pang malinaw na nalalantad, at lalo pang malinaw at tumpak na nakikilala at nakikilatis ng mga tao. Samakatwid, ang mga taong ito ay lalong itinatakwil ng iba, at lalong hindi nagagawang makisama at makipagtulungan nang may pagkakasundo sa iba. Kung gayon, sa huli, maaari lang silang unti-unting matiwalag. Handa ba kayong makita na matiwalag ang gayong mga tao? (Oo.) Ang unti-unti nilang pagkakatiwalag ay isang mabuting bagay. Sa isang banda, pinatutunayan nito na lumago na sa tayog ang karamihan sa hinirang na mga tao ng Diyos at nagkaroon na sila ng pagkilatis sa mga diyablo, hindi na itinuturing ang mga ito na mga mananampalataya sa Diyos o bilang mga kapatid. Sa kabilang banda, ang mga bagay na ginagawa ng mga diyablo ay lalong nalalantad. Inilalantad ng mga tao ang kanilang kalikasang diwa, at nakikita ng lahat na ni hindi man lang sila kalipikadong magserbisyo; nagdudulot lang sila ng mga panggugulo at paggambala sa iglesia at walang positibong epekto. Sa sandaling matiwalag at mapaalis sila, normal nang umuusad ang gawain ng iglesia. Ang mga diyablo ay walang pagkatao; mas masahol pa sila sa mga hayop. Alam ng ilang hayop na makinig sa kanilang mga amo, magtrabaho nang masigasig, at hindi magdulot ng gulo sa kanilang mga amo. May kaunting katwiran ang mga hayop, ngunit hindi ito kayang makamit ng mga diyablo. Kung gagamitin mo sila para gampanan ang isang tungkulin, kailangan mo pa ring magtalaga ng ilang tao para magsuperbisa sa kanila. Kung kaya nilang magserbisyo nang masunurin, katanggap-tanggap sana iyon, ngunit hindi sila magseserbisyo nang maayos. Kahit na isuperbisa mo sila, palaging may mga pagkakataon na hindi mo sila mababantayan. Kung aalisin mo ang iyong paningin sa kanila sandali o makaligtaan mo ang isang bagay, sinasamantala ng mga diyablo ang butas at nagdudulot ng kaguluhan at gulo sa gawain ng iglesia. Gumagamit ka ng ilang tao para bantayan sila, at sa huli, kakailanganin mo pa rin ng ilang tao para ayusin ang gulong ginawa nila. Mararamdaman mo na ang paggamit sa kanila para gampanan ang isang tungkulin ay nagdudulot ng napakalaking kawalan, na hindi ito sulit, at na ang paggamit sa kanila ay sobrang nakakapagod sa isip at nakakagalit. Ang panonood sa kanilang pagtatrabaho ay parang panonood sa mga hayop na nagtatrabaho; hindi nila kailanman magagawa kung ano ang kayang gawin ng mga normal na tao. Sa wakas, makikita mo ang kanilang tunay na kulay: Ang gayong mga tao ay mga hayop, sila ay mga diyablo; hindi sila kailanman magbabago. Hindi kailanman tatanggapin ng mga hayop at mga diyablo ang katotohanan. Sa wakas ay malinaw mo nang nauunawaan ang bagay na ito, at sa huli ay nagpasya kang hindi na muling gumamit ng mga diyablo at inalis mo sila. Maaari bang maging mga tao ang mga hayop at mga diyablo? Imposible ito. Imposibleng ipababa sa malaking pulang dragon ang kutsilyong pangkatay; ang kalikasan nito ay sa isang diyablo—pumapatay ito ng mga tao nang hindi man lang kumukurap. Ang mga diyablo at si Satanas ay magkakampi. Kung paano mo tinitingnan ang malaking pulang dragon ay ganoon mo rin dapat tingnan ang mga hayop at mga diyablyong ito; tama ito. Kung iba ang pagtingin mo sa mga diyablo kaysa sa pagtingin mo kay Satanas at sa malaking pulang dragon, pinatutunayan nito na wala ka pa ring lubos na pagkaunawa sa diwa ng mga diyablo; kung itinuturing mo pa rin sila bilang mga tao, naniniwalang mayroon silang pagkatao, may ilang kapuri-puring katangian, at maaari pa ring matubos, at kailangan mo pa rin silang bigyan ng mga pagkakataon, kung gayon ikaw ay mangmang, nalinlang ka na naman ng kanilang pakana, at magbabayad ka ng halaga para dito. Para maiwasang malinlang ng kanilang pakana, dapat mong lubusang paalisin ang mga diyablo. Huwag kang maging maluwag sa kanila! Sige, hanggang dito na lang ang pagbabahaginan natin ngayon tungkol sa masasamang pagpapamalas ng mga diyablo. Paalam!
Pebrero 17, 2024