102  Minamahal Tayo ng Diyos Magpahanggang sa Ngayon

I

Nagkatawang-tao ang Diyos, pumarito sa gitna ng tao,

lihim at mapagkumbabang gumagawa nang maraming taon.

Nagpapahayag Siya ng katotohanan para iligtas ang tao,

at gumawa ng grupo ng mga mananagumpay.

Ngayong pabalik na Siya sa Sion,

hindi maipaliwanang ang nararamdaman naming koneksiyon.

Napakaikli ng mga araw nating magkasama,

at walang nakakaalam sa araw ng ating muling pagkikita.

Namumuhay ang Diyos kasama natin,

sa maraming taglamig, tagsibol, tag-araw, at taglagas.

Ginabayan Niya tayo

sa napakaraming kapighatian, panganib, at tukso.

Kung hindi dahil sa awa at proteksiyon ng Diyos,

matagal na sana tayong nilamon at niyurakan ni Satanas.

Iniligtas ako ng Makapangyarihang Diyos,

ang dakila Niyang pagmamahal ay nasa puso ko habambuhay.

Isinasaisip ang atas ng Diyos, pa'nong bibiguin ko Siya?

Inihahandog ko ang aking katawan at puso sa Diyos,

at ginagawa ang aking makakaya para matugunan ang Kanyang mga hinihingi.

Hindi ako negatibo o mahina,

dahil ginagabayan ako ng salita ng Diyos sa mga pagsubok at kapighatian.

Tutuparin ko ang aking tungkulin nang may katapatan

at magbibigay ako ng malakas at matunog na patotoo.


II

Nagpapakapagod ang Diyos gabi at araw para sa kapakanan ng sangkatauhan,

buong-pusong gumagawa, inaalay Niya ang dugo, pawis, at mga luha Niya.

Sa mainit at mapagmahal na yakap ng Diyos,

unti-unting lumalago ang ating buhay.

Sa aking kahinaan, sinusuportahan ako ng Diyos,

sa aking mga kalungkutan, inaaliw ako ng Diyos.

Sa aking pagdadalamhati, pinapalakas ang loob ko ng salita ng Diyos,

hakbang-hakbang akong dinadala tungo sa kung nasaan ako ngayon.

Mahirap kalimutan ang nakaraan,

at walang salitang makagpagpahayag ng masaganang pagmamahal ng Diyos.

Ilang ulit nang hinatulan ng Kanyang mahihigpit na salita

ang aking satanikong disposisyon,

at ilang ulit nang nagkaloob sa akin ng pagkakataong magsisi

ang Kanyang kabaitan at pagsasaalang-alang.

Natamasa ko ang labis na pagmamahal ng Diyos

at handa akong ilaan ang buhay ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Isinasaisip ang atas ng Diyos, pa'nong bibiguin ko Siya?

Inihahandog ko ang aking katawan at puso sa Diyos,

at ginagawa ang aking makakaya para matugunan ang Kanyang mga hinihingi.

Hindi ako negatibo o mahina,

dahil ginagabayan ako ng salita ng Diyos sa mga pagsubok at kapighatian.

Tutuparin ko ang aking tungkulin nang may katapatan

at magbibigay ako ng malakas at matunog na patotoo.

Sinundan:  101  Kung Hindi Ako Iniligtas ng Diyos

Sumunod:  103  Purihin ang Bagong Buhay

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger