393  Nakikipaglaban para Magpatotoo kay Cristo

Malinaw kong nakita ang kadiliman at kasamaan ng mundo,

at ayaw ko nang sumunod sa mga kalakaran nito

at magsayang ng oras.


I

Bagama't alam ko sa puso ko

na tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa tao,

bakit hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan

at sumunod sa Kanya?

Bakit kumakapit pa rin ako sa mga mali kong gawi

at nananatiling di-nagbabago?

Maaari kayang talagang nalugmok na ako,

at maaaring masawi dahil sa kahangalan at kamangmangan ko?

Nakita ko ang mga sakuna na nangyari at nagulat ako mula sa aking panaginip.

Ayaw kong manatiling sobrang negatibo at lugmok.

Gusto kong bumangon para hangarin ang katotohanan;

titindig ako ngayon!

Para makamit ang katotohanan, pinipili kong maging mandirigma lamang.

Lalaban ako para magpatotoo para kay Cristo.

Tiyak ako na si Cristo ang katotohanan, kaya't hindi ako dapat matitinag.

Handa akong sumunod sa Diyos at paglingkuran Siya sa buong buhay ko.

Magpapasakop ako sa Diyos at magpapatotoo para sa Diyos magpakailanman!


II

Ang hinirang na mga tao ng Diyos sa lahat ng bansa

ay nakakarinig ng tinig Niya at isa-isang bumabalik sa Kanya.

Ang kauna-unahang karilagan sa pagpapalawak ng kaharian ay nangyari na.

Ang mga taos-pusong nagmamahal sa Diyos ay nagbibigay ng matutunog na patotoo;

'di ako puwedeng magsayang ng oras, mamuhay nang walang dangal.

Paanong ang mga tunay na naghahangad sa Diyos ay handang magpaiwan?

Kung pagpapalain o mapapahamak ang mga tao'y

nakabatay sa isang kaisipan sa sandaling ito ng buhay o kamatayan.

Ang mga hindi kayang tumanggap sa katotohanan

ay nag-aanyaya ng sarili nilang pagkawasak.

Ang mga tapat na tumutupad sa tungkulin nila hanggang kamatayan

at tapat na nagmamahal sa Diyos ang mga mananagumpay!

Para makamit ang katotohanan, pinipili kong maging mandirigma lamang.

Lalaban ako para magpatotoo para kay Cristo.

Tiyak ako na si Cristo ang katotohanan, kaya't hindi ako dapat matitinag.

Handa akong sumunod sa Diyos at paglingkuran Siya sa buong buhay ko.

Magpapasakop ako sa Diyos, magpapatotoo para sa Diyos magpakailanman!

Sinundan:  392  Ang Pagsunod kay Cristo ay Inorden ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger