35. Ang Nasa Likod ng Pagiging Maluwag sa Iba

Ni Toby, Timog Korea

Ilang buwan na ang nakararaan, ako at si Brother Connor ay inatasan ng isang lider na mangasiwa sa gawain ng pagdidilig. Makalipas ang kaunting panahon, napansin kong hindi siya gaanong umaako ng pasanin sa kanyang gawain. Hindi siya kaagad nagbabahagi at tumutulong sa mga problema ng mga kapatid, at hindi masyadong nakikilahok sa mga talakayan sa gawain. Nang malaman ang sitwasyon, sinabi sa akin ng lider na nagiging pabaya at iresponsable si Connor, at na kailangan akong makipagbahaginan sa kanya. Naisip ko, baka abala lang si Connor at kaya naantala ang ilang gawain. Bahala na nga, hindi naman sa wala talaga siyang ginagawa. Hindi dapat sobra-sobra ang hinihingi ko sa kanya, at ako na ang bahala sa mga isyu na hindi pa niya nalulutas sa pamamagitan ng pagbabahagi. Kaya naman, hindi ko na siniyasat ang sitwasyon ng kanyang gawain. Makalipas ang ilang panahon, bago ang isang pagtitipon para sa ilang kapatid, pinaalalahanan ko si Connor na alamin muna nang mas maaga ang kanilang mga isyu at paghihirap para makahanap ng mga naaangkop na mga salita ng Diyos para sa pagbabahagi upang lutasin ang mga iyon, at magawang mas epektibo ang pagtitipon. Kalaunan, tinanong ko ang ilan sa mga kapatid kung natanong na ba sila ni Connor tungkol sa kanilang mga kalagayan at paghihirap, at ang sabi nilang lahat ay hindi pa. Pakiramdam ko ay talagang nagiging iresponsable siya. Maraming paghihirap at pagkukulang ang iba sa kanilang mga tungkulin. Kailangan nila ng mas maraming pagtitipon para sa tulong at pagbabahagi, pero hindi niya ito sineseryoso. Talagang pabaya siya! Naisip kong sa pagkakataong ito, dapat kong banggitin ang isyu niya. Pero pagkatapos ay naisip ko, kung hindi niya ito tanggapin, kung sabihin niyang masyado akong malupit sa kanya at magkaroon siya ng pagkiling laban sa akin, hindi ba ako magmumukhang masyadong mahigpit, masyadong walang simpatya sa iba? Bukod doon, bata pa si Connor, kaya hindi maiiwasang isasaalang-alang niya ang kanyang laman. Minsan ay nagiging pabaya ako at isinasaalang-alang din ang laman ko, kaya hindi dapat sobra-sobra ang hinihingi ko. Kaya ko na ito nang mag-isa. Hindi ba’t may kasabihan na nagsasabing, “Maging mahigpit sa iyong sarili, maluwag sa iba”? Ayos lang na maging mas abala ako; ang kailangan ko lang gawin ay bawasan nang kaunti ang aking pahinga. Kaya naman, hindi ko binahaginan si Connor at hindi ko tinukoy ang problema niya. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang gawain. Kapag nakikita ko na may hindi gumagawa nang maayos sa gawain niya, hindi ko tinitingnan kung ano ang sanhi niyon o iniisip kung paano ito tutugunan, sa halip ay palagi lamang akong mapagpaubaya at mapagpasensya. Minsan, talagang nasusuklam o nagagalit ako sa ugali ng isang tao, pero kinikimkim ko lang ito. Naiisip ko, “Hindi bale na nga—hayaan na lang silang gawin kung ano ang kaya nila, at ako na ang bahala sa iba.” Sa paglipas ng panahon, nagpapatulong na sa akin ang mga kapatid sa kanilang mga problema. Hindi ko na nadarama na tinatrato ako nang hindi maganda o hindi na sumasama ang loob ko kapag nakikita kong mataas ang tingin nilang lahat sa akin. Kaya, ang buong akala ko, ang pagiging mahigpit sa aking sarili at mapagpaubaya sa iba sa aming mga pagtutulungan at pakikisalamuha ay pagiging isang taong may mabuting pagkatao, hindi tulad ng ibang tao na palaging naghahanap ng mali at hindi kayang magtrabaho kasama ang kahit sino.

Pagkatapos isang araw, may nabasa ako sa mga salita ng Diyos tungkol sa pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,” at nag-iba ang tingin ko sa aking sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Pagbahaginan na natin ngayon ang sumunod na kasabihan tungkol sa wastong asal—‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’—ano ang ibig sabihin ng kasabihang ito? Ang ibig sabihin nito ay dapat maging mahigpit ang mga hinihingi mo sa iyong sarili at maging maluwag sa ibang tao, para makita nila kung gaano kaganda ang kalooban mo at kung gaano ka kamapagbigay. Bakit dapat itong gawin ng mga tao, kung gayon? Ano ang layon nitong makamit? Posible ba itong magawa? Ito ba ay talagang natural na pagpapahayag ng pagkatao ng mga tao? Dapat mong ikompromiso nang husto ang sarili mo para gawin ito! Dapat kang maging malaya sa mga pagnanasa at hinihingi, kinakailangang makaramdam ka ng mas kaunting kagalakan, magdusa nang higit pa, magbayad ng mas malaking halaga at mas magtrabaho pa para hindi na kailangang mapagod ang iba. At kung umaangal, nagrereklamo, o hindi gumagawa nang maayos ang iba, hindi ka dapat labis na humingi sa kanila—ang humigit-kumulang ay sapat na. Naniniwala ang mga tao na isa itong tanda ng marangal na moralidad—pero bakit huwad itong pakinggan para sa Akin? Hindi ba ito huwad? (Huwad ito.) Sa ilalim ng normal na mga sitwasyon, ang natural na pagpapahayag ng pagkatao ng isang ordinaryong tao ay ang maging mapagparaya sa kanyang sarili at mahigpit sa iba. Isa iyang katunayan. Nahihiwatigan ng mga tao ang mga problema ng iba—‘Mayabang ang taong ito! Masama ang taong iyon! Makasarili ang isang ito! Ang isang iyon ay pabasta-basta sa paggawa ng kanyang tungkulin! Napakatamad ng taong ito!’—habang iniisip niya sa loob-loob niya: ‘Kung medyo tamad ako, ayos lang. Mahusay ang kakayahan ko. Kahit tamad ako, mas magaling ako kaysa sa iba!’ Hinahanapan niya ng mali ang iba at mahilig mamuna, pero sa kanyang sarili ay mapagparaya siya at mapagpalayaw hangga’t maaari. Hindi ba ito natural na pagpapahayag ng kanyang pagkatao? (Natural ito.) Kung ang mga tao ay inaasahang mamuhay ayon sa ideya ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,’ anong paghihirap ang dapat nilang pagdaanan? Kaya ba talaga nila itong tiisin? Ilang tao ang makakagawa nito? (Wala.) At bakit ganoon? (Ang mga tao ay likas na makasarili. Kumikilos sila ayon sa prinsipyo na ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.’) Talaga ngang ipinanganak ang tao na makasarili, ang tao ay isang makasariling nilalang, at lubos na nakatuon sa satanikong pilosopiyang iyon: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.’ Iniisip ng mga tao na magiging nakapipinsala sa kanila, at hindi natural, ang hindi maging makasarili at hindi ingatan ang kanilang sarili kapag may nangyayari sa kanila. Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao at ganito sila kumikilos. Kung ang mga tao ay inaasahan na hindi maging makasarili, at maging mahigpit sa mga hinihingi sa kanilang sarili, at handang mawalan sa halip na magsamantala sa iba, at kung inaasahan silang masayang magsasabi, kapag may nagsasamantala sa kanila, ‘Nagsasamantala ka pero ayos lang sa akin ito. Isa akong mapagparayang tao, hindi kita babatikusin o susubukang gantihan, at kung hindi ka pa sapat na nakinabang, huwag kang mag-atubiling magpatuloy’—isa ba itong makatotohanang inaasahan? Ilang tao ang kayang gawin ito? Ganito ba ang karaniwang asal ng tiwaling sangkatauhan? Malinaw na hindi normal na nangyayari ito. Bakit kaya? Dahil ang mga taong may mga tiwaling disposisyon, lalo na ang mga makasarili at masasamang tao, ay nagsisikap para sa kanilang mga sariling interes, at ang pag-iisip sa iba ay talagang hindi magpaparamdam sa kanila ng kasiyahan. Kaya, ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, kapag nangyayari ito, ay isang anomalya. ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’—ang pahayag na ito tungkol sa wastong asal ay malinaw na isang hinihingi lang na hindi tumutugma sa mga katunayan o sa pagkatao, na ipinapataw sa tao ng mga panlipunang moralista na hindi nauunawaan ang pagkatao. Para itong pagsasabi sa daga na hindi ito puwedeng magbutas o sa pusa na bawal itong manghuli ng mga daga. Tama bang hingiin ang ganoon sa mga ito? (Hindi. Taliwas ito sa mga batas ng pagkatao.) Malinaw na hindi tugma sa realidad ang hinihinging ito, at napakahungkag nito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 6). Hindi ko lubusang naintindihan ang mga salitang ito mula sa Diyos nang una kong mabasa ang mga ito, dahil buong akala ko ay isang positibong bagay ang “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.” Lagi akong humahanga sa mga taong ganoon at gusto kong maging katulad nila. Pero habang pinag-iisipang mabuti ang mga salita ng Diyos, naramdaman kong tunay ang mga ito. Lubos akong nakumbinsi. At talagang nagulat ako nang mabasa ko ito: “Ang mga taong may mga tiwaling disposisyon, lalo na ang mga makasarili at masasamang tao, ay nagsisikap para sa kanilang mga sariling interes, at ang pag-iisip sa iba ay talagang hindi magpaparamdam sa kanila ng kasiyahan. Kaya, ang hindi pangkaraniwang bagay na ito, kapag nangyayari ito, ay isang anomalya. ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’—ang pahayag na ito tungkol sa wastong asal ay malinaw na isang hinihingi lang na hindi tumutugma sa mga katunayan o sa pagkatao, na ipinapataw sa tao ng mga panlipunang moralista na hindi nauunawaan ang pagkatao. Para itong pagsasabi sa daga na hindi ito puwedeng magbutas o sa pusa na bawal itong manghuli ng mga daga.” Ang ideya pala na “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagpasensya sa iba” na itinataguyod ko ay hindi praktikal, salungat ito sa pagkatao, at isang bagay na sadyang hindi kayang makamit ng mga tao. Hindi ito puwedeng ang pamantayan kung paano umasal at kumilos ang mga tao. Sa pagbabalik-tanaw sa naging pag-uugali ko, talagang katulad ito ng inilantad ng Diyos. Kapag mahigpit ako sa aking sarili at maluwag sa iba, pakiramdam ko ay tinatrato ako nang hindi maganda at sumasama ang loob ko, at kahit na naaabot ko ang puntong iyon, hindi ko talaga iyon gustong gawin—hindi ako masayang gawin iyon. Tulad na lang kay Connor, alam na alam kong iniraraos lang niya ang kanyang tungkulin, nagiging tamad, tuso at iresponsable. Galit ako at gusto kong ilantad ang kanyang mga isyu para maitama niya kaagad. Pero maiisip ko kung paanong hindi ako dapat maging masyadong istrikto, na dapat ay maging mahigpit ako sa aking sarili, at maluwag sa iba, kaya hindi ko na siya kakausapin tungkol sa mga problema niya. Pakiramdam ko ay kaya kong magdusa nang kaunti pa, magbayad ng kaunti pang halaga, at huwag sobra-sobra ang asahan sa kanya para hindi ako masyadong magmumukhang walang konsiderasyon, at masyadong mapaghanap ng mali. Responsable ako sa gawain ng ilang grupo, kaya mabigat na ang trabaho ko. Ang pagtulong sa kanya na lutasin ang mga isyu sa kanyang gawain ay nagbigay sa akin ng pakiramdam na tinatrato ako nang hindi maganda, at nagkaroon ako ng maraming reklamo, pero alang-alang sa pagiging mahigpit sa aking sarili at mapagpasensya sa iba, at upang gumanda ang tingin sa akin ng iba, nanahimik na lang ako at pinagpasensyahan ito. Iyon ang aktuwal kong kalagayan, at ang totoong naisip ko. Katulad na lamang ng sinasabi ng Diyos: “Ipinanganak ang tao na makasarili, ang tao ay isang makasariling nilalang, at lubos na nakatuon sa satanikong pilosopiyang iyon: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.’ Iniisip ng mga tao na magiging nakapipinsala sa kanila, at hindi natural, ang hindi maging makasarili at hindi ingatan ang kanilang sarili kapag may nangyayari sa kanila. Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao at ganito sila kumikilos.” Ang tao ay likas na makasarili, at hindi ako naiiba. Kapag mas marami akong ginagawa, ikinagagalit ko ang hirap ng gawain at pagkapagod at pakiramdam ko ay hindi maganda ang pagtrato sa akin, sumasama ang loob ko, at hindi ako natutuwa rito. Ngunit bakit sumasalungat pa rin ako sa aking puso, nagiging mahigpit sa aking sarili at maluwag sa iba? Anong tiwaling disposisyon ang totoong nagtatago sa likod ng ideyang ito ng pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba”? Ano ang mga kahihinatnan ng pagiging ganoon? Dala ang mga katanungang ito, lumapit ako sa Diyos para manalangin at maghanap.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,’ tulad ng mga kasabihan tungkol sa ‘Huwag mong ibulsa ang pera na iyong napulot’ at ‘Maging masaya sa pagtulong sa iba,’ ay isa sa mga hinihingi ng tradisyonal na kultura tungkol sa wastong asal ng mga tao. Sa parehong paraan, makakamit o magagamit man ng isang tao ang wastong asal na ito, hindi pa rin ito ang pamantayan o saligan sa pagsukat ng kanyang pagkatao. Maaaring talagang may kakayahan kang maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba, at na kumikilos ka sa talagang matataas na pamantayan. Maaaring walang dungis ang iyong moralidad at maaaring palagi mong iniisip ang iba at nagpapakita ka ng pagsasaalang-alang para sa kanila, nang hindi nagiging makasarili at naghahangad ng sarili mong mga interes. Maaaring tila talagang mapagbigay ka at hindi makasarili, at mayroon kang matibay na pagpapahalaga sa panlipunang responsabilidad at mga moralidad na panlipunan. Ang marangal mong personalidad at mga katangian ay maaaring naipapakita sa mga malapit sa iyo, at sa mga nakakaharap at nakakasalamuha mo. Maaaring ang pag-uugali mo ay hindi kailanman nagbibigay sa iba ng anumang dahilan para sisihin o batikusin ka, sa halip ay nagtatamo ng saganang papuri at paghanga pa nga. Maaaring ituring ka ng mga tao bilang isang taong tunay na mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba. Gayunpaman, ang mga ito ay walang iba kundi mga panlabas na pag-uugali. Ang mga kaisipan at hangarin ba sa kaibuturan ng iyong puso ay naaayon sa mga panlabas na pag-uugali na ito, sa mga pagkilos na ito na isinasabuhay mo sa panlabas? Ang sagot ay hindi, hindi naaayon ang mga ito. Ang dahilan kung bakit kaya mong kumilos nang ganito ay dahil may motibo sa likod nito. Ano ba talaga ang motibong iyon? Maaatim mo ba na umiral ang motibong iyon? Talagang hindi. Pinatutunayan nito na ang motibong ito ay isang bagay na hindi kabanggit-banggit, isang bagay na madilim at masama. … Masasabi nang may katiyakan na karamihan sa mga taong humihingi sa kanilang sarili na tuparin ang moralidad ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba,’ ay nahuhumaling sa katayuan. Bunsod ng kanilang mga tiwaling disposisyon, hindi nila maiwasang hangarin ang reputasyon sa gitna ng mga tao, katanyagan sa lipunan, at katayuan sa paningin ng iba. Ang lahat ng bagay na ito ay nauugnay sa kanilang pagnanais para sa katayuan, at hinahangad ang mga ito nang nakakubli sa kanilang wastong asal. At paano nangyayari ang mga paghahangad nilang ito? Ang mga ito ay ganap na nagmumula sa at ibinubunsod ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Kaya, anuman ang mangyari, tuparin man ng isang tao ang moralidad ng pagiging ‘mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’ o hindi, at kung nagagawa man niya ito nang perpekto o hindi, hinding-hindi nito mababago ang kanyang pagkataong diwa. Sa ipinapahiwatig nito, nangangahulugan ito na hindi nito mababago sa anumang paraan ang kanyang pananaw sa buhay o sistema ng pagpapahalaga, o magagabayan ang kanyang mga saloobin at perspektiba sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Hindi ba iyon ang kaso? (Oo nga.) Kapag mas may kakayahan ang isang tao na maging mahigpit sa kanyang sarili at mapagparaya sa iba, mas nagiging mahusay siya sa pagkukunwari, pagpapanggap, at sa panlilihis sa iba sa pamamagitan ng mabuting pag-uugali at kalugud-lugod na mga salita, at mas likas siyang nagiging mapanlinlang at buktot. Kapag mas ganitong uri siya ng tao, mas nagiging malalim ang kanyang pagmamahal at paghahangad sa katayuan at kapangyarihan. Gaano man kamukhang dakila, kapuri-puri at tama ang kanyang panlabas na wastong asal, at gaano man ito kalugud-lugod pagmasdan para sa mga tao, ang hindi masabing paghahangad na nasa kaibuturan ng kanyang puso, pati na ang kanyang kalikasang diwa, at maging ang kanyang mga ambisyon, ay maaaring sumambulat mula sa kanya anumang oras. Samakatuwid, gaano man kabuti ang kanyang wastong asal, hindi nito maikukubli ang kanyang likas na pagkataong diwa, o ang kanyang mga ambisyon at pagnanais. Hindi nito maikukubli ang kanyang kahindik-hindik na kalikasang diwa na hindi nagmamahal ng mga positibong bagay at tutol at napopoot sa katotohanan. Gaya ng ipinapakita ng mga katunayang ito, ang kasabihang ‘Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba’ ay talagang katawa-tawa—inilalantad nito ang mga ambisyosong tao na tinatangkang gumamit ng gayong mga kasabihan at pag-uugali para pagtakpan ang kanilang mga hindi kabanggit-banggit na ambisyon at pagnanais(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 6). Nakita ko mula sa inilantad sa mga salita ng Diyos na ang pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba” ay tila ba pagiging maunawain at mapagparaya sa iba, na iyon ay pagiging malawak ang isip at marangal, ngunit sa kaloob-looban, isang kasuklam-suklam, madilim at masamang motibo ang nagtatago. Ito ay pagmamalaki sa iyong sarili sa pamamagitan ng paimbabaw na mabuting pag-uugali, para lang makakuha ng paghanga at sambahin ng iba, at magkaroon ng mas mataas na katayuan at reputasyon sa iba. Ang ganyang uri ng tao ay parang kapuri-puri sa tingin, pero ang totoo, mapagpaimbabaw sila, nagpapanggap na mabuting tao. Naisip ko kung paano ako kumilos at kung ano ang naipakita ko habang katuwang ni Connor. Kahit gaano siya kapabaya at kairesponsable sa kanyang gawain, bukod sa hindi ko iyon pinuna at hindi ko siya binahaginan o pinungusan, nagpatuloy pa ako sa pagiging maunawain, pangungunsinti, at pagbibigay-layaw. Kahit gaano pa ako kaabala, gaano kakaunting oras ang mayroon ako, ginagawa ko ang anumang hindi nagawa ni Connor. Kahit pa mahirap ito o nakakapagod, ginagawa ko pa rin. Ang katunayan, hindi ako nagiging mapagbigay sa paggawa niyon. Mayroon akong mga lihim na motibo. Takot akong masaktan ang kanyang pride at mapasama ang loob niya kung direkta ko itong sasabihin sa kanya, na iniisip kung ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin. Bagama’t hindi ko gusto na tulungan siyang gawin ang hindi pa niya nagawa, palagi ko lamang pinipilit ang aking sariling gawin ito, para mag-iwan ng magandang impresyon, para ipakita sa lahat kung gaano ako kamapagbigay, at para makuha ang kanilang paghanga. Bilang resulta, habang tumatagal ay lalo akong nagiging tuso at mapanlinlang. Tila ba isa akong taong maunawain, pero ang nasa likod niyon ay ang sarili kong mga maling motibo. Ang paraan ng pagkilos ko ay nagbibigay sa mga tao ng maling impresyon, nililinlang sila, at niloloko sila. Sa puntong iyon, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala sa diwa ng pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba.” Pakiramdam ko ay nakakasuka ang mga kasuklam-suklam na motibong nakatago sa aking puso. Talagang nagpapasalamat din ako sa Diyos. Kung hindi Niya inilantad ang diwa ng bahaging iyon ng tradisyonal na kultura, mananatili sana akong hibang, iniisip na ang pagiging “mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba” ay pagiging isang taong may mabuting pagkatao. Sa wakas ay napagtanto ko na isa itong maling paniniwala na ginagamit ni Satanas upang iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Hindi talaga ito ang katotohanan, ni isang pamantayan o batayan na dapat gamitin para suriin ang pagkatao ng isang tao.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Gaano man nakasunod sa pamantayan ang diumano’y mga rekisito at kasabihan ng tao sa moral na pag-uugali, o gaano man ito naaangkop sa mga panlasa, pananaw, kagustuhan, at maging sa mga interes ng masa, ang mga ito ay hindi ang katotohanan. Ito ay isang bagay na kailangan mong maunawaan. At dahil ang mga ito ay hindi ang katotohanan, dapat kang magmadaling itatwa at talikuran ang mga ito. Dapat mo ring suriin ang diwa ng mga ito, gayundin ang mga kinahihinatnan na nagmumula sa pamumuhay ng mga tao ayon sa mga ito. Makapagdudulot ba talaga ang mga ito ng tunay na pagsisisi sa iyo? Makatutulong ba talaga ang mga ito sa iyo na makilala ang iyong sarili? Mahihikayat ka ba talaga ng mga ito na isabuhay ang wangis ng tao? Hindi magagawa ng mga ito ang alinman sa mga bagay na ito. Gagawin ka lang ng mga ito na mapagpaimbabaw at mapagmagaling. Gagawin ka ng mga itong mas tuso at buktot. May ilan na nagsasabing, ‘Dati, nang kumapit tayo sa mga aspektong ito ng tradisyunal na kultura, pakiramdam natin ay mabubuting tao tayo. Kapag nakikita ng ibang tao kung paano tayo umasal, iniisip din nila na mabubuting tao tayo. Pero ang totoo, alam natin sa ating mga puso kung anong uri ng kasamaan ang kaya nating gawin. Ikinukubli lang iyon ng paggawa ng kaunting mabubuting gawa. Pero kung tatalikuran natin ang mabubuting pag-uugali na hinihingi sa atin ng tradisyonal na kultura, ano sa halip ang dapat nating gawin? Anong mga pag-uugali at pagpapamalas ang magbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos?’ Ano ang tingin mo sa tanong na ito? Hindi pa rin ba nila alam kung anong mga katotohanan ang dapat isagawa ng mga mananampalataya sa Diyos? Nagpahayag na ang Diyos ng napakaraming katotohanan, at napakaraming katotohanan ang dapat isagawa ng mga tao. Kaya bakit kayo tumatangging isagawa ang katotohanan, at iginigiit na maging mga huwad na mabubuting tao at mga mapagpaimbabaw? Bakit kayo nagpapanggap?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 5). “Sa madaling sabi, bagamat inilista na natin ang mga kasabihang ito tungkol sa wastong asal mula sa tradisyonal na kultura, ang layon nito ay hindi lang upang ipaalam sa inyo na ang mga ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at na nagmumula ang mga ito kay Satanas, wala nang iba pa. Ito ay para ipaunawa sa inyo nang malinaw na ang diwa ng mga bagay na ito ay huwad, mapagpanggap, at mapanlinlang. Kahit na tinataglay ng mga tao ang mga pag-uugaling ito, sa anumang paraan ay hindi ito nangangahulugan na isinasabuhay nila ang normal na pagkatao. Sa halip, ginagamit nila ang huwad na mga pag-uugaling ito para pagtakpan ang kanilang mga layunin at mithiin, at para ikubli ang kanilang mga tiwaling disposisyon, ang kanilang kalikasang diwa. Bilang resulta, mas humuhusay nang humuhusay ang mga tao sa pagpapanggap at panlilinlang ng iba, na ginagawa silang mas lalong tiwali at masama. Ang mga moral na pamantayan ng tradisyonal na kultura na kinakapitan ng tiwaling sangkatauhan ay hindi tumutugma sa mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos, hindi rin umaayon ang mga ito sa anumang salita na itinuturo ng Diyos sa mga tao, walang anumang kaugnayan ang mga ito. Kung kumakapit ka pa rin sa mga aspekto ng tradisyonal na kultura, ikaw ay lubusan nang nailigaw at nalason. Kung mayroong anumang bagay kung saan kumakapit ka sa tradisyonal na kultura at sinusunod mo ang mga prinsipyo at pananaw nito, nagrerebelde ka sa Diyos at lumalabag sa katotohanan, at sumasalungat sa Diyos sa bagay na iyon. Kung kakapit ka at magiging tapat sa alinman sa mga pahayag na ito hinggil sa wastong asal, itinuturing mo ito bilang pamantayan o batayan sa kung paano mo tinitingnan ang mga tao o mga bagay-bagay, kung gayon ay doon ka nagkamali, at kung medyo hinuhusgahan o pinipinsala mo ang mga tao, makagagawa ka ng kasalanan. Kung palagi mong iginigiit na sukatin ang lahat ng tao sa pamamagitan ng mga moral na pamantayan ng tradisyonal na kultura, patuloy na dadami ang bilang ng mga taong kinondena at ginawan mo ng masama at tiyak na kokondenahin at lalabanan mo ang Diyos, at pagkatapos ay magiging isa kang lubhang makasalanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 5). Ang pagninilay sa mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng higit pang kalinawan. Kapag napapansin natin ang isang taong nagiging pabaya, tuso, o iresponsable sa gawain, dapat natin itong ipaalam sa kanya o kaya ay pungusan siya upang makita niya ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagiging pabaya, at maitama ito kaagad. Iyon ang dapat gawin ng isang taong may mabuting pagkatao. Ngunit para mapangalagaan ang aking imahe at katayuan, naging mapagbigay-layaw at mapagkunsinti ako, at nanahimik tungkol sa mga problemang nakita ko. Bilang resulta, walang kamalayan si Connor tungkol sa kanyang tiwaling disposisyon at patuloy siyang naging pabaya at iresponsable sa kanyang tungkulin. Nakakapinsala iyon sa buhay pagpasok ng mga kapatid—isa iyong pagsalangsang. Hindi ako naging maalalahanin o maunawain sa kanya, sa halip pinipinsala ko pa siya. Nakita kong hindi talaga ako mabuting tao. Hindi ko lamang napipinsala ang mga kapatid, kundi naaantala at naaapektuhan ko pa ang gawain ng iglesia. Nang sandaling iyon, tunay kong napagtanto na “Maging mahigpit sa iyong sarili at mapagparaya sa iba” ay hindi ang katotohanan, na hindi ito pamantayan na dapat sundin ng mga tao sa kanilang pag-asal, kundi isang maling paniniwala at maling akala na ginagamit ni Satanas upang ilihis, iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Hindi ko puwedeng hayaan si Satanas na patuloy akong lokohin—dapat kong gawin ang hinihingi ng Diyos, gamit ang mga salita ng Diyos bilang basehan ko, at ang katotohanan bilang pamantayan ko sa mga pananaw ko sa mga tao at bagay-bagay pati na sa aking pag-asal at pagkilos. Pagkatapos niyon, kapag may napapansin akong mga isyu kay Connor, hindi ko na siya binibigyang-layaw o kinukunsinti. Tinutukoy ko ang mga ito upang mapagtanto niya ang mga iyon at mabago.

Hindi nagtagal, nabigyan ako ng responsabilidad para sa isa pang aytem ng gawain, na siyang ang pangangasiwa sa mga pangkalahatang usapin. Habang sinusuri ito, napansin ko ang isang brother na hindi seryoso sa kanyang tungkulin at walang ingat sa lahat ng kanyang ginagawa. Gusto ko na lamang ayusin mismo ang mga pagkakamali niya at nang matapos na ang mga iyon, para maiwasang tukuyin ang mga iyon at maipahiya siya. Pero naisip ko na ipinapakita ko ang mga kaisipang ito para protektahan ang sarili kong mga interes at makabuo ako ng isang magandang imahe sa iba. Ayaw kong tukuyin ang kanyang isyu, sa takot na salungatin siya. Kasuklam-suklam na motibo iyon! Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Diyos: “Kasabay ng pagganap mo nang maayos sa iyong tungkulin, dapat mo ring tiyakin na wala kang ginagawang anumang bagay na hindi kapaki-pakinabang sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, at wala kang sinasabi na hindi makakatulong sa mga kapatid. Kahit papaano man lang, dapat wala kang gawin na labag sa iyong konsensiya at hinding-hindi ka dapat gumawa ng anumang bagay na nakakahiya. Hinding-hindi mo dapat gawin, lalong-lalo na, iyong paghihimagsik o paglaban sa Diyos, at hindi mo dapat gawin ang anumang bagay na nakakaabala sa gawain o buhay ng iglesia. Maging makatarungan at marangal sa lahat ng bagay na ginagawa mo at tiyakin na bawat kilos mo ay kaaya-aya sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Malinaw na ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang prinsipyo ng paggawa sa mga bagay-bagay. Anuman ang ginagawa ko, kailangan ay kapaki-pakinabang ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid at nakakapagpasigla. Kailangan ko ring tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Kapag nakikita ko ang brother na iyon na pabaya sa kanyang tungkulin, dapat ko iyong ipaalam sa kanya upang makita niya ang kanyang problema at agad na magbago. Magiging kapaki-pakinabang iyon sa kanyang buhay pagpasok at sa gawain ng iglesia. Kung wala akong sasabihin, bagkus tahimik lamang na tutulong sa kanyang gawin ang mga bagay, hindi niya makikita ang kanyang mga isyu at hindi siya uusad sa kanyang tungkulin. Nang maisip ko ito, nagsalita ako tungkol sa mga problemang nakita ko sa kanyang gawain. Matapos niya akong pakinggan ay ninais niyang magbago. Talagang nakadama ako ng ginhawa at kapayapaan matapos kong isagawa iyon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan:  34. Sa Likod ng Pagbagsak ng Isang Pamilya

Sumunod:  36. Mga Pagninilay-nilay sa Paglaban sa Pangangasiwa

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger