36. Mga Pagninilay-nilay sa Paglaban sa Pangangasiwa

Ni Mi Hui, Tsina

Noong 2021, responsable ako sa gawain ng pagdidilig ng iglesia. Noong panahong iyon, pinangangasiwaan at sinusubaybayan ng mga lider ang gawain namin sa pamamagitan ng madalas na pagtatanong tungkol sa aming pag-usad, at kung mayroon ba kaming anumang mga problema o paghihirap sa paggawa ng aming tungkulin. Noong una, aktibo akong tumutugon, pero unti-unti akong naiinip at naisip ko, “Malaking abala ang palaging pagsubaybay sa gawain namin. May nakakaalam ba kung gaanong oras namin ang nasasayang? Hindi ba’t maaapektuhan niyon ang mga resulta ng gawain ko? Kung mahina ang mga resulta ko, hindi ba ako tatanggalin ng mga lider?” Dahil sa mga gayong kaisipan, naging sobra akong mapanlaban sa ganoong uri ng pangangasiwa ng mga lider.

Minsang nagpadala ng liham ang lider para unawain ang kalagayan ng aming gawain, nagbibigay ng mga tanong kabilang na kung gaano karaming tao ang tumanggap ng ebanghelyo noong buwang iyon, kung ilang mga baguhan ang hindi regular na nakikipagtipon at kung bakit, ang kanilang kasalukuyang mga kuru-kurong panrelihiyon, at kung paano kami nagbahagi para malutas ang mga iyon. Ang makita ang sunod-sunod na katanungang iyon ay nagpabagabag sa akin, iniisip ko, “Napakaraming nilalaman ang kailangang pag-usapan, at kailangan kong suriin at talakayin ang lahat ng ito sa mga tagadilig. Magsasayang ito ng napakaraming oras!” Kaya sa puso ko ay tumanggi ako, “Mag-aaksaya ng napakaraming oras namin ang pagtatanong ng napakaraming detalyadong katanungan tungkol sa gawain! Pagkatapos, kung hindi maganda ang mga resulta ng aming gawain ng pagdidilig, sasabihin mo ba na hindi ako gumawa ng tunay na gawain, at wala akong abilidad sa gawain?” Nang makita kong hindi rin mapalagay ang mga sister na katuwang ko sa gawain, naisip ko, “Kung sa tingin din nila ay aksaya ito sa oras, kung gayon bilang isang pangkat, maaari kaming magmungkahi sa mga lider. Kung gayon, marahil sa hinaharap, kapag sinubaybayan ng mga lider ang gawain, hindi na sila magtatanong ng ganoong mga partikular na katanungan, at mas kaunting mga pagkukulang sa gawain ko ang malalantad.” Kaya medyo pabiro kong sinabi, “Talagang nagmamalasakit sa atin ang mga lider para magtanong ng ganoong mga detalyadong katanungan tungkol sa gawain natin.” Pagkasabing-pagkasabi ko niyon, isang sister ang sumabad at sinabing, “Hanggang sa pinakamaliit na detalye!” Nang marinig kong pareho ang iniisip namin ng sister, natawa ako at sinabing, “Abala na tayong lahat ngayon. Napakalaking abala na unawain at sagutin ang mga katanungang ito. Hindi ba’t maaapektuhan niyon ang pagkaepektibo ng ating gawain ng pagdidilig?” Lihim akong natuwa nang makita kong sumasang-ayon na tumango ang ibang sister, “Mukhang tutol silang lahat dito. Kalaunan, puwede kaming magsama-sama at magbigay ng mga mungkahi sa mga lider. Sa ganoong paraan hindi nila palaging susuriin ang aming gawain.” Sa aking panghihimok, sa tuwing sinusubukang malaman ng mga lider ang tungkol sa gawain namin, hindi mapapalagay ang mga katuwang ko sa gawain, at kahit na sumagot sila, nag-aatubili silang tumugon sa ilang pangungusap. Hindi sila nagbigay ng mga detalyadong buod ng mga problema at paglihis sa gawain, kaya hindi maintindihan o maarok ng mga lider ang mga isyu sa gawain namin. Bilang resulta, hindi kailanman bumuti ang aming gawain ng pagdidilig.

Sa isa pang pagkakataon, natuklasan ng mga lider na hindi namin binigyan ng sapat na pansin ang paglilinang sa mga tagadilig, at nagpadala sila ng liham para magbahagi tungkol sa kahalagahan ng gawaing iyon at para bigyan kami ng ilang mahusay na pamamaraan ng pagsasagawa. Tinukoy rin ng liham na hindi kami nagdadala ng pasanin para sa gawain ng paglilinang na iyon, na nagpapaliban kami sa pagpapatupad, at na masyadong mahina ang aming kahusayan, na hindi lamang nagkait sa mga kapatid ng pagsasanay kundi direkta ring nakaapekto sa gawain ng pagdidilig. Nais ng mga lider na ituring namin ito bilang isang mahalagang isyu, at hiniling na mabilis naming sanayin ang mga baguhan na magsagawa ng pagdidilig. Matapos kong makita ang liham, nakaramdam ako ng paglaban: “Sobra-sobra ang paghinging ito. Kasisimula pa lang magsanay ng mga baguhang ito sa kanilang tungkulin. Sa tingin ba ninyo ay napakadali ng paglilinang sa kanila? Naranasan na ninyong sanayin ang mga tao, pero hindi ninyo puwedeng ipilit sa amin ang inyong pamantayan!” Pero naisip ko, “Kung direkta akong magrereklamo, iisipin kaya ng mga lider na wala akong abilidad sa gawain? Hindi ko puwedeng hayaang mangyari iyon! Kailangan kong ipaunawa sa kanila na hindi matutugunan ng buong pangkat namin ang kahilingang ito. Sa ganoong paraan ay walang magagawang anuman ang mga lider sa amin, at kahit na ituloy nila ang isyung ito, hindi lang ako ang sangkot.” Sinabi ko nang nakasimangot at medyo nahihirapan na, “Medyo sobra-sobra ang hinihingi ng mga lider, at hindi makakapantay sa kanila ang karanasan natin.” Pagkasabing-pagkasabi ko niyon, isa-isa namang tumango ang mga sister bilang pagsang-ayon. Sinabi ng isa sa kanila, “Ang mga lider ay mga taong may mahuhusay na kakayahan at napakahusay gumawa. Paano tayo makakapantay sa kanila?” Sinabi ng isa pa, “Sobra-sobra ang hinihingi sa atin ng mga lider. Paano natin magagawa ang gawaing ito magmula ngayon?” Nang makita kong ganoon ang pakiramdam ng lahat, napakasaya ko, iniisip na, “Walang magagawa sa amin ang mga lider. Kung tutuusin, hindi nila puwedeng tanggalin ang buong pangkat namin!” Kinabukasan, pinadalhan ko ng isang liham ng tugon ang mga lider na naglalarawan sa lahat ng suliranin namin sa paggawa ng aming tungkulin para maunawaan nila ang aming sitwasyon. Sa dulo ng liham, sinadya kong magdagdag ng isang pangungusap na nagsasabing, “Ito ang mga resulta ng aming gawain sa ngayon, at hindi madaling mapabuti ang mga ito.” Sa liham, binigyang-diin ko ang salitang “amin” para malaman ng mga lider na iyon ang opinyon naming lahat. Nang sa ganoon, hindi na nila kami gaanong bibigyan ng matataas na kahilingan. Pero nagulat ako, sa sumunod na pagtitipon, pinungusan at inilantad ako ng mga lider, sinasabi na kapag ginagawa ko ang aking tungkulin ay hindi ako nagdadala ng pasanin at hindi ako nagsisikap na mapabuti. Sinabi nila na nagpakalat ako ng pagkanegatibo, bumuo ng pangkat at inudyukan ang mga kapatid na sumama sa akin sa paglaban, na inantala ko ang paglilinang sa mga baguhan, ginulo ang gawain ng iglesia, at hindi talaga gumanap ng positibong papel sa grupo. Sa huli, tinanggal nila ako.

Pagkatapos akong matanggal, napuno ako ng pagsisisi at lubhang nabalisa. Alam kong nagdulot ako ng kaguluhan, nakagawa ng kasamaan, at sumalungat sa Diyos. Kapag nahaharap sa mga problema, hindi ko hinahanap ang katotohanan, at nagpapakalat ako ng mga kuru-kuro na nagdulot sa lahat na mamuhay sa isang kalagayan ng pagkanegatibo at pagkapasibo. Talagang hinadlangan ko ang gawain ng iglesia. Kalaunan, nang pagnilayan ko ang aking sitwasyon, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Dahil, sa puso nila, laging pinagdududahan ng mga anticristo ang banal na diwa ni Cristo, at laging may masuwaying disposisyon, kapag hinihiling sa kanila ni Cristo na gawin ang mga bagay-bagay, lagi nila itong sinisiyasat at tinatalakay, at tinatanong ang mga tao kung tama ba ang mga ito o mali. Malubhang problema ba ito? (Oo.) Hindi nila hinaharap ang mga bagay na ito mula sa pananaw ng pagpapasakop sa katotohanan; sa halip, hinaharap nila ito nang salungat sa Diyos. Ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kapag naririnig nila ang mga utos at pagsasaayos ng gawain ni Cristo, hindi nila tinatanggap ang mga ito at hindi sila nagpapasakop sa mga ito, sa halip ay nagsisimula silang magtalakayan. At ano ang tinatalakay nila? Tinatalakay ba nila kung paano isagawa ang pagpapasakop? (Hindi.) Tinatalakay nila kung ang mga salita at utos ni Cristo ay tama o mali, at sinusuri nila kung dapat ba itong isagawa o hindi. Ang saloobin ba nila ay saloobin na gusto talagang isagawa ang mga bagay na ito? Hindi—gusto nilang hikayatin ang mas maraming tao na maging tulad nila, na huwag gawin ang mga bagay na ito. At ang hindi ba paggawa ng mga ito ay pagsasagawa ng katotohanan ng pagpapasakop? Malinaw na hindi. Kaya ano ang ginagawa nila? (Sumasalungat.) Hindi lang sila sumasalungat sa Diyos, naghahanap pa sila ng sama-samang pagsalungat. Ito ang kalikasan ng kanilang mga kilos, hindi ba? Sama-samang pagsalungat: itinutulad nila sa kanila ang lahat, itinutulad sa pag-iisip nila ang pag-iisip ng lahat, sinasabi ang sinasabi nila, nagdedesisyon nang gaya nila, sama-samang nilalabanan ang mga desisyon at utos ni Cristo. Ito ang modus operandi ng mga anticristo. Ang paniniwala ng mga anticristo ay, ‘Hindi ito krimen kung ginagawa ito ng lahat,’ kaya hinihikayat nila ang iba na sumalungat sa Diyos kasama niya, iniisip nila na sa ganitong sitwasyon, walang magagawa ang sambahayan ng Diyos sa kanila. Hindi ba’t kahangalan ito? Ang sariling abilidad ng mga anticristo na salungatin ang Diyos ay napakalimitado, wala silang kasama. Kaya sinusubukan nilang manghimok ng mga tao upang sama-samang labanan ang Diyos, iniisip sa kanilang puso na ‘Ililihis ko ang isang grupo ng mga tao, at pag-iisipin at pakikilusin sila nang katulad ko. Sama-sama naming tatanggihan ang mga salita ni cristo, at hahadlangan ang mga salita ng diyos, at pipigilan ang mga ito na maisakatuparan. At kapag may taong dumating upang suriin ang gawain ko, sasabihin kong desisyon ng lahat na ganito ang gawin—at pagkatapos ay titingnan natin kung paano mo haharapin iyon. Hindi ko ito gagawin para sa iyo, hindi ko ito isasagawa—at tingnan natin kung ano ang gagawin mo sa akin!’ … kamuhi-muhi ang mga bagay na ito na ipinapamalas ng mga anticristo? (Lubhang kamuhi-muhi ang mga ito.) At ano ang nakamumuhi sa mga ito? Nais ng mga anticristo na ito na agawin ang kapangyarihan sa sambahayan ng Diyos; hindi nila maisasakatuparan ang mga salita ni Cristo, hindi nila ito isasagawa. Siyempre, maaaring may isa pang uri ng sitwasyon na sangkot kapag hindi makapagpasakop ang mga tao sa mga salita ni Cristo: Ang ilang tao ay mahina ang kakayahan, hindi nila naiintindihan ang mga salita ng Diyos kapag naririnig nila ito, at hindi nila alam kung paano ito isasagawa; kahit na turuan mo sila kung paano, hindi pa rin nila kaya. Ibang usapan ito. Ang paksa na pinagbabahaginan natin ngayon ay ang diwa ng mga anticristo, na walang kinalaman sa kung kaya ba ng mga taong gumawa ng mga bagay, o kung ano ang kakayahan nila; may kinalaman ito sa disposisyon at diwa ng mga anticristo. Sila ay ganap na sumasalungat kay Cristo, sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa mga katotohanang prinsipyo. Wala silang pagpapasakop, tanging paglaban. Ganito ang isang anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko ang malubhang kalikasan ng aking mga kilos, lalo na pagkatapos kong makita na inilalantad ng mga salita ng Diyos kung paanong walang mapagpasakop na saloobin ang mga anticristo, at hindi kailanman tinatanggap ang mga hinihingi ng Diyos at ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Puno ng paglaban at pakikipagkumprontasyon ang kanilang mga puso, at nililihis ang iba at tinitipon ang mga ito para sumalungat. Sa pagbabalik-tanaw kung paano ako kumilos nang mga araw na ito, nakita kong kapareho ng kalikasan nila ang pag-uugali ko. Nang subaybayan nang detalyado ng mga lider ang aming gawain, ayaw kong maabala, at nag-alala ako na aaksayahin nito ang oras na puwede kong igugol sa paggawa ng aking tungkulin, na makakaapekto sa mga resulta ng gawain. Hindi ko matanggap iyon, kaya nagpakalat ako ng mga may kinikilingang opinyon laban sa mga lider at hinimok ang mga sister sa pangkat namin na makiisa sa akin sa isang nagkakaisang layunin at salungatin sila. Nang tukuyin ng mga lider na mabagal ang pag-usad namin at wala kaming mga resulta, at nagbahagi kung paano pagbutihin ang kahusayan namin sa gawain, lumaban ako, nakipagtalo, at hindi nagpasakop. Pakiramdam ko ay sobra-sobra ang mga hinihingi ng mga lider, at hindi nila nauunawaan ang tunay naming mga suliranin. Noong nagkipagbahaginan sila ng mga paraan para mapabuti ang kahusayan namin sa gawain, hindi ako nakinig. Para maging maluwag ang mga lider, babaan ang kanilang mga hinihingi, at maunawaan na hindi lamang dahil sa akin ang hindi magagandang resulta sa gawain, ipinagkalat ko ang ideya sa mga kapatid na sobra-sobra ang mga hinihingi ng mga lider, para madama rin nila na pinahihirapan kami ng mga lider, at hinimok ko silang samahan ako sa pagsalungat. Napakamapanlinlang ko, at nagsabi ng mga bagay na puno ng mga lihim na motibo at satanikong panlalansi, ginagamit ang ibang tao para makamit ang aking pakay. Gusto ng mga lider ng detalyadong pagkaunawa sa gawain namin para mabilis na matuklasan at maitama ang mga problema at paglihis, tulungan kaming makapagtrabaho nang mas epektibo, at maglinang ng mga baguhan sa lalong madaling panahon para magawa nila ang kanilang tungkulin. Ginagawa ng mga lider ang partikular na gawain ayon sa mga hinihingi ng Diyos at mga pagsasaayos ng iglesia. Pero hindi ako nagpasakop, at sa halip, sumalungat ako. Hindi ito para pahirapan ang mga lider, kundi sa totoo lang ay pagkontra sa gawain ng iglesia at sa mga hinihingi ng Diyos, at ganap na pagsalungat sa Kanya. Iniligaw at hinimok ko ang lahat na pumanig sa akin para mag-isip sila kung paano ako nag-iisip, at sabihin ang parehong mga bagay na sinasabi ko, sama-samang sinasalungat ang mga pagsasaayos ng iglesia. Ang ibinunyag ko ay ang disposisyon ng isang anticristo, at ginampanan ko ang papel bilang isang alipin ni Satanas! Negatibo akong nagsalita para iligaw ang mga kapatid upang tumigil ang lahat sa pag-iisip tungkol sa pag-usad, at nasiyahan sa kasalukuyang kalagayan, araw-araw na pabayang ginagawa ang kanilang tungkulin, at palaging nagbubunga ng hindi magagandang resulta ang gawain ng pagdidilig. Gumagawa ako ng kasamaan sa pamamagitan ng paghahadlang at panggugulo sa gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ko iyon, nagsimula akong matakot. Kung patuloy kong gagawin iyon, gagawa lang ako ng higit pang kasamaan, sa huli ay magiging isang anticristo, at mabubunyag at maititiwalag. Lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin, “O Diyos, malinaw na tanda ng Iyong katuwiran ang pagkakatanggal sa akin. Sa pamamagitan ng paglantad at paghatol ng Iyong mga salita, mas naunawaan ko ang aking anticristong disposisyon. Sa pagkakatanggal sa akin, pinrotektahan Mo ako, at higit pa roon, iniligtas Mo ako. Lubos akong nagpapasalamat sa Iyo!”

Pagkatapos nito, nakakita ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos na naglantad sa klaseng ito ng tiwaling disposisyon ng sangkatauhan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga anticristo ay madalas magpakawala ng mga teorya upang ilihis ang mga tao, at kahit ano pang gawain ang kanilang ipatupad, sila ang may huling salita, ganap na lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo. Kung titingnan ito mula sa mga pagpapamalas ng mga anticristo, ano ba mismo ang kanilang disposisyon? Sila ba ay mga taong nagmamahal sa mga positibong bagay at nagmamahal sa katotohanan? Mayroon ba silang tunay na pagpapasakop sa Diyos? (Wala.) Ang kanilang diwa ay ang pagiging tutol at pagkamuhi sa katotohanan. Bukod pa rito, sila ay napakayabang na wala na silang anumang pagkamakatwiran, wala sa kanila kahit ang pangunahing konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng mga tao. Ang mga gayong tao ay hindi karapat-dapat tawaging tao. Sila ay matatawag lamang na kauri ni Satanas; sila ay mga diyablo. Ang sinumang hindi tumatanggap sa katotohanan kahit kaunti ay isang diyablo—walang kaduda-duda rito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). “Sa puso ng mga anticristo, ano ang saloobin nila sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop kay Cristo? Isang salita: paglaban. Palagi silang lumalaban. At ano ang disposisyon na napapaloob sa paglaban na ito? Ano ang nagdudulot nito? Pagsuway ang nagdudulot nito. Pagdating naman sa disposisyon, ito ay pagtutol sa katotohanan, ito ay pagkakaroon ng pagsuway sa kanilang puso, ito ay pagtanggi nilang magpasakop. Kaya naman, ano ang iniisip ng mga anticristo, sa mga puso nila, kapag hinihingi ng sambahayan ng Diyos na ang mga lider at manggagawa ay matutong magtulungan nang maayos, sa halip na isang tao lang ang nagdedesisyon ng lahat, na matuto silang magtalakay kasama ang iba? ‘Napakalaking abala na talakayin sa mga tao ang lahat ng bagay! Kaya kong magdesisyon tungkol sa mga bagay na ito. Ang pakikipagtulungan sa iba, pakikipagtalakayan sa kanila, paggawa ng mga bagay ayon sa prinsipyo—napakahina at nakakahiya!’ Iniisip ng mga anticristo na naiintindihan nila ang katotohanan, na malinaw ang lahat sa kanila, na mayroon silang sariling kabatiran at paraan ng paggawa ng mga bagay, kaya hindi nila kayang makipagtulungan sa iba, hindi nila tinatalakay sa mga tao ang kahit na anong bagay, ginagawa nila ang lahat sa sarili nilang pamamaraan, at hindi sumusuko sa kahit na sino! Kahit na pasalitang sinasabi ng mga anticristo na handa silang magpasakop at handang makipagtulungan sa iba, kahit na gaano pa kaganda ang mga sagot nila sa panlabas, gaano kasarap pakinggan ang mga salita nila, hindi nila kayang baguhin ang mapaghimagsik nilang kalagayan, hindi nila kayang baguhin ang kanilang mga satanikong disposisyon. Sa kalooban nila ay lubha silang salungat—gaano kalubha? Kung ipapaliwanag sa lengguwahe ng kaalaman, ito ay isang sitwasyon na nangyayari kapag ang dalawang bagay na may magkaibang kalikasan ay pinagsasama: pagkasuklam, na maaari nating ipakahulugan bilang ‘pagsalungat.’ Ito mismo ang disposisyon ng mga anticristo: paglaban sa Itaas. Gusto nilang labanan ang Itaas at wala silang sinusunod(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). Sinasabi ng Diyos na ang pagkamuhi sa katotohanan at paglaban sa Diyos ay ang kalikasang diwa ng isang anticristo, at napagtanto ko na ibinubunyag ko ang disposisyon ng isang anticristo. Naiinis ako at mapanlaban sa pangangasiwa ng mga lider. Pakiramdam ko ay inaksaya nito ang oras namin, at sobra-sobra ang hinihingi nila sa amin para hilinging pagbutihin namin ang aming mga resulta sa gawain. Ayaw kong sumunod, at patuloy akong sumalungat. Sa totoo lang, tinutukoy ng mga lider ang mga problema at paglihis sa gawain namin, at tinanggap ko dapat ito at taimtim na pinagnilayan ang mga pinagbabatayang dahilan ng mga hindi magagandang resulta sa gawain: kung ito ba ay dahil sa pabayang saloobin sa paggawa ng aking tungkulin, o na hindi ko makilatis ang mga bagay-bagay, at hindi ko magamit ang katotohanan para malutas ang mga paghihirap at mga problema ng mga kapatid. Matapos malaman ang mga dahilan, dapat sana ay mabilis kong binaligtad ang mga bagay-bagay at nagbago. Pero hindi ko talaga tinanggap ang katotohanan o nagnilay, at hindi ko sinisi ang sarili ko o nakonsensiya sa hindi paggawa ng tungkulin ko nang maayos. Para maiwasang matanggal, sinubukan ko ang lahat ng bagay para himukin ang bawat isa na makiisa sa akin sa pagsalungat sa mga lider. Hinihingi ng Diyos na subaybayan ng mga lider at pangasiwaan ang gawain, na isang positibong bagay. Pero lumaban at sumalungat ako. Sa panlabas, mukhang nilalabanan ko ang mga lider, pero sa diwa, tutol ako sa katotohanan at kinamumuhian ko ang mga positibong bagay, at hinahadlangan at ginagambala ko ang gawain ng iglesia. Nang makita ko kung gaano ako katutol sa katotohanan at sinasalungat pa nga ang Diyos, napagtanto ko kung gaano kasuklam-suklam ang aking satanikong disposisyon! Naisip ko ang ilang anticristo na pinatalsik sa iglesia. Noong tinulungan sila, iwinasto, at pinungusan, hindi nila kailanman tinanggap ang katotohanan o pinagnilayan ang kanilang sarili. Kapag may nangangasiwa sa kanilang gawain o nagbibigay sa kanila ng mga mungkahi, humahantong sila sa galit dahil sa pakiramdam ng pagkapahiya, at pagkatapos ay itinuturing nila ang taong iyon bilang kaaway. Mapagmatigas silang maghuhumiyaw at mag-aalsa, sasalungat hanggang sa pinakadulo, at gagawa pa nga ng kasamaan na lubhang makakapinsala sa gawain ng iglesia, pero hindi sila nakakaramdam ng pagsisisi. Sa huli, pinatalsik sila ng iglesia. Lahat ito ay sanhi ng kanilang anticristong kalikasan, na tutol at namumuhi sa katotohanan. Hindi ba’t nagbunyag ako ng parehong disposisyon gaya ng mga anticristo? Kung hindi ako magsisi, sa malao’t madali ay ibubunyag at ititiwalag din ako ng Diyos.

Kalaunan, nagnilay-nilay rin ako: Bakit ko hinimok ang mga sister na salungatin ang pangangasiwa ng mga lider? Ano ang ugat niyon? Sa aking paghahanap, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nitong mga pagnanais, mga ambisyon, at mga layunin. Nais nitong higitan ang Diyos, makawala sa Diyos, at makuha ang kontrol sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Sa kasalukuyan, gayon na lamang katinding ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao: May mga satanikong kalikasan silang lahat, sinusubukan nilang lahat na itatwa at labanan ang Diyos, at gusto nilang makontrol ang sarili nilang mga kapalaran at sinusubukang labanan ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Ang kanilang mga ambisyon at pagnanais ay kaparehong-kapareho ng kay Satanas. Samakatuwid, ang kalikasan ng tao ay ang kalikasan ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pangunahing dahilan na kumilos ako nang ganoon ay dahil sa aking satanikong kalikasan, ang satanikong disposisyon sa loob ko. Namuhay ako sa pamamagitan ng satanikong pilosopiya na nagsasabing, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” at naging masyadong makasarili at mapanlinlang. Lahat ng ginawa at sinabi ko ay para protektahan ang sarili ko at pangalagaan ang aking mga interes. Natakot ako na kapag pinangasiwaan ng mga lider ang aming gawain at natuklasan ang mga problema sa kung paano ko ginawa ang aking tungkulin, ay matatanggal ako. Kaya nakipagsabwatan ako at nagpakana, naghahasik ng pagkayamot laban sa mga lider, kinukuha ang loob at hinihimok ang mga kapatid na makiisa sa akin sa isang nagkakaisang layunin para salungatin ang pangangasiwa ng mga lider. Ipapaalam niyon sa mga lider na hindi lang ako ang may mahinang kahusayan sa gawain, kundi isa itong sama-samang problema. Para mapangalagaan ang aking katayuan, inisip ko kung paano pakitunguhan ang mga lider at protektahan ang aking sarili, na nakapinsala sa gawain ng iglesia. Habang mas nagninilay-nilay ako, lalo kong nararamdaman ang kawalan ko ng pagkatao. Sa puso ko, naramdaman ko ang labis na pagsisisi, at nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Nakagawa ako ng kasamaan at nagulo ko ang gawain ng iglesia. Handa akong lubos na magsisi, tanggapin ang pangangasiwa at gabay ng mga lider, at tapat na tuparin ang tungkulin ko bilang isang nilikha.”

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kalaunan kung paano tamang tratuhin ang pangangasiwa at gabay ng mga lider. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ngayon, bagama’t maraming taong gumagawa ng tungkulin, iilan lamang ang naghahangad ng katotohanan. Napakakaunting tao ang naghahangad sa katotohanan at pumapasok sa realidad habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin; para sa karamihan, wala pa ring mga prinsipyo sa paraan ng paggawa nila ng mga bagay-bagay, hindi pa rin sila mga taong tunay na nagpapasakop sa Diyos; ipinapahayag lamang nila na mahal nila ang katotohanan, at handa silang hangarin ang katotohanan, at handa silang magsumikap para sa katotohanan, subalit wala pa ring nakakaalam kung hanggang kailan tatagal ang kanilang determinasyon. Ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan ay malamang na magbunyag ng kanilang mga tiwaling disposisyon anumang oras o saanmang lugar. Wala silang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanilang tungkulin, madalas silang pabasta-basta, kumikilos sila ayon sa gusto nila, at ni wala silang kakayahang tumanggap ng pagpupungos. Sa sandaling sila ay maging negatibo at mahina, may tendensiya silang tumalikod sa kanilang tungkulin—madalas itong mangyari, wala nang ibang mas karaniwan pa rito; ganoon kumilos ang lahat ng hindi naghahangad ng katotohanan. Kaya nga, kapag hindi pa nakakamit ng mga tao ang katotohanan, hindi sila maaasahan at mapagkakatiwalaan. Ano ang ibig sabihin ng hindi sila mapagkakatiwalaan? Ang ibig sabihin niyon ay na kapag nahaharap sila sa mga paghihirap o balakid, malamang na mabuwal sila, at maging negatibo at mahina. Mapagkakatiwalaan ba ang isang taong madalas maging negatibo at mahina? Talagang hindi. Ngunit iba ang mga taong nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan ay malamang na mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at pusong nagpapasakop sa Diyos, at ang mga tao lamang na may-takot-sa-Diyos na puso ang mga taong mapagkakatiwalaan; ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso ay hindi mapagkakatiwalaan. Paano dapat harapin ang mga taong walang may-takot-sa-Diyos na puso? Siyempre, dapat silang bigyan ng mapagmahal na tulong at suporta. Dapat silang subaybayan nang mas madalas habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at mas tulungan at turuan; saka lamang magagarantiyahan na gagawin nila nang epektibo ang kanilang tungkulin. At ano ang layon ng paggawa nito? Ang pangunahing layon ay ang itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Ang pangalawa rito ay para agad na matukoy ang mga problema, para agad silang matustusan, masuportahan, o mapungusan, na itinatama ang kanilang mga paglihis, at pinupunan ang kanilang mga pagkukulang at kapintasan. Kapaki-pakinabang ito sa mga tao; walang masamang hangarin dito. Ang pangangasiwa sa mga tao, pagmamasid sa kanila, pagsisikap na maunawaan sila—lahat ng ito ay para tulungan silang pumasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos, para bigyan sila ng kakayahang gawin ang kanilang tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos at ayon sa prinsipyo, upang hindi sila magdulot ng mga panggugulo o pagkagambala, at upang pigilan silang gumawa ng walang saysay na gawain. Ang layon ng paggawa nito ay ganap na tungkol sa pagpapakita ng responsabilidad sa kanila at sa gawain ng sambahayan ng Diyos; walang masamang hangarin dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). “Pinangangasiwaan, inoobserbahan, at sinusubukang unawain ng sambahayan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng tungkulin. Kaya ba ninyong tanggapin ang prinsipyong ito ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Isang magandang bagay kung matatanggap mong pangasiwaan, obserbahan, at subukang unawain ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, sa pagkakaroon mo ng kakayahang magawa ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan at para matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa iyo, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan mo na ang prinsipyong ito, dapat ba na hindi ka na makaramdam ng paglaban o pagbabantay laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Bagama’t paminsan-minsan ay sinusubukan kang unawain ng isang tao, inoobserbahan ka, at pinangangasiwaan ang gawain mo, hindi mo ito dapat personalin. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga gampaning nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para pangasiwaan o obserbahan ka, o umuunawa sa iyo nang malalim, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang pag-uugali, at pinupungusan, dinidisiplina, at pinagsasabihan ka nila nang kaunti, lahat ng ito ay dahil tapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang negatibong saloobin o emosyon tungkol dito. Ano ang ibig sabihin kung kaya mo itong tanggapin kapag pinapangasiwaan, inoobserbahan, at sinusubukan kang unawain ng iba? Na, sa puso mo, tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos. Kung hindi mo tinatanggap ang pangangasiwa, pag-oobserba, at pagtatangka ng mga tao na unawain ka—kung ayaw mong tanggapin ang lahat ng ito—magagawa mo bang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Ang pagsisiyasat ng Diyos ay mas detalyado, malalim, at tumpak kaysa kapag sinusubukan ng mga tao na unawain ka; ang mga hinihingi ng Diyos ay mas partikular, mahirap, at malalim. Kung hindi mo matanggap ang pangangasiwa ng mga hinirang na tao ng Diyos, walang kabuluhang mga salita lamang ba ang sinasabi mo na kaya mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Para magawa mong tanggapin ang pagsisiyasat at pagsusuri ng Diyos, dapat mo munang tanggapin ang pangangasiwa ng sambahayan ng Diyos, ng mga lider at manggagawa, o ng mga kapatid(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 7). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na dahil sa satanikong tiwaling disposisyon sa loob natin, madalas nating ginagawa ang ating tungkulin ayon sa gusto natin. At dahil sa ating malubhang karumihan at katamaran, madalas tayong pabaya sa paggawa ng ating tungkulin, hindi nagsisikap na magkamit ng mga resulta, at lumalabag sa mga prinsipyo sa maraming aspekto. Kaya kailangan natin ng higit na pangangasiwa at pagsusubaybay ng mga lider at manggagawa sa ating gawain para matiyak na maayos ang pag-usad ng lahat ng aytem ng gawain ng iglesia. Iyon ang hinihingi ng Diyos sa mga lider at manggagawa—trabaho nila iyon. Dapat sana ay nagpasakop ako at tinanggap ang pangangasiwa at paggabay ng mga lider at manggagawa. May mali rin akong pananaw, pakiramdam ko ay aaksayahin ng patuloy na pangangasiwa at detalyadong pagtatanong ng mga lider ang oras na puwede naming magamit para gawin ang aming tungkulin, na makakaapekto sa mga resulta ng aming gawain. Pero sa katunayan, gusto ng mga lider ng detalyadong pagkaunawa sa aming gawain para mahanap ang mga problema, matulungan kaming lutasin ang mga ito at maitama ang mga paglihis, na gagawing mas epektibo ang gawain namin. Hindi ito pag-aaksaya ng oras. Halimbawa, noong isang beses na sinusubaybayan ng mga lider ang gawain namin, natuklasan nila na sa pagdidilig ng mga baguhan ay wala kaming pagmamalasakit at pasensiya, at masyadong mataas ang hinihingi namin sa kanila. Nagdulot iyon na maging negatibo ang ilang baguhan, at hindi nila ginawa ang kanilang tungkulin. Napagtanto lang namin ang sarili naming mga paglihis sa paggawa ng aming tungkulin sa pamamagitan ng pagbabahagi at paggabay ng mga lider. Pagkatapos nito, nakakita kami ng mga salita ng Diyos na nakatuon sa mga problema ng mga baguhan na maibabahagi sa kanila para maunawaan nila ang ibig sabihin ng paggawa sa tungkulin ng isang tao, at gumawa kami ng mga makatwirang pagsasaayos para sa kanilang mga tungkulin batay sa kanilang aktuwal na tayog. Kalaunan, bumuti ang kalagayan ng mga baguhan, at nagawa nilang gampanan nang normal ang kanilang tungkulin. Nakita ko na ang pangangasiwa at paggabay ng mga lider ay bukod sa hindi negatibong nakaapekto sa mga resulta ng gawain namin, kundi ito rin ay nakatulong sa amin para maarok ang mga prinsipyo sa paggawa ng aming tungkulin. Ito ang lahat ng pakinabang ng pagtanggap sa pangangasiwa at paggabay ukol sa aming gawain mula sa mga lider at manggagawa. Naunawaan ko na isang responsableng saloobin sa gawain ng iglesia ang pagtanggap ng pangangasiwa mula sa mga lider at manggagawa, at isang mahalagang prinsipyo sa pagsasagawa ng tungkulin ng isang tao.

Pagkaraan ng ilang panahon, isinaayos ng mga lider na ipagpatuloy ko ang pagdidilig ng mga baguhan, at puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos. Pagkatapos niyon, sa tuwing nagsusubaybay ang mga lider at nagbibigay ng patnubay tungkol sa gawain namin, hindi na ako masyadong mapanlaban. Kaya kong pagsamahin ang mga isyung natuklasan ng mga lider at maagap na tinatalakay ang mga ito kasama ng mga katuwang kong kapatid, at binuod namin ang mga paglihis sa aming tungkulin. Habang mas malinaw naming nakikita ang mga umiiral na isyu, unti-unting nagiging mas epektibo ang gawain namin. Talagang naramdaman ko na upang makakuha ng magagandang resulta sa paggawa ng ating tungkulin, dapat nating tanggapin ang pangangasiwa at patnubay ng mga lider at manggagawa, magkaroon ng saloobin ng pagtanggap sa katotohanan, at kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  35. Ang Nasa Likod ng Pagiging Maluwag sa Iba

Sumunod:  37. Ano ang Pumigil sa Akin sa Pagsasagawa ng Katotohanan

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger