42. Ang Pagkakilala Gamit ang mga Salita ng Diyos ay Hinding-hindi Nabibigo

Ni Christina, USA

Noong Abril 2021, nakatira ako sa isang bahay kasama si Harlow at ilang iba pang sister. Noong una, madalas kong makita na nakikipag-usap siya sa iba tungkol sa kalagayan niya, at minsan ikinukuwento ito sa oras ng pagkain. Naisip ko kung paanong nagagawa pa niyang gamitin ang oras ng pagkain—nakatuon talaga siya sa buhay pagpasok at isang taong naghahanap sa katotohanan. Nang minsang mag-usap kami, sinabi sa akin ni Harlow na talagang nag-aalala siya sa mga ekspresyon ng mukha at opinyon ng iba, at kapag masama ang tono sa kanya ng isang tao, karaniwan niyang iniisip na hinahamak siya nito, at sinabi niya sa akin na siya ay mapanlinlang. Sinabi rin niya na palagi siyang nakikipagkompetensiya sa iba para sa karangalan at pakinabang, at masyadong nag-aalala sa kanyang reputasyon at katayuan. Iniisip ko na, hindi pa kami matagal na magkakilala, kaya kung nagagawa niyang sabihin sa akin ang tungkol sa kanyang mga matinding kapintasan at mga kahinaan ibig sabihin siya ay simple at matapat. Napansin ko sa aming sumunod na mga inter-aksiyon na talagang mayroon siyang kumplikadong pag-iisip. Talagang nag-aalala siya sa mga ekspresyon at opinyon ng mga tao, at mapanghinala sa iba. Minsan kapag tinutukoy ng mga kapatid ang mga problema niya, iniisip niya kung hinahamak ba siya ng mga ito, at pagkatapos ay magtatapat siya tungkol sa kanyang sarili, sinasabing palagi siyang naghihinala sa iba, na siya ay napakamapanlinlang, at iba pa. Noong una, akala ko siya ay medyo sensitibo at marupok lang. Sa tingin ko, lahat ng tao ay may mga kamalian at problema, at bilang mga kapatid, dapat tayong magkaroon ng higit na pagpapasensiya at pagpapatawad sa isa’t isa. Isa pa, nagawa niyang magtapat at maunawaan ang kanyang sarili pagkatapos magbunyag ng katiwalian, kaya siguradong isa siyang taong kayang tanggapin ang katotohanan. Kaya, hindi ko ito masyadong inisip. Kadalasan, kapag sinasabi niya sa akin ang tungkol sa kalagayan niya, matiyaga akong nakikinig sa pagtatapat niya ng nararamdaman niya. Sa mga pag-uusap namin ay maingat din akong nagbabantay sa lagay ng loob niya, natatakot na maging di-maingat at makapagsabi ng makakasakit sa kanya. Dahil doon, gusto niya akong kausap. Makikita at mahihinuha mula sa kanyang mga salita na dama niyang ako ay may magandang ugali at personalidad, mabait, at gusto niya ang mga taong tulad ko. Gayumpaman, tuwing nag-uusap kami, tungkol ito sa kalagayan niya ng pagiging mapanghinala o mapag-alala sa reputasyon. Minsan ang maiksing pag-uusap ay umaabot ng isang oras, at talagang naaantala nito ang mga tungkulin ko. Pero nang makita ko kung gaano siya nagtiwala sa akin, natakot ako na masasaktan siya kung hindi ako makikinig sa kanya, kaya nahihiya akong sumabad sa kanya. May mga bagay na nangyari kalaunan na unti-unting nagpabago ng tingin ko sa kanya.

Minsan, hindi masyadong sineryoso ni Sister Kay nang punahin siya ni Harlow dahil sa hindi maayos na pagtiklop ng comforter. Nagalit si Harlow at hindi ito pinalampas, at iginiit na gawin ni Kay ang gusto niya. Nakita ni Kay na karaniwang gusto ni Harlow na himukin ang mga tao at makiayon sa kanya para pasayahin siya. Sinabi sa kanya ni Kay na masyado siyang nakatutok sa katayuan at palagi niyang gustong napapaligiran siya ng mga tao, na sa diwa ay nangangahulugan na gusto niyang kontrolin ang iba. Pagkatapos, pumunta si Harlow kay Kay para magtapat, umiiyak at nagpapaliwanag na hindi siya katulad ng sinasabi ni Kay, at na mali ang pagkakaunawa ni Kay sa kanya. Humingi ng tawad si Kay, pero hindi pa rin ito makalimutan ni Harlow, at hindi na siya nito kinausap. Pagkatapos niyon, madalas ibukod ni Harlow ang sarili niya at hindi kami gaanong kinakausap. Minsan nang kausapin niya ako tungkol sa kalagayan niya, sinabi niya na nakita niyang madalas na nakikipag-usap kay Kay ang ibang mga sister, kaya hinala niya ay gusto ng lahat si Kay, at na minamaliit at ibinubukod siya ng mga ito. Pagkatapos ay sinadya niyang iwasan ang lahat, at inisip na hindi sinsero si Kay kapag kinakausap siya nito. Pagkatapos, sinabi niyang may masama siyang pagkatao at na ang pagdududa kay Kay nang ganoon ay talagang mapanlinlang. Pero hindi siya nagbago pagkatapos niyon. Nagtatampo siya sa amin nang dalawang linggo dahil dito, at nadama ng lahat na napipigilan sila. Nagulat talaga ako at hindi ko siya maintindihan. Bakit hindi siya naghahanap ng katotohanan at natututo ng aral kapag nahaharap sa mga isyu? Pagkatapos niyon ay iniisip ko kung paanong may tendensiya lang siyang magalit at magtampo, at na magkakapatid kaming lahat, at kailangan lang naming mas tulungan siya nang may pagmamahal. Isang beses, lumitaw ang mga problema sa isang video na ginagawa niya. Sa isang pagtitipon, sinabi ng lider ng pangkat na kailangang akuin ng mga prodyuser ang pangunahing responsabilidad sa mga isyu sa mga video. Inakala ni Harlow na siya ang pinuntirya niyon—na tingin ng lider ng pangkat ay mahina ang kakayahan niya at hinamak siya. Ilang araw siyang mukhang malungkot at nanlulumo. Isang lider ang nakipagbahaginan sa kanya pagkatapos niyon, at sinabing hindi niya tinanggap ang katotohanan at sobra siyang sensitibo, at na magiging mapanganib sa kanya na manatili nang gayon. Naiyak si Harlow nang marinig niya iyon. Sinabi niya na masyado siyang tiwali at hindi maliligtas ng Diyos. Nang makitang sobrang masama ang loob niya, nagbahagi sa kanya ang lider tungkol sa layunin ng Diyos para hindi siya magkamali ng pagkaunawa sa Diyos at makapagnilay pa sa kanyang problema at magkaroon ng pagpasok. Wala siyang sinabi sa oras na iyon, at naisip ng lider na magagawa niyang magbago. Pero ang nakakagulat, sinabi niya sa isang pagtitipon na hindi niya matanggap ang sinabi ng lider tungkol sa kanya at naging negatibo siya nang ilang araw. Kalaunan, sinabi niya sa ilang kapatid na hindi siya nagustuhan ng lider ng pangkat dahil sa kanyang mahinang kakayahan, kaya naramdaman niyang napipigilan siya. Hindi niya alam kung paano ito malalampasan, at umiiyak siya habang nagsasalita. Nakisimpatiya ang mga kapatid sa kanya. Palaging nangyayari ang mga ganitong bagay. Pagkatapos makipagbahaginan sa kanya ang isang tao, palagi niyang “nakikilala” ang kanyang sarili at inaamin ang kanyang problema. Pero nagagalit na naman siya makalipas ang ilang araw kapag may nangyaring hindi kaaya-aya.

Sobra akong nalito na makita siyang kumikilos nang ganoon. Yamang parang karaniwan naman niyang kilala ang sarili niya, bakit hindi siya nagbabago kahit kailan? Kapag may sinasabi ang iba na nakakaapekto sa kanyang pagpapahalaga sa sarili, iisipin niyang minamaliit siya ng mga ito at magkakamali siya ng pagkakaintindi sa lahat ng bagay. May problema ba sa pagkatao niya at sa pagkaunawa niya? Hindi ko ito lubos na maunawaan, kaya’t nanalangin ako sa Diyos sa paghahanap, at hinanap ko ang ibang nakakaunawa sa katotohanan at nakipagbahaginan ako sa kanila. Sinabi sa akin ng isang sister na naunawaan ni Harlow ang lahat pagkatapos ng maraming taon ng pananalig, pero hindi niya isinagawa ang katotohanan at madalas na negatibo. Ibig sabihin niyon hindi niya talaga kilala ang sarili niya. Pinadalhan din ako ng sister na iyon ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag pinagbabahaginan ng ilang tao ang pagkakilala nila sa kanilang sarili, ang unang lumalabas sa kanilang mga bibig ay, ‘Isa akong diyablo, isang buhay na Satanas, isang taong lumalaban sa Diyos. Naghihimagsik ako laban sa Kanya at pinagtataksilan Siya; isa akong ulupong, isang masamang tao na dapat sumpain.’ Tunay ba itong pagkakilala sa sarili? Pangkalahatang ideya lang ang sinasabi nila. Bakit hindi sila nagbibigay ng mga halimbawa? Bakit hindi nila inilalantad ang mga nakakahiyang bagay na ginawa nila para himayin ang mga ito? Naririnig sila ng ilang taong hindi marunong kumilatis at iniisip, ‘Aba, tunay na pagkakilala iyon sa sarili! Ang makilala ang kanilang sarili bilang isang diyablo, si Satanas, at sumpain pa ang kanilang sarili—napakataas naman ng naabot nila!’ Madaling malihis ng ganitong pananalita ang maraming tao, lalo na ang mga bagong mananampalataya. Akala nila dalisay at may espirituwal na pang-unawa ang taong nagsasalita, na isa itong taong nagmamahal sa katotohanan, at kwalipikadong maging lider. Subalit, sa sandaling makasalamuha na nila siya nang ilang panahon, nalalaman nilang hindi pala ganoon, na hindi pala gaya ng inisip nila ang taong iyon, kundi ubod ng huwad at mapanlinlang, mahusay sa pagkukunwari at pagpapanggap, na talaga namang nakakadismaya. Sa anong batayan kaya masasabi na talagang kilala ng mga tao ang kanilang sarili? Hindi mo puwedeng isaalang-alang lang ang sinasabi nila—ang susi ay tukuyin kung naisasagawa at natatanggap nila ang katotohanan. Para sa mga tunay na nakauunawa sa katotohanan, hindi lamang sila may tunay na kaalaman tungkol sa kanilang sarili, ang pinakamahalaga, naisasagawa nila ang katotohanan. Hindi lamang nila sinasabi ang kanilang tunay na pagkaunawa, kundi nagagawa rin talaga nila ang sinasabi nila. Ibig sabihin, ganap na magkaayon ang kanilang mga salita at kilos. Kung maliwanag at kaaya-ayang pakinggan ang sinasabi nila, pero hindi nila ito ginagawa, hindi ito isinasabuhay, kung gayon sa bagay na ito ay naging mga Pariseo sila, mapagpaimbabaw sila, at tiyak na hindi mga taong tunay na nakakikilala sa kanilang sarili. Napakaliwanag pakinggan ng maraming tao kapag ibinabahagi nila ang katotohanan, pero hindi nila napapansin kapag nagkakaroon sila ng mga pagbubunyag ng tiwaling disposisyon. Kilala ba ng mga taong ito ang kanilang sarili? Kung hindi kilala ng mga tao ang kanilang sarili, sila ba ay mga taong nakakaunawa sa katotohanan? Ang lahat ng hindi nakakikilala sa sarili ay mga taong hindi nakakaunawa sa katotohanan, at lahat ng nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita ng pagkakilala sa sarili ay may huwad na espirituwalidad, sila ay mga sinungaling. Kung pakikinggan ay mahusay magsalita ang ilang tao ng mga salita at doktrina, pero ang kalagayan sa kanilang mga espiritu ay manhid at hangal, hindi matalas ang kanilang pakiramdam, at hindi sila tumutugon sa anumang isyu. Masasabi na manhid sila, pero minsan, kapag napapakinggan silang magsalita, tila medyo matalas ang kanilang mga espiritu. Halimbawa, pagkatapos na pagkatapos ng isang insidente, nagagawa nilang makilala kaagad ang kanilang sarili: ‘Ngayon-ngayon lang naging malinaw sa akin ang isang ideya. Pinag-isipan ko ito at napagtanto ko na ito ay mapanlinlang, na nililinlang ko ang Diyos.’ Naiinggit ang ilang taong hindi marunong kumilatis kapag naririnig nila ito, sinasabing: ‘Napagtatanto kaagad ng taong ito kapag mayroon siyang pagbubunyag ng katiwalian, at nagagawa rin niyang ipagtapat at ibahagi ang tungkol dito. Napakabilis ng reaksyon niya, matalas ang kanyang espiritu, mas mahusay siya kaysa sa atin. Tunay ngang isa itong taong naghahangad ng katotohanan.’ Tumpak na paraan ba ito ng pagsukat sa mga tao? (Hindi.) Kaya ano ba ang dapat na maging batayan sa pagsusuri kung talaga bang kilala ng mga tao ang kanilang sarili? Hindi lang ito dapat kung ano ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Dapat mo ring tingnan kung ano talaga ang naipapamalas sa kanila. Ang pinakasimpleng paraan ay ang tingnan kung naisasagawa ba nila ang katotohanan—ito ang pinakamahalaga. Pinatutunayan ng abilidad nilang isagawa ang katotohanan na tunay nilang kilala ang kanilang sarili, dahil ang mga tunay na nakakikilala sa kanilang sarili ay nagpapamalas ng pagsisisi, at kapag nagpapamalas ng pagsisisi ang mga tao saka lamang nila tunay na nakikilala ang kanilang sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkakilala sa Sarili ang Makakatulong sa Paghahangad ng Katotohanan). Natutunan ko sa mga salita ng Diyos na kapag sinusukat kung ang isang tao ay mahal at tanggap ang katotohanan, kung talagang kilala niya ang sarili niya, hindi ito tungkol sa pagtingin sa kung gaano niya kahusay na kilala ang sarili niya batay sa sinasabi niya, o kung gaano siya kahusay na maglitanya ng mga salita at doktrina. Sa halip, tungkol ito sa kung ano talaga ang isinasabuhay niya sa harap ng mga pangyayari, kung naisasagawa niya ang katotohanan, kung talagang nagsisisi siya at nagbabago, at kung magkatugma ang sinasabi niyang pagkaunawa at ang kanyang aktuwal na pagpasok. Ang ilang tao ay inililitanya ang lahat ng tamang mga salita at doktrina, pero hindi man lang nila isinasagawa ang katotohanan kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, at sa halip ay kumikilos batay sa kanilang satanikong disposisyon. Iyan ang taong hindi tumatanggap sa katotohanan. Ang ilang tao ay kayang magtapat kahit ano pang uri ng mga saloobin ang ibinubunyag nila, at alam ang kanilang katiwalian, ipinapaisip sa mga tao na sila ay simple. Gayumpaman, wala silang sinasabi tungkol sa tunay na mga motibo sa likod nito, at hindi man lang nila sinusuri ang diwa ng kanilang tiwaling disposisyon. Mukha silang simple at bukas, pero sa katunayan ay nililigaw at pinasisinungalingan nila ang mga tao, at talagang mapanlinlang sila. Ang kaalaman sa sarili ng ilang tao ay isang ilusyon lamang—pasalita nilang aaminin ang mga pagkakamali nila, sinasabing sila ay mga diyablo at mga Satanas, isinusumpa at kinokondena nila ang kanilang sarili, at na alam nila na maraming problema sa sarili nila; gayumpaman, para naman sa partikular na masasamang bagay na nagawa nila, ang mga nakatagong motibo at layon sa likod ng mga ito, o ang mga kinahinatnan ng mga ito, wala silang sinasabing anuman. Kung susuriing mabuti si Harlow, gusto niyang nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kalagayan niya, at mukha talagang hinahangad at hinahanap ang katotohanan. Palagi niyang sinasabi ang mga bagay tulad ng, “May masama akong pagkatao, mapanlinlang ako, mapaminsala ako.” Kung titingnan, parang kilala niya talaga ang sarili niya, pero hindi niya isinagawa ang katotohanan o wala siyang anumang pagpasok nang maharap sa mga kaganapan. Hindi man lang niya nilutas ang sariling tiwaling disposisyon. Dalawang taon ang nakararaan, sinuri siya ng iba na mapaghinala sa mga tao at nakatuon sa reputasyon at katayuan, pero wala pa rin siyang anumang pinagbago. Malinaw na karaniwang nagsasalita lang siya tungkol sa doktrina. Nagbibigay ito sa mga tao ng isang huwad na impresyon, at niloloko niya ang mga tao. Hindi talaga tumutugma ang kaalaman na sinasabi niya at kung ano ang aktuwal na isinasabuhay niya.

Kalaunan, nabasa ko ang pagbabahaginan mula sa Diyos tungkol sa kung aling mga tao ang tunay na mga kapatid, at alin ang hindi, at nagkamit ako ng kaunting pagkakilala kay Harlow. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan ang kabilang sa sambahayan ng Diyos; sila lamang ang tunay na mga kapatid. Iniisip mo ba na lahat ng madalas na dumadalo sa pagtitipon sa sambahayan ng Diyos ay mga kapatid? Hindi masasabing ganoon nga. Anong mga tao ang hindi mga kapatid? (Ang mga tutol sa katotohanan, mga hindi tumatanggap sa katotohanan.) Ang mga hindi tumatanggap sa katotohanan at tutol dito ay pawang masasamang tao. Lahat sila ay walang konsensiya o katwiran. Walang isa man sa kanila ang inililigtas ng Diyos. Walang pagkatao ang mga taong ito, hindi nila inaasikaso ang kanilang wastong gawain at nagwawala sila na gumagawa ng masasamang bagay. Nabubuhay sila ayon sa mga satanikong pilosopiya at gumagamit ng mga tusong pagmamaniobra at ginagamit, inuuto, at dinadaya ang iba. Hindi nila tinatanggap ni katiting na katotohanan, at pinasok nila ang sambahayan ng Diyos para lamang magtamo ng mga pagpapala. Bakit natin sila tinatawag na mga hindi mananampalataya? Dahil tutol sila sa katotohanan, at hindi nila tinatanggap ito. Sa sandaling pinagbabahaginan ang katotohanan, nawawalan sila ng interes, tutol sila rito, hindi nila kayang tiisin na mapakinggan ang tungkol dito, at nararamdaman nila na nakakabagot ito at hindi sila mapakali sa pagkakaupo. Malinaw na mga hindi sila mga mananampalataya at walang pananampalataya. Hindi mo sila dapat ituring bilang mga kapatid. … Kung gayon, paano sila nabubuhay? Walang duda, nabubuhay sila nang ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, sila ay laging mapanlinlang at tuso, wala silang buhay ng normal na pagkatao. Hindi sila kailanman nananalangin sa Diyos o naghahanap ng katotohanan, bagkus ay hinaharap nila ang lahat ng bagay gamit ang mga panlilinlang, taktika, at pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo—na nagreresulta sa isang nakapapagod at masakit na pag-iral. Nakikisalamuha sila sa mga kapatid gaya ng pakikisalamuha nila sa mga walang pananampalataya, sinusunod nila ang mga satanikong pilosopiya at nagsisinungaling at nandaraya sila. Mahilig silang magsimula ng mga argumento at makipagtalo sa maliliit na bagay. Anumang grupo ang kanilang kinabibilangan, lagi nilang tinitingnan kung sino ang katugma nino, at kung sino ang kaalyado nino. Kapag nagsasalita sila, pinagmamasdan nilang maigi ang reaksiyon ng iba, lagi silang nakabantay, sinusubukang huwag mapasama ang loob ng sinuman. Lagi nilang sinusunod ang mga pilosopiyang ito para sa mga makamundong pakikitungo upang harapin ang lahat ng bagay sa kanilang paligid at ang kanilang mga pakikipag-ugnayan sa iba. Iyon ang dahilan kung bakit nagiging nakapapagod ang kanilang buhay. Bagama’t mukhang aktibo sila sa ibang tao, sa realidad, sila lamang ang nakakaalam sa kanilang mga paghihirap, at kung pagmamasdan mong maigi ang kanilang mga buhay, madarama mong ito ay nakapapagod. Para sa usaping may kinalaman sa kasikatan, kapakinabangan, o karangalan, iginigiit nilang linawin kung sino ang tama o mali, kung sino ang nakalalamang o nakabababa, at kailangan nilang makipagtalo para patunayan ang isang punto. Ayaw itong marinig ng iba. Sinasabi ng mga tao, ‘Puwede mo bang gawing simple ang iyong mga sinasabi? Puwede bang maging diretsahan ka? Bakit kailangan mong maging mababaw?’ Masyadong komplikado at magulo ang kanilang mga iniisip, at nabubuhay sila sa gayong nakapapagod na buhay nang hindi napagtatanto ang mga nakatagong problema. Bakit hindi nila kayang hanapin ang katotohanan at maging tapat? Sapagkat tutol sila sa katotohanan at ayaw nilang maging tapat. Kung gayon, ano ang inaasahan nila sa buhay? (Ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at mga kaparaanan ng tao.) Ang pagkilos ayon sa kaparaanan ng tao ay madalas na humahantong sa mga resulta kung saan ang isang tao ay nagiging katawa-tawa o nalalantad ang pangit na bahagi ng kanyang pagkatao. Kaya naman, sa mas masusing pagsusuri, ang kanilang mga kilos, ang mga bagay na buong araw nilang ginagawa—lahat ay may kaugnayan sa sarili nilang dangal, kasikatan, pakinabang, at banidad. Na para bang nabubuhay sila sa isang sapot, kailangan nilang mangatwiran o magdahilan para sa lahat ng bagay, at lagi silang nagsasalita para sa sarili nilang kapakanan. Komplikado ang kanilang pag-iisip, nagsasalita sila ng napakaraming kalokohan, napakagulo ng kanilang mga salita. Lagi silang nakikipagtalo sa kung ano ang tama at mali, wala itong katapusan. Kung hindi nila sinusubukang magkamit ng karangalan, nakikipagkumpitensya sila para sa reputasyon at katayuan, at walang sandali na hindi sila nabubuhay para sa mga bagay na ito. At ano ang kahihinatnan nito sa huli? Maaaring nagkamit sila ng karangalan, pero yamot at sawa na ang lahat sa kanila. Nahalata na sila ng mga tao at napagtanto na ng mga ito na wala silang katotohanang realidad, na hindi sila isang taong taos-pusong nananalig sa Diyos. Kapag nagsasabi ang mga lider at manggagawa o ang ibang kapatid ng ilang salita para pungusan sila, matigas silang tumatangging tumanggap, pilit nilang sinusubukang mangatwiran o magdahilan, at sinusubukan nilang ipasa ang sisi. Sa mga pagtitipon, ipinagtatanggol nila ang kanilang sarili, nagsisimula sila ng mga argumento, at nag-uudyok ng kaguluhan sa mga hinirang ng Diyos. Sa kanilang puso, iniisip nilang, ‘Wala ba talagang lugar kung saan ko maipaglalaban ang aking punto?’ Anong uri ng tao ito? Ito ba ay isang taong nagmamahal sa katotohanan? Ito ba ay isang taong naniniwala sa Diyos? Kapag naririnig nila ang sinuman na nagsasabi ng isang bagay na hindi naaayon sa kanilang mga layunin, lagi nilang gustong makipagtalo at humingi ng paliwanag; naiipit sila sa kung sino ang tama at kung sino ang mali, hindi nila hinahanap ang katotohanan at hindi ito tinatrato nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kahit gaano pa kasimple ang isang bagay, kailangan nila itong gawing napakakumplikado—gulo lang ang hanap nila, dapat lang sa kanila na mapagod nang husto!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inihahayag ng mga salita ng Diyos na mahilig pagtalunan ng ilang tao kung ano ang tama at mali. Hindi nila tinatanggap ang katotohanan; bagkus, tutol sila rito. Hindi nila hinahanap ang katotohanan sa harap ng mga bagay-bagay, ni hindi nila pinagninilayan o kinikilala ang kanilang sarili. Palagi nilang ipinagtatanggol at pinangangatwiranan ang kanilang sarili alang-alang sa kanilang reputasyon at katayuan. Ang gayong klase ng tao ay may kumplikadong pag-iisip at mapanlinlang na kalikasan. Hindi lang iyon nakakapagod para sa kanila, kundi nagdudulot din sila sa iba ng pasakit at pagkamuhi. Hindi tunay na kapatid ang ganoong klase ng tao. Naisip kong muli si Harlow. Kapag may di-sinasadyang pahayag ang isang tao na nakaapekto sa pagpapahalaga niya sa sarili at nakasakit sa kanya, naghihinala siya na hindi siya gusto nito at nagkakaroon ng pagkiling laban dito. Tapos nagkukunwari siyang nagtatapat para pangatwiranan at ipagtanggol ang kanyang sarili, o nagsasabi siya tungkol sa pagkakilala sa kanyang sarili bilang paraan para mabanggit ang mga problema ng taong iyon. Parati siyang nakikipagbangayan tungkol sa kung ano ang tama at mali. Halimbawa, nang binigyan siya ng lider ng pangkat ng ilang mungkahi tungkol sa trabaho, naghinala siya na hindi siya gusto ng lider ng pangkat at nawalan siya ng pasensya. Pagkatapos, sa isang pagtitipon, sa pamamagitan ng “pagtatapat” ay ipinakalat niya na minamaliit siya ng lider ng pangkat, para makisimpatiya ang lahat sa kanya at magkaroon ng di-magandang opinyon tungkol sa lider ng pangkat. Karaniwang nag-iingat ang mga tao sa paligid niya sa mga pakikipag-ugnayan nila sa kanya, binabantayan ang ekspresyon ng kanyang mukha, isinasaalang-alang ang kanyang pagpapahalaga sa sarili, natatakot na ang isang maling salita ay makaapekto sa kalagayan niya. Talagang mahirap makipag-ugnayan sa kanya, at hindi malaya ang pakiramdam. Bukod dito, ang katunayan na palagi siyang madaling nagiging negatibo at nag-iisip ng kung ano-ano ay lubhang nakaapekto sa pagsulong ng gawain. Akala ko noon ay sensitibo lang siya at marupok, na may tendensiya lang siyang magalit at magtampo kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Inakala kong ito ay isang depekto sa normal na pagkatao, at wala itong anumang idudulot na totoong panggugulo o paggambala sa mga kapatid o sa gawain ng iglesia. Pero nang ikumpara ito sa mga katunayan, nakita ko na talagang nagulo niya ang kalagayan ng mga kapatid nang hindi sinasadya, pati na rin ang buhay ng iglesia. Naapektuhan din niya ang normal na pag-usad ng gawain ng iglesia. Batay sa kanyang palagiang pag-uugali, hindi niya talaga tinanggap ang katotohanan, at talagang mapanlinlang siya. Naging panggulo siya sa mga kapatid at hindi talaga gumanap ng positibong papel—siya ay isang hindi mananampalataya. Sa huli, nalaman ng lider ang kanyang pangkalahatang pag-uugali, tinanggal ang kanyang tungkulin, at inihiwalay siya para magnilay-nilay.

Pagkatapos niyon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ako ng higit pang pagkilatis sa disposisyong nakatago sa likod ng mga salita ni Harlow. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang panlilinlang ay kadalasang nakikita sa panlabas: May isang taong nagpapaligoy-ligoy o gumagamit ng mabulaklak na pananalita, at walang nakakabasa ng kanyang iniisip. Iyon ay panlilinlang. Ano ang pangunahing katangian ng kabuktutan? Ito ay na sadyang masarap sa pandinig ang kanyang mga salita, at ang lahat ng bagay ay parang tama sa panlabas. Mukhang walang anumang problema, at mukhang maayos ang mga bagay sa bawat anggulo. Kapag may ginagawa siya, hindi mo siya makikitang gumagamit ng anumang partikular na diskarte, at sa panlabas, walang anumang tanda ng mga kahinaan o kapintasan, pero naisasakatuparan niya ang kanyang layon. Ginagawa niya ang mga bagay sa isang masyadong malihim na paraan. Ganito inililihis ng mga anticristo ang mga tao. Ang ganitong mga tao at bagay ang pinakamahirap kilatisin. May ilang tao na madalas na nagsasabi ng mga tamang bagay, gumagamit ng mga magagandang palusot, at gumagamit ng mga partikular na doktrina, kasabihan, o kilos na umaayon sa pagkagiliw ng tao upang manlinlang ng mga tao. Nagkukunwari silang gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa upang maisakatuparan ang kanilang lihim na pakay. Ito ay kabuktutan, pero itinuturing ng karamihan ng mga tao ang mga pag-uugaling ito bilang mapanlinlang. Ang mga tao ay may medyo limitadong pang-unawa at paghimay sa kabuktutan. Ang totoo, mas mahirap kilatisin ang kabuktutan kaysa sa panlilinlang dahil mas palihim ito, at mas sopistikado ang mga paraan at kilos nito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililihis, Inaakit, Pinagbabantaan, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Inilalantad ng mga salita ng Diyos na yaong may masasamang disposisyon ay magsasabi ng mga bagay na kung pakikinggan ay maganda at tama, na kaaya-aya sa pandinig, ngunit sa likod ng mga bagay na ito ay may mga lihim na motibo na hindi madaling makikilatis. Hindi ko maiwasang isipin ang ugali ni Harlow. Karaniwang gusto niyang nakikipag-usap sa mga tao tungkol sa kalagayan niya para makita nilang tutok na tutok siya sa buhay pagpasok, at na hinanap at hinangad niya ang katotohanan. Pero sa katunayan, sadya niyang nililikha ang huwad na espirituwal na panlabas na ito para malinlang ang iba na pakitunguhan siya nang maganda at tingalain siya. Umakto siya na parang nagsasalita tungkol sa kalagayan niya, pero sa katunayan ay nagmamaktol siya, gusto niyang aluin siya, ibinubulalas niya ang kawalan niya ng kasiyahan, at sinusubukang makakuha ng simpatya. Nakain pa niya ang oras ng mga taong gumagawa ng kanilang tungkulin. Pero noong panahong iyon, hindi ko makilatis ang mga motibo niya o matukoy kung anong klaseng tao talaga siya. Palagi lang akong magiliw na nakikipagbahaginan sa kanya, tinutulungan, at sinusuportahan siya. Masigasig ko siyang tinutulungan sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan sa buhay, at inaalala ko muna siya para sa anumang kapaki-pakinabang. Ngayon sa wakas ay nakita ko mula sa paglalantad ng mga salita ng Diyos na siya ay may masamang kalikasan, na siya ay nanlilihis kapwa sa salita at sa gawa, at na niloloko niya at nililinlang ang lahat.

Pinagnilayan ko ang sarili ko pagkatapos niyon. Bakit wala akong anumang pagkakilala kay Harlow? Nang magninilay-nilay ako, nakita ko ang isang maling pananaw na mayroon ako. Itinuring ko bilang pagiging simple at bukas ang kakayahan niyang talakayin ang kalagayan niya, bilang pagsasagawa sa katotohanan, at hindi nagbigay-pansin sa pagkilatis sa mga salita niya. Sa pamamagitan lamang ng mga salita ng Diyos ko nakita kung ano talaga ang pagiging simple at bukas. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang pagkamatapat ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga katunayan, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang sumipsip sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao. … Kung puno ng mga palusot at mga walang halagang pangangatwiran ang mga salita mo, sinasabi Kong isa kang taong ayaw isagawa ang katotohanan. Kung marami kang sekretong atubili kang ibahagi, kung ayaw na ayaw mong ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isa kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaahon mula sa kadiliman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na ang pagiging simple at bukas, unang-una, ay pag-amin sa pakikipagbahaginan kapag nahaharap ka sa mga problema o paghihirap, o nagbubunyag ng mga katiwalian, hindi nagbabalatkayo o nagtatago ng mga katunayan. Ang pagtatapat, higit sa lahat, ay para hanapin ang katotohanan upang mabilis na malutas ang iyong mga problema at paghihirap. Sa pamamagitan ng pagtatapat at pagpapakita sa iba ng diwa ng kanilang katiwalian, nagagawa ng mga kapatid na buksan ang kanilang mga puso sa isa’t isa. Ang pagtatapat nang ganito ay nakapagpapatibay at kapaki-pakinabang. Ang pagiging simple at bukas ay pangunahing nakasalalay sa mga intensiyon at motibo ng isang tao, at sa mga resultang nakamit. Kung nagsasalita siya tungkol sa mga maling palagay, maliliit na usapin sa bahay at tsismis, nang walang anumang totoong pagninilay sa sarili o pagkaunawa, hindi siya nagiging totoong simple at matapat. Naghihimutok lang siya tungkol sa kung ano ang hindi niya gusto at pinupuna ang iba sa kanilang mga problema. Walang magandang aral o tulong para sa mga tao ang ganoong klase ng pagtatapat. Kumikilos pa nga ang ilang tao na tila bukas sila para magkunwaring matatapat na tao na tumatanggap ng katotohanan, upang tingalain sila ng iba. Sa pamamagitan ng pagtatapat nang ganoon, itinataas nila ang kanilang sarili at nagpapakitang-gilas sa patagong paraan—inililigaw nila ang mga tao. Kapag nagtatapat si Harlow tungkol sa kanyang kaalaman sa sarili, madalas na tungkol sa kanyang mga walang-batayang hinala ang ipinagtatapat niya, gayundin ang mga iniisip at ideya na ibinubunyag niya. Hindi niya kailanman tinalakay ang tungkol sa mga tiwaling disposisyon niya, ang kanyang mga nakatagong intensiyon, o mga motibo. Hindi siya nagtapat para hanapin ang katotohanan o lutasin ang kanyang katiwalian, kundi para ilabas ang kanyang mga hinaing, upang kaawaan siya ng mga tao, aluin siya, at makisimpatiya sa kanya. Ginagamit niya rin ito para pangatwiranan at ipagtanggol ang kanyang sarili, para hindi magkamali sa pagkaintindi sa kanya. Sa ganoong paraan napoprotektahan niya ang kanyang reputasyon sa mata ng iba. Ang kanyang pagiging bukas ay hindi nalutas ang kanyang tiwaling disposisyon, at hindi ito nagdulot ng anumang pakinabang o magandang aral sa mga kapatid. Kaya hindi siya nagiging simple at bukas—nakikipaglaro siya at nanlilinlang. Nagkamit ako ng kalinawan sa loob nang mapagtanto ko iyon. Malinaw kong nakita na si Harlow ay hindi isang taong naghanap sa katotohanan, at na siya ay hindi simple at bukas. Sa katunayan, siya ay mapanlinlang at masama.

Pinagnilayan ko ang sarili ko pagkatapos niyon. Nakasalamuha ko si Harlow sa loob ng halos isang taon at kadalasan may kaunting kamalayan sa kanyang mga karaniwang isyu. Kaya bakit hanggang ngayon ay hindi ako nagkaroon ng pagkakilala sa kanya? Sa pagninilay-nilay rito, napagtanto kong hindi ko sinusuri ang mga tao at pangyayari ayon sa mga salita ng Diyos. Sa halip, tinitingnan ko ang hitsura ng mga tao sa pamamagitan ng sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon. Itinuring ko ang kanyang paimbabaw na pagtatapat at ang kagustuhan niyang ibahagi ang kanyang kalagayan sa iba bilang kanyang pagmamahal at paghahanap sa katotohanan. Hindi ko sinuri ang kanyang mga motibo sa mga bagay-bagay, o kung ano ang talagang natamo. Hindi ko rin sinuri ang palagiang mga pamamaraan at pagharap na ginamit niya sa salita at gawa, at hindi ko kinilatis ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos. Kaya hindi ko malinaw na naunawaan ang diwa niya o nagkamit ng pagkilatis sa kanya at itinuring ko pa siyang parang isang kapatid, lagi siyang iniintindi, tinutulungan, at sinusuportahan nang may pagmamahal. Napakahangal ko! Sa pamamagitan ng karanasang ito, naunawaan ko na ang pagkilatis kung ang isang tao ay nagmamahal at naghahangad sa katotohanan ay hindi tungkol sa kung gaano nila kagustong maghanap ng mga tao para makipagbahaginan o kung gaano sila kahusay magtalakay tungkol sa kaalaman sa sarili. Sa halip, ito ay tungkol sa kung kaya nilang hanapin ang katotohanan at isagawa ang mga salita ng Diyos kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, at kung may tunay silang pagpasok at pagbabago kalaunan. Napagtanto ko rin kung gaano kahalaga na makilala ang diwa ng isang tao batay sa mga salita ng Diyos. Maliligaw ka kung hindi mo kayang matukoy ang lahat ng uri ng tao. Pikit-mata mong mamahalin ang mga tao, at tutulungan at susuportahan ang mga maling tao bilang mga kapatid. Sa huli ay makakagambala at makakagulo ito sa gawain ng iglesia. Ang makita lamang ang mga tao at mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ang tumpak—ito ang tanging paraan para makilatis ang lahat ng uri ng tao, at ang tanging paraan para malaman kung paano tamang tratuhin ang mga tao at makipag-ugnayan sa iba. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  41. Inihayag Ako ng Pagkakalipat ng Tungkulin

Sumunod:  43. Mga Sanga-sangang Daan

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger