46. Kung Paano Sinalubong ng Matatalinong Dalaga ang Panginoon

Ni Anick, France

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipapahayag ang katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makatatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao lang ang kalipikadong makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro! Patahimikin ang iyong sarili at basahing mabuti ang mga salitang ito. Hangga’t mayroon kang pusong nananabik ka sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos para mauunawaan mo ang Kanyang mga layunin at Kanyang mga salita. Bitiwan na ninyo ang mga argumento ninyo ng pagiging ‘imposible’! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga pag-iisip ng Diyos ay higit pa sa mga pag-iisip ng tao, at ginagampanan ng Diyos ang gawain Niya nang lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroong katotohanang mahahanap dito; habang mas wala sa hinagap ng mga kuru-kuro ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan). Sa tuwing nagpapakita ang Diyos para gumawa sa gitna ng sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang Kanyang mga salita, at tanging ang mga bumibitiw sa mga kuru-kuro nila at nagagawang tanggapin ang katotohanan ang makamamalas sa pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, ang maingat na pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang susi sa pagsalubong sa Panginoon, at saka kilalanin at salubungin ang Panginoon ayon doon. Yaong mga nakakilala sa tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay dinadala sa harap ng trono ng Diyos at kasamang dumadalo sa piging ng Panginoon. Sila ang matatalinong dalaga, ang pinakapinagpalang mga tao. Sa dati kong pananampalataya sa Panginoon, kumapit lang ako sa mga literal na salita ng Bibliya at batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko, nanabik ako sa pagdating ng Panginoon sakay ng ulap at dalhin ako sa kaharian ng langit. Nang marinig kong nagbalik na ang Panginoon, hindi ako naghanap o nagsiyasat nito o nakinig sa tinig ng Diyos. Muntik na akong maging hangal na dalaga, at mawalan ng pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Salamat sa patnubay ng Diyos, narinig ko ang tinig ng Diyos at nakadalo sa piging ng kasal ng Kordero.

Isang araw noong Abril 2018, pinadalhan ng isang kapatid sa Panginoon ang kaibigan kong si Mireille ng pelikulang may pamagat na Saan ang Aking Tahanan, sinasabing maganda ito at talagang makatotohanan. Pumunta sa amin si Mireille para sabay namin itong panoorin. Nang dumanas ng sakit at kawalan ng pag-asa ang pangunahing tauhan doon, nakita ko na binuksan niya ang isang makapal na libro at nakahanap ulit ng pag-asa sa mga pahina nito. Pero hindi Bibliya ang binasa niya, at bago sa amin ang lahat ng nilalaman nito. Nagulat kami pero pinanood pa rin namin ito. Kalaunan, nang malagay sa alanganin ang pangunahing tauhan, dumating ang kanyang mga kapatid sa iglesia para tulungan siya. Sabay-sabay nilang binasa ang librong iyon, pinalakas ang loob ng bawat isa at nagtulungan. Napaiyak ako habang pinapanood ko ang kuwento. Ang mga tao sa pelikula ay iba sa lahat ng mga makasariling tao sa madilim nating lipunan, at naramdaman ko na parang espesyal ang binasa nila. Talagang gusto naming malaman kung ano ang nasa librong iyon kaya binasa namin ang impormasyon sa ibaba ng video. Ngunit nang makita ko na sinabi doon na nagpakita na ang Panginoong Jesus, hindi talaga ako makapaniwala at naisip kong, “Napakaimposible nito! Sinasabi sa Mga Gawa 1:11: ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit.’ Umalis ang Panginoong Jesus sakay ng ulap at kapag bumalik Siya sa mga huling araw, dapat Siyang pumarito muli sakay ng ulap nang may dakilang kaluwalhatian. Ngayon, hindi pa ito nangyari, pero sinasabi rito na nagpakita na ang Panginoong Jesus. Iba ito sa sinasabi ng Bibliya.” Sinabi ko kay Mireille ang iniisip ko at sumang-ayon siya sa akin. Hindi na kami nagsaliksik pa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos niyon, sa halip ay pinanood na lang nang ilang beses ang pelikulang iyon.

Sa loob ng ilang panahon, palaging sumasagi sa isip ko ang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at napag-usapan naming muli ito ni Mireille pagkaraan ng ilang buwan. Pinag-usapan namin kung paanong nagbigay sa kanila ng gayong pananalig at pag-asa ang mga salitang iyon na binasa nila sa pelikula, at kung paanong hindi ito bagay na masasabi lang ng kung sino. Sa buong mundo ng relihiyon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos lang ang nagpapatotoo sa pagbabalik ng Panginoon, kaya puwedeng hindi ganoon kasimple ang mga bagay-bagay. Pero naalala ko ang Bibliya na malinaw na nagsasabing darating ang Panginoon sakay ng ulap, sinabi rin ito ng mga pastor at elder. Kaya bakit sinasabi ng iglesiang ito na nagbalik na ang Panginoon? Tungkol saan ba talaga ang lahat ng ito? Dapat ba kaming maghanap at siyasatin ito o hindi? Sobra akong naguluhan, kaya nagdasal kami ni Mireille, hinihiling sa Panginoon na patnubayan kami, na gawin ang tamang pagpili. Kalaunan, naisip ko, “Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay at may kapangyarihang gawin anuman ang loobin Niya. Paano natin lilimitahan ang Kanyang gawain sa ating pag-iisip at mga kuru-kuro? Kung ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoong Jesus, hindi ba’t buong buhay kong pagsisisihan kung hindi ako naghanap o nagsiyasat at nasayang ko ang pagkakataong salubungin ang Panginoon?” Kaya, nagdesisyon kaming siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Nakipag-ugnayan kami kay Sister Anna gamit ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinakilala niya kami kay Brother Pierre, at sama-sama kaming nagtipon para talakayin ang paksa ng pagbabalik ng Panginoon.

Sa pagtitipong iyon, sinabi ko sa kanila ang pagkalito ko, sinasabing, “Ayon sa Mga Gawa 1:11, darating ang Panginoon sa parehong paraan kung paano Siya umalis. Dahil umalis Siyang sakay ng puting ulap, tiyak na darating din Siyang sakay ng puting ulap sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Ito ang laging sinasabi ng pastor at mga elder sa simbahan at ito rin ang pinaniniwalaan namin. Hindi pa namin nakikita ang Panginoong dumarating sakay ng puting ulap, kaya paano ninyo nasabing nagbalik na nga Siya?” Sinabi ni Brother Pierre, “Tiyak na matutupad ang propesiya ng pagparito ng Panginoon sakay ng mga ulap, pero hindi natin puwedeng limitahan ang paraan ng pagbabalik ng Panginoon sa pagtingin lang sa isang propesiyang iyon. Hindi lamang mga propesiya tungkol sa pagdating ng Panginoon sakay ng ulap ang matatagpuan sa Bibliya, kundi pati na rin ang ilan tungkol sa Kanyang lihim na pagdating. Halimbawa, nariyan ang Pahayag 3:3: ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo.’ Nariyan ang Pahayag 16:15: ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.’ Nariyan ang Mateo 25:6: ‘At pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya.”’ At nariyan din ang Marcos 13:32, na nagsasabing: ‘Ngunit tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.’ Binabanggit ng mga propesiyang ito ang pagbabalik ng Panginoon na ‘gaya ng magnanakaw’ at ‘tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam,’ na nangangahulugang tahimik na paparito ang Panginoon, palihim, na wala ni isa mang nakakaalam nito, at na wala ring makakakilala sa Kanya kapag nakita nila Siya. Ang mga propesiyang ito ay nangangahulugang palihim na darating ang Panginoon. Maraming propesiya sa Bibliya ang nagbabanggit sa pagdating ng Panginoon bilang ang Anak ng tao, tulad ng sa Lucas 12:40: ‘Kayo rin naman ay magsipaghanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating,’ at sa 17:24–25: ‘Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ ‘Ang Anak ng tao’ rito ay nangangahulugang ipinanganak ng tao, na may normal na pagkatao. Ang Espiritu ng Diyos o espirituwal na katawan ay hindi matatawag na ‘ang Anak ng tao.’ Ang Diyos na si Jehova ay Espiritu, kaya’t hindi Siya matatawag na ‘ang Anak ng tao.’ Ang Panginoong Jesus ay tinatawag na ‘ang Anak ng tao’ at ‘Cristo’ dahil Siya ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Kaya ang pagdating ng Anak ng tao na binanggit ng Panginoon ay nangangahulugang magkakatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao sa pagbabalik Niya sa mga huling araw. Sa partikular, sinasabi ng isang talata, ‘Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito.’ Dagdag katibayan ito na darating ang Panginoon sa katawang-tao sa pagbabalik Niya. Kung hindi dumating ang Panginoon sa katawang-tao, kundi nagpakita sa Kanyang anyong espiritu, matatakot ang lahat na wala nang mangangahas na lumaban o kumondena sa Kanya. Hindi na Niya kakailanganing maghirap o tanggihan ng henerasyong ito. Kaya ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang Anak ng tao at pagdating nang palihim ay isa pang paraan ng pagdating ng Panginoon sa mga huling araw.” Sa puntong ito, naisip ko, “Kamangha-mangha ito, talagang lampas ito sa naisip ko! Ngunit sinuportahan ng mga ebidensiya ang pakikipagbahaginan ni Brother Pierre, at lahat ng sinabi niya ay ganap na tugma sa Bibliya at sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, na lubos na nakakakumbinsi.” Maraming beses ko nang nabasa ang mga talatang ito pero kailanman ay hindi ko napagtantong ang mga ito ay tungkol sa palihim na pagkakatawang-tao ng Panginoon. Ang mga dati kong ideya ay ganap na nakontra. Tumango rin si Mireille habang nag-iisip, at sinabing, “Oo nga, umaayon sa mga salita ng Panginoon ang sinasabi mo.” Pero nalilito pa rin ako tungkol sa isang bagay, kaya tinanong ko siya, “Kung ang Panginoon ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao at palihim na dumating, paano matutupad ang propesiyang Siya ay darating sakay ng ulap? Magkasalungat iyon, hindi ba?” Sumagot si Brother Pierre, sinasabing, “Walang kontradiksyon sa dalawang uri ng propesiyang ito, dahil ang mga salita ng Panginoon ay hindi kailanman magiging walang-saysay. Laging matutupad ang mga propesiya Niya. Ang kaibahan lamang ay natutupad lang ang mga ito nang unti-unti alinsunod sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Sa pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoon, nagkakatawang-tao muna Siya bilang ang Anak ng tao, palihim na nagpapakita para gumawa sa gitna ng sangkatauhan, at pagkatapos darating Siyang sakay ng ulap, at lantarang magpapakita.” Nalilito akong nagtanong, “Una, palihim Siyang darating, tapos lantarang magpapakita? Puwede mo bang mas ipaliwanag ito sa akin, brother?”

Nagpatuloy si Brother Pierre, sinasabing, “Nagkatawang-tao muna ang Diyos at dumating nang palihim sa mga huling araw para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos at bumuo ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Tapos, pakakawalan ng Diyos ang mga sakuna, at gagantimpalaan Niya ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Pagkatapos ng mga sakuna, darating ang Diyos sakay ng ulap at lantarang magpapakita sa lahat ng mga bansa at tao. Habang ang Diyos ay lihim na gumagawa sa katawang-tao, lahat ng tunay na mananampalatayang nananabik sa Kanyang pagpapakita ay nakikinig sa Kanyang tinig at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Lahat ng ito ay ang matatalinong dalaga; kung sila ay nahatulan at nalinis ng mga salita ng Diyos at ginawang mga mananagumpay, makakaligtas sila sa mga sakuna. At sa mga hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, at lumalaban at kumokondena pa nga rito, kapag dumating ang Diyos sakay ng ulap at lantarang nagpakita, makikita nila na ang Makapangyarihang Diyos na nilalabanan at kinokondena nila ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, hahampasin nila ang mga dibdib nila, at tatangis at magngangalit ang mga ngipin nila. Ito ang tutupad sa mga propesiya ng pagdating ng Panginoon sakay ng ulap na nagsasabing: ‘At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawat mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7).” At pagkatapos ay binasa sa amin ni Brother Pierre ang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Maraming tao ang maaaring walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. … Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagkondena. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang nagpapasakop sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Pagkatapos niyon, naintindihan ko na. Lumalabas na kapag bumalik ang Panginoon, lihim muna Siyang darating at bubuo ng isang grupo ng mga mananagumpay, pagkatapos ay magpapaulan Siya ng malalaking sakuna, gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang buktot. Saka Siya darating sakay ng ulap ng may dakilang kaluwalhatian at lantarang magpapakita sa lahat ng mga bansa at tao. Walang pagsalungat sa pagitan ng dalawang uri ng propesiyang ito. Napakabulag ko talaga! Malaking bagay ang pagdating ng Panginoon at sumunod ako sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko, kumapit ako sa mga talata tungkol sa pagdating ng Panginoon sa ulap, at hindi nakinig sa tinig Niya. Muntik na akong maging isang hangal na dalaga at mapalagpas ang pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Muntik na ako roon!

Kaya tinanong ko si Brother Pierre, “Nagpapatotoo ka na nagbalik ang Panginoon sa anyo ng katawang-tao, pero ano itong ‘pagkakatawang-tao’?” Pagkatapos, binasa niya ang ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang ‘pagkakatawang-tao’ ay ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao; gumagawa ang Diyos sa gitna ng nilikhang sangkatauhan sa larawan ng katawang-tao. Kaya, dahil Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos, kailangan muna Siyang maging katawang-tao, katawang-taong may normal na pagkatao; ito ang pinakapangunahing kinakailangan. Sa katunayan, ang pahiwatig ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay buhay at gumagawa sa katawang-tao, na ang Diyos sa Kanyang pinakadiwa ay nagkakatawang-tao, nagiging isang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). “Ang Cristong may normal na pagkatao ay isang katawang-tao kung saan naisasakatawan ang Espiritu, at nagtataglay ng normal na pagkatao, normal na diwa, at pag-iisip ng tao. Ang ‘pagsasakatawan’ ay nangangahulugan na ang Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging tao; para mas malinaw, ito ay kapag nanahan ang Diyos Mismo sa isang katawang may normal na pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinapahayag Niya ang Kanyang banal na gawain—ito ang ibig sabihin ng pagsasakatawan, o magkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). Nagpatuloy siya, sinasabing, “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Espiritu ng Diyos na dinamitan ng laman, na Diyos sa langit na naging Anak ng tao para gumawa at mangusap sa gitna ng sangkatauhan upang iligtas tayo. Ang Diyos na nagkatawang tao ay nagpapakita na ganap na ordinaryo, hindi makapangyarihan o higit sa karaniwan. May normal Siyang pagkatao, nakikisalamuha Siya ng aktuwal sa mga tao, at namumuhay kasama natin. Walang makapagsasabing Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Pero si Cristo ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos at nagtataglay ng ganap na pagka-Diyos. Maipapahayag Niya ang katotohanan, gawin ang sariling gawain ng Diyos, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Binibigyan Niya ang tao ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, at kaya Niyang tuluyang linisin at iligtas ang tiwaling sangkatauhan. Walang tao ang may ganitong katangian o makagagawa ng ganitong mga bagay. Tulad lang ng nagpakita ang Panginoong Jesus bilang isang ordinaryong tao, pero sa diwa, Espiritu Siya ng Diyos na naging tao. Nagawa Niyang ipahayag ang katotohanan anumang oras para diligan at tustusan ang mga tao. Ibinigay Niya sa mga tao ang daan ng pagsisisi. Nagawa Niya ang sariling gawain ng Diyos at natubos ang mga tao mula sa kasalanan. Kaya naman, ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi katulad ng sinumang nilikhang tao, at ang diwa Niya ay Diyos Mismo.” Sa puntong ito, ganap kong naintindihan na ang pagkakatawang-tao ay ang Diyos na naging Anak ng tao na dumating sa sanlibutan para mangusap at gumawa. Ang katawang-taong ito ay nagtataglay ng normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Bagama’t mukha Siyang ordinaryo, naipapahayag Niya ang katotohanan at naisasagawa ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ito si Cristo! Lagi kong nababanggit ang pangalang “Jesucristo” pero hindi ko talaga alam kung ano ang Cristo. Napakaignorante ko!

Pagkatapos, binasahan kami ni Brother Pierre ng isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa gamit ang pamamaraan ng Espiritu at pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi Siya maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa perspektiba ng Espiritu, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagkat walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang nakalapit sa ulap ni Jehova. Personal Niyang magagawa ang salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan lamang ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na makita at marinig ng tao ang Kanyang salita, at higit pa rito, makamit ang Kanyang salita, at nang sa gayon ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinuman na may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay babagsak o di kaya ay ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makalapit sa Diyos. Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan, upang tubusin siya sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, na ang ibig sabihin ay iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling satanikong disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas ang mga tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad na ang mga kasalanan nila ay maaaring iwaksi ang kanilang mga kasalanan at magawang lubos na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makawala sila sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Pagkatapos ay ibinahagi niya ang pagbabahaginan na ito: “Bagama’t ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay nangangahulugang napatawad ang ating mga kasalanan, ang ating maka-satanas na kalikasan ay nanatili pa rin. Namumuhay pa rin tayo sa ating mga satanikong disposisyon gaya ng kayabangan at panlilinlang. Nagsisinungaling at nandaraya tayo para sa sariling mga interes natin, nakikipagkompetensiya sa iba para sa reputasyon at pakinabang at nagpapakana laban sa isa’t isa. Wala tayong magawa kundi ang magkasala at lumaban sa Diyos. Bagama’t mukha tayong nagsasakripisyo, gumugugol ng sarili natin, at nagdurusa, ang totoo ay nakikipagtawaran tayo sa Diyos, umaasang makukuha natin ang mga pagpapala ng kaharian bilang kapalit. Hindi talaga natin sinusunod ang kalooban ng Diyos. Ang Diyos ay banal, at hindi karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos ang marurumi at masasamang taong tulad natin. Nagkatawang-tao muli ang Diyos sa mga huling araw para ganap na iligtas ang sangkatauhan, palayain tayo mula sa kasalanan, at linisin tayo. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para tustusan at gabayan tayo, at inilalantad at hinahatulan Niya ang mga tiwali nating disposisyon at satanikong kalikasan. Ipinapakita rin Niya sa atin ang daan sa pagbabago ng ating mga disposisyon at sinasabihan tayo kung paano isabuhay ang normal na pagkatao at maging isang matapat na tao na nagbibigay-kasiyahan sa Kanya. Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, mas nakikilala at namumuhi tayo sa ating katiwalian at maka-satanas na kalikasan, at naghahangad tayong magsisi at mamuhay sa Kanyang mga salita. Unti-unti nating iwinawaksi ang ilang tiwaling disposisyon at nagsisimulang isabuhay ang kaunting wangis ng tao. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang makagagawa nito sa Kanyang gawain. Kung dumating ang Diyos para mangusap at gumawa sa Kanyang anyong Espiritu sa mga huling araw tulad ng Diyos na si Jehova, hindi Niya magagawang linisin at iligtas ang tao. Ito ay dahil hindi nakikita at nahahawakan ng tao ang Espiritu ng Diyos at hindi nila Siya maiintindihan kung direkta Siyang mangusap sa kanila. Higit pa rito, hindi makakalapit ang tiwaling sangkatauhan sa Espiritu ng Diyos, kundi mamamatay dahil sa kanilang pagiging marumi at masama. Sinasabi sa Lumang Tipan na nagpakita ang Diyos na si Jehova sa Bundok ng Sinai kasabay ng dagundong ng kulog. Nakita ng mga Israelita ang usok at kidlat sa bundok, at narinig nila ang kulog at ang tunog ng tambuli. Tumayo sila sa malayo at sinabi kay Moses, ‘Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: subalit huwag magsalita ang Diyos sa amin, baka kami ay mamatay’ (Exodo 20:19). Labis na nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan sa mga huling araw. Kung dumating ang Diyos para gumawa sa anyo ng Espiritu, walang makakaligtas. Lahat tayo ay mapapatay ng Diyos sa pagiging marumi at tiwali. Kaya pinili ng Diyos ang paraan na magiging pinakakapaki-pakinabang para maligtas tayo—Naging tao Siya, nagpapahayag ng katotohanan, naghahatol at naglilinis sa tiwaling sangkatauhan. Ito ang pinakadakilang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa tao!” Sa puntong ito, labis na naantig ang damdamin ko, at natutuwang sinabi ko, “Kailangan talaga natin ang Diyos na magkatawang-tao bilang Anak ng tao para gumawa sa mga huling araw. Ito ang pinakadakilang kaligtasan para sa mga tiwaling tao! Hindi ko alam dati ang mga paraan kung paano gumawa ang Diyos. Hindi ko pinakinggan ang Kanyang tinig, at hindi ko Siya makilala o masalubong ayon sa tinig Niya. Hangal lang akong naghintay na dumating ang Panginoon sakay ng ulap at dalhin tayo sa langit. Napakahangal ko talaga!”

Kalaunan, marami kaming nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nadiskubre namin kung ano ang matatalinong dalaga, ang mga hangal na dalaga, paano nagpapakita ang Diyos, at ang mga misteryo ng mga pangalan ng Diyos, ng Kanyang mga pagkakatawang-tao, at ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Naintindihan namin na gumagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, sa Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Tanging ang tatlong yugtong ito ng gawain ang lubos na makapagliligtas sa tao mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang Diyos na si Jehova, ang Panginoong Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ay lahat iisang Diyos. Nakumpirma namin ang Makapangyarihang Diyos bilang ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap namin Siya. Sa wakas, nasalubong na namin ang Panginoon! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan:  45. Ang Paglalantad sa mga Anticristo ay Responsabilidad Ko

Sumunod:  47. Mga Pagninilay-Nilay sa Pakikipagkompetensiya para sa Kasikatan

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger