64. Pagkamulat ng Isang Huwad na Lider
Noong 2019, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia, at nangako ako sa sarili ko na gagawin ko nang maayos ang aking tungkulin. Matapos masimulan ang aking bagong posisyon, naging abala ako araw-araw sa mga pagtitipon, sa paglutas ng mga paghihirap ng mga kapatid at mga problema sa kanilang tungkulin, at pagsubaybay sa pag-usad ng aming gawain. Ang lahat ng ito ay nagparamdam sa akin ng lubos na kasiyahan. Hindi nagtagal, dahil kinailangan kong humawak ng ilang pangkahalatang usapin, dumami nang husto ang aking gawain. Araw-araw akong gumagawa hanggang hatinggabi, at pakiramdam ko ay halos hindi pa rin ako makasabay. Naisip ko, “Ang pagiging responsable sa pangkalahatang gawain ay nagdudulot sa akin ng maraming alalahanin, at mas nakakapagod ito. Araw-araw ang aking isipan ay parang pinipihit na kuwerdas ng orasan. Hindi iyon kasindali ng pagkakaroon lamang ng pang-isahang tungkulin.” Kalaunan, nagpunta ako sa isang pagtitipon ng grupong pinangangasiwaan ni Sister Zhao Jing. Naisip ko, “Dati, noong ipareha ako kay Zhao Jing, napakaresponsable niya sa kanyang mga tungkulin, at aktibong hinanap ang katotohanan upang malutas ang anumang mga paghihirap na kanyang kinaharap. Siya ang nangangasiwa ng gawain sa grupong ito, kaya hindi ko kailangang mag-alala nang sobra.” Pagkatapos niyon, bihira na akong pumunta sa mga pagtitipon kasama ng grupo nila. Isang gabi, sumulat ang ilang mga kapatid upang ipagbigay-alam na ang gawain ng grupo ni Zhao Jing ay may ilang mga paglihis at problema, at hiniling nila sa akin na mabilis na lutasin ang mga problema. Nilayon kong maagap na maghanap ng salita ng Diyos at humanap ng solusyon, ngunit nang makita kong hindi malulutas ang mga problemang ito sa maikling panahon, naisip ko, “Gabi na, at pagod na pagod na ako. Hindi ko na ito magagawa ngayon. Isa pa, sumulat na ako ng liham kay Zhao Jing tungkol sa mga paglihis at problemang ito. Isa siyang responsableng tao, kaya sigurado ako na magkukusa na siyang makipagbahaginan at lumutas ng mga ito, at hindi ko na kailangang abalahin pa ang sarili ko tungkol rito. Kung ako mismo ang gagawa ng lahat, paano pa ako makagagawa ng iba pang bagay? Sa pagtitipon, magbabahagi na lang ako sa grupo ng tungkol doon.” Kalaunan, nang siyasatin ko iyon, nakita ko na nakipagbahaginan na si Zhao Jing sa grupo, at lahat ay nakapagmungkahi ng mga landas ng pagsasagawa patungkol sa mga problemang ito, na nagpatibay lalo sa aking tiwala na wala akong dapat ipag-alala sa pamamahala ni Zhao Jing. Pagkatapos niyon, hindi na ako nagtanong pa ng tungkol sa gawain ng grupo.
Nang maglaon, pumunta ako sa isa pang pagtitipon kasama ang grupo ni Zhao Jing. Nalaman ko na masyadong di-tuwiran ang pagbabahagi niya sa kanyang kalagayan, nagsasalita siya nang matagal nang hindi kailanman nagsasalita nang malinaw. Napaisip ako, “Masama ba ang kalagayan niya? Bakit masyado siyang magulo magsalita?” Pero naisip ko pagkatapos, “Baka kinakabahan lang siya dahil nandito ako. Magiging maayos siya kapag napakalma na niya nang kaunti ang sarili niya. May iba pa akong dapat gawin, kaya siguro dapat umalis na lang ako at hayaan siyang magpatuloy sa pagtitipon.” Kaya umalis ako nang hindi nakikipagbahaginan sa kanya. Kalaunan, nalaman kong hindi naging epektibo ang gawain ng grupo. Naisip ko, “May problema ba sa grupo?” Ngunit muli akong napaisip, “Nagbahaginan pa lang sila tungkol sa mga problema at mga paglihis sa kanilang tungkulin. Siguradong ang lahat ay bumabalik pa lang para maging komportable sa mga bagay-bagay, kaya normal lang na hindi pa gaanong mabunga ang gawain nila sa ngayon.” Dahil dito, hindi ko na iyon inisip pa. Kalaunan, iniulat sa akin ni Sister Wang Xinrui na nahuhumaling si Zhao Jing sa katayuan, hindi magawang makipagtulungan nang maayos sa iba, at na hindi siya angkop na maging lider ng grupo. Naisip ko, “Masyadong nakatutok si Zhao Jing sa katayuan, ngunit may pagpapahalaga siya sa pasanin sa kanyang tungkulin. Kung hindi niya kayang makipagtulungan nang maayos sa iba, marahil ay dahil nasa masamang kalagayan siya ngayon at kontrolado siya ng kanyang mga tiwaling disposisyon. Kailangan lang niya ng kaunting panahon para ayusin ang kanyang sarili.” Nang maisip ko iyon, sinabi ko kay Xinrui, “Responsable si Zhao Jing sa kanyang tungkulin, at kaya pa rin niya ang gampanin ng pagiging lider ng grupo. Kung naglalantad siya ng katiwalian, maaari nating subukan na mas tulungan siya at ilantad at himayin ang kanyang mga isyu. Abala ako ngayon, kaya wala akong oras, pero makikipagbahaginan ako sa kanya sa susunod.” Nang marinig ni Xinrui na sinabi ko iyon, hindi na siya nagsalita pa. Kalaunan, dahil naging abala ako sa iba pang mga gampanin, nakalimutan ko nang makipagbahaginan kay Zhao Jing. Isang gabi, bigla kong naalala, “Naku, nakalimutan ko ang tungkol sa kalagayan ni Zhao Jing. Dapat ko bang kumustahin ang kalagayan niya?” Pero pagkatapos ay naisip ko, “May mahusay siyang kakayahan, at kapag masama ang kalagayan niya dati, kaya niyang hanapin ang katotohanan at kaagad na lutasin iyon sa sarili niya. Dapat magawa rin niyang ayusin ang sarili niya sa pagkakataong ito. Isa pa, napakalayo ng tirahan niya. Kung pupunta ako roon, na nakakapagod, at wala naman siya roon, hindi ba mawawalan lang ng saysay ang pagpunta ko? Huwag na lang, sa katapusan ng buwan ko na lang gagawin ito.” Sa pagtatapos ng buwan nang pumunta ako upang siyasatin ang kanilang gawain, lubos akong natulala. Napakaraming problema at paglihis sa gawain ni Zhao Jing, at ang kanyang mga resulta sa gawain ay bumagsak sa pinakamababa. Ang mga kapatid na pinangangasiwaan niya ay nasa negatibong kalagayan lahat, at ang kanilang gawain ay naapektuhan nang husto. Noon ko lang napagtanto kung gaano kaseryoso ang mga bagay-bagay. Kaagad akong pumunta kay Zhao Jing para makipagbahaginan at tukuyin ang kanyang mga problema, subalit tumanggi siyang tanggapin ito, nakipagtalo siya, sinusubukang bigyang-katwiran ang kanyang sarili, at hindi siya nagpakita ng kaalaman sa kanyang sarili. Matapos kong makipag-usap sa aking kapareha tungkol kay Zhao Jing, napagpasyahan namin na hindi na angkop na maging isang lider ng grupo si Zhao Jing, at sa wakas ay tinanggal siya. Matapos iyon, iniulat din ng mga kapatid na si Zhao Jing ay talagang naiinggit, nagpabaya sa kanyang mga tungkulin, at nasangkot sa mga hindi pagkakaunawaan. Naging dahilan ito para madama ng isang sister na pinigilan siya nito, nasupil siya, at ginusto niyang iwanan ang kanyang tungkulin. Iniulat ni Wang Xinrui ang sitwasyon ni Zhao Jing, ngunit pinigilan at ibinukod siya ni Zhao Jing. Nadama rin ng iba pang kapatid na pinigilan sila ni Zhao Jing, at naapektuhan ang kanilang mga tungkulin, na naging dahilan para mahadlangan ang gawain nang ilang buwan. Matapos tanggalin si Zhao Jing, bukod sa hindi siya nagsisi, gumanti pa talaga siya sa iba. Hindi naging dahilan ang pagkakalantad niya upang maunawaan niya o pagsisihan talaga ang kanyang masasamang gawa. Kalaunan, dahil nabigo akong gumawa ng tunay na gawain, nagpabaya ako sa aking tungkulin, at hindi tinanggal sa oras si Zhao Jing, na nagdulot ng matitinding kawalan sa gawain ng iglesia, ako rin ay natanggal. Labis akong naging miserable dahil dito. Noon lang ako nagsimulang magtanong sa aking sarili kung bakit naging masyado akong bulag para mapansin ang talamak na paninibugho at pakikipag-away ni Zhao Jing, pati na rin ang kanyang malubhang paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia. Noong panahong iyon, mababaw lang ang kaalaman ko na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain at hindi tumutuon sa pagkilatis ng iba, ngunit hindi ako kailanman seryosong tumutok sa pag-unawa o paghihimay sa sarili kong mga tiwaling disposisyon.
Sa isang pagtitipon, nagkaroon lang ako ng kaunting pagkaunawa sa aking sarili pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos na naglalantad ng mga pag-uugali ng mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga huwad na lider ay hindi kailanman nagtatanong o sumusubaybay sa mga sitwasyon sa gawain ng iba’t ibang superbisor ng grupo. Hindi rin sila nagtatanong, sumusubaybay, o nakakaarok sa buhay pagpasok ng mga superbisor ng iba’t ibang grupo at ng mga tauhang responsable sa iba’t ibang mahalagang gawain, pati na rin sa mga saloobin ng mga ito sa gawain ng iglesia at sa mga tungkulin ng mga ito, at sa pananalig sa Diyos, sa katotohanan, at sa Diyos mismo. Hindi nila alam kung ang mga indibidwal na ito ay sumailalim na sa anumang pagbabago o paglago, at hindi rin nila alam ang tungkol sa iba’t ibang isyung maaaring umiiral sa gawain nila; sa partikular, hindi nila alam ang epekto ng mga pagkakamali at paglihis na nagaganap sa iba’t ibang yugto ng gawain sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos, pati na rin kung ang mga pagkakamali at paglihis na ito ay naitama na. Ganap silang ignorante tungkol sa lahat ng bagay na ito. Kung wala silang nalalaman tungkol sa mga detalyadong kondisyong ito, nagiging pasibo sila tuwing may lumilitaw na mga problema. Gayumpaman, hindi nag-aabala ang mga huwad na lider na harapin ang mga detalyadong isyung ito habang ginagawa ang gawain nila. Naniniwala sila na matapos maisaayos ang iba’t ibang superbisor ng grupo at maitalaga ang mga gawain, tapos na ang gawain nila—itinuturing na nagawa na nila nang maayos ang gawain nila, at kung may iba pang problemang lilitaw, hindi na nila problema iyon. Dahil hindi napapangasiwaan, nagigiyahan, at nasusubaybayan ng mga huwad na lider ang iba’t ibang superbisor ng grupo, at hindi nila natutupad ang mga responsabilidad nila sa mga aspektong ito, nagreresulta ito sa pagkakagulo-gulo sa gawain ng iglesia. Pagpapabaya ito ng mga pinuno at manggagawa sa mga responsabilidad nila” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3). “Sa tingin ba ninyo ay hangal ang mga huwad na lider? Sila ay hangal at tunggak. Bakit sila hangal? Basta-basta nilang pinagkakatiwalaan ang isang tao, naniniwala na noong mapili ang taong ito, sumumpa ang taong ito, at gumawa ng kapasyahan, at nanalangin nang tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha, kaya nangangahulugan iyon na maaasahan siya, at hindi kailanman magkakaroon ng anumang isyu sa kanya sa pangangasiwa sa gawain. Walang pagkaunawa ang mga huwad na lider sa kalikasan ng mga tao; mangmang sila sa tunay na sitwasyon ng tiwaling sangkatauhan. Sinasabi nila, ‘Paanong magiging masama ang isang tao nang napili siya bilang superbisor? Paanong magagawa ng isang taong mukhang napakaseryoso at maaasahan na pabayaan ang kanyang tungkulin? Hindi niya ito magagawa, hindi ba? Puno siya ng integridad.’ Dahil labis na nanalig ang mga huwad na lider sa kanilang sariling mga imahinasyon at damdamin, sa huli ay nawawalan tuloy sila ng kakayahang lutasin sa oras ang maraming problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, at napipigilan silang tanggalin at ilipat kaagad ang sangkot na superbisor. Totoo silang mga huwad na lider. At ano nga ba ang isyu rito? May anumang kinalaman ba sa pagiging pabasta-basta ang pamamaraan ng mga huwad na lider sa kanilang gawain? Sa isang banda, nakikita nila ang marahas na pang-aaresto ng malaking pulang dragon sa hinirang na mga tao ng Diyos, kaya para mapanatiling ligtas ang kanilang sarili, kung sinu-sino na lang ang isinasaayos nilang mangasiwa sa gawain, sa paniniwalang malulutas nito ang problema, at na hindi na nila kailangan pang pag-ukulan ito ng atensiyon. Ano ang iniisip nila sa kanilang puso? ‘Napakamapanlaban ng kapaligirang ito, dapat muna akong magtago pansamantala.’ Ito ay pag-iimbot sa mga pisikal na kaginhawahan, hindi ba? Sa kabilang banda, may nakamamatay na kapintasan ang mga huwad na lider: Mabilis silang magtiwala sa mga tao batay sa sarili nilang mga imahinasyon. At bunga ito ng hindi pagkaunawa sa katotohanan, hindi ba? Paano ibinubunyag ng salita ng Diyos ang diwa ng tiwaling sangkatauhan? Bakit kailangan nilang magtiwala sa mga tao kung ang Diyos nga ay hindi? Ang mga huwad na lider ay masyadong mayabang at mapagmagaling, hindi ba? Ang iniisip nila ay, ‘Hindi maaaring nagkamali ako sa paghusga sa taong ito, wala dapat na maging anumang problema sa taong natukoy ko na angkop; siguradong hindi siya isang taong nagpapakasasa sa pagkain, pag-inom, at paglilibang, o mahilig sa kaginhawahan at namumuhi sa pagsisikap. Siya ay lubos na maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi siya magbabago; kung magbago man siya, mangangahulugan iyon na nagkamali ako tungkol sa kanya, hindi ba?’ Anong uri ng lohika ito? Isa ka bang eksperto? May paningin ka bang gaya ng x-ray? Mayroon ka ba ng natatanging kasanayan na iyon? Maaaring makasama mo ang isang tao nang isa o dalawang taon, subalit magagawa mo kayang makita kung ano talaga siya nang walang angkop na kapaligiran para lubos na mailantad ang kanyang kalikasang diwa? Kung hindi siya ibinunyag ng Diyos, maaaring kasa-kasama mo siya sa loob ng tatlo, o kahit limang taon pa nga, at mahihirapan ka pa ring makita kung ano talaga ang uri ng kalikasang diwang mayroon siya. At lalo pang totoo iyon kapag madalang mo siyang makita, kapag madalang mo siyang makasama. Basta-bastang nagtitiwala sa isang tao ang mga huwad na lider batay sa isang panandaliang impresyon o sa positibong pagtatasa ng ibang tao sa kanya, at nangangahas silang ipagkatiwala ang gawain ng iglesia sa gayong tao. Sa bagay na ito, hindi ba’t lubha silang nagiging bulag? Hindi ba’t kumikilos sila nang walang ingat? At kapag ganito sila gumawa, hindi ba’t nagiging lubhang iresponsable ang mga huwad na lider?” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3).
Inilalantad ng Diyos na ang mga huwad na lider ay tamad, nananabik sa kaginhawahan, at ganap na iresponsable sa kanilang mga tungkulin. Sa sandaling ilagay nila ang isang tao sa pamamahala, ang mga huwad na lider ay kusang nagtitiwala sa kanila batay sa kanilang mga imahinasyon at kuru-kuro. Hindi nila sinusubaybayan o pinangangasiwaan ang gawain, ayaw magbayad ng halaga upang suriin ito. Nilalaktawan nila ang ilang hakbang hangga’t kaya nila, na nagreresulta sa matitinding kawalan sa gawain ng iglesia. Nang makita kong inilantad ng Diyos ang iba’t ibang pag-uugali ng mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, pakiramdam ko ay inilalantad ako ng Diyos nang harapan. Sobrang nakakaasiwa iyon at nakonsensiya ako. Bilang isang lider, naging napakairesponsable ko sa aking tungkulin. Para iligtas ang sarili ko sa pag-aalala at pagdurusa ng laman, naging tuso ako at hindi sinubaybayan ang gawain. Umasa lang ako sa unang impresyon ko kay Zhao Jing, sa pag-aakalang responsable siya sa kanyang tungkulin at angkop bilang isang lider ng grupo, kaya nagsimula akong maging maluwag, at hindi pinangasiwaan ang kanyang gawain. Nang makita kong hindi nakakakuha ng magagandang resulta ang kanyang gawain at kailangan kong magdusa at magbayad ng halaga para malutas ang isyu, hindi ako gumawa ng tunay na gawain at sa halip ay nagdahilan ako upang mapaunlakan ang aking sarili, sinasabing nangangapa pa ang lahat at mapupunta rin sila sa tamang landas sa lalong madaling panahon. Nang iulat ng iba na maraming problema si Zhao Jing at hindi siya angkop bilang lider ng grupo, ipinagpalagay ko pa rin na ito ay isang pansamantalang pagbubunyag ng katiwalian batay sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, at na hindi ito makaaapekto sa kanyang tungkulin. Paulit-ulit kong ipinagpaliban ang paglutas sa mga problema ni Zhao Jing, hanggang sa tuluyang naparalisa ang gawain ng grupo at ang buhay pagpasok ng aking mga kapatid ay dumanas ng matitinding kawalan. Napakatigas ng ulo ko, hangal, at iresponsable. Isa akong huwad na lider na nananabik sa kaginhawahan at hindi gumagawa ng tunay na gawain! Ang totoo, ang mga lider at manggagawa na inihalal ng iglesia, kabilang na ako, ay hindi pa nagagawang perpekto; marami kaming mga tiwaling disposisyon, at anumang oras ay maaari kaming magdulot ng mga paggambala at panggugulo sa aming mga tungkulin. Kahit na mukhang kumikilos kami nang maayos, hindi ibig sabihin na kalipikado na kami para magamit. Hindi namin nauunawaan ang katotohanan, at tinitingnan lang namin ang anyo ng mga tao nang hindi nakikita ang kanilang mga diwa, kaya kailangan naming madalas na subaybayan at pangasiwaan ang gawain para maging responsable sa gawain. Hindi ko naunawaan ang katotohanan at hindi ko nakita nang malinaw ang mga tao, pero may bulag akong tiwala sa sarili, kaya bilang resulta, nagdulot ako ng napakalalaking kawalan sa gawain ng iglesia, at nag-iwan ako ng mga pagsalangsang at dungis sa aking madaanan. Nang matanto ko ito, nakadama ako ng matinding pagsisisi. Kung hindi sana ako naging napakamapagmagaling, napakatamad, o napakasakim sa kaginhawahan noong ipaalala sa akin ni Xinrui ang tungkol kay Zhao Jing, kundi sa halip ay aktuwal na nagsiyasat, tumuklas at nilutas ang problema sa oras, at tinanggal si Zhao Jing, hindi sana ako nagdulot ng gayong pagkaantala sa gawain ng iglesia. Hindi lamang ako nabigo na makinabang ang gawain ng iglesia sa aking tungkulin, kundi kumilos pa ako bilang kampon ni Satanas at ipinagtanggol ang mga huwad na lider at manggagawa. Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nabagabag at naging miserable. Naisip ko kung paanong kapag gumagawa ang Diyos na nagkatawang-tao, Siya ay talagang nagdurusa at nagbabayad ng halaga. Bilang tugon sa lahat ng ating katiwalian at mga kakulangan, walang sawang ibinabahagi ng Diyos ang katotohanan, sinusuportahan at tinutulungan tayo, kasama ang lahat ng Kanyang maingat na pagsusumikap para lubusang iligtas tayo mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ngunit ako ay isang nilikha na hindi nakaunawa sa katotohanan, bulag at hindi malinaw na nakakikita ng mga bagay, at ayaw ko talagang magdusa o magbayad ng halaga sa aking mga tungkulin. Hindi ko ninais na lutasin ang mga problema sa tamang oras nang makita ko ang mga iyon, at nagdulot ako ng malalaking kawalan sa gawain. Ang paggawa nang ganito sa aking mga tungkulin ay talagang nakasusuklam at nakapopoot sa Diyos! Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, tahimik akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, nagkamali ako. Nais kong magnilay-nilay sa aking sarili at magsisi sa Iyo.”
Nagbasa ako ng ilan pang mga sipi kung saan inilalantad ng Diyos ang mga huwad na lider: “Naaantala ang gawain ng iglesia dahil lang lubhang pabaya ang mga huwad na lider sa mga responsabilidad nila, hindi gumagawa ng tunay na gawain o sumusubaybay at nangangasiwa sa gawain, at hindi kayang magbahagi ng katotohanan para ayusin ang mga problema. Siyempre, dahil rin ito sa pagpapasasa ng mga huwad na lider na ito sa mga pakinabang ng katayuan, talagang hindi hinahangad ang katotohanan, at hindi handang subaybayan, pangasiwaan, o direktahan ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo—na ang resulta ay ang mabagal na pag-usad ng gawain, at ang pagkabigo na maagap na maituwid o malutas ang maraming gawang-taong paglihis, kahangalan, at walang-pakundangang paggawa ng mali, na lubhang nakakaapekto sa pagiging epektibo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Saka lang naitutuwid ang mga problemang ito kapag natuklasan na ang mga ito ng Itaas at sinabihan ang mga lider at manggagawa na dapat nilang ayusin ang mga ito. Tulad ng mga taong bulag, hindi kaya ng mga huwad na lider na ito na makatuklas ng anumang mga problema, at talagang walang mga prinsipyo sa paraan nila ng paggawa ng mga bagay-bagay, at gayunma’y wala silang kakayahang mapagtanto ang sarili nilang mga pagkakamali, at inaamin lang nila ang mga kamalian nila kapag pinungusan sila ng Itaas. Kaya, sino ang may kakayahang akuin ang responsabilidad para sa mga kawalang idinulot ng mga huwad na lider na ito? Kahit na tanggalin sila mula sa mga posisyon nila, paano pa mababawi ang mga kawalang idinulot nila? Kaya’t kapag natuklasan na may mga huwad na lider na walang kakayahang gumawa ng anumang tunay na gawain, dapat silang tanggalin kaagad. Sa ilang iglesia, talagang mabagal ang pag-usad ng gawain ng ebanghelyo, at dahil lang ito sa mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, pati na rin sa masyadong maraming pagkakataon ng pagpapabaya at pagkakamali sa bahagi nila” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). “Sa lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain na ginagawa ng mga huwad na lider, talagang maraming isyu, paglihis, at kapintasan na kailangan nilang lutasin, ituwid, at remedyuhan. Gayumpaman, dahil walang pagpapahalaga sa pasanin ang mga huwad na lider na ito, nagpapasasa lang sa mga pakinabang ng katayuan nila nang walang ginagawang anumang tunay na gawain, dumarating sila sa puntong nagugulo nila ang gawain. Sa ilang iglesia, hindi nagkakaisa ang mga tao sa mga isipan nila, ang lahat ay naghihinala, nagbabantay, at nanabotahe sa isa’t isa, samantalang natatakot na matiwalag ng sambahayan ng Diyos. Kaharap ang mga sitwasyong ito, hindi kumikilos ang mga huwad na lider para lutasin ang mga ito, nabibigong gumawa ng anumang tunay at espesipikong gawain” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). “Sa panlabas na anyo, ang mga huwad na lider ay hindi sadyang gumagawa ng maraming kasamaan, o gumagawa ng mga bagay-bagay ayon sa kanilang sariling paraan at nagtatatag ng kanilang mga nagsasariling kaharian, tulad ng ginagawa ng mga anticristo. Ngunit hindi nagagawang agad na lutasin ng mga huwad na lider ang iba’t ibang problema na lumilitaw sa gawain ng iglesia, at kapag nagkakaroon ng mga problema sa mga superbisor ng iba’t ibang pangkat, at kapag hindi kayang pasanin ng mga superbisor na iyon ang kanilang gawain, hindi kaya ng mga huwad na lider na maagap na baguhin ang mga tungkulin ng mga superbisor o tanggalin ang mga ito, na nagdudulot ng malubhang kawalan sa gawain ng iglesia. At ang lahat ng ito ay dulot ng pagpapabaya sa tungkulin ng mga huwad na lider” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 3). Inilalantad ng Diyos ang kapabayaan ng mga huwad na lider: kung paanong hindi sila talaga sumusubaybay o nagsusuri sa gawain, kung paanong hindi nila pinangangasiwaan at iniinspeksiyon ang mga taong namamahala, at kung paanong, marami sa mga problema sa gawain ang hindi nalulutas bilang resulta, na nagiging sanhi ng matitinding kawalan sa gawain ng iglesia. Sa pagninilay ko sa aking mga pagkilos, napagtanto ko na dahil nanabik ako sa kaginhawahan, napabayaan ko ang aking tungkulin, naging iresponsable, at nagtiwala ako kay Zhao Jing batay sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon nang hindi pinangangasiwaan o sinusubaybayan ang kanyang gawain. Nang iulat ng iba ang kanyang mga problema, binalewala ko iyon, hindi ko nilutas ang mga tunay na isyu o tinanggal siya sa oras, na nagtulot sa kanya para masangkot sa pangmatagalang paninibugho at mga pagtatalo, ginambala at ginulo ang grupo at walang naging positibong papel sa kanyang tungkulin. Hindi naging epektibo ang gawain ng grupo nang ilang buwan dahil dito, at labis na nakaantala sa pag-usad. Nang bigyan siya ng payo ng kanyang mga kapatid, sinupil at ibinukod niya sila, binibigyan ng pasanin ang puso nila sa loob ng mahabang panahon, na naging dahilan upang makaramdam ang grupo na napigilan sila at nawalan sila ng motibasyon sa kanilang mga tungkulin. Gayumpaman, wala akong alam tungkol dito, at palagi ko pa ngang iniisip na maayos ang kanyang ginagawa. Bilang isang lider, hindi lamang ako nabigo sa pagtupad ng aking responsabilidad, hindi ko rin natukoy at nalutas ang maraming problema sa gawain ng iglesia sa isang napapanahong paraan gayong nasa harapan ko na mismo ang mga ito. Nagdulot ito ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng aking mga kapatid. Labis akong nagpabaya sa aking mga tungkulin! Bagama’t hindi ko sinadyang gumawa ng kasamaan tulad ng isang anticristo upang gambalain at guluhin ang gawain ng iglesia, ang aking kapabayaan sa tungkulin ay nagdulot pa rin ng matitinding kawalan sa gawain ng iglesia. Namuhi ako sa sarili ko sa pagiging sobrang bulag, walang pakialam at iresponsable hanggang sa punto na nagsalangsang ako sa presensiya ng Diyos. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan at pagkakonsensiya, at pakiramdam ko ay may utang ako sa Diyos at sa aking mga kapatid.
Kalaunan, pinagnilayan ko ang aking sarili. Bakit lagi kong isinaalang-alang ang aking laman, naging tuso at iresponsable sa aking tungkulin? Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na lubhang nakatulong sa akin. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon. Lahat ng ginagawa ni Satanas ay para sa sarili nitong mga pagnanais, mga ambisyon, at mga layunin. Nais nitong higitan ang Diyos, makawala sa Diyos, at makuha ang kontrol sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Sa kasalukuyan, gayon na lamang katinding ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao: May mga satanikong kalikasan silang lahat, sinusubukan nilang lahat na itatwa at labanan ang Diyos, at gusto nilang makontrol ang sarili nilang mga kapalaran at sinusubukang labanan ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Ang kanilang mga ambisyon at pagnanais ay kaparehong-kapareho ng kay Satanas. Samakatuwid, ang kalikasan ng tao ay ang kalikasan ni Satanas” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Pinagnilayan ko ang salita ng Diyos at sa wakas ay natanto ko na ako ay tamad, iresponsable sa aking tungkulin, at walang konsensiya at katwiran, pangunahin dahil ang satanikong panuntunan ng pag-iral na, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay nag-ugat nang sobrang lalim sa akin, kaya naging kalikasan ko na ito. Palagi kong isinasabuhay ito, isinasaalang-alang lamang ang aking sariling mga makalamang interes sa lahat ng bagay, nagiging lalong makasarili at kasuklam-suklam. Kapag may anumang bagay na nagdulot sa akin ng pag-aalala at paghihirap nang higit pa o humihingi sa akin na magbayad nang higit pang halaga, gumamit ako ng panlalansi at panlilinlang upang maiwasan ito, ginagawa ang lahat ng aking makakaya upang mabawasan ang maging pagdurusa ko. Nang makita kong ang pamamahala sa pangkalahatang gawain ay nangangailangan ng karagdagang pag-aalala at pagdurusa, ginusto ko na lang na gumawa ng pang-isahang trabaho. Nang dumami ang gawain ko, ginusto ko ang mas kaunting pag-aalala at kaunting pagbabayad ng halaga, na humantong sa aking maging maluwag sa gawain ni Zhao Jing. Kalaunan, nang makita ko siya na nasa masamang kalagayan, tinamad ako at ayaw kong itong lutasin. Kahit na ipinaalala sa akin ni Xinrui na hindi karapat-dapat italaga si Zhao Jing, ginamit ko ang pagiging abala sa trabaho bilang dahilan upang ipagpaliban ang pagsisiyasat at pagkumpirma sa isyu ni Zhao Jing hanggang sa naging sobrang seryoso ito na kinailangan na siyang tanggalin. Inihalal ako ng iglesia bilang isang lider at binigyan ako ng pagkakataong magsanay, sa pag-asang aakuin ko ang responsabilidad at papasanin ang aking tungkulin. Ngunit ano ang ginawa ko? Sa halip na isipin kung paano ko gagawin nang maayos ang aking tungkulin, wala akong ginawa kundi manabik sa kaginhawahan, ginagawa ang anumang bagay na nagpahintulot sa akin na mag-alala at magdusa nang kaunti. Nanampalataya na ako sa Diyos sa loob ng maraming taon at tinamasa ko ang pagdidilig at pagtustos ng maraming salita ng Diyos, ngunit kapag may hinihingi sa akin, inaalala ko lamang ang aking kaginhawaan, hindi gumagawa ng tunay na gawain. Ako ay makasarili at nakamumuhi, at kinasuklaman ako ng Diyos! Kinamuhian ko ang aking kawalan ng pagkatao at katwiran, at nabigo akong mamuhay ayon sa masusing layunin ng Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, nag-alala ako para sa aking laman at hindi ako gumawa ng tunay na gawain, na nagdulot ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia. Nais kong magsisi sa Iyo. Sa hinaharap, anuman ang tungkulin ko, ayaw ko nang isaalang-alang ang aking laman at manabik sa kaginhawahan. Gusto kong maging responsable at gampanan ang aking tungkulin nang maayos sa praktikal na paraan.”
Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga taong may puso ay kayang isaalang-alang ang puso ng Diyos; yaong mga walang puso ay mga hungkag na lalagyan, mga hangal, hindi sila marunong magsaalang-alang sa puso ng Diyos. Ang mentalidad nila ay: ‘Wala akong pakialam kung gaano ito kaapura para sa Diyos, gagawin ko ito sa paraang gusto ko—ano’t anuman, hindi ako nagiging batugan o tamad.’ Ang ganitong uri ng saloobin, ang ganitong uri ng pagiging negatibo, ang lubos na kawalan ng pagiging maagap—hindi ito isang taong nagsasaalang-alang sa puso ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan kung paano isaalang-alang ang puso ng Diyos. Kung ganyan ang kaso, nagtataglay ba siya ng tunay na pananalig? Talagang hindi. Isinasaalang-alang ni Noe ang puso ng Diyos, may tunay siyang pananalig, kaya’t nagawa niyang tapusin ang atas ng Diyos. Kaya naman, hindi sapat na tanggapin lang ang atas ng Diyos at maging handang magsikap nang kaunti. Dapat isaalang-alang mo rin ang mga layunin ng Diyos, ibuhos ang lahat ng makakaya mo, at maging matapat—kung saan kailangan mong magkaroon ng konsensiya at katwiran; ito ang dapat taglayin ng mga tao, at ito ang nasumpungan kay Noe. Ano ang masasabi ninyo, para magawa ang ganoon kalaking arka noong panahong iyon, ilang taon kaya ang aabutin kung nagmabagal si Noe, at siya ay walang nadamang pagmamadali, walang pag-aalala, walang kahusayan? Matatapos kaya ito sa loob ng 100 taon? (Hindi.) Maaari itong abutin nang ilang henerasyon ng patuloy na paggawa. Sa isang banda, ang paggawa ng isang solidong bagay na tulad ng isang arka ay aabutin nang maraming taon; bukod pa riyan, ganoon din ang pangangalap at pag-aalaga sa lahat ng nilikha na may buhay. Madali bang kalapin ang mga nilikhang ito? (Hindi.) Hindi. Kaya nga, matapos marinig ang mga utos ng Diyos, at maarok ang agarang layunin ng Diyos, nadama ni Noe na hindi iyon magiging madali ni walang hirap. Natanto niya na kailangan niya itong isakatuparan ayon sa mga kagustuhan ng Diyos, at kumpletuhin ang atas na ibinigay ng Diyos, upang mapalugod at mapanatag ang loob ng Diyos, upang ang sumunod na hakbang ng gawain ng Diyos ay makapagpatuloy nang maayos. Gayon ang puso ni Noe. At anong uri ng puso ito? Isa itong pusong nagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus). “Kahit ano pang mahalagang gawain ang ginagawa ng isang lider o manggagawa, at kahit ano pa ang kalikasan ng gawaing ito, ang numero uno niyang prayoridad ay unawain at arukin kung kumusta na ang gawain. Dapat naroroon mismo siya upang mag-asikaso ng mga bagay-bagay at magtanong, upang direkta niyang makalap ang impormasyon. Hindi siya dapat umasa lang sa mga usap-usapan, o makinig lang sa mga ulat ng ibang tao. Sa halip, dapat maobserbahan mismo ng kanyang mga mata ang sitwasyon ng tauhan, at kung kumusta ang pag-usad ng gawain, at unawain kung anong mga problema ang mayroon, kung may anumang aspekto ba ng gawain ang hindi ayon sa mga hinihingi ng Itaas, kung may mga paglabag ba sa mga prinsipyo, kung mayroon bang anumang kaguluhan o pagkagambala, kung kulang ba ang mga kailangang kagamitan o mga nauugnay na materyales sa pagtuturo tungkol sa propesyonal na trabaho—dapat alam niya ang lahat ng ito. Kahit gaano pa karaming ulat ang pakinggan niya, o kahit gaano pa karami ang mahinuha niya mula sa mga sabi-sabi, wala sa mga ito ang makakatalo sa personal na pagbisita; mas tumpak at maaasahan kung makikita nila ang mga bagay-bagay sa sarili nilang mga mata. Sa sandaling pamilyar na siya sa lahat ng aspekto ng sitwasyon, magkakaroon siya ng malinaw na ideya sa kung ano ang nangyayari. Lalong dapat mayroon siya ng isang malinaw at tumpak na pagkaarok sa kung sino ang may mabuting kakayahan at karapat-dapat na linangin, dahil ito lang ang nagpapahintulot sa kanila na tumpak na linangin at gamitin ang mga tao, na siyang napakahalaga para magawa ng mga lider at manggagawa ang gawain nila nang mahusay. Ang mga lider at manggagawa ay dapat may landas at mga prinsipyo sa kung paano lilinang at magsasanay ng mga taong may mabuting kakayahan. Dagdag pa rito, dapat may pagkaarok at pagkaunawa sila sa iba’t ibang uri ng problema at paghihirap na umiiral sa gawain ng iglesia, at alam nila kung paano lutasin ang mga ito, at dapat may sarili rin silang mga ideya at mungkahi kung paano mapapausad ang gawain, o ang mga pagkakataon nito sa hinaharap. Kung malinaw silang nakapagsasalita tungkol sa gayong mga bagay nang walang kahirap-hirap, nang walang anumang pagdududa o agam-agam, lalong magiging mas madaling isagawa ang gawain. At sa paggawa sa ganitong paraan, maisasakatuparan ng isang lider ang mga responsabilidad niya, hindi ba? Dapat batid nilang mabuti kung paano lutasin ang mga isyu sa gawaing nabanggit sa itaas, at dapat nilang pagnilayan nang madalas ang mga bagay na ito. Kapag nakakatagpo sila ng mga problema, kailangan nilang makipagbahaginan at makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na ito kasama ang lahat, hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga isyu. Sa paggawa ng tunay na gawain sa ganitong praktikal na paraan, hindi magkakaroon ng mga problemang hindi malulutas” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4). Ipinakita sa akin ng salita ng Diyos ang landas upang magampanan ko nang mabuti ang aking tungkulin, na ang magkaroon ng konsiderasyon sa mga layunin ng Diyos, magmalasakit sa mga alalahanin ng Diyos, gampanan ang mga responsabilidad na dapat kong gawin, at huwag hayaang magdusa ang gawain ng iglesia. Gaya ni Noe, na tunay na nagmalasakit sa layunin ng Diyos. Nang sabihin sa kanya ng Diyos na gumawa ng arka, hindi niya isinaalang-alang ang kanyang sariling mga pakinabang o kawalan, at inisip lamang niya kung paano mabilis na maitatayo ang arko ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Bagaman hindi ako maihahambing kay Noe, gusto kong tularan si Noe, matutong magkaroon ng konsiderasyon sa mga layunin ng Diyos, at gawin ang aking buong makakaya upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Naunawaan ko rin na upang magawa nang maayos ng mga lider at manggagawa ang tunay na gawain, dapat tayong manatiling nakasubaybay sa gawain, at kapag nakakita tayo ng mga hadlang o paggambala at panggugulo sa gawain, kailangan nating makipagbahaginan at pakitunguhan sila sa oras upang matiyak ang normal na pag-usad ng gawain.
Hindi nagtagal, inatasan ako ng aking lider na mamahala sa gawain ng ebanghelyo at pagdidilig ng ilang iglesia. Naisip ko, “Hindi ko na hahayaang matulad ito sa nakaraan. Hindi maaaring kaginhawahan lang ng laman ang alalahanin ko, at hindi ako aako ng responsabilidad para sa aking tungkulin. Kailangan kong manatiling praktikal at ilaan ang lahat ng aking pagsisikap sa aking tungkulin.” Matapos iyon, pinagtuunan kong sangkapan ang aking sarili ng katotohanan ng mga pangitain araw-araw. Kung may mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, aktibo kong pinatotohanan sa kanila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at nagsaliksik at sinangkapan ang aking sarili ng salita ng Diyos ayon sa kanilang mga relihiyosong kuru-kuro. Isang araw, habang papunta ako para suriin ang gawain sa iglesia ng Cheng Nan, naisip ko, “Ang mga lider at ang diyakono ng ebanghelyo ng iglesiang ito ay nanampalataya na sa Diyos sa loob ng mahabang panahon. Mayroon silang mahuhusay na kakayahan, at magagaling sila at responsable sa kanilang mga tungkulin. Mahusay nilang nahahawakan ang kanilang gawain, kaya hindi ko na kailangang magsubaybay pa, upang hindi na ako gaanong magsumikap.” Nang maisip ko ang mga ito, napagtanto ko na nagiging tuso na naman ako para makahanap ng mga dahilan upang hindi pangasiwaan at subaybayan ang gawain. Ngayong ako na ang namamahala sa ilang iglesia na ito, ang pagsasagawa at pangangasiwa sa gawain ng iglesia ay responsabilidad at tungkulin ko. Hindi na ako makapagdadahilan para isaalang-alang ang aking laman at ipagpaliban ang aking tungkulin. Habang isinasaisip ito, maingat kong sinuri ang gawain ng iglesia. Nalaman ko na may ilang baguhan na iregular na dumadalo sa mga pagtitipon at na hindi ginagawa nang maayos ng mga tagadilig ang kanilang mga trabaho. Kinabukasan, mabilis kong tinipon ang mga tagadilig para magbahagi tungkol sa katotohanan at lutasin ang kanilang mga problema. Hindi nagtagal, narinig ko na ang mga baguhan ay nakabalik sa mga regular na pagtitipon, na nagpadama sa akin ng kapayapaan at katiwasayan.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na ang paggawa ng tungkulin ay nangangailangan ng aktuwal na pagbabayad ng halaga, at higit pa, pagsubaybay at pangangasiwa sa gawain. Ito ang tanging paraan upang mahanap at malutas sa oras ang mga problema at maisagawa nang maayos ang tungkulin. Ito ang resultang nakamit ng salita ng Diyos kaya natamo ko ang pagkaunawa at pagbabagong ito ngayon. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!