63. Narinig Ko Na sa Wakas ang Tinig ng Diyos

Ni David, Venezuela

Naging tagapamahala ako ng payroll para sa isang pamahalaan ng estado sa Venezuela. Kinailangan kong pangasiwaan ang mga isyu sa payroll at ang napakaraming pangangailangan ng mga tao araw-araw. Ang trabaho ko ang naging pokus ko sa araw-araw, at kahit medyo abala ako, napakapayapa ng buhay ko. Nang biglang tumama ang pandemya, hindi na puwedeng makisalamuha sa iba ang mga tao at hindi man lang matustusan ng kinikita nila ang kalahati ng gastos nila sa pagkain. Sumadsad din sa krisis ang buhay ko. Kinailangan kong pumila para bumili ng pagkain, at may pilang katumbas ng 3 araw para bumili ng gas. Noong panahong iyon, bumaling ako sa mga salita ng Panginoon para makahanap ng kaginhawahan.

Isa ring mananampalataya ang kapitbahay ko, at sa tuwing nagkakasalubong kami pinag-uusapan namin ang kung anong bagay tungkol sa pananalig namin. Pareho kaming naniniwala na ang lahat ng sakunang ito ay ipinropesiya sa Bibliya, at na ang kasamaan at katiwalian ng sangkatauhan ang pinagmumulan ng lahat ng kapahamakang ito. Tayo ay nasa mga huling araw, at ipinropesiya sa Bibliya na babalik ang Panginoong Jesus para hatulan tayo sa panahong ito, kaya kailangan nating salubungin ang Panginoon para makamit ang proteksyon at pagliligtas ng Diyos. Araw-araw, nananalangin ako sa Diyos para bigyan ako ng karunungan at gabayan ako. Gusto kong makilala ang Diyos, at kailangan ko Siyang hanapin, dahil ang salita ng Diyos ang tanging paraan para makahanap ako ng kaginhawahan. Kaya nagbuklat ako ng Bibliya at hiniling sa Diyos na bigyan ako ng kaliwanagan. Binasa ko ang Aklat ng mga Awit at Aklat ng mga Kawikaan pati na ang Sermon ng Panginoong Jesus sa Bundok, pero hindi ko pa rin nahanap ang landas na dapat kong tahakin. Hindi ko talaga alam ang gagawin at palala nang palala ang problema ko sa pera. Bumabagsak sa krisis ang buhay ko at hindi ko na matustusan ang pangangailangan ng aking pamilya. Kapag may mga kailangan ang anak kong babae, hindi ko siya mabigyan. Napakalungkot ko, at ang tanging nagagawa ko ay damayan siya sa pagsasabing pansamantala lang ang mga paghihirap na ito, pero kahit ako ay hindi naniniwala roon. Nabalot ng kalungkutan ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong mangibang-bansa, umalis dito at maghanap ng ibang solusyon, pero hindi ko makuha ang aking pasaporte at lahat ng kinakailangang dokumento dahil sa pandemya. Nagiging magulo na ang buhay ko. Noon din, sinabi ng asawa ko na ayaw na niya akong makasama. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa akin. Nanghina ako at pakiramdam ko ay wala nang saysay ang buhay. Na-depress ako nang husto—sobra akong nasasaktan. Umiyak ako nang umiyak at maraming gabing hindi ako makatulog. Ang tanging paraan para magkaroon ako ng kaunting kapayapaan ay ang manalangin sa Diyos.

Tapos isang araw, nakatanggap ako ng mensahe sa WhatsApp. Inanyayahan ako ng isang sister na sumali sa isang Kristiyanong klase para makinig sa salita ng Diyos, at tinanong ako kung gusto kong pag-aralan ito. Sinabi ko sa kanyang gusto ko, at isinali niya ako sa isang grupo ng pag-aaral. Nang makinig ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pakiramdam ko ay ito ang sagot ng Diyos sa aking mga panalangin. Nahikayat ako ng maawtoridad na mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos, at nilutas ng mga salitang ito ang napakaraming alinlangan at kuru-kurong mayroon ako. Nalaman kong nagbalik na ang Diyos at gumagawa Siya ng bagong gawain. Nagkaroon ito ng napakalaking epekto sa akin. Sa gitna ng aking pagkabigla, kagalakan, at kuryosidad, nalaman ko ang tungkol sa 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos at ang Kanyang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, na gumagamit Siya ng ibang pangalan sa bawat kapanahunan (Jehova, Jesus, at Makapangyarihang Diyos), at ang kahulugan ng gawaing ginagawa Niya sa bawat kapanahunan. Naakit ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos—napakasaya ko. Gusto kong maunawaan ang marami pang katotohanan at ibahagi ang mga ito sa iba, kaya masaya kong ibinahagi ang ebanghelyo sa aking mga kapitbahay, sinasabi sa kanila na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Akala ko ang sinumang mananampalatayang makaririnig sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw ay magsasaya, hahanapin ang katotohanan, at masayang tatanggapin ang ebanghelyo. Pero kabaligtaran nito ang nangyari. Tinanong nila ako, “Wala ni isa sa mga ito ang nasa Bibliya, saan mo ito nalaman?” Sinabi ko sa kanila, “Nalaman ko ang tungkol dito mula sa isang online na grupo ng pag-aaral, at kakasimula ko pa lang na pag-aralan ito, kaya limitado pa ang aking kaalaman, pero talagang nahikayat ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Sinabihan nila ako na mag-ingat, at na maraming huwad na cristo ang lilitaw sa mga huling araw. Pagkatapos ay pinadalhan nila ako ng dalawang talata sa Bibliya: “At pagkatapos, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, ‘Narito si Cristo’; o, ‘Naroon Siya’; huwag ninyong paniwalaan ang taong ito: Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta, at magpapakita ang mga ito ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung maaari, maging ang mga hirang. Datapuwat mag-ingat kayo: narito, ipinagpauna Ko nang sabihin sa inyo ang lahat ng bagay(Marcos 13:21–23). Sinabi nila na isang huwad na relihiyon ang sinisiyasat ko, at sa mundong ito ng makabagong panahon ng teknolohiya ng ika-21 siglo, kung magbabalik ang Panginoong Jesus, tiyak na magpapakita Siya ng malaking himala na yayanig sa buong mundo, pero wala pang nangyayaring ganoon. Isa pa, hindi pa natin nakikita ang mga bagay na gaya ng nagpapagaling ng mga maysakit ang Panginoong Jesus, hindi pa Siya bumubuhay ng mga patay, o iba pang bagay na hindi pa nangyayari, kaya ibig sabihin, hindi pa nagbalik ang Panginoon. Noong narinig ko ang sinabi nila, napuno ng pagdududa ang puso ko. Natakot akong maipagkakanulo ko ang Panginoong Jesus. Nag-alala ako na malinlang ako at sumunod sa isang huwad na cristo. Mula pa sa simula, nananampalataya na ako na magbabalik ang Panginoong Jesus sakay ng mga ulap at uupo sa isang malaking puting trono, hahatulan ang bawat tao ayon sa kanilang mga ginawa, pero sinabi ng mga nag-eebanghelyo na ang Diyos ay naging tao at naghahayag ng mga salita para hatulan ang ating mga kasalanan. Nagtalo ang kalooban ko dahil sa lahat ng bagay na ito at lalo akong hindi mapalagay. Noong una, inaabangan ko talaga ang aming panggabing pagtitipon at gusto kong patuloy na siyasatin ito, pero malalim na tumanim sa puso ko ang sinabi ng mga kapitbahay ko, kaya naging maingat ako. Nang magsimula na ang sermon, nagpasya akong umalis sa grupo. Sumulat ako ng mensahe sa WhatsApp ipinapaliwanag ang aking dahilan sa pag-alis sa grupo, isinulat ko rin ang aking mga alalahanin, na ako ay nag-aalala na malinlang ng isang huwad na cristo, at isinama ko ang mga talata sa Bibliya na ipinadala sa akin ng aking mga kapitbahay. Nung ipapadala ko na ang mensaheng iyon at aalis sa grupo, bigla akong nakatanggap ng notification na wala nang charge ang cellphone ko at mamamatay na ito. Nagulat ako, dahil palagi akong nagpupuno ng charge ng telepono ko bago ang mga pagtitipon, kaya bakit bigla na lang namatay ang baterya? Pero desidido pa rin ako na iwan ang grupo. Sabi ko sa sarili ko: Paanong walang malalaking kababalaghan kung nagbalik na si Cristo? Muli kong isinaksak ang telepono ko at nagpasyang i-type muli ang mensahe at ipadala iyon kapag naging sapat na ang baterya para buhayin ang telepono. Nang umabot sa 5% ang baterya, binuksan ko ang aking telepono at nakakita ng ilang talata sa Bibliya na ipinadala sa grupo. Binasa ko ang mga ito dahil sa kuryosidad: “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Nakita ko na nagpadala ng mga mensahe ang mga kapatid, sinasabing, “Makikita natin mula sa salita ng Diyos na sa pagbabalik ng Panginoon, kakatok Siya sa pinto, at tatawagin ang Kanyang mga tupa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kung masasalubong man natin ang Panginoon ay pangunahing nakadepende sa kung naririnig natin ang Kanyang tinig. Kailangan nating marinig ang tinig ng Panginoon upang buksan ang pinto at salubungin Siya, at maghapunan na kasama Niya. Kaya kung may marinig kayong nagpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na, huwag isara ang pinto o matakot na malinlang, kundi maging isang matalinong dalaga—ang pagtuon sa pakikinig sa tinig ng Panginoon ang susi.” Pagkatapos ay nakita ko ang isang sister na nagpadala ng sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa grupo na nagsasabing: “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakompleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. … Sa mga kuru-kuro ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi talaga ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa inyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Namangha ako sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at sa pagbabahagi ng iba. Nilalaman ng mga ito ang mga sagot na hinahanap ko. Sinabi ko sa sarili ko: Totoo talaga ito! Palaging bago ang Diyos, hindi kailanman luma, at palagi Siyang gumagawa ng bagong gawain. Hindi Niya uulitin ang dati Niyang gawain. Hindi inulit ng Panginoong Jesus ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya bakit gagawin ng Diyos ang kaparehong gawain ng Kapanahunan ng Biyaya pagbalik Niya? Naparito na ang Makapangyarihang Diyos at nagsimula ng bagong kapanahunan, at ginagawa Niya ang bagong gawain ng Kapanahunan ng Kaharian. Hindi pa nagagawa kahit kailan ang gawaing ito. Binalaan pa nga tayo ng Makapangyarihang Diyos: “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus.” Oo, masasamang espiritu lamang ang gumagaya sa nakaraang gawain ng Diyos, at nagpapanggap na Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng mga himala para ilihis ang mga tao. Talagang nagbigay ito ng kaliwanagan sa akin. Natutuhan ko kung paano matukoy ang mga tunay na Cristo mula sa mga huwad at ang tunay na dahilan kung bakit hindi nagpapakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, paglilinis, at pagliligtas sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katotohanan, inaakay ang tao papunta sa Kanyang kaharian. Nang maunawaan ko iyon, nagpatuloy ako sa pagdalo sa mga pagtitipon.

Nang maglaon, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang kalipikadong sumpain o kondenahin ang iba. Lahat kayo ay dapat maging makatwiran at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at mabasa ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga pananaw at sa Bibliya, sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag maging masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa munting may-takot-sa-Diyos na pusong taglay mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang kokondenahin ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, ‘Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,’ o, ‘Huwad na cristo ito na naparito upang ilihis ang mga tao.’ Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Napakakaunti ng nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang kondenahin ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malihis. Hindi ba iyon magiging lubhang kaawa-awa? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi pagpapahayag ng Diyos, sa huli ay parurusahan ka, at mawawalan ka ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang katotohanang iyon na sinambit nang napakaliwanag at napakalinaw, hindi ba hindi ka akma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba isa kang taong hindi sapat na pinagpalang makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag kang padalos-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang pananampalataya sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga kinabukasan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na tungkol sa pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw, hindi tayo dapat padalos-dalos sa pagtanggi sa pagpapakita ni Cristo. Dahil lang lilitaw ang mga huwad na cristo sa mga huling araw ay hindi nangangahulugan na puwede nating basta-bastang tanggihan at kondenahin ang bagong gawain ng Diyos at ang mga salitang Kanyang sinasabi. Kailangan nating maging gaya ng mga matatalinong dalaga, matutuhan na pakinggan ang tinig ng Diyos, at siyasatin ang gawain ng Diyos nang may saloobin ng mapagpakumbabang paghahanap. Iyan ang tanging paraan upang marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Kung hindi, mawawala sa atin ang kaligtasan ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag kang padalos-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang pananampalataya sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga kinabukasan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?” Ipinakita sa akin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nang mapigilan ako ng mga nakalilinlang na pananaw na ibinahagi ng mga kapitbahay ko na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, naging padalos-dalos ako sa aking pagtanggap. Hindi ko sinubukang magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos o maghanap ng mga tao sa loob ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sagutin ang aking mga tanong. Padalos-dalos na lang akong nagpasya na umalis sa grupo at huminto sa paghahanap sa tunay na daan. Muntik nang mawala sa akin ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw dahil sa pagiging padalos-dalos ko. Tapos nalaman kong hindi ako maaaring magpadala sa pagiging padalos-dalos sa harap ng mga kalituhan at pagdududa, o pabigla-biglang manghusga, at kailangan kong maging maingat, manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan sa lahat ng oras. Kailangan kong tratuhin nang may paggalang ang mga salita ng Diyos at mapagpakumbabang maghanap upang makilala ko ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang patnubay, at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos niyon, ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos araw-araw ay nagbigay sa akin ng mas malalim na pagkaunawa sa Bibliya, at naging tiyak ako na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tinanggap ko ang Makapangyarihang Diyos nang walang pag-aalinlangan.

Isang araw, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dadalhin Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ito ng buhay, at ituro ang daan para rito. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, para patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis dito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at ang karunungan ng Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa Niya ang Kanyang gawain at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa gitna ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-tao na kakayaning pasanin ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, kundi sinasagot at pinagpapasyahan ng Diyos Mismo. Sa ganitong paraan, kung tunay mong ninanais na hanapin ang daan ng buhay, dapat mo munang kilalaning ginagampanan ng Diyos ang gawain ng pagkakaloob ng daan ng buhay sa tao sa pamamagitan ng pagparito sa lupa, at dapat mong kilalaning sa mga huling araw Siya pumaparito sa lupa upang ipagkaloob ang daan ng buhay sa tao. Hindi ito tumutukoy sa nakalipas; nangyayari ito ngayon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Nalaman ko sa mga salita ng Diyos na hindi tayo puwedeng humusga batay sa hitsura para matukoy ang tunay na Cristo mula sa mga huwad, at kailangan nating tingnan ang kanilang diwa, ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagtingin kung kaya nilang gawin ang gawain ng Diyos at ipahayag ang mga salita at disposisyon ng Diyos. Dumating ang Diyos sa lupa bilang nagkatawang-tao, nagpapahayag Siya ng mga katotohanan, at gumagawa ng Kanyang gawain. Ang lahat ng Kanyang inihahayag ay kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos—ito ay ganap na disposisyon ng Diyos, at maililigtas ng gawaing ginagawa Niya ang mga tao. Lahat ito ay mga bagay na hindi tinataglay ng tao o makakayang makamit. Samakatwid, ang pinakatumpak na paraan upang matukoy kung si Cristo ang isang tao ay sa pamamagitan ng pagtingin kung nagagawa niya ang gawain ng Diyos at naipapahayag ang mga salita at disposisyon ng Diyos. Noong panahong sinisiyasat ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at nagbabasa ako ng Kanyang salita, bukod sa nakita ko ang pagmamahal Niya sa tao na inihayag sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko rin ang pagiging matuwid, pagkapoot, at pagiging maharlika ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ay parang isang matalas na tabak, na hinihiwa pabukas ang katiwalian sa loob ng ating mga puso, inilalantad ang ating satanikong kalikasan ng paglaban sa Diyos. Direkta nating makikita ang ating panloob na katiwalian, gayundin ang landas na dapat nating tahakin sa ating pananalig. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kanyang mga salita, unti-unti nating malulutas ang ating mga tiwaling disposisyon at maisasabuhay ang normal na pagkatao. Isiniwalat ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang napakaraming misteryo ng katotohanan at hinahayaan tayong malaman ang tungkol sa Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatauhan. Hindi matatagpuan ang mga bagay na ito sa Bibliya o sa anumang relihiyon. Ang lahat ng ito ay mga misteryo ng katotohanang inilalantad ng Diyos para sa sangkatauhan sa mga huling araw, at pawang mga bagay na hindi pa naririnig o nakikita ng mga tao kahit kailan. Walang sikat o dakilang tao ang makapagpapahayag ng katotohanan at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang makapagpapahayag ng katotohanan at makagagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, at makapagdadala sa atin ng daan, ng katotohanan, at ng buhay. Nakumpirma ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya si Cristo ng mga huling araw, ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, at lahat ng bagay, ang Diyos na nagpalabas ng kautusan upang gabayan ang buhay ng tao sa lupa, ang Diyos na ipinako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, ang Diyos na nagbalik sa mga huling araw upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan. Walang duda, ang Diyos ang Simula at ang Wakas, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Mga impostor ang mga huwad na cristong iyon na hindi magtatagal ay babagsak dahil hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan, hindi nila kayang gawin ang bagong gawain ng Diyos, at hindi nila kayang tulungan ang mga tao na iwaksi ang katiwalian at mailigtas. Ang kaya lang nilang gawin ay gayahin ang nakaraang gawain ng Diyos para iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Ngayon, si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ay nagpapahayag ng katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Nililinis at binabago Niya ang katiwalian ng mga tao, at inililigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Lubos na pinatutunayan ng gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos na Siya ang pagpapakita ng tunay na Diyos. Sigurado iyan.

Dati, kumakapit ako sa aking mga kuru-kuro. Akala ko hahatulan ng Diyos ang mga kasalanan ng tao mula sa isang malaking puting trono sa langit sa mga huling araw, pero sa pamamagitan ng pakikipagtipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naitama ang kuru-kuro kong ito. Iyan ay dahil nalaman ko kung paano dinadalisay ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakita ko na sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Gawin Mo silang banal sa pamamagitan ng Iyong katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan(Juan 17:17). “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libo-libong taon ng pagtiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang nakalalason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging dalisay. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maging malinis. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ilantad ang diwa ng tao, at himayin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat magpasakop ang tao sa Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad at pinupungusan Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling paghihimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magkamit ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananalig sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Nalaman ko na ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao at pagpapahayag ng mga katotohanan para hatulan at linisin ang sangkatauhan. Nagsalita na ang Makapangyarihang Diyos, inihahayag ang satanikong kalikasan at mga tiwaling disposisyon ng tao na kinabibilangan ng mga bagay na tulad ng kayabangan, panlilinlang, at pagiging tutol sa katotohanan. Inihayag din Niya ang pagiging makasarili at kasakiman ng tao. Pinahihintulutan ng lahat ng mga ito na makita ng mga tao ang katotohanan ng kanilang katiwalian sa pamamagitan ng paghatol ng Kanyang mga salita, kung gayon ay mapoot sila sa kanilang sarili, magsisi sa Diyos, at magkaroon ng takot at pagpapasakop sa Diyos. Ang tanging paraan upang malutas ang satanikong disposisyon ng tao ay sa pamamagitan ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Walang tao ang makakagawa niyon. Napagtanto ko na kung hahatulan ng Diyos ang bawat tao mula sa isang malaking puting trono sa langit, walang sinuman sa buong sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, ang magkakaroon ng pagkakataong maligtas. Iyan ay dahil ang buong sangkatauhan ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas. Bagama’t sa pamamagitan ng pagliligtas ng krus ng Panginoong Jesus, ay natubos na tayo at napatawad na ang ating mga kasalanan, makasalanan pa rin tayo. Paulit-ulit tayong dumadaan sa siklo ng pagkakasala at pagtatapat. Kung hindi tayo makakaranas ng paghatol, hindi malilinis ang ating katiwalian, at sa huli, kokondenahin at ititiwalag tayo ng Diyos! Kapag direkta tayong nahatulan at nailantad ng mga salita ng Diyos saka lang natin makikilala ang ating mga sarili at tunay na magsisisi at magbabago, magiging dalisay sa pagiging tiwali natin. Gaya ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maging malinis(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa isang pagtitipon minsan na talagang pumukaw ng damdamin ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga hindi nakauunawa sa katotohanan ay laging sumusunod sa iba: Kung sinasabi ng mga tao na ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ikaw man ay magsasabi rin na ito ay gawain ng Banal na Espiritu; kung sinasabi ng mga tao na ito ay gawain ng masamang espiritu, mag-aalinlangan ka na rin o sasabihin din na ito ay gawain ng masamang espiritu. Lagi mong ginagaya ang mga sinasabi ng iba, at hindi mo kayang kumilatis mag-isa ng kaibhan ng kahit ano, ni hindi mo kayang mag-isip para sa iyong sarili. Ito ay isang tao na walang paninindigan, na walang pagkilatis—ang gayong tao ay walang-kuwentang kaawa-awa! Lagi mong inuulit ang mga sinasabi ng iba: Sinasabi ngayon na ito ang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit malamang na balang araw ay may magsasabi na hindi ito gawain ng Banal na Espiritu, at na ito sa katunayan ay walang iba kundi mga gawa ng tao—ngunit hindi mo ito makilatis, at kapag nasaksihan mong sinasabi ito ng iba, sinasabi mo rin ang gayong bagay. Ito ay talagang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit sinasabi mo na gawain ito ng tao; hindi ba’t naging isa ka sa mga lumalapastangan laban sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa bagay na ito, hindi ba’t sumasalungat ka sa Diyos dahil wala kang pagkilatis?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos). Binalaan tayo ng mga salita ng Diyos laban sa pikit-matang pakikinig sa patnubay ng iba kapag sinisiyasat natin ang tunay na daan, at sa pagsuri sa gawain ng Diyos batay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Sa paggawa ng ganito, malamang na nilalabanan natin ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon, nagpapawala sa ating pagkakataong maligtas. Ang malungkot na realidad na ito ay isang bagay na puwedeng mangyari sa sinuman sa atin. Nakaramdam ako ng hiya sa kung gaano ako naging hangal at padalos-dalos. Paano nangyaring kahit pagkatapos kong marinig ang tinig ng Diyos at maramdamang ang mga salitang ito ay naglalaman ng awtoridad at kapangyarihan, naimpluwensiyahan pa rin ako ng mga kapitbahay ko, at nailihis ng mga sinabi nila? Dahil sa kahangalan at pagiging padalos-dalos ko, muntik ko nang lisanin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, palampasin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at sirain ang aking pagkakataong maligtas. Nakapagdulot sana ng hindi kanais-nais na resulta sa akin ang aking pagkabulag at kamangmangan! Naunawaan ko na kailangan kong maging isang matalinong dalaga. Kapag naririnig natin ang tinig ng Diyos, dapat nating tanggapin ito nang hindi natitinag, dahil lahat tayo ay nilikha at kailangan nating sundin ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, tulad nung narinig ni Pedro ang mga salita ng Panginoong Jesus at pagkatapos ay sumunod siya sa Panginoon. Sa pagbabalik-tanaw sa aking dating kahangalan at kamangmangan, nanalangin ako sa Makapangyarihang Diyos, humihiling sa Kanya na patawarin ako. Handa na akong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, at ang paghatol at pagliligtas ng Diyos.

Simula noon, araw-araw ko nang binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag nanghihina ako, humihingi ako sa Diyos ng pananalig at lakas, para hindi ako matisod at matumba. Sa patnubay at tulong ng Diyos, naging mas mainam ang aking kalagayan. May bago na rin akong trabaho. Nararamdaman ko na lahat ng ito ay dahil sa kamangha-manghang pagsasaayos ng Diyos. Unti-unti, medyo bumuti ang buhay ko. Higit sa lahat, araw-araw na akong nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikipagtipon at nakikipagbahaginan sa iba. Ngayon ay nagsimula na akong magbahagi ng ebanghelyo at magpatotoo sa mga salita ng Diyos, tumutulong sa mas maraming tunay na mananampalataya na nananabik sa tunay na daan na marinig ang tinig ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw.

Sinundan:  62. Mga Pagninilay Matapos ang Bulag na Pagsamba sa mga Tao

Sumunod:  64. Pagkamulat ng Isang Huwad na Lider

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger