9. Ang mga Alalahanin Ko Tungkol sa Pagtatanggal ng mga Huwad na Lider
Noong Setyembre 2020, isa akong mangangaral sa iglesia, na responsable para sa gawain ng apat na iglesia. Ang lider ng isa sa mga iglesiang ito, si Li Ying, ay may mahusay na kakayahan at masigasig sa tungkulin niya. Maganda ang impresyon ko sa kanya. Ngunit nang maglaon, nalaman ko na ang iglesiang ito ay may ilang malinaw na hindi mananampalataya at masasamang tao na hindi pa napapaalis at ginugulo nila ang buhay iglesia. Kaya, nakipagbahaginan ako kay Li Ying, inilalantad ang kalagayan niya, at sinabi ko sa kanya ang diwa at mga kahihinatnan ng hindi paggawa ng gawaing pag-aalis. Sumang-ayon si Li Ying na alisin sa iglesia ang mga hindi mananampalataya at ang masasamang taong ito sa lalong madaling panahon. Ngunit pagkalipas ng dalawang buwan, nang tingnan ko ulit ang gawain nila, nalaman ko na hindi pa rin ito ginagawa ni Li Ying. Kinakampihan niya pa ang mga hindi mananampalataya at masasamang tao, at ipinagtatanggol ang kalagayan nila. Dahil dito, ang mga taong ito na dapat na pinaalis na ay naroon pa rin at pinahihintulutan na magdulot ng mga paggambala at panggugulo sa loob ng iglesia. Bukod pa roon, may mga problema rin sa mga tungkulin ng mga kapatid, ngunit hindi kailanman ibinahagi ni Li Ying ang katotohanan upang malutas ang mga ito o pinungusan ang mga taong iyon. Sa halip, isinasaalang-alang niya ang kanilang laman, at nagiging maluwag at mapagbigay sa kanila, na humahantong sa hindi nila pagiging responsable sa kanilang mga tungkulin, na naging dahilan upang maapektuhan ang gawain ng iglesia. Batay sa kanyang palagiang pag-uugali, si Li Ying ay isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain at ayon sa mga prinsipyo, dapat siyang tanggalin agad-agad. Pero naisip ko sa sarili ko, “Siya lang ang tanging lider sa iglesia na ito. Kapag tinanggal ko siya ngayon, kakailanganin kong alalahanin ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesiang ito. Ang ilan sa mga gampaning ito ay kinakailangan ko ring personal na ipatupad. Saan ako hahanap ng oras at lakas para doon? Higit pa rito, mayroon akong gawain mula sa ibang mga iglesia na dapat kong subaybayan. Magiging abala ako. Mahigit 60 taong gulang na ako, at hindi na masyadong maayos ang aking kalusugan. Kung magtatrabaho ako nang sobra, baka hindi kayanin ng katawan ko! Kung pananatilihin ko si Li Ying, kahit papaano ay masusubaybayan niya ang mga pangkalahatang usapin at medyo gagaan ang pasanin ko.” Sa pag-iisip nito, hindi ko siya tinanggal. Pagkatapos, noong Disyembre, nagsimulang manmanan at sundan si Li Ying ng kanyang asawa na di-nananampalataya. Alam na alam ni Li Ying na hindi mabuti ang pagkatao ng asawa niya pero patuloy siyang pumupunta sa mga lugar na pinagtitipunan nang walang anumang pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng iba. Bilang resulta, inilagay niya sa panganib ang maraming grupo ng pagtitipon. Sa wakas ay napagtanto ko kung gaano kabigat ang problema ni Li Ying at agad-agad kong pinahinto ang gawain niya. Nakaramdam ako ng takot pagkatapos nito. Napagtanto ko na ito ang kinahinatnan ng hindi ko agad pagtanggal kay Li Ying. May pananagutan din ako!
Sa aking mga debosyonal, may nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, ipinagkakanulo mo Siya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan nilang ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagtataas at natatanging pabor mula sa Diyos, at na ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang abandonahin. Kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos ay naunawaan ko na ang tungkulin ng isang tao ay ipinagkatiwala ng Diyos at ito ay mas mahalaga kaysa anupaman. Ang hindi pagseseryoso rito at hindi pagiging responsable ay pagkakanulo sa Diyos. Ang gumagawa nang ganito ay talagang katulad ni Hudas, at siya ay isusumpa. Nakapagsanay ako bilang isang mangangaral sa iglesia dahil sa pabor ng Diyos. Kapag nakakita ako ng mga lider sa iglesia na hindi gumagawa ng tunay na gawain, dapat ko silang tanggalin o ilipat, kung kinakailangan. Iyon ay tungkulin ko, responsabilidad ko. Bilang isang lider ng iglesia, si Li Ying ay nakakita ng mga problema ngunit hindi ibinahagi ang katotohanan upang malutas ang mga ito, at hinahadlangan pa ang gawain ng pag-aalis. Inantala niya ang pagpapaalis ng mga halatang hindi mananampalataya at masasamang tao, at ipinagtanggol pa sila. Kinumpirma nito na siya ay isang huwad na lider at dapat na tanggalin kaagad. Pero ako naman, nag-aalala ako na sa sandaling tanggalin ko siya, hindi ako makakahanap agad ng angkop na kapalit at mas kakailanganin kong alalahanin ang tungkol sa gawain ng iglesia. Kaya hindi ko siya tinanggal sa tamang oras, na humantong sa mga panganib sa seguridad at mga hadlang sa gawain ng iglesia. Lubos kong nalalaman na ang mga huwad na lider at anticristo ay mga hadlang at harang sa buhay pagpasok ng mga kapatid at kapag natagpuan ang isa sa kanila, dapat silang tanggalin at itiwalag—hindi ito maaaring pabayaan lang. Pero para hindi ako mag-alala at mahirapan, hindi ko tinanggal si Li Ying, kahit na alam kong siya ay isang huwad na lider. Nakita ko na ako ay tunay na makasarili at kasuklam-suklam. Ang saloobin kong ito sa aking tungkulin ay tunay na nakasusuklam sa Diyos. Medyo natakot ako sa mga realisasyon na ito, kaya nanalangin ako at nagsisi sa Diyos, at tinanggal kaagad si Li Ying. Inilantad ko rin at ibinahagi ang diwa at kahihinatnan ng kanyang mga ikinilos, at nagkamit ng kaunting pagkilatis ang iba sa kanya. Pagkatapos nito, naghalal ang iglesia ng isa pang lider at unti-unti, sa wakas ay nagpatuloy ang gawain ng iglesia.
Noong Pebrero 2021, isang mangangaral na responsable sa isang iglesia sa Chengxi ang tinanggal dahil hindi siya nakagawa ng tunay na gawain, at ipinagkatiwala sa akin ng lider ang gawain ng iglesia na iyon. Matapos kong tanggapin iyon, sinabi sa akin ni Sister Xue Ming ang mga problema sa lider ng iglesia at sa diyakono ng pagdidilig, “Ang diyakono ng pagdidilig ay palaging iresponsable at pabaya sa kanyang tungkulin. Mahigit 20 araw na niyang hindi dinidiligan ang mga baguhan na responsabilidad niya. Ang ilan sa kanila ay nakinig sa mga walang batayang tsismis at iniwan ang pananalig. Palaging abala ang lider ng iglesia sa kanyang trabaho sa araw at bihirang nakikipagtipon sa iba o sinusubaybayan ang gawain. Binalaan na siya ng mga kapatid at nakipagbahaginan na sila sa kanya, ngunit hindi siya nakinig. Gayundin, batid niya na ang diyakono ng pagdidilig ay hindi gumagawa ng tunay na gawain at dapat nang tanggalin, pero hindi na nga niya ito tinanggal, kinakampihan pa niya at ipinagtatanggol ito. Kaya sila ay huwad na lider at huwad na manggagawa na hindi gumagawa ng aktuwal na gawain at inantala na ang gawain ng iglesia.” Pagkatapos kong marinig ang ulat ni Xue Ming, naisip ko, “Dahil sa kanilang pag-uugali, dapat na tanggalin ang dalawang ito. Ngunit hindi madaling gampanin ang paghahalal ng mga bagong lider at manggagawa. Kapag tinanggal ko silang dalawa at hindi kami makapaghalal agad ng mga angkop na kapalit, hindi ba’t kailangan kong pangasiwaan ang gawain ng iglesia na ito? Limitado ang lakas ko, kaya gaano man ito kaimportante, kailangan kong gawin ito nang paunti-unti.” Nang makitang hindi ako sumasagot, balisang sinabi ni Xue Ming, “Kung hindi tatanggalin kaagad ang mga huwad na lider at manggagawa sa iglesia, parehong ikokompromiso nito ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Hindi ka ba nakakaramdam ng anumang pagkabalisa o pagmamadali? Hindi ba ito mahalaga sa iyo? Dapat ay hindi ka maging katulad ng dating mangangaral na hindi gumawa ng tunay na gawain.” Naramdaman kong nag-init ang mukha ko matapos marinig ang sunod-sunod na pamumuna na ito, at naisip ko, “Kararating ko lang dito, marami pa akong hindi nauunawaan. Hindi ako puwedeng tumanggap ng responsabilidad na hindi ko mapapangatawanan. Kailangan kong gawin ang gawaing ito nang paunti-unti. Gayumpaman, hindi ko naman sinabi na hindi ko ito aasikasuhin.” Nang maglaon, napagtanto kong mali ang aking kalagayan, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, itong sitwasyong kinakaharap ko ngayon ay pinahintulutan Mo, pero patuloy akong nangangatwiran sa sarili ko. Alam kong hindi ito naaayon sa Iyong layunin. Mangyaring gabayan Mo ako na magpasakop, upang makapagnilay at matuto ako mula rito.” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Sa kasalukuyan, may ilan na walang dinadalang pasanin para sa iglesia. Ang mga taong ito ay maluwag at pabaya, at ang tanging pinahahalagahan nila ay ang sarili nilang laman. Ang gayong mga tao ay masyadong makasarili, at bulag din sila. Kung hindi malinaw sa iyo ang bagay na ito, hindi ka magdadala ng anumang pasanin. Kapag mas isinasaalang-alang mo ang mga layunin ng Diyos, mas mabigat ang pasaning ipagkakatiwala Niya sa iyo. Ang mga makasarili ay ayaw magtiis ng gayong mga bagay; ayaw nilang bayaran ang halaga, at, dahil dito, mawawalan sila ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos. Hindi ba nila sinasaktan ang kanilang sarili? Kung ikaw ay isang tao na isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, magkakaroon ka ng tunay na pasanin para sa iglesia. Sa katunayan, sa halip na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iglesia, mas mainam na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iyong sariling buhay, dahil ang layunin ng pasaning ito na pinapasan mo para sa iglesia ay para magamit mo ang gayong mga karanasan upang maperpekto ka ng Diyos. Samakatwid, sinuman ang nagdadala ng pinakamabigat na pasanin para sa iglesia, at sinuman ang nagdadala ng isang pasanin para sa buhay pagpasok—sila ang magiging mga taong pineperpekto ng Diyos. Malinaw na ba ito sa iyo? Kung ang iglesiang kinabibilangan mo ay nakakalat na parang buhangin, ngunit hindi ka nag-aalala ni nababahala, at nagbubulag-bulagan ka pa kapag hindi normal na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ang iyong mga kapatid, hindi ka nagdadala ng anumang mga pasanin. Ang gayong mga tao ay hindi ang klaseng kinatutuwaan ng Diyos. Ang klase ng mga taong kinatutuwaan ng Diyos ay nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Habang iniisip ang mga salita ng Diyos, napuno ako ng kahihiyan. Hindi ba’t hindi ako nag-aalala o nababahala tungkol sa gawain ng iglesia? Nang marinig ko ang ulat ni Xue Ming tungkol sa mga problema ng pinuno at ng diyakono ng pagdidilig, hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia at hindi ko inimbestigahan at tinanggal kaagad ang huwad na lider at ang huwad na manggagawa. Sa halip, isinaalang-alang ko muna ang aking mga interes ng laman, nag-alala ako na sa sandaling tanggalin ko sila, dapat maihalal na ang mga kapalit. Kailangan kong mag-alala at gumugol ng lakas para doon, at madadagdagan ang gawain ko. Upang iligtas ang aking sarili mula sa pagbabayad ng halaga at pisikal na paghihirap, hindi ko naramdaman ang pagmamadali na tanggalin sila, kahit na alam kong mga huwad na lider at manggagawa sila. Sa diwa, palihim ko silang pinoprotektahan at kinokonsenti, hinahayaan silang mag-amok habang gumagawa ng masasamang bagay sa iglesia at manggambala at manggulo sa gawain ng iglesia. Ang pagpupungos sa akin ni Xue Ming dahil sa kawalan ko ng pagmamadali sa aking tungkulin ay isang kapaki-pakinabang na babala sa akin. Nakatulong ito sa akin para mabilis kong mapagnilayan at malaman ang aking tiwaling disposisyon at magsisi ako sa Diyos. Kung ang mga huwad na lider at manggagawa ay pinanatili sa iglesia, walang makakaalam kung gaano kalaki ang pinsala nito sa gawain ng iglesia. Napagtanto ko rin na isinaalang-alang ko ang aking laman sa nakaraang pagkakataon. Ang kabiguan kong tanggalin ang isang huwad na lider ay agad na humadlang sa gawain ng iglesia. Hindi ba’t ginagawa ko rin ang parehong pagkakamali? Sa pagnanais kong iligtas ang aking sarili mula sa pisikal na paghihirap, hindi ko man lang inisip ang gawain ng iglesia o ang mga pinsalang naidulot nito sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Hindi rin ako gumagawa ng tunay na gawain, umaasal ako na parang huwad na lider. Ang saloobin ko sa aking tungkulin ay tunay na nakasusuklam sa Diyos. Kung hindi ako napungusan, hindi ko pa maiisip ang magnilay sa sarili ko. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, tahimik akong nanalangin sa Diyos, nagsasabing gusto kong magsisi at gawin ang aking tungkulin nang maayos. Kinabukasan, pumunta ako sa iglesia kasama si Xue Ming. Pagkatapos mag-imbestiga, nakumpirma ko na ang lider at ang diyakono ng pagdidilig ay talagang hindi gumagawa ng tunay na gawain. Kapareho ng sa mga walang pananampalataya ang mga pananaw nila, masyado nilang sinusuri ang mga tao at bagay, at hindi nila tinanggap ang katotohanan. Mga huwad na lider at huwad na manggagawa sila. Tinanggal sila kaagad pagkatapos noon, at pinili ang mga kapalit nila.
Pagkatapos ng lahat ng iyon, naisip ko, “Bakit sa tuwing makakakita ako ng mga huwad na lider at manggagawa sa iglesia na hindi gumagawa ng tunay na gawain, hindi ko sila tinatanggal kaagad? Ano ba ang eksaktong sanhi nito?” Nang maglaon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Habang iniisip ang mga salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na hindi ko tinanggal ang mga huwad na lider at manggagawa una dahil makasarili ako at tamad. Anuman ang ginagawa ko, gusto ko lang maghinay-hinay at hindi magdusa o magbayad ng halaga. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala” ay mga pilosopiya ni Satanas na isinasabuhay ko. Isinaalang-alang ko lamang ang sarili kong mga pakinabang at ninais ko ang pisikal na kaginhawahan. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng iglesia. Sa dalawang kamakailang pagkakataong ito ng pagtatanggal sa mga huwad na lider at manggagawa, alam na alam kong hindi sila gumawa ng tunay na gawain at dapat silang tanggalin kaagad, ngunit patuloy akong nag-alala na baka hindi kami makapili agad ng mga angkop na kapalit. Pagkatapos mas lalo ko pang poproblemahin ang gawain ng mga iglesiang ito, idagdag pa ang epekto nito sa pisikal na katawan. Lampas 60 na ako at hindi ganoon kaayos ang kalusugan ko. Kung masyado kong papagurin ang sarili ko, mahihirapan ako. Kaya, upang marelaks ang katawan ko at maligtas ang sarili ko mula sa hirap, nag-aalinlangang pinanatili ko sila at hindi nagmadali na palitan sila. Nadama ko na sa kanilang pagsuporta sa gawain ng mga iglesiang ito, mababawasan ang pag-aalala ko at pagdurusa. Nakita ko na isinaalang-alang ko lamang ang mga interes ng laman ko sa aking tungkulin, at upang isaalang-alang ang laman ko, palihim kong pinangalagaan at pinrotektahan ang mga huwad na lider at manggagawa, kinokonsenti sila habang patuloy nilang ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia. Hindi ko ginawa ang aking tungkulin; ako ay gumagawa ng masama! Palagi kong inaalala noon ang aking edad, at na hindi kakayanin ng katawan ko ang mabigat na gawain. Pero sa realidad, nagdadahilan lang ako para maging iresponsable at hindi maging mapagsaalang-alang sa layunin ng Diyos. Sabi ng Diyos: “Hindi binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pasanin na masyadong mabigat para sa kanila. Kung kaya mong magpasan ng isandaang libra, tiyak na hindi ka bibigyan ng Diyos ng pasanin na mas mabigat pa sa isandaang libra. Hindi ka Niya gigipitin. Ganito ang Diyos sa lahat ng tao. At hindi ka pipigilan ng anuman—ng sinumang tao o anumang kaisipan at pananaw. Ikaw ay malaya” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 15). Kahit na hindi maganda ang aking kalusugan at minsan ay medyo napapagod ako sa sandaling maging abala ako sa gawain, nakayanan ko ang mga bagay na ito. Ang aking mga responsabilidad ay hindi lampas sa aking mga kakayahan. Hangga’t napapangasiwaan ko ang aking oras nang makatwiran at higit na nakikipagtulungan ako sa iba, nakakaya ng katawan ko ang gawain. Ganoon ako mag-isip noon unang-una dahil tamad ako at masyado kong isinaalang-alang ang aking laman, na naging dahilan ng pag-iwas ko sa panggigipit, hirap, at pagbabayad ng halaga sa aking tungkulin. Naisip ko noong inutusan ng Diyos si Moises na pangunahan ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Si Moises ay 80 taong gulang na, ngunit hindi niya dinahilan na masyado na siyang matanda, ni tinanggihan ang atas ng Diyos dahil nag-aalala siya sa pisikal na pagod. Sa kabaligtaran, tumugon siya sa tawag ng Diyos at sa abot ng kanyang kakayahan, nagawa niyang tuparin ang atas ng Diyos ayon sa hinihingi ng Diyos. Sa huli, pinangunahan niya ang mga Israelita palabas ng Ehipto. Halos kasing edad ko ang ilan sa mga kapatid, at ang ilan ay mas matanda pa sa akin, at gumagawa sila ng napakaraming gawain. Ibinibigay pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya sa mga tungkulin nila tulad ng ginawa nila dati, at wala pa akong nakitang sinuman na talagang napagod dahil sa kanilang mga tungkulin. Hindi ba sila nakaranas ng mas matinding paghihirap at pagdurusa kaysa sa akin? Ngunit para sa akin, ginamit ko ang aking katandaan at hindi magandang kalusugan bilang mga dahilan para hindi tanggalin ang mga huwad na lider at manggagawa na ito, mas pinipiling panatilihin ang mga ito sa iglesia, antalahin ang gawain at ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Ako ay tunay na makasarili at kasuklam-suklam. Sa katunayan, alam ng Diyos ang aking edad at ang mga tungkulin na kaya ko, at kung mapapagod ako ay nasa mga kamay na ng Diyos iyon. Bilang isa sa mga lider at manggagawa ng iglesia, kailangan kong tuparin ang aking tungkulin ayon sa mga prinsipyo sa lahat ng oras, at protektahan ang gawain ng iglesia. Anuman ang lagay ng aking kalusugan, dapat akong laging magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ito lamang ang katwiran na dapat taglayin ng isang nilikha. Sa pagkaunawa sa layunin at mga hinihingi ng Diyos, gusto ko lamang isagawa ang katotohanan, maghimagsik laban sa aking laman, at gawin ang aking tungkulin nang maayos.
Pagkatapos nito, nagpatuloy ako sa pagninilay. Nang makakita ako ng mga huwad na lider at manggagawa, bakit ko pa rin sila ginamit at hindi nagmadali na tanggalin sila? Habang iniisip ito, nalaman kong mali ang aking pananaw. Naisip ko na ang pagtatanggal ng mga huwad na lider at manggagawa at ang paghahalal ng ibang mga tao para gawin ang kanilang gawain ay magiging mahirap. Kung pananatilihin ko pa sila sa kaunting panahon, kahit paano ay magagawa nila ang mga pangkalahatang usapin, na mas mabuti kaysa sa walang katuwang. Isang kapatid na babae ang nagpadala sa akin ng isang sipi ng salita ng Diyos na may kaugnayan sa problemang ito at ginawa nitong mas malinaw sa akin ang mga bagay-bagay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang uri ng tao na isang huwad na lider ay hindi gumagawa ng totoong gawain, at walang kakayahang gumawa ng totoong gawain. Mahina ang kakayahan niya, bulag ang mga mata at isipan niya, wala siyang kakayahang tumuklas ng mga problema, at hindi siya nakakakilatis sa iba’t ibang uri ng tao, kaya’t hindi niya magawang pasanin ang mahalagang gawain ng pagtataguyod at paglilinang ng iba’t ibang uri ng mga taong may talento. Samakatwid, wala siyang paraan na magawa nang maayos ang gawain ng iglesia, at magdudulot siya ng maraming suliranin para sa hinirang na mga tao ng Diyos sa kanilang buhay pagpasok. Batay sa mga salik na ito, malinaw na hindi angkop na maging mga lider ng iglesia ang mga huwad na lider. Mayroong iba pang huwad na lider na hindi gumagawa ng partikular na gawain ng iglesia at hindi nakikipag-ugnayan sa mga superbisor ng partikular na gawain, kaya’t hindi nila alam kung aling mga indibidwal na may talento ang may kakayahang gumawa sa kung anong gawain, ni kung sino ang angkop sa kung anong gawain, o kung naaayon ba sa mga prinsipyo ang paggawa nila. Dahil dito, hindi nila maitaguyod o malinang ang mga taong may talento. Kung gayon, paano magagawa nang maayos ng mga gayong tao ang gawain ng iglesia? Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi kayang gumawa ng totoong gawain ang mga huwad na lider ay dahil mahina ang kakayahan nila; wala silang kabatiran sa anumang bagay at hindi nila alam kung ano ba ang totoong gawain. Humahantong ito sa madalas na pagwawalang-kilos o pagkaparalisa sa gawain ng iglesia. Direktang nauugnay ang mga ito sa kabiguan ng mga huwad na lider na gumawa ng totoong gawain. Sa nakalipas na ilang taon, paulit-ulit na binibigyang-diin ng sambahayan ng Diyos na kailangang alisin ang masasamang tao at mga hindi mananampalataya, at tanggalin ang mga huwad na lider at manggagawa. Bakit kailangang alisin ang iba’t ibang masamang tao at hindi mananampalataya? Dahil matapos ang maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, hindi pa rin tinatanggap ng mga taong ito ang katotohanan kahit kaunti, at umabot na sila sa puntong wala na silang pag-asa na maligtas. At bakit kailangang tanggalin ang lahat ng huwad na lider at manggagawa? Dahil hindi sila gumagawa ng totoong gawain, at hindi nila kailanman itinataguyod o nililinang ang mga taong naghahangad sa katotohanan; sa halip, inaaksaya lamang nila ang kanilang mga oras sa mga walang kabuluhang pagsisikap. Nagsasanhi ito ng pagkagulo at pagkaparalisa sa gawain ng iglesia, na nagpapatagal sa mga umiiral na problema, hindi nalulutas ang mga ito, at pinapabagal din nito ang buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Kung tatanggalin ang lahat ng huwad na lider at manggagawa na ito, at kung papaalisin ang lahat ng masasamang tao at hindi mananampalataya na gumugulo sa iglesia, likas na magiging maayos ang takbo ng gawain ng iglesia, likas na lalago nang mas mabuti ang buhay ng iglesia, at normal na makakakain at makakainom ng mga salita ng Diyos ang mga hinirang ng Diyos, at makakagawa ng kanilang mga tungkulin, at makakapasok sa tamang landas ng pananalig sa Diyos. Ito ang gustong makita ng Diyos” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Mula sa mga salita ng Diyos nakita ko na ang mga huwad na lider at manggagawa ay hindi gumagawa at hindi makakagawa ng tunay na gawain. Kahit pa labag sa loob na pinanatili sila, higit ang mga mawawala kaysa sa mga matatamo. Bukod sa hindi nila kayang protektahan ang gawain ng iglesia, gagambalain at guguluhin lamang nila ito. Tungkol sa pagtanggal kay Li Ying, nag-alala ako na kung tatanggalin ko ang huwad na lider na ito at mabigo akong maghalal kaagad ng mahusay na kapalit, madali nitong maaantala ang gawain. Naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanya pansamantala, kahit papaano ay maaari niyang maitaguyod ang gawain, na mas maganda kaysa sa wala. Salamat sa paglalantad ng mga salita ng Diyos at sa ibinubunyag ng mga katunayan, sa wakas ay nakita ko na ang pananaw na ito ay hindi lamang mali, kundi ito ay kahibangan, nakalilinlang, at talagang hindi naaayon sa katotohanan. Sa sandaling makita sila, ang mga huwad na lider at manggagawa ay dapat tanggalin kaagad at dapat maghalal ng angkop na kapalit na gagampan ng gawain sa lalong madaling panahon. Kahit na hindi agad makapaghalal ng kapalit, ang paglilinang sa isang tao ay higit na mas mabuti kaysa sa pagpapanatili ng isang huwad na lider. Ito ay pagprotekta sa gawain ng iglesia. Hindi ko ito makita nang malinaw noon. Naisip ko na sa pagpapanatili sa mga huwad na lider na iyon, maibabahagi ko ang ilang gawain at makapagrerelaks ako nang kaunti. Ngayon ay nakita ko na ang paggawa nito ay hindi lang nagligtas sa akin mula sa problema, kundi nagdulot pa sa akin ng higit na pagod at pagkaabala kaysa dati, sapagkat palaging maraming mga paglihis at mga kapintasan sa kanilang gawain. Sa huli, maraming problema ang kailangan pang asikasuhin. Pagkatapos lamang silang mapalitan, saka unti-unting bumuti ang gawain ng mga iglesia. Gayundin, masyadong mataas ang aking mga hinihingi at pamantayan para sa mga lider. Inisip ko na ang mga lider ay dapat na gumawa kaagad pagkahalal sa kanila, kaya hindi ko naramdaman na may mga angkop na kandidato, at ipinagpaliban ko ang pagpapalit sa mga huwad na lider na iyon. Ngunit sa realidad, hangga’t ang isang tao ay naghahangad ng katotohanan, may mga tamang layunin, ay isang tamang tao, at may sapat na kakayahan, maaari siyang sanayin. Hindi mahalaga kung sila ay hindi pa matagal na nananampalataya sa Diyos o hindi pa naging lider o manggagawa dati, sapagkat ang ganitong uri ng tao ay madaling magkakamit ng gawain ng Banal na Espiritu dahil hinahangad niya ang katotohanan, at patuloy siyang uunlad sa kanyang mga tungkulin. Nang mapagtanto ko ang mga bagay na ito, ang aking maling pananaw na “ang isang huwad na lider ay mas mabuti kaysa sa walang lider” ay lubusang naituwid.
Kalaunan, ang mga kapatid sa isang iglesia ay nag-ulat na ang isang lider na nagngangalang Liu Li ay hindi gumagawa ng tunay na gawain at na siya ay isang huwad na lider. Gusto nila na suriin ko ito at tanggalin si Liu Li sa lalong madaling panahon. Naisip ko sa aking sarili, “Ang iglesiang ito ay kulang na sa mga diyakono at mga lider, at kailangan ko pang tanggalin ang isang tao? Hindi ba’t aalalahanin ko ang paghahalal ng mas maraming tao? Gayundin, isa pang iglesia ang nangangailangan pa rin ng isang lider, na sa sarili nito ay marami ng gawain. Kapag tinanggal ko si Liu Li, hindi ba dadami ang gawain ko?” Gusto kong isaalang-alang muli ang aking laman, ngunit napagtanto kong mali ang aking kalagayan. Mabilis akong nanalangin sa Diyos, “O Makapangyarihang Diyos! Sa bawat pagkakataon na kailangan kong tanggalin ang isang lider, isinasaalang-alang ko ang aking laman. Hindi ko magawang isaalang-alang ang Iyong layunin ni protektahan ang gawain ng iglesia. O Diyos, mangyaring bigyan Mo ako ng lakas upang maghimagsik laban sa aking laman, isagawa ang katotohanan, at mapalugod Ka.” Pagkatapos manalangin, naalala ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Para sa lahat ng gumaganap ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan para isagawa ang pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang kanilang mga makasariling pagnanais, mga personal na intensyon, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao. Kung ni hindi man lang ito magawa ng isang taong gumaganap ng tungkulin, paano masasabi na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin? Hindi iyon pagganap ng kanyang tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na kapag ang aking mga personal na interes ay sumasalungat sa gawain ng iglesia, dapat kong isantabi ang aking mga personal na interes at unahin ang gawain ng iglesia. Dapat kong isaalang-alang muna ang layunin ng Diyos at agad na tanggalin ang mga huwad na lider. Ito lamang ang nakaayon sa layunin ng Diyos. Kaya nagsimula akong makipagbahaginan kay Liu Li, ibinunyag at hinimay ang diwa at malubhang kahihinatnan ng hindi niya paggawa ng tunay na gawain. Ngunit makalipas ang ilang sandali, nakita kong hindi pa rin siya nagbabago, kaya tinanggal ko siya ayon sa mga prinsipyo. Nakipagbahaginan din ako sa iba at naghalal kami ng bagong lider. Nang kumilos ako alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, hindi na ako napagod, ngunit sa halip, nakaramdam pa ako ng kagaangan at kapayapaan. Ang mapabuti at makapasok sa ganitong paraan ay pawang salamat sa patnubay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!