10. Ipinahamak Ako ng Pagkukunwaring Nakakaintindi

Ni Tammy, Timog Korea

Ginagawa ko noon ang gawain ng paggawa ng disenyo para sa iglesia. Sa paglipas ng panahon, nang nakumpleto ko ang lahat ng uri ng disenyo at larawan, lubos na humusay ang mga kasanayan ko at napili akong maging isang lider ng grupo. Naisip ko, “Dahil napili ako bilang lider ng grupo, nangangahulugan ito na mayroon akong partikular na mga kasanayan at talento sa gawain ko, na mas magaling ako kaysa sa ibang kapatid at kaya kong pangasiwaan ang gawaing ito. Kailangan kong pahalagahan ang tungkuling ito, magsikap, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at gawin ang aking makakaya. Hindi ako puwedeng gumawa ng mga pagkakamali na hahadlang sa gawain ng iglesia. Kailangan kong ipakita sa lahat na karapat-dapat akong maging isang lider ng grupo.”

Isang araw, dumating ang lider ng iglesia at sinabi sa akin, “Nangangailangan ang iglesia ng background image para sa isa sa mga video ng himno natin. Mas magiging mahirap itong gawin kaysa sa mga dating background natin. Dahil abala ang iba sa paggawa ng iba’t ibang disenyo ngayon, gusto naming ipagawa ito sa iyo. Sa tingin mo, kaya mo bang gawin ito?” Nang marinig kong sinabi ito ng lider, naisip ko, “Hindi pa ako nakagawa ng ganoon kahirap na background noon, hindi ako sigurado na makakagarantiya ako ng magagandang resulta.” Pero naisip ko, “Bibigyang-pansin ng lider at kapatid ang proyektong ito—mahigit dalawang taon ko nang ginagawa ang tungkuling ito, napangasiwaan ang maraming mahihirap na isyu at gampanin, at natuto ng mga magandang kasanayan. Maaaring ito ang unang pagkakataon na susubukan ko ang gayong kahirap na background, at tiyak na magkakaroon ng ilang hindi inaasahang isyu, pero kung hindi ko man lang kayang harapin ang isang gampaning tulad nito, ano na lang ang iisipin ng iba sa akin? Kung hindi ko ito kaya, iisipin ba nila na hindi ako isang mahusay na manggagawa at walang nagawang anumang pag-usad sa aking tungkulin? Ang ibang mga kapatid ay abalang lahat sa kani-kanilang mga proyekto ngayon, at kung may ibang kailangang ipadala para makatrabaho ko sa sandaling ito, tiyak na iisipin ng lahat na hindi ko kaya ang malalaking responsabilidad, na hindi ko kayang magdala ng mabigat na pasanin sa mga kritikal na sandali at hindi ako naaangkop para lubos na maging kapaki-pakinabang. Hindi ako papayag na mangyari iyon! Kailangan kong tanggapin ang proyektong ito kahit anong mangyari. Magsasaliksik na lang ako sa mga bagay na hindi ko alam para magawa ko nang tama ang lahat, at maipakita sa lahat na kaya kong pangasiwaan ang mahihirap na gampanin.” Nang makapagdesisyon na ako, may kumpiyansa akong sumagot, “Kaya ko ito, walang problema. Medyo mas mahirap at nakakapagod lang ito na background kaysa sa iba. Sa kaunting dagdag na pagsisikap, masisiguro ko ang magandang kalidad.” Nang makitang mukhang may kumpiyansa ako, tumango at nagsabi ang lider, “Mayroon tayong mahigpit na deadline sa background na ito at ang disenyo ay kinakailangang sumalamin sa kahulugan at damdamin sa likod ng himno. Kung magkakaproblema ka habang dinidisenyo ito, kontakin mo kami kaagad.” Sinabi rin ng superbisor ko, “Kung hindi mo talaga magawa, sabihin mo lang sa amin at magtatalaga kami ng taong tutulong sa iyo.” Tumango ako bilang pagsang-ayon, parehong nananabik at kinakabahan: Nasasabik ako na gagawa ako ng isang napakahalagang disenyo, hahangaan ako dahil dito kung huhusayan ko, pero nag-aalala rin ako kung makakaya ko ba ang gayong kahirap na gampanin at kung maibibigay ko ba ang kalidad na gusto nila. Pero kahit ano ang mangyari, hindi ko puwedeng biguin ang lahat. Kailangan kong simulan agad ang pagsasaliksik, subukan ang mga bagay-bagay habang ginagawa ito para masulit ang pambihirang pagkakataong ito. Tatapusin ko ang gampaning ito, gaano man ito kahirap.

Habang nagdidisenyo, parang mabilis na lumilipas ang oras at lumilitaw ang lahat ng uri ng isyu. Naramdaman ko ang tumitinding presyur. Madalas magtanong ang lider at superbisor tungkol sa pag-usad ng gawain ko at kung mayroon akong anumang mga problema. Sa sobrang kaba, sinasabi ko na lang sa kanila na lahat ay “maayos naman,” samantalang ang totoo ay nanginginig ako: Marami pa ring bahagi ng disenyo ang kailangang pagbutihin. Nangangailangan din ito ng ilang pangunahing teknikal na pagpapaunlad. Wala talaga akong ideya sa kalalabasan ng pinal na resulta. Kung hindi ito magiging maayos, makikita kaya ng lahat kung gaano talagang wala akong kasanayan, at sasabihin nilang wala akong kakayahan at sinusubukan lang na magpakitang-gilas? Dahil nangako akong matatapos ko ito, hindi ba’t mapapahiya ako kapag sinabi kong hindi ko ito kayang gawin ngayon? Kaya kailangan ko na lang pilitin ang sarili ko at aralin ang mga bagay-bagay habang nagpapatuloy ako. Hindi pa rin ako nakakabuo ng isang konsepto, kaya natagalan ang brainstorming. Isang beses, dumating ang lider sa studio namin at sandali akong pinanood magtrabaho, kaya sinadya kong lumipat sa isang mas madaling seksyon at iginuhit ito nang mabilis, para ipakitang maayos ang lahat. Ang totoo, sobrang kinakabahan ako at pinagpapawisan ang mga palad ko. Pagkaalis ng lider, bumalik ako sa mas mahirap na seksyon at sinimulang pag-isipan ito nang husto. Gumugol ako ng mahabang oras sa pag-iisip dito, pero hindi pa rin ako makabuo ng paraan para ayusin ito. Kahit ganoon, ayaw kong aminin na may isyu, nag-aalalang kukuwestyunin ng lider ang kakayahan ko. Naisip ko na dahil nakapagbitaw na ako ng matayog na pangako, nakakahiya kung sisirain ko ito. Kailangan ko na lang maging determinado at aralin ang mga bagay-bagay habang nagpapatuloy ako, pero wala akong masyadong nagagawa at sobrang napapagod na ako. Nagpuyat talaga ako sa huling gabi ng pagtatapos ng disenyo. Tiningnan ito ng lider ko at superbisor at sinabing mukhang maganda ito at kailangan lamang ng ilang pagbabago. Gayumpaman, hindi ko mapasaya ang sarili ko—nanlulumo ako.

Kalaunan, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung ikaw ay madalas na nagpaparatang sa buhay mo, kung ang puso mo ay hindi makasumpong ng kapahingahan, kung ikaw ay walang kapayapaan o kagalakan, at madalas na binabalot ng pag-aalala at pagkabalisa tungkol sa lahat ng uri ng mga bagay, ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita lamang nito na hindi mo isinasagawa ang katotohanan, hindi naninindigan sa iyong patotoo sa Diyos. Kapag namumuhay ka sa gitna ng disposisyon ni Satanas, malamang na ikaw ay mabibigo nang madalas sa pagsasagawa ng katotohanan, ipagkakanulo ang katotohanan, at magiging makasarili at kasuklam-suklam; itinataguyod mo lamang ang iyong imahen, ang iyong reputasyon at katayuan, at ang iyong mga interes. Ang pamumuhay palagi para lamang sa iyong sarili ay nagdadala sa iyo ng malaking pasakit. Dahil napakarami ng iyong mga makasariling pagnanasa, gusot, gapos, pag-aalinlangan, at kinaiinisan kaya wala ka na kahit kaunting kapayapaan o kagalakan. Ang mamuhay para sa tawag ng tiwaling laman ay ang magdusa nang labis-labis(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). Sa pag-iisip sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit hindi ako naging masaya, kahit na natapos na ang disenyo, sa halip ay pagod na pagod pa rin ako at nasisiraan ng loob ay dahil masyado akong naghahangad ng katayuan. Para maiwasan ang paglalantad sa aking mga pagkukulang, nagbalatkayo ako, nagpapanggap sa harap ng iba. Hindi ba’t nakakapagod iyon? Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na mas maunawaan ang aking tiwaling disposisyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o katangi-tanging indibidwal, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, o dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. Ang ilang tao, kapag pinagawa ng isang bagay, ay nagsasabing alam nila kung paano ito gawin, kahit na sa katunayan ay hindi. Pagkatapos, palihim, sasaliksikin nila ito at susubukang matutuhan kung paano ito gawin, ngunit pagkatapos itong pag-aralan nang ilang araw, hindi pa rin nila nauunawaan kung paano ito gawin. Kapag tinanong kung kumusta sila rito, sinasabi nila, ‘Malapit na, malapit na!’ Pero sa kanilang puso, naiisip nila, ‘Hindi ko pa nauunawaan, wala akong ideya, hindi ko alam kung ano ang gagawin! Hindi ako puwedeng magpahuli, dapat ituloy ko ang pagkukunwari, hindi ko maaaring hayaang makita ng mga tao ang aking mga pagkukulang at kamangmangan, hindi ko maaaring hayaang hamakin nila ako!’ Anong problema ito? Isa itong impiyernong buhay na sinusubukang huwag mapahiya sa anupamang paraan. Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katwiran. Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, bagkus ay nais nilang maging superhuman, katangi-tanging indibidwal, o kahanga-hanga. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap. … Anong masasabi mo, hindi ba’t namumuhay ang gayong mga tao nang lumilipad ang isip? Hindi ba nangangarap sila nang gising? Hindi nila kilala kung sino sila mismo, ni hindi nila alam kung paano isabuhay ang normal na pagkatao. Ni minsan ay hindi sila kumilos na tulad ng praktikal na mga tao. Kung araw-araw ka na lang lutang mag-isip, iniraraos lang ang gawain, walang ginagawang anumang praktikal, at laging namumuhay nang ayon sa sarili mong imahinasyon, problema ito. Ang landas sa buhay na iyong pinili ay mali(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan Para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang kasalukuyang kalagayan ko. Dahil matagal na akong nagtatrabaho sa disenyo, natuto na ng ilang kasanayan at napili bilang lider ng grupo, naniwala akong may kakayahan ako at may pambihirang talento. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko nang ganito, pinahalagahan ko ang iniisip ng iba sa akin, nag-aalala na baka makita nila ang mga kakulangan ko at sabihing hindi ako karapat-dapat sa trabaho. Lalo na sa background image na ito, wala pa akong nagawang gampanin na kasinghirap nito noon, at hindi ako sigurado kung magtatagumpay ako, pero upang mapanatili ang reputasyon at katayuan ko, at makuha ang tiwala ng aking superbisor at lider, nagkunwari akong maayos ang lahat. Nang humarap ako sa mga isyu at hindi umuusad, hindi ako humingi ng tulong, at sa halip ay lihim akong naghirap. Nang tanungin ng lider ang tungkol sa pag-usad ko o anumang mga problema na mayroon ako, hindi ko sinabi sa kanya ang mga tunay kong isyu, kahit na hindi ko na malaman kung ano ang gagawin. Sa halip, nagsinungaling ako at nilinlang ang lider at superbisor, umabot pa nga sa pagpapanggap na napakahusay ko para isipin ng lider na kaya kong tapusin ang trabaho. Nagpanggap ako sa bawat aspekto para itago ang aking mga kakulangan. Palagi akong nagkukunwari na isa akong mahusay na manggagawa para isipin ng iba na kaya kong gawin ang kahit ano, at na alam ko ang lahat. Napagtanto ko na masyado akong hambog at mayabang. Sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya.” Totoo nga, paano magiging perpekto at may kakayahan ang isang tiwaling tao? Normal lang na hindi makaunawa, o hindi magawa ang ilang bagay sa tungkulin ng isang tao, pero wala akong ganoong saloobin sa mga kakulangan ko. Sa halip, pilit kong inilarawan ang sarili ko bilang isang mahusay na manggagawa. Ayaw kong maituring bilang isang karaniwan, may kapintasang nilikha lamang. Hinangad kong maging perpekto at walang kapintasan. Napakayabang ko na nawalan ako ng lahat ng katwiran. Dahil palagi akong nagpapanggap sa tungkulin ko, nag-aalala na makita ng iba ang totoong ako, at hindi humihingi ng tulong kapag hindi ko naiintindihan ang isang bagay, mabagal na umusad ang disenyo kahit na mabilis ito dapat natapos, at sobra akong napagod. Napagtanto ko na napakahangal ko para hangarin ang pagiging walang kapintasan. Palagi kong itinatago ang aking mga kakulangan, nang walang lakas ng loob na aminin at harapin ang mga ito. Dahil dito, hindi lang ako pagod at paimbabaw sa tungkulin ko, kundi naantala ko rin ang gawain ng iglesia. Nang mapagtanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos! Salamat sa kaliwanagan at paggabay Mo, na nakatulong sa akin na makita kung gaano kakalunus-lunos ang pagpapanggap ko. Handa na akong itama ang aking mga maling pananaw sa paghahangad ko sa hinaharap, magkaroon ng tamang saloobin sa aking mga kakulangan, magtanong kapag hindi ko naiintindihan, umiwas sa pagtatago at pagkukunwari, at gawin ang tungkulin ko sa isang praktikal na paraan.”

Kalaunan, binasa ko ang marami pang mga salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at matapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Napagtanto ko na kung gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko at mapuri ng Diyos, ang susi ay paghahanap sa katotohanan. Anumang mga tiwaling disposisyon ang ipinapakita ko o kung anong mga isyu ang mayroon ako sa tungkulin ko, kailangan kong magtapat sa Diyos sa panalangin para humingi ng patnubay, isantabi ang pagnanais ko para sa reputasyon at katayuan, hangaring makipagbahaginan sa mga kapatid, umiwas sa pagtatago at pagbabalat-kayo, magtapat, at hayaang makita ng lahat ang totoong ako, gawin lang kung ano ang kaya ko, umamin kapag hindi ko kaya, at hanapin ang katotohanan kasama ang iba. Ang paggawa ng tungkulin ko sa ganitong paraan ay hindi magiging gaanong nakakapagod at nakakapigil—magiging masaya ito. Nang mapagtanto ito, nagtapat ako sa pagbabahagi sa mga kapatid tungkol sa katiwaliang ipinakita ko sa buong proseso ng pagdidisenyo at binanggit ang mga isyung nakaharap ko para talakayin kasama sila. Tinuruan ako ng mga kapatid ng ilang bagong pamamaraan sa paggamit ng software at mga teknik sa pagguhit. Pagkatapos niyon, nagpatuloy akong tapusin ang background image, at talagang naging maayos ang buong proseso. Kalaunan, sinabi sa akin ng ilang kapatid, “Mas magandang tingnan ang background image mo kumpara sa mga nauna. Maaari mo bang ibahagi sa amin minsan ang karanasan mo at kung ano ang natutunan mo?” Tuwang-tuwa ako nang marinig ito at naramdaman kong tunay na naging kapaki-pakinabang ako. Sa pagbabalik-tanaw sa karanasan ko sa pagdidisenyo ng background, napagtanto ko na walang masama sa pagkakaroon ng mga kakulangan at kung malalaman ito ng iba. Ang magawang magtapat at maghanap sa katotohanan, at isantabi ang mga maling intensyon at pagnanasa ay ang pinakamahalaga. Mapapayapa at magiginhawahan ka sa paggawa ng tungkulin sa ganitong paraan.

Unti-unti, nakakagawa ako ng mga de-kalidad na disenyo para sa mahihirap na proyekto at mas maraming natatapos na produkto kaysa sa iba pang mga kapatid. Palagi silang humihingi sa akin ng payo sa mga konsepto ng disenyo at iba pang teknikal na katanungan. Noong una, sinasabi ko lang sa kanila ang nalalaman ko, pero habang dumarami ang mga nagtatanong, hindi namamalayang sinimulan kong isipin na, “Siguro, nakikita na ng lahat ang mga talento ko. Kung hindi, bakit nila hihingin ang payo ko?” Nang hindi namamalayan, sinimulan kong tamasahin talaga ang nasisiyahang pakiramdam na ito at lubos akong natutuwa sa sarili ko. Pero may nangyari na talagang hindi inaasahan. Sa isa sa mga background image na idinisenyo ko para sa isang himno, napansin ng lider ko ang isang isyu na lumalabag sa mga prinsipyo at tinawag ako para ibuod ang mga paglihis. Kailangan daw i-edit ang larawan sa araw na iyon o kung hindi ay maaantala ang gawain at tinanong niya kung kaya kong mag-edit nang mag-isa o kung kailangan ko ng tulong ng iba. Naisip ko, “Idinisenyo ko ang larawang ito, kung ipapasa ko ito sa iba, hindi ba’t magmumukhang kulang ang mga kasanayan ko? Iisipin ba ng mga tao na magaling lang ako sa salita, pero hindi talaga kayang gumawa? Hindi puwedeng mangyari iyon! Hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Kung maaayos ko ang problemang ito nang mag-isa, malalaman ng lahat na kaya kong gawin ang trabaho ko, na mapagkakatiwalaan at karapat-dapat akong linangin.” Nang mapagtanto ko ito, sinabi ko sa lider na aayusin ko ito nang mag-isa ayon sa mga prinsipyo. Habang nag-eedit, may isang bahagi ng larawan na hindi ko talaga maisipan ng magandang konsepto. Dahil paubos na ang oras at natigil pa rin ako sa konseptong iyon, talagang na-stress ako, gusto ko lang matapos ito kaagad, pero kahit anong pagbabago ko sa disenyo, hindi ito gumagana. Natigil ako sa konseptong iyon hanggang alas-singko ng umaga, at wala pa rin akong naisip. Malabo ang isipan ko. Noon ko lang naitanong sa sarili ko, bakit ako nagkakaroon ng ganitong isyu. Bigla kong napagtanto na ang sanhi kung bakit lumalabag sa mga prinsipyo ang disenyo ko ay dahil may ilang aspekto ng mga prinsipyo ang hindi ko nauunawaan. Nakaantala na sa gawain ang pag-eedit nito. Hindi nga ako sigurado kung maaayos ito ng pag-eedit ko, at apurahang kinakailangan ang larawang ito, kaya alam kong dapat akong humingi ng tulong. Pero upang mapanatili ang aking katayuan at reputasyon, at itago ang aking mga kakulangan, sinisikap ko lang na paghirapan ito nang mag-isa. Hindi ba’t inaantala ko ang gawain ng iglesia? Nang mapagtanto ko ito, labis akong nakonsensiya at dali-dali akong nagdasal sa Diyos para magsisi, “O Diyos! Nakagapos ako sa aking tiwaling disposisyon. Sa sandaling nagkakaproblema ako, nagkukunwari akong ayos lang ang mga bagay-bagay para hangaan ako ng iba. Hindi ko kayang harapin nang tama ang mga kakulangan ko. Masyadong nakakapagod ang ganitong pagganap sa tungkulin ko! Minamahal na Diyos, pakiusap gabayan Mo po ako para makilala ang aking katiwalian at mabitiwan ang aking banidad, para makapagsagawa ako ayon sa mga salita Mo.” Pagkatapos magdasal, naisip ko ang sumusunod na mga salita ng Diyos: “Palagi kang naghahangad ng kadakilaan, karangalan, at katayuan; palagi kang naghahangad na maging mas mataas kaysa sa iba. Anong nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ito? Kinamumuhian Niya ito, at lalayo Siya sa iyo. Habang lalo kang naghahangad ng mga bagay gaya ng kadakilaan, karangalan, at pagiging mas mataas kaysa iba, kilala, katangi-tangi, at kapansin-pansin, lalo kang kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili at magsisisi, itataboy ka at tatalikdan ka ng Diyos. Iwasan mong maging isang taong kasuklam-suklam para sa Diyos; maging isang taong minamahal ng Diyos. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Sa pamamagitan ng masunuring pagtanggap sa katotohanan, pagtayo sa posisyon ng isang nilalang, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos nang nakatapak ang mga paa sa lupa, pagganap sa mga tungkulin nang maayos, pagiging isang matapat na tao, at pagsasabuhay ng isang wangis ng tao. Sapat na ito, masisiyahan na ang Diyos. Dapat siguruhin ng mga tao na huwag mag-ambisyon o mag-isip ng mga walang-saysay na pangarap, huwag maghangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan o mamukod-tangi sa karamihan. Bukod pa roon, hindi nila dapat subukang maging isang dakilang tao o superman, na nakalalamang sa mga tao at nagpapasamba sa mga tao. Iyan ang hangarin ng tiwaling sangkatauhan, at ito ang landas ni Satanas; hindi nililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Kung ang mga tao ay patuloy na naghahangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan nang hindi nagsisisi, wala nang lunas para sa kanila, at iisa lang ang kalalabasan nila: ang itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Tinukoy ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko: Palagi kong hinahabol ang reputasyon, katayuan, at paghanga. Nang makatapos ako ng mas maraming disenyo kaysa sa iba at nakumpleto ang mahihirap na proyekto nang may garantisadong kalidad, hindi namamalayang naging mayabang ako. Higit pa roon, kapag lumalapit sa akin ang iba nang may mga katanungan, labis akong nasisiyahan at tinamasa ang pakiramdam ng hinahangaan. Nang magkaroon ng isyu ang isa sa mga larawan ko at ibinalik, at iminungkahi ng lider na tumulong sa pag-edit nito ang isa pang kapatid para mas mabilis, hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, inaalala ko lang na mabubunyag ang kawalan ko ng kakayahan kung hahayaan ko ang iba na tumulong. Para mapanatili ang sarili kong reputasyon at katayuan, at maiwasan ang maliitin ng iba, mag-isa kong inako ang pag-edit. Nang maharap ako sa mga isyu, sa halip na humingi ng tulong, nagtiis ako at piniga ang utak ko, inaantala ang lahat. Kung titingnan, mukha akong nagtatrabaho nang lagpas sa oras para sa tungkulin ko, pero ang totoo, sinusubukan ko lang patunayan ang mga talento ko sa pamamagitan ng pag-aayos sa larawan, ipinaparamdam sa iba na mapagkakatiwalaan at maaasahan ako. Nakita ko na labis akong nagnanasa ng reputasyon at katayuan. Sinusuri ng Diyos ang ating mga iniisip—nagawa ko mang linlangin ang mga kapatid, hindi ko malilinlang ang Diyos, at gaano ko man kahusay na itago ang mga kakulangan ko, kung hindi magbabago ang tiwali kong disposisyon at hindi ko makakamit ang katotohanan, kamumuhian pa rin ako ng Diyos at ititiwalag ako. Naantala ko ang gawain ng iglesia sa aking paghahangad ng reputasyon at katayuan, at kung hindi ako magninilay-nilay at magsisisi sa Diyos, nililinlang ko lang ang sarili ko at ang iba, ipinapahamak ang sarili ko. Nang mapagtanto ito, kaagad akong humingi ng tulong sa isang sister na magaling sa disenyo. Tinalakay namin kung paano i-edit ang larawan at nagkaroon ako ng mas malinaw na konsepto pagkatapos noon. Maya-maya pa, natapos ko na ang pag-edit.

Kalaunan, nagpatuloy akong magnilay-nilay kung bakit palagi kong sinisikap na itago ang mga kakulangan ko. Nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagkaroon ng malalim na epekto sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nakakahiya ba ang hindi malaman kung paano gawin ang ilang bagay? Mayroon bang sinumang kayang gawin ang lahat? Hindi nakakahiya ang hindi malaman kung paano gawin ang ilang bagay. Huwag kalimutang isa ka lang ordinaryong tao. Walang sinumang nagpapahalaga o sumasamba sa iyo. Ganoon lang ang isang ordinaryong tao: isang ordinaryong tao. Kung hindi mo alam kung paano gawin ang isang bagay, sabihin mo lang na hindi mo alam kung paano ito gawin. Bakit mo susubukang magbalatkayo? Kamumuhian ka ng mga tao kung palagi kang nagbabalatkayo. Hindi magtatagal, mailalantad mo ang iyong sarili, at sa oras na iyon, mawawala ang iyong dignidad at iyong integridad. Ito ang disposisyon ng isang anticristo—palagi niyang iniisip ang kanyang sarili bilang isang taong alam gawin ang lahat, bilang isang taong kayang gawin ang lahat, na may kakayahan at may kahusayan sa lahat ng bagay. Hindi ba’t magdadala ito sa kanya ng problema? Ano ang gagawin niya kung mayroon siyang matapat na saloobin? Sasabihin niya: ‘Hindi ako bihasa sa teknikal na kasanayang ito; may kaunti lang akong karanasan. Nagawa ko na ang lahat ng alam ko, pero hindi ko nauunawaan itong mga bagong problemang kinakaharap natin. Samakatwid, dapat tayong matuto ng ilang propesyonal na kaalaman kung gusto nating gawin nang maayos ang ating tungkulin. Ang pagpapakabihasa sa propesyonal na kaalaman ay magbibigay-daan para epektibo nating magawa ang ating tungkulin. Ipinagkatiwala sa atin ng Diyos ang tungkuling ito, kaya may responsabilidad tayong gawin ito nang maayos. Dapat nating pag-aralan ang propesyonal na kaalamang ito batay sa isang saloobin ng pag-ako ng responsabilidad para sa ating tungkulin.’ Ito ay pagsasagawa ng katotohanan. Hindi ito gagawin ng isang taong may disposisyon ng isang anticristo. Kung may kaunting katwiran ang isang tao, sasabihin niyang: ‘Ito lang ang alam ko. Hindi mo ako kailangang pahalagahan, at hindi ko na kailangang magpa-importante—hindi ba’t mapapadali niyon ang mga bagay-bagay? Miserable ang palaging pagbabalatkayo. Kung may isang bagay tayong hindi alam, puwede natin itong matutunan nang sama-sama at pagkatapos ay magtulungan nang maayos para gawin ang ating tungkulin nang maayos. Dapat tayong magkaroon ng responsableng saloobin.’ Pagkakita nito, iisipin ng mga tao, ‘Mas mabuti ang taong ito kaysa sa atin; kapag may dumating sa kanilang problema, hindi nila pikit-matang pinipilit ang kanilang sarili na lampasan ang kanilang mga limitasyon, ni hindi nila ito ipinapasa sa iba, o tinatalikuran ang responsabilidad. Sa halip, inaako nila ito mismo at hinaharap ito nang may seryoso at responsableng saloobin. Ito ay isang mabuting tao na seryoso at responsable sa kanilang gawain at tungkulin. Mapagkakatiwalaan sila. Tama ang sambahayan ng Diyos na ipagkatiwala sa kanila ang mahalagang gampaning ito. Tunay na sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao!’ Sa paggawa ng kanilang tungkulin sa ganitong paraan, mapaghuhusay nila ang kanilang mga kasanayan at makakamit ang pagsang-ayon ng lahat. Paano nakakamit ang pagsang-ayon na ito? Una, hinaharap nila ang tungkulin nila nang may seryoso at responsableng saloobin; pangalawa, nagagawa nilang maging matapat na tao, at mayroon silang praktikal at palaaral na pag-uugali; pangatlo, hindi maitatanggi na nasa kanila ang patnubay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang gayong tao ay may pagpapala ng Diyos; ito ay isang bagay na kayang kamtin ng isang taong may konsensiya at katwiran. Kahit mayroon silang mga tiwaling disposisyon, kapintasan, at pagkukulang, at hindi nila alam kung paano gawin ang maraming bagay, nasa tamang landas pa rin sila ng pagsasagawa. Hindi sila nagbabalatkayo o nanlilinlang; mayroon silang seryoso at responsableng saloobin sa kanilang tungkulin, at isang nananabik at banal na saloobin sa katotohanan. Hindi kailanman magagawa ng mga anticristo ang mga bagay na ito dahil ang kanilang paraan ng pag-iisip ay palaging magiging iba sa mga nagmamahal at naghahangad sa katotohanan. Bakit magkaiba silang mag-isip? Dahil nasa kalooban nila ang kalikasan ni Satanas; namumuhay sila ayon sa disposisyon ni Satanas para makamit ang kanilang layon na magtamo ng kapangyarihan. Palagi silang naghahangad na gumamit ng iba’t ibang paraan para makisali sa mga pakana at panlilinlang, inililihis ang mga tao sa anumang paraan para sambahin at sundan sila. Samakatwid, para maloko ang mga tao, hinahanap nila ang lahat ng uri ng paraan para magbalatkayo, mandaya, magsinungaling, at manlinlang, para mapaniwala ang iba na tama sila sa lahat ng bagay, na may kakayahan sila sa lahat ng bagay, at na kaya nilang gawin ang anumang bagay; na mas matalino sila kaysa sa iba, na mas marunong sila kaysa sa iba, na mas nakauunawa sila kaysa sa iba; na mas mahusay sila sa lahat ng bagay kaysa sa iba, at na nakahihigit sila sa iba sa lahat ng aspekto—maging na sila ang pinakamahusay sa pinakamahusay sa anumang grupo. Mayroon silang ganoong pangangailangan; ito ang disposisyon ng mga anticristo. Kaya, natututo silang magpanggap bilang isang bagay na hindi sila, na nagbubunga ng bawat isa sa iba’t ibang pagsasagawa at pagpapamalas na ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikatlong Bahagi)). Likas na mapanlinlang at buktot ang mga anticristo. Para mapanatili ang kanilang katayuan at reputasyon, wala silang hindi gagawin; nagpapanggap sila, nagsisinungaling at nanlilinlang ng iba. Naisip ko ang isang anticristo na itiniwalag sa iglesia namin: Para maitatag ang sarili at makakuha ng paghanga, hindi siya humihingi ng tulong kapag nahaharap sa mga isyu, at nagkukunwaring mas maraming nalalaman kaysa sa totoo, mas gusto niyang maantala ang gawain ng iglesia para mapanatili ang kanyang katayuan at imahe. Binabanggit lang niya ang mga tagumpay niya at hindi ang kanyang mga kabiguan, nagdudulot ng kawalan sa gawain ng iglesia sa maraming pagkakataon, at hindi kailanman nagsisi. Dahil dito, sa huli ay itiniwalag siya sa iglesia. Inihambing ko ang pag-uugali niya sa sarili ko: Hindi ako tumuon sa paghahanap ng katotohanang prinsipyo sa tungkulin ko, hindi tinanggap ang pagsusuri ng Diyos o gumawa sa praktikal na paraan, at palaging nagpapanggap para hangaan ng iba. May problema talaga sa disenyo ko, pero sa kabila ng walang malinaw na konsepto kung paano ito i-edit, hindi ako naghanap at nakipagtalakayan sa mga kapatid, at sa halip ay naging determinado akong ayusin ito nang mag-isa. Hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, at hangga’t may kaunting pag-asa pa, ayaw kong ilantad ang mga pagkukulang ko, na para bang hindi malaking bagay ang pag-antala sa gawain ng iglesia at ang pinakamahalaga ay ang mapanatili ang imahe ko. Ginawa ko ang lahat para itago ang mga banta sa imahe at katayuan ko, kahit sobrang nakakapagod at mahirap na gawin ito. Pakiramdam ko, ang pagkawala ng “magandang imahe” ko ay magiging katulad ng pagkawala ng buhay ko. Nagbunyag ng isang disposisyon ng anticristo ang mga kilos ko. Nang mapagtanto ko ito, medyo natakot ako. Maaaring hindi ko nagawa ang lahat ng uri ng kasamaan tulad ng isang anticristo, pero palagi akong naghahangad ng reputasyon, katayuan at paghanga ng iba, kumikilos pa nga nang mapanlinlang at dinadaya ang iba. Kung hindi ko lulutasin ang disposisyong ito, sa huli ay ibubunyag at ititiwalag ako ng Diyos. Kaya, nagdasal ako sa Diyos at nagsisi, handang isantabi ang aking banidad at katayuan para magsagawa ayon sa Kanyang mga salita.

Mula noon, kapag may mga problema sa mga disenyo ko na hindi ko kayang asikasuhin nang mag-isa, agad akong nakikipag-ugnayan sa iba at nagtatapat sa pagbabahagi, naghahanap at nakikinig sa kanilang mga mungkahi. Kung minsan, magkasama kaming nagdidisenyo. Isang beses, nagkaroon ako ulit ng problema sa isang disenyo at nabigong makausad kahit na matagal-tagal ko itong pinag-isipan. Kinumusta ng lider ko ang pag-usad ko at ginusto kong magpanggap, pero agad kong napagtanto na sinusubukan ko na namang panatilihin ang katayuan at reputasyon. Pagkatapos, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, o magkukubli ng mga bagay-bagay, kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, hindi itatago ang iyong mga kaloob-loobang ideya at saloobin, sa halip ay hahayaang makita ng iba ang matapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging matapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensiya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Labis na nakakapagbigay ng motibasyon ang mga salita ng Diyos. Alam kong hindi ako dapat patuloy na magpanggap; kailangan kong harapin ang mga kakulangan ko nang matapat at mahinahon. Kahit anong isipin ng iba sa akin, kailangan kong sabihin ang totoo, at maghanap ng solusyon kasama ang iba. Nagkataon na nagkaroon ng pagtitipon noong araw na iyon, kaya nagtapat ako sa pagbabahagi tungkol sa mga paghihirap at katiwalian ko. Pagkatapos magsalita, gumaan ang pakiramdam ko. Nang talakayin ko ang lahat sa iba, tinulungan nila akong makaisip ng paraan para maayos ang disenyo, at hindi nagtagal, natapos ko ang pag-edit. Napakasaya ko! Naramdaman ko kung gaano kaganda na maging bukas at maging matapat nang hindi nagpapanggap! Lahat ay dahil sa pagliligtas ng Diyos kaya ko napagtanto ito at nakamit ang pagbabago. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  9. Ang mga Alalahanin Ko Tungkol sa Pagtatanggal ng mga Huwad na Lider

Sumunod:  11. Ang Hindi Pagsusumikap sa Aking Tungkulin ay Nakapinsala sa Akin

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger