35. Hindi Mabuburang Pagsisisi
Isang araw noong Nobyembre 2020, nabalitaan ko na isang lider ng iglesia na nagngangalang Zhao Jun ang naaresto ng mga pulis. Dahil medyo pamilyar ako sasitwasyon sa iglesia ni Zhao Jun, sinabihan ako ng akingnakatataas na lider na pumuntaroon para unawain kung ano baang nangyari, kung paano naaresto si Zhao Jun, at para gawin nangnapapanahon ang gawain ng pangangasiwa sa kinahinatnan. Nang matanggap ko ang pagtatalagang ito, medyonatakot ako, iniisip na, “Dahil kaaaresto lang kay Zhao Jun, magigingnapakamapanganib para sa akin na pumunta ngayon sa iglesiangiyon. Kapag nahuli ako ng mga pulisna nagmamanman sa amingiglesia, ano ang mangyayari saakin? Hindi ba’t papunta ako sa isangbitag?” Pero naisip ko kung paanongnakauugnayan ni Zhao Jun ang maraming tao at ang mganagpapatuloy na pamilya at manganganib silang lahat dahil naaresto na si Zhao Jun. Alam ko na dapat kong sabihanang lahat para makapag-ingatkaagad. Dahil nakapagpasya na ako, agad akong pumunta sa iglesiapara sabihan ang mga kapatid. Nang sumunod na araw, nalaman ko na may nangyari sadalawang nagpapatuloy napamilya na dinalaw ko noongnakaraang gabi. Hindi nagtagal pagkaalis ko, sinalakay ang bahay noongisang pamilya at kapwa naarestoang mag-asawa noong isa pang pamilya. Kung medyo huli akong umalis, baka naaresto rin ako. Noong Disyembre, mayroonpang sunud-sunod namalawakang pang-aaresto saiba’t ibang iglesia. Ang sister na naging kaparehako, kasama ang mahigit satatlumpung kapatid, kabilang na ang mga lider at manggagawa, ay sunud-sunodna naaresto. Isa itong napakamapanganib nasitwasyon at napakahalaga na sabihan ko ang ibang mga kapatid nanasasailalim sa mga natatagongpanganib, na kailangan nilangmagtago at ilipat ang mga aklatng mga salita ng Diyos sa ibapara maingatan. Nang panahong iyon, nawalanna kami ng ugnayan sa ilangiglesia, walang mga angkop na tahananpara pagtaguan ng mga aklat ng mga salita ng Diyos at ng pag-aari ng iglesia, at walang matutuluyang mgaligtas na matitirahang bahay ang ilan naming kapatid. Dahil nahaharap ako sa gayonkahirap na sitwasyon, medyonanghina ako, natakot at nabahala. Para bang maaari akongmaaresto anumang oras. Naisip ko, “Paano kung maaresto ako at bugbugin ako hanggangmamatay ako sa gayon kabatangedad?” Buong araw na nakakunot ang noo ko dahil sa pag-aalala at parang napakabagal ng paglipasng mga araw. Patuloy kong iniisip kung kailan matatapos ang sitwasyong ito. Nang panahong iyon, nabalitaanko na ilang sampu-sampungespesyal na mga pulis mula saprobinsya ang dumating na may partikular na layongarestuhin ang mgamananampalataya. Lalo pa akong kinabahan at natakot, iniisip na, “Tinutugis na akopara arestuhin, kaya hindi ba’t parang isinusukoko na ang sarili ko sa mga puliskung ililipat ko ang mga aklat? Kung susundan at aarestuhinnila ako, siguradong hindi akobasta pakakawalan ng mgapulis. Puwedeng patayin ng CCP nangwalang pananagutan ang mgamananampalataya—kung aarestuhin nila ako, bubugbugin kaya nila akohanggang mamatay ako? Nananampalataya ako sa Diyos, tinalikuran at ginugol ko ang sarili ko sa loob ng maraming taon, para lamang mabugboghanggang mamatay? Makakamtan ko pa rin ba ang kaligtasan? Kung hindi na, hindi ba’tmagiging walang saysay ang maraming taon ko ng pagdurusa? Kung mahahatulan ako ng ilangtaong pagkakabilanggo, paano ko kakayanin ang buhaysa kulungan?” Hindi ko makayanang isipin ang buhay sa kulungan, kung saanmas mabuti pang mamatay nalang kaysa sa mabuhay sagayong mga kondisyon. Namuhay ako sa palagiang takotat hindi ako nangahas namaglipat ng mga aklat, kaya sumulat ako kay Brother Li Yi, hinihiling sa kanyang ilipat ang mga aklat sa lalong madalingpanahon. Gayumpaman, hindi akonakatanggap ng sagot mula sakanya pagkatapos kong sumulatng ilang liham. Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa rin naililipat ang mgaaklat. Nag-aalala ako na baka sisihinako ng aking nakatataas na liderdahil iresponsable ako sa akingtungkulin, kaya hiniling ko sa lider namagtalaga ng iba para mangasiwa ng kinahinatnan. Para pagtakpan ang personal kong mga layunin at motibo, sinabi ko na mababa ang aking tayog, na wala akong karanasan saganitong uri ng sitwasyon, at para sa ilang aspekto ng gawain, kailangan kongmakipagtalakayan at kumonsulta sa iba. Magbibigay-daan ito na isipinng lider na ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para gawin ang tungkulin ko, at nanagdadala ako ng pasanin sagawain ng iglesia. Sa ganoong paraan, hindi akosisisihin ng lider kahit pa lumitaw ang mga problema. Pagkatapos na pagkataposniyon, itinalaga ng aking lider si Sister Yun Qing para makatuwang ko sapangangasiwa ng kinahinatnan.
Pagkatapos niyon, naging mas tensyonado ang sitwasyon sapaglipas ng mga araw—sunud-sunod na dumating ang mga balita na naaresto ang mgakapatid at nabalitaan ko rin na nakakuhaang mga pulis ng impormasyontungkol sa maraming kapatid. Sumulat ako ng mga liham samga lider ng grupo nainuudyukan silang ipaalam salahat ng kapatid na magtagokaagad, pero hindi ko talaga magawangalalahanin ang kaligtasan ng mga kapatid. Lubos akongnababahala at natatakot, nag-aalalang isang araw salalong madaling panahon, maaaresto rin ako, kaya nabigo akong gumawa ng ilang detalyadong gawain, hindi ko nasabihan ang mgataong kailangang magtago, nadapat ay ginawa ko at, dahil doon, naaresto ang isang sister na nagngangalang Wang Lan. Kalaunan, pinauwi na siya at namatay siya sa loob ng sampung oras. Labis akong nakonsensiya—kung mas nagsikap pa ako nangkaunti at ginawa ko ang responsabilidad ko para sabihan nang napapanahonsi Wang Lan na kailanganniyang magtago, maaaring hindi siya naaresto at namatay. Ako ang responsable sapagkakaaresto kay Wang Lan at walang maidadahilan dito.
Hindi nagtagal pagkataposnoon, lumapit sa akin ang nakatataas kong lider na dalaang isang ulat na isinulat ng mga kapatid tungkol sa akin, na inilalantad kung paanong sapinakamahalagang panahon, nabigo akong protektahan ang mga kapatid, na hindi ko inilipatkaagad ang mga aklat ng mgasalita ng Diyos, na makasarili at kasuklam-suklam kong pinrotektahan ang sarili ko, at na hindi ko pinrotektahan at pinanatili ang gawain ng iglesia. Pagkatapos ay nagpatuloy ang lider na tanggalin ako noon din. Napagtanto ko na namumuhayako sa kaduwagan nangpanahong iyon at nabigo akonggumawa ng tunay na gawain. Nararapat akong tanggalin. Sa kalagitnaan ng mgadebosyonal at pagninilay ko, nabasa ko ang siping ito ng mgasalita ng Diyos: “Ang unang pundamental na bagay na dapat gawin ng mga lider at manggagawa ay ang panatilihing nababantayan nang tama ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, ang magsagawa ng wastong pagsusuri at magbantay para sa sambahayan ng Diyos, hindi hayaan ang anumang aytem na masira, masayang, o magamit sa maling paraan ng masasamang tao. Ito ang pinakamababang bagay na dapat nilang gawin. Sa sandaling mahirang ka bilang isang lider o manggagawa, itinuturing ka ng sambahayan ng Diyos bilang katiwala nito: Kasama ka na sa mga namamahala, at ang gampaning pinapasan mo ay mas mabigat kaysa sa pinapasan ng iba. Nagdadala ka ng isang malaking responsabilidad. Kaya ang bawat saloobin mo, ang bawat kilos mo, ang bawat plano mo sa pangangasiwa ng mga isyu, at ang bawat pamamaraan mo sa paglutas ng mga problema, ay kinasasangkutan lahat ng mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung ni hindi mo isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o isinasapuso ang mga iyon, hindi ka angkop na maging isang tagapangasiwa ng Kanyang sambahayan. … Kaya, pagdating sa pagpili ng mga lider at manggagawa, kung titingnan ito mula sa perspektiba ng pagkatao, ano ang pangunahing bagay na dapat taglay nila? Dapat ay mayroon silang konsensiya at pagpapahalaga sa katarungan, at dapat ay wasto ang mga motibo nila. Dapat munang makapasa sa pamantayan ang pagkatao nila. Gaano mang kakayahan sa gawain ang taglay nila, o anumang antas ng kakayahan ang taglay nila, ang mga ganoong klaseng tao ay magiging mga tagapangasiwang pasok sa pamantayan kung maglilingkod sila bilang mga superbisor. Kahit papaano man lang, magagawa nilang itaguyod ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang mga interes ng lahat ng kapatid. Siguradong hindi nila ipagkakanulo ang mga interes ng mga kapatid ni ng mga nasa sambahayan ng Diyos. Kapag malapit nang mapahamak o mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang mga kapatid, pinag-isipan na nila ito nang maaga, at sila ang mauunang pumrotekta sa mga ito, kahit pa ang paggawa niyon ay makakaapekto sa kaligtasan nila, o mangangailangan na sila ay magbayad ng halaga o magdusa. Lahat ito ay mga bagay na kayang gawin ng mga taong may konsensiya at katwiran. Ang ilang huwad na lider at manggagawa ay nagmamadaling humanap ng ligtas na lugar na mapagtataguan kapag nahaharap sila sa mapapanganib na sitwasyon, pero pagdating sa mahahalagang aytem ng sambahayan ng Diyos—ang mga libro ng mga salita ng Diyos, mga cell phone, computer, at iba pa—wala silang pakialam sa mga ito ni tinatanong nila ang tungkol sa mga ito. Kung nag-aalala sila kung paano maaapektuhan ng pagkaaresto nila ang kabuuan ng gawain ng iglesia, puwede naman silang magpadala ng ibang mga tao para pangasiwaan ang mga ito—pero ang mga huwad na lider na ito ay nagtatago lang alang-alang sa kanila mismong kaligtasan. Takot na takot sila, at para matiyak ang kanilang kaligtasan, hindi nila ginagawa kung ano ang kaya nila. Kaya maraming pagkakataon kung saan ang kapabayaan, kawalan ng aksyon, at pagiging iresponsable ng mga huwad na lider ay nagdudulot na masamsam at makuha ng malaking pulang dragon ang iba’t ibang aytem ng sambahayan ng Diyos at handog sa Diyos kapag nagkakaroon ng mapapanganib na sitwasyon, na nagdudulot ng mga seryosong kawalan. Kapag ang mga sitwasyong iyon ay nagsisimula pa lang mangyari sa iglesia, ang unang dapat isipin ng mga lider at manggagawa ay ang ilagay sa mga angkop na lugar ang mga kagamitan at materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos, ang ipagkatiwala ang mga iyon sa mga angkop na tao para mapamahalaan; hinding-hindi dapat hayaan ang malaking pulang dragon na kunin ang mga iyon. Pero walang gayong mga iniisip kailanman ang mga huwad na lider; kailanman ay hindi nila inuuna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, sa halip inuuna nila ang sarili nilang kaligtasan. Ang kabiguan ng mga huwad na lider na gumawa ng tunay na gawain ay madalas na nagdudulot na magdusa ng kawalan o pinsala ang iba’t ibang mahalagang aytem ng sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t isa itong seryosong kapabayaan sa tungkulin sa bahagi ng mga huwad na lider?” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (11)). Malinaw na inilarawan ng mgasalita ng Diyos ang mgaresponsabilidad ng isang lider. Ang isang lider ay dapat na may pagkatao at pagpapahalaga sakatarungan at dapat namapagkakatiwalaan. Sa mga kritikal na oras, dapatpalaging protektahan ng mgalider ang mga kapatid at ingatan ang mga aklat ng mgasalita ng Diyos, kahit namangahulugan pa ito ng pagdanas ng pagdurusa at pagkokompromiso ng kanilangsariling mga personal na interes. Lubhang makasarili at kasuklam-suklam ang mgahuwad na lider at kahit napaminsan-minsan aynagasagawa sila ng gawain, iyon ay laging ang gawaing masgusto nila. Sa lahat ng bagay, isinasaalang-alang nila ang kanilang sarilingmga interes at hindi kailanmaninisip talaga ang mga interes ngsambahayan ng Diyos. May mahinang karakter ang gayong mga tao at kinasusuklaman sila ng Diyos. Kung ikukumpara, nakita kongwala akong pinagkaiba sa mgahuwad na lider na inilantad ng mga salita ng Diyos. Noong magsimulang mangyariang mga pang-aaresto sa iglesia, ipinasa ko sa ibang tao ang mapanganib na gawain, hinilingkay Li Yi na ilipat ang mgaaklat, at noong hindi siya tumugon samga liham ko sa oras, akomismo ay hindi agad inilipatang mga aklat, sa halip ay sumulat ako sa akingnakatataas na lider naipinapaliwanag na may maliitakong tayog at hinihiling salider na magtalaga ng ibang taopara gawin ang gawaing iyon. Nagdahilan ako para protektahan ang sarili ko at ipinasa sa iba ang mapanganib na gawain upang hindi isapalaran ang sariliko. Habang palala nang palala ang aming kapaligiran, parang ayaw ko lang pumasoksa mga detalye ng pangangasiwa sa mgakinahinatnan, sa halip iniraraos ko lang ito at kumikilos na parang gumagawaako, iniuutos sa iba ang gawainmula sa itaas, at ipinapasa sa mga lider ng grupo ang lahat ng gawain ng pangangasiwa sa mgakinahintnan, kaya napilitansilang magpakita at lutasin ang mga sitwasyon nang sila lang. Nang marinig ko nananganganib na maaresto si Wang Lan, dapat nagsulat akokaagad ng liham para paalalahanan siyang magtago. Kung ginawa ko iyon, marahilay hindi siya naaresto at namatay. Pero namumuhay ako sa takot at pagkakimi at hindi sinabihanang mga tao na dapat ay ginawako. Naging negatibo at mahina ang ilang kapatid, pero hindi akonakipagbahaginan at sumuportasa kanila. Isinaalang-alang ko kung paanoprotektahan ang mga interes ko mula sa pagkapinsala sa lahat ng sitwasyon at hindi inisip ni kaunti ang gawain ng iglesia. Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko! Bilang isang lider ng iglesia, responsabilidad ko naprotektahan ang hinirang namga tao ng Diyos at ang mgainteres ng sambahayan ng Diyos, pero umatras ako sa akingtungkulin sa pinakamahalagangoras. Makasarili, kasuklam-suklamako, nagmalasakit lang sa sariliko at wala kahit katiting nakonsensiya o katwiran. Bilang resulta, naaresto at pinahirapan hanggang mamatayang aking sister, naantala ang gawain ng iglesia, at nakagawa ako ng isangwalang hanggangpagsalangsang.
Kalaunan, nabasa ko ang sipingito ng mga salita ng Diyos: “Hindi maliit na usapin ang paggawa ng tungkulin; lubos na nabubunyag ang mga tao sa paggampan nila ng tungkulin nila, at itinatakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa tuloy-tuloy na pagganap nila habang ginagawa ang tungkulin nila. Ano ang ibig sabihin kung hindi ginagawa nang maayos ng isang tao ang tungkulin niya? Nangangahulugan ito na hindi niya tinatanggap ang katotohanan o hindi siya tunay na nagsisisi, at itinitiwalag siya ng Diyos. Kapag natanggal ang mga huwad na lider at huwad na manggagawa, ano ang kinakatawan nito? Ito ang saloobin ng sambahayan ng Diyos sa gayong mga tao at, siyempre, kinakatawan din nito ang saloobin ng Diyos sa gayong mga tao. Kung gayon, ano ang saloobin ng Diyos sa mga walang silbing tao na gaya ng mga ito? Itinataboy, kinokondena, at itinitiwalag sila ng Diyos. Kaya, gusto pa rin ba ninyong magpasasa sa mga pakinabang ng katayuan at maging isang huwad na lider?” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Pagkatapos basahin ang mgasalita ng Diyos, dumaloy saaking mukha ang mga luha. Nakita ko na isang tanda ng poot ng Diyos ang pagkakatanggal sa akin at nadama ko na hindi nalalabagang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa pagbabalik-tanaw ko kung paanong palaging una kongisinaalang-alang ang sarili kongkaligtasan, hindi pinrotektahan ang gawainng iglesia, hindi isinaalang-alang ang kaligtasan ng akingmga kapatid, na humantong sa mga hindi namaibabalik na kahihinatnan, labis akong nagsisi. Kahit hindi ako napahamak, hindi ko natupad ang mgaresponsabilidad ko, nakagawa ako ng isangpagsalangsang na hindi ko kailanman magagawang punan at nagdulot sa Diyos para kamuhian at kasuklaman ako. Sarili kong kasalanan na iniulatako ng aking mga kapatid. Noong panahong iyon, madalasakong umiyak habang iniisip ito at kinamuhian ko ang akingsarili dahil sa pagigingnapakagahaman ko sa buhay at sa takot na mamatay. Tuwing nababanggit ito, nakadadama ako ng kirot sapuso ko at nadama kong may pagkakautang ako sa Diyos at saaking mga kapatid. Kinamuhian ko ang sarili kodahil hindi ako naiiba sa isanghayop at inisip ko na walangparusa mula sa Diyos ang masyadong mabigat para saakin.
Pagkatapos niyon, nagsimulaakong maghanap upangmaunawaan kung bakit palagi kong sinusubukang protektahanang sarili ko kapag naharap akosa mahihirap na sitwasyon. Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Sa pamamagitan ng pagbabasang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang satanikong lason na “Ang bawattao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay malalimna nag-ugat sa kaibuturan ko at naging pamantayan ko kung paano ako kumilos bilang isangtao. Kapag naharap sa mgapanganib, patuloy kongpinrotektahan ang sarili ko at hindi nagpakita ng pag-aalalapara sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, nag-aalala lamang kung paanoko maiiwasang maaresto at ipinapasa sa ibang tao ang mapanganib na gawain. Ang naiisip ko lang ay tungkolsa sarili kong kaligtasan, wala akong ganang gawin ang gawain ng pangangasiwa sakinahinatnan, at hindi ko tinupad ang mgaresponsabilidad ko. Dahil lamang sa ibang kapatidna nauwing naglipat sa mgaaklat ng mga salita ng Diyos saoras kaya hindi nakompromiso ang mga interes ng iglesia. Namumuhay ako ayon sa mgalason ni Satanas at naging labis na makasarili, kasuklam-suklam at ganap nawalang pagkatao. Sa bawat pagkakataon, nabigoakong isagawa ang katotohanan, wala ni katiting na katapatan saaking tungkulin at namuhi at nasuklam ang Diyos sa pag-uugali ko. Kung hindi pa rin ako nagsisi at nagbago, mawawala ko ang pagkakataon kong maligtas. Noon ko napagtanto kung gaanokalalim ang katiwalian ng akingdisposisyon at na paraan ng pagliligtas ng Diyos sa akin ang pagtatanggalna ito.
Pagkatapos ay nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Binitay ba sila nang naaayon sa batas para sa mga krimen nila? Hindi. Ipinapalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi ito tinanggap ng mga tao ng mundo, at sa halip ay kinondena, binugbog, at pinagalitan sila, at pinatay pa nga sila—ganyan kung paano sila minartir. … Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Malinaw na ipinaliliwanag ng mga salita ng Diyos ang ibigsabihin ng pagiging martir para sa Diyos. Tapat sa Diyos hanggang sakamatayan ang mga apostol at disipulo ng Panginoong Jesus at isinuko ang kanilangmahahalagang buhay para maipalaganap ang ebanghelyong Diyos. Ginamit nila ang kanilangbuhay para patotohanan ang Panginoong Jesus bilang Diyosat magpatotoo sa gawain ng pagtutubos ng Diyos sasangkatauhan. Sa ngalan ng pagpapalaganap saebanghelyo ng Panginoong Jesus, binato si Esteban hanggang samamatay at ipinako sa krus si Pedro nangpabaligtad. Bagama’t namatay ang kanilanglaman, makabuluhan at kagalang-galang ang kanilangkamatayan. Pinuri ng Diyos kung paano nilaginamit ang kanilang sarilingbuhay para patotohanan Siya. Ngayon ay nahaharap ang mgamiyembro ng iglesia samatinding pang-uusig at mga pang-aaresto at sinasaktan at pinahihirapan ang mga kapatid kapag naaaresto, pero hindi sila sumuko kay Satanas at gugustuhing mabilanggokaysa ipagkanulo ang Diyos. Tungkol kay Wang Lan, piniliniyang mamatay sa halip namaging isang Hudas. Sa kabaligtaran, sa sitwasyongiyon ay isinaalang-alang ko lang ang sarili kong kaligtasan, inuna ang sarili kong buhaykaysa ibang bagay, wala kahit katiting na katapatansa aking tungkulin at hinditinupad ang mgaresponsabilidad ko. Bagama’t hindi ako naaresto at naingatan ang buhay ko, hindinaman ako nagpatotoo at isang kahihiyan ang mabuhay. Labis akong nakokonsensiya at ayaw ko nang patuloy namamuhay ng gayong isangwalang dangal na pag-iral. Napagtanto ko rin na ginagamit ng Diyos ang malaking pulang dragon para magserbisyo at matukoy kung sino ang isangtunay mananampalataya at kung sino ang isang huwad namananampalataya, kung sino ang nagpapatotoo at kung sinong hindi at pagkatapos ay pinagbubukod-bukod sila ayon sa kanilang uri. Ito ang karunungan ng gawainng Diyos. Pagkatapos ko itong matanto, naging determinado akonggawin nang maayos ang tungkulin ko at manindigan saaking patotoo tungkol sa Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, nanagsasabing, “O Diyos, nagingnapakamakasarili ko at kasuklam-suklam. Dahil nasindak akong maarestoat mapahirapan, hindi ko pinrotektahan ang gawain ng iglesia at nakagawa ako ng isangwalang hanggangpagsalangsang. Mula ngayon, anumangsitwasyon ang kaharapin ko, isasapalaran ko ang aking buhayupang panatilihin ang mgainteres ng iglesia. Hindi na akomamumuhay ng isang walangdangal na pag-iral. Handa kong ilagay ang buhayko sa Iyong mga kamay at magpasakop sa Iyong kataas-taasang kapangyarihan at mgapagsasaayos.”
Makalipas ang ilang buwan, muli akong napili bilang isanglider ng iglesia. Ilang araw pa lang pagkataposkong gawin ang tungkulin ko, nakatanggap ako ng isang lihammula sa aking nakatataas nalider na nagsasabing nakakuha ang CCP ng litrato ko mula sapagrerekord ng closed-circuit television. Pinayuhan ako ng lider natumigil sa pagpapakita ng akingmukha sa publiko maliban nalang kung talagangkinakailangan. Pagkatanggap ko sa liham, medyo nag-alala ako, pero hindinito naimpluwensiyahan kung paano ko ginawa ang tungkulinko. Kung hinihingi ng gawain nalumabas ako, magbabalat-kayo ako nang kaunti at pagkataposay lalabas para gawin ang tungkulin ko. Hindi nagtagal pagkataposniyon, maraming kapatid saaking iglesia ang naaresto at kinailangan ko mulingpangasiwaan ang kinahinatnan. Napagtanto ko na sinusubok akong Diyos. Sa kabila ng medyo pagkabalisaat pag-aalala, naisip ko ang tungkol sa kung paanong noon ay makasarili at kasuklam-suklam ako, ipinasa sa ibang tao ang mapanganib na gawain, ay nag-iwan ng permanentengmantsa sa aking talaan sa Diyosnaging katatawanan ni Satanas—ngayong nahaharap sakasalukuyang sitwasyon, kailangan kong magsisi at tumigil mamuhay nang gaya ng dati. Tahimik akong nanalangin sa Diyos, sinasabi sa Kanyanghanda akong magtiwala sa Kanya para pangasiwaan ang mga kinahinatnan sa lalongmadaling panahon. Pagkatapos noon, gumawa ako kaagad ng mgadetalyadong pagsasaayos sagrupo ng mga lider para mailipat ang mga libro ng mgasalita ng Diyos at matagumpay na nailipatkaagad ng mga kapatid ang lahat ng aklat. Sa pagsasagawa nang ganito, mas napanatag ako at alam ko na galing sa Diyosang katahimikang ito. Makalipas ang dalawangbuwan, mahigit sa sampungkapatid ang naaresto, kabilang na ang isang dating lider ng iglesia. Naharap man sa ganitongsitwasyon, hindi ako tumuon sapagpapanatili ng sarili kongkaligtasan gaya ng ginawa ko noon, sa halip ay nagtitiwala ako sa Diyos para pangasiwaan ko ang kinahinatnan, protektahan ang aking mgakapatid at iwasang makompromiso ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kumonsulta ako sa mgakatrabaho ko kung paano pinakamabilis namasasabihan ang mga kapatidpara magtago at ilipat ang mgaaklat. Sa pakikipagtulungan ng mgakapatid, matagumpay na nailipatlahat ang mga aklat. Nang marinig ko ang magandang balita, napakasayako at nagpasalamat sa Diyospara sa gabay Niya! Naalala ko kung paanong, noon, pinrotektahan ko ang sarili kongmga interes sa bawat punto, umatras sa aking tungkulin at nabunyag bilang isang huwadna lider. Sa pagkakataong ito, sa wakas ay hindi ako napigilan ng akingtakot sa kamatayan at nagawa kong isagawa ang katotohanan at tuparin ang mgaresponsabilidad ko. Dahil lahat sa mga salita ng Diyos kaya nagawa ko ang pagbabagong ito.