87. Pagtatagumpay Laban sa Kadiliman ng Imperyoridad
Mahiyain talaga ako noong bata pa ako, at tuwing may dumarating na mga bisita sa bahay, nagtatago ako sa likod ng aking mga magulang, at kapag sinasabihan nila akong tawagin ang bisita na tito o tita, masyado akong nahihiya nagawin iyon. Biro pa ng nanay ko sa mga bisita, “Pipi ang batang ito at hindi makapagsalita.” Madalas ding sabihin ng nanay ko na wala akong mararating sa buhay o hindi ako kailanman magiging matagumpay. Dahil sa kakulangan ko sa husay sa pagsasalita, madalas akong pinagtawanan at pinuna, at talagang takot akong magsalita sa harap ng iba. Sa tuwing nahaharap ako sa isang sitwasyon kung saankailangan kong magsalita, ginagawa ko ang lahat para makaiwas dito. Noong nag-aaral pa ako, hindi ako kailanman sumali sa anumang gawain, at palagi lang akong nasa isang sulok, tahimik na nag-aaral. Noong taong nagtapos ako sa unibersidad, sinabi ng guro na kalipikado akong mairekomenda para sa graduate school, at talagang napakasaya ko, pero nang marinig kong may panayam sa mga propesor, kinabahan ako nang husto, iniisip kung gaano kahina ang kakayahan ko sa pakikipag-usap, at na kung hindi ako sasagot nang malinaw, mapapahiya lang ako. Nakipagtalo ako sa sarili ko sa loob ng ilang araw pero hindi pa rin ako nakahanap ng lakas ng loob na dumalo sa panayam. Pagkatapos matagpuan ang Diyos, nakita kong hayagan at direktang nagtitipon at nagbabahaginan ang mga kapatid, at na walang sinuman ang tumatawa sa kaninuman at naramdaman kong napalaya ako. Unti-unti, nagsimula akong sanayin ang sarili ko na makipag-usap sa lahat ng tao nang mula sa aking puso, ibinabahagi ang aking kalagayan at mga pagkaunawa. Minsan, medyo nagpapaligoy-ligoy ako sa pagsasalita, pero hindi ako minaliit ng mga kapatid, at mas naramdaman kong hindi ako napipigilan. Sa paglipas ng panahon, nagsimula akong magsalita nang mas madalas. Isang araw, sa isang pagtitipon, napalayo ako sa paksa habang nagbabahagi, at pinatigil ako ng lider ng grupo. Naramdaman kong namula sa pagkapahiya ang aking mukha, at ginusto ko na lang na maghanap ng butas na mapagtataguan. Naalala ko ang sinabi ng aking mga magulang na wala akong mararating sa buhay, at tila tama nga sila. Pakiramdam ko ay wala akong silbi dahil sa kakulangan ko ng kahusayan sa pagsasalita, at na mananatili akong hindi napapansin sa isang sulokbuong buhay ko. Sa sandaling iyon, sinabi ko sa sarili ko, “Mas mabuting huwag na lang akong masyadong magsalita sa harap ng mga tao para maiwasang mailantad ang akingmga kapintasan at mapagtawanan ako.” Pagkatapos noon, sa loob ng mahabang panahon, itinikom ko ang aking bibig. Sa labas ng mga pagtitipon ng grupo, patuloy akong nanahimik, nakikinig lang sa pagbabahagi ng iba. Minsan may sarili akong pagkaunawang batay sa karanasan, pero pagkatapos ay naiisip ko kung paanong hindi ko mabuo nang maayos ang gusto kong sabihin at kung paanong nagpapaligoy-ligoy ako, at naisip ko na kung patitigilinakong muli sa pagsasalita, lubos akong mapapahiya, kaya’t hindi ko na ginustong magbahagi. Kalaunan, gumagawa ako ng mga video para sa iglesia. Pinili ako ng mga kapatid bilang lider ng pangkat dahil nakita nilang mas may kakayahan ako sa larangang ito. Pero nang maisip ko na ang pagiging lider ng pangkat ay nangangahulugang kakailanganin kong ipatupad at subaybayan ang gawain, at na kakailanganin kong makipagbahaginan at lutasin ang mga problema ng mga kapatid, nag-alala ako, iniisip na, “Dahil sa hindi maayos na pananalita ko, paano kung hindi ko magawa nang maayos ang tungkuling ito? Magiging sobrang nakakahiya iyon!” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong natatakot, kaya sinabi ko sa lider na may mahina akong kakayahan at hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito, kaya’t dapat silang pumili ng ibang kapatid para sa posisyon. Ibinahagi ng lider sa sakin ang mga layunin ng Diyos, iminumungkahing sumandig ako sa Diyos at magsanay saglit para makita kung ano ang mangyayari, at sumang-ayon ako nang may pag-aalinlangan. Noong panahon ko bilang lider ng pangkat, naging napakapasibo ko, at sa tuwing kinakailangan kong mag-host sa isang pagtitipon o magbahagi, umiiwas ako, hinahayaang mas magsalita ang aking kapareha. Hindi niya naunawaan kung bakit ginagawa ko ito. Sinabi niya na nagawa kong matuklasan ang mga isyuhabang ginagawa ang aking tungkulin, na may sarili akong mga kaisipan at perspektiba, at na kaya kong magpahayag ng ilang kabatiran habang nagbabahagi ng mga salita ng Diyos, at na hindi naman gaanong mahina ang aking kakayahan, kaya’t nagtataka siya kung bakit palagi kong iniiwasang magsalita. Hinimok niya akong magsanay pa. Pero ano pa man ang sabihin niya, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako sapat, at ilang beses ko pa ngang sinubukang magbitiw sa tungkulin. Sa huli, natanggal ako dahil sa aking pagiging masyadong pasibo sa aking tungkulin. Kalaunan, sinabihan ako ng lider ng pangkat na makipagtulungan sa kanya sa pangangasiwa sa gawain ng pangkat. Medyo nag-alala ako, iniisip na, “Hindi ako magaling magsalita; sana hindi ako maipahiya ang sarili ko.” Ibinahagi sa akin ng lider ang mga layunin ng Diyos, sinasabing kailangan niya ng isang taong maalam tungkol sa mga kasanayang ito para makipagtulungan sa kanya. Medyo nakonsensiya ako nang marinig siyang sabihin ito. Kahit hindi ako mahusaymagsalita, maaari pa rin akong gumawa ng ilang gawain sa larangang ito, at ang pakikipagtulungan sa lider ng pangkat ay kinakailangan para sa gawain. Kung palagi akong iiwas, hindi ba’t maaantala nito ang gawain? Nang maisip ang mga ito, sumang-ayon ako. Pagkatapos noon, paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko, “Bakit ba palagi kongsinusubukang tumakas at umatras kapag hinihingingmaging lider ako ng pangkat? Ano ba talaga ang sanhi ng ganitong pag-uugali?” Nang nasasaisip ang mga kalituhang ito, nanalangin ako sa Diyos para maghanap.
Sa isang pagtitipon, binasa ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at tinugunan nito ang akingisyu, nililinaw ang kalituhang ito sa aking puso. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang tao na noong bata pa, ordinaryo ang kanilang hitsura, hindi mahusay magsalita, at hindi masyadong mabilis mag-isip, kaya hindi naging kanais-nais ang mga komento sa kanila ng ilang miyembro ng kanilang pamilya at ng ibang tao sa lipunan, sinasabi ng mga ito na: ‘Mahina ang utak ng batang ito, matagal makaintindi, at hindi maayos magsalita. Tingnan ninyo ang mga anak ng iba, sa husay nilang magsalita ay madali nilang nakukumbinsi ang mga tao. Samantalang ang batang ito ay nakasimangot lang buong araw. Hindi niya alam ang sasabihin kapag nakakasalamuha ng mga tao, hindi alam kung paano ipapaliwanag o pangangatwiranan ang sarili niya kapag may nagawa siyang mali, at hindi natutuwa sa kanya ang mga tao. Mahina ang utak ng batang ito.’ Ganito ang sinasabi ng mga magulang, kamag-anak at kaibigan at ng mga guro niya. Ang ganitong kapaligiran ay nagdudulot ng partikular at hindi nakikitang panggigipit sa gayong mga indibidwal. Sa pagdanas sa ganitong mga kapaligiran, hindi namamalayang nagkakaroon siya ng partikular na uri ng mentalidad. Anong uri ng mentalidad? Iniisip niya na hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura, hindi gaanong kanais-nais, at na kahit kailan ay hindi natutuwa ang mga tao na makita siya. Naniniwala siya na hindi siya mahusay sa pag-aaral, na mahina ang utak niya, at palagi siyang nahihiya na buksan ang kanyang bibig at magsalita sa harap ng ibang tao. Sa sobrang hiya niya ay hindi siya nakapagpapasalamat kapag may ibinibigay sa kanya ang mga tao, iniisip niya, ‘Bakit ba laging umuurong ang dila ko? Bakit ang galing magsalita ng ibang tao? Hangal lang talaga ako!’ Hindi namamalayan, iniisip niya na wala siyang halaga…. Ang mga taong nakararamdam na mas mababa sila ay hindi alam kung ano ang kanilang mga kalakasan. Iniisip lang nila na hindi sila kanais-nais, palagi nilang nararamdaman na hangal sila, at hindi nila alam kung paano harapin ang mga bagay-bagay. Sa madaling salita, pakiramdam nila ay wala silang kayang gawin, na hindi sila kaakit-akit, hindi matalino, at mabagal silang makatugon. Ordinaryo lang sila kung ikukumpara sa iba at hindi matataas ang grado nila sa kanilang pag-aaral. Pagkatapos lumaki sa gayong kapaligiran, unti-unting nangingibabaw ang mentalidad na ito ng pagiging mas mababa. Nagiging palagiang emosyon ito na gumugulo sa puso mo at pumupuno sa iyong isipan. Ikaw man ay malaki na, marami nang karanasan sa mundo, may asawa na at matatag na sa iyong propesyon, at anuman ang iyong katayuan sa lipunan, itong pakiramdam ng pagiging mas mababa na itinanim sa iyong kapaligiran habang lumalaki ka ay imposibleng maiwaksi. Kahit matapos mong manampalataya sa Diyos at sumapi sa iglesia, iniisip mo pa rin na pangkaraniwan ang hitsura mo, mahina ang intelektuwal mong kakayahan, hindi ka maayos magsalita, at walang kayang gawin. Iniisip mo, ‘Gagawin ko na lang kung ano ang kaya ko. Hindi ko kailangang mag-asam na maging lider, hindi ko kailangang maghangad ng malalalim na katotohanan, magiging kontento na lang ako sa pagiging ang taong pinaka-hindi mahalaga, at hahayaan ko ang iba na tratuhin ako sa anumang paraang naisin nila.’ Kapag nagpakita ang mga anticristo at huwad na mga lider, pakiramdam mo ay hindi mo magawang kilatisin o ilantad ang mga ito, na hindi mo kayang gawin iyon. Pakiramdam mo na hangga’t ikaw mismo ay hindi isang huwad na lider o anticritso, sapat na iyon, na hangga’t hindi ka nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, ayos na iyon, at sapat na iyon basta’t nagagawa mo ang sarili mong tungkulin. Sa kaibuturan ng iyong puso, pakiramdam mo ay hindi ka sapat at hindi kasinghusay ng ibang tao, na marahil ang ibang tao ay maliligtas, pero ikaw ay hanggang tagapagserbisyo lang, kaya pakiramdam mo ay hindi mo kaya ang gawain ng paghahangad sa katotohanan. Ilang katotohanan man ang kaya mong maunawaan, pakiramdam mo pa rin na, dahil nakikita mong paunang itinadhana ng Diyos na magkaroon ka ng ganyang kakayahan at hitsura, kung gayon ay malamang na itinadhana ka Niya na maging isa lamang na tagapagserbisyo, at na wala kang kinalaman sa paghahangad sa katotohanan, pagiging lider, pagkakaroon ng responsableng posisyon, o sa pagkakaligtas; sa halip, handa kang maging ang pinaka-hindi mahalagang tao. Marahil ay hindi ka ipinanganak nang may pakiramdam ng pagiging mas mababa, pero sa ibang antas, dahil sa kapaligiran ng iyong pamilya at sa kapaligirang kinalakihan mo, sumailalim ka sa mga bahagyang dagok at hindi wastong mga paghuhusga, at dahil dito ay umusbong sa iyo ang pakiramdam ng pagiging mas mababa. Naaapektuhan ng emosyong ito ang tamang direksyon ng iyong mga paghahangad, naiimpluwensyahan nito ang wastong pag-aasam para sa iyong mga paghahangad, at pinipigilan din nito ang iyong mga wastong paghahangad. Sa sandaling mapigilan ang iyong wastong paghahangad at tamang determinasyon na dapat mong taglayin sa iyong pagkatao, masusupil ang iyong motibasyon na hangarin ang mga positibong bagay at hangarin ang katotohanan. Ang panunupil na ito ay hindi idinudulot ng kapaligirang nakapalibot sa iyo o ng sinumang tao, at siyempre, hindi itinakda ng Diyos na dapat mong pagdusahan ito, sa halip, ito ay idinudulot ng isang matinding negatibong emosyon sa kaibuturan ng iyong puso” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na palagi akong natatakot magsalita sa harap ng iba at gumawa ng aking tungkulin bilang lider ng pangkat dahil sa pagkaramdam ko ng imperyoridad. Noong bata pa ako, naging masyado akong mahiyain para bumati sa mga estranghero, at madalas sabihin ng aking mga magulang na pipi ako at hindi makapagsalita, at na wala akong mararating sa buhay, at sinabi rin ng mga kamag-anak na hangal ako dahil hindi ko alam kung paano sumunod sa mga kumbensiyong panlipunan sa kung anong sasabihin ko. Lubos na napinsala ng mga salitang ito ang aking pagpapahalaga sa sarili at nakaramdam ako ng imperyoridad. Dahil dito, madalas kong tinutukoy ang sarili ko bilang isang taong hindi mahusay sa pagsasalita, at tuwing nasa sitwasyon ako na kinakailangan kong magsalita, natataranta ako, kaya iniwasan at tinanggihan ko ang anumang tungkuling nangangailangan na madalas akong magbahagi at magsalita. Kapag nakakakita ako ng mga taong mas mahusay magsalita at may mas mataas na kakayahan kaysa sa akin, nakararamdam ako ng imperyoridad at kahihiyan, at nagiging negatibo na lang ako at umaatras ako. Kahit nang mabigyan ako ng oportunidad na maging lider ng pangkat, pakiramdam ko ay hindi ako karapat-dapat para dito, at ayaw kong aktibong gawin ang tungkuling iyon. Naapektuhan ng pagkaramdam ko ng imperyoridad ang aking mga perspektiba at layon sapaghahangad, na nagdulot na palagi kong limitahan ang aking sarili at iwasang umako ng mga responsabilidad, dahil dito, napalampas ko ang maraming oportunidad na maperpekto, na humantong sa mga kawalan sa aking buhay pagpasok. Ngayon, binigyan pa rin ako ng sambahayan ng Diyos ng oportunidad na magsanay bilang lider ng pangkat at ayaw kong malimitahan ako ng mga pagpipigil sa akin ng aking pagkaramdam ng imperyoridad, kaya’t nanalangin ako sa Diyos, hinihingi sa Kanyang gabayan ako at bigyan ako ng pananalig, para makalaya ako sa mga gapos at pagpipigil ng pagkaramdam ko ng imperyoridad.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagpakita sa akin ng landas para malutas ang aking pagkaramdam ng imperyoridad. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anuman ang sitwasyong nagdulot sa iyo na makaramdam ng pagiging mas mababa o kung sino o anong pangyayari ang sanhi nito, dapat mong taglayin ang tamang pagkaunawa sa iyong sariling kakayahan, mga kalakasan, talento, at sa kalidad ng sarili mong pagkatao. Hindi tama na makaramdam ng pagiging mas mababa, hindi rin tama na makaramdam ng pagiging mas nakatataas—parehong negatibong emosyon ang mga ito. Maaaring gapusin ng pagiging mas mababa ang iyong mga kilos at kaisipan, at iimpluwensyahan ang iyong mga pananaw at saloobin. Ang pagiging mas mataas ay mayroon ding ganitong negatibong epekto. Kaya, ito man ay pagiging mas mababa o iba pang negatibong emosyon, dapat mong taglayin ang tamang pagkaunawa sa mga interpretasyon na humahantong sa paglitaw ng emosyong ito. Una, dapat mong maunawaan na ang mga interpretasyong iyon ay hindi tama, at ito man ay tungkol sa iyong kakayahan, talento, o sa kalidad ng iyong pagkatao, ang mga pagsusuri at kongklusyon nila sa iyo ay palaging mali. Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa pakiramdam ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkamit ng pagkilala sa iyong sarili, pag-alam sa kung ano ang iyong pagkatao, kakayahan, at talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. … Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pagtibayin kung ano ang natutunan mo at kung saan nakasalalay ang mga kalakasan mo, at humayo ka at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat din na tumpak mong suriin at alamin kung ano ang kakayahan mo, at kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o malinaw na makilala ang sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatasin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at mabibigyan ka nito ng kakayahan na magkaroon ng batayang pagsusuri o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang pangunahing problema ng mga negatibong emosyon gaya ng pagiging mas mababa, at unti-unti kang makakaahon mula sa mga ito. Ang gayong mga pakiramdam ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung magagawa ng isang tao na kilalanin ito, mamulat tungkol dito, at hanapin ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, parang nagliwanag ang aking puso. Para mapagtagumpayan ang pagkaramdam ng imperyoridad, kailangan kong magkaroon ng tamang pagkaunawa sa aking sarili, sukatin ang sarili ko ayon sa mga salita ng Diyos, obhetibong tasahin ang aking mga kalakasan at kahinaan, at pagsikapang gampanan kung ano ang kaya kong gawin, at para sa aking mga kakulangan, dapat kong harapin ang mga ito nang mahinahon at tratuhin ang mga ito nang tama. Sa ganitong paraan, magagawako ang aking mga tungkulin nang hindi nakararamdam na napipigilan ako. Pinagnilayan ko ang lahat ng taon na nakaramdam ako ng imperyoridad, at napagtanto kong ganito ang naramdaman ko dahil palagi akong pinupuna ng aking mga magulang sa hindi ko kahusayan sa pagsasalita at dahil sa pagiging hindi ko mahusay sa pagpapahayag ngaking sarili, at pakiramdam ko ay mahina ang kakayahan ko sa pakikipag-usap, at na hindi ko maipahayag nang malinaw ang aking mga iniisip, kaya’t tuwing kinakailangan kong gawin ang mga tungkulinkung saan kinakailangan kongmagsalita at magbahagi nang madalas, natatakot ako. Pagkatapos ay kumalma ako para tasahin ang aking sarili, “Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng ilang kabatiran, at kaya ko nang ibahagi ang mga pagkaunawa kong batay sa karanasan para tulungan ang aking mga kapatid, na sinabi nilang nakatutulong sa kanila. Kaya ko ring lutasin ang ilang problemang may kinalaman sa kasanayan, at bagaman mahina ang mga kasanayan ko sa pakikipag-usap at nagpapaligoy-ligoy ako, hindi naman sobrang lala ang mga problemang ito na hindi ko na maipahayag nang maayos ang sarili ko o matupad ang anumang gampanin. Bukod pa rito, hindi ito isang suliraning walang kalutasan, dahil maaari kong paghusayin ang sarili ko sa larangang ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga artikulo at pagsasanay pasa pakikipagbahaginan.” Nang mapagtanto ito, hindi na ako gaanong nalula sa pressure ng paggawa ng aking tungkulin bilang lider ng pangkat, at napansin kong nakakaya ko nang gawin ito nang aktibo. Nang mapansin ko ang mga isyung kinakaharap ng aking mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, ginawa ko ang makakaya ko para makatulong na lutasin ang mga ito, at regular kong sinubaybayan ang progreso ng gawain ng mga kapatid sa aming pangkat, sinusuri ang mga paghihirapnila, at tinatalakay sa kanila ang mga solusyon, at kung hindi ko kayang lutasin ang isang bagay, kumokonsulta ako sa aking kapareha, at sa huli, palagi kaming nakahahanap ng paraan para makausad. Sa praktikal na paggawa ng tungkulin ko nang ganito, natuklasan kong kaya kong ipahayag nang malinaw ang aking mga kaisipan, na nauunawaan ako ng aking mga kapatid, at nagkaroon ako ng kaunting kumpiyansa sa aking mga tungkulin bilang lider ng pangkat. Pagkalipas ng ilang panahon, lumapit sa akin ang mga lider at sinabing matapos ang ilang talakayan, gusto nilang linangin ako bilang isang superbisor. Kapwa nagulat at natuwa ako nang marinig ang balitang ito, pero kaagad ko ring naisip kung paanong mahina ang mga kasanayan ko sa wika, at kung paanong hirap pa nga akong maging isang lider ng pangkat, at na alam ng mga kapatid sa pangkat ang aking mga kakulangan, at na nauunawaan nila kung may pagkukulang sa aking pagbabahagi, pero bilang isang superbisor, makakasalamuha ko ang mas marami pang tao, at kakailanganin kong manguna sa pagbabahaginan tuwing may mga pagtitipon at pagpapatupad ng gawain. Dahil sa mahinang kasanayan ko sa pagsasalita, natakot akong malalantad ang aking mga kakulangan sa sandaling ibukako ang aking bibig para magbahagi, at na kung hindi magiging mahusay ang aking pagbabahagi, mauuwi lang ako sa lubos na pagkapahiya. Kaya’t sinabi ko sa mga lider, “Hindi ko ito kaya, hindi ako nababagay sa posisyong ito, mas mabuting linangin ang ibang kapatid.” Pagkatapos ay ibinahagi ng mga lider sa akin ang mga layunin ng Diyos, hinihikayat akong huwag limitahan ang aking sarili, na magsanay at tingnan kung ano ang mangyayari, at na makipagtulungan ako sa iba para malutas ang anumang paghihirap. Kaya, pumayag akong gampanan ang posisyong ito pansamantala.
Matapos niyon, napaisip ako, “Napagtanto ko na naiimpluwensiyahan ako ng pagkaramdam ko ng imperyoridad, at nagawa kong tingnan nang tama ang aking sarili, kaya bakit nag-aatubili pa rin akong tanggapin ang posisyon ng superbisor at gusto kong iwasan ito?” Sa isa sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang ilang sipi mula sa mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting kalinawan tungkol sa ilan kong isyu. Sabi ng Diyos: “Anong klaseng disposisyon ito kapag ang mga tao ay palaging nagpapanggap, palaging pinagtatakpan ang kanilang sarili, palaging nagmamagaling upang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, at hindi makita ang kanilang mga pagkakamali o pagkukulang, kapag palagi nilang sinisikap na ipakita sa mga tao ang pinakamagandang aspekto nila? Ito ay kayabangan, pagkukunwari, pagpapaimbabaw, ito ang disposisyon ni Satanas, ito ay isang buktot na bagay. Tingnan natin ang mga miyembro ng satanikong rehimen: Gaano man sila maglaban-laban, mag-away-away, o pumatay nang lihim, walang sinumang maaaring mag-ulat o magsiwalat sa kanila. Natatakot sila na makikita ng mga tao ang kanilang mala-demonyong mukha, at ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ito. Sa harap ng iba, ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagtakpan ang kanilang sarili, sinasabi nila kung gaano nila kamahal ang mga tao, kung gaano sila kadakila, kamaluwalhati at kung paano sila hindi nagkakamali. Ito ang kalikasan ni Satanas. Ang pinakaprominenteng katangian ng kalikasan ni Satanas ay ang panloloko at panlilinlang. At ano ang mithiin ng panloloko at panlilinlang na ito? Para dayain ang mga tao, para pigilan silang makita ang diwa at tunay na kulay nito, at nang sa gayon ay makamtan ang mithiin na mapatagal ang pamumuno nito. Maaaring walang gayong kapangyarihan at katayuan ang mga ordinaryong tao, ngunit nais din nilang magkaroon ng magandang pagtingin ang ibang tao tungkol sa kanila, at magkaroon ng mataas na pagpapahalaga ang mga tao sa kanila, at iangat sila sa mataas na katayuan ng mga ito, sa puso ng mga ito. Ito ay isang tiwaling disposisyon, at kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala silang kakayahang makilala ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). “Ang mga taong hindi nagtatapat ng laman ng kanilang puso kahit kailan, na laging sinusubukang magkubli at magtago ng mga bagay-bagay, na nagpapanggap na sila ay kagalang-galang, na gustong tingalain sila ng iba, na hindi tinutulutan ang iba na lubos silang masukat, na nagnanais na hangaan sila ng iba—hindi ba’t hangal ang mga taong ito? Pinakahangal ang mga taong ito! Iyon ay dahil sa malao’t madali ay malalantad ang totoo tungkol sa mga tao. Anong landas ang kanilang tinatahak sa ganitong klase ng pag-uugali? Ito ang landas ng mga Pariseo. Nanganganib ba ang mga mapagpaimbabaw o hindi? Ito ang mga taong pinakakinasusuklaman ng Diyos, kaya sa tingin mo ba ay nanganganib ang mga ito o hindi? Lahat ng Pariseong iyon ay tumatahak sa landas tungo sa kapahamakan!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Inilalantad ng Diyos na madalas magtago at magbalatkayo ang mga tao, itinatago ang kanilang mga kapintasan at kakulangan sa iba para protektahan ang kanilang reputasyon at katayuan. Ang gayong mga tao ay mapagmataas, huwad, at mapagpaimbabaw. Sinuri ko ang aking pag-uugali ayon sa mga salita ng Diyos, at napagtanto ko na ako ang uri ng taong inilantad Niya. Mula pagkabata, nakontrol ako ng ideya na “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at binigyan ko ng malaking pagpapahalaga ang aking dangal at katayuan sa puso ng iba, palaging gustong magkaroon ng magandang opinyon at impresyon sa akin ang mga tao. Dahil hindi ako mahusay sa pagsasalita at madalas akong pinupuna ng mga nakatatandanoong bata pa ako, naniwala akong kakulangan ko ito, kaya tuwing nasa isang sitwasyon ako kung saan kailangan kong magsalita, pinipili kong iwasan ito. Matapos matagpuan ang Diyos, sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon, minsan akong pinahinto ng mga kapatid dahil sa pagpapaligoy-ligoy at paglayo ko sa paksa. at lubha akong napahiya. Pagkatapos noon, hindi ko na ginustong magbahagi sa mga pagtitipon at natakot akong magsalita sa harap ng iba. Ang pag-uugali ko ay isang paraan ng pagtatago at pagbabalatkayo sa aking sarili, iniiwasang makita ng iba ang aking mga kapintasan at kakulangan para hindi nila ako maliitin, at sa halip ay maipaisip sa mga tao na may mababang loob akoat hindi ako mahilig magpakitang-gilas, binibigyan ang mga tao ng magandang impresyon at opinyon sa akin. Kapag nagtitipon ang mga kapatid, ang layunin ay angpagbahaginan ang kanilang mga pagkaunawang batay sa karanasan kaugnay sa mga salita ng Diyos at ang tulungan at suportahan ang isa’t isa, pero dahil gusto kong itago ang aking mga kakulangan, iniwasan kong ibahagi ang aking mga pagkaunawang batay sa karanasan. Nilinang ako ng iglesia para magsilbi bilangisang lider ng pangkat at binigyan ako ng oportunidad para magsanay, pero patuloy kopa ring tinakasan at tinanggihan ang mga tungkulin. Kahit bilang lider ng pangkat, wala akong determinasyong gawin ang aking mga tungkulin, naging negatibo at pasibo ako, at ginusto kong magbitiw. Para protektahan ang aking dangal at katayuan, patuloy kong iniwasan ang aking mga tungkulin, ginagamit ang aking mahinang kakayahan bilang palusot para pagtakpan ang aking pagnanais para sa reputasyon at katayuan. Sa ganitong paraan, hindi lang hindi kukuwestiyunin ng mga kapatid ang aking pagtanggi na gawin ang aking mga tungkulin, kundi makikita rin nila ako bilang makatwiran, may kamalayan sa sarili, at hindi nakikipagkompitensiya para sa katayuan, at magkakaroon sila ng magandang impresyon sa akin. Gumagamit ako ng mga tusong pamamaraan para protektahan ang aking dangal at katayuan, at sa ganitong paraan, nililinlang at inililihis ko ang aking mga kapatid. Tunay na naging mapanlinlang ako rito!
Sa pamamagitan ng paghahanap at pag-iisip nang mabuti sa mga bagay-bagay, napagtanto kong may isa pa akong pananaw sa loob ko. Inakala ko na iyon lang may mahuhusay na kakayahan sa pagsasalita ang kalipikadong maging mga lider at manggagawa, at kung walang kahusayan sa pananalita ang isang tao, hindi siya angkop para sa posisyong ito. Pero tama ba talaga ang pananaw na ito? Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa iba’t ibang klase ng mga taong may talento na kababanggit Ko lang ngayon, ang unang klase ay iyong maaaring maging superbisor ng iba’t ibang aytem ng gawain. Ang unang hinihingi sa kanila ay ang magkaroon sila ng abilidad at kakayahan na umarok sa katotohanan. Ito ang pinakamaliit na hinihingi. Ang ikalawang hinihingi ay ang magbuhat sila ng pasanin—ito ay kailangang-kailangan. Mas madaling naaarok ng ilang tao ang katotohanan kaysa sa mga ordinaryong tao, mayroon silang espirituwal na pang-unawa, may mahusay na kakayahan, nagtataglay ng kapabilidad sa gawain, at pagkatapos ng ilang panahon ng pagsasagawa, tiyak na kaya na nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Pero may seryosong problema sa mga taong ito—wala silang pasanin. … Mayroon ding mga tao na may higit pa sa sapat na kakayahan para sa isang trabaho, ngunit sa kasamaang-palad, sadyang hindi sila nagbubuhat ng pasanin, ayaw nilang umako ng responsabilidad, ayaw nila ng suliranin, at ayaw nilang mag-alala. Bulag sila sa gawaing kinakailangang gawin, at kahit na nakikita nila ito, ayaw nilang asikasuhin ito. Ang ganitong uri ba ng mga tao ay mga kandidato para sa pag-aangat at paglilinang? Tiyak na hindi; kailangang magbuhat ng pasanin ang mga tao para maiangat at malinang. Ang pagbubuhat ng pasanin ay maaari ding ilarawan bilang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad. Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad ay mas may kinalaman sa pagkatao; ang pagbubuhat ng pasanin ay nauugnay sa isa sa mga pamantayang ginagamit ng sambahayan ng Diyos sa pagsukat sa mga tao. Ang mga nagbubuhat ng pasanin habang may karagdagang tinataglay na dalawa pang bagay—ang abilidad at kakayahan na maarok ang katotohanan, at ang kapabilidad sa gawain—ay ang mga uri ng tao na maaaring iangat at linangin, at ang ganitong uri ng mga tao ay maaaring maging mga superbisor ng iba’t ibang aytem ng gawain. Ang mga ito ang mga hinihinging pamantayan sa pag-aangat at paglilinang ng mga tao para maging iba’t ibang uri ng mga superbisor, at ang mga taong nakatutugon sa mga pamantayang ito ay mga kandidato para sa pag-aangat at paglilinang” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang pagiging isang lider at manggagawa ay pangunahing nakasalalay sa pagkatao ng isang tao at sa kakayahan niyang makaarok ng katotohanan. Gayundin, nakasalalay ito sa kung nakararamdam ba siya ng pasanin sa gawain at ng responsabilidad. Kapag ang mga taong may mahusay na kakayahan sa pakikipag-usap ay nagbabahagi ng katotohanan para lutasin ang mga problema, naipapahayag nila nang malinaw at lohikal ang kanilang mga kaisipan, at naaarok nila ang mahahalagang punto, na pinahihintulutan ang iba na maunawaan sila kaagad. Kapaki-pakinabang ito sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin. Gayumpaman, kung ang isang superbisor ay may mahusay na kasanayan sa pagsasalita, kakayahan, at magaling na abilidad sa gawain, pero hindi maganda ang kanyang pagkatao, naghahangad siya ng kaginhawahan, at ayaw niyang gumawa, at hindi siya nakararamdam ng pasanin sa kanyang mga tungkulin at siya ay iresponsable, ang gayong tao ay hindi rin angkop na maging lider at manggagawa. Maraming lider at manggagawa ang may mahuhusay na kasanayan sa pagsasalita at kakayahan, pero dahil hindi sila nakadarama ng pasanin para sa kanilang mga tungkulin at hindi sila gumagawa ng tunay na gawain, at nagpapakasasa sila sa mga kapakinabangan ng kanilang posisyon, tinanggal sila. Sa kabilang banda, nagkaroon na ng mga lider at manggagawa na hindi ganoon kataas ang kahusayan sa pagsasalita at ang kakayahan, pero nakararamdam sila ng pasanin para sa kanilang mga tungkulin at ng responsabilidad, at masipag silang gumagawa, at kaya nilang lumutas ng mga tunay na isyu para sa kanilang mga kapatid sa mga tungkulinng mga ito. Ang gayong mga lider at manggagawa ay kaya ring gumanap ng tunay na gawain, at pinagkakalooban sila ng iglesia ng mga oportunidad para magsanay. Noon, nilimitahan ko ang sarili ko bilang hindi angkop namaging lider ng pangkat o superbisor dahil lang sa mahina kong abilidad sa pagsasalita at kasanayan sa pakikipag-usap. Ito ay dahil sa kabiguan kong hanapin ang katotohanan, at hindi ko na maaaring ipagpatuloy na limitahan ang sarili ko gamit ang mga nakalilinlang na pananaw na ito.
Simula noon, pinagtuunan ko kung paano ko ganap na mapapasan ang aking mga tungkulin sa abot ng aking makakaya, at mapagsisikapang maabot ang aking potensyal, at sinimulan ko ring sadyang pagnilayan ang mga salita ng Diyos, pinagtutuunan ang paghahanap at pagsasagawa sa katotohanansa mga sitwasyong nakakaharap ko. Nang magkaroon ako ng kaunting aktuwal na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, nagsanay akong magsulat ng mga artikulo ng patotoo. Unti-unti kong natutunan kung paano magsalita nang lohikal at malinaw, at kung paano maipahayag nang malinaw ang aking mga kaisipan para mauunawaan ng iba, at nagsimula kong matutunan ang mga kasanayan sa pakikipag-usap. Pagdating ng oras para magpatupad ng gawain sa mga pagtitipon, hindi na ako gaanong natatakot katulad nang dati kapag sinasabihan akong manguna ng aking kapareha, at nakakaya ko na ring ibuod ang mga isyu at mga paglihis sa lahat, at sa gayon ay napaghuhusay ang pagiging epektibo ng aking mga tungkulin. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, nakadama ako ng kapayapaan at kapanatagan, at unti-unti, nakalaya ako mula sa anino ng pagkaramdam ko ng imperyoridad, at mas naging masiyahin ako kaysa dati. Hindi na ako ang taong nagtatago sa isang madilim na sulok, masyadong takot na magsalita ng anuman. Nagpapasalamat ako sa pagbibigay-liwanag at paggabay ng mga salita ng Diyos, dahil binigyang-kakayahan ako ng mga ito na unti-unting makatakas sa anino ng aking imperyoridad at magkaroon ng kakayahang gawin ang akingmga tungkulin bilang isang nilikha.