89. Mga Pagninilay Tungkol sa Hindi Pagtanggap sa Katotohanan

Isang Liham Para kay Ai Xi

Ni Shi Jing, Tsina

Mahal kong Ai Xi,

Ang tagal nating hindi nagkita! Kumusta ka na? Mahigit isang taon na tayong hindi nagkikita, pero pakiramdam ko ay sariwa pa sa isip ko ang nangyari noong magkasama nating gampanan ang ating tungkulin. Dahil hindi ko tinanggap ang katotohanan, nasaktan kita, at nagkalayo tayo. Sa tuwing naiisip ko ito, nakakaramdam ako ng pagkondena sa sarili. Gusto ko talagang sabihin sa iyo na “Patawad.” Isinulat ko ang liham na ito para sabihin sa iyo ang mga pagninilay at pagkaunawa ko.

Noong panahong iyon, tayo ang responsable sa gawain ng pagdidilig. Dahil kakasimula ko pa lang, wala pa akong masyadong alam sa tungkuling ito at madalas mo akong tinutulungan. Nang makita mo kung ano ang mga hindi ko nagawa nang maayos, binigyan mo ako ng mga gabay at paalala. Alam ko na ikaw ito na tumutulong sa akin. Pero habang itinuturo mo sa akin ang mas maraming bagay, nakaramdam ako ng pagkaligalig. Minsan, hindi maayos na nagtutulungan ang mga taong gumagawa ng tungkulin ng pagdidilig kaya kailangan kong sumulat ng liham para lutasin ang sitwasyon. Nakaramdam ako ng kaunting paghamak sa kanila, at pinagsabihan ko sila nang may patanong na tono. Nang makita mo ito, tinanong mo ako kung ano ang mentalidad ko noong isinulat ko ang liham, at diretsahan mong tinukoy ang mga problema ko. Sinabi mong hindi tama ang sumulat ng liham sa ganoong paraan, na kumikilos akong parang nakatataas, at mabilis itong magdudulot sa mga tao ng pakiramdam na sila ay nalilimitahan. Sinabi mong magnilay ako at baguhin ang aking liham. Bagaman napagtanto ko rin na nagpakita ako ng mapagmataas na disposisyon, patuloy pa rin akong nangatwiran laban dito sa puso ko, inisip ko na, “Bakit sa tuwing nagsusulat ako ng liham, lagi kang may problema rito? Pinagmumukha mo akong masama sa pagsasalita mo ng ganyan, na parang hindi ko man lang kayang lutasin ang isang simpleng problema. Ano ang iisipin ng iba tungkol sa akin kapag nalaman nila ito?” Hindi ko ito matanggap sa puso ko at nagkaroon ako ng negatibong pananaw laban sa iyo. Naisip ko rin na kapag nakakita ako ng problema sa iyo sa hinaharap, tutukuyin ko rin ito para hindi mo isipin na maaari mo akong diktahan. Isang beses, may isang taong namamahala sa pagbabantay sa mga aklat ng mga salita ng Diyos na naging iresponsable at pabaya. Sumulat ka sa kanya ng isang liham, ibinahagi at hinimay mo ang kalikasan at mga kahihinatnan ng ganitong mga kilos, gamit ang medyo mahigpit na pananalita. Ginamit ko ang isyung ito at sinabing ang paraan mo ng pagsusulat ay hindi tama, na kumikilos ka na parang nakatataas at sinesermonan ang mga tao, at ang pakikipagbahaginan sa ganoong paraan ay nakakapagpahirap para sa mga taong tumanggap. Nakipagbahaginan ka sa akin tungkol sa mga sitwasyon kung kailan natin maaaring pungusan ang iba, sa anong mga sitwasyon tayo maaaring makipagbahaginan at makipagtulungan sa iba, at sinabi mong nauunawaan ng taong ito ang lahat, mga iresponsable lamang sila, at sa ganitong mga sitwasyon, maaari natin silang pungusan. Alam kong tama at kapaki-pakinabang sa gawain ang sinabi mo, pero hindi ito matanggap ng puso ko. Parang ang lahat ng sinabi mo ay tama, at lahat ng ginawa ko ay mali, at palagi mo akong hinahanapan ng kamalian. Tila kailangan kong maging mas maingat sa hinaharap para maiwasang magbunyag ng anumang katiwalian o magsabi ng anumang mali, para hindi mo ako ilantad at ipahiya. Mula noon, nag-alinlangan ako at naging tahimik sa tungkulin ko at hindi ako nakaramdam ng anumang ginhawa kahit kaunti. Pagod na pagod ang aking kalooban. Karaniwan, kapag nakikita mong pabaya ako sa tungkulin ko, sinasabi mo ito sa akin. At kapag may mga naipon akong gawain na hindi ko natapos sa tamang oras, sinasabi mong tamad ako, naghahanap ng kaginhawaan at hindi ko kayang pasanin ang bigat ng tungkulin ko. Alam ko na ang mga problema ko ang tinutukoy mo pero palaging nagpupuyos sa galit ang puso ko at pakiramdam ko ay palagi mong isinisiwalat ang mga problema ko at nagsasalita nang diretsahan, nang walang pag-iingat at pagsasaalang-alang sa dangal at damdamin ko, inilalagay ako sa alanganin. Hindi ko ito matanggap sa puso ko. Ang magagawa ko lang ay magmadaling gampanan ang tungkulin ko, ramdam ang kawalan ng magawa at pagtutol, para maiwasang hindi mo na muling tukuyin ang mga problema ko. Dahil hindi ako naghangad ng katotohanan o nagnilay sa aking sarili, hindi na nalutas kailanman ang mga problema sa tungkulin ko.

Kalaunan, may isang pagkakataon na sumulat ako ng liham para ipabatid sa mga tagadilig ang ilang paglihis na kailangang itama sa gawain. Habang sumusulat ako, napansin ko na hindi ko naipapahayag nang malinaw ang mga bagay-bagay, hindi hindi na ako nagtangkang baguhin ito. Nang makita mo ang liham ko, muli mong tinukoy ang mga problema ko, sinabi mong hindi ko naipaliwanag nang malinaw ang mga bagay-bagay, at hindi mo malaman kung anong problema ang nais kong lutasin. Hiniling mo sa akin na maingat ko itong isaalang-alang at huwag maging pabasta-basta, at masusi kang nakipagbahaginan sa akin kung paano isusulat ang liham na ito. Muli akong nakaramdam ng paglaban sa puso ko, at naisip ko na, “Bakit palagi mong pinupuna ang mga kamalian ko at pinapahirapan ako? Kailanman ay hindi ako nagkaroon ng ganito karaming problema noong sumusulat ako ng mga liham dati, kaya paanong marami kang nakikitang mga maling bagay? Kapag nalaman ito ng lider o ng mga kapatid, ano ang iisipin nila sa akin? Iisipin ba nila na hindi ko man lang kayang lutasin ang ganitong maliliit na isyu at na isang pagkakamali ang piliin akong mamahala sa gawain ng pagdidilig? Hindi ko na alam kung paano pa makikipagtulungan sa gawaing ito. Palagi mong inilalantad ang mga pagkukulang ko at mababa ang tingin mo sa akin. Kaya ikaw na lang mismo ang gumawa nito at ikaw na rin mismo ang sumulat ng liham na ito. Pakiramdam ko ay sobrang nalilimitahan ako sa paggawa nang kasama ka!” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nababagabag, at naisip ko pa nga na gantihan ka, “Kapag hindi nagtagumpay ang mga bagay-bagay, susulat ako ng liham sa lider para iulat ang mga problema mo at imumungkahi ko na magbibitiw ako. Sa ganoong paraan, malalaman ng lider na hindi ako ang hindi gumagawa ng gawain, kundi ang pagiging mayabang mo ang dahilan kung bakit ayaw kong makipagtulungan, at siguradong pupungusan ka ng lider. Kung aalis ako at maaapektuhan ang gawain, magiging pagsalangsang mo ito, at makakaramdam ka ng pagkakonsensiya at pagkondena sa sarili. Iyan ang mapapala mo sa palaging pagtukoy sa mga problema ko!” Alam kong hindi ko dapat ito gawin, dahil ang paggawa nito ay kawalan ng pagkatao, pero hindi ko mapigilang makaramdam ng negatibong pananaw laban sa iyo. Sa mga pagtitipon, kinukuwento ko ang mga bagay na kamakailan ko lamang ibinunyag, pero dahil wala akong kaalaman sa sarili, ang bawat sinasabi ko ay may kasamang pagrereklamo at paninisi, na nagdulot sa iyo ng pakiramdam ng pagpipigil. Naramdaman kong naging maingat ka sa pakikipag-usap sa akin pagkatapos noon, nag-aalalang tukuyin ang mga problema ko dahil baka hindi ko ito matanggap, kaya ginawa mo ang iyong makakaya para maingat na makipagbahaginan sa akin. Subalit dahil wala akong kaalaman sa sarili, kaya nang banggitin mong muli ang mga problema ko, agad akong nanahimik at hindi kita pinansin. Isang beses, hindi kita kinausap nang mahigit sa isang araw, na nagdulot ng pagkaantala sa gawaing kailangan nating pag-usapan. Nahirapan akong huminga at nakaramdam ng sakit at nagtungo ako sa banyo upang umiyak. Nakita kong nagpunta ka sa ibang kuwarto dala ang isang kompyuter para magtrabaho at alam kong hindi rin maganda ang kalagayan mo. Pumasok sa isipan ko noon ang mga salitang “emosyonal na pang-aabuso,” at naramdaman ko na ganito ang inaasal ko, na nagdudulot ng pagpapahirap sa iyo. Pero hindi ko talaga kayang alisin ang sarili ko sa kalagayang ito, at umiiyak ako habang nagdadasal sa Diyos, nagnanais na itama ang kalagayang ito.

Nagbasa ako ng ilang mga salita ng Diyos noong oras na iyon, at sa loob nito ay may isang sipi na nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Sinasabi ng ilang tao, ‘Bago mapungusan, pakiramdam ko ay may landas akong susundan, pero pagkatapos mapungusan, hindi ko na alam ang gagawin.’ Bakit hindi nila alam ang gagawin nila matapos mapungusan? Ano ang dahilan nito? (Kapag nahaharap sa pagpupungos, hindi nila tinatanggap ang katotohanan o hindi sila nagtatangkang kilalanin ang sarili nila. Nagkikimkim sila ng ilang kuru-kuro at hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Dahil dito, nawawalan sila ng landas. Sa halip na hanapin ang sanhi sa kalooban nila, taliwas dito ang sinasabi nila, na ang pagkakapungos ang dahilan kaya nawalan sila ng landas.) Hindi ba’t pagbabaling ito ng sisi? Parang sinasabi na ring, ‘Ang ginawa ko ay alinsunod sa mga prinsipyo, pero dahil sa pagpupungos mo, naging malinaw sa akin na hindi mo ako hinahayaang pangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo. Kung gayon, paano naman ako magsasagawa sa hinaharap?’ Ito ang ibig sabihin ng mga taong nagsasabi ng gayong mga bagay. Tinatanggap ba nila ang pagkakapungos? Tinatanggap ba nila ang katunayan na may nagawa silang mga pagkakamali? (Hindi.) Hindi ba’t ang aktuwal na kahulugan ng pahayag na ito ay na alam nila kung paano gumawa ng mga maling gawa nang walang pakundangan, pero kapag pinupungusan at hinihiling na kumilos ayon sa mga prinsipyo, hindi nila alam kung ano ang gagawin at nalilito sila? (Oo.) Kung gayon, paano nila ginawa ang mga bagay noon? Kapag nahaharap sa pagkakapungos ang isang tao, hindi ba’t ito ay dahil hindi siya kumilos ayon sa mga prinsipyo? (Oo.) Walang pakundangan siyang gumagawa ng mga maling gawa, hindi niya hinahanap ang katotohanan, at hindi niya ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo o sa mga panuntunan ng sambahayan ng Diyos, kaya nakakatanggap siya ng pagpupungos. Ang layunin ng pagpupungos ay para bigyang-kakayahan ang mga tao na hanapin ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo, para maiwasan na maulit nila ang walang pakundangang paggawa nila ng mga maling gawa. Gayumpaman, kapag nahaharap sa pagkakapungos, sinasabi ng mga taong iyon na hindi na nila alam kung paano kumilos o magsagawa—may anumang elemento ba ng kaalaman sa sarili ang mga salitang ito? (Wala.) Wala silang layuning kilalanin ang sarili nila o hanapin ang katotohanan. Sa halip, ipinapahiwatig nila: ‘Dati kong nagagawa nang napakaayos ang mga tungkulin ko, pero mula nang pungusan mo ako, ginulo mo ang isip ko at nilito mo ang pagharap ko sa mga tungkulin ko. Ngayon, hindi na normal ang pag-iisip ko, at hindi na ako kasingmapagpasya o kasingmapangahas gaya ng dati, hindi na ako ganoon katapang, at lahat ng ito ay dahil sa pagkakapungos. Simula nang mapungusan ako, malalim nang nasugatan ang puso ko. Kaya, dapat kong sabihan ang iba na maging napakaingat sa paggawa ng mga tungkulin nila. Hindi sila dapat magbunyag ng mga kapintasan nila o magkamali; kung magkakamali sila, mapupungusan sila, at pagkatapos ay magiging kimi sila at mawawala ang sigla na minsan na nilang taglay. Manghihina nang husto ang mapangahas nilang espiritu, at maglalaho ang kanilang matinding lakas ng loob at pagnanais na ibigay ang lahat ng makakaya nila, iniiwan silang mahina ang loob, takot na takot, at pakiramdam nila ay wala na silang ginagawang tama. Hindi na nila mararamdaman ang presensiya ng Diyos sa puso nila, at mararamdaman nilang lalo silang napapalayo sa Kanya. Kahit ang pagdarasal at pagtawag sa Diyos ay tila hindi masasagot. Mararamdaman nila na wala na ang dati nilang sigla, sigasig, at pagiging kaibig-ibig, at magsisimula pa nga silang hamakin ang sarili nila.’ Ang mga salitang ito ba ang mga taos-pusong salita na ibinahagi ng isang taong may karanasan? Tunay ba ang mga ito? Nakakapagpatibay o kapaki-pakinabang ba ang mga ito sa mga tao? Hindi ba’t pagbabaluktot lang ito sa mga katunayan? (Oo, napakakakatwa ng mga salitang ito.)” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (17)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, bigla kong naisip ang sarili kong pag-uugali at mga pagbubunyag. Palagi kong iniisip na ako ang nalilimitahan. Inakala kong hindi ako kahit kailan nagkaroon ng ganito karaming problema sa pagsusulat ng mga liham noon, pero ngayon, sa iyo, tila napakaraming mga problema, at hindi ko na alam kung paano makikipagtulungan para magawa ang gawaing ito—sa katunayan, baluktot ang lahat ng mga kaisipang ito. Kapag sumusulat ako ng mga liham, ibinubunyag ko ang isang mapagmataas na disposisyon at nililimitahan ko ang mga tao. Pabaya ako sa paglutas ng mga problema, at kadalasan ay tamad at walang pasanin sa aking tungkulin. Sa pagtukoy mo ng mga problemang ito sa akin, inaako mo ang responsabilidad sa gawain at tinutulungan mo ako, na nagbigay-daan sa akin para mapagnilayan at malaman ang sarili kong mga isyu sa tamang panahon, para magampanan ko ang tungkulin ko ayon sa mga katotohanang prinsipyo at makamit ang mga resulta sa paglutas ng mga problema. Pero hindi ko ito tinanggap at sa halip ay inisip ko na ang pagtukoy mo sa mga problema ko para abandonahin ko ang mga maling paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ay nagparamdam sa akin ng limitasyon, at nag-alinlangan ako sa tungkulin ko. Hindi na ako makapagsulat ng mga liham nang kasinghusay ng dati, at hindi ko na alam kung paano makipagtulungan sa tungkulin ko. Ipinahihiwatig nito na ang paraan ko ng paggawa ng mga bagay ay ayon sa katotohanan, na ang iyong paggabay ay mali, at na kung hinayaan mo akong gampanan ang tungkulin ko ayon sa kagustuhan ko, magagampanan ko ito nang maayos. Itinuring kong negatibo ang iyong wastong paggabay at ang mga maling paraan ko ng paggawa ay bilang tama. Talagang hindi ko matanggap ang katotohanan, hindi ko matukoy ang positibo sa negatibo at naging bingi ako sa lahat ng katwiran!

Mababaw lang ang pagkaunawa ko noon. Naaalala mo ba? Kalaunan, nagbukas tayo ng saloobin natin sa isa’t isa at pinag-usapan natin ang ating mga kalagayan. Sinabi mo na hindi mo ako minaliit at na hindi naman sa sinadya mong pahirapan ako, at sinabi mong hindi mo alam kung paano ako kakausapin nang hindi kita pinansin, na naramdaman mong napakahirap gampanan ang tungkulin sa ganitong paraan, at na nais mo na ngang tumigil sa pagtupad ng iyong tungkulin dito. Hayaan mong sabihin ko sa iyo, nang marinig kong sinabi mong iyon, nakaramdam ako ng kirot sa loob. Hindi ko kailanman naisip na labis kitang nalimitahan at nasaktan. Palagi kong iniisip na maayos ang pagkatao ko, at na kahit magbunyag ako ng ilang katiwalian, hindi ko malilimitahan o masasaktan ang sinuman. Pero ganito na nga ang nangyari, at kailangan ko itong harapin at pagnilayan ang aking sarili. Itinalaga ako sa ibang tungkulin sa loob ng dalawang araw na iyon at umalis akong nakokonsensiya at nagsisisi.

Kalaunan, naghanap ako at nagnilay para maunawaan ang mga problema ko. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Pagdating sa usapin ng pagkakapungos, hindi ito kayang tanggapin ng mga anticristo. At may mga dahilan kung bakit hindi nila ito matanggap, ang pangunahing dahilan ay na kapag pinupungusan sila, pakiramdam nila ay napahiya sila, nawalan ng reputasyon, katayuan, at dignidad, na naiwan silang wala nang mukhang maihaharap sa lahat. May epekto sa puso nila ang mga bagay na ito, kaya’t nahihirapan silang tanggapin ang pagkakapungos, at pakiramdam nila, ang sinumang pumupungos sa kanila ay pinupuntirya sila at kaaway nila. Ito ang mentalidad ng mga anticristo kapag pinupungusan sila. Makakasiguro ka rito. Sa katunayan, sa pagpupungos lubusang nabubunyag kung kaya bang tanggapin ng isang tao ang katotohanan at kung tunay ba siyang makakapagpasakop. Ang matinding paglaban ng mga anticristo sa pagkakapungos ay sapat na para maipakita na tutol sila sa katotohanan at hindi nila ito tinatanggap kahit kaunti. Ito, kung gayon, ang pinakabuod ng problema. Hindi ang kanilang pride ang pinakabuod ng usapin; ang hindi pagtanggap sa katotohanan ang diwa ng problema. Kapag pinupungusan sila, hinihingi ng mga anticristo na gawin ito nang may magandang tono at ugali. Kung seryoso ang tono ng pumupungos at mabagsik ang kanyang ugali, lalaban at magiging suwail ang isang anticristo, at magagalit siya dahil sa kahihiyan. Hindi niya iniisip kung tama ba ang inilalantad sa kanya o kung katunayan ba ito, at hindi rin siya nagninilay-nilay kung saan siya nagkamali o kung dapat ba niyang tanggapin ang katotohanan. Ang iniisip lang niya ay kung nasaktan ba ang kanyang banidad at pride. Ganap na hindi kayang kilalanin ng mga anticristo na ang pagpupungos ay nakakatulong, mapagmahal, at nakapagliligtas sa mga tao, na kapaki-pakinabang ito sa mga tao. Ni hindi nila ito makita. Hindi ba’t medyo wala silang pagkilatis at katwiran? Kung gayon, kapag napupungusan, anong disposisyon ang ibinubunyag ng isang anticristo? Walang duda na disposisyon ito ng pagtutol sa katotohanan, pati na rin ng kayabangan at pagiging mapagmatigas. Ibinubunyag nito na pagtutol sa katotohanan at pagkamuhi rito ang kalikasang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Mula sa inilantad ng mga salita ng Diyos nakita ko na kapag ang mga anticristo ay napapahiya dahil sa paggabay, pagtulong at pagpungos ng iba, kahit alam nilang ang inilalantad ng ibang tao ay ang katotohanan, hindi nila kailanman pinagninilayan ang sarili nilang mga problema at naniniwala silang ang ibang tao ang nagpapahirap sa kanila, at kaya nakakaramdam sila ng pagkamuhi, pagtutol, at gusto pa nga nilang gumanti sa taong iyon. Nakita ko na ang kalikasan ng isang anticristo ay tumututol at namumuhi sa katotohanan. Habang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa tiwaling disposisyon na ibinubunyag ko. Naisip ko kung paano ako naging pabaya at walang pagpasan sa tungkulin ko, paano ako hindi naging maingat sa pagsusulat ng mga liham at hindi malinaw sa pagpahayag ng mga bagay-bagay. Ang pagtukoy mo sa mga problema ay para mabilis ko itong maitama, at ito sana ay naging kapaki-pakinabang sa gawain, pero inisip ko na pinapahirapan mo lang ako at tumanggi akong tanggapin ito para hindi ako mapahiya. Ikaw ang pinagbuntunan ko ng sisi, nais kitang siraan sa lider, at hindi pa kita pinansin, na nakasakit sa iyo at nakaantala sa pagsulong ng gawain. Palaging isang positibong bagay at ayon sa katotohanan ang pagtulong mo sa akin at dapat sana ay tinanggap ko ito at mabilis na itinama ang mga pagkakamali ko. Sa halip, itinuring kong pagmamaliit ang mabuting pagtulong mo, at ito ay nagbunga pa ng pagtutol, pagkamuhi at hangaring makaganti sa iyo. Sa panlabas, para bang hindi ko tinatanggap ang paggabay mo, pero sa diwa, hindi ko tinatanggap ang mga positibong bagay o ang katotohanan, sumasalungat ako sa katotohanan, at ipinapakita nito na sa kaibuturan, hindi ako isang tao na nagpapasakop sa katotohanan. Hindi ko gustong inilalantad mo ang tunay kong sitwasyon. Gusto ko na iginagalang at pinupuri ako. Nakita ko na sa kalikasan ko, ako ay banidoso, buktot at walang pagmamahal sa katotohanan, at na naglalakad ako sa landas ng anticristo. Labis akong nasasaktan, namumuhay sa tiwali kong disposisyon, at nararapat lang ito sa akin! Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag ang isang tao ay tumututol sa katotohanan, walang duda na ito ay mapanganib sa pagkakamit niya ng kaligtasan. Hindi ito isang bagay na maaari o hindi maaaring mapatawad, hindi ito isang anyo ng pag-uugali, o isang bagay na panandaliang nahayag sa kanila. Ito ay kalikasang diwa ng isang tao, at ang Diyos ay pinakayamot sa gayong mga tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Naramdaman ko kung paano kinasusuklaman at kinamumuhian ng Diyos ang mga taong tumututol sa katotohanan. Alam na alam ko na ang pagtutukoy mo ng mga problema ko ay ayon sa mga katunayan at alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, pero hindi ko ito tinatanggap, at sa halip, labis akong nag-isip, katulad ng isang hindi mananampalataya. Sa paggawa nito, hindi malulutas ang katiwalian ko at wala akong paraan para magampanan ang tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo. Ang magagawa ko lang ay magdulot ng kawalan at magdala ng mga hadlang sa gawain ng iglesia at maging sanhi ng pagkasuklam sa akin ng Diyos.

Nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa mga satanikong lason sa likod ng hindi pagtanggap sa pagpupungos. Sabi ng Diyos: “Ano ang dapat mong gawin kung patuloy na pinupuna ng isang tao ang iyong mga pagkukulang? Maaari mong sabihing, ‘Kung pupunahin mo ako, pupunahin din kita!’ Mabuti bang puntiryahin ang isa’t isa nang ganoon? Ganoon ba ang dapat na asal, pagkilos, at pagtrato ng mga tao sa iba? (Hindi.) Maaaring alam ng mga tao na hindi nila dapat gawin ito dahil sa doktrina, subalit maraming tao pa rin ang hindi mapagtagumpayan ang gayong mga tukso at patibong. Maaaring hindi mo pa naririnig na pinuna ninuman ang iyong mga pagkukulang, o pinuntirya ka, o hinusgahan ka habang hindi ka nakaharap—ngunit kapag narinig mo nang magsabi ng gayong mga bagay ang isang tao, hindi mo ito matitiis. Bibilis ang tibok ng iyong puso at lalabas ang pagiging mainitin ng ulo mo; sasabihin mo, ‘Ang lakas ng loob mong punahin ako! Kung hindi ka mabait sa akin, magiging salbahe ako sa iyo! Kung pupunahin mo ang mga pagkukulang ko, huwag mong isiping hindi ko pupunahin ang mga kahinaan mo!’ Sasabihin ng iba, ‘May kasabihang nagsasabing, “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” kaya hindi ko pupunahin ang mga pagkukulang mo, ngunit maghahanap ako ng ibang mga paraan para harapin at pahiyain ka. Tingnan natin kung sino ang matibay!’ Mabuti ba ang mga pamamaraang ito o hindi? (Hindi.) Para sa halos kahit sino, kapag nalaman niyang may isang taong pumuna sa kanya, nanghusga sa kanya, o nagsabi ng masamang bagay tungkol sa kanya habang hindi siya nakaharap, ang unang reaksyon niya ay ang magalit. Magpupuyos siya sa matinding galit, hindi makakakain o makatutulog—at kung makatutulog man siya, kahit sa mga panaginip niya ay magmumura siya! Walang hangganan ang pagiging padalos-dalos niya! Napakaliit na bagay nito, subalit hindi niya ito makalimutan. Ito ang epekto ng pagiging padalos-dalos sa mga tao, ang mga mapaminsalang resulta na ibinubunga ng mga tiwaling disposisyon. Kapag naging buhay na ng isang tao ang isang tiwaling disposisyon, saan ito pangunahing nakikita? Nakikita ito kapag nakahaharap ang taong iyon ng isang bagay na para sa kanya ay hindi kanais-nais, unang naaapektuhan ng bagay na iyon ang kanyang damdamin, at pagkatapos ay lalabas ang pagiging padalos-dalos ng taong iyon. At sa paglabas niyon, mabubuhay ang taong iyon sa pagiging padalos-dalos niya at titingnan niya ang bagay na iyon mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Uusbong ang mga pilosopikal na pananaw ni Satanas sa kanyang puso, at sisimulan niyang pag-isipan kung aling mga paraan at diskarte ang gagamitin niya upang maghiganti, sa gayon ay inilalantad ang kanyang tiwaling disposisyon. Ang mga ideya at perspektiba ng mga tao sa pagharap sa mga problemang tulad nito, at ang mga paraan at diskarteng naiisip nila, at pati na ang mga damdamin at pagiging padalos-dalos nila ay nagmumulang lahat sa mga tiwaling disposisyon. Kaya, ano ang mga tiwaling disposisyong lumalabas sa pagkakataong ito? Ang una ay tiyak na masamang hangarin, sinusundan ng pagmamataas, panlilinlang, kabuktutan, pagmamatigas, pag-ayaw sa katotohanan, at pagkapoot sa katotohanan. Sa mga tiwaling disposisyong ito, maaaring ang pagmamataas ang pinaka-hindi maimpluwensya. Ano, kung ganoon, ang mga tiwaling disposisyon na pinakakayang mangibabaw sa mga damdamin at kaisipan ng isang tao, at ang tumutukoy kung paano niya haharapin ang bagay na ito sa huli? Ang mga iyon ay ang masamang hangarin, pagmamatigas, pag-ayaw sa katotohanan, at pagkapoot sa katotohanan. Napakahigpit na iginagapos ng mga tiwaling disposisyong ito ang isang tao, at malinaw na nabubuhay siya sa lambat ni Satanas. Paano ba nabubuo ang lambat ni Satanas? Hindi ba’t mga tiwaling disposisyon ang nagdudulot nito? Naghabi ang iyong mga tiwaling disposisyon ng lahat ng uri ng satanikong lambat para sa iyo. Halimbawa, kapag nabalitaan mong may isang taong gumagawa ng bagay na tulad ng panghuhusga sa iyo, pagmumura sa iyo, o pagpuna sa mga pagkukulang mo kapag hindi ka nakaharap, hinahayaan mo ang mga satanikong pilosopiya at tiwaling disposisyon na maging buhay mo at mangibabaw sa iyong mga kaisipan, pananaw, at damdamin, sa gayon ay nagdudulot ng sunud-sunod na mga kilos. Ang mga tiwaling kilos na ito ay pangunahing resulta ng pagkakaroon mo ng satanikong kalikasan at disposisyon. Anuman ang mga sitwasyon mo, hangga’t ikaw ay nakagapos, kontrolado, at pinangingibabawan ng tiwaling disposisyon ni Satanas, ang lahat ng isinasabuhay mo, lahat ng ibinubunyag mo, at lahat ng ipinakikita mo—o ang mga damdamin mo, ang mga iniisip at pananaw mo, at ang pamamaraan at diskarte mo ng paggawa sa mga bagay-bagay—ay satanikong lahat. Ang lahat ng ito ay lumalabag sa katotohanan at laban sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Habang mas napapalayo ka sa salita ng Diyos at sa katotohanan, mas lalo kang kontrolado at nasisilo ng lambat ni Satanas. Kung sa halip, kaya mong makawala sa mga gapos at kontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon, at maghimagsik laban sa mga iyon, humarap sa Diyos, at kumilos at lumutas ng mga problema gamit ang mga pamamaraan at prinsipyong sinasabi sa iyo ng mga salita ng Diyos, unti-unti kang makakawala sa lambat ni Satanas. Pagkatapos makawala, ang isasabuhay mo pagkatapos ay hindi na ang dati pa ring wangis ng isang satanikong taong kontrolado ng kanyang mga tiwaling disposisyon, kundi ng isang bagong taong tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay. Magbabago ang buong paraan ng pamumuhay mo. Ngunit kung padadaig ka sa mga damdamin, kaisipan, pananaw, at kaugaliang idinudulot ng mga satanikong disposisyon, susunod ka sa isang kalipunan ng satanikong pilosopiya at iba’t ibang pamamaraan, tulad ng ‘Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,’ ‘Hindi pa huli ang lahat para maghiganti ang isang maginoo,’ ‘Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo,’ ‘Hindi lalaki ang hindi naghihiganti.’ Ang mga ito ang magiging laman ng puso mo, ang magdidikta ng iyong mga kilos. Kung gagamitin mo ang mga satanikong pilosopiyang ito bilang batayan ng iyong mga kilos, magbabago ang kalikasan ng iyong mga kilos, at gagawa ka ng kasamaan, at lalaban sa Diyos. Kung gagamitin mo ang mga negatibong kaisipan at perspektibang ito bilang batayan para sa iyong mga kilos, malinaw na napalayo ka na sa mga turo at salita ng Diyos, at nahulog ka na sa lambat ni Satanas at hindi ka na makawala(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (8)). Sa pagbabasa ko ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na itinatanim ni Satanas sa mga tao ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” “Kung hindi ka mabait, hindi ako magiging patas,” at “Ito ang karma mo.” Inuudyukan nila ang mga tao na kumilos nang mainit ang ulo, sinasabi nila na ang sinumang lumapastangan sa reputasyon at interes ng isang tao ay kailangang bayaran ng katumbas na pinsala. Naging dahilan ito para mag-away, umatake at magsakitan ang mga tao. Dahil dito, nagiging mas mabagsik at masama ang mga tao, at nawawala ang normal nilang pagkatao. Nakita ko na patuloy akong namumuhay sa mga satanikong kaisipang ito. Kapag may naririnig akong sinuman na naglalantad ng katiwalian at mga problema ko, hindi ko ito tinatanggap nang may pagpapakumbaba, sa halip ay nagpapakita ako ng pagkamainitin ang ulo at tinatrato ko siya nang malamig at mapanlaban. Katulad ng mga panahong iyon, itinuring kong isang negatibong bagay ang iyong paggabay at pagtulong, pinaniwalaan kong inilalantad mo ang mga pagkukulang ko at pinipinsala ang reputasyon at mga interes ko, kaya binaliktad ko ito at pinagtuunan ko ang mga problema mo, at sinabi ko na ang pagpupungos mo, na naaayon sa mga prinsipyo, ay pagpapakita ng iyong pagiging mataas, at gusto ko pa nga na pungusan ka ng lider at nais kong maramdaman mo ang pagkondena sa sarili at pagkakonsensiya sa pamamagitan ng pagbibitiw ko sa puwesto. Nagpanggap akong biktima at sinadya kong huwag kang pansinin at iwasan ka. Ang layon ko ay patigilin ka sa pagsasalita tungkol sa mga problema ko, nang sa gayon ay maprotektahan ang reputasyon at mga interes ko. Para talaga akong isang galit na oso na walang nagtatangkang kalabitin, wala man lang akong pagkatao o katwiran! Kapag tinutukoy mo ang mga problema ko, kailangan mo pang tingnan kung ano ang ekspresyon ko at pakiramdam mo ay nililimitahan kita, gusto mong makaalis sa sitwasyong ito at hindi na gampanan ang tungkulin mo, at sa huli, naantala ang gawain. Sa anong paraan naging gawain ng isang tao ang ikinikilos ko? Ito ako na gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos! Nasuklam ako sa sarili kong mga pag-uugali at napuno ang puso ko ng pagkamuhi sa sarili. Namuhay ako sa mga satanikong lason at naging mayabang, mabagsik at makasarili. Hindi lamang kita nasaktan, kundi nakagawa rin ako ng mga pagsalangsang at nagdulot ng pagsisisi sa aking sarili—Pareho kong pininsala ang sarili ko at ang ibang tao! Naisip ko kung paano tumutugon ang ilang anticristo kapag ang mga kapatid na naghahangad ng katotohanan nang may pagpapahalaga sa katarungan ay nagbibigay ng mga suhestiyon sa kanila at inilalantad ang mga bagay na ginagawa nila na taliwas sa mga katotohanang prinsipyo, na nakakaapekto sa reputasyon at katayuan nila. Nakakaramdam sila ng pagtutol at paglaban at ng galit dahil sa pagkahiya. Binabaluktot nila ang mga katotohanan at ibinubunton ang sisi sa mga kapatid, pinipigilan at pinapahirapan nila ang mga taong may pagpapahalaga sa katarungan, para palakasin ang kanilang posisyon. Pinapahamak ng kanilang mga kilos ang mga kapatid, ginugulo, ginagambala at winawasak nila ang gawain ng iglesia, at sinasalungat nila ang disposisyon ng Diyos, na humahantong sa pagpapatalsik sa kanila sa iglesia. Hindi ba ganito ang kalikasan ng pag-uugali ko? Nakita ko kung paanong ang pag-asal at pagkilos ko ayon sa satanikong disposisyon ko ay nagiging sanhi ng pagkasuklam ng Diyos sa akin, at na kapag hindi ako nagsisi, tiyak na balang araw, makakagawa ako ng masasamang bagay na wawasak at gugulo sa gawain ng iglesia katulad ng mga anticristo at masasamang tao, at magdudulot ng pagsalungat sa disposisyon ng Diyos at pagtiwalag sa akin ng Diyos—Talagang nasa panganib ako! Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng takot at napuno ng pagsisisi, at naging handa akong humarap sa Diyos para magsisi at magkumpisal.

Pagkatapos, sinimulan kong hanapin ang landas ng pagsasagawa at nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong iwasan ang landas ng isang anticristo? Dapat kang magkusang maging malapit sa mga taong nagmamahal sa katotohanan, mga taong matuwid, maging malapit sa mga taong kayang tukuyin ang iyong mga isyu, na kayang magsalita ng totoo at sawayin ka kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema, at lalo na ang mga taong kaya kang pungusan kapag natutuklasan nila ang iyong mga problema—ito ang mga taong pinakakapaki-pakinabang sa iyo at dapat mo silang pahalagahan. Kung ibubukod at aalisin mo ang gayong mabubuting tao, mawawala sa iyo ang proteksiyon ng Diyos, at unti-unting darating sa iyo ang sakuna. Sa pagiging malapit sa mabubuting tao at mga taong nakauunawa sa katotohanan, magkakaroon ka ng kapayapaan at kagalakan, at maiiwasan mo ang sakuna; sa pagiging malapit mo sa mga taong ubod ng sama, mga walang hiyang tao, at mga taong nambobola sa iyo, manganganib ka. Hindi ka lang madaling malilinlang at maloloko, kundi maaari pang dumating sa iyo ang sakuna anumang oras. Dapat malaman mo kung anong uri ng tao ang pinakamagiging kapaki-pakinabang sa iyo—ang mga ito ay iyong makapagbababala sa iyo kapag may ginagawa kang mali, o kapag itinataas at pinatototohanan mo ang iyong sarili at nililigaw ang iba, na maaaring maging pinakakapaki-pakinabang sa iyo. Ang paglapit sa gayong mga tao ang tamang landas na dapat tahakin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang landas ng pagsasagawa. Dapat akong lumapit sa mga taong gumagabay at tumutulong sa akin, at hindi ko dapat sila iwasan. Naisip ko na wala kang masamang layunin noong tinukoy mo ang mga problema ko. Kahit na minsan ay nagsasalita ka ng deretsahan, ang mga sinasabi mo ay makatotohanan at naaayon sa mga prinsipyo, kaya hindi ako dapat tumugon nang padalos-dalos. Kahit na hindi ko ito matanggap o maunawaan noon, dapat ay nagkaroon ako ng pusong naghahanap ng katotohanan, dapat ay pinag-isipan ko kung ano ang kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at isinagawa iyon pagkatapos, para mabawasan ang mga problema at paglihis. Naisip ko na wala akong pagpapahalaga sa pasanin ng tungkulin ko, na para bang nakatataas ako sa tuwing sumusulat ako ng mga liham, na hindi ko isinasaalang-alang ang mga paghihirap at damdamin ng ibang tao, at kung gaano ako kapabaya at hindi naging maingat. Ang pagtutukoy mo ng mga problema ko at paglalantad ng mga tiwaling disposisyon ko ay paraan ng pagtulong mo para magnilay ako sa aking sarili, at makakatulong ito sa akin para magampanan ko ang tungkulin ko nang seryoso at maingat at para makamit ko ang mga resulta. Dapat ay pinasalamatan kita at mas tinanggap ko pa ang iyong pamamahala at pagtulong. Ang pagtutukoy mo ng mga problema ko ay positibo at nakapagpigil sa akin, kung hindi, baka namuhay ako sa tiwaling disposisyon ko nang hindi ko alam, baka nagpatuloy akong gampanan ang tungkulin ko nang pabasta-basta at nang walang pagpapahalaga sa pasanin, na magiging sanhi ng mga kawalan sa gawain, at baka naging isang hindi mapagkakatiwalaang tao ako na kinasusuklaman ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, sinadya kong baguhin ang sarili ko at sinimulan kong magkaroon ng higit na pagpapahalaga sa pasanin ng tungkulin ko kaysa dati. Kapag nagkakaroon ng mga problema, pinagtutuunan ko ang pagharap dito nang hindi nagpapadala sa init ng ulo o sa mapagmataas na disposisyon ko, at pinag-iisipan ko kung paano makikipagbahaginan sa paraan na magdudulot ng mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, mas napanatag ang puso ko. Tunay ko ring naramdaman na sa pagtalikod sa reputasyon at pagtanggap at pagpapasakop sa katotohanan, nagkakaroon ng integridad, dignidad, pagkatao, at katwiran ang isang tao. Kung tumututol ang isang tao sa katotohan, bukod sa wala siyang pang-unawa sa katotohanan, hindi rin niya magagampanan nang maayos ang tungkulin niya at kasusuklaman siya ng Diyos. Ginagawang mababa at walang kuwenta ng ganitong pag-asal ang isang tao.

Kalaunan, habang nakikipagtulungan ako sa tungkulin ko kasama ang iba pang mga kapatid, nagbubunyag pa rin ako ng mga tiwaling disposisyon na ito, at pagkatapos, kusang loob akong nagdadasal sa Diyos, sinusuko ang sarili, tinatanggap ang paggabay at pagtulong ng iba, at isinasagawa ang pagpasok. Unti-unti, ang mga disposisyong ito ay hindi na kasingtindi tulad ng dati. Naramdaman ko na talagang napakalaking tulong ang pagtanggap sa mungkahi ng ibang tao at kapaki-pakinabang ito sa gawain. Naramdaman kong panatag at malaya ang aking puso, at na isa itong napakagandang paraan ng pagsasagawa. Habang naiisip ko ang mga bagay na ito, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Kung hindi ako ibinunyag ng Diyos sa ganitong paraan at kung wala ang paghatol at pagbunyag ng Kanyang mga salita, hindi talaga ako magkakaroon ng kahit kaunting kaalaman sa sarili ko at hindi ko makikita na labis na akong nagawang tiwali ni Satanas na naging mabagsik at tutol sa katotohanan ang aking disposisyon. Kapag naaapektuhan ang mga interes ko, inilalabas ko ang aking galit sa tungkulin ko, hindi ako nagpapakita ng kahit katiting na pagpapasakop sa Diyos at namumuhay nang walang wangis ng tao. Napakarumi ko at tiwali na may masamang pagkatao, subalit hindi ako itiniwalag ng Diyos dahil dito, sa halip, binigyan Niya pa rin ako ng pagkakataon para magnilay at magsisi upang malaman ko kung paano aayusin ang sarili ko. Unti-unti Niya akong ginabayan para maunawaan at matanggap ang katotohanan, at nagpapasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Bagaman labis pa rin akong tiwali at nagtataglay ng maraming kakulangan, handa akong hangarin ang katotohanan at lutasin ang aking katiwalian. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa kanyang patnubay at pagliligtas!

Basta, iyon lamang ang nais kong sabihin sa ngayon. Kung sa tingin mo mayroon pa akong bagay na hindi nauunawaan, mangyaring ipaalam mo sa akin, dahil magiging napakalaking tulong ito sa akin.

Taos-pusong sumasaiyo,

Shi Jing

Setyembre 19, 2023

Sinundan:  88. Mga Prinsipyo Para sa Pakikisalamuha sa Iba

Sumunod:  90. Pagyakap Sa Aking Tungkulin Nang Walang Takot

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger