19. Paano Lutasin ang mga Damdamin ng Pagiging mas Mababa

Ni Xia Ke, Tsina

Mula pa pagkabata, palagi na akong nahihirapan sa paggamit ng mga salita, samantalang ang kapatid kong babae ay mahusay at matatas magsalita, at nagustuhan siya ng lahat ng kapitbahay. Kaya naman, natatakot akong lumabas kasama siya, at sa tuwing may nakasasalubong akong mga tao, naghahanap ako ng mga paraan para makaiwas sa kanila. Noong inanyayahan ako ng mga kaklase na magsalita sa entablado sa paaralan, pakiramdam ko, hindi ako mahusay mag-organisa ng aking mga salita at natatakot akong magmukhang hangal, kaya diretso akong tumanggi. Sa tuwing nakikita ko ang iba na may mas mahuhusay na kasanayan sa pagpapahayag ng salita kaysa sa akin, at nangangasiwa sa mga gampanin nang may pagkadesidido at katapangan, naiinggit ako. Naisip ko na hindi ako mahusay magsalita at mahina ang kakayahan ko, kaya labis kong naramdaman ang pagiging mas mababa.

Noong Agosto 2020, sumampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos niyon, naging lider ako ng iglesia. Noong una, nagagawa kong lutasin ang ilang tunay na isyu habang dumadalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid. Kalaunan, nagsimula kaming magtulungan ni Brother Chen Yi sa gawain ng iglesia. Sa isang pagtitipon, pinag-usapan namin kung paano magtulungan para mas mapabuti ang pagiging epektibo ng gawain ng ebanghelyo. Habang nakikinig kay Brother Chen Yi na nagbabahagi ng mga detalye nang napakalinaw, nakaramdam ako ng inggit, iniisip na hindi ko kayang magbahagi nang kasinghusay ni Brother Chen Yi. Pagkatapos ng pagbabahagi ni Brother Chen Yi, sinabi sa akin ng nakatataas na lider, “Dapat makipagbahaginan ka rin.” Lubha akong kinabahan at naisip ko, “Mahina ang kakayahan ko sa pag-oorganisa ng mga salita. Ano na lang ang magiging tingin nila sa akin kung hindi maganda ang pagbabahagi ko? Siguro, papalampasin ko na lang ito. Pero wala namang dahilan para hindi magbahagi.” Kaya, nagbigay ako ng maikling pagbabahagi. Pagkatapos kong magsalita, walang naging reaksiyon ang iba, at nakaaasiwa ang kapaligiran. Noong sandaling iyon, gusto ko na lang lamunin ako ng lupa, at gusto kong umalis sa lugar na iyon ora mismo. Pagkatapos niyon, nang makatrabaho ko si Chen Yi, nakita ko kung gaano siya kahusay magsalita at kadesidido sa kanyang gawain, kaya, hindi ako gaanong nagsasalita habang katrabaho siya. Kahit na kapag may sinasabi ako, lubha akong nalilimitahan. Ni hindi ako naglakas-loob na ipaalam ang mga paglihis o problemang nakita ko sa gawain namin, iniisip ko na masyadong mahina ang kakayahan ko para makapagbigay ng magagandang suhestiyon. Kumpara kay Chen Yi, pakiramdam ko ay napakalayo ko at sadyang wala akong kakayahan na maging mahusay bilang isang lider. Kalaunan, nang pumunta ako sa isang grupo para ipatupad ang gawain ng ebanghelyo, nalaman ko na nakulong sa mga suliranin ang ilang kapatid. Sa una ay nilayon kong makipagbahaginan sa kanila para lutasin ang kanilang mga problema, pero pagkatapos ay naisip ko, “Si Chen Yi ang dating nakatalaga sa grupong ito. Hindi ko taglay ang kakayahan o abilidad ni Chen Yi sa pakipagbahaginan, at hindi ko rin taglay ang pamamaraan ni Chen Yi sa kanyang gawain. Ano ang magiging tingin sa akin ng iba kung hindi magiging maayos ang pagbabahagi ko? Siguro hindi ako dapat magbahagi.” Nang maisip ko ito, hindi ako nakipagbahaginan. Noong panahong iyon, sa tuwing nahaharap ako sa mga problema, umiiwas ako at hindi ako nakikipagbahaginan kung kailan dapat, kaya hindi pa rin nalulutas ang ilang isyu sa loob ng mahabang panahon. Naapektuhan ang gawain ng ebanghelyo at hindi maganda ang mga kalagayan ng mga kapatid. Noong panahong iyon, natukoy ko na mahina ang kakayahan ko at wala akong kakayahan na gawin ang tungkulin ng isang lider, at nagreklamo ako sa puso ko kung bakit hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay ng kakayahan. Kalaunan, nakipagbahaginan sa akin ang mga lider para tumulong, pero hindi ko ito matanggap, at hindi nagbago ang kalagayan ko. Sa huli, tinanggal ako.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at noon ko lang naunawaan ang kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anuman ang mangyari sa kanila, kapag nahaharap sa kaunting paghihirap ang mga duwag na tao, umaatras sila. Bakit nila ito ginagawa? Ang isang dahilan ay na idinulot ito ng kanilang pakiramdam ng pagiging mas mababa. Dahil pakiramdam nila ay mas mababa sila, hindi sila naglalakas-loob na humarap sa mga tao, ni hindi nila maako ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat nilang akuin, hindi rin nila maako ang mga bagay na kaya naman talaga nilang maisakatuparan sa saklaw ng sarili nilang abilidad at kakayahan, at sa saklaw ng karanasan ng sarili nilang pagkatao. Ang pakiramdam na ito ng pagiging mas mababa ay nakakaapekto sa bawat aspekto ng kanilang pagkatao, naaapektuhan nito ang kanilang personalidad, at siyempre, naaapektuhan din nito ang kanilang katangian. Kapag may ibang tao sa paligid, madalang nilang ipinapahayag ang sarili nilang mga pananaw, at halos hindi mo sila naririnig na nililinaw ang sarili nilang pananaw o opinyon. Kapag nahaharap sila sa isang isyu, hindi sila naglalakas-loob na magsalita, sa halip, palagi silang umiiwas at umaatras. Kapag kaunti ang tao roon, nakakaya nilang maging matapang na umupo kasama ang mga ito, pero kapag marami ang tao, naghahanap sila ng isang sulok at doon pumupunta kung saan malamlam ang ilaw, hindi naglalakas-loob na lumapit sa ibang tao. Sa tuwing nararamdaman nila na nais nilang positibo at aktibong magsabi ng isang bagay at magpahayag ng sarili nilang mga pananaw at opinyon para ipakita na tama ang kanilang iniisip, ni wala man lang silang lakas ng loob na gawin iyon. Sa tuwing sila ay may gayong mga ideya, sabay-sabay na lumalabas ang kanilang pakiramdam ng pagiging mas mababa, at kinokontrol, sinasakal sila nito, sinasabi sa kanila na, ‘Huwag kang magsabi ng kahit na ano, wala kang silbi. Huwag mong ipahayag ang mga pananaw mo, sarilinin mo na lang ang mga ideya mo. Kung mayroong anumang bagay sa puso mo na nais mo talagang sabihin, itala mo na lang ito sa computer at pag-isipan mo ito nang mag-isa. Hindi mo dapat hayaang malaman ito ng sinuman. Paano kung may masabi kang mali? Sobrang nakakahiya iyon!’ Sinasabi palagi ng tinig na ito sa iyo na huwag mong gawin ito, huwag mong gawin iyon, huwag mong sabihin ito, huwag mong sabihin iyon, kaya’t nilulunok mo na lang ang bawat salitang nais mong sabihin. Kapag may bagay na nais mong sabihin na matagal mo nang pinagmuni-munihan sa iyong puso, umuurong ka at hindi naglalakas-loob na sabihin ito, o kaya ay nahihiya kang sabihin ito, naniniwala na hindi mo ito dapat sabihin, at na kapag ginawa mo ito, pakiramdam mo ay parang may nilabag kang tuntunin o batas. At kapag isang araw ay tahasan mong ipinahayag ang iyong pananaw, sa kaibuturan mo ay mararamdaman mo na masyado kang nababagabag at nababahala. Bagamat unti-unting naglalaho ang pakiramdam na ito ng sobrang pagkabahala, unti-unting sinusugpo ng pakiramdam mo ng pagiging mas mababa ang mga ideya, intensyon, at plano na mayroon ka kaya nais mong magsalita, magpahayag ng sarili mong mga pananaw, maging normal na tao, at maging katulad lang ng lahat. Iyong mga hindi nakakaintindi sa iyo ay naniniwala na hindi ka palasalita, na tahimik ka, mahiyain, at isang taong ayaw mamukod-tangi. Kapag nagsasalita ka sa harap ng maraming tao, nahihiya ka at namumula ang mukha mo; medyo hindi ka palakibo, at ikaw lang talaga ang nakakaalam na pakiramdam mo ay mas mababa ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 1). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag nakakulong ang mga tao sa mga damdamin ng imperyoridad, nagiging negatibo at malungkot sila, walang determinasyon na magsumikap pataas. Nagiging mahina at lumalayo sila sa lahat ng ginagawa nila, nabibigo pa ngang tuparin ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat nilang tuparin. Nakikita nila ang mga problema at paglihis at nais nilang ipahayag ang kanilang mga opinyon o mag-alok ng mga suhestiyon, pero wala silang lakas ng loob, tinutukoy ang kanilang sarili bilang walang kakayahan habang nalulublob sa pagkasira ng loob. Ganito mismo ang kalagayan ko. Mula sa murang edad, nakita ko ang kapatid kong babae na matatas magsalita at mahusay sa lahat ng ginagawa niya, samantalang ako ay malamya at nahihirapang magsalita. Naramdaman ko ang pagiging sobrang mas mababa at madalas kong pinipiling iwasan ang mga sitwasyon, natatakot na malalantad ang mga pagkukulang ko, na mapapahiya ako nito. Pagkatapos kong sumampalataya sa Diyos, kapag ginagawa ko ang tungkulin ko kasama ng mga taong malilinaw magsalita at desidido sa kanilang gawain, naging napakapasibo ko. Natukoy ko na mahina ang kakayahan ko at hindi ko kayang magsagawa ng gawain, at namuhay ako nang may mga damdamin ng pagiging mas mababa. Hindi ako naglakas-loob na makipagbahaginan kung kailan dapat, at madalas kong nilulunok ang mga opinyon na dapat ipahayag ko sa sandaling ibabahagi ko na sana ang mga ito. Sa pagninilay-nilay sa mga panahon na katrabaho ko si Chen Yi, kapag nag-uusap kung paano magtulungan sa gawain ng ebanghelyo, mayroon na akong ilang ideya sa simula pa, pero nang makita ko kung gaano siya katatas magsalita, pakiramdam ko ay wala akong sapat na kakayahan at ayaw ko nang magbahagi. Nagawa kong tukuyin ang ilang isyu sa gawain at gusto kong banggitin ang mga ito, pero nang maisip ko na hindi ako kasinghusay niya magsalita, kaya pagkatapos ng kaunting pagsasaalang-alang, sa huli, hindi ko ipinahayag ang mga pananaw ko. Nang pumunta ako sa iglesia para ipatupad ang gawain at may napansin akong mga problema, hindi ako nakipagbahaginan para lutasin ang mga ito, na nagresulta sa kawalan ng pag-usad sa gawain. Palagi akong namumuhay nang may mga damdamin ng pagiging mas mababa, at palala nang palala ang kalagayan ko. Hindi ko nagawang tuparin ang mga tungkulin na dapat ko sanang tuparin at naramdaman ko na lubos na wala akong silbi. Hindi lamang naapektuhan ang sarili kong buhay, naantala rin ang tungkulin ko. Nang mapagtanto ko ang kabigatan ng problema, gusto kong agad baguhin kaagad ang kalagayang ito.

Sa isang debosyonal, napagtanto ko na ang dahilan kung bakit ko naramdaman na mahina ang kakayahan ko ay dahil naimpluwensiyahan ako ng mga opinyon ng iba tungkol sa kawalan ko ng mga kasanayan sa pagsasalita, at ito ay dahil nabigo akong tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos. Kung gayon, paano dapat sukatin ng isang tao kung mahusay o mahina ang kakayahan niya? Naghanap ako ng mga salita ng Diyos tungkol sa aspektong ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa pakiramdam ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkilala sa iyong sarili, pag-alam sa kung ano ang iyong pagkatao, kakayahan, at talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. Halimbawa, ipagpalagay na dati kang mahilig at magaling kumanta, pero palagi kang pinupuna at minamaliit ng ilang tao, sinasabing hindi ka makasabay sa tugtog at na wala ka sa tono, kaya ngayon ay nadarama mo na hindi ka magaling kumanta at hindi ka na naglalakas-loob na gawin ito sa harap ng ibang tao. Dahil mali kang sinuri at hinusgahan ng mga taong iyon na makamundo, ng mga taong magulo ang isip at pangkaraniwan, nabawasan ang mga karapatan na nararapat sa iyong pagkatao, at napigilan ang iyong talento. Bilang resulta, ni hindi ka na naglalakas-loob kumanta ng isang awitin, at matapang ka lang na nakakakanta nang malaya at malakas kapag walang tao sa paligid at nag-iisa ka. Dahil karaniwan ay nararamdaman mo na masyado kang napipigilan, kapag hindi ka nag-iisa, hindi ka nangangahas na kumanta ng awitin; nangangahas ka lang na kumanta kapag mag-isa ka, tinatamasa ang oras na nagagawa mong kumanta nang malakas at malinaw, at sobrang kaaya-aya at malaya ang pakiramdam mo sa oras na iyon! Hindi ba’t totoo iyon? Dahil sa pinsalang nagawa sa iyo ng mga tao, hindi mo alam at hindi mo malinaw na nakikita kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, kung saan ka magaling, at kung saan ka hindi magaling. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pagtibayin kung ano ang natutunan mo at kung saan nakasalalay ang mga kalakasan mo, at humayo ka at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat din na tumpak mong suriin at alamin kung ano ang kakayahan mo, at kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o malinaw na makilala ang sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatasin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at pag-iisipan at mabibigyan ka nito ng kakayahan na magkaroon ng batayang pagsusuri o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang seryosong problema ng mga negatibong emosyon gaya ng pagiging mas mababa, at unti-unti kang makakaahon mula sa mga ito. Ang gayong mga pakiramdam ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung magagawa ng isang tao na kilalanin ito, mamulat tungkol dito, at hanapin ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 1). “Paano natin sinusukat ang kakayahan ng mga tao? Ang angkop na paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saloobin nila sa katotohanan at kung kaya nilang maunawaan ang katotohanan o hindi. Kaya ng ilang tao na napakabilis na matuto ng ilang kasanayan, ngunit kapag naririnig nila ang katotohanan ay naguguluhan sila at inaantok sila. Sa puso nila, nalilito sila, walang pumapasok sa naririnig nila, at hindi rin nila nauunawaan ang naririnig nila—iyan ang mahinang kakayahan. Sa ilang tao, kapag sinabi mong mahina ang kakayahan nila, hindi sila sumasang-ayon. Iniisip nila na ang pagiging mataas ang pinag-aralan at marunong ay nangangahulugang mabuti ang kakayahan nila. Ang isang mabuting edukasyon ba ay nagpapakita ng mataas na kakayahan? Hindi. Paano dapat sukatin ang kakayahan ng mga tao? Dapat itong sukatin batay sa antas ng pagkaarok nila sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Ito ang pinakawastong paraan ng paggawa nito. Ang ilang tao ay magaling magsalita, mabilis mag-isip, at bihasang-bihasa mangasiwa ng ibang tao—ngunit kapag nakikinig sila sa mga sermon, hindi nila kailanman nagagawang maintindihan ang kahit na ano, at kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos, hindi nila nauunawaan ang mga ito. Kapag nagsasalita sila tungkol sa kanilang patotoong batay sa karanasan, palagi silang bumibigkas ng mga salita at doktrina, ibinubunyag ang mga sarili nila bilang mga baguhan lamang, at ipinapadama sa iba na wala silang espirituwal na pang-unawa. Ang mga ito ay mga taong may mahinang kakayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang pagsukat sa kakayahan ng isang tao ay pangunahing nakasalalay sa kakayahan niyang makaarok ang katotohanan, kung kaya niyang kilalanin ang kanyang sarili at unawain ang mga layunin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga saita, at kung kaya niyang maghanap ng mga landas ng pagsasagawa batay sa mga salita ng Diyos kapag nahaharap sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang mga taong may mahusay na kakayahan, pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, ay kayang umarok sa mga prinsipyo at pangunahing punto, sa halip na nakaaarok lang ng ilang salita o regulasyon. Mayroon silang sariling mga pananaw, opinyon, at solusyon para sa mga sitwasyong nakakaharap nila, at kaya nilang tumpak na magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, nang walang paglihis. Pero naniwala ako na ang mga taong may mahusay na kakayahan ay iyong mga malinaw magsalita at desidido sa kanilang gawain. Dahil pakiramdam ko ay mahina ang kakayahan kong magpahayag ng aking sarili at walang pagiging desidido sa gawain ko, itinuring ko ang sarili ko na may mahinang kakayahan at nanatili akong nakakulong sa isang kalagayan ng pakiramdam ng pagiging mas mababa at negatibo, tinutukoy ang sarili ko bilang walang kakayahan. Ngayon ko lang napagtanto na mali ang mga pananaw ko sa mga usaping ito. Naalala ko si Pablo, na mayroong mga kaloob at mahusay magsalita, na nangaral ng ebanghelyo sa malaking bahagi ng Europa at sumulat ng maraming epistola, pero walang kakayahang arukin ang katotohanan. Wala siyang pagkaunawa sa Panginoong Jesus at walang tunay na kaalaman sa sarili niyang tiwaling disposisyon. Marunong lang siyang magsalita ng maraming espirituwal na doktrina, at walang kahihiyan pa ngang nagpatotoo na sa kanya ang mabuhay ay si cristo, at sa huli ay itiniwalag siya ng Diyos. Ipinapakita nito na hindi siya isang taong may mahusay na kakayahan. Ang pagsusuri ko sa sarili kong kakayahan ay hindi nakabatay sa mga katotohanang prinsipyo, kundi sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, kaya, hindi ito tumpak. Ngayon, sa pagbabalik-tanaw, naarok ko ang mga salita ng Diyos at napagnilayan at nakilala ko ang aking sarili batay sa mga ito. Nakikilala ko rin ang ilang isyu sa gawain at sa mga kalagayan ng mga kapatid, marunong na akong magbahagi para malutas ang mga isyung ito, at nakakahanap din ako ng ilang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Bagama’t medyo kulang ang kakayahan ko sa gawain at hindi ganoon kahusay ang mga kasanayan ko sa pagsasalita, kapag nakikipagtulungan ako nang maayos at ganap kong ginagampanan parte ko, nakapagkakamit ako ng ilang resulta sa paggawa sa tungkulin ko. Hinusgahan din ng mga kapatid na katamtaman lang ang kakayahan ko, pero kaya kong arukin ang mga salita ng Diyos. Naobserbahan nila na kapag nahaharap sa mga sitwasyon, binibigyang-pansin ko ang pagninilay-nilay sa sarili at pagkatuto ng mga aral, at mayroon akong kaunting pagkilatis. Dagdag pa rito, kapag itinalaga sa akin ang isang gampanin, masipag at matulungin ako, at nagawa kong magkamit ng ilang resulta. Sa pagninilay-nilay rito, nagawa kong tingnan nang tama ang sarili ko. Nagapos at napigilan ako ng mga damdamin ng pagiging mas mababa, hindi makita nang tama ang mga pagkukulang ko. Bulag kong tinukoy na mahina ang kakayahan ko at na wala akong kakayahang magsagawa ng gawain, at sa pamumuhay sa gayong kalagayan, nabigo akong gampanan ang papel na dapat sana ay ginampanan ko, at sa paggampan sa tungkulin ko, hindi ako nakagawa ng pagbabago, parang nagsasayang lang ako ng espasyo. Bukod sa hindi ko pinagsisihan ang mga kawalang idinulot ko sa tungkulin ko, nagreklamo pa ako na hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan. Hinarap ko ang tungkulin ko nang may pagkanegatibo at katamaran. Tunay akong mapaghimagsik! Sa katunayan, sapat ang kakayahang ibinigay sa akin ng Diyos. Hindi na ako puwedeng patuloy na mamuhay sa isang kalagayan ng pagiging mas mababa. Kailangan kong magsisi sa Diyos, tumuon sa paghahanap ng mga prinsipyo sa aking tungkulin, at makipagtulungan nang maayos sa aking mga kapatid. Kapag kinakailangan na ibahagi ko ang mga pananaw ko, dapat akong magbahagi sa abot ng nauunawaan ko. Kailangan kong ilabas kung ano ang ibinigay sa akin ng Diyos. Kahit na may mga pagkukulang sa pagbabahagi ko, puwede kong ibuod ang mga isyu pagkatapos. Hindi ako dapat maging negatibo o magpakatamad, na nagdudulot ng dismaya sa Diyos. Pagkatapos, isinaayos ng iglesia na tulungan ko ang mga lider sa gawain ng pag-aalis ng iglesia. Bagama’t marami akong pagkukulang, hindi na ako nalilimitahan ng aking mahinang kakayahan.

Kalaunan, pinagnilayan ko kung bakit ako nakakaramdam ng pagiging mas mababa kapag nakikita ko ang iba na mas mahusay magsalita at mayroong mas mahusay na kapabilidad sa gawain kaysa sa akin. Anong mga tiwaling disposisyon ang sangkot dito? Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layon. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya isinasaalang-alang nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, lalong hindi mga bagay na panlabas sa kanila na makakaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang saloobin. Kung gayon, ano ang kanilang saloobin? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga layon, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na labis na pinahahalagahan ng mga anticristo ang sarili nilang reputasyon at katayuan. Ang kanilang mga pang-araw-araw na kalagayan ng pamumuhay at paghahangad ay pawang nauugnay sa reputasyon at katayuan. Kahit kailan o kahit saan, hinding-hindi sila sumusuko sa paghahangad ng reputasyon at katayuan. Nagnilay ako kung paanong ganoon din ako noon. Simula nang tanggapin ko ang tungkulin ko, sa tuwing nakikita ko ang iba na gumagawa nang may pagkadesidido at mahusay na nakikipagbahaginan, naramdaman kong mas mababa ako sa kanila. Kaya, namuhay ako nang may mga damdamin ng pagiging mas mababa, negatibong nililimitahan ang aking sarili. Natakot akong ilantad ang mga kakulangan ko at mapahiya, at wala talaga akong maagap na saloobin sa pakikipagtulungan ko sa mga tungkulin. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” at “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” lubos na nag-aalala sa mga opinyon ng iba. Sa pakikipagtulungan kay Chen Yi, nang makita ko na mas mahusay siya kaysa sa akin sa lahat ng paraan, natakot ako na mamaliitin ako. Sa mga pagtitipon, sinusubukan kong magbahagi nang kaunti hangga’t maaari, o hindi talaga ako nagbabahagi. Kahit noong may napansin akong mga paglihis o isyu sa gawain na nangangailangan ng agarang paglutas, iniwasan kong magbahagi tungkol sa mga ito, natatakot na hindi magiging kasinghusay ng kay Chen Yi ang pagbabahagi ko at na magmumukha akong hindi magaling. Bilang isang lider ng iglesia, inalala ko lang kung masisira ang sarili kong pride, sa halip na tumuon ako sa mismong gawain ng iglesia. Nang matuklasan ko ang mga problema, isinantabi at hindi ko agarang nilutas ang mga ito, na humantong sa mga pagkaantala sa gawain. Tunay akong naging makasarili! Itinaas ako ng Diyos para gawin ang tungkulin ng isang lider upang mahangad ko ang katotohanan, lubusang magampanan ang parte ko at maitaguyod ang gawain ng iglesia. Gayumpaman, sa halip na pagnilayan kung paano tuparin ang mga responsabilidad ko bilang lider, naging abala ang isip ko sa kung paano maiwasan ang pagkapahiya sa bawat sitwasyon. Tuwing nanganganib ang pride ko, nagiging negatibo ako at negatibo ko ring nililimitahan ang sarili ko, nagrereklamo na hindi ako binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan. Nawalan pa nga ako ng motibasyon na gawin ang mga tungkulin ko. Nakita ko kung paanong wala akong konsensiya at katwiran noon. Sa katunayan, ang mga hindi magandang resulta na mayroon ako sa paggawa ng mga tungkulin ko noon ay hindi ganap na dahil sa isyu ng kakayahan. Ang pangunahing isyu ay na namumuhay ako sa ilalim ng tiwaling disposisyon, palaging pinoprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Poprotektahan ko ang pride ko kahit na nangangahulugan iyon ng pagkaantala sa gawain ng iglesia. Wala talaga akong may-takot-sa-Diyos na puso, itinuturing na parang buhay ko ang aking reputasyon at katayuan. Tinatahak ko ang landas ng mga anticristo. Kung hindi ako magsisisi at magbabago, tiyak na kapopootan at ititiwalag ako ng Diyos.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyonal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling pagnanais o kagustuhan. Sa halip, palagi mong isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa paggawa ng ating tungkulin, dapat nating gawin ang lahat sa harap ng Diyos at tanggapin ang Kanyang pagsisiyasat. Kapag lumitaw ang mga bagay, dapat nating unahin ang pangangalaga sa gawain ng iglesia, isantabi ang sarili nating pride, at gawin ang lahat ng ating makakaya para tuparin ang dapat nating gawin. Saka lang tayo makakaayon sa mga layunin ng Diyos. Kapag nakakatrabaho ko ang mga kapatid na mahusay magsalita at desidido sa kanilang gawain, dapat akong makipagtulungan sa kanila nang maayos, matuto mula sa kanilang mga kalakasan para mapunan ang mga kahinaan ko, at magkasamang gumawa para gawin nang maayos ang aming mga tungkulin. Nang mapagtanto ko ito, sumigla ang puso ko. Pagkatapos, sa paggawa ng tungkulin ko, nagtuon ako sa tamang pagtatakda ng mga layunin ko. Nagbahagi ako sa abot ng aking nauunawaan, hindi na nalilimitahan ng mga alalahanin tungkol sa aking pride o limitadong kakayahan, at unti-unting napapabuti ang gawain ng iglesia sa pag-aalis. Hindi nagtagal, muli akong nahalal bilang isang lider ng iglesia.

Pagkaraan ng ilang panahon, nagdaos kami ng nakatataas na lider ng isang pagpupulong kasama ang mga lider ng pangkat, at hiniling niya sa akin na pangunahan ito. Naisip ko kung paanong ang lider ay mahusay magsalita, desidido, at madaling nakahahanap ng mga angkop na salita ng Diyos para lutasin ang mga kalagayan ng mga kapatid, samantalang nahihirapan ako na gawin ito. Mahina ang mga kasanayan ko sa wika at hindi ako magaling na tagapagsalita, kaya nag-aalala ako kung ano ang magiging tingin sa akin ng iba kung hindi ko mapangangasiwaan nang maayos ang pagpupulong. Mabilis kong napagtanto na muli akong naiipit sa mga damdamin ng pagiging mas mababa, nag-aalala tungkol sa pride ko. Kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, nakikita ko na nahulog na naman ako sa mga damdamin ng pagiging mas mababa dahil mas mahusay magsalita kaysa sa akin ang iba. Nawa ay gabayan Mo po ako. Ayaw kong malimitahan ng banidad at pride. Handa akong ituon ang puso ko sa aking tungkulin at gawin ang lahat ng aking makakaya para makipagtulungan.” Pagkatapos magdasal, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi magkapareho ang mga tungkulin. May isang katawan. Bawat isa’y ginagawa ang kanyang tungkulin, bawat isa’y nasa kanyang lugar at ginagawa ang kanyang buong makakaya—para sa bawat siklab may isang kislap ng liwanag—at naghahangad na lumago sa buhay. Sa gayon Ako ay masisiyahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 21). Binigyan ng Diyos ang bawat tao ng iba’t ibang kaloob at kalakasan. Bagama’t wala akong mahusay na kakayahan, kapag taos-puso akong nakikipagtulungan sa Diyos, matatanggap ko ang patnubay Niya. Ngayon, habang nagtatrabaho ako kasama ang lider, dapat akong matuto mula sa kanyang mga kalakasan, at hindi malimitahan ng pride o katayuan ko. Dapat kong ibuhos ang buong pagsisikap ko para gawin ang parte ko ayon sa nauunawaan ko, at sa ganitong paraan, magagawa ko nang maayos ang tungkulin ko. Nang mapagtanto ko ito, hindi na ako nalilimitahan ng pride ko, at mas higit akong nakaramdam ng pagpapalaya. Natagpuan ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na partikular na angkop sa kalagayan ng mga lider ng pangkat, at ibinahagi ko ang sarili kong pagkaunawang batay sa karanasan. Nagbago ang negatibong kalagayan ng mga lider ng pangkat. Pagkatapos niyon, sa mga pagtitipon, nagbahagi ako sa abot ng nauunawaan ko, hindi nag-aalala kung ano ang tingin sa akin ng iba, kundi aktibo akong nakikilahok. Kaya ko nang tratuhin nang tama ang sarili kong mga kakulangan at hindi limitahan ang sarili ko. Ngayon, ang pagiging malaya ko mula sa pagkaalipin ng mga damdamin ng pagiging mas mababa ay ang resulta ng patnubay ng mga salita ng Diyos.

Sinundan:  18. Noong Masira ang Pag-asa Ko na Maiangat

Sumunod:  20. Pagharap sa Pagsalungat ng Aking mga Magulang sa Aking Pananalig

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger