21. Mga Pagninilay Matapos Atakihin at Ibukod ang Isang Tao

Ni Shi Zhen, Tsina

Noong Mayo 2023, nakipagtulungan ako kina Xin Jie, Jiang Yan, at Xiao Xin sa mga tungkuling nakabatay sa teksto. Bagong dating si Sister Xin Jie, pero taimtim siya kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, mahusay sa paghahanap ng katotohanan, at inilahad niya ang mga hindi niya nauunawaan o ang mga naiiba niyang pananaw para sa pagbabahaginan. Noong una, nakapagbabahagi ako sa kanya nang may pagmamahal at pagpapasensya, pero sa paglipas ng panahon, madalas na inilalahad ni Xin Jie ang mga pananaw na iba sa akin, na nagdulot sa akin ng pagkapahiya, kaya sa loob-loob ko, sinimulan ko siyang labanan at ibukod.

Isang beses, magkasama naming sinusuri ang isang sermon, at iba ang pananaw ni Xin Jie kaysa sa akin. Naisip ko, “Kapag magkasama nating inaaral o sinusuri ang mga sermon, madalas kang naglalahad ng ibang mga pananaw, pero sa pagkakataong ito, kailangan kong ipaliwanag nang husto ang mga pananaw ko sa iyo.” Kaya’t idinetalye ko ang pananaw ko, pero hindi pa rin sumang-ayon si Xin Jie. Pinag-isipan ito sandali ng dalawang kapatid at naisip din na may punto si Xin Jie, at sinimulan nilang pabulaanan ang pananaw ko, na talagang nagdulot sa akin ng pagkapahiya. Naisip ko, “Mas matagal ko nang ginagawa ang tungkuling ito kaysa sa iyo, mas marami akong nauunawaan, at ako rin ang lider ng pangkat, magiging lubos itong kahiya-hiya kung hindi ko mas mauunawaan ang mga bagay-bagay kaysa sa isang baguhan! Si Xin Jie lang ang nagdudulot sa akin dito ng problema. Hindi ito puwede. Kailangang makahanap ako ng paraan para kumbinsihin ang dalawa pang kapatid, at mapapanig sila sa akin.” Pero kahit anong pagbabahagi ko tungkol sa usapin, hindi pa rin sumang-ayon ang mga kapatid sa pananaw ko. Tumanggi akong palampasin ang usaping ito, iniisip na, “Palagi na lang hindi sumasang-ayon si Xin Jie sa aking mga pananaw. Talagang sinisira nito ang imahe ko bilang lider ng pangkat. Hindi ito dapat magpatuloy. Kailangan kong patuloy na humanap ng mga kaugnay na prinsipyo para kilalanin ng mga kapatid na tama ang pananaw ko at maiwasan ang kahihiyan.” Pero kahit matapos magbahagi sa loob ng mahabang panahon, hindi pa rin sumang-ayon sa pananaw ko ang mga kapatid. Sa huli, iminungkahi ni Xin Jie na humingi ng payo mula sa superbisor, kaya’t wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Kalaunan, sinabi ng superbisor na mas naaayon ang pananaw ni Xin Jie sa mga prinsipyo. Mas pinasama ang loob ko ng kinalabasang ito, at naisip ko, “Napakasama nito, hindi lang tinanggap ng mga kapatid ang pananaw ni Xin Jie, kundi maging ang superbisor ay sumasang-ayon sa kanya. Naging lider lang ako ng pangkat sa pangalan, ganap na walang silbi sa pangkat na ito.” Lumala ang opinyon ko kay Xin Jie, at kapag may mga isyu sa gawain, sinasadya kong makipag-ugnayan lang sa dalawang kapatid, at tumigil akong makipag-usap kay Xin Jie.

Pagkalipas ng ilang araw, binigyan kami ni Xin Jie ng isang liham ng pakikipag-ugnayan para sa aming pagsusuri. Medyo maayos ang liham ni Xin Jie sa kabuuan, at nagbigay rin ng pagsang-ayon nila ang dalawang kapatid na katuwang ko sa gawain. Naisip ko, “Hindi ito puwede. Kailangan kong siyasatin itong mabuti at tukuyin ang mga pagkukulang mo, para makita ng dalawang kapatid na hindi ka naman talaga ganoon kagaling.” Habang sinusuri ko ang liham, naging labis akong mapanuri, at itinala ko ang bawat isyung nakita ko, mabilis na tina-type ang mga ito sa keyboard, na para bang ibinubulalas ko ang aking kawalang-kasiyahan. Ang katotohan ay, talagang humusay ang liham ni Xin Jie, at bagaman may ilang maliit na isyu, normal ito, at dapat na mapagpasenya akong nakipagbahaginan sa kanya kung paano babaguhin at paghuhusayin ang liham. Pero sa pagtatangka kong isalba ang aking dangal, sinadya kong hanapan ito ng mga butas, sinasabi sa kanya sa marahas na tono, “Hindi angkop ang pagkakasulat ng bahaging ito, hindi nasamahan ng mga prinsipyo ang bahaging iyon, at ang bahaging ito ay hindi nagpapatotoo sa Diyos, kundi sa iyong sarili. Dapat mong rebisahin ang lahat ng ito ayon sa mga prinsipyo.” Pagkasabi ko nito, yumuko si Xin Jie at hindi nagsalita, at ang kapaligiran sa loob ng studio ay naging lubhang mabigat. Makalipas ang ilang sandali, nakita kong hindi pa rin nagsisimulang rebisahin ni Xin Jie ang liham, kaya’t naisip ko, “Bakit hindi mo pa ito sinisimulang rebisahin? Hindi mo ba tinatanggap ang mga mungkahi ko? Hindi puwede! Kailangan ko itong sabihin at ipahiya ka sa harap ng lahat!” Kaya sinabi ko kay Xin Jie sa isang mapagmataas na tono, “Tapusin mo ang rebisyon ngayong gabi at ipadala ito sa superbisor. Tigilan mo ang pagpapaliban!” Medyo nahirapan si Xin Jie sa pagrerebisa, hindi niya alam kung paano ito sisimulan, at naramdaman niyang pinipigilan ko siya. Hindi siya naglakas-loob na ipahayag ang mga paghihirap niya at mukha talagang problemado siya. Sa huli, pagkatapos lang na makipagbahaginan ni Jiang Yan kay Xin Jie na natapos nito ang pagrerebisa ng liham bago ito ipinadala.

Isang araw, bigla akong nakatanggap ng liham mula kay Xin Jie. Binuksan ko ito at nalamang tinutukoy ni Xin Jie ang pag-uugali ko sa panahong ito at hinimay niya ang kalikasan ng aking mga kilos ayon sa isang sipi kung saan inilalantad ng Diyos ang mga anticristo na nang-aatake at nambubukod sa iba. Sa isip ko, pilit akong nakikipagtatalo at hindi ko ito basta kayang tanggapin. Napagtanto kong mali ang aking kalagayan at na dapat akong magsimula sa pagtanggap at pagsunod. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, dahil tinukoy ni Xin Jie ang mga problema ko, malamang na umiiral talaga ang mga ito sa loob ko, pero hindi ko pa rin batid ang mga ito. Pakiusap bigyang-liwanag at gabayan Mo ako para makilala ko ang aking tiwaling disposisyon.”

Sa aking paghahanap, natagpuan ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang iba pang mga pagpapamalas ng pambabatikos at paghihiwalay sa mga tao? (Paghamak sa iba.) Ang paghamak sa iba ay isa sa mga paraan ng pagpapamalas nito; gaano ka man kahusay sa paggawa ng iyong trabaho, hahamakin o kokondenahin ka pa rin ng mga anticristo, hanggang sa ikaw ay maging negatibo at mahina at hindi na makatayo. Pagkatapos ay matutuwa sila, at naisakatuparan na nila ang kanilang layon kung magkagayon. Bahagi ba ng kahulugan ng paghamak sa iba ang pagkondena? (Oo.) Paano kinokondena ng mga anticristo ang mga tao? Pinalalaki nila ang maliliit na bagay. Halimbawa, may ginawa kang isang bagay na hindi naman problema, ngunit nais nila itong palakihin para batikusin ka kaya nag-iisip sila ng lahat ng uri ng paraan para dungisan ka at kondenahin ka sa pamamagitan ng pagpapalaki sa isang maliit na bagay, nang sa gayon ay isipin ng ibang nakikinig na may katuturan ang sinasabi ng mga anticristo at na may ginawa kang mali. Dahil dito, naisakatuparan na ng mga anticristo ang kanilang layon. Ito ang pagkondena, pambabatikos, at paghihiwalay sa mga hindi sumasang-ayon. Ano ang ibig sabihin ng paghihiwalay? Ang ibig sabihin nito ay na sa puso nila, alam nila na tama ang ginawa mo, ngunit sila ay naiinggit at napopoot sa iyo, sadyang sinisikap na batikusin ka, kaya sinasabi nila na mali ang ginawa mo. Pagkatapos ay gagamitin nila ang sarili nilang mga pananaw at maling pahayag para talunin ka sa debate, nagsasalita sa nakakahikayat na paraan para madama ng lahat ng nakikinig na tama at maganda ang sinasabi nila; pagkatapos, ang lahat ng taong iyon ay sasang-ayon sa kanila, at papanig sa kanila upang labanan ka. Ginagamit ito ng mga anticristo para batikusin ka, para gawin kang negatibo at mahina. Dahil dito, nakamtan na nila ang kanilang layon ng pambabatikos at paghihiwalay sa mga hindi sumasang-ayon. Ang paghihiwalay sa mga hindi sumasang-ayon ay maaaring mangyari kung minsan sa harapang debate, o kung minsan ay sa paghusga sa isang tao, paglikha ng gulo, paninira sa kanya, at pag-imbento ng mga kuwento tungkol sa kanya habang nakatalikod siya. … Naniniwala ang anticristo na pinakamainam nang supilin ang isang hindi sumasang-ayon, ngunit kung hindi ito masusupil ay gagawin ng anticristo ang lahat upang ibukod at ihiwalay ito. Kung hindi ito maihihiwalay, patuloy na idudulot ng anticristo na ibukod ito, kalaunan ay nasusupil ito at napipilit na magmakaawa. Nanghahatak at gumagamit ang anticristo ng ilang puwersa upang batikusin ang mga tao na naghahangad sa katotohanan o ang mga kasalungat niya ng opinyon. Pinagwawatak-watak niya ang iglesia at hinahati-hati ito sa mga paksiyon, at sa huli ay nahahati ang iglesia sa dalawa o tatlong grupo—isang grupo na nakikinig sa kanya, isang grupo na hindi, at isang grupo na walang pinapanigan. Sa ilalim ng kanyang ‘pambihirang’ paggabay, parami nang parami ang mga taong nakikinig sa kanya, at paunti nang paunti ang hindi. Mas maraming tao ang napipilitang makipagkompromiso sa kanya, at ang mga taong naiiba ang mga opinyon sa anticristo ay naibubukod at hindi nangangahas na magsalita. Paunti nang paunti ang mga taong kayang kumilatis o lumaban sa kanya, at sa ganitong paraan, unti-unting nagkakaroon ng kontrol ang anticristo sa karamihan ng tao sa iglesia, umaako siya ng isang posisyon ng awtoridad. Ito ang pakay ng anticristo. Kapag pinakikitunguhan ang mga taong naiiba ang opinyon sa kanya, hindi nagpapakita ng pagpaparaya ang anticristo. Iniisip niya: ‘Kahit na iba ang opinyon mo, dapat kang magpasakop sa aking pamumuno, dahil nasa akin na ngayon ang huling pasya. Mas mababa ka sa akin. Kung ikaw ay isang dragon, dapat kang yumukod; kung ikaw ay isang tigre, dapat kang dumapa; kahit ano pa ang mga abilidad mo, hangga’t nandito ako, hindi kita hahayaang magtagumpay o manggulo!’ Ito ang pakay ng anticristo—ang mag-isang kontrolin ang iglesia at kontrolin ang mga hinirang ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). Inilalantad ng Diyos na para makuha ang kapangyarihan at maipilit ang kagustuhan nila sa isang grupo, at para makamit ang layunin nila na kontrolin ang iba, ginagamit ng mga anticristo ang iba’t ibang paraan at diskarte para atakihin at ibukod ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila o nagbabanta sa katayuan nila. Pinagnilayan ko ang aking pag-uugali batay sa mga salita ng Diyos. Sa panahon ko bilang lider ng pangkat, madalas, sinasang-ayunan ng mga kapatid na nakapaligid sa akin ang mga pananaw ko, at natutugunan ang pagnanais ko para sa katayuan, pero pagdating ni Xin Jie, paminsan-minsan ay nagbibigay siya ng ibang mga mungkahi, at naramdaman kong nabawasan ang presensiya ko sa grupo, na hindi ko ikinasiya, dahilan kaya sinimulan kong ibukod si Xin Jie. Sa aming mga pag-aaral at talakayan, kapag hindi tinanggap ng mga kapatid ang aking mga pananaw, para hindi mapahiya at kilalanin ni Xin Jie na tama ang aking mga pananaw, palihim akong nagsaliksik ng impormasyon at paulit-ulit na nakipagbahaginan sa mga kapatid para subukang kumbinsihin ang lahat. Kapag hindi ako sinang-ayunan ni Xin Jie, pinapakitaan ko siya ng malamig na pag-uugali, at kapag may mga isyu sa gawain, hindi ko ibinabahagi ang mga ito kay Xin Jie, sa halip ay pinipiling ibukod at limitahan siya. Para maitatag ang aking katanyagan, kapag sinusuri ang liham ni Xin Jie, sa halip na tulungan siyang mapino at mapaghusay ito kapag may mga nakitang mali dahil sa pagmamahal, sadya kong tinukoy ang mga kapintasan niya at pinuna at minaliit siya. Dahil dito, naging negatibo siya at naramdamang wala na siyang paraan para marebisa ang liham, pero hindi pa rin ako tumigil, pinipilit siyang kaagad na rebisahin ang liham para hindi umano maantala ang progreso, sadyang lumilikha ng mga paghihirap para sa kanya. Hindi ba’t ang mga pag-uugali at kilos kong ito ay pang-aatake at pambubukod sa mga salungat, gaya ng inilantad ng Diyos? Kapag nagtutulungan ang mga kapatid sa mga tungkulin nila, hindi ito tulad nang sa sekular na mundo kung saan ang may katayuan at kapangyarihan ang nagdidikta ng lahat. Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang may hawak ng kapangyarihan, at ang magkakaibang pananaw ay puwedeng magkasamang mapagbahaginan para hanapin ang mga prinsipyo, at dapat natin sundin ang sinumang tama at naaayon sa mga prinsipyo, ipinatutupad ang lahat ayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo. Pero naging masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko at palagi kong gustong pasunurin ang iba sa kagustuhan ko, at kung may sinumang hindi nakinig sa akin, hahanap ako ng paraan para magpasakop sila, hindi nag-aatubili kahit ang ibig sabihin pa nito ay maaantala ang gawain at malilimitahan ang aking kapatid. Sa pag-iisip tungkol sa kung paanong ang mga anticristo at masasamang tao lang ang makagagawa ng masasamang gawa tulad ng pang-aatake at pambubukod sa mga tao, Hindi ako makapaniwalang ako rin ay makagagawa ng gayong mga bagay. Napagtanto kong napakalala talaga ng problema ko, kaya nanalangin ako sa Diyos para bigyang-liwanag ako na makilala ang aking mga isyu.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang pangunahing layunin ng isang anticristo kapag binabatikos at inihihiwalay niya ang isang hindi sumasang-ayon? Hangad niyang gumawa ng sitwasyon sa iglesia kung saan walang tinig na kokontra sa kanya, kung saan ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang pagka-lider, at ang lahat ng kanyang mga salita ay pawang absoluto. Dapat siyang pakinggan ng lahat, at kahit may pagkakaiba sila ng opinyon, hindi nila dapat ipahayag iyon, kundi hayaan iyong mabulok sa kanilang puso. Lahat ng nangangahas na hayagang sumalungat sa kanya ay nagiging kaaway ng anticristong iyon, at iisip siya ng anumang paraan para mapahirap niya ang mga bagay-bagay para sa kanila, at hindi siya makapaghintay na idulot na maglaho sila. Ito ang isa sa mga paraan ng pagbatikos at paghihiwalay ng mga anticristo sa isang hindi sumasang-ayon para mapatatag ang kanilang katayuan at maprotektahan ang kanilang kapangyarihan. Iniisip nila, ‘Mabuti para sa iyo na magkaroon ng ibang mga opinyon, subalit hindi ka maaaring mag-ikot-ikot na nagsasalita tungkol sa mga ito gaya ng gusto mo, at lalong huwag mong ikompromiso ang aking kapangyarihan at katayuan. Kung mayroon kang bagay na sasabihin, maaari mo itong sabihin sa akin nang sarilinan. Kung sasabihin mo ito sa harapan ng lahat at mapahiya ako, nagmimitsa ka ng gulo, at kakailanganin kong harapin ka!’ Anong uri ng disposisyon ito? Hindi pinahihintulutan ng mga anticristo ang iba na malayang makapagsalita. Kung mayroon silang opinyon—tungkol man ito sa anticristo o sa anumang bagay—hindi nila ito puwedeng basta-basta na lang na sabihin; kailangan nilang isaalang-alang ang reputasyon ng anticristo. Kung hindi, ituturing silang kaaway ng anticristo, babatikusin at ihihiwalay sila. Anong uri ng kalikasan ito? Ito ang kalikasan ng isang anticristo. At bakit nila ginagawa ito? Hindi nila hinahayaan ang iglesia na magkaroon ng anumang mga alternatibong opinyon, hindi nila hinahayaan ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanila sa loob ng iglesia, hindi nila hinahayaan ang mga taong hinirang ng Diyos na hayagang ibahagi ang katotohanan at kilatisin ang mga tao. Ang labis nilang kinatatakutan ay ang malantad at makilatis ng mga tao; palagi nilang sinisikap na patatagin ang kanilang kapangyarihan at ang katayuan nila sa puso ng mga tao, na sa pakiramdam nila ay hindi dapat mayanig. Hinding-hindi nila maaaring palampasin ang anumang nagbabanta o nakakaapekto sa kanilang pride, reputasyon, o sa kanilang katayuan at halaga bilang isang lider. Hindi ba’t pagpapamalas ito ng mapaminsalang kalikasan ng mga anticristo? Dahil hindi sila kontento sa kapangyarihang taglay na nila, pinalalakas at pinatitibay nila ito at hinahangad nila ang walang hanggang pananakop. Hindi lamang nila gustong kontrolin ang pag-uugali ng iba, kundi maging ang puso ng mga ito. Ang mga pamamaraang ito na ginagamit ng mga anticristo ay lubos na para maprotektahan ang kanilang kapangyarihan at katayuan, at ganap na resulta ng kanilang pagnanasang kumapit sa kapangyarihan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). “Ano ang mga pinagmumulan ng mga paraan, pagpapamalas, motibo sa pagkilos, at pinanggagalingan ng kilos ng mga anticristo sa pambabatikos at paghihiwalay sa mga hindi sumasang-ayon? (Si Satanas.) Upang maging partikular, nagmumula ang mga iyon sa mga ambisyon at pagnanais ng tao, at sa kalikasan ni Satanas. Kung gayon, ano ang layon ng anticristo? Ang layon niya ay ang mang-agaw ng kapangyarihan, kontrolin ang puso ng mga tao, at tamasahin ang mga pakinabang ng kanyang katayuan. Ito ang katangian ng isang tunay na anticristo. Mula sa perspektiba ng dalawang aytem ng pagkuha sa loob ng mga tao at pambabatikos at paghihiwalay sa mga hindi sumasang-ayon, paano binibigyang-kahulugan ng anticristo ang salitang ‘lider’ at ang papel na ginagampanan ng isang lider? Naniniwala siya na ang isang lider ay isang taong nagtataglay ng kapangyarihan at katayuan, na may kapangyarihan itong mag-utos, mang-akit, manglihis, manakot at magkontrol ng mga tao na pinamumunuan nito. Ganito ang pagkaarok niya sa salitang ‘lider.’ Kaya, kapag siya ay nasa posisyon ng pamumuno, ipinatutupad niya ang mga taktikang ito sa kanyang gawain, at ganito niya ginagawa ang kanyang mga tungkulin. Kung gayon, ano ba talaga ang ginagawa niya kapag ginagampanan niya ang kanyang mga tungkulin? Masasabi nang may katiyakan na gumagawa siya ng masasamang bagay, at para maging tumpak, nagtatatag siya ng sarili niyang nagsasariling kaharian, nakikipagkompetensiya sa Diyos para sa mga hinirang na tao, para sa puso ng mga tao, at para sa katayuan. Gusto niyang mapalitan ang puwang ng Diyos sa puso ng mga tao, ang hikayatin ang mga taong sambahin siya(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). Inilalantad ng Diyos na iyong mga may kalikasan ng isang anticristo ay itinuturing ang katayuan bilang buhay, at para maprotektahan ang katayuan at kapangyarihan nila, nagagawa nilang kumilos nang padalus-dalos, ginagamit ang anumang paraang kinakailangan para makipagkompetensiya sa Diyos para sa mga tao at mapasunod at mapatalima sa kanila ang mga ito. Sa pagninilay, napagtanto kong labis ko ring pinahalagahan ang reputasyon at katayuan, at simula nang naging lider ako ng pangkat, ginusto ko palaging magkaroon ng huling pasya sa pangkat at maging sentro ng pansin ng lahat, at kapag nanghimasok sa katayuan ko ang kilos ng sinuman, gagamit ako ng mga panlilinlang para pahirapan siya, titigil lang kapag nagpasakop na ang mga tao sa akin. Namumuhay lang ako sa mga satanikong pilosopiya tulad ng “Isa lang ang lalaking maaaring manguna,” “Hayaang mamayani ang mga sumusunod sa akin at mamatay ang mga tumututol sa akin,” at “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” ginagamit ang mga ideyang ito bilang mga prinsipyo ko sa pananatiling buhay. Pinagnilayan ko ang panahong nakipagtulungan ako sa isang kapatid sa paggawa ng aming mga tungkulin. Hindi niya sinang-ayunan ang mga pananaw ko at hindi sinunod ang mga tagubilin ko, at bilang tugon, pinahirapan ko siya, dahilan para makaramdam siya ng paglilimita mula sa akin at ayaw na niyang gumawa ng mga tungkulin kasama ko. Ngayon, sa pakikipagtulungan ko kina Xin Jie at ilang iba pa, nanatili akong makasarili at hindi pinayagan ang iba na magkaroon ng ibang mga mungkahi, at kapag hindi ako sinasang-ayunan ni Xin Jie, pakiramdam ko ay nalalagay ako sa alanganin, kaya pinilit ko siyang tanggapin ang mga pananaw ko para maprotektahan ang aking katayuan at imahe, na nauwi sa matagalang pagtatalo kapag tinatalakay ang mga problema, pero hindi lang ako nabigong magnilay sa sarili ko, naghanap rin ako ng mga pagkakataon para mang-atake at maghiganti, sadyang pinahihirap ang mga bagay-bagay para kay Xin Jie para ipahiya siya. Nagdulot ito ng malubhang pinsala kay Xin Jie. Talagang wala akong pagkatao! Ang kakayahan kong gumawa ng tungkulin ng isang lider ng pangkat ay pagtataas ng Diyos, at ang layunin ng Diyos ay ang akayin ko ang lahat para magkakasamang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, para maayos na makipagtulungan at maayos na magawa ang mga tungkulin, at para umusad kapwa sa buhay pagpasok at sa mga larangang teknikal, hindi para kumilos bilang isang awtoridad at pigilan ang iba. Ang paggawa ko ng mga tungkulin sa loob ng mahabang panahon ay hindi nangangahulugang nauunawaan ko ang katotohanan o may realidad ako. Sa katunayan, hindi ko komprehensibong nakita ang mga bagay-bagay, at hindi palaging tama ang aking pagbabahagi at pagkaunawa. Mas nakinig sana ako sa mga mungkahi ng lahat, at sumunod sa sinumang may pagbabahagi na naaayon sa katotohanan. Ang lahat ay may iba’t ibang kakayahan at pagkaunawa, kaya mag-iiba-iba ang perspektiba sa mga isyu, kaya natural na lilitaw ang iba’t ibang pananaw, at hindi ko dapat isantabi at tanggihan ang magkakaibang pananaw para protektahan ang aking katayuan, sa halip ay hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kasama ang lahat. Pero itinuring ko ang mga sarili kong pananaw at pagkaunawa bilang mga katotohanang prinspiyo, pinipilit ang iba na tanggapin at magpasakop sa mga ito, at atakihin at ibukod iyong mga hindi nakinig. Ang masasamang gawa kong ito ay mga pagsalangsang sa harap ng Diyos! Naisip ko ang maraming anticristo na pinatalsik mula sa sambahayan ng Diyos, na para protektahan ang katayuan nila, ay sinusupil at ibinubukod ang mga makakikilatis sa kanila, na nagdudulot ng walang humpay na kaguluhan sa gawain ng iglesia at naghahatid ng malalalang pagkagambala at kaguluhan. Pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili ko, at napagtanto kong inaatake at ibinubukod ko rin ang kapatid na may ibang mga pananaw para protektahan ang katayuan ko bilang lider ng pangkat. Palagi akong naghahanap ng kamalian para pahirapan siya at ibukod siya. Ang pag-uugali ko ay katulad mismo nang sa isang anticristo! Talagang mapaminsala ako! Kung hindi ako magsisisi, hahantong ako sa parehong kinalabasan tulad lang nang sa mga anticristong iyon at mauuwi ako sa pagkatiwalag at sa pagpaparusa ng Diyos! Nang mapagtanto ito, natakot ako at ginusto kong magsisi.

Pagkatapos, hinanap ko ang landas para makipagtulungan sa iba at binasa ang ilang salita ng Diyos: “Ang maayos na pagtutulungan ay kinapapalooban ng maraming bagay. Kahit papaano, ang isa sa maraming bagay na ito ay ang pahintulutan ang iba na magsalita at magbigay ng ibang mga mungkahi. Kung tunay kang makatwiran, anumang uri ng gawain ang ginagawa mo, kailangan mo munang matutunang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at dapat ka ring magkusang hingin ang mga opinyon ng iba. Basta’t sineseryoso mo ang bawat mungkahi, at pagkatapos ay nilulutas ang mga problema nang may pagkakaisa, talagang makakamit mo ang maayos na pagtutulungan. Sa ganitong paraan, makararanas ka ng mas kaunting paghihirap sa iyong tungkulin. Anumang mga problema ang lumitaw, magiging madaling lutasin at harapin ang mga ito. Ito ang epekto ng maayos na pagtutulungan. Kung minsan ay may mga pagtatalo tungkol sa mga walang kuwentang bagay, subalit basta’t hindi nito naaapektuhan ang gawain, hindi magiging problema ang mga ito. Gayunman, sa mahahalaga at malalaking bagay na kinasasangkutan ng gawain ng iglesia, kailangan ninyong magkasundo at hanapin ang katotohanan para malutas ang mga ito. Bilang isang lider o isang manggagawa, kung palagi mong iniisip ang iyong sarili nang higit kaysa sa iba, at nagpapakasaya sa iyong tungkulin na parang ito ay isang posisyon sa gobyerno, palaging nagpapakasasa sa mga benepisyo ng iyong katayuan, palaging gumagawa ng mga sarili mong plano, palaging iniisip at tinatamasa ang sarili mong kasikatan, pakinabang at katayuan, palaging nagpapatakbo ng sarili mong operasyon, at palaging naghahangad na magtamo ng mas mataas na katayuan, na mapamahalaan at makontrol ang mas maraming tao, at mapalawak ang saklaw ng iyong kapangyarihan, problema ito. Lubhang mapanganib na tratuhin ang isang mahalagang tungkulin bilang isang pagkakataon para tamasahin ang iyong posisyon na para bang isa kang opisyal ng gobyerno. Kung palagi kang kikilos nang ganito, ayaw makipagtulungan sa iba, ayaw bawasan ang iyong kapangyarihan at ibahagi ito sa iba, ayaw na masapawan ka ng iba, na maagaw ang katanyagan, kung gusto mo lang tamasahing mag-isa ang kapangyarihan, isa kang anticristo. Subalit kung madalas mong hinahanap ang katotohanan, isinasagawa ang paghihimagsik laban sa iyong laman, sa mga sarili mong motibasyon at ideya, at nagagawa mong kusang makipagtulungan sa iba, buksan ang puso mo para sumangguni at maghanap kasama ng iba, makinig nang mabuti sa mga ideya at mungkahi ng iba, at tumanggap ng payo na tama at naaayon sa katotohanan, kanino man iyon manggaling, nagsasagawa ka sa isang matalino at tamang paraan, at nagagawa mong iwasang tumahak sa maling landas, na proteksyon para sa iyo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). “Kapag nagtutulungan ang dalawang tao upang gampanan ang isang tungkulin, kung minsan ay magtatalo sila tungkol sa isang usapin sa prinsipyo. Magkakaroon sila ng magkaibang pananaw at magkakaroon sila ng magkaibang opinyon. Ano ang maaaring gawin sa ganyang sitwasyon? Hindi ba’t ito ay isang usapin na madalas na mangyari? Isa itong normal na pangyayari. Iba-iba ang pag-iisip, kakayahan, kabatiran, edad, at karanasan ng lahat ng tao, at imposible para sa dalawang tao na magkaroon ng mga kaisipan at pananaw na parehong-pareho, at kaya napakakaraniwang pangyayari ang magkaroon ng magkaibang mga opinyon at pananaw ang dalawang tao. Hindi na ito magiging mas regular pang pangyayari. Hindi ito dapat pagkaabalahan. Ang mahalagang tanong ay, kapag lumilitaw ang gayong usapin, paano dapat makipagtulungan at maghanap ng pagkakaisa sa harap ng Diyos at pagkakaisa ng mga pananaw at opinyon. Ano ang landas upang magkaisa ang mga pananaw at opinyon? Ito ay ang hanapin ang nauugnay na aspekto ng mga katotohanang prinsipyo, hindi ang kumilos ayon sa mga layunin mo o ng ibang tao, kundi ang hanapin ang mga layunin ng Diyos. Ito ang landas sa maayos na pagtutulungan. Tanging sa paghahanap mo lamang sa mga layunin ng Diyos at sa mga prinsipyong hinihingi Niya na makakamit ninyo ang pagkakaisa(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Maayos na Pakikipagtulungan). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa para sa pakikipagtulungan sa iba sa aking tungkulin. Kapag may hindi sumasang-ayon sa aking mga pananaw, dapat kong isantabi ang aking katayuan at posisyon, at huwag ipilit ang aking sarili, kundi hanapin ang mga kaugnay na prinsipyo kasama ang iba, nagsasagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Dahil ang bawat isa sa atin ay may iba-ibang kakayahan at mga karanasan, at ang pagkaunawa ng bawat tao sa parehong usapin ay magkakaiba, isinasaayos ng Diyos na magtulungan tayo para mapunan ang isa’t isa at makabawi sa mga kalakasan at kahinaan ng isa’t isa. Pinagnilayan ko noong panahong nagmungkahi si Xin Jie ng naiibang pananaw. Kung naisantabi ko lang ang aking katayuan bilang lider ng pangkat at tinanggap ang mga mungkahi niya nang may naghahanap na puso, hindi sana naantala ang pag-usad ng gawain. Kasalanan kong lahat ang pagbibigay ng labis na pagpahalaga sa aking katayuan, sa palaging pagpoprotekta sa aking katayuan at imahe, dahil hinadlangan ng mga bagay na ito ang gawain. Kalaunan, humingi ako ng tawad kay Xin Jie at inilantad ang aking masasamang gawa, pero sa aking gulat, hindi nagtanim sa akin ng sama ng loob si Xin Jie para sa pinsalang idinulot ko sa kanya, at nagawa naming muling makipag-ugnayan sa isa’t isa nang normal. Kapag nag-aaral kami ng mga teknikal na bagay at tinatalakay ang mga isyu nang magkakasama, pinagtutuunan ko rin ang pakikinig sa mga pananaw ng mga kapatid. Minsan, kapag hindi sinang-ayunan ng mga kapatid ang aking pananaw, medyo nainis ako, pero nagawa kong manalangin sa Diyos at magrebelde laban sa sarili ko, hanapin at pag-isipan ang mga pananaw ng iba, at napagtantong ang lahat ay may sari-sarili nilang pagkaunawa at makapagpapaliwanag, at na maaari akong makinabang mula sa pagbabahagi ng iba.

Kalaunan, habang pumipili ako ng mga sermon at naisip na may mga problema ang isa rito, inabandona ko ito, pero nagbigay si Xin Jie ng ibang pananaw sa kanyang pagsusuri. Naharap sa mungkahi ng kapatid, nakadama ako ng bahagyang panlalaban, iniisip, “Kung sasang-ayon ako sa pananaw ni Xin Jie, magmumukha ba akong mas mababa sa kanya? Ano ang iisipin ng ibang mga kapatid tungkol sa akin?” Dahil sa ganitong pag-iisip, nakipagtalo ako kay Xin Jie sa loob ng ilang sandali, sinusubukang ipatanggap sa kanya ang aking pananaw. Napagtanto kong mali ang aking kalagayan, at na sinusubukan kong protektahan ang aking dangal at mapakinig si Xin Jie sa akin, kaya tahimik akong nanalangin, “O Diyos, nahihirapan akong tanggapin ang mga naiibang mungkahi ni Xin Jie. Pakiprotektahan Mo ang aking puso at tulungan akong matutunang isantabi ang sarili ko, hanapin ang mga prinsipyo mula rito, mula sa pagtanggap at pagpapasakop kapag nahaharap sa iba’t ibang pananaw, at matutong itanggi ang aking sarili. Kung hindi angkop ang aking pananaw, handa akong tanggapin ang mungkahi ng iba.” Pagkatapos, ginamit namin ang mga kaugnay na prinsipyo at magkasamang sinuri ang sermon, at natuklasan namin na ang mga isyung binanggit ko ay hindi kalakihang mga problema, at na sa kabuuan, maayos ang pangaral. Bagaman bahagyang nasaktan ang aking dangal, medyo nasiyahan ako, dahil kung hindi dahil sa mga mungkahi ni Xin Jie, napalampas ko sana ang isang mabuting sermon. Ang pakikinig sa mga mungkahi ng iba ay hindi lang nakatutulong na pumigil sa akin na gumawa ng kasamaan kundi nagpapahintulot din sa akin na makita ang aking mga kakulangan, na isang bagay na bumabawi sa aking mga kapintasan.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, nakita ko na kung hindi ko tatahakin ang tamang landas at hindi ko hahangarin ang katotohanan sa aking tungkulin at susubukan lang na protektahan ang aking katayuan, malamang sa makagagawa ako ng kasamaan at lalaban sa Diyos sa bawat sandali, nagdudulot ng pagkasuklam ng mga tao at pagtataboy ng Diyos, inaakay ako tungo sa landas ng kapahamakan. Tanging sa pagkatuto kung paano isuko ang aking dangal at katayuan, isantabi ang aking mga sariling pananaw, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at sa pagkatutong makipagtulungan sa iba, makapagkakamit ako ng karagdagang di-inaasahang mga pakinabang. Tunay na naranasan ko ang mga kapakinabangan ng pagtanggap sa magkakaibang pananaw at paggawa nang naaayon sa mga prinsipyo. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  20. Pagharap sa Pagsalungat ng Aking mga Magulang sa Aking Pananalig

Sumunod:  22. Nabunyag ng Isang Maliit na Bagay ang Aking Tunay na Sarili

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger