38. Ang Aking Pinili

Ni Shara, Pilipinas

Maagang pumanaw ang aking mga magulang, kaya mula pagkabata, ako at ang dalawa kong kapatid na babae ay lumaki kasama ang aming lola, at ang lola namin ang nangaral ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus sa amin. Madalas kaming nananalangin sa Panginoon at sumasama sa aming lola sa simbahan tuwing Linggo. Pagpanaw ng aming lola, kinupkop kami ng aming tiyahin at tiyuhin, tinrato kami na parang sarili nilang mga anak. Madalas sabihin ng tiyahin namin sa amin na ang pag-aaral ang pinakamahalagang bagay sa buhay at na ito ang susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Isinapuso ko ang mga salitang ito, iniisip na anuman ang mangyari, hindi ko maaaring isuko ang aking pag-aaral. Masigasig talaga akong nag-aral at iginiit kong pumasok sa paaralan kahit na kapag may sakit ako. Palaging kabilang sa mga nangunguna sa klase ang aking mga grado, at nakatanggap ako ng maraming parangal at sertipiko.

Noong 2020, matapos sumiklab ang pandemya ng COVID-19, tumigil ako sa pagpunta sa simbahan, at nagsimulang magbasa ng Bibliya sa bahay. Nagkaroon ako ng inspirasyon mula sa mga santo sa Bibliya na inialay ang buhay nila sa Diyos, at unti-unti, nakabuo ako ng pagnanais na maglingkod sa Diyos. Nagsimula akong maghanap ng mga grupo sa online na puwede kong makatipon, at noong Agosto 2020, may isang kaibigan sa Facebook na nag-anyaya sa akin na dumalo sa isang online na pagtitipon. Sa pagtitipon na iyon, pinatotohanan nila sa akin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Noong una kong nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lubos akong naantig at nasabik, dahil may awtoridad ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ibinunyag nito ang maraming hiwagang hindi ko pa nauunawaan noon. Dahil dito, naging masigasig ako sa pagdalo sa mga online na pagtitipon, at sa libre kong oras, nanood ako ng maraming pelikula mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ng mga patotoong batay sa karanasan ng mga kapatid. Napuno ng kagalakan at panustos ang aking puso.

Hindi nagtagal, nagsasagawa na ako ng pagdidilig sa mga baguhan online. Dahil sa pandemya, nagawa ko lang tapusin ang pag-aaral ko online at nagkaroon ako ng maraming libreng oras, kaya hindi naging masyadong mahirap balansehin ang aking mga tungkulin at pag-aaral. Paglipas ng panahon, nagsimulang mag-alala ang aking tiyuhin at tiyahin na maaapektuhan ng aking mga tungkulin ang aking pag-aaral, at kaya hiniling nila sa akin na tumigil sa pagdalo sa mga online na pagtitipon. Medyo nag-alala ako, iniisip na, “Kung hindi ako pahihintulutang dumalo sa mga online na pagtitipon, paano ko gagawin ang mga tungkulin ko? Kamakailan lang, parami nang paraming ang mga baguhang nagsisimulang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at kung hindi ko sila madidiligan nang maayos, magdurusa ang buhay nila. Magiging kasalanan ko iyon at tiyak na magdudulot iyon sa aking ng pagkakonsensiya.” Dahil dito, pinili kong ipagpatuloy ang paggawa ng aking mga tungkulin. Isang araw, nagpadala ng mensahe ang lider sa akin, tinatanong kung gusto kong gawin ang tungkulin ko nang full-time. Labis akong natuwa at kaagad na pumayag pagkatanggap ko ng mensaheng ito, dahil sa wakas ay magagamit ko na ang buong oras ko sa paggugugol ng sarili ko sa Diyos, at matutupad na ang hangarin kong maglingkod sa Diyos habambuhay. Pero may ilang alalahanin din ako, habang iniisip ko, “Kung gagawin ko nang full-time ang mga tungkulin ko, ano ang mangyayari sa aking pag-aaral? Kung titigil ako sa pag-aaral, ano ang magyayari sa kinabukasan ko? Ano ang mararamdaman ng aking tiyuhin at tiyahin? Umaasa pa rin silang aalagaan ko sila balang araw, at na susuklian ko ang pagmamahal at mga pagsisikap nila sa pagpapalaki sa akin.” Sa sandaling iyon, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, ito ang pinakanararapat na bagay na magagawa nila, ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin nila, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilikha sa ilalim ng kapangyarihan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pamamatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananampalataya sa Diyos. Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupurihin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat na alalahanin—ito ay isang positibong bagay. … Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at dapat niyang tuparin ang responsabilidad na ito. Sa kondisyon na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, isinakatuparan Niya ang isang karagdagang hakbang ng gawain sa mga tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Diyos habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas sa buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang epektong layong makamit sa huli ng pagpapagampan ng Diyos sa mga tao sa mga tungkulin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). “Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng atas ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa atas ng Diyos at sa makatarungang kapakanan ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa ay hindi magiging karapat-dapat sa harap niyong mga naging martir para sa atas ng Diyos, at lalong mas mahihiya sa harap ng Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang paglalaan ng katawan at isipan natin sa pagtupad sa atas ng Diyos at sa pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo ay ating responsabilidad at obligasyon. Kung hindi nakalaan ang katawan at isip natin sa atas ng Diyos at ginugugol lang natin ang ating buhay sa pamumuhay para sa laman, walang kabuluhan ang ating buhay. Umaasa ang Diyos na magagawa natin ang mga tungkulin natin at hindi natin sasayangin ang oras natin. Ako ay isang nilikha, at at ang buhay ko ay mula sa Diyos, kaya dapat kong gawin ay ang aking mga tungkulin. Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko rin na ang paggawa ng aking tungkulin ay ang landas sa pagkamit ng kaligtasan at pagpeperpekto, at na kung tumigil ako sa paggawa ng aking mga tungkulin, magiging hungkag ang aking buhay, at mawawalan ng kabuluhan ang aking buhay nang walang pagsang-ayon ng Diyos. Binigyan ako ng tapang ng mga salita ng Diyos, at nakabuo ako ng pagnanais na mapalugod ang Diyos at ilaan ang buhay ko sa Kanya. Bagaman handa akong isuko ang lahat kasama ang aking pag-aaral para gawin ang mga tungkulin ng isang nilikha, nag-alala rin ako tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ko kung isusuko ko ang aking pag-aaral. Inisip ko kung magagawa ko bang makahanap ng magandang trabaho nang walang diploma, at kung masusuportahan ko ba ang sarili ko sa hinaharap. Naalala ko rin ang madalas sabihin ng aking tiyahin, “Ang edukasyon ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Ang kaalaman ang pinakamahalagang ari-arian, isang bagay na hindi mananakaw, at ang susi sa isang magandang kinabukasan.” Naisip ko na kung hindi ko pagbubutihan ang pag-aaral ko, hindi ako makakukuha ng magandang trabaho, at hindi magkakaroon ng matatag na buhay. Mas lalo akong nabalisa at nag-alala sa pag-iisip na ito. Sa puntong ito, may dalawa o tatlong buwan na lang ako bago magtapos ng hayskul, kaya ginusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko. Sa ganitong paraan, nag-aral ako habang ginagawa ang mga tungkulin ko sa iglesia. Ginusto kong gawing maigi ang dalawa nang sabay, pero mahirap talaga ito. Minsan kinailangan kong gumawa ng takdang-aralin at magdilig ng mga baguhan, at hindi magawang kumalma ng aking puso. Naalala ko isang araw, binigyan ako ng kaunting takdang-aralin, at nang nakita ko kung gaano karami ang mga ito, napaisip ako kung ano kaya ang mangyayari sa mga tungkulin ko kung susubukin kong tapusin ang lahat ng ito. Bukod pa rito, nang binasa ko ang materyal na pinag-aaralan ko, naging sobra akong hindi komportable dahil karamihan ng nilalaman ng kurso ay hindi naaayon sa katotohanan, at sinalungat pa nga ng ilan ang katotohanan at itinanggi ang pag-iral ng Diyos. Nagdulot ito sa akin ng malaking pasakit at kaguluhan sa aking kalooban. Pakiramdam ko ay nabubuhay ako sa dalawang mundo: isang mundo ng liwanag at isang mundo ng kadiliman, at na nakatayo ako na may isang paa sa liwanag at is apa sa kadiliman. Sa puntong ito, sa wakas ay napagtanto ko na kailangan kong mamili sa pagitan ng aking pag-aaral at aking mga tungkulin.

Binasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May ilang tao na pumipili ng isang magandang kurso sa kolehiyo at pagkatapos ay nakakatagpo ng isang kasiya-siyang trabaho pagkaraang makapagtapos at gumagawa ng matagumpay na unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay. May ilang tao na natututo at nagiging dalubhasa sa maraming iba’t ibang kasanayan ngunit kailanman ay hindi makahanap ng trabaho na angkop sa kanila o hindi kailanman makahanap ng posisyon, lalo na ng isang karera; sa simula ng kanilang paglalakbay sa buhay, natatagpuan nila ang kanilang mga sarili na nahahadlangan sa bawat liko, dinadagsa ng mga ligalig, madilim ang hinaharap at walang katiyakan ang kanilang mga buhay. Ang ilang tao ay masigasig sa kanilang pag-aaral, ngunit halos napapalampas ang lahat ng kanilang mga pagkakataon na makatanggap ng mas mataas na pinag-aralan; tila itinadhanang kailanman ay hindi magtamo ng tagumpay at ang kanilang kauna-unahang hangarin sa paglalakbay sa kanilang buhay ay nililipad ng hangin. Hindi alam kung ang daraanan ay patag o mabato, nararamdaman nila sa kauna-unahang pagkakataon kung gaano kapuno ng mga pagbabago ang tadhana ng tao, kung kaya’t itinuturing ang buhay nang may pag-asa at pangamba. May ilang tao, kahit hindi gaanong nakapag-aral, ay nakapagsusulat ng mga aklat at nakapagtatamo ng kaunting katanyagan; ang ilan, bagaman halos ganap na walang pinag-aralan, ay kumikita ng pera mula sa negosyo at dahil doon ay nasusuportahan ang kanilang mga sarili…. Anumang trabaho ang pinipili ng isang tao, paano man siya naghahanap-buhay: may anumang kontrol ba ang mga tao kung gumagawa man sila ng tamang pagpili o maling pagpili sa mga bagay na ito? Sumasang-ayon ba ang mga bagay na ito sa kanilang mga pagnanais at kapasyahan? Karamihan sa mga tao ay nagnanais ng mga sumusunod: na mabawasan ang kanilang pagtatrabaho at kumita nang mas malaki, na hindi magtrabaho sa ilalim ng araw at ng ulan, manamit nang maganda, magningning at kuminang sa lahat ng dako, pangibabawan ang iba, at magdala ng karangalan sa kanilang mga ninuno. Umaasam ang mga tao na maging perpekto, subalit kapag ginawa na nila ang mga unang hakbang sa paglalakbay sa kanilang mga buhay, unti-unti nilang naiintindihan kung gaano kaimperpekto ang tadhana ng tao, at sa kauna-unahang pagkakataon ay tunay nilang nauunawaan ang katunayan na, bagaman maaaring makagawa ang isang tao ng mapangahas na mga plano para sa sariling kinabukasan at bagaman ang isang tao ay maaaring magtanim sa isip ng mapangahas na mga pantasya, walang sinuman ang may kakayahan o may kapangyarihan na isakatuparan ang kanyang sariling mga pangarap, at walang sinuman ang nasa posisyon na kontrolin ang kanyang sariling kinabukasan. Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng mga pangarap ng isang tao at sa mga realidad na dapat niyang harapin; ang mga bagay ay hindi kailanman ayon sa ninanais ng isang tao, at sa harap ng ganoong mga realidad ay hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang tao na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malalaking sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga hanapbuhay at hinaharap, sa pagtatangka na baguhin ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at ninanais sa pamamagitan ng kanilang sariling pagsisikap, hindi nila kailanman mababago ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan ang naitakda na sa kanila ng tadhana. Kahit ano pa ang mga pagkakaiba sa kakayahan, talino, at determinasyon, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na hindi tumitingin sa pagkakaiba ng malaki o maliit, ng mataas o mababa, ng pinaparangalan o hinahamak. Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napagpapasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, at sa halip ay itinadhana ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang aking kapalaran at kinabukasan ay wala sa aking mga kamay, at hindi rin nakadepende ang mga ito sa aking mga pagsisikap. Ang mga bagay na ito ay ganap na itinakda ng Lumikha. Palagi noong sinasabi ng tiyahin ko na ang kaalaman ay susi sa isang magandang kinabukasan at walang kapantay na kayamanan, at ang mga salitang ito ay malalim na nag-ugat sa aking puso, pinaniniwala ako na iyon ang katotohanan. Madalas kong sinasabi sa sarili ko na anuman ang mangyari, hindi ko dapat ihinto ang aking pag-aaral, dahil ito ang susi sa isang matagumpay na hinaharap, at kung titigil ako sa pag-aaral, hindi magbabago ang aking kapalaran. Ayaw kong lumaking mahirap o mamatay na mahirap, kaya’t nag-aral ako nang mabuti. Pero ngayon, napagtanto ko na ang mga salitang itinanim sa aking puso ay iyong mga ginamit ni Satanas para ilihis ang mga tao, na nagiging dahilan para salungatin natin ang Diyos at itanggi ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, pinaniniwala tayo na ang magandang kapalaran ay nakadepende sa sarili nating pagsisikap, at na ang kapalaran ng isang tao ay nasa sarili niyang mga kamay, na nag-uudyok sa ating tanggihan ang katotohanan na ang kapalaran ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha. Nagtaka ako kung bakit maraming taong may matataas na pinag-aralan o nag-aral ng magagandang kurso sa kolehiyo ang nauuwi sa mga propesyon at yamang malayong-malayo sa mga inaasahan nila. May ilang nagiging yaya pagkatapos ng graduation, may ilang nagiging magsasaka, may ilang napupunta sa pagtitinda, at may ilang hindi man lang nakakahanap ng trabaho. Sa kabilang banda, maraming taong hindi talaga nakapag-aral, o hindi man lang nag-aral nang mabuti, ang mayaman at sikat na ngayon. Sa pagninilay-nilay sa mga bagay na ito, naunawaan ko na wala sa ating mga kamay ang ating kapalaran, kundi nasa mga kamay ng Diyos. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?(Mateo 6:25–26). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng ating pangangailangan, na Siya ang nagkakaloob ng lahat ng ating pangangailangan, at na hindi ko kailangang mag-alala tungkol sa anuman. Tungkol naman sa aking hinaharap—kung magkakaroon ako ng pagkaing makakain, bahay na matitirahan, o kung makakahanap ako ng magandang trabaho, hindi ko kailangang mag-alala, kailangan ko lang na hanapin ang Diyos at ipagkatiwala ang lahat sa Kanya, at ang Diyos ang mamamatnugot at magsasaayos ng lahat ng bagay. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng kapanatagan, at nagpasya akong itigil ang aking pag-aaral at pagtuunan ang aking mga tungkulin. Pero nabahala ako na baka hindi ito sang-ayunan ng aking pamilya, at naramdaman kong may pagkakautang ako sa kanila. Marami silang pinagdaanan para mapalaki ako. Madalas na nag-oovertime ang aking tiyuhin at kumuha siya ng part-time na trabaho para kumita ng mas maraming pera para suportahan kami. Minsan, pinipili niyang hindi kumain para matiyak na mayroon kaming sapat na makakain. Nagdulot ng matinding pagkabagabag sa akin ang mga kaisipang ito, pero kung isusuko ko ang aking mga tungkulin para masuklian sila, hindi mapapanatag ang aking konsensiya.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbigay-kalutasan sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala rito ang tao, isang buhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Dahil dito, nagkaroon ng mga magulang at kamag-anak ang tao, at hindi na nag-iisa. Mula nang unang makita ng tao ang materyal na mundong ito, itinadhana siyang mabuhay sa loob ng ordinasyon ng Diyos. Ang hininga ng buhay mula sa Diyos ang sumusuporta sa bawat nabubuhay na nilalang sa kanilang paglaki hanggang sa kanilang pagtanda. Sa panahon ng prosesong ito, walang nakadarama na umiiral at lumalaki ang tao sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos; sa halip, naniniwala sila na ang tao ay lumalaki sa ilalim ng biyaya ng pagpapalaki ng mga magulang, at na ang sarili niyang instinto sa buhay ang gumagabay sa kanyang paglaki. Ito ay dahil hindi alam ng tao kung sino ang nagkaloob ng buhay niya, o kung saan ito nanggaling, lalo nang hindi niya alam kung paano lumilikha ng mga himala ang likas na pag-uugali niya sa buhay. Ang alam lang niya ay na pagkain ang saligan ng pagpapatuloy ng kanyang buhay, na pagtitiyaga ang pinagmumulan ng pag-iral ng buhay niya, at na ang mga paniniwala sa kanyang isipan ang puhunan kung saan nakadepende ang kanyang pananatiling buhay. Tungkol sa biyaya at panustos ng Diyos, walang anumang nababatid ang tao, at sa ganitong paraan niya inaaksaya ang buhay na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos…. Wala kahit isang tao, na pinangangalagaan ng Diyos sa araw at gabi, ang nagkukusang sumamba sa Kanya. Patuloy lang na gumagawa ang Diyos sa taong wala Siyang anumang inaasahan, ayon sa naplano na Niya. Ginagawa Niya iyon sa pag-asang balang araw, magigising ang tao mula sa panaginip nito at biglang matatanto ang halaga at kahulugan ng buhay, ang halagang ibinayad ng Diyos para sa lahat ng Kanyang ibinigay sa kanya, at ang masidhing pananabik ng Diyos na manumbalik ang tao sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ang tumutustos sa lahat, at na kahit na tila ang pamilya natin ang nag-aalaga sa atin, sa likod ng mga eksena, ang Diyos talaga ang nagsasaayos ng mga bagay-bagay at nagbabantay sa atin sa buong buhay natin. Bigla kong naalala noong bata pa ako at ang aking mga kapatid, kahit wala ang pag-aalaga ng aming mga magulang, namuhay pa rin kami nang maayos. Saanman kami manirahan, ang mga taong nakasalamuha namin ay palaging mababait at itinuring kaming parang mga sarili nilang anak. Naalala ko rin noong pitong taong gulang ako, isang beses habang tumatawid kami ng aking kapatid sa kalsada, may biglang paparating na sasakyan na muntik nang bumangga sa amin. Napahinto kami ng kapatid ko sa takot, pero bigla ring huminto ang sasakyan at hindi kami nasaktan. Sa isa pang pagkakataon, muntik na rin akong masagasaan ng isang traysikel habang tumatawid sa kalsada, pero bigla rin itong huminto at hindi rin ako nasaktan. Habang iniisip ang mga insidenteng ito, napaiyak ako nang labis. Palaging nasa tabi ko ang Diyos, nagbabantay at nagpoprotekta sa akin, pero hindi ko ito napagtanto noon. Akala ko, lahat ng mayroon ako ay bunga ng pagsasakripisyo at pagsisikap ng aking tiyuhin at tiyahin. Ang pasasalamat ko sa kanila ay hindi nawala sa aking isipan at hinangad kong masuklian sila. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ng mayroon ako ay bunga ng pagmamahal at pagkalinga ng Diyos, at na ang Diyos ang Siyang pinakakarapat-dapat sa aking pagmamahal at pasasalamat. Bilang isang nilikha, may tungkulin at responsabilidad ako na gawin ang mga tungkulin ng isang nilikha. Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng tapang para sabihin sa aking pamilya ang aking desisyon.

Isang gabi, nagpadala ako ng mensahe sa aking tiyahin, at ito ang isinulat ko: “Tiya, noong bata pa ako, ibinahagi ni lola sa akin at sa aking mga kapatid ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus, itinuro niya sa amin kung paano manalangin sa Diyos, at ipinaunawa niya sa amin na ang Diyos ang Lumikha. Nakita ko kung gaano kadakila at kabuti ang Diyos, na isinakripisyo Niya ang lahat para sa sangkatauhan, at na pinapatawad Niya tayo kahit gaano karaming kasalanan mayroon tayo. Dahil ginagawa ng Diyos ang lahat para sa atin, bakit hindi natin magawang mga tao ang ating tungkulin sa gitna ng pamamahala ng Diyos? Dahil dito, napagpasyahan kong paglingkuran ang Diyos. Nagkatawang-tao muli ang Panginoon, at Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, at ginagampanan Niya ang gawain ng paghatol at paglilinis para palayain ang mga tao mula sa kasalanan. Nais kong ilaan ang lahat ng aking oras sa aking mga tungkulin at sa pagtupad ng pangako ko sa Diyos. Sana ay matanggap ninyo ang aking desisyon.” Matapos kong ipadala ang mensaheng ito, pakiramdam ko ay nawalan ako ng tinik sa aking lalamunan, at gumaan nang husto ang aking pakiramdam.

Kinabukasan ng umaga, sinabi sa akin ng tiyahin ko, “Shara, sigurado ka na ba sa desisyong ito? Paano ang kinabukasan mo? Nagpakahirap ang tiyuhin mo para sa iyo, tapos ganoon mo lang kadali isusuko ang iyong pag-aaral?” Marami pang masasakit na salita ang sinabi ng tiyahin ko, at labis akong nasaktan sa mga sinabi niya. Pagkatapos ay tinanong ako ng tiyahin ko, “Nag-aaral ka pa rin ba?” Sumagot ako, “Hindi, hindi na po.” Labis siyang nagalit nang marinig ito at lumakas ang boses niya, “Ano? Hindi ka na nag-aaral? Ano ba ang iniisip mo? Nagpakahirap kami ng tiyuhin mo sa pagtatrabaho para mapag-aral ka, at ganito mo kami tatratuhin? Akala ko ikaw ang pinakamabait at pinakamatalino sa inyong magkakapatid, pero parang nagkamali pala ako. Labis mo kaming binigo!” Hindi ko napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata, alam kong nagbayad sila ng malaking halaga para sa akin, pero ramdam kong tama ako sa pagpili sa aking mga tungkulin. Pero ilang beses man ako magpaliwanag, sadyang hindi pa rin ako maunawaan ng aking tiyahin. Kalaunan, habang nasa kusina, nagpadala ako ng mensahe sa isang kapatid, sinasabi sa kanya ang aking pinagdadaanan. Pinalakas ng kapatid ang loob ko at ipinadala sa akin ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Kailangan mong taglayin ang Aking katapangan sa iyong kalooban at kailangan mong magkaroon ng mga prinsipyo kapag humaharap ka sa mga kamag-anak na hindi nananampalataya. Gayunman, para sa Akin, hindi ka rin dapat na sumuko sa kahit anong mga puwersa ng kadiliman. Magtiwala ka sa Aking karunungan upang makalakad sa perpektong daan; huwag hayaan ang mga pakikipagsabwatan ni Satanas na makapangyari. Gawin ang lahat ng makakaya mo para ilagay ang puso mo sa harap Ko, at pagiginhawahin kita at bibigyan ka ng kapayapaan at kagalakan. Huwag magsikap na maging isang bagay sa harap ng ibang mga tao; hindi ba’t mas mahalaga at matimbang ang bigyan Ako ng kasiyahan? Sa pagbibigay ng kasiyahan sa Akin, hindi ka ba higit na magkakaroon ng walang-hanggan at panghabambuhay na kapayapaan at kaligayahan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 10). Ang mga salita ng Diyos ay umantig sa aking puso at nagbigay sa akin ng lakas, at naramdaman kong pinalalakas ng Diyos ang loob, pinaaalalahanan, at hinihikayat Niya ako. Alam kong ginagamit ni Satanas ang aking pamilya para tuksuhin at atakihin ako, para panghinaan ako ng loob at mapaatras ako, pero hindi ako maaaring sumuko kay Satanas. Paano man ako tratuhin ng pamilya ko, kailangan kong manindigan sa aking patotoo para mapahiya si Satanas! Nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, inaatake ako ni Satanas, at ako ay mahina at walang lakas. Pakibigyan Mo ako ng lakas, bantayan Mo ang aking puso, at ilayo Mo ako sa mga pakana ni Satanas.” Matapos ang aking panalangin, nagkaroon ako ng tapang at naging handang sumandig sa Diyos para harapin ang susunod na mga sitwasyon. Makalipas ang ilang sandali, dumating ang aking tiyuhin. Nang makita ko siya at hindi ko napigilang muling kabahan. Sinabi ng aking tiyuhin, “Gusto mong umalis at maglingkod sa Diyos sa iglesia. Iyon ba talaga ang gusto mo?” Tumango ako. Muli niyang tinanong, “Sigurado ka ba sa iyong desisyon?” Sumagot ako, “Opo.” Akala ko ay magagalit nang husto ang aking tiyuhin pero sa aking gulat, sinabi niya, “Sige, kung iyan ang desisyon mo, hindi na kita pipigilan. Shara, nangako ako sa iyong ina na aalagaan kita at iyong mga kapatid at sisiguraduhin kong makatatanggap kayo ng edukasyon, at ngayong naibigay ko na iyon sa inyo, hindi ko na panghihimasukan pa ang iyong desisyon. Basta’t hindi mo pagsisihan ang iyong desisyon sa huli, gawin mo ang gusto mo.” Sa puntong iyon, hindi ko napigilang maiyak; hindi ko talaga inasahan na magiging labis na kalmado ang aking tiyuhin. Nakita ko na ang lahat ng nasa paligid ko ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, na ito ay gawa ng Diyos, at pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso!

Pero sa gulat ko, isang araw, bigla na lang nagbago ang isip ng aking tiyuhin at ipinagpilitan niyang makipagkita sa mga kapatid, sinasabing hindi ako puwedeng umalis hangga’t hindi ito nangyayari, kinailangan kong ibigay sa kanya ang aking cellphone nang alas-8 ng gabi at hindi ako nakadalo sa pagtitipon, at kung tatanggi akong ibigay ang aking cellphone, palalayasin niya ako. Natakot talaga ako nang narinig kong sabihin niya iyon. Dahil napakahigpit ng aking tiyuhin, hindi ako nangahas na suwayin ang mga utos niya, pero may mga baguhan ding kailangang diligan nang alas-8 ng gabi, at kung kukuhain ng aking tiyuhin ang aking cellphone, paano ko sila madidiligan? Habang iniisip ko ito, sadyang hindi ko magawang kumalma, kaya’t nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, wala akong magawa ngayon, ipinagkakatiwala ko sa Iyo ang kasalukuyan kong sitwasyon. Pakiusap, tulungan Mo ako.” Matapos kong manalangin, naisip ko na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at na kailangan kong sumandig sa Kanya, pumanig sa Kanya, at huwag hayaang magtagumpay ang mga pakana ni Satanas. Dahil sa kaisipang ito, nakadama ako ng kaliwanagan at nagpasiyang diligan ang mga baguhan. Dumating ang alas-8 ng gabi, at hindi pa rin kinuha ng aking tiyuhin ang aking cellphone, at nakadalo ako sa online na pagtitipon gaya ng dati. Sa gulat ko, walang anumang sinabi ang tiyuhin ko at hindi niya inistorbo ang online na pagtitipon ko, at nanatili siyang tahimik hanggang matapos ko ang pakikipagtipon kasama ang mga baguhan. Sa sandaling iyon, hindi ko napigilang maiyak. Nakita ko na gaano man kahigpit ang aking tiyuhin, siya rin ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pamamatnugot ng Diyos. Akala ko natapos na ang pag-uusig ng aking tiyuhin, pero patuloy pa rin niya akong hinadlangan. Minsan, hindi ko naiwasang magtanong, “Bakit biglang nagbago ang isip ng tiyuhin ko at nagsimula siyang kontrahin ako?” Iyon ay hanggang sa nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagsisiyasat sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang iligaw at lubhang pinsalain ang taong ito. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang buktot na kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na mundo ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na gusto ng Diyos na iligtas ang mga tao, at na ayaw ni Satanas na malayang sumunod ang mga tao sa Diyos at ayaw nito na magkamit ang Diyos ng sinuman. Kaya naman, kapag gustong lumapit ng mga tao sa Diyos at sumamba sa Kanya, ginagawa ni Satanas ang bawat pagsisikap para guluhin at hadlangan sila sa pagpunta sa harap ng Diyos. Nakita ko kung gaano kasama at kawalang hiya si Satanas! Sa panlabas, ang kinakaharap ko ay ang paghadlang at pagbabawal ng aking pamilya, pero nakatago sa likod nito ay ang panggugulo ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid ko para pigilan ako sa pagsunod sa Diyos. Ito ang mapaminsalang layon ni Satanas, at mas lalo kong kinamuhian si Satanas. Sabi ng Diyos: “Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo.” Gaano man ako guluhin at hadlangan ni Satanas, maninindigan ako sa aking patotoo at ipapahiya ko si Satanas! Naisip ko rin ang pinagdaanan ni Job. Sa likod ng mga eksena, nakipagpustahan si Satanas sa Diyos, at dumating kay Job ang iba’t ibang pisikal, emosyonal, at espirituwal na pagdurusa. Tiniis ni Job ang maraming paghihirap nang hindi naghihimagsik o lumalayo sa Diyos, at kahit nang ginulo at inatake siya ng kanyang asawa para himukin siyang abandonahin ang kanyang pananalig, nanatili siyang matatag. Sa huli, nakita ni Satanas na hindi pa rin itinanggi o ipinagkanulo ni Job ang Diyos sa kabila ng pagtitiis ng matinding paghihirap at umatras ito sa kahihiyan. Nang maisip ko ito, lalo pang tumibay ang determinasyon kong sumunod sa Diyos. Kalaunan, halos araw-araw na nagdadala ang aking tiyuhin ng mga kamag-anak sa bahay para subukan na hikayatin akong magbago ng isip. Sinabi ng aking tiyuhin, “Ano ang mas mahalaga sa iyo ngayon, ang tungkulin mo o ang pamilya mo? Pumili ka!” Nagsabi rin sila ng maraming bagay na laban at nagtatatwa sa Diyos, at malinaw kong nakita ang tunay na mukha nila ng paglaban at pagkamuhi sa Diyos. Gaano man nila subukan na hikayatin o hadlangan ako, walang nakapagpabago sa aking desisyon. Nagpatuloy ako sa paggawa ng aking tungkulin at inempake ko ang aking mga gamit para lisanin ang aming bahay. Ngayon na ginagawa ko ang aking tungkulin kasama ang mga kapatid, nakararamdam ako ng kapanatagan at kapayapaan. Sa wakas, malaya ko nang masusundan ang Diyos at magagampanan ang aking tungkulin!

Sinundan:  37. Ano ba ang Problema ng Pagkatakot sa Responsabilidad sa Aking Tungkulin?

Sumunod:  39. Hindi Na Ako Nababahala o Nag-aalala Dahil Sa Aking Edad

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger