37. Ano ba ang Problema ng Pagkatakot sa Responsabilidad sa Aking Tungkulin?

Ni Chen Na, Tsina

Noong Hulyo 2014, nahalal ako bilang isang mangangaral. Noong panahong iyon, wala akong pagkilatis at sinundan ko lang ang katuwang kong sister sa pag-uulat sa isang lider ng distrito, na humantong sa kaguluhan sa gawain. Kalaunan, pagkatapos ng imbestigasyon, naging malinaw na may kaunting kakayahan ang lider ng distrito na gumawa ng aktuwal na gawain at sinadya ng katuwang kong sister na maghanap ng mga pagkakamali para atakihin ang lider ng distrito at guluhin ang gawain ng iglesia. Pagkatapos, napagtanto ko na ako ay nailihis, at pakiramdam ko ay nakagawa ako ng malaking kasamaan at seryosong pagsalangsang. Bagaman binigyan pa rin ako ng iglesia ng pagkakataong magsisi, natakot akong makagawa ng mas maraming pang pagsalangsang at matiwalag. Ang takot na ito ay nagdulot sa akin na mamuhay sa tuloy-tuloy na pagiging mapagbantay, hindi ko nagawang magbago ng landas. Dahil dito, natanggal ako dahil hindi ako epektibo sa aking mga tungkulin. Noong panahong iyon, naramdaman ko na mababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, at na mas mabuting hindi na lang ako maglingkod bilang isang lider o manggagawa sa hinaharap, dahil kapag nakagawa ako ng mga seryosong pagsalangsang at napatalsik, mawawala ang pagkakataon kong maligtas. Naisip ko na medyo mas ligtas na gampanan ang mga karaniwang tungkulin, kung saan inaako ng mga lider ng iglesia at manggagawa ang responsabilidad sa anumang isyu, at hindi manganganib ang kaligtasan ko. Hindi ko hinanap ang katotohanan para tugunan ang problemang ito noon.

Noong Oktubre 2023, nahalal ako bilang isang lider ng distrito. Nakaramdam ako ng kaunting pangamba, iniisip ko, “Ako ang mangangasiwa sa gawain ng ilang iglesia. Paano kung magkaroon ng seryosong pagkakamali? Paano ko aakuin ang responsabilidad? Kung maiipon ang mga pagsalangsang ko, hindi ba nito sisirain ang pag-asa kong maligtas?” Pero sinabi sa akin ng konsensiya ko na sa panahon ng kapighatian kapag maraming lider at manggagawa ang naaresto, bilang isang miyembro ng iglesia, hindi ako maaaring maging labis na makasarili at umiwas sa tungkulin ko para lamang protektahan ang sarili kong mga interes. Kaya nagpasya akong makipagtulungan noong oras na iyon, at umasa ako na sa kalaunan ay mahahalal ang isang mas karapat-dapat na tao, upang makapagbitiw ako sa tungkuling ito. Hindi nagtagal, Si Sister Li Yun, na nakatrabaho ko noon, ay ipinagkanulo ng isang Hudas at hindi na siya maaaring magpakita upang gampanan ang kanyang mga tungkulin. Kaya maraming gampanin ang kinailangan kong gawin nang mag-isa. Nag-alala ako na ang hindi magandang trabaho ay maaaring makapinsala sa gawain ng iglesia at humantong sa paggawa ko ng mga pagsalangsang. Noong oras na iyon, may isang liham ng pag-uulat na kailangang asikasuhin, ngunit natakot akong magkamali at akuin ang potensyal na responsabilidad, natakot ako na baka makaapekto ito sa kinabukasan at destinasyon ko. Kaya sinabi ko kay Li Yun na hindi ko alam kung paano ito gagawin at hiniling ko sa kanya na siya ang sumulat ng liham upang matugunan ito. Bagaman hinikayat niya akong sanayin ang sarili ko sa pag-asikaso ng ganitong gampanin, nangahas pa rin akong hindi ito gawin at ipinasa ko ito sa kanya. Sa mga sumunod na pakikipagtulungan ko kay Li Yun, tinanggap ko lang ang mga gampanin na may kumpiyansa akong gawin, ngunit para sa mas mahahalaga at mapanghamong gawain, ipinasa ko ito sa kanya. Ito ay nagpabigat sa kanyang pasanin, at ang kanyang gawain ay hindi nagbunga ng magagandang resulta. Noong Nobyembre 2023, kinailangang maghalal ng dalawang bagong lider ang iglesia, at naatasan akong mangasiwa sa halalan. Naisip ko na ang pagpili at paggamit ng mga tao ay nangangailangan ng pagkilatis sa kanila. Paano kung hindi ko sila lubos na makilala at mga maling tao ang mapili ko? Dati, noong ako ay isang mangangaral, maling lider ng iglesia ang napili ko, na naging sanhi ng pagkaantala ng buhay pagpasok ng mga kapatid. Nakagawa na ako ng isang pagsalangsang, at labis akong nag-alala na baka mga maling tao ulit ang mapili ko. Naisip ko na, “Ginagampanan ko ang tungkulin ko upang maghanda ng mabubuting gawa. Hindi ko maaaring hayaang mapuno ng mga pagsalangsang ang aking talaan.” Naramdaman ko ang matinding bigat sa pag-iisip ng lahat ng ito at hindi ako makatulog sa gabi. Naisip ko, “Baka pwede kong hilingin kay Li Yun na magpanggap bilang ako at mangasiwa sa halalan. Sa ganoong paraan, kung may mangyaring hindi maganda, siya ang may responsabilidad at hindi ako.” Gayumpaman, alam kong nanganganib ang kaligtasan ni Li Yun. Kapag nagpakita siya, maaari itong humantong sa kanyang pagkaaresto, na magdudulot ng mas matinding kahihinatnan. Napagtanto ko na hindi ko maaaring gawin iyon, kaya ako na mismo ang mangangasiwa sa halalan.

Kalaunan, napagtanto kong hindi tama ang kalagayan ko at nagsimula akong magnilay sa aking sarili. Bakit ba ako takot na umako ng responsabilidad? Nagdasal ako sa Diyos, humihiling na bigyang-liwanag Niya ako para maunawaan ang mga problema ko. Pagkatapos, natagpuan ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa pagganap ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maluwag na trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakapapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba ito isang hindi mapagkakatiwalaang, mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nagpapalaganap ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang pagganap mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang isang taong natatakot na umako ng responsabilidad sa pagganap ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masasabi mo ang pagkakaiba. Ang katunayan ay hindi ito isyu ng karuwagan. Kung kayamanan ang habol ng taong iyon, o gumagawa siya ng isang bagay para sa kanyang sariling interes, paanong siya ay napakatapang? Tatanggapin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang tinatanggap na anumang panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at ubod ng sama, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa pagganap ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na umako ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong tapang na humaharap sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na hindi natatakot na magpasan ng isang mabigat na responsabilidad at magtiis ng matinding paghihirap kapag nakita niya ang gawain na pinakaimportante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakauunawa sa katotohanan? Hindi; isa itong problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at ubod ng sama, hindi tunay na mananampalataya ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil dito, hindi sila maliligtas. Ang mga nananampalataya sa Diyos ay dapat magbayad ng malaking halaga para makamit ang katotohanan, at makahaharap sila ng maraming balakid sa pagsasagawa nito. Dapat nilang talikuran ang mga bagay-bagay, abandonahin ang kanilang mga makalamang interes, at tiisin ang ilang pagdurusa. Saka lang nila maisasagawa ang katotohanan. Kaya, maisasagawa ba ang katotohanan ng isang taong natatakot na umako sa responsabilidad? Tiyak na hindi niya maisasagawa ang katotohanan, lalong hindi ang makamit ito. Natatakot siyang magsagawa ng katotohanan, na makaranas ng kalugihan sa kanyang mga interes; natatakot siyang mapahiya, sa panghahamak, at sa panghuhusga, at hindi siya nangangahas na magsagawa ng katotohanan. Dahil dito, hindi niya ito makakamit, at gaano karaming taon man siyang nananampalataya sa Diyos, hindi nila makakamit ang Kanyang kaligtasan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Nang mabasa ko ang mga salita ng Diyos tulad ng “makasarili,” “taksil,” at “isa itong problema sa kanilang pagkatao,” labis akong nabalisa at nabagabag. Napagtanto ko na taglay ko nga ang mga katangiang ito. Bagaman tinanggap ko ang papel ng isang lider, wala akong tunay na pasanin. Palagi akong nag-aalala na baka mabigo akong gawin nang maayos ang mga bagay-bagay at akuin ang responsabilidad, natatakot ako na kapag nakagawa ako ng mga pagsalangsang, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas. Kaya, mas ginusto kong gawin ang mga gampanin na walang kaakibat na responsabilidad at ipinapasa ko kay Li Yun ang mahihirap na gawain. Ako ang pangunahing responsable sa pamamahala ng mga liham ng pag-uulat. Kahit na hindi ako pamilyar sa mga prinsipyo, kaya kong makipagtulungan sa ilang gampanin sa gabay at tulong ni Li Yun. Gayumpaman, natakot ako sa responsabilidad para sa anumang potensyal na pagkakamali sa proseso. Kaya, ginamit ko ang kawalan ko ng pagkaunawa bilang dahilan para maipasa ang gawain kay Li Yun. Lalo na noong halalan sa iglesia, nang hindi ito mapangasiwaan nang personal ni Li Yun dahil sa mga panganib sa kanyang kaligtasan, natakot akong makapili ng mga maling tao, makagawa ng mga pagsalangsang, at malagay sa panganib ang sarili kong kinabukasan. Kaya gusto kong siya na ang mangasiwa ng halalan, hindi ko isinaalang-alang ang kanyang kaligtasan at kabuuang gawain ng iglesia. Pagdating sa mga bagay na may kaakibat na responsabilidad, ipinapasa ko ito sa iba, natatakot ako na kung hindi ko ito magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng mga pagsalangsang na maaaring makaapekto sa kinabukasan at destinasyon ko. Wala akong katapatan sa Diyos at responsabilidad sa mga tungkulin ko. Napakamakasarili at kasuklam-suklam ko! Tulad ng isiniwalat ng Diyos: “Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito?” Tama nga, ako nga ay ganoong klaseng tao. Ang sinumang tao na tapat sa Diyos at may pagkatao, kapag nakita niya na nangangailangan ng kooperasyon ng mga tao ang gawain ng iglesia, ay may tungkuling pasanin ang responsabilidad, at hahanapin niya ang mga katotohanang prinsipyo para tuparin ang kaniyang mga tungkulin. Ngunit bilang isang miyembro ng sambahayan ng Diyos, hindi ko isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos sa tungkulin ko. Sa halip, una kong isinaalang-alang kung gaano kaseryoso ang responsabilidad na aking aakuin, at naging labis akong maingat at mapanuri. Upang protektahan ang sarili ko, ipinasa ko ang maraming mga gampanin kay Li Yun. Talagang naging makasarili at kasuklam-suklam ako! Kung hindi ako nagbago, hindi ko magagampanan nang maayos ang anumang tungkulin at magiging wala akong silbi. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na maaaring takasan ang mga tungkulin ko. Kung nauunawaan ko man o hindi, dapat ko munang tanggapin ito, hanapin ang mga prinsipyo, at gawin ang aking makakaya upang maisagawa ito.

Noong katapusan ng Disyembre 2023, kinailangan ng iglesia na maghalal ng mga superbisor na magiging responsable sa gawain ng ebanghelyo at gawain ng pagdidilig. Nag-alala na naman ko, iniisip ko na, “Kapwa ang pangangaral ng ebanghelyo at pagdidilig sa mga baguhan ay mahahalagang gampanin ng iglesia. Hindi ako masyadong pamilyar sa mga miyembro ng iglesia rito. Paano kung mga hindi karapat-dapat na tao ang mapili ko at maantala ang gawain? Paano ko papasanin ang responsabilidad na ito?” Napagtanto ko na muli akong nabubuhay sa kalagayan ng pag-iingat at maling pagkaunawa. Kaya nagdasal ako sa Diyos, hiniling ko sa Kanya na gabayan akong maunawaan ang mga problema ko. Isang umaga, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kinikimkim ng mga anticristo ang mga bagay na ito sa kanilang puso, na pawang maling pagkaunawa, pagkontra, paghusga, at pagtutol laban sa Diyos. Wala silang anumang kaalaman sa gawain ng Diyos. Habang inuusisa ang mga salita ng Diyos, inuusisa ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos, nakakabuo sila ng mga gayong kongklusyon. Ibinabaon ng mga anticristo ang mga bagay na ito sa kailaliman ng kanilang puso, pinapaalalahanan ang kanilang sarili: ‘Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan; mas mabuting lumipad nang walang nakakapansin; ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril; at malungkot sa itaas! Kailanman, huwag na huwag kang maging ang ibon na nag-uunat ng kanyang leeg, huwag umakyat nang masyadong mataas; mas mataas ang inakyat mo, mas masakit ang pagbagsak.’ Hindi sila naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at hindi sila naniniwala na matuwid at banal ang Kanyang disposisyon. Tinitingnan nila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at hinaharap nila ang gawain ng Diyos gamit ang mga perspektiba, kaisipan, at tusong pag-iisip ng tao, gumagamit ng lohika at pag-iisip ni Satanas para tukuyin ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos. Maliwanag na hindi lang hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang disposisyon, pagkakakilanlan, at diwa ng Diyos; sa kabaligtaran, puno sila ng mga kuru-kuro, pagkontra, at paghihimagsik laban sa Diyos at wala silang kahit katiting na tunay na pagkakilala sa Kanya. Isang tandang pananong ang depinisyon ng mga anticristo sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa pagmamahal ng Diyos—puno ng pagdududa, at puno sila ng pag-aalinlangan at puno ng pagtatatwa at paninirang-puri dito; kung gayon, ano naman ang tungkol sa Kanyang pagkakakilanlan? Kumakatawan sa Kanyang pagkakakilanlan ang disposisyon ng Diyos; sa gayong pagtrato sa disposisyon ng Diyos, maliwanag ang kanilang pagtrato sa pagkakakilanlan ng Diyos—direktang pagtatatwa. Ito ang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaanim na Bahagi)). “Hindi naniniwala ang ilang tao na kayang tratuhin nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagampanan ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, haharapin kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatang gampanan ang tungkuling iyon, ititiwalag siya, o paaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga iyon? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang kanyang mga intensyon, ang kanyang pag-uugali, at tinitingnan Niya lalo na kung kaya ba ng isang tao na pagnilayan ang kanyang sarili kapag nagkakamali siya, kung nagsisisi ba siya, at kung kaya ba niyang mahanap ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang kanyang sarili, at tunay na magsisi. Kung walang ganitong tamang pag-uugali ang isang tao, at ganap na silang nahaluan ng mga personal na layunin, kung puno sila ng mga tusong pakana at pagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, at kapag may mga dumating na problema, sila ay nagkukunwari, nanlilinlang, at nangangatwiran, at mahigpit na tumatangging akuin ang kanilang mga ginawa, kung gayon, ang ganoong tao ay hindi maliligtas. Hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan at ganap na silang nabunyag. Iyong mga taong hindi tama, at hindi kayang tanggapin ang katotohanan kahit kaunti, ay kung gayon mga hindi mananampalataya at maaari lamang na itiwalag. … Kung natatakot ka palagi na matiwalag, laging nagdadahilan, lagi mong pinangangatwiranan ang sarili mo, problema iyan. Kung hinahayaan mong makita ng iba na hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit katiting, at na hindi ka tinatablan ng katwiran, may problema ka. Magiging obligado ang iglesia na harapin ka. Kung hindi mo man lamang tinatanggap ang katotohanan sa pagganap sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na mabunyag at matiwalag, ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao at ng tiwaling satanikong disposisyon, at ng paghihinala, pag-iingat, at maling pagkaunawa. Wala sa mga ito ang mga pag-uugali na dapat mayroon ang isang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang mga anticristo ay hindi naniniwala sa pagiging matuwid ng Diyos o sa katunayang pinamumunuan ng katotohanan ang sambahayan ng Diyos. Naniniwala sila na kung mas malaki ang aakuin nilang responsabilidad, mas marami silang magagawang pagsalangsang, at mas kaunti ang pag-asa na mayroon sila para sa kaligtasan. Dahil dito, patuloy silang hindi nakakaunawa at nag-iingat laban sa Diyos, hindi nila kailanman ginagawa ang kanilang makakaya sa kanilang mga tungkulin. Pinoprotektahan nila ang kanilang mga sarili gamit ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at labis silang makasarili at mapanlinlang. Napagtanto ko na mayroon din pala akong disposisyon ng mga anticristo. Naniwala ako na “Kung gaano kataas ang lipad, gayon din ang lagapak pagbagsak,” at “Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan.” Tuwing mapipili ako bilang isang lider, nais kong tumanggi. Naniwala ako na kung hindi ako isang lider, hindi ako makakagawa ng malalaking kasamaan o madaling mabubunyag at matitiwalag. Kahit ngayon, naging isang lider ako, ginagampan ko ang tungkulin ko nang mapagbantay at may labis na pag-iingat, natatakot ako na anumang pagsalangsang na nagawa ko ay makakaapekto sa aking kalalabasan at destinasyon. Hindi ko iniisip kung paano ko tutuparin ang tungkulin ko, sa halip, napuno ng mapanlinlang na kaisipan ang isip ko. Kapag may kaakibat na responsabilidad ang mga gampanin, ipinapasa ko ang mga ito kay Li Yun. Hindi ko talaga ibinigay ang puso ko sa Diyos sa mga tungkulin ko, inilagay ko ang Diyos sa kabilang panig ng isang malalim na bangin sa aking puso, at patuloy akong nag-ingat laban sa Kanya. Wala akong anumang pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ang totoo, tinatrato ng Diyos ang bawat tao nang patas. Pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang bawat isa batay sa mga prinsipyo. Walang sinumang natatanggal o natitiwalag dahil sa isang pansamantalang pagsalangsang. Tinitingnan ng Diyos ang diwa ng isang tao, ang mga layunin sa likod ng kanilang mga kilos, at ang kanilang saloobin sa katotohanan. Kapag ginagambala at ginugulo ng isang tao ang gawain sa pamamagitan ng pagkilos laban sa mga prinsipyo, at patuloy niyang tinatanggihan ang katotohanan kapag nakikipagbahaginan sa kanya ang iba, na paulit-ulit nakakapinsala sa gawain ng sambahayan ng Diyos, dapat siyang tanggalin. Naisip ko ang ilang anticristo at masasamang tao na pinatalsik ng iglesia. Kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin, palagi nilang hinahangad ang kasikatan, pakinabang at katayuan, nilalabag ang mga pagsasaayos ng gawain at ginagawa ang mga bagay ayon sa sarili nilang kagustuhan. Kinokompetensiya pa nga nila ang Diyos para sa mga tao at kinokontrol ang mga hinirang ng Diyos. Pagkatapos makipagbahaginan ng iba at mailantad sila, hindi sila nagsisi. Sa huli, pinatalsik sila ng iglesia batay sa mga prinsipyo—ito ang pagiging matuwid ng Diyos. Kapag nakakagawa ng ilang pagsalangsang ang isang tao sa pagganap sa kanyang mga tungkulin dahil hindi niya nauunawaan ang katotohanan o dahil sa kanyang tiwaling disposisyon, pero kaya niyang tanggapin ang katotohanan, at kaya niyang pagnilayan at kilalanin ang kanyang sarili pagkatapos makipagbahaginan ng iba sa kanya, bibigyan siya ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataon upang magsisi. Halimbawa, noong ako ay naging mangangaral, sinundan ko ang isang tao sa paggawa ng masamang gawa dahil wala akong pagkaunawa sa katotohanan. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan at pakikipagtulungan ng ibang mga kapatid, nakita ko ang mga pagkakamali ko. Pagkatapos, labis kong pinagsisihan ang mga kilos ko at naging handa akong magsisi. Hindi ako pinatalsik ng iglesia, at pinayagan pa nga akong magpatuloy sa paggawa ng aking tungkulin, na nagpakita sa akin na ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan at katuwiran. Gayumpaman, nagkamali ako sa pagtingin sa Diyos bilang isang makamundong hari na hindi patas at hindi matuwid, na nagkokondena at nagpaparusa sa mga tao kapag nahuhuli silang gumagawa ng mali. Patuloy akong nag-alinlangan sa Diyos at nag-ingat laban sa Kanya, na isang kalapastanganan laban sa Diyos. Talagang buktok ang disposisyon ko!

Naalala ko ang katotohanan tungkol sa pagiging matapat na tao na ibinahagi sa amin ng Diyos. Kaya hinanap ko ang kaugnay na mga salita ng Diyos upang basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). “Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa katunayan, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa loob ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapasailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakaaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakaduwag sa lahat. … Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o nagdurusa ng kasawian. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa kapag nagawang perpekto at nagtamasa ng mga biyaya ng Diyos ang isang tao matapos magdanas ng paghatol. Ang magdusa sa kasawian ay tumutukoy sa kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbago matapos siyang magdanas ng pagkastigo at paghatol; hindi niya nadanas na magawang perpekto kundi maparusahan. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa sa kasawian, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang makatanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na magdusa ng kasawian. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Pinuno ako ng malalalim na kaisipan ng mga salitang ito ng Diyos. Oo, Paulit-ulit na sinasabi ng Diyos na gusto Niya ng matatapat na tao na kayang tanggapin ang katotohanan at napopoot sa mga mapanlinlang na tao. Itinakda ng Diyos si Noe bilang isang halimbawa na dapat nating tularan. Noong inutusan ng Diyos si Noe na magtayo ng arko, talagang humarap siya sa mga paghihirap noong panahong iyon, dahil hindi pa siya nakakagawa ng isang arko kahit kailan. Gayumpaman, hindi siya napigilan ng mga pagsubok na ito, ni hindi rin siya nag-alala sa posibleng kaparusahan kung hindi niya nagawa nang maayos ang trabaho. Basta tinanggap niya lang ang ibinigay na gawain ng Diyos, aktuwal siyang nagtungo at naghanap ng mga materyales, at nagdarasal siya sa Diyos sa tuwing nakakaranas siya ng mga paghihirap. Kung may anumang bahaging hindi ginawa nang tama, gigibain niya ito at muling itatayo. Itinayo niya ang arko nang mahigpit na nakaayon sa hinihingi ng Diyos. Dahil sa kanyang tunay na pananalig at pagpapasakop sa Diyos, natamo niya sa huli ang mga pagpapala ng Diyos. Sa pagninilay sa aking sarili, napagtanto ko na ako ay labis na mapanlinlang. Habang ginagampanan ko ang mga tungkulin ko, palagi akong natatakot na umako ng responsabilidad, nag-aalalang makagawa ng mga pagsalangsang at nawawalan ng pag-asang maligtas. Wala akong matapat na saloobin. Sa katunayan, kung iisipin ko ito, dahil sa mga tiwaling disposisyon ko at kawalan ko ng pagkaunawa sa katotohanan, hindi maiiwasan ang mga paglihis sa aking mga tungkulin. Kailangan kong matutunang tratuhin ito nang wasto, suriin kung saan ako nagkamali, magnilay sa aking sarili, at maunawaan ang aking mga tiwaling disposisyon. Kung ginawa ko ito, patuloy akong uunlad, at ang mga tungkulin ko ay bubuti rin. Kapag nakakatagpo ako ng mga bagay-bagay sa aking mga tungkulin na hindi ko malinaw na nakikita, dapat akong mas magdasal at maghanap pa, makipag-usap sa katuwang kong sister, o maghanap ng tulong mula sa mga nakatataas na lider. Hindi ko dapat gawin ang mga tungkulin ko nang pabasta-basta o takasan at iwasan ang mga ito nang dahil sa takot sa pag-ako ng responsabilidad. Halimbawa, sa pagpili at paggamit ng mga tao, kung sa simula ay pinili ko ang isang tao batay sa mga prinsipyo at sa huli ay napatunayang maling tao siya, iyon ay may kinalaman sa landas na kanyang tinahak, at hindi ako papanagutin ng sambahayan ng Diyos.

Kalaunan, napagtanto ko na may isa pa akong maling pananaw. Naniwala ako noon na bilang isang lider, kung mas malaki ang responsabilidad, mas marami rin akong maiipon na pagsalangsang, at sa huli, mawawala ang pagkakataon ko para sa kaligtasan. Inisip ko na mas ligtas na maging isang karaniwang mananampalataya. Pero ang totoo, lider man o hindi ang isang tao, kung hindi niya hahangarin ang katotohanan at hindi niya babaguhin ang kanyang mga tiwaling disposisyon, tiyak na malilipol siya sa huli. Tulad ng sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang hindi pagbabago ng disposisyon ay pakikipag-alitan sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos). Sa mga itiniwalag mula sa iglesia, marami roon ay mga karaniwang mananampalataya. Ang ilan sa kanila ay nabunyag bilang masasamang tao o anticristo, habang ang iba ay nabunyag bilang mga hindi mananampalataya. Kahit na wala silang hawak na matataas na posisyon, hindi ba’t pare-pareho silang natiwalag dahil nakagambala at nakagulo sila sa gawain ng iglesia? Ang mga katunayang ito ay nagpapakita na ang pagkabunyag at pagkatiwalag ng isang tao ay walang kinalaman sa tungkulin na kanyang ginagampanan, kundi ito ay may kaugnayan sa kung naghahangad ba siya ng katotohanan at nakakaranas ng mga pagbabago sa kanyang mga disposisyon. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, handa akong itama ang mga maling pananaw ko, at isabuhay ang tamang mentalidad upang magampanan ko nang maayos ang tungkulin ko bilang isang lider. Kalaunan, nagpatuloy ako sa pagpili ng mga tao na mamamahala sa gawain ng ebanghelyo at gawain ng pagdidilig. Para sa ilang indibidwal na hindi ko lubos na makilatis, nakipag-usap ako kay Li Yun at naghanap ng tulong mula sa mga nakatataas na lider. Sa huli, naihalal namin ang mga karapat-dapat na tao. Noong binitiwan ko ang pagiging mapagbantay ko, sumandig sa Diyos, at ginampanan ang tungkulin ko ayon sa mga prinsipyo, mas napanatag ako.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na ang mga satanikong pilosopiya tulad ng “Kung gaano kataas ang lipad, gayon din ang lagapak pagbagsak,” at “Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan” ay mga panlilinlang at maling paniniwala na ginagawang tiwali ang mga tao. Ang pamumuhay sa ganoong mga paniniwala ay naging sanhi lang ng pagiging mas makasarili at mapanlinlang ko, palaging nag-iingat laban sa Diyos at hindi kayang tumanggap ng tungkulin agad-agad. Hindi lang ito humantong sa espirituwal na pagsisikil at pasakit kundi naging sanhi rin ito ng pagkawala ng mga pagkakataong makamit ko ang katotohanan. Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay-liwanag at gumabay sa akin upang maunawaan ang tiwaling disposisyon ko, at nagbigay sa akin ng ilang tunay na pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Napagtanto ko na anuman ang gawin ng Diyos, ginagawa Niya ito para sa ating kaligtasan.

Sinundan:  36. Pinalaya Ako Ng Mga Salita Ng Diyos Mula Sa Pakiramdam ng Pagkakasikil

Sumunod:  39. Hindi Na Ako Nababahala o Nag-aalala Dahil Sa Aking Edad

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger