41. Hindi na Ako Nag-aalala o Nababahala Tungkol sa Karamdaman

Ni Xu Hui, Tsina

Noong 2010, sa isang medikal na pagsusuri, na-diagnose ako na may chronic hepatitis B na may positibong mga antigen. Noong panahong iyon, takot na takot ako, nangangamba na balang araw ay lalala ang kondisyon ko at mauuwi sa kanser sa atay. Sa tuwing may nababalitaan akong namamatay dahil sa kanser sa atay, bumibilis ang tibok ng puso ko. Pero dahil mahirap ang pamilya ko at hindi kayang magpagamot, pakiramdam ko ay mapait ang kapalaran ko at tinanggap ko na lang ang pamumuhay sa araw-araw. Noong 2020, mapalad ako na matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nalaman ko na may isang sister na na-diagnose na may kanser sa puwerta, pero pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos at atkibong gumawa ng kanyang tungkulin, bago pa niya namalayan, gumaling na ang karamdaman niya. Binigyan ako nito ng pag-asa para sa sarili kong kondisyon. Naisip ko, “Tunay na kamangha-mangha ang manampalataya sa Diyos. Basta’t maayos kong ginagawa ang mga tungkulin ko at masigasig na iginugugol ang sarili ko, tiyak na pagagalingin din ng Diyos ang karamdaman ko.” Kaya, kalaunan, aktibo kong ginawa ang mga tungkulin ko at naging isa akong tagapangaral. Bagama’t medyo abala ang gawain ng iglesia, at kung minsan ay nakakaramdam ako ng sobrang pagod o masamang pakiramdam sa katawan, sa tuwing naiisip ko na pagagalingin ng Diyos ang karamdaman ko basta’t maayos kong ginagawa ang mga tungkulin ko, napapanatag ang puso ko at nararamdaman kong napalakas ako sa mga tungkulin ko.

Noong Pebrero 2023, pumunta ako sa ospital para sa medikal na pagsusuri. Natuklasan ng doktor na napakataas ng DNA ng hepatitis B virus sa akin, at mabilis itong dumarami. Agad akong ni-refer sa departamento ng mga nakakahawang sakit na espesiyalista sa mga kondisyon ng atay, at taimtim na sinabi ng doktor, “Kailangan mo nang simulang magpagamot ngayon para makontrol ito. Kung hindi ito makokontrol, malamang na magiging cirrhosis o kanser sa atay ito.” Labis akong nabigla nang marinig ko ang resultang ito, at lubha akong nag-alala at natakot, iniisip na, “Paano kung talagang maging cirrhosis o kanser sa atay ito, at mamatay ako?” Noong mga araw na iyon, namuhay ako sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala sa buong araw. Naisip ko, “Ginagawa ko ang mga tungkulin ko mula noong nagsimula akong manampalataya sa Diyos. Kahit inusig ako ng pamilya ko, hindi ko isinuko ang mga tungkulin ko. Pero bakit hindi bumuti ang kalagayan ko? Sa halip, lumala pa ito. Ngayong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, kung mamatay man ako sa panahong ito, hindi ba’t mawawala ang pag-asa ko na maligtas? Hindi ba’t ang lahat ng paghihirap at pagsisikap na ginugol sa nakalipas na dalawang taon ay magiging walang saysay?” Nakakabagbag-damdamin at nakakasama ng loob ang mga kaisipang ito. Naalala ko rin ang payo ng doktor na magpahinga ako nang husto at huwag pilitin ang sarili. Naisip ko, “Dahil hindi ako pinagaling ng Diyos, kailangan ko lang alagaang mabuti ang katawan ko. Mula ngayon, hindi ko puwedeng pagurin nang husto ang sarili ko sa paggawa sa mga tungkulin ko. Kung talagang lalala ang kalagayan ko at mauuwi sa kanser sa atay na hindi magagamot, maaari talaga akong mamatay.” Noong panahong iyon, nagkaroon ng ilang suliranin ang gawain ng ebanghelyo ng mga iglesiang responsabilidad ko. Gayumpaman, ayaw kong mag-alala tungkol dito at hindi ko agarang nilutas ang mga isyung iyon, na nagresulta sa pagkahinto sa gawain ng ebanghelyo. Sa mga pagtitipon, palaginglumilipad ang isip ko, at palagi kong iniisip ang tungkol sa karamdaman ko. Sinubukan kong magsalita nang kaunti hangga’t maaari sa mga pagtitipon, nag-aalala na baka ikahapo ko ang sobrang pagsasalita. Nawalan na rin ako ng gana na pangasiwaan ang pang-araw-araw na korespondensiya sa gawain, at matamlay kong ginawa ang mga tungkulin ko. Hindi ko na sinubaybayan ang gawaing kailangang asikasuhin, at sa kabila ng anumang apurahang gampanin, maaga akong natutulog tuwing gabi, natatakot na baka mapagod ako nang sobra. Naisipan ko pang huminto bilang tagapangaral at lumipat sa isang hindi gaanong mabigat na tungkulin. Unti-unting napapalayo ang puso ko sa Diyos. Ayaw ko nang magbasa ng mga salita ng Diyos o magdasal, at araw-araw akong nag-aalala tungkol sa karamdaman ko.

Kalaunan, nakipagbahaginan sa akin ang lider tungkol sa posibilidad na tumanggap ng responsabilidad para sa gawain ng dalawang karagdagang iglesia. Alam kong dapat kong tanggapin ito, pero naisip ko na sa pagdami ng mga iglesiang responsabilidad ko, magiging mas marami din ang alalahanin ko. Paano kung lumala ang kondisyon dahil sa sobrang pagtatrabaho? Naalala ko rin ang isang malayong kamag-anak na na-diagnose na may kanser sa atay at hindi nagtagal ay pumanaw matapos simulan ang pagpapagamot. Sa pag-iisip sa mga bagay na ito, tumanggi ako. Kalaunan, nakipagbahaginan sa akin ang lider tungkol sa kalagayan ko at binasahan niya ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nariyan din ang mga taong hindi maganda ang kalusugan, na mahina ang pangangatawan at kulang sa enerhiya, na madalas na may malubha o kaunting karamdaman, na hindi man lamang magawa ang mga pangunahing bagay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay, na hindi kayang mabuhay o kumilos tulad ng mga normal na tao. Ang gayong mga tao ay madalas na hindi komportable at hindi maayos ang pakiramdam habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin; ang ilan ay mahina ang pangangatawan, ang ilan ay may tunay na mga karamdaman, at siyempre, may ilan na may natuklasan nang sakit at kung anong posibleng sakit. Dahil may gayon silang praktikal na pisikal na mga paghihirap, ang gayong mga tao ay madalas na nalulubog sa mga negatibong emosyon at nakakaramdam ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Ano ang kanilang ikinababagabag, ikinababalisa, at ipinag-aalala? Nag-aalala sila na kung magpapatuloy sila sa pagganap sa kanilang tungkulin nang ganito, ginugugol ang kanilang sarili at nagpapakaabala para sa Diyos nang ganito, at palaging napapagod nang ganito, lalo bang hihina nang hihina ang kanilang kalusugan? Kapag sila ay nasa edad 40 o 50 na, mararatay na lang ba sila sa kama? May basehan ba ang mga pag-aalalang ito? May magbibigay ba ng kongkretong paraan para harapin ito? Sino ang magiging responsable rito? Sino ang mananagot? Ang mga taong may mahinang kalusugan at hindi maayos na pangangatawan ay nababagabag, nababalisa, at nag-aalala sa mga ganitong bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). “Kahit pa ang kapanganakan, pagtanda, karamdaman at kamatayan ay palaging kapiling ng sangkatauhan at hindi maiiwasan sa buhay, may mga taong mayroong partikular na kalagayang pisikal o espesyal na karamdaman, gumaganap man sila ng kanilang mga tungkulin o hindi, na nalulugmok sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala dahil sa mga paghihirap at sakit ng kanilang laman; inaalala nila ang kanilang karamdaman, inaalala nila ang maraming hirap na maaaring idulot sa kanila ng kanilang karamdaman, kung magiging malubha ba ang kanilang karamdaman, kung ano ba ang mga kahihinatnan kung magiging malubha nga ito, at kung mamamatay ba sila dahil dito. Sa mga espesyal na sitwasyon at partikular na konteksto, ang serye ng mga katanungang ito ay nagsasanhi sa kanila na malubog sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala at hindi sila makaahon; may ilan pa nga na nabubuhay sa kalagayan ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala dahil sa malubhang karamdaman na alam na nilang mayroon sila o dahil sa natatagong karamdamang hindi nila maiwasan, at sila ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at nakokontrol ng mga negatibong emosyong ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na namumuhay ako sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala tungkol sa karamdaman ko sa mga panahong ito. Nang sabihin ng doktor sa pagsusuri na napakabilis ng pagdami ng hepatitis B virus ko at na kailangan ng gamot para makontrol ito, o kung hindi ay maaari itong maging cirrhosis o kanser sa atay, nagsimula akong mag-alala sa kondisyon ko. Natakot ako na sa sobrang pagtatrabaho, maaaring lumala ang sakit ko, na hahantong sa cirrhosis o kanser sa atay, at na mamamatay ako. Kung gayon, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong maligtas. Labis akong nasiraan ng loob sa pag-iisip nito. Naging abala ang isip ko sa kung paano maalagaang mabuti ang katawan ko at maiwasang lumala ang kondisyon ko. Wala man lang akong pagpapahalaga sa pasanin sa paggawa ng mga tungkulin ko. Ang gawain ng ebanghelyo sa isang iglesia ay nagkaroon ng mga suliranin at nabigo akong lutasin ang mga ito sa tamang panahon, na nagresulta sa pagkahinto sa gawain ng ebanghelyo. Minsan sa gabi, hindi ako gaanong inaantok at may mga apurahang sulat na aasikasuhin, pero kapag nakikita kong gabing-gabi na, agad akong humihiga sa kama nang hindi agarang sinasagot ang mga sulat. Naisipan ko pang lumipat sa hindi gaanong mabigat na tungkulin, para hindi ko na kakailanganing mag-alala o magtrabaho nang husto, kung saan maaari kong maiwasan ang paglala ng aking kondisyon. Patuloy akong binabalot ng mga negatibong emosyon sa buong araw, at hindi ko talaga tunay na maisapuso ang paggawa sa mga tungkulin ko. Tumatanggi pa nga akong tanggapin ang mga tungkuling itinatalaga sa akin. Nakita ko na buong araw akong binalot ng pagkabagabag tungkol sa karamdaman ko, hindi ko magawang tuparin ang mga responsabilidad na dapat kong tuparin, at hindi ako nagpapakita ng katapatan sa paggawa ng mga tungkulin ko. Itinaas ako ng Diyos at pinahintulutan akong magsanay sa pagiging isang tagapangaral, binibigyan ako ng pagkakataon na gawin ang mga tungkulin ko at kamtin ang katotohanan. Ito ay biyaya ng Diyos. Pero namumuhay ako araw-araw nang binabalot ng mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Pabasta-basta at matamlay kong hinarap ang mga tungkulin ko, nabibigong lutasin ang iba’t ibat suliranin at isyu sa iglesia nang napapanahon, na nagdulot ng mga kawalan sa gawain. Sa anong paraan masasabing mayroon akong anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, o anumang konsensiya at katwiran? Tunay na hindi ako karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos! Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng panghihinayang at paninisi sa sarili. Napagtanto ko sa kaloob-looban ko na ang pamumuhay sa mga negatibong emosyon ay napakamapaniil at napakahirap. Hindi lang nito naapektuhan ang paggampan sa mga tungkulin ko kundi nagsanhi rin ito ng pagkawala ng determinasyon ko na hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan. Sa pag-iisip tungkol dito, natakot at nabalisa ako. Hindi ako puwedeng patuloy na mamuhay sa gayong naguguluhan at nalilitong kalagayan. Kailangan kong bitiwan ang mga negatibong emosyon ng pagkabagabag at pagkabalisa, at taimtim na hangarin ang katotohanan at tuparin ang mga tungkulin ko, nang walang pinagsisisihan.

Kalaunan, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking kapangyarihan upang itaboy ang maruruming espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming nananampalataya sa Akin para maiwasan ang pagdurusa ng impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming nananampalataya sa Akin para lang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad magkamit ng anuman sa mundong darating. Kapag ipinagkakaloob Ko ang Aking matinding galit sa mga tao at binabawi Ko ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati nilang taglay, napupuno sila ng pagdududa. Kapag ipinagkakaloob Ko sa mga tao ang pagdurusa ng impiyerno at binabawi Ko ang mga pagpapala ng langit, nagagalit sila nang husto. Kapag hinihiling sa Akin ng mga tao na pagalingin Ko sila, at hindi Ko sila pinapakinggan at namuhi Ako sa kanila; nililisan nila Ako upang sa halip ay hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Kapag inaalis Ko ang lahat ng hiningi ng mga tao sa Akin, naglalaho silang lahat nang walang bakas. Samakatwid, sinasabi Ko na ang mga tao ay may pananalig sa Akin sapagkat masyadong masagana ang biyaya Ko, at dahil masyadong maraming pakinabang na makakamit(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?). Ang paglalantad ng mga salita ng Diyos ay nakakaantig at nakakabagbag-damdamin. Pakiramdam ko ay parang harap-harapan akong hinahatulan ng Diyos. Ang pananalig ko sa Diyos noon ay umiikot lang sa paghingi ng Kanyang biyaya at mga pagpapala, nakikipagtawaran sa Diyos, at itinuturing Siyang bilang pakay lang ng aking mga hinihingi. Sa pagbabalik-tanaw noong una akong manampalataya sa Diyos, nakita ko na gumaling ang ilang kapatid na may mga karamdamang walang lunas pagkatapos nilang manampalataya sa Diyos, kaya umasa ako na mapapagaling din ako pagkatapos kong manampalataya sa Diyos. Sa pagkimkim ng ganitong intensiyon na magkamit ng mga pagpapala, tinalikuran ko ang mga bagay-bagay at ginugol ko ang sarili ko, at naging napakaaktibo ko sa paggawa ng mga tungkulin ko, at naging handa rin akong magdusa at magbayad ng halaga. Nang magpa-check up ako nitong pinakahuli at nakita ko na hindi bumuti ang kondisyon ko, sa halip ay lumala pa ito, at nanganganib pa nga akong mamatay, hindi ko nagawang magpasakop, at nagsimula akong magreklamo at magkamali ng pag-unawa sa Diyos. Pinagsisihan ko pa nga ang pagtalikod at paggugol ng sarili ko para sa Diyos, at ayaw ko nang gawin ang mga tungkulin ko. Ang layunin ko sa pananampalataya sa Diyos ay hindi para tuparin ang tungkulin ko bilang isang nilikha, para masigasig na hangarin ang katotohanan at isabuhay ang normal na sangkatauhan, kundi para manghingi ng mga pagpapala mula sa Diyos. Ito ay para sa pagpapagaling ng Diyos sa akin kaya ako nagdusa at nagbayad ng halaga sa paggawa ng mga tungkulin ko. Sa anong paraan masasabing ginagawa ko ang mga tungkulin ko? Nakikipagtawaran ako sa Diyos, ginagamit at nililinlang Siya! Pinangangalagaan ko ang sarili kong mga interes sa lahat ng bagay. Sa kalikasan, masyado akong naging makasarili, walang anumang konsensiya at katwiran! Naisip ko kung paanong gumawa ng maraming trabaho si Pablo, tinatalikuran ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanyang sarili, nagdurusa ng mga paghihirap, at nagbabayag ng halaga, naglalakbay sa iba’t ibang lupain at karagatan para ipangaral ang ebanghelyo at magkamit ng maraming tao. Pero ang pagpapakapagod at paggawa niya ay hindi para gawin ang kanyang tungkulin o para isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, kundi para magkamit ng mga pagpapala ng kaharian ng langit—nakikipagtawaran siya sa Diyos. Sa huli, bukod sa hindi niya natanggap ang pagsang-ayon ng Diyos, kinondena rin siya ng Diyos. Ang mga pananaw ko sa paghahangad sa pananampalataya sa Diyos ay katulad ng kay Pablo, nilalayon ang mga pagpapala at mga pakinabang. Kung hindi ko agarang tinuwid ang sarili ko, magiging katulad ng kay Pablo ang kalalabasan ko—ang makondena at maparusahan ng Diyos. Kung hindi dahil sa paghahayag ng Diyos, hindi ko mapagninilayan o makikilala ang sarili ko, at magpapatuloy sana ako sa maling landas na ito, na sa huli ay hahantong sa pagkawala ng pagkakataon na maligtas. Nang mapagtanto ito, labis akong nagsisi. Naunawaan ko na ang karamdamang kinakaharap ko ay pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa akin. Kaya nagdasal ako sa Kanya para magsisi, “O Diyos, mapapagaling man o hindi ang karamdaman ko, handa akong talikuran ang mga mali kong intensiyon at tuparin ang tungkulin ko para palugurin Ka.” Kalaunan, sinabi ko sa lider na handa akong tanggapin ang responsabilidad para sa gawain ng dalawa pang iglesia.

Pagkatapos niyon, normal kong ginawa ang mga tungkulin ko. Pero habang dumarami ang trabaho at maraming bagay ang kailangang asikasuhin araw-araw, nagsimula na naman akong mag-alala, “Mapapagod ba nang husto ang katawan ko sa paggawa ko ng tungkulin ko sa ganitong paraan? Kung palagi na lang akong nag-aalala at napapagod, lalala ba ang kondisyon ko at mauuwi sa cirrhosis o kanser sa atay?” Napagtanto ko na muli akong namumuhay sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pag-aalala, at pagkabalisa. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na akayin ako mula sa paglamon sa akin ng karamdaman ko at bigyan ako ng pananalig. Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ikaw man ay may karamdaman o may pasakit, hangga’t may natitira kang hininga, hangga’t ikaw ay nabubuhay pa, hangga’t ikaw ay nakapagsasalita at nakapaglalakad pa, may enerhiya ka pa para gampanan ang tungkulin mo, at dapat ay maganda ang asal mo sa pagganap mo ng iyong tungkulin at praktikal kang mag-isip. Hindi mo dapat talikuran ang tungkulin ng isang nilalang o ang responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Lumikha. Hangga’t hindi ka pa patay, dapat mong tapusin ang iyong tungkulin at tuparin ito nang maayos. May mga taong nagsasabi, ‘Itong mga bagay na sinasabi Mo ay wala gaanong konsiderasyon. May sakit ako at nahihirapan na ako!’ Kung nahihirapan ka, maaari kang magpahinga, at maaari mong alagaan ang iyong sarili at magpagamot ka. Kung nais mo pa ring gampanan ang iyong tungkulin, maaari mong bawasan ang iyong trabaho at gumanap ka ng naaangkop na tungkulin, isang tungkulin na hindi nakakaapekto sa iyong paggaling. Patutunayan nitong hindi mo iniwan ang tungkulin mo sa puso mo, na ang puso mo ay hindi lumayo sa Diyos, na hindi mo itinanggi ang pangalan ng Diyos sa iyong puso, at na hindi mo tinalikuran sa puso mo ang pagnanais na maging isang wastong nilalang. May mga taong nagsasabi, ‘Nagawa ko na ang lahat ng iyan, kaya aalisin ba ng Diyos itong karamdaman ko?’ Aalisin ba Niya? (Hindi palagi.) Kung aalisin man ng Diyos ang sakit mo o hindi, kung gagamutin ka man ng Diyos o hindi, ang dapat mong gawin ay ang dapat gawin ng isang nilalang. Ikaw man ay may pisikal na kakayahang gawin ang iyong tungkulin o wala, kung kaya mo mang gampanan ang anumang gawain o hindi, kung pinahihintulutan ka man ng iyong kalusugan na gampanan ang iyong tungkulin o hindi, ang iyong puso ay hindi dapat lumayo sa Diyos, at hindi mo dapat talikuran ang iyong tungkulin sa puso mo. Sa ganitong paraan, matutupad mo ang iyong mga responsabilidad, obligasyon, at tungkulin—ito ang katapatan na dapat mong panghawakan. Dahil lang sa hindi mo magawa ang mga bagay-bagay gamit ang iyong mga kamay o hindi ka na makapagsalita, o hindi na nakakakita ang iyong mga mata, o hindi mo na maigalaw ang iyong katawan, hindi mo dapat isipin na dapat kang pagalingin ng Diyos, at kung hindi ka Niya pagalingin ay nais mong tanggihan Siya sa iyong puso, talikuran ang iyong tungkulin, at talikuran ang Diyos. Ano ang kalikasan ng gayong pagkilos? (Ito ay isang pagtataksil sa Diyos.) Ito ay isang pagtataksil!(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 3). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng daan para magsagawa. Ang mga tungkulin ay atas ng Diyos sa tao at responsabilidad at obligasyon ng isang nilikha. Anuman ang karamdaman o pisikal na sakit na kinakaharap ng isang tao, hindi niya dapat isuko ang tungkulin na dapat gawin ng isang nilikha. Hindi naman mataas ang mga hinihingi ng Diyos sa tao. Hinihiling lang niya na sa loob ng limitasyon ng tibay ng katawan, dapat tuparin ng isang tao ang kanyang tungkulin nang buong puso at lakas, at na magiging sapat na iyon para sa Kanya. Kung may pisikal na pananakit, maaaring magpahinga ang isang tao nang naaayon, uminom ng gamot, at magpagamot. Maaari din siyang mag-ehersisyo nang mas madalas at makatwirang magsaayos ng kanyang iskedyul sa trabaho at pahinga. Sa ganitong paraan, hindi ito makakaapekto sa paggawa ng kanyang mga tungkulin.

Kalaunan, naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos kung paano tingnan ang kamatayan. Sabi ng Diyos: “Ang lahat ay haharap sa kamatayan sa buhay na ito, ibig sabihin, ang kamatayan ang kakaharapin ng lahat sa dulo ng kanilang paglalakbay. Ngunit, maraming iba’t ibang aspekto ang kamatayan. Isa rito ay, sa oras na pauna nang itinakda ng Diyos, nakumpleto mo na ang iyong misyon at tinutuldukan na ng Diyos ang iyong pisikal na buhay, at nagwawakas na ang iyong pisikal na buhay, bagamat hindi ito nangangahulugang tapos na ang iyong buhay. Kapag ang isang tao ay wala nang laman, tapos na ang kanyang buhay—totoo ba ito? (Hindi.) Ang anyo ng pag-iral ng iyong buhay pagkatapos ng kamatayan ay nakasalalay sa kung paano mo tinrato ang gawain at mga salita ng Diyos habang ikaw ay nabubuhay pa—ito ay napakahalaga. Ang anyo ng iyong pag-iral pagkatapos ng kamatayan, o kung ikaw ba ay iiral o hindi, ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos at sa katotohanan habang ikaw ay nabubuhay pa. … Mayroon pang isang bagay na dapat tandaan, at iyon ay na ang usapin ng kamatayan ay may kalikasang katulad ng sa iba pang mga bagay. Hindi ang mga tao ang magdedesisyon para sa sarili nila, at lalong hindi ito mababago ng kalooban ng tao. Ang kamatayan ay katulad ng anumang mahalagang pangyayari sa buhay: Ito ay lubos na nasa ilalim ng paunang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung may magmamakaawa na siya ay mamatay na, maaaring hindi siya mamatay; kung magmamakaawa siyang mabuhay pa, maaaring hindi siya mabuhay. Lahat ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatakda ng Diyos, at ito ay binabago at pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya nga, kung sakaling ikaw ay magkasakit nang malubha, ng nakamamatay na sakit, hindi tiyak na ikaw ay mamamatay—sino ang nagdedesisyon kung mamamatay ka ba o hindi? (Ang Diyos.) Ang Diyos ang nagdedesisyon. At dahil ang Diyos ang nagdedesisyon at hindi kayang pagdesisyonan ng tao ang gayong bagay, ano ang ikinababalisa at ikinababagabag ng mga tao? Parang kung sino lang ang mga magulang mo, at kung kailan at saan ka ipinanganak—hindi mo rin mapipili ang mga bagay na ito. Ang pinakamatalinong gawin sa mga bagay na ito ay ang hayaan itong tumakbo nang natural, ang magpasakop, at huwag pumili, huwag gumugol ng anumang kaisipan o lakas sa bagay na ito, at huwag mabagabag, mabalisa, o mag-alala tungkol dito. Dahil hindi kayang pumili ng mga tao para sa kanilang sarili, ang paggugol ng maraming lakas at kaisipan sa bagay na ito ay kahangalan at kawalan ng karunungan. … Dahil hindi alam kung mamamatay ka ba o hindi, at hindi alam kung pahihintulutan ka ba ng Diyos na mamatay—ang mga bagay na ito ay hindi batid. Partikular na hindi alam kung kailan ka mamamatay, saan ka mamamatay, anong oras ka mamamatay, o kung ano ang mararamdaman ng iyong katawan kapag ikaw ay namatay. Sa pagpiga sa iyong utak sa pag-iisip at pagninilay-nilay tungkol sa mga bagay na hindi mo alam at pagkabalisa at pag-aalala tungkol sa mga ito, hindi ba’t nagiging hangal ka? Dahil nagiging hangal ka, hindi mo dapat pigain ang iyong utak tungkol sa mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 4). “Anuman ang usaping kinakaharap ng mga tao, dapat lagi nila itong harapin nang may aktibo at positibong saloobin, at lalo nang mas totoo ito pagdating sa usapin ng kamatayan. Ang pagkakaroon ng aktibo at positibong saloobin ay hindi nangangahulugan ng pagsang-ayon sa kamatayan, paghihintay sa kamatayan, o positibo at aktibong paghahangad sa kamatayan. Kung hindi ito nangangahulugan ng paghahangad sa kamatayan, pagsang-ayon sa kamatayan, o paghihintay sa kamatayan, ano ang ibig sabihin nito? (Pagpapasakop.) Ang pagpapasakop ay isang uri ng saloobin sa usapin ng kamatayan, at ang pagbitiw sa kamatayan at ang hindi pag-iisip dito ang pinakamainam na paraan ng pagharap dito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 4). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang buhay at kamatayan ng bawat tao ay nasa mga kamay ng Diyos. Maagang pinaplano at isinasaayos ng Diyos kung kailan at paano tayo mamamatay sa buhay na ito, at wala itong kinalaman sa kung magkakasakit man tayo o hindi. Kahit na hindi ako magkasakit, hindi ako makakatakas kapag dumating na ang oras na paunang inorden ng Diyos para mamatay ako. Kahit na magkaroon ako ng napakalubhang sakit, hindi kaagad babawiin ng Diyos ang buhay ko kung hindi pa tapos ang aking misyon. Ang buhay at kamatayan ng isang tao ay hawak ng Diyos, at hindi napagpapasyahan sa pagpapanatili ng tao. Pero hindi ko malinaw na naunawaan ang usapin ng buhay at kamatayan, namumuhay sa mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pag-aalala, at pagkabalisa. Palagi akong nag-aalala na baka lumala ang kondisyon ko at mauuwi ito sa kanser sa atay at hahantong sa kamatayan, kaya palagi kong pinipigilan ang sarili ko sa mga tungkulin ko, hindi ginagawa ang lahat ng makakaya ko, at ginugugol ang oras at lakas ko sa pagpapanatili ng aking kalusugan. Tunay akong naging mangmang at hangal! Ngayon, napagtanto ko na kahit na inaalagaan ko nang mabuti ang aking kalusugan, kung hindi ko tutuparin ang tungkulin ko, hindi ko matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos, at magiging hungkag ang bawat araw na nabubuhay ako, walang anumang halaga o kabuluhan. Sa huli, kapag dumating ang sakuna, kailangan ko pa ring mamatay. Sa pagbabalik-tanaw noong una kong nalaman ang tungkol sa paglala ng kondisyon ko, ayaw ko nang basahin ang mga salita ng Diyos at wala akong masabi kapag nagdarasal, natutulog nang maaga araw-araw. Sa panlabas, tila komportable at naalagaan nang maayos ang katawan ko, pero wala akong naramdamang patnubay mula sa Diyos at namuhay ako nang walang kabuluhan sa bawat araw. Sa puso ko, masyadong hungkag at nagdadalamhati ang pakiramdam ko. Ngayon, bagaman medyo nakakapanghina at nakakahapo ang paggawa ng tungkulin ko, hindi kayang palitan ng anumang bagay ang kapayapaan at kapanatagang nararamdaman ko sa puso ko. Tunay kong naranasan na tanging sa taimtim na paghahangad sa katotohanan at pagtupad sa mga tungkulin ko maaaring magkaroon ng halaga at kabuluhan ang buhay, at makaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan. Makalipas ang isang buwan, nang bumalik ako sa ospital para sa isang follow-up appointment, sinabi ng doktor na bumuti ang kondisyon ko at naging banayad na kaso ng hepatitis B, at na kailangan ko lang uminom ng ilang antiviral na gamot. Nang marinig ko ito, halos hindi ako makapaniwala. Nang makita ko na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, lubos akong nagpapasalamat sa Diyos.

Sa pagdanas ko ng karamdamang ito, malinaw kong nakikita ang kasuklam-suklam kong intensiyon sa paghahanagd ko ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, at napagtanto ko ang pinsalang dulot ng aking mga negatibong emosyon. Napagtanto ko rin na pinahintulutan ng Diyos na sumapit sa akin ang karamdaman para linisin ang aking mga sobra-sobrang pagnanais at mga di-makatwirang kahingian sa Kanya, na nagbibigay-daan sa akin na makita nang malinaw ang pangit na katotohanan ng pagtiwali sa akin ni Satanas, para taimtim kong mahangad ang katotohanan, maiwaksi ang mga tiwali kong disposisyon, at makamit ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay pagmamahal at pagliligtas ng Diyos! Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos mula sa puso ko!

Sinundan:  40. Isang Pagninilay sa Paghihiganti

Sumunod:  42. Ako ay Nasilo ng Inggit

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger