55. Isa ba Talaga Akong “Mabuting Lider”?

Ni Xiaoyue, Tsina

Noong Mayo 2020, napili ako bilang isang lider ng iglesia. Pagkalipas ng isang buwan, natanggal ang dalawang magkaparehang sister. Nakita ko sa mga pagsusuring isinulat ng mga kapatid na hindi lumutas ng mga problema ang dalawang sister na ito at nanita sila ng mga tao, kaya nakaramdam ang mga taong iyon na napipigilan sila. Sinabi nilang ginagawa ng dalawa ang mga tungkulin ng mga ito na para bang mga opisyal ang mga ito, at nadama ko ang pag-ayaw ng mga kapatid sa mga ito. Naisip ko, “Hindi ba’t masyado namang malupit na ilantad at pungusan ang iba, at masaktan ang mga damdamin nila? Talagang hindi mapagmahal iyon! Hindi ako puwedeng maging tulad nila, pinupungusan at pinagagalitan ang mga tao sa bawat pagkakataon. Kailangan kong maging diplomatiko kapag nakita kong may problema ang mga kapatid. Sa ganitong paraan, mararamdaman ng lahat na madali akong pakisamahan at mapagmalasakit ako, at na isa akong mabuting lider na maunawain.” Sa mga kalaunang pakikisalamuha sa mga kapatid, tumuon ako sa pagsasalita nang mahinahon, sinusubukang hindi makasakit ng mga damdamin ng iba, at kapag may mga isyu, makikipag-usap ako nang maayos sa kanila, at magsasalita sa mahinahon at malumanay na paraan. Madalang kong pungusan ang iba o ilantad ang mga problema ng mga kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon, maraming kapatid ang nagsimulang pumuri sa akin, sinasabing isa akong lider na walang pagkukunwari, at na malumanay akong magsalita at madaling pakisamahan. Masyado kong ikinatuwa ang lahat ng papuring ito mula sa mga kapatid, at pagkatapos niyon, palagi na akong nakikisalamuha sa iba sa ganitong paraan.

Pagkatapos makisalamuha kay Brother Li Liang sa loob ng ilang panahon, natuklasan kong palagi siyang naghahangad ng reputasyon at katayuan sa mga tungkulin niya. Pinangangasiwaan niya ang gawaing pangvideo at dapat ay mas pinag-aaralan niya ang teknolohiya ng paggawa ng video, pero inisip niyang ang pag-aaral ng mga pamamaraan ay gawaing hindi nakikita ng iba kung kaya’t hindi siya gumugol ng anumang pagsisikap dito dahil hindi niya ito magagamit para magpasikat. Sa halip, madalas niyang tulungan ang mga kapatid na magkumpuni ng mga elektronikong aparato, na nakaantala sa gawain niya. Alam kong bilang isang lider, kailangan kong ipaalam ang mga problema ni Li Liang para malaman niya ang mga isyu niya at makagawa siya ng mga nasa oras na pagbabago. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Maganda ang impresyon sa akin ni Li Liang, at medyo masigasig siya kapag pumupunta ako sa mga pagtitipon ng pangkat nila. Kung ilalantad ko ang mga problema niya nang katatapos ko lang maging lider, iisipin niyang mahirap akong pakisamahan at wala akong pagmamahal, at masisira nito ang magandang impresyon niya sa akin. Hindi ako puwedeng maging masyadong diretsahan kapag nagpapaalam ng mga problema, kakailanganin kong maging mas diplomatiko.” Kaya nang makita ko si Li Liang, sinabi ko lang, “Bilang mga superbisor, kailangan nating unahin ang pag-aaral ng teknolohiya sa paggawa ng video, kung hindi, maaapektuhan ang pag-usad ng gawain natin.” Tumango si Li Liang at ipinahayag ang kagustuhan niyang magbago. Gayumpaman, kalaunan ay natuklasan kong hindi pa rin niya pinagsisikapang pag-aralan ang teknolohiya sa paggawa ng video. Gusto ko siyang ilantad, pero pagkatapos ay naisip ko, “Bata pa siya, at kapuri-puri na ngang naisantabi niya ang trabaho niya para gawin ang mga tungkulin niya sa iglesia. Paano kung maging negatibo siya pagkatapos ko siyang pungusan at ilantad? Hindi ba’t sasabihin ng mga kapatid na katulad lang ako ng mga naunang lider na natanggal, naninita lang ng mga tao at walang pagmamahal? Hindi ba’t masisira niyon ang magandang impresyon sa akin ng mga kapatid?” Iniisip ito, hinanapan ko siya ng video ng patotoong batay sa karanasan na tumutugma sa kalagayan niya sa pag-asang matatauhan siya nang kusa. Pero inamin lang ni Li Liang na naghangad siya ng reputasyon at katayuan pero hindi niya napagtanto ang kalubhaan ng problema. Bilang tugon, mahinahon ko lang siyang pinayuhang huwag maghangad ng reputasyon at katayuan, at pagkatapos niyon, ipinagpatuloy niya ang paggawa sa mga tungkulin niya gaya ng dati, ang resulta ay hindi nagkaroon ng pag-usad sa gawaing pangvideo. Hindi nagtagal, pumunta ang mga nakatataas na lider para siyasatin ang gawain, at batay sa palagiang pag-uugali ni Li Liang sa mga tungkulin niya, natanggal siya. Pagkatapos ay tinanong ako ng mga lider, “Bakit hindi mo pinagbahaginan at nilutas ang mga problemang nakita mo kay Li Liang? Bakit hindi mo siya itinalaga sa ibang tungkulin dahil hindi siya nababagay sa posisyon?” Nag-init ang mukha ko, at napagtanto kong hindi ko puwedeng isisi sa iba ang pagkakatanggal ni Li Liang. Kung inilantad ko ang kalikasan at mga kahihinatnan ng paghahangad niya sa reputasyon at katayuan sa tungkulin niya nang nasa oras at tinulungan ko siyang kilalanin ang sarili niya, posibleng hindi ito nangyari. Labis ko itong pinagsisihan. Tahimik akong nagdasal sa Diyos, “Diyos ko, alam na alam kong naghahangad si Li Liang ng reputasyon at katayuan, na wala siyang mga prinsipyo sa mga tungkulin niya, at na dapat ay inilantad at pinungusan ko siya, pero nag-alala akong dahil dito ay magiging masama ang impresyon niya sa akin, kaya hindi ko ipinaalam ang mga isyu niya o inilantad siya, at humantong ito sa mga kawalan sa gawain. Diyos ko, pakiusap, bigyang-liwanag at patnubayan Mo akong malaman ang tiwaling disposisyon ko.”

Sa paghahanap ko, naalala ko ang isang video ng patotoong batay sa karanasan na napanood ko, na pinamagatang Ang Nasa Likod ng isang “Magandang Imahe” at binuksan ko ang video at binasa ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kapag nakikita ng ilang lider ng iglesia ang mga kapatid na pabasta-bastang gumagawa ng kanilang mga tungkulin, hindi nila sinasaway ang mga ito, kahit na dapat. Kapag malinaw niyang nakikita na naaapektuhan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi siya nakikialam dito o nagtatanong, at hindi siya nagdudulot ng kahit kaunting sama ng loob sa iba. Sa katunayan, hindi talaga siya nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kahinaan ng mga tao; sa halip, ang intensyon at layon niya ay ang makuha ang loob ng mga tao. Alam na alam niya na: ‘Basta’t ginagawa ko ito at hindi ako nagdudulot ng sama ng loob kanino man, iisipin nilang mabuti akong lider. Magkakaroon sila ng maganda at mataas na pagtingin sa akin. Sasang-ayunan nila ako at magugustuhan nila ako.’ Wala siyang pakialam kung gaano kalaking pinsala ang nagawa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, o kung gaano kalaking mga kawalan ang naidulot sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos, o kung gaanong labis na nagambala ang buhay iglesia niya, patuloy lang siya sa kanyang satanikong pilosopiya at hindi nagdudulot ng sama ng loob sa sinuman. Walang anumang paninisi sa sarili sa puso niya. Kapag may nakita siyang isang taong nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo, sa pinakahigit ay maaari niya itong kausapin tungkol dito, paliliitin ang isyu, at pagkatapos ay hindi na niya ito pakikialaman. Hindi siya magbabahagi tungkol sa katotohanan, o tutukuyin ang diwa ng problema sa taong iyon, lalong hindi niya hihimayin ang kalagayan niyon, at hindi siya kailanman magbabahagi tungkol sa kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi kailanman inilalantad o hinihimay ng mga huwad na lider ang mga pagkakamaling kadalasang ginagawa ng mga tao, o ang mga tiwaling disposisyong madalas ibinubunyag ng mga ito. Wala siyang nilulutas na anumang totoong mga problema, kundi sa halip ay palaging kinukunsinti ang mga maling gawi at pagpapakita ng katiwalian ng mga tao, at gaano man kanegatibo o kahina ng mga tao, hindi niya ito sineseryoso. Nangangaral lang siya ng ilang salita at doktrina at nagsasabi ng ilang salita ng panghihikayat para harapin ang sitwasyon sa isang pabasta-bastang paraan, sinusubukang panatilihin ang pagkakasundo. Dahil dito, hindi alam ng mga hinirang ng Diyos kung paano pagnilayan at kilalanin ang kanilang sarili, walang solusyon sa anumang ibinubunyag nilang mga tiwaling disposisyon, at namumuhay sila sa gitna ng mga salita at doktrina, kuru-kuro at imahinasyon, nang walang anumang buhay pagpasok. Naniniwala pa sila sa kanilang puso na, ‘Mas malawak pa nga ang pang-unawa ng aming lider sa mga kahinaan namin kaysa sa Diyos. Masyadong maliit ang aming tayog upang makatugon sa mga hinihingi ng Diyos. Kailangan lang naming tuparin ang mga hinihingi ng aming lider; sa pagpapasakop sa aming lider, nagpapasakop kami sa Diyos. Kung dumating ang araw na tanggalin ng Itaas ang aming lider, magsasalita kami upang marinig; upang mapanatili ang aming lider at mapigilang tanggalin siya, makikipagkasundo kami sa Itaas at pipilitin silang sumang-ayon sa mga hinihingi namin. Ganito namin gagawin ang tama para sa aming lider.’ Kapag ang mga tao ay may ganoong mga saloobin sa kanilang puso, kapag nakapagtatag na sila ng ganoong relasyon sa lider nila, at nagkaroon na ng ganitong uri ng pagdepende, pagkainggit, at pagsamba sa puso nila para sa kanilang lider, magkakaroon sila ng higit pang pananalig sa lider na ito, at palagi nilang gustong makinig sa mga salita ng lider, sa halip na hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Ang gayong lider ay halos pumalit na sa puwang ng Diyos sa puso ng mga tao. Kung ang isang lider ay handang mapanatili ang ganoong relasyon sa mga taong hinirang ng Diyos, kung nakakaramdam siya ng kasiyahan dito sa puso niya, at naniniwala siyang dapat lang siyang tratuhin nang ganito ng mga taong hinirang ng Diyos, kung gayon ay walang pinagkaiba ang lider na ito kay Pablo, nakatapak na siya sa landas ng isang anticristo, at nailihis na ng anticristong ito ang mga hinirang ng Diyos, at talagang wala silang pagkakilala(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinusubukan Nilang Kuhain ang Loob ng mga Tao). Pagkatapos basahin ang mga salitang ito ng Diyos, pinagnilayan ko ang sarili ko. Alam na alam kong ang mga kapatid, na nauudyukan ng mga tiwaling disposisyon nila, ay humahadlang sa gawain ng iglesia sa mga tungkulin nila, pero hindi ko sila inilantad ni pinungusan at sa halip ay nagsabi lang ako ng ilang magandang salita para hikayatin sila. Ginawa ko ito para ang maging tingin sa akin ng mga tao ay isa akong mapagmalasakit at maunawaing lider. Isa itong pagpapamalas ng pagsubok na makuha ang loob ng mga tao, gaya ng inilantad ng Diyos. Pinagnilayan ko ang mga pakikisalamuha ko kay Li Liang. Matagal ko nang napansing naghahangad siya ng reputasyon at katayuan, na lumilihis siya sa mga tungkulin niya bilang isang superbisor, at na napapabagal nito ang pangkalahatang pag-usad ng gawain. Alam ko ring kailangan niya ng nasa oras na patnubay at pagwawasto, pero nag-alala akong kung ilalantad ko ang mga isyu niya, sasabihin niyang hindi ako mapagmahal at masyado akong malupit sa mga hinihingi ko, kaya mahinahon lang akong nagsalita. Pinaalalahanan at hinikayat ko lang siyang huwag hangarin ang reputasyon at katayuan, bagkus ay tumuon sa pangunahing tungkulin niya. Ang kinahantungan, hindi natukoy ni Li Liang ang mga problema niya, pero kahit noon, hindi ko pa rin inilantad o hinimay ang mga isyu niya. Sa halip, sumubok ako ng pailalim na pamamaraan na padalhan siya ng video ng patotoong batay sa karanasan para kusa siyang matauhan. Nakita ko ang mga problema ng mga kapatid ko pero hindi kailanman inilantad ang mga iyon, para lang ang maging tingin sa akin ng lahat ay isa akong mapagmalasakit, madaling pakisamahan, at mabuting lider na maunawain sa iba. Ginawa ko ito para makuha ang loob ng mga tao. Talagang tinatahak ko ang landas ng isang anticristo! Bilang isang lider, dapat ang tungkulin ko ay pagbahaginan ang katotohanan at lutasin ang mga problema ng mga kapatid ko, at ingatan ang gawain ng iglesia. Pero pinanood ko si Li Liang na mabuhay sa isang tiwaling disposisyon at antalain ang gawain, at hindi ko siya binahaginan, ginabayan, inilantad, ni pinungusan. Talagang hindi ko tinupad ang mga responsabilidad ko. Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang pagkatao? Para mapanatili ang imahe ko bilang isang “mabuting lider” sa paningin ng iba, binalewala ko ang mga interes ng iglesia. Tunay na makasarili at kasuklam-suklam ako! Nang mapagtanto ko ito, matindi akong nagsisi at nakonsensiya. Nang makita ko ulit si Li Liang, nagtapat ako sa kanya at inilantad at hinimay ko ang mga problema niya. Sinabi niya, “Madalang kitang makitang nagpapaalam ng mga problema sa amin, palagi kang mahinahon magsalita, at hindi ito kapaki-pakinabang para sa amin o sa gawain ng iglesia. Mabuti na binanggit mo ito ngayon. Nalaman ko ang kalikasan at mga kahihinatnan ng paghahangad sa reputasyon at katayuan.” Nang marinig ito ay talagang nahiya ako. Hindi sumama ang impresyon sa akin ni Li Liang dahil sa pagpapaalam ko sa mga isyu niya. Sa kabaligtaran, natanggap niya ang paggabay na ito at napagnilayan ang sarili niya. Napagtanto kong ang pagkabigong ilantad at gabayan ang mga tao kapag nakakakita ako ng mga problema ay tunay na mapanganib sa mga tao!

Hindi nagtagal, natuklasan kong ang superbisor ng gawain ng pagdidilig na si Xue Mei ay walang pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin niya at nagpapakasasa sa mga ginhawa ng laman. Ipinapasa niya sa mga tagadilig ang gawaing ipinasasakatuparan sa kanya, nang hindi kinukumusta o pinangangasiwaan ang mga partikular na detalye. Ni hindi niya alam kung kumusta na ang mga pagtitipon ng mga baguhan. Naisip ko, “Para gawin ang gawain ng pagdidilig, kahit papaano ay dapat na may pagpapahalaga sa pasanin at responsabilidad ang isang tao. Ang paraan ng paggawa niya sa mga tungkulin niya ay makakaantala sa gawain ng iglesia at makahahadlang sa pag-unlad ng buhay ng mga baguhan, kaya kailangan ko siyang bigyan ng pagbabahaginan tungkol sa kalikasan at mga kahihinatnan ng pagpapakasasa niya sa ginhawa para tulungan siyang baguhin ang saloobin niya sa mga tungkulin niya.” Pero pagkatapos ay naisip ko, “Ako ang nakipagbahaginan at naglantad sa kanya noong matanggal siya bilang lider ng pangkat. Mula noong pagkakatanggal niya, pakiramdam ko ay napakalayo na niya sa akin. Kung ilalantad ko na naman ang mga isyu niya, iisipin ba niyang palagi ko siyang inilalantad at pinupungusan at na hindi ako mapagmahal? Kung mangyayari iyon, magiging mas masahol pa ang impresyon niya sa akin. Hayaan na nga. Mas mabuti nang huwag gawing mas nakakailang ang mga bagay-bagay sa pagitan namin.” Nang makita ko ulit si Xue Mei, malumanay ko lang na sinabi sa kanya, “Hindi masyadong maganda ang mga resulta ng gawain ng pagdidilig nitong huli. Kailangan nating baguhin agad ang saloobin natin sa mga tungkulin natin at umako ng mas maraming responsabilidad!” Pagkarinig dito, tumungo si Xue Mei at sinabi niya, “Hindi ako nagkaroon ng pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin ko; kailangan ko iyong baguhin agad-agad.” Nakita ko ang pagkailang niya at naisip kong hayaan siyang hindi magmadali sa pagninilay tungkol dito. Kalaunan, patuloy na ipinagpapaliban ni Xue Mei ang paggawa sa mga tungkulin niya, nang walang anumang pagpapahalaga sa pasanin. Humantong ito sa pagdami ng mga baguhang hindi regular na nagtitipon, na lubhang umaantala sa gawain ng pagdidilig. Siniyasat ng nakatataas na pamunuan ang palagiang pag-uugali ko, at natuklasang pinrotektahan ko lang ang imahe at katayuan ko sa mga tungkulin ko, at na kahit nang makita ko ang mga problema ng mga kapatid ko ay hindi ko sila inilantad o pinungusan. Nakita nilang talagang hindi ko iniingatan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, na hindi ko nilulutas sa oras ang kawalan ng pag-usad sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at na hindi ako gumagawa ng anumang aktuwal na gawain. Ang resulta, natanggal ako batay sa mga prinsipyo. Pagkatapos matanggal, labis akong nagsisi at nakonsensiya. Ang pagdanas ng mga kawalan ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia ay dahil lahat sa paghahangad ko sa reputasyon at katayuan at sa hindi ko pag-iingat sa mga interes ng iglesia. Naisip ko ang palagiang pag-uugali ni Xue Mei, at kung paanong hindi na siya nababagay na maging isang superbisor at kinakailangan niyang matanggal agad-agad, kaya tinalakay ko ito sa mga lider at tinanggal ko siya.

Kalaunan, may nakilala akong dalawang brother sa bahay na tinutuluyan. Sa harap ko ay sinabi sa akin ng isang brother na isa akong taong may talento na puwedeng linangin, sinasabing kaya kong magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga sa mga tungkulin ko, at na bata lang kasi ako, kaya madaling maunawaan na hindi naging maayos ang trabaho ko kung isasaalang-alang ang mabigat na trabaho sa iglesia. Sumang-ayon din ang isa pang brother. Naalala kong bago ako matanggal, maraming kapatid ang pumuri sa akin sa harapan ko, sinasabing isa akong lider na walang pagkukunwari na mahinahon magsalita at madaling pakisamahan. Kahit ngayong nagdulot ako ng malalaking kawalan sa gawain ng iglesia, hindi pa rin ako nakikilatis ng mga kapatid at ipinagtatanggol ako. Hindi ba’t nailigaw ko ang lahat? Nang maisip ko ito, natakot ako, kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanyang bigyang-liwanag at patnubayan akong malaman ang mga problema ko. Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Iniisip ng ilang tao na magaling silang magsulat, na mahuhusay silang manunulat; iniisip ng ilan na magagaling silang lider, na mga haligi silang sumusuporta sa iglesia; iniisip ng iba na mabubuti silang tao. Sa sandaling mawala sa mga taong ito ang magandang imahe ng kanilang sarili sa kung anupamang dahilan, pinag-iisipan nila ito nang husto at nagbabayad sila ng halaga para sa kapakanan nito, pinipiga ang utak nila sa pagsubok na remedyuhan ang sitwasyon. Gayumpaman, hindi sila kailanman nakakaramdam ng hiya, o ng paninisi sa sarili nila, o ng pagkakautang sa Diyos dahil sa mga maling landas na tinahak nila, o para sa iba’t ibang bagay na ginawa nila na lumabag sa katotohanan. Hindi sila kailanman nagkaroon ng ganoong uri ng pakiramdam. Ginagamit nila ang lahat ng uri ng taktika para ilihis ang mga tao at kunin ang loob nila. Paggawa ba ito ng tungkulin ng isang nilikha? Talagang hindi. Iyon ba ang gawaing dapat ginagawa ng mga lider ng iglesia? Talagang hindi. … Ipinagmamalaki ng mga taong ito ang paggawa ng tungkulin ng isang lider, pero hindi nila ginagawa ang dapat gawin ng isang lider. Ang ginagawa nila ay talagang hindi ang pagganap sa tungkulin ng isang lider, pagganap ito sa papel ng isang anticristo, humahalili kay Satanas para gambalain at wasakin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at inililihis ang hinirang na mga tao ng Diyos sa pag-iwas sa tunay na landas at pag-iwas sa Diyos. Ibinubunyag ng lahat ng kilos at pag-uugali nila ang disposisyon at kalikasan ni Satanas, at nakakamit nito ang resulta ng pagkumbinsi sa mga taong iwasan ang Diyos, tanggihan ang katotohanan at ang Diyos, at sambahin at sundin sila. Isang araw, kapag ganap na nilang nailihis ang mga tao at nadala sa ilalim ng kontrol nila, magsisimula silang sambahin, sundan, at sundin ng mga tao. Sa gayon ay nakamit na nila ang layon nila sa panlilinlang sa puso ng mga tao. Mga lider sila ng iglesia, pero hindi nila ginagawa ang gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos; hindi nila ginagawa ang gawain ng mga lider at manggagawa. Sa halip, iniimpluwensiyahan nila ang hinirang na mga tao ng Diyos, inililihis ang mga ito, nililinlang ang mga ito, at kinokontrol ang mga ito, napapasakamay ang mga tupang malinaw na pag-aari ng Diyos, dinadala sa ilalim ng kontrol nila. Hindi ba’t mga magnanakaw sila at bandido? Sa pakikipagtagisan gaya ng ginagawa nila sa Diyos para sa hinirang na mga tao Niya, hindi ba’t nagsisilbi silang mga lingkod ni Satanas? Hindi ba’t mga kaaway ng Diyos ang ganoong mga anticristo? Hindi ba’t sila ang kaaway ng hinirang na mga tao Niya? (Sila nga.) Isang daang porsiyento na sila nga. Mga kaaway sila ng Diyos at ng Kanyang hinirang na mga tao; ito ay walang kaduda-duda(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinusubukan Nilang Kuhain ang Loob ng mga Tao). Inilalantad ng Diyos na kung mabibigo ang isang lider o manggagawang tuparin ang mga tungkulin at responsabilidad niya, at hindi niya ilalantad ang mga kapatid kapag nakikita silang tumatahak ng maling landas sa mga tungkulin nila at nagdudulot ng mga kawalan sa gawain ng iglesia, kundi sa halip ay gagamit ng mga panlilinlang para kuhanin ang loob at magligaw ng iba para magtaguyod ng magandang imahe sa puso ng mga tao, para idulot sa mga taong hangaan at tingalain siya, sa diwa, pakikipagkompetensiya ito sa Diyos para sa hinirang na mga tao Niya, at pagtahak sa landas ng isang anticristo. Sa pagninilay sa panahon ko bilang isang lider, para magtaguyod ng imahe ko sa puso ng mga kapatid bilang isang “mabuting lider,” at para idulot sa lahat na hangaan at tingalain ako, kahit nang makita ko ang mga kapatid na nabubuhay sa mga tiwaling disposisyon at humahadlang sa gawain ng iglesia, hindi ko sila inilantad o pinungusan, at mahinahon lang akong nakipagbahaginan, malumanay silang pinaaalalahanan at hinihikayat. Humantong ito sa paghanga sa akin ng mga kapatid, at pagpuri sa akin bilang isang mabuti at maunawaing lider. Kahit nang magdulot ako ng malulubhang kawalan sa gawain ng iglesia at matanggal, hindi pa rin nila ako makilatis, at sinabi pa nga nilang hindi ako gumanap nang maayos dahil lang sa bata pa ako. Nakisimpatya pa nga sa akin ang iba, at ipinagtanggol ako. Bilang isang lider, hindi ko inakay ang mga tao sa harapan ng Diyos, at sa halip ay ginamit ko ang mga tungkulin ko bilang isang pagkakataon para makuha ang loob ng mga tao, idinudulot sa kanilang tingalain ako, at magkaroon ng puwang para sa akin sa puso nila. Ano ang ipinagkaiba ng mga kilos ko sa mga kilos ng mga tulisan at magnanakaw na inilantad ng Diyos? Maaaring parang pinipinsala nina Li Liang at Xue Mei ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng hindi pagsasagawa sa katotohanan, pero sa realidad, ako ang nagpapalayaw at nagtatakip sa kanila. Mas gugustuhin ko pang isakripisyo ang mga interes ng iglesia para protektahan ang reputasyon at katayuan ko at tinatahak ko ang landas ng isang anticristo. Isa itong bagay na sumasalungat sa disposisyon ng Diyos! Ang pagkakatanggal ko ay katuwiran ng Diyos, at kung hindi ako magsisisi, sa huli ay ikokondena at ititiwalag lang ako ng Diyos. Nang mapagtanto ang lahat ng ito, natakot ako at nagdasal sa Diyos, “Diyos ko, nagsabi ako ng matatamis na salita para makuha ang loob ng mga tao at maprotektahan ang pride at katayuan ko. Tinatahak ko ang landas ng isang anticristo. Diyos ko! Ayaw ko nang gumawa ng masama at lumaban sa Iyo; nais kong magsisi.”

Habang nagninilay ako, napagtanto kong may isa pa akong nakalilinlang na pananaw. Inakala kong ang pagsasalita nang mahinahon, paggamit ng malumanay na pamamaraan, at hindi paglalantad o pagpupungos sa mga tao ay nangangahulugang mapagmahal ako sa kanila, habang ang paglalantad at pagpupungos sa mga tao ay malupit at hindi maunawain. Sa paghahanap at pag-iisip-isip ko, nakabasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kahit papaano, ang hinirang na mga tao ng Diyos ay dapat magtaglay ng konsensiya at katwiran, at makisalamuha, makihalubilo, at makipagtulungan sa iba ayon sa mga prinsipyo at pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Ito ang pinakamainam na pamamaraan. Nakapagpapalugod ito sa Diyos. Kaya, ano ang mga katotohanang prinsipyo na hinihingi ng Diyos? Na maging maunawain ang mga tao sa iba kapag ang iba ay mahina at negatibo, maging mapagsaalang-alang sa pasakit at mga paghihirap, at pagkatapos ay mag-usisa sa mga bagay na ito, mag-alok ng tulong at suporta, at basahan sila ng mga salita ng Diyos para tulungan silang malutas ang kanilang mga problema, binibigyang-daan silang makaunawa sa mga layunin ng Diyos at huminto sa pagiging mahina, at dinadala sila sa harap ng Diyos. Hindi ba’t naaayon sa mga prinsipyo ang ganitong paraan ng pagsasagawa? Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Natural na ang mga ganitong uri ng ugnayan ay mas lalo pang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kapag ang mga tao ay sadyang nagsasanhi ng mga panggugulo at paggambala, o sadyang ginagawa nang pabasta-basta ang kanilang tungkulin, kung nakikita mo ito at nagagawa mong ipaalam ang mga bagay na ito sa kanila, sawayin sila, at tulungan sila ayon sa mga prinsipyo, naaayon ito sa mga katotohanang prinsipyo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (14)). “Sa maagap na banda, paano ipinapahayag ang nakakatulong na pananalita? Ito ay pangunahing nanghihikayat, nagtuturo, gumagabay, nagpapayo, umuunawa, at nagpapanatag. Isa pa, sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ibunyag ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng kaalaman sa katotohanan at kagustuhang magsisi. Saka lang makakamtan ang nararapat na epekto. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at mapakikinabangan nila ito, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong hindi pagiging malupit ang pagpupungos sa mga tao, at sa halip ay kapaki-pakinabang ito para sa buhay pagpasok nila at para magawa nila nang maayos ang mga tungkulin at makakatulong ito sa mga taong kumilos ayon sa mga prinsipyo. Naunawaan ko ring dapat tayong magkaroon ng mga prinsipyo sa pakikitungo sa mga kapatid. Kung panandaliang negatibo at mahina ang ibang tao, dapat tayong makipagbahaginan at tumulong sa kanya nang may pagmamahal ayon sa tayog niya, binibigyang-daan siyang hindi manatili sa mga paghihirap at binibigyan siya ng landas ng pagsasagawa at pagpasok. Pero, para sa mga taong may malulubhang tiwaling disposisyon, na, sa kabila ng maraming beses na pagbabahaginan ay patuloy na nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia nang walang anumang pagbabago, dapat natin silang ilantad at pungusan ayon sa mga salita ng Diyos, para malaman nila ang mga isyu nila at ang kalikasan at mga kahihinatnan ng paggawa nila sa mga tungkulin nila batay sa isang tiwaling disposisyon. Ito ang kahulugan ng tunay na pagtulong sa mga tao. Naunawaan ko ring ang pagiging malupit sa mga tao ay pangunahing tumutukoy sa hindi pagtrato sa kanila nang patas—sa sandaling matuklasan ng isang tao ang bahagyang paglihis o pagkakamali nang hindi sinisiyasat ang konteksto o isinasaalang-alang ang mga kalagayan at paghihirap ng mga kapatid, at nang hindi isinasaalang-alang ang tayog nila, walang pakundangan siyang magagalit at maninita ng mga tao. Gayumpaman, ang paglalantad at pagpupungos sa mga tao ay nangangahulugang kapag natutuklasang lumalabag ang mga kapatid sa mga prinsipyo, o nanggugulo sa gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagkilos batay sa mga tiwaling disposisyon, nakakahugot ang isang tao sa mga salita ng Diyos para gabayan, pungusan, bahaginan at tulungan sila, para malaman ng mga kapatid ang mga problema nila at maitama nila ang mga kalagayan nila sa oras at magawa nang maayos ang mga tungkulin nila. Kapaki-pakinabang ito para sa buhay pagpasok ng mga kapatid pati na sa gawain ng iglesia, at hindi ito pagiging malupit sa mga tao. Katulad lang kung paano ko pinakitunguhan sina Li Liang at Xue Mei, inakala kong magiging masyadong malupit at hindi mapagmahal ang pagpupungos at paglalantad sa kanila, at na dapat ko lang silang hikayatin nang mahinahon. Ang resulta, hindi sila nagkamit ng anumang pagkaunawa sa mga tiwaling disposisyon nila, at nagdulot ito ng mga kawalan sa gawain ng iglesia. Napagtanto kong hindi sila natulungan ng ganoong mga kilos bagkus ay napinsala sila. Hindi ito tunay na pagmamahal. Tunay na katawa-tawa at hindi umaayon sa katotohanan ang mga pananaw ko!

Kalaunan, nakabasa ako ng mas maraming salita ng Diyos: “Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, at lagi mong nais na makuha ang papuri at paghanga ng iba, at hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang may takot sa Diyos na puso. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “May ilang lider at manggagawa na mahilig tumulong sa mga tao sa pamamagitan ng panghihikayat, may ilan na sa pamamagitan ng motibasyon, at may iba na sa pamamagitan ng paglalantad, pag-aakusa, at pagpupungos. Anumang pamamaraan ang ginagamit nila, kung tunay ka nitong maaakay na pumasok sa katotohanang realidad, lutasin ang tunay mong mga paghihirap, ipinauunawa sa iyo kung ano ang mga layunin ng Diyos at sa gayon ay binibigyang-kakayahan kang makilala ang sarili mo at makahanap ng landas ng pagsasagawa, kapag nahaharap ka sa mga parehong sitwasyon sa hinaharap, magkakaroon ka ng landas na susundan. Samakatwid, ang pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat kung ang isang lider o manggagawa ay pasok sa pamantayan ay kung kaya niyang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema at paghihirap ng mga tao, binibigyang-kakayahan ang mga ito na maunawaan ang katotohanan at magkamit ng landas ng pagsasagawa(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Kailangan kong unahin ang mga interes ng iglesia sa mga tungkulin ko at hindi isaalang-alang ang personal na katayuan o imahe ko. Kailangan kong maakay ang mga kapatid na hanapin ang katotohanan at pagnilayan at malaman ang mga pagkukulang nila kapag nahaharap sa mga isyu, para magawa nila ang mga tungkulin nila ayon sa mga prinsipyo. Kapag natuklasan ko ang isang tao na nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia, dapat akong makipagbahaginan sa kanya ng katotohanan nang nasa oras para malutas ang problema, at dapat kong pungusan at ilantad ang mga tao kapag kinakailangan para masigurong uusad nang maayos ang gawain. Ito lang ang pagtupad sa mga responsabilidad ko bilang isang lider. Naisip ko kung paanong para iligtas tayo ng Diyos, hindi lang Siya nagsasabi ng mga salitang nagpapagaan at nagpapalakas ng loob, kundi nagsasalita rin Siya ayon sa mga pangangailangan ng tiwali nating pagkatao, nagpapahayag ng katotohanan para hatulan at ilantad ang paghihimagsik natin para malaman natin ang tiwaling kalikasan natin at magtapat at magsisi tayo sa Diyos. Mga paalala at panghihikayat man ang mga salita ng Diyos, o matitinding paglalantad at paghatol, ang pinakalayunin ay ang dalisayin at baguhin tayo, para makapagtamo tayo ng kaligtasan. Sa pagpapatuloy, kailangan kong isagawa ang katotohanan, hindi na isaalang-alang ang imahe ko, at unahin ang gawain ng iglesia at ang buhay pagpasok ng mga kapatid ko.

Hindi nagtagal, napili ulit ako bilang isang lider. Minsan, nasa isang pagtitipon ako kasama ang ilang lider ng pangkat, at napansin kong ang isang lider ng pangkat ay mabagal magpatupad ng gawain. Nang tanungin ko ang dahilan niya, isinisi niya ito sa iba. Nakita ko ang mapagwalang-bahalang saloobin ng lider ng pangkat na ito sa mga tungkulin niya, at na kahit na naantala ang gawain niya, hindi pa rin niya alam ang problema niya. Alam kong kailangan kong ilantad ang mga isyu niya para malaman niya ang tiwaling disposisyon niya at mabago niya ang saloobin niya sa mga tungkulin niya. Pero pagkatapos ay naisip ko kung paanong kapipili lang sa akin bilang lider, at naisip ko, “Ano ang iisipin niya sa akin kung ilalantad ko ang mga problema niya pagkatapos na pagkatapos kong maging lider? Dati, pareho kaming lider ng pangkat, at noong magkasama naming ginagawa ang mga tungkulin namin, medyo maganda ang impresyon niya sa akin. Pinakamainam siguro kung mabilis ko lang babanggitin ang isyu niya?” Pero pagkatapos ay naisip ko ang dating pagkabigo ko bilang isang lider, na dahil sa palaging pagsisikap ko na protektahan ang imahe ko at sa hindi ko paglalantad at pagpupungos sa mga tao, at kung paano nito napinsala ang gawain ng iglesia. Bakit gusto ko pa ring protektahan ang sarili ko at hindi isagawa ang katotohanan kapag nahaharap sa mga isyu? Naalala ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Iniisip ito, humugot ako sa mga salita ng Diyos at inilantad at hinimay ko ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pabayang pamamaraan ng lider ng pangkat na ito sa mga tungkulin niya. Pagkatapos ng pagbabahaginan ko, inamin ng lider ng pangkat na naging pabaya nga siya sa mga tungkulin niya, at na hindi ito dahil hindi niya kayang gawin ang mga iyon, kundi dahil hindi lang niya ito isinasapuso at iniraraos lang niya ang gawain. Sinabi niya ring mula sa oras na iyon, handa siyang baguhin ang mga bagay-bagay at gawin nang maayos ang mga tungkulin niya. Nang makita kong nagkamit ang lider ng pangkat ng kaunting pagkakilala sa sarili niya, napagtanto ko kung gaano kabuting magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos! Kalaunan, nang matagpuan ko ang sarili kong nagnanais na protektahan ang imahe ko habang ginagawa ang mga tungkulin ko, sadya akong nagdasal sa Diyos para maghimagsik laban sa laman ko, at humugot ako sa mga salita ng Diyos para magbigay ng nasa oras na gabay at tulong, ginagabayan ang mga kapatid na pagnilayan at kilalanin ang sarili nila. Pagkatapos magsagawa nang ganito sa loob ng ilang panahon, nakita kong bukod sa hindi naging negatibo ang tingin sa akin ng mga kapatid dahil sa pagpapaalam at paglalantad ko sa mga isyu, sa halip ay napagnilayan at nakilala pa nila ang sarili nila, at bumuti rin ang mga saloobin nila sa mga tungkulin nila. Pakiramdam ko rin ay nakausad pa ako nang kaunti kaysa sa dati. Ang pagtatamo ko ng mga realisasyon at pagbabagong ito ay lubos na dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  54. Pagsisiwalat sa Palaisipan ng Trinidad

Sumunod:  58. Bakit Ba Palagi Kong Gustong Tumaas ang Ranggo Ko?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger