68. Hindi Ako Dapat Gumampan ng Tungkulin Para sa Kasikatan at Katayuan

Ni Zhaoyang, Tsina

Isang araw noong Oktubre 2023, nagsaayos ang lider na lumikha ako ng isang backdrop na larawan. Nang makita ko na mataas ang mga kinakailangan para sa larawan, nag-alala ako na baka hindi ko ito magawa nang maayos at maantala ang mga bagay-bagay, kaya hindi ako nangahas na magpakatamad habang ginagawa ito. Maingat kong sinuri ang mga nauugnay na prinsipyo at nagdarasal ako sa Diyos tuwing nakakaranas ako ng mga problema. Makalipas ang isang linggo, natapos ang backdrop. Matapos itong suriin, tinukoy lang ng lider ang ilang maliit na detalye at sinabing maganda ang kinalabasan ng larawan. Tuwang-tuwa ako at naisip ko kung paanong hindi ko inasahan na matatapos ko ang gayong kahirap na larawan nang ganoon kabilis, kung paanong tiyak na iisipin ng lider na mayroon akong teknikal na kasanayan, responsable at may pagpapahalaga sa pasanin sa aking mga tungkulin, at na kaya kong kumpletuhin ang mga gampaning itinalaga sa akin sa praktikal na paraan. Pagkatapos nito, pinagawa ako ng lider ng dalawa pang backdrop na larawan, na natapos ko rin sa takdang oras. Talagang maganda rin ang naging mga resulta ng mga ito. Nagsimula akong maging hambog, iniisip na, “Noong nakaraang buwan, hindi gaanong maganda ang mga resulta ng tungkulin ko, pero pagkatapos makipagbahaginan ng lider sa akin, agad na bumuti ang kalidad ng mga larawan ko, at lalo akong humusay, kaya ngayon, tiyak na may mas magandang impresyon sa akin ang lider.” Hindi nagtagal, napili rin ang artikulo ng patotoong batay sa karanasan at sermon ng ebanghelyo na isinulat ko. Tuwang-tuwa ako, iniisip na, “Mukhang hindi lang sa mga larawan ko ako nakakakuha ng magagandang resulta, kundi mayroon din akong ilang katotohanang realidad. Kung malaman ito ng mga kapatid na nakakakilala sa akin, tiyak na magbabago ang tingin nila sa akin. Bubuti rin nang husto ang pagsusuri ng lider tungkol sa akin.” Bagaman hindi ako mukhang halata na nagpapakitang-gilas, sa loob-loob ko, palagi kong nararamdaman na nakakahigit ako kaysa sa iba, na para bang biglang tumaas ang halaga ko.

Minsan, sinabi ng isang sister na nakikipagtulungan sa akin, “Dahil sa mga kapabilidad mo sa gawain, dapat kang iangat, pero mas kailangan ka ng gawain dito, at sa tungkuling ginagawa mo, hindi ka basta-bastang mapapalitan ng sinuman.” Nagalak ako nang marinig ko ito, na para bang nilagyan ako ng korona, iniisip na, “Bagaman hindi ako lider, may halaga pa rin ako sa puso ng mga kapatid.” Habang tinatamasa ko ang pakiramdam na ito ng pagiging nakakahigit, bigla kong naisip, “Kung hindi mapipili ang susunod kong larawan, titingalain pa rin kaya ako ng mga kapatid?” Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pag-aalala, iniisip na ang mga resulta ng mga tungkulin ko ay maaari lang tumaas at hindi bumaba, dahil kung bababa nga ang mga iyon, mawawala ang aking magandang imahe. Sinabi ko sa sarili ko, “Kailangan kong patuloy na magsikap, kailangang mapili ang larawan para sa buwang ito, at kailangan kong patuloy na magsulat ng mahahalagang patotoong batay sa karanasan. Sa ganitong paraan, mapapanatili ko ang kasalukuyan kong magandang imahe.” Pagkatapos niyon, anuman ang gawin ko, palagi kong iniisip kung paano palugurin ang lider at makamit ang pagpapahalaga ng mga kapatid. Isang beses, sumulat ang lider para mag-usisa tungkol sa pag-usad ng gawain at sa paggampan sa mga tungkulin ng mga kapatid, at nang mapagtanto ko na hindi ako pamilyar sa gawain nila, mabilis kong binitiwan ang sarili kong tungkulin para magsiyasat, nang sa gayon ay makikita ng lider na mayroon akong pagpapahalaga sa pasanin at isa akong responsableng tao. Tinanong ako ng lider kung bakit hindi ako nakasulat ng anumang sermon kamakailan, at naisip ko, “Kailangan kong maglaan ng oras para makapagsulat agad. Kung hindi, iisipin kaya ng lider na wala ako ng pagpapahalaga sa pasanin gaya ng dati? Hindi ba’t masisira niyon ang magandang imahe ko sa paningin niya?” Noong panahong iyon, palagi kong nararamdaman na wala akong sapat na oras, at palagi akong nag-aalala na kung hindi ko matatapos sa takdang oras ang mga kahilingan ng lider, bababa ang tingin niya sa akin. Abala ako araw-araw, at hindi na naging regular ang mga debosyonal ko, at minsan, pagkatapos ng isang abalang araw, hindi ko man lang napapansin ang sarili kong mga tiwaling pagbubunyag o alam kung anong mga aralin ang dapat kong matutunan. Kapag gumagawa ng mga larawan, nag-aalala ako tungkol sa kung ano ang gagawin kung hindi magiging kasingganda ang kalalabasan ng kasalukuyang larawan katulad ng mga nauna. Minsan, para magkamit ng mas magagandang resulta, lubos akong naguguluhan, nagninilay-nilay nang matagal at hindi pa rin makagawa ng desisyon. Sa paglipas ng panahon, hindi na naging gaanong malinaw ang pag-iisip ko kapag gumagawa ng mga larawan, at nalilito ako, napapaisip kung bakit naging napakahirap gawin ang tungkulin ko. Bakit hindi na kasingtalas ng dati ang isipan ko?

Pagkatapos ng isang pagtitipon, nakipag-usap ako sa isang sister tungkol sa kalagayan ko. Dahil sa paalala ng sister, napagnilayan at napagtanto ko na sa panahong ito, palagi akong natatakot na baka humina ang pagiging epektibo ng tungkulin ko, nag-aalala na baka mawala ang magandang imahe ko sa mga kapatid, kaya patuloy kong sinisikap na panatilihin ang aking magandang imahe. Naalala ko na inilantad ng Diyos ang gayong mga kalagayan, kaya hinanap ko ang mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Diyos: “Maraming taong nakapagkamit ng ilang tagumpay sa isang larangan sa sekular na mundo at naging sikat ang napuno na ang ulo ng katanyagan at pakinabang, at nagsimula nang tumaas ang tingin nila sa kanilang mga sarili. Sa katunayan, ang paghanga, papuri, suporta, at pagkilala na ibinibigay ng ibang tao sa iyo ay mga pansamantalang parangal lang. Hindi kumakatawan ang mga ito sa buhay, ni katiting man ay hindi ito nangangahulugang tinatahak ng isang tao ang tamang landas. Ang mga ito ay pawang mga pansamantalang parangal at kaluwalhatian. Ano ba ang mga kaluwalhatiang ito? Totoo ba ang mga ito o hungkag? (Hungkag.) Parang mga bulalakaw ang mga ito, kumikislap at pagkatapos ay nawawala. Pagkatapos makuha ng mga tao ang gayong mga kaluwalhatian, parangal, palakpak, tagumpay, at papuri, kailangan pa rin nilang bumalik sa tunay na buhay at mamuhay nang kung paano sila dapat mamuhay. Hindi ito makita ng ilang tao at hinihiling nila na manatili sana ang mga bagay na ito sa kanila magpakailanman, na hindi naman makatotohanan. Hinihiling ng mga tao na mabuhay sa ganitong uri ng kapaligiran at atmospera dahil sa pakiramdam na naidudulot ng mga ito; gusto nilang matamasa ang ganitong pakiramdam magpakailanman. Kung hindi nila ito natatamasa, nagsisimula silang tahakin ang maling landas. Gumagamit ang ilan ng iba’t ibang pamamaraan gaya ng paglalasing at pagdodroga para gawing manhid ang kanilang sarili: Ganito tinatrato ng mga taong nabubuhay sa mundo ni Satanas ang katanyagan at pakinabang. Sa sandaling naging sikat ang isang tao at tumanggap ng kaluwalhatian, madali sa kanyang mawala sa kanyang direksiyon, at hindi niya alam kung paano siya dapat kumilos, ni kung ano ang dapat niyang gawin. Lumilipad ang isip niya at hindi siya makapokus—napakamapanganib nito. Nalagay na ba kayo sa ganoong kalagayan o nagpakita na ba kayo ng gayong asal? (Oo.) Ano ang nagsasanhi nito? Ito ay dahil ang mga tao ay may mga tiwaling disposisyon: Napakapalalo nila, napakayayabang, hindi nila madaig ang tukso o papuri, at hindi nila hinahangad ang katotohanan o nauunawaan ito. Inaakala nilang natatangi sila dahil lamang sa isang maliit na tagumpay o kaluwalhatian na natanggap nila; inaakala nilang naging dakilang tao na sila o isang superhero. Inaakala nilang isang krimen ang hindi tingalain ang kanilang mga sarili sa harap ng lahat ng katanyagan, pakinabang, at kaluwalhatiang ito. Anumang oras at saanmang lugar, malamang na maging mataas ang tingin sa sarili ng mga taong hindi nakauunawa ng katotohanan. Kapag masyado nang mataas ang tingin nila sa kanilang sarili, madali ba sa kanilang magpakababang muli? (Hindi.) Hindi iniisip ng mga tao na may kaunting katwiran na mataas sila nang walang dahilan. Kapag wala pa silang anumang naaabot, wala pang maiaambag, at wala pang sinumang miyembro ng grupo ang pumapansin sa kanila, hindi nila matignan nang mataas ang sarili nila kahit na gustuhin nila. Maaaring medyo mayabang at narsisistiko sila nang kaunti, o maaaring pakiramdam nila ay medyo may talento sila, at mas mahusay kaysa sa iba, subalit hindi malamang na isipin nilang mataas sila. Sa anong mga pagkakataon nagiging mataas ang tingin ng mga tao sa kanilang sarili? Kapag napupuri sila ng ibang tao dahil sa ilang bagay na kanilang nagawa. Iniisip nilang mas mahusay sila kaysa sa iba, na ordinaryo at hindi magaling ang ibang tao, na sila lamang ang may katayuan, at hindi kapareho ng uri o antas ng ibang tao, na mas mataas sila kaysa sa kanila. Ganito nagiging mataas ang tingin nila sa kanilang sarili(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Matapos basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, lubos akong nakumbinsi na inilalarawan nito ang kalagayan ko. Sinasabi ng Diyos na kapag nagtatamo ng kaunting tagumpay o kasikatan ang mga tao, nagsisimula silang magtamasa ng karangalan at ng magandang imahe, at gusto pa nga nila itong panatilihin at habambuhay na namnamin ang pakiramdam ng tinitingala ng iba. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ganito tinitingnan ng mga tao ang kasikatan at katayuan. Dahil dito, naisip ko ang maraming tanyag na tao sa mundo ng mga walang pananampalataya na, pagkatapos maging sikat, ginagawa ang lahat ng makakaya nila para pagandahin ang kanilang imahe at ipresenta ang kanilang sarili, para lang magkamit ng higit pang paghanga at papuri mula sa iba. Hindi ba’t ganito ako mismo noon? Mula nang mapili ang mga larawang ginawa ko at ang mga artikulong isinulat ko, at nang pinuri ako ng lider at ng mga kapatid sa paligid ko, nagsimulang lumaki ang ulo ko, at na biglang tumaas ang halaga ko, na parang naging isa akong tanyag na tao, namumukod-tangi sa karamihan, at nagsimula akong magtamasa sa papuri at paghangang ito mula sa mga kapatid. Nag-alala pa nga ako na kung hindi ko patuloy na gagawin nang maayos ang tungkulin ko, maglalaho ang magandang imahe ko sa paningin ng mga kapatid. Para mapanatili ang karangalan at magandang imaheng ito, palagi kong iniisip kung paano makakamit ang papuri ng lider sa mga tungkulin ko. Ganap akong naghahangad ng kasikatan at katayuan at tumatahak sa landas ng paglaban sa Diyos. Hindi na nakapagtataka na hindi ko makamit ang patnubay ng Diyos, at malabo ang isipan ko dahil nasa maling landas na pala ako. Matagal nang napalayo ang puso ko sa Diyos, kaya kinapopootan ako ng Diyos at itinatago Niya ang Kanyang mukha mula sa akin.

Pagkatapos, nagpatuloy ako sa pagninilay-nilay sa aking mga problema. Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay kasikatan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, samakatwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Si Satanas ay gumagamit ng isang napakabanayad na uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal sa anumang paraan, kung saan ay nagiging sanhi ito na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga alituntunin nito sa pamumuhay, at sa pagtatakda ng mga layon sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang kasikatan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang taos-puso at ng wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang kasikatan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay nakilatis ko ang mga paraan ni Satanas ng paggamit sa kasikatan at pakinabang para gawing tiwali ang mga tao. Gumagamit si Satanas ng mga pamamaraan na umaayon sa mga kuru-kuro ng tao para tuksuhin at gawing tiwali ang mga tao, na nagtutulak sa mga tao na magtatag ng mga maling pananaw sa buhay at unti-unting tumahak sa landas ng kabuktutan. Ang mga ideya tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” ay ikinikintal ni Satanas sa mga tao, itinutulak ang mga tao na maghangad na maging isang taong nakakahigit, at isang taong pinahahalagahan at hinahangaan ng iba. Para sa mga tao, tila umaayon ito sa kanilang mga kuru-kuro, dahil kung mayroong katanyagan at katayuan, makakamit ng isang tao ang paghanga at respeto ng iba, at sasang-ayunan at papaboran siya kahit saan sila magpunta, na mga bagay na lubos na tumutugon sa banidad ng isang tao. Para makamit ang layong ito, nagsusumikap at nagpupunyagi ang mga tao, nakikipagkompetensiya para sa kasikatan at pakinabang, nanlilinlang at nagpapakana, at puspusang nakikipaglaban. Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang para gawing tiwali ang mga tao, unti-unti silang inaakit patungo sa bangin ng kasalanan. Pinagnilayan ko ang sarili kong pag-uugali. Mula nang magpakita ng ilang resulta ang gawain ko kamakailan at makatanggap ako ng papuri mula sa lider at sa mga kapatid, inisip ko na mayroon akong pagpapahalaga sa pasanin at mga katotohanang realidad, at nagsimula akong masiyahan na mapahalagahan at mapuri ng iba, umaasa na mananatili magpakailanman ang karangalan at magandang imaheng ito. Kasabay nito, natakot ako na kung hihina ang pagiging epektibo ko sa mga tungkulin ko balang araw, maglalaho ang karangalan at magandang imaheng ito, kaya naman, sinimulan kong gawin ang mga tungkulin ko para makita ng iba. Matagal nang nawalan ng puwang sa puso ko ang Diyos, at ang tangi kong pinagnilayan ay kung paano ko magagawang tingalain ako ng iba. Ito man ay pagkatuto sa mga teknik o paggawa ng mga larawan, ang lahat ng ginawa ko ay para ipakita sa mga kapatid na ako ay responsable at may pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin ko, at sa gayon ay mapapanatili ang katayuan ko sa puso nila. Nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Kung, sa iyong puso, nahuhumaling ka pa rin sa katanyagan at katayuan, abala pa rin sa pagpapakitang-gilas at pagpapatingala sa iba sa iyo, hindi ka isang taong naghahangad ng katotohanan kung gayon, at maling landas ang tinatahak mo. Ang hinahangad mo ay hindi ang katotohanan, ni ang buhay, kundi ang mga bagay na gustung-gusto mo, ito ay ang kasikatan, pakinabang, at katayuan—kung ganoon, walang kaugnayan sa katotohanan ang anumang gagawin mo, ang lahat ng ito ay paggawa ng masama, at pagtatrabaho. Kung, sa puso mo, minamahal mo ang katotohanan, at lagi kang nagsisikap para sa katotohanan, kung naghahangad ka ng disposisyonal na pagbabago, nagkakamit ng tunay na pagpapasakop sa Diyos, at nagkakaroon ng takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at kung nakokontrol mo ang sarili mo sa lahat ng ginagawa mo, at nagagawa mong tanggapin ang pagsusuri ng Diyos, patuloy na bubuti ang iyong kalagayan, at ikaw ay magiging isang taong namumuhay sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Mabuting Pag-uugali ay Hindi Nangangahulugan na Nagbago Na ang Disposisyon ng Isang Tao). Ang paghahangad ng kasikatan at katayuan para hangaan ng iba ay ang landas ni Satanas. Ang paghahangad sa katotohanan, pamumuhay sa harap ng Diyos, at pagtupad sa tungkulin ng isang nilikha ay ang paraan para mamuhay nang may halaga at kabuluhan. Pinagnilayan ko ang panahon noong una akong gumawa ng mahihirap na backdrop na larawang iyon. Nakatuon ako sa maayos na paggawa sa tungkulin ko at nagdarasal ako sa Diyos tuwing nakakaranas ako ng mga suliranin, at pakiramdam ko ay napakalapit ng puso ko sa Diyos. Pero simula nang gumawa ako para sa kasikatan at katayuan, palayo nang palayo ang puso ko sa Diyos, at sa buong araw, ang iniisip ko ay hindi tungkol sa kung paano ko gagawin nang maayos ang tungkulin ko para palugurin ang Diyos, kundi sa halip ay kung paano ako hahangaan ng iba at kung paano maiiwasang mawala ang katayuan ko. Dahil dito, lalong naging magulo ang isip ko, at hindi lang sa hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko, napinsala rin ang buhay ko. Ang kasikatan at pakinabang ay mga kasangkapang ginagamit ni Satanas para pinsalain ang mga tao at akayin sila palayo sa Diyos, at aakayin lang ako ng mga ito sa landas ng paglaban sa Diyos.

Kalaunan, patuloy akong naghanap at nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Bakit mo pinakakaingatan nang husto ang katayuan? Ano ang mga kapakinabangang makukuha mo mula sa katayuan? Kung naghatid sa iyo ng kapahamakan, mga paghihirap, kahihiyan, at pasakit ang katayuan, pakakaingatan mo pa rin ba ito? (Hindi.) Napakaraming kapakinabangang nagmumula sa pagkakaroon ng katayuan, mga bagay na tulad ng inggit, paggalang, pagpapahalaga, at matatamis na salita mula sa ibang mga tao, pati na ang kanilang paghanga at pagpipitagan. Nariyan din ang pakiramdam na angat ka at may pribilehiyo na dulot ng iyong katayuan, na nagbibigay sa iyo ng karangalan at diwa ng pagpapahalaga sa sarili. Dagdag pa rito, matatamasa mo rin ang mga bagay-bagay na hindi natatamasa ng iba, tulad ng mga pakinabang ng katayuan at espesyal na pagtrato. Ito ang mga bagay na ni hindi ka nangangahas na isipin, at ang mga inaasam-asam mo sa iyong mga panaginip. Pinahahalagahan mo ba ang mga bagay na ito? Kung hungkag lamang ang katayuan, walang tunay na kabuluhan, at walang tunay na layunin ang pagtatanggol dito, hindi ba kahangalang pahalagahan ito? Kung kaya mong bumitaw sa mga bagay na tulad ng mga interes at tinatamasa ng laman, kung gayon hindi ka na matatali sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kaya, ano muna ang kailangang malutas para maresolba ang mga isyung nauugnay sa pagpapahalaga at paghahangad sa katayuan? Una, kilatisin ang kalikasan ng problema ng paggawa ng masama at panlilinlang, pagtatago, at pagtatakip, maging pagtanggi sa pangangasiwa, pagtatanong, at pagsusuri ng sambahayan ng Diyos, upang matamasa ang mga pakinabang ng katayuan. Hindi ba’t ito ay lantarang paglaban at pagsalungat sa Diyos? Kung mahahalata mo ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagnanasa sa mga pakinabang ng katayuan, malulutas ang problema ng paghahangad ng katayuan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit naghangad ako ng kasikatan at katayuan. Ang tunay na dahilan kung bakit ko ito ginawa ay para tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan, at dahil inakala ko na sa kasikatan at katayuan, makakatanggap ako ng respeto at pagpapahalaga mula sa iba, at na kahit saan ako magpunta, seseryosohin ako ng mga kapatid. Mula nang sunod-sunod na mapili ang mga larawan at artikulo ko, at nakita ko ang paghanga at inggit sa mga mata ng mga kapatid, labis akong nasiyahan sa pakiramdam na ito, at natakot ako na kung hihina ang pagiging epektibo ko, hindi ko na matatamasa ang mga bagay na ito. Bilang isang nilikha, ang magawa ang tungkulin ko sa sambahayan ng Diyos ay biyaya ng Diyos, pero gusto kong gamitin ito para tamasahin ang mga pakinabang ng katayuan. Wala talaga akong kahihiyan! Napagtanto ko na ang pagiging epektibo ng gawain ko sa paglikha ng mga larawan ay dahil sa kaliwanagan ng Diyos, na ang kasanayang ito ay isang kaloob mula sa Diyos, at na ang mga resultang ito ay dahil sa patnubay ng mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos at sa tulong ng mga kapatid, at nakita ko na ang lahat ng bagay na ito ay hindi mapaghihiwalay sa patnubay ng Diyos. Wala akong maipagmamalaki o walang karapat-dapat na hangaan sa akin. Dahil lang sa naging epektibo nang kaunti ang tungkulin ko ay hindi nangangahulugan na tumaas ang halaga ko, ni hindi ito nangangahulugan na wala akong katiwalian o mga pagkukulang. Ako pa rin ito, isang ordinaryong tao lang na may maraming pagkukulang, at kailangan ko itong tingnan nang tama. Kung may mga problema sa tungkulin ko, dapat kong pagnilayan ang sarili ko, ibuod ang mga paglihis, at dapat akong matuto mula sa mga ito. Hindi ko kailangang matakot na ilantad ang mga pagkukulang ko o iwasan ang mga ito, at lalong hindi ko kailangang gumamit ng mga pamamaraan ng tao para pagtakpan ang mga ito. Ang kailangan kong gawin ay ang umasal ayon sa posisyon ko, at ibuhos ang lahat ng makakaya ko sa pagtupad sa mga responsabilidad ko sa mga tungkulin ko. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, bumalot sa akin ang pakiramdam ng kapanatagan at kalayaan, at hindi na ako nag-aalala kung ano ang tingin sa akin ng mga kapatid. Pagkatapos, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, salamat sa Iyong pagbubunyag sa akin sa pamamagitan ng kapaligirang ito, kung hindi, hindi ko makikilala ang mga problema ko. Handa na akong magsisi, huminto sa pagtuon sa kung ano ang tingin ng iba sa akin, mamuhay sa harap Mo, at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Kung muli akong maghahangad ng kasikatan at katayuan, nawa ay disiplinahin Mo ako, nang sa gayon ay matauhan ako sa tamang panahon.”

Noong unang bahagi ng Enero 2024, nagsaayos ang lider na pagandahin ko ang isang larawan. Ito ay kalahati nang natapos, na ginawa ng ibang mga kapatid para rebisahin ko, at medyo kinakabahan ako, iniisip na, “Pinagkakatiwalaan ako ng lider sa pagsasaayos na ito, kaya kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko at huwag siyang biguin.” Inaasahan kong magawa ito nang tama sa isang subok lang, para ipakita sa lider na mayroon pa rin akong kaunting kapabilidad. Sa puntong ito, napagtanto kong mali ang kalagayan ko, at na naghahangad pa rin ako ng kasikatan at katayuan, kaya nagdasal ako sa Diyos para maghimagsik laban sa mali kong intensyon, humihiling sa Diyos na protektahan ang puso ko at tulungan akong tuparin ang mga responsabilidad ko. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Inoobserbahan ng Diyos kung umaasal ka nang naaangkop sa katayuan mo, at kung isa ka bang taong maayos na ginagawa ang mga tungkulin ng isang nilikha. Inoobserbahan Niya kung, sa paggampan mo ng tungkulin mo, ibinibigay mo ba ang buong puso at pagsisikap mo rito ayon sa mga likas na kalagayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, at kung kumikilos ka ba ayon sa mga prinsipyo at kung nakakamit mo ba ang mga resultang ninanais ng Diyos. Kung kaya mong isakatuparan ang lahat ng bagay na ito, pupurihin ka ng Diyos. Kung hindi mo ginagawa ang mga bagay nang ayon sa mga hinihingi ng Diyos, kahit na nagsisikap at nagpapakahirap ka pa, kung ang lahat ng ginagawa mo ay para magpasikat at magpakitang-gilas, at hindi mo ginagawa ang tungkulin mo nang buong puso at lakas para palugurin ang Diyos, ni hindi mo ginagawa ang mga bagay nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kung gayon, ang mga pagpapamalas at pagbubunyag mo, ang ugali mo, ay kasuklam-suklam sa Diyos. Bakit kinasusuklaman ng Diyos ang mga iyon? Sasabihin ng Diyos na hindi ka tumutuon sa mga wastong tungkulin, hindi mo pa ibinigay ang buong puso, lakas, o isip mo sa paggampan ng tungkulin mo, at hindi ka sumusunod sa tamang landas(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na dapat kong gawin ang buong makakaya ko ayon sa mga prinsipyong nauunawaan ko. Kung gagawin ko ang buong makakaya ko at mayroon pa ring mga paglihis, ang pagtukoy ng lider sa mga pagkukulang ko ay ang paraan niya para mapunan ako, at dapat akong bumawi sa mga pagkukulang ko. Sa mga naisip kong ito, hindi na ako nakaramdam ng kaba, at maingat kong pinag-isipan kung paano lumikha ng pinakamagandang effect sa larawan, nagdarasal sa Diyos at naghahanap ng impormasyon tuwing may anumang bagay akong hindi nauunawaan, at hindi nagtagal, natapos na ang larawan. Pagkalipas ng ilang araw, nalaman ko na napili ang larawan, at nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso. Ang pagbabagong ito sa akin ay bunga ng patnubay ng mga salita ng Diyos.

Sinundan:  67. Ano ang Maidudulot ng Paghahangad ng Katanyagan at Pakinabang?

Sumunod:  70. Sa Likod ng Pag-aatubili Na Irekomenda ang Tamang Mga Tao

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger