69. Nang Malaman Kong Papaalisin ang Asawa Ko

Ni Zhou Xiaoou, Tsina

Noong Marso 2021, nakatanggap ako ng isang liham mula sa mga lider ng iglesia, hinihiling sa akin na magbigay ako ng mga detalye tungkol sa pag-uugali ng asawa ko bilang isang hindi mananampalataya. Alam kong talaga ngang isang hindi mananampalataya ang asawa ko at natugunan niya ang mga pamantayan para mapaaalis mula sa sambahayan ng Diyos. Nanampalataya siya sa Diyos sa loob ng maraming taon pero hindi niya kailanman hinangad ang katotohanan, palaging naghahabol sa mga makamundong uso at kayamanan at naghahanap ng kasiyahan. Bukod sa ayaw niyang dumalo sa mga pagtitipon ng iglesia, hindi rin siya kailanman nagdasal o kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at nag-aatubili siyang gumawa ng mga tungkulin. Kapag nakikipagbahagian kami ng mga kapatid sa kanya tungkol sa kahalagahan ng paghahangad sa katotohanan at paggawa ng mga tungkulin, hindi man lang niya ito isinasapuso. Bukod sa hindi niya mismo hinahangad ang katotohanan, palagi rin niyang sinasabi sa akin, “Hindi mo kailangang hangarin ang katotohanan nang napakasigasig—sapat na ang makisabay lang sa agos.” Kapag hindi ako nakikinig sa kanya, madalas sumasabog ang galit niya sa akin, kaya medyo napipigilan ako. Alam kong dapat kong isulat nang makatotohanan ang pag-uugali ng asawa ko, pero kapag dumarating na ang oras na kailangan kong magsulat, nag-aalinlangan ako, iniisip na, “Halos sampung taon na kaming kasal. Bagama’t hindi hinahangad ng asawa ko ang katotohanan, naging mabait naman siya sa akin at sa mga magulang ko. Siya ay matipid kapag namimili ng magagandang damit para sa kanyang sarili, pero mapagbigay siya kapag namimili para sa akin at sa mga magulang ko. Ngayong paaalisin na siya, hindi lang ako walang magawa para tulungan siya, kailangan din na ako mismo ang maglantad sa kanya. Nakakadurog ng puso. Isa pa, kung malalaman ng asawa ko na ako ang naglalantad ng pag-uugali niya, tiyak na sasama ang loob niya sa akin dahil sa pagiging sobrang walang puso. Paano ko siya haharapin sa hinaharap?” Pagkatapos, naisip ko rin, “Bagama’t hindi hinahangad ng asawa ko ang katotohanan, hindi siya kailanman gumawa ng anumang masama, kaya, walang magiging pinsala kung papanatilihin siya sa iglesia. Kung mananatili siya sa iglesia, maaari akong patuloy na magsulat ng mga liham sa kanya at tulungan siya, at hindi niya tuluyang iiwan ang Diyos para hangarin ang mundo. Baka may maliit pang pagkakataon para makaligtas siya. Pero kung alam niyang paaalisin siya, maaaring masadlak siya sa kawalan ng pag-asa, tuluyang iiwan ang Diyos at susunod sa mga makamundong kalakaran.” Sa pag-iisip nito, naharap ako sa isang masuliraning kalagayan—sa isang banda ay ang pagmamahal ng pamilya, at sa kabilang banda, ang mga interes ng iglesia. Alin ang dapat kong piliin? Sa mga panahong iyon, gusto ko lang iwasan ang buong isyu, kaya ibinaon ko ang sarili ko sa gawain. Pero sa tuwing tapos na ako sa gawain at huminahon na, ito ang iniisip ko, “Iisipin ba ng mga lider na masyado akong sentimental kung mapapansin nila na hindi ko pa rin naisulat ang pagsusuri? Bukod pa rito, napakahalaga ng personal na saloobin at paninindigan ng isang tao pagdating sa gawain ng pag-aalis ng iglesia. Ang pagkabigong sumunod sa mga prinsipyo at mangalaga sa gawain ng iglesia ay nangangahulugan ng pagpanig kay Satanas.” Nang maisip ko ito, nagsimula akong magsulat ng pagsusuri tungkol sa asawa ko. Pero habang nagsusulat ako, muling umusbong ang pagmamahal ko sa kanya, at naisip ko, “Kung isusulat ko ang lahat ng detalye ng pag-uugali ng asawa ko bilang isang hindi mananampalataya, tiyak na paaalisin siya. Siguro, paiikliin ko na lang ito.” Matapos isulat ang pagsusuri, medyo hindi ako mapalagay. “Sa paggawa nito, hindi ba’t sinasadya kong pagtakpan ang mga bagay-bagay?” Pero naisip ko, “Kahit ano pa man, naisulat ko na ito. Dahil alam na ng mga lider ang ilan sa pag-uugali niya, ayos na siguro na huwag nang magbigay ng masyadong maraming detalye.” Kaya, ipinasa ko ang aking pagsusuri sa mga lider. Makalipas ang ilang panahon, sumagot ang mga lider, sinasabing masyadong malabo ang pagkakasulat ko tungkol sa pag-uugali ng aking asawa, at hiniling nila sa akin na isulat itong muli. Medyo nakonsensiya ako. Natakot ako na paaalisin ang asawa ko kung magsusulat ako ng napakaraming detalye, kaya ginusto kong gawing maikli at malabo ang pagsusuri ko para lang matapos na ito. Pero sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay. Hindi ba’t sinusubukan kong linlangin kapwa ang sarili ko at ang iba sa ginagawa kong ito? Kaya lumapit ako sa Diyos para magdasal at magnilay sa sarili ko.

Sa aking pagninilay-nilay, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat kayo ay nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba ay isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Maisasagawa mo ba ang pagiging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matugunan sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba ay taong sumusunod sa Aking kalooban?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Lubha akong napahiya sa bawat tanong mula sa Diyos. Natamasa ko ang labis na pagdidilig at pagtustos ng mga salita ng Diyos, at dapat ay isinagawa ko ang katotohanan at inilantad ang mga hindi mananampalataya. Pero pagdating sa paglalantad sa asawa ko, hindi ko kayang gawin ito, at gumamit pa ako ng panlilinlang para dayain ang mga lider. Mas pinili kong papanatilihin ang isang hindi mananampalataya sa iglesia kaysa isagawa ang katotohanan. Napakamakasarili ko, walang katapatan sa Diyos. Hindi talaga ako isang taong nagsasagawa sa katotohanan. Sa pag-iisip nito, medyo nakaramdam ako ng pagsisisi. Kaya, lumapit ako sa Diyos, nagtapat at nagsisi, nagpapahayag ng kahandaan na isantabi ang aking pagmamahal at isagawa ang katotohanan. Pagkatapos ay binigyan ko ang iglesia ng detalyadong impormasyon tungkol sa pag-uugali ng aking asawa. Noong 2023, nalaman ko na napaalis ang asawa ko mula sa iglesia.

Kalaunan, nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos tungkol sa pagkilatis sa mga hindi mananampalataya, at tinulungan ako nitong magkaroon ng kaunting pagkilatis sa diwa ng aking asawa bilang isang hindi mananampalataya. Napagtanto ko na hindi talaga siya kailanman nanampalataya sa Diyos. Kahit na noong manampalataya siya sa Panginoong Jesus, hindi siya naghangad. Matapos tanggapin ng nanay niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ilang beses na sinubukang ipangaral sa kanya ng nanay niya ang ebanghelyo, pero ayaw niyang tanggapin ito. Sa huli, sumali lang siya sa iglesia kasama ko dahil sa aming buhay may-asawa at sa pananampalataya ko sa Diyos. Gayumpaman, madalas niyang sinasabi sa akin na sa pananampalataya sa Diyos, ayos lang na sumabay lang sa agos, na hindi namin kailangang maghangad nang labis, at na dapat unahin namin ang kumita ng pera. Kaya, wala siyang masyadong ginawa sa kanyang mga tungkulin pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos. Matapos akong makipagbahaginan sa kanya nang madalas tungkol sa kahalagahan ng paggawa ng aming mga tungkulin, atubili siyang pumayag na mag-host ng mga kapatid para sa mga pagtitipon, pero ayaw niyang manatili sa bahay para panatilihin silang ligtas. Dagdag pa rito, madalas siyang nagrereklamo na hindi ko siya mabigyan ng mas magandang materyal na buhay. Bagama’t maayos ang mga kondisyon ng pamumuhay ng pamilya namin, walang kakapusan sa pagkain o mga pangangailangan, hindi pa rin siya nasisiyahan at gusto niyang manirahan sa isang mas magandang bahay. Nang makitang nananampalataya ako sa Diyos at hindi ko kayang tugunan ang mga hinihingi niya, ilang beses niyang sinabi na ayaw na niyang ipagpatuloy ang pananalig niya. Pero sa tuwing nakakaranas siya ng kasawiang-palad, agad siyang nagiging masigasig, nagdarasal at nagbibigay ng mga handog. Kapag lumipas na ang mga suliranin, bumabalik siya sa dati niyang gawi. Malinaw na ang pananalig niya ay ganap na para lang sa pagkamit ng mga pagpapala. Marami rin siyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos at madalas niya itong ipinapahayag sa harap ko, sinasabi sa akin na huwag kong hangarin nang masyadong masigasig ang pananalig ko at huwag akong umalis ng bahay para gawin ang mga tungkulin ko. Nang payuhan ko siyang hanapin ang katotohanan kapag nahaharap sa mga bagay-bagay, binabalewala lang niya ito, sinasabing nauunawaan niya ang lahat pero hindi lang niya ito maisagawa. Nang makita ko ito, napagtanto ko na isa nga siyang hindi mananampalataya na tutol sa katotohanan. Pagkatapos kong magkaroon ng kaunting pagkilatis sa asawa ko, saka ko lang naunawaan na namumuhay ako sa pagmamahal sa mga taon na ito. Iyon ang dahilan kung bakit patuloy kong sinisikap na suportahan at tulungan siya, umaasa na mapanatili siya sa iglesia. Ang lahat ng ito ay dahil sa labis-labis kong pagmamahal.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay masyadong nagtitiwala sa mga damdamin, tumutugon sila sa anumang nangyayari sa kanila batay sa kanilang mga damdamin; sa kanilang puso, alam na alam nilang mali ito, gayumpaman ay hindi pa rin nila magawang maging obhetibo, lalo na ang kumilos ayon sa prinsipyo. Kapag palaging napipigilan ng mga damdamin ang mga tao, kaya ba nilang isagawa ang katotohanan? Napakahirap nito! Ang kawalan ng kakayahan ng maraming tao na isagawa ang katotohanan ay pangunahing bunga ng mga damdamin; itinuturing nila ang mga damdamin bilang napakahalaga, inuuna nila ang mga ito. Mga tao ba sila na nagmamahal sa katotohanan? Tiyak na hindi. Ano ang mga damdamin, sa diwa? Ang mga ito ay uri ng tiwaling disposisyon. Ang mga pagpapamalas ng mga damdamin ay mailalarawan gamit ang ilang salita: paboritismo, pagprotekta sa iba nang walang prinsipyo, pagpapanatili ng mga pisikal na relasyon, at pagkiling; ito ang mga damdamin. Ano ang mga posibleng kahihinatnan ng pagkakaroon ng mga tao ng mga damdamin at pamumuhay ayon sa mga ito? Bakit pinakakinasusuklaman ng Diyos ang mga damdamin ng mga tao? Ang ilang tao ay palaging napipigilan ng kanilang mga damdamin, hindi nila maisagawa ang katotohanan, at bagama’t nais nilang magpasakop sa Diyos, hindi nila magawa, kaya pakiramdam nila ay pinahihirapan sila ng kanilang mga damdamin. Maraming tao ang nakakaunawa sa katotohanan ngunit hindi ito maisagawa; ito rin ay dahil napipigilan sila ng mga damdamin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Kapag nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pag-uugali ng asawa ko bilang isang hindi mananampalataya, malinaw sa akin na palagi niyang hindi hinahangad ang katotohanan, na tumatanggi siyang dumalo sa mga pagtitipon, hindi kailanman nagdarasal o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, at na ayaw niyang gawin ang anumang tungkulin. Sa halip, ang tanging hinahangad niya ay pera at mga makamundong kasiyahan. Dagdag pa rito, hindi mabuti ang pagkatao niya, at kung may magpapasama ng loob niya, mumurahin niya ito gamit ang wika na ubod ng sama, umaasal na parang isang walang pananampalataya. Alam kong dapat kong ilantad ang pag-uugali ng asawa ko, pero ganap akong namumuhay sa aking pagmamahal. Inakala ko na hangga’t hindi siya pinaaalis, maaari siyang manatili sa iglesia bilang isang tagapagserbisyo. Kung hindi, tuluyan siyang mawawalan ng pagkakataong maligtas. Kaya, noong isinusulat ang pagsusuri, sinasadya kong gawing maikli at malabo ang pagsusulat tungkol sa pag-uugali niya, nagtatangkang linlangin ang mga lider. Sa pagninilay-nilay sa mga kilos ko, napagtanto ko kung gaano ako naging makasarili at kasuklam-suklam. Kung hindi natuklasan ng mga lider ang problema ko at hindi nila ito natukoy kaagad, nagpatuloy sana akong mamuhay sa pagmamahal at nagprotekta sa asawa ko. Kung nanatili siya sa iglesia, nagpatuloy sana siya sa pagpapalaganap ng kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, ginugulo ang iba, at kung walang pagkilatis sa kanya ang mga kapatid, malamang na malilihis sila ng kanyang mga maling paniniwala. Dagdag pa rito, bagama’t nag-host siya sa mga kapatid para sa mga pagtitipon, hindi niya sila pinasilong sa aming tahanan, kaya nagiging mahirap para sa mga kapatid na pakalmahin ang kanilang sarili sa mga pagtitipon. Ngayon, sa wakas ay nakita ko na sa pamamagitan ng sentimental na pagsanggalang at pagprotekta sa asawa ko, pinahihintulutan ko ang isang hindi mananampalataya na gambalain at guluhin ang iglesia. Ipinakita nito na kumikilos ako bilang isa sa mga alipin ni Satanas at gumagawa ng masasamang gawa!

Kalaunan, higit kong pinagnilayan ang sarili ko, tinatanong ang sarili ko, “Kung pinanatili ko ang asawa ko sa iglesia dahil sa mabubuting layunin, matutulungan ko ba talaga siya na makamit ang kaligtasan at manatiling buhay? Naaayon ba sa layunin ng Diyos ang pagkilos nang ganito?” Pagkatapos, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Labis na makasarili yaong mga nagkakaladkad tungong simbahan sa kanilang mga lubusang walang pananampalatayang anak at kamag-anak, at nagpapakita lamang sila ng kabaitan. Nakatuon lamang ang mga taong ito sa pagiging mapagmahal, naniniwala man sila o hindi o kung layunin man ito ng Diyos. Dinadala ng ilan ang kanilang esposa sa harap ng Diyos, o kinakaladkad ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at sumasang-ayon man sa kanila o hindi ang Banal na Espiritu o gumagawa sa kanila, walang taros silang nagpapatuloy sa ‘pag-ampon ng matatalinong tao’ para sa Diyos. Anong pakinabang ang maaaring makamit mula sa pagpapaabot ng kabaitan sa mga walang pananalig na ito? Kahit na ang mga hindi mananampalatayang ito, na walang presensiya ng Banal na Espiritu, ay atubiling sumusunod sa Diyos, hindi pa rin sila maililigtas tulad ng maaaring paniwala ng tao. Yaong mga makakayang tumanggap ng kaligtasan sa totoo ay hindi ganoon kadaling matamo. Lubos na walang kakayahan na magawang ganap ang mga tao na hindi sumailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu, at hindi nagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatuwid, mula sa sandaling simulan nilang sundan sa turing ang Diyos, salat sa presensya ng Banal na Espiritu ang mga taong iyon. Dala ng kanilang mga kalagayan at tunay na katayuan, hindi sila magagawang ganap nang gayon-gayon lamang. Sa gayon, nagpapasya ang Banal na Espiritu na huwag gumugol ng gaanong sigla sa kanila, o nagkakaloob Siya ng anumang kaliwanagan o ginagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lamang Niya silang makisunod, at ilalahad sa huli ang mga kalalabasan nila—sapat na ito. Ang sigasig at mga layunin ng sangkatauhan ay mula kay Satanas, at hindi makakaya ng mga bagay na ito sa anumang paraan na gawing ganap ang gawain ng Banal na Espiritu. Anupaman ang mga tao, dapat silang magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Maaari bang gawing ganap ng mga tao ang mga tao? Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga layon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang layon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais? Tunay bang ibig nilang kumilos alang-alang sa plano ng pamamahala ng Diyos? Tunay nga bang kumikilos sila alang-alang sa gawain ng Diyos? Ang layon ba nila ay tuparin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang? Yaong mga hindi nagagawang matamo ang presensya ng Banal na Espiritu mula noong sandaling nagsimula silang maniwala sa Diyos ay hindi kailanman makakayang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu; ang mga taong ito ay tiyak na mga pakay na wawasakin. Gaano man kalaki ang pagmamahal na mayroon ang isang tao para sa kanila, hindi nito makakayang halinhan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kumakatawan ang sigasig at pagmamahal ng mga tao sa mga layunin ng tao, ngunit hindi maaaring kumatawan ang mga ito sa mga layunin ng Diyos, at o hindi maaaring ipanghalili sa gawain ng Diyos. Kahit na ipinaabot ng isang tao ang pinakamalaking posibleng dami ng pagmamahal o awa sa mga tao na naniniwala sa turing sa Diyos at nagpapanggap na sumusunod sa Kanya nang hindi nalalaman kung ano ang tunay na kahulugan ng maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang simpatya ng Diyos, o makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na mahina ang kakayahan ng mga tao na taos-pusong sinusundan ang Diyos at hindi magawang maunawaan ang maraming katotohanan, makakaya pa rin nila na paminsan-minsang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu; gayunman, yaong mga may masyadong mahusay na kakayahan, ngunit hindi taos-pusong naniniwala, ay hindi basta makakamit ang presensya ng Banal na Espiritu. Walang lubos na posibilidad para sa kaligtasan ng gayong mga tao. Kahit binabasa nila ang mga salita ng Diyos o paminsan-minsang pinakikinggan ang mga pangaral, o kahit inaawit ang mga papuri sa Diyos, sa huli ay hindi nila magagawang makaligtas hanggang sa oras ng pamamahinga(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung ang isang tao ay makakatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan at maliligtas at mananatiling buhay sa huli ay hindi nakasalalay sa tulong o suporta ng iba. Hindi ito simpleng usapin ng pananatili sa iglesia nang hindi umaalis ang nagbibigay ng pag-asa sa isang tao na manatiling buhay. Sa halip, nakasalalay ito sa saloobin ng tao sa Diyos at sa katotohanan, pati na sa kung makakamit ba niya ang gawain at pagpeperpekto ng Banal na Espiritu sa kanyang personal na paghahangad. Sa simula pa lang, hindi kailanman taos-pusong nananampalataya ang asawa ko sa Diyos. Hindi niya kailanman nilayon na tuparin ang mga tungkulin niya para mapalugod ang Diyos, at hindi siya kailanman nagpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia. Kahit na nag-aatubili siyang mag-host sa mga kapatid para sa mga pagtitipon, hindi siya nagpasan ng anumang responsabilidad. Gaano man nakipagbahaginan sa kanya ang mga lider ng iglesia, hindi niya kailanman binago ang mga gawi niya. Ilang beses pa nga niyang binanggit na ayaw na niyang manampalataya sa Diyos. Sa sobrang pagtutol sa katotohanan, kahit pilitin ko siyang manatili sa iglesia, hindi gagawa sa kanya ang Banal na Espiritu. Kung ganoon ang kaso, hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap ko? Ang pagnanais kong mapanatili ang asawa ko sa iglesia ay bunsod ng aking personal na pagmamahal at pagkamakasarili. Bukod sa hindi magiging epektibo ang gayong mga kilos, maaari ding humantong ang mga ito sa pagsalungat sa disposisyon ng Diyos dahil sa pagmamahal ko. Naalala ko na isinasaad ng isa sa Sampung Atas Administratibo ng Kapanahunan ng Kaharian: “Ang kaanak na iba ang pananalig (ang iyong mga anak, ang iyong asawa, iyong mga kapatid o magulang, at iba pa) ay hindi dapat piliting sumapi sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang pataasin ang bilang nito ng mga taong walang silbi. Hindi na dapat akayin sa iglesia ang lahat ng hindi malugod na nananampalataya. Ang atas na ito ay para sa lahat ng tao. Dapat ninyong siyasatin, subaybayan at paalalahanan ang isa’t isa sa bagay na ito, at walang sinumang maaaring lumabag dito. Kahit atubiling pumapasok nga sa iglesia ang kaanak na iba ang pananampalataya, huwag silang bigyan ng mga aklat o ng bagong pangalan; ang gayong mga tao ay hindi bahagi ng sambahayan ng Diyos, at kailangang patigilin ang pagpasok nila sa iglesia sa anumang paraang kinakailangan. Kung may gulong nadala sa iglesia dahil sa paglusob ng mga demonyo, ikaw mismo ay ititiwalag o paghihigpitan. Sa madaling salita, lahat ay may responsibilidad sa bagay na ito, ngunit hindi ka rin dapat magpadalus-dalos, ni gamitin ito para lutasin ang mga personal mong atraso(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Sampung Atas Administratibo na Dapat Sundin ng Hinirang na Bayan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian). Malinaw na isinasaad ng atas administratibo na para sa mga miyembro ng pamilyang di-nananampalataya, hindi natin sila dapat piliting pumasok sa iglesia. Kahit na pumasok sa iglesia ang gayong mga tao, hindi sila kinikilala ng Diyos. Ito ay isang atas na dapat sundin ng bawat mananampalataya. Gayumpaman, binalewala ko ang atas administratibo ng Diyos at sinubukan kong papanatilihin ang asawa ko sa iglesia dahil sa pagmamahal. Ang iglesia ay isang lugar kung saan sinasamba ng mga kapatid ang Diyos at ginagawa ang kanilang mga tungkulin; hindi nito pinahihintulutan ang mga panggugulo ng mga hindi mananampalataya, anticristo, o masasamang tao. Dahil tutol ang asawa ko sa katotohanan at isa siyang hindi mananampalataya sa diwa, walang duda na gagambalain at guguluhin ng pananatili niya sa iglesia ang kapwa gawain ng iglesia at buhay iglesia. Ang pagtatangka ko na panatilihin ang isang hindi mananampalataya sa iglesia batay sa personal na pagmamahal—paanong umaayon iyon sa layunin ng Diyos?

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa ugat ng aking sentimental na pagharap sa mga bagay-bagay. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung itinatatwa at sinasalungat ng isang tao ang Diyos, na siya ay isinusumpa ng Diyos, ngunit siya ay magulang o kamag-anak mo, at sa tingin mo ay hindi naman siya mukhang masamang tao, at maayos ang pagtrato niya sa iyo, baka hindi mo magawang kamuhian ang taong iyon, at baka manatili siyang malapit mong kaugnayan, hindi nagbabago ang relasyon ninyo. Ikababahala mo na marinig na kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao, at hindi mo magagawang pumanig sa Diyos at malupit na tanggihan ang taong iyon. Lagi kang napipigilan ng mga damdamin, at hindi mo ganap na mapakawalan ang mga ito. Ano ang dahilan nito? Nangyayari ito dahil masyadong matindi ang iyong mga damdamin, at hinahadlangan ka ng mga itong maisagawa ang katotohanan. Mabait sa iyo ang taong iyon, kaya hindi mo maatim na kamuhian siya. Makakaya mo lang siyang kamuhian kung sinaktan ka nga niya. Ang pagkamuhing iyon ba ay aayon sa mga katotohanang prinsipyo? Gayundin, ginagapos ka ng tradisyunal na mga kuru-kuro, na iniisip na isa siyang magulang o kamag-anak, kaya kung kamumuhian mo siya, kasusuklaman ka ng lipunan at lalaitin ng publiko, kokondenahin bilang hindi mabuting anak, walang konsensiya, at ni hindi nga tao. Iniisip mo na magdurusa ka ng pagkondena at kaparusahan ng langit. Kahit gusto mong kamuhian siya, hindi iyon kakayanin ng konsensiya mo. Bakit gumagana nang ganito ang konsensiya mo? Ito ay dahil isang paraan ng pag-iisip ang naitanim na sa kalooban mo buhat nang ikaw ay bata pa, sa pamamagitan ng pamana ng iyong pamilya, ang turong ibinigay sa iyo ng mga magulang mo, at ang indoktrinasyon ng tradisyonal na kultura. Ang paraang ito ng pag-iisip ay nakaugat nang napakalalim sa puso mo, at dahil dito ay nagkakaroon ka ng maling paniniwala na ang pagiging mabuting anak ay ganap na likas at may katwiran, at na ang anumang minana mo mula sa mga ninuno mo ay palaging mabuti. Una mo itong natutunan at nananatili pa rin itong nangingibabaw, na lumilikha ng isang malaking sagabal at kaguluhan sa iyong pananalig at pagtanggap sa katotohanan, na iniiwan kang walang kakayahan na isagawa ang mga salita ng Diyos, at mahalin ang minamahal ng Diyos at kapootan ang kinapopootan ng Diyos. … Ginagamit ni Satanas ang ganitong uri ng tradisyonal na kultura at mga kuru-kuro ng moralidad upang igapos ang mga kaisipan mo, ang utak mo, at ang puso mo, na nagiging dahilan para hindi mo matanggap ang mga salita ng Diyos; ikaw ay nasakop na ng mga bagay na ito ni Satanas, at nawalan na ng kakayahan na tanggapin ang mga salita ng Diyos. Kapag nais mong isagawa ang mga salita ng Diyos, ginugulo ng mga bagay na ito ang kalooban mo, na nagdudulot na salungatin mo ang katotohanan at ang mga hinihingi ng Diyos, at nagiging dahilan para mawalan ka ng lakas na iwaksi ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura. Pagkatapos mong magsikap nang ilang panahon, nagkokompromiso ka: pinipili mong paniwalaan na ang mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad ay tama at naaayon sa katotohanan, kaya tinatanggihan o tinatalikuran mo ang mga salita ng Diyos. Hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan at binabalewala mo ang mailigtas, dahil pakiramdam mo ay nabubuhay ka pa rin sa mundong ito, at makakaligtas ka lang sa pamamagitan ng pagsandig sa mga bagay na ito. Dahil hindi mo kayang tiisin ang ganting-paratang ng lipunan, mas nanaisin mong piliin na isuko ang katotohanan at ang mga salita ng Diyos, isinasailalim ang sarili mo sa mga tradisyonal na kuru-kuro ng moralidad at sa impluwensiya ni Satanas, pinipiling salungatin ang Diyos at hindi isagawa ang katotohanan. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t ang tao ay kahabag-habag? Hindi ba nila kailangan ang pagliligtas ng Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang ugat ng sentimental na paraan ng pagkilos ko. Pagdating sa pagbibigay ng mga detalye tungkol sa pag-uugali ng asawa ko bilang isang hindi mananampalataya, hindi ko siya kinilatis o inilantad batay sa kanyang diwa o saloobin sa Diyos at sa katotohanan. Sa halip, nakatuon lang ako sa katunayan na karaniwan siyang mabuti sa akin at inalagaan niya ang mga magulang ko. Dahil dito, napako ako sa aking pagmamahal, at sinubukan kong ipagtanggol at protektahan siya. Bagama’t alam ko na isa siyang hindi mananampalataya at ang kaso niya ay naaayon sa mga prinsipyo na nagbigay-katwiran sa pagpapaalis sa kanya sa iglesia, ang pagsunod ko sa mga prinsipyo at paglalantad sa kanya at panonood pa nga habang pinaaalis siya sa iglesia, ay magpapabagabag sa akin, na parang ayaw itong pahintulutan ng konsensiya ko. Pakiramdam ko pa nga na kung ilalantad ko ang asawa ko, bibiguin ko lang siya, at natakot ako na kung malalaman niya na ako ang naglantad sa kanya, magagalit siya sa akin dahil sa pagiging walang-damdamin at walang puso. Pinanghawakan ko ang gayong mga satanikong pilosopiya gaya ng “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon” bilang mga prinsipyo ng pag-asal. Nakagapos sa mga kaisipang ito, nakaramdam ako ng hindi nakikitang presyur. Wala akong pakialam kung ang taong ito ay isang hindi mananampalataya, o kung gaano kalaki ang pinsalang idudulot ng taong ito sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid kung mananatili siya sa iglesia. Inisip ko lang na hangga’t kamag-anak ko ang taong ito, hindi ko siya puwedeng ilantad. Naramdaman ko pa nga na kailangan ko siyang pagtakpan, na labag sa aking konsensiya, at nag-alala ako na kung hindi ko ito gagawin, tatawagin ako ng mga tao na walang puso. Sa wakas ay nakita ko na ang mga kasabihang “Mas matimbang ang dugo kaysa tubig” at “Ang tao ay hindi patay; paano siya magiging malaya mula sa emosyon?” ay hindi naman talaga mga prinsipyo ng pag-asal, at na ang pag-asal batay sa mga satanikong lason na ito ay magtutulak lang sa akin na mapako sa pagmamahal at hindi na makakilatis sa kung ano ang tama sa mali.

Noong Hulyo 2023, nakatanggap ako ng liham mula sa aking biyenan, na nagsasabing gustong makipagdiborsiyo ng asawa ko sa korte. Ginusto ko talagang umuwi para mapanatili ang aming kasal, pero pagkatapos basahin ang ilang salita ng Diyos na partikular na nauugnay sa kalagayan ko, napagtanto ko na ako at ang asawa ko ay magkaibang uri at hindi pareho ang landas namin. Kung mamumuhay kami nang magkasama, ang tanging kalalabasan ay walang katapusang pagdurusa. Higit pa rito, naranasan ko ang patnubay at mga pagpapala ng Diyos habang ginagawa ang mga tungkulin ko nang malayo sa tahanan sa nakalipas na ilang taon. Napagtanto ko na ang paghahangad lang sa katotohanan ang tamang landas sa buhay. Kaya, nagpasya akong kalimutan ang ideya ng pag-uwi. Salamat sa Diyos sa paggabay sa akin na bitiwan ang aking pagmamahal!

Sinundan:  68. Hindi Ako Dapat Gumampan ng Tungkulin Para sa Kasikatan at Katayuan

Sumunod:  70. Sa Likod ng Pag-aatubili Na Irekomenda ang Tamang Mga Tao

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger