71. Nakakasira ng Mga Tungkulin ang Paglaktaw sa Mga Hakbang

Ni Lu Jing, Tsina

Noong Agosto 2023, nagsimula akong makipagtulungan kay Lin Mu sa mga tungkulin naming nakabatay sa teksto. Matagal nang ginagawa ni Lin Mu ang tungkuling ito, may mahusay siyang kakayahan, at bihasa siya sa mga prinsipyo. Dahil bago ako sa posisyong ito at hindi pamilyar sa mga prinsipyo at propesyonal na kasanayan, inisip kong dapat ay mas matuto pa ako mula kay Lin Mu para mabilis kong maarok ang mga prinsipyo at maako ang bahagi ko sa responsabilidad. Noong una, pinagsikapan kong matutuhan ang mga propesyonal na kasanayan at prinsipyo. Kapag kulang ang mga materyal na inorganisa ko, magpapatulong ako kay Lin Mu na pagbutihin ang mga iyon. Agad niyang kokompletuhin at pupunan ang mga isyung tila medyo masalimuot para sa akin. Medyo nainggit ako, pero medyo napanatag din ako, iniisip na kung mahaharap ako sa mga suliranin sa hinaharap, makakatulong siyang lutasin ang mga iyon. Sa ganoong paraan, hindi ko na kakailanganing gumugol ng oras sa paghahanap ng mga materyal o prinsipyo—makakatipid ito sa oras at pagsisikap, at mas mapapadali ang mga bagay-bagay para sa akin. Unti-unti, kapag nakakaranas ako ng mahihirap na isyung humihingi ng mas maraming oras at mas masinsinang pag-iisip, lumalapit ako kay Lin Mu para lutasin ang mga iyon. Ito ang naging paraan ko ng paglutas sa mga problema. Ilang beses itong ipinaalam sa akin ni Lin Mu, sinasabing sa tuwing susuriin niya ang mga materyal na inorganisa ko, natatagalan siya rito, dahil hindi malinaw na nakasaad ang ilang isyu, at na dapat ay mas pag-isipan ko ang pagsusulat ko. Medyo nakonsensiya ako, pero pagkatapos ay naisip ko, “Mas mahusay ang kakayahan ni Lin Mu kaysa sa akin at mas nauunawaan niya ang mga prinsipyo. Kaya niyang ayusin nang mabilis ang mga isyung ito. Hayaan na lang na gumawa nang mas maraming gawain ang may kakayahan.” Kaya, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko.

Isang araw, abala si Lin Mu at walang oras para suriin ang liham ng komunikasyon ng gawain na isinulat ko. Hiningi niya sa aking suriin ito mismo nang masinsinan. Napansin kong may dalawang bahagi kung saan hindi ko malinaw na naipaliwanag ang mga bagay-bagay. Natatandaan kong napagtanto ko ito noong nagsusulat ako, pero wala akong maisip na mas magagandang ideya pagkatapos mag-isip-isip nang ilang sandali, kaya iniwanan ko na ito kay Lin Mu para baguhin at pagandahin niya kalaunan. Ngayon, sa pag-iisip dito, paano kung hindi nagkaroon ng oras sa Lin Mu para suriin ito, at direkta siyang nagpadala ng isang problematikong liham? Hindi ba’t hindi iyon makakapagpatibay sa mga kapatid? Sa malulubhang kaso, puwede pa nga itong magdulot ng pagkagambala at pagkakagulo. Medyo natakot ako at sinabi ko sa sarili ko, “Kung mahaharap ako sa isang bagay na hindi ko malinaw na nakikita sa hinaharap, dapat ko itong talakayin kay Lin Mu at magpatuloy ako pagkatapos itong matukoy. Hindi puwedeng basta ko na lang piliin ang madaling paraan at iwanan ang mga problema para sa iba.” Pagkatapos, sinimulan kong pagnilayan kung bakit palagi kong gustong ipasa ang mga problema sa iba. Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang tumugon sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag gumagawa ng isang tungkulin, palaging pinipili ng mga tao ang magaan na gawain, ang gawaing hindi nakakapagod, at na hindi nila kailangang suungin ang panahon sa labas. Pagpili ito sa madadaling trabaho at pag-iwas sa mahihirap ang tawag dito, at pagpapamalas ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Ano pa? (Palaging pagrereklamo kapag ang kanilang tungkulin ay medyo mahirap, medyo nakakapagod, kapag may kaakibat itong pagbabayad ng halaga.) (Pagkahumaling sa pagkain at pananamit, at sa mga kasiyahan ng laman.) Mga pagpapamalas lahat ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Kapag nakikita ng gayong tao na masyadong matrabaho o delikado ang isang gampanin, ipinapasa niya ito sa iba; magaan na gawain lang ang mismong ginagawa niya, at nagdadahilan siya, sinasabing mahina ang kakayahan niya at na wala siyang kapabilidad sa gawain, at hindi niya kayang akuin ang gampaning ito—pero ang totoo, ito ay dahil nag-iimbot siya ng mga kaginhawahan ng laman. Ayaw niyang magdusa, anumang gawain ang ginagawa niya o anumang tungkulin ang ginagampanan niya. … Gaano man kaabala ang gawain ng iglesia o gaano man sila kaabala sa kanilang mga tungkulin, ang karaniwang gawain at normal na kondisyon ng kanilang buhay ay hindi nagagambala kailanman. Kailanman ay hindi sila pabaya sa anumang maliliit na detalye ng buhay ng laman at lubos nilang nakokontrol ang mga iyon, nang napakahigpit at napakaseryoso. Pero, kapag hinaharap ang gawain ng sambahayan ng Diyos, gaano man kalaki ang usapin at kahit sangkot dito ang kaligtasan ng mga kapatid, pabaya sila sa pagharap dito. Ni wala silang pakialam sa mga bagay na iyon na kinasasangkutan ng atas ng Diyos o ng tungkuling dapat nilang gawin. Wala silang inaakong pananagutan. Ito ay pagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? Angkop bang gumawa ng tungkulin ang mga taong nagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman? Sa sandaling banggitin ng isang tao ang paksa ng paggawa sa kanyang tungkulin, o talakayin ang tungkol sa pagbabayad ng halaga at pagdanas ng paghihirap, iling nang iling ang ulo nila. Masyado silang maraming problema, ang dami nilang mga reklamo, at puno sila ng pagkanegatibo. Walang silbi ang mga gayong tao, hindi sila kalipikadong gumawa ng kanilang tungkulin, at dapat silang itiwalag(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Ang inilantad ng mga salita ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Kapag gumagawa ng mga tungkulin, mas pinipili kong gumawa ng mga gampaning mas madali at mas maalwan, at palagi kong iniiwanan ang mas mahihirap na problema para pangasiwaan ng iba. Isa itong pagpapamalas ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Noong isinusulat ang liham, mas ginusto kong piliing tugunan ang mga mas simpleng isyu, at kung mas masalimuot ang isang isyu, masyadong matrabaho ang tingin ko rito at ayaw kong tumugon. Kahit na tumugon nga ako sa gayong isyu, hindi ko pinagsisikapang pag-isipan kung paano ibabahagi nang malinaw ang problema. Palagi kong iniiwanan ang mahihirap na isyu kay Lin Mu para harapin niya, nagdadahilan na hindi ko kayang iparating nang malinaw ang gayong mga bagay, gayong sa realidad, ayaw kong masyadong magsikap o magtiis ng matinding paghihirap sa tungkulin ko, at nag-iimbot ako sa mga kaginhawahan ng laman. Pagkatapos magkamit ng kaunting kaalaman sa kalagayan ko, nagdasal ako sa Diyos, ipinapahayag ang kagustuhan kong maghimagsik laban sa sarili ko at magsisi sa Kanya.

Kalaunan, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na malalim na tumagos sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anumang gawain ang ginagawa ng ilang tao o anumang tungkulin ang ginagampanan nila, wala silang kakayahan roon, hindi nila ito kayang pasanin, at hindi nila kayang tuparin ang alinman sa mga obligasyon o responsabilidad na nararapat tuparin ng tao. Hindi ba basura sila? Karapat-dapat pa rin ba silang tawaging tao? Maliban sa mga uto-uto, may kapansanan sa pag-iisip, at mga nagdurusa sa mga pisikal na kapansanan, mayroon bang sinumang nabubuhay na hindi nararapat gumawa ng kanilang mga tungkulin at tuparin ang kanilang mga responsabilidad? Ngunit ang ganitong uri ng tao ay palaging tuso at nagpapakatamad, at hindi gustong tuparin ang kanilang mga responsabilidad; ang ipinahihiwatig ay na hindi nila nais na maging isang marapat na tao. Binigyan sila ng Diyos ng oportunidad na maging tao, at binigyan Niya sila ng kakayahan at mga kaloob, subalit hindi nila magamit ang mga ito sa paggawa ng kanilang tungkulin. Wala silang ginagawa, ngunit nais nilang lasapin ang kasiyahan sa bawat pagkakataon. Angkop bang tawaging tao ang gayong tao? Anumang gawain ang ibigay sa kanila—mahalaga man iyon o pangkaraniwan, mahirap o simple—lagi silang pabasta-basta at tuso at nagpapakatamad. Kapag lumilitaw ang mga problema, sinisikap nilang ipasa ang kanilang responsabilidad sa ibang tao, hindi sila umaako ng pananagutan, at nais nilang patuloy na mamuhay sa kanilang parasitikong buhay. Hindi ba mga walang silbing basura sila? Sa lipunan, sino ang hindi kailangang umasa sa kanilang sarili para maghanap-buhay? Kapag umabot na sa hustong gulang ang isang tao, kailangan na niyang tustusan ang kanyang sarili. Natupad na ng kanyang mga magulang ang kanilang responsabilidad. Kahit handa ang kanyang mga magulang na suportahan siya, hindi siya komportable roon. Dapat niyang mapagtanto na tapos na ang mga magulang niya sa misyon ng mga ito na pagpapalaki sa kanya, at na siya ay nasa hustong gulang na at may malusog na katawan, at dapat magawa niyang mamuhay nang mag-isa. Hindi ba’t ito ang pinakamababang katwiran na dapat mayroon ang isang taong nasa hustong gulang? Kung talagang may katwiran ang isang tao, hindi siya maaaring patuloy na manghingi sa kanyang mga magulang; matatakot siya na pagtawanan ng iba, na mapahiya. Kaya, may katwiran ba ang isang taong mahilig sa ginhawa at namumuhi sa gawain? (Wala.) Lagi niyang gustong makuha ang isang bagay nang walang kapalit; hindi niya kailanman gustong tuparin ang anumang responsabilidad, hinihiling na mahulog na lang mula sa langit ang matatamis na pagkain at mahulog sa kanyang bibig; gusto niyang makakain palagi nang tatlong beses sa isang araw, magkaroon ng isang taong magsisilbi sa kanya, at magtamasa ng masasarap na pagkain at inumin nang walang ginagawa ni katiting na gawain. Hindi ba ganito ang pag-iisip ng isang parasito? At may konsensiya at katwiran ba ang mga taong parang parasito? Mayroon ba silang integridad at dignidad? Talagang wala. Lahat sila ay mga pabigat na walang silbi, lahat ay mga hayop na walang konsensiya o katwiran. Walang sinuman sa kanila ang angkop na manatili sa sambahayan ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Inilalantad ng Diyos ang katunayan na ang mga taong iresponsable, tuso, at nagpapakatamad sa mga tungkulin nila ay walang integridad o dignidad. Ang gayong mga tao ay mga linta at sayang lang sa espasyo sa sambahayan ng Diyos. Wala silang anumang iniaambag at sila ang uri ng mga taong itinitiwalag ng Diyos. Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, medyo sumama ang loob ko. Kapag nakakaranas ng mga paghihirap, ayaw kong magsikap na pag-isipang mabuti ang mga iyon at palagi akong umaasa kay Lin Mu, at kapag tumutugon sa mga isyu, kahit na alam kong hindi malinaw ang ilan sa mga paliwanag ko, hindi ko pinaglalaanan ng oras na pag-isipang mabuti ang mga iyon, at sa halip, iniiwanan ko na lang ang mga iyon kay Lin Mu para pagbutihin niya. Kahit pagkatapos niyang ipaalam sa akin ang mga problemang ito, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Sa halip, patuloy akong umasa sa kanya, pinangangatwiranan ito sa pag-iisip na mas mahusay ang kakayahan niya at na dapat na gumawa ng mas maraming gawain ang mga taong mas may kakayahan. Napagtanto kong naging tuso at nagpapakatamad ako sa tungkulin ko, palaging nagnanais ng isang bagay para sa wala. Umasa ako sa iba para tapusin nila ang gawain ko, at nabigo akong magpasan ng anumang responsabilidad. Pagkatapos tamasahin ang pagdidilig at pagtutustos ng mga salita ng Diyos nang napakaraming taon, nagpapakapabasta-basta at nagpapakatamad pa rin ako sa mga tungkulin ko, at hindi ko nagagawang pasanin ang mga responsabilidad na dapat kong pinapasan. Hindi ba’t ganap akong walang pakinabang at walang anumang integridad at dignidad? Katulad ito ng mga magulang na iyon na nagtatrabaho nang husto para palakihin ang isang anak hanggang sa hustong edad, pero kung kailan dapat nang magsarili ang anak, nagbabanggit siya ng iba’t ibang paghihirap bilang mga palusot, ayaw magtrabaho para suportahan ang sarili niya, at patuloy na umaasa sa mga magulang niya. Ano ang nararamdaman dito ng mga magulang na ito? Matapos maitalaga sa mga tungkuling nakabatay sa teksto, dapat ay pinahalagahan ko ang pagkakataong ito, mas pinagsikapang matutuhan ang mga propesyonal na kasanayan at ang mga prinsipyo, at humingi ako ng gabay kay Lin Mu tungkol sa mga bagay na hindi ko maunawaan para mas mabilis kong maarok ang mga prinsipyo at maako ang bahagi ko sa mga responsabilidad. Pero palagi akong tumatangging gumugol ng mental na pagsisikap, at sa halip ay pinipiling umasa sa iba. Kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos ang saloobin kong ito sa mga tungkulin ko, at kung hindi ko babaguhin ang mga gawi ko, mauuwi ako sa pagiging ganap na walang pakinabang.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May ilang taong ayaw talagang magdusa sa kanilang mga tungkulin, na laging nagrereklamo sa tuwing may nakakaharap silang problema at ayaw nilang magbayad ng halaga. Anong klaseng saloobin iyan? Iyan ay saloobing pabasta-basta. Kung gagampanan mo ang iyong tungkulin nang pabasta-basta, at haharapin ito nang may saloobing walang galang, ano ang magiging resulta? Hindi mo magagampanan nang mabuti ang iyong tungkulin, bagama’t may kakayahan kang gampanan ito nang maayos—ang iyong pagganap ay hindi aabot sa pamantayan, at ang Diyos ay lubos na hindi masisiyahan sa saloobin mo sa iyong tungkulin. Kung nanalangin ka sa Diyos, hinanap ang katotohanan, at isinapuso at isinaisip mo iyon, kung nakipagtulungan ka sa ganitong paraan, naihanda sana nang maaga ng Diyos ang lahat ng bagay para sa iyo, nang sa gayon ay kapag nag-aasikaso ka ng mga bagay-bagay, ang lahat ay magiging nasa ayos, at makakukuha ng magagandang resulta. Hindi mo kakailanganing gumugol ng napakaraming lakas; kapag ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan, inaayos na ng Diyos ang lahat para sa iyo. Kung ikaw ay tuso at tamad, kung hindi mo inaasikaso nang wasto ang iyong tungkulin, at palagi kang napupunta sa maling landas, hindi kikilos ang Diyos sa iyo; mawawala sa iyo ang pagkakataong ito, at sasabihin ng Diyos, ‘Wala kang silbi; hindi kita magagamit. Tumayo ka sa tabi. Gusto mo ang pagiging tuso at tamad, ano? Gusto mo ang pagiging tamad, at hindi nagpapakahirap, hindi ba? Kung gayon, huwag kang magpakahirap magpakailanman!’ Ibibigay ng Diyos ang biyaya at pagkakataon na ito sa ibang tao. Ano ang masasabi ninyo: Ito ba ay kawalan o natamo? (Isang kawalan.) Ito ay isang napakalaking kawalan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong kapag nakakaranas tayo ng mga paghihirap sa mga tungkulin natin, kung ilalagay natin ang buong puso at isip natin sa mga tungkulin natin, handa tayong magbayad ng halaga, at hahanapin ang katotohanan, bibigyang-liwanag at gagabayan tayo ng Diyos. Habang mas ginagamit natin ang pamamaraang ito, mas lumilinaw ang landas pasulong, at mas lumilinaw ang mga kaisipan natin. Gayumpaman, kung makakaranas tayo ng mga paghihirap pero hindi tayo magsisikap na hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, at sa halip ay palaging magpapakatamad, sa huli, wala tayong anumang makakamit at hindi natin magagawa nang maayos ang anumang tungkulin, at kalaunan, mabubunyag at matitiwalag tayo dahil sa pagpapakatamad, at mawawalan ng pagkakataong gawin ang mga tungkulin natin. Sa pagbabalik-tanaw, noong nagsisimula pa lang ako sa tungkuling ito, pinag-iisipan at pinagsisikapan ko ito nang mabuti, pero kalaunan, nang makita kong naging dalubhasa na si Lin Mu sa ilang prinsipyo at na mas mahusay ang paggawa niya, sinimulan ko nang iwanan ang mahihirap na gawain sa kanya, para makapaghinay-hinay ako. Sa katunayan, kahit na nakaligtas ako sa pagdurusa at pagod dahil sa paglaktaw sa mga hakbang, wala talaga akong naging pag-usad sa pagkaunawa sa mga propesyonal na kasanayan at prinsipyo, at naging pabigat pa nga ako sa iba. Kung magpapatuloy ako nang ganito, kakamuhian at ititiwalag lang ako ng Diyos sa huli. Naalala ko rito ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Sinumang mayroon ay bibigyan, at siya ay magkakaroon ng mas sagana: ngunit sinumang wala, pati ang nasa kanya ay aalisin sa kanya(Mateo 13:12). Matuwid ang Diyos. Basta’t handa ang isang taong magsikap, hanapin ang katotohanan at magbayad ng halaga sa mga tungkulin niya, matatanggap niya ang kaliwanagan at paggabay ng Diyos. Habang mas ginagawa niya iyon, mas lumilinaw ang landas niya, at mas lumilinaw ang isip niya. Pero tuso at nagpapakatamad ako sa mga tungkulin ko, ayaw kong magbayad ng halaga, at palagi kong ipinapasa ang gawain sa iba, naniniwalang nakakatipid sa oras at walang kahirap-hirap ang pag-asa sa iba, hinahayaan akong makatapos ng mga gampanin nang hindi masyadong nagsisikap. Akala ko ay mautak ako sa paggawa nito, pero sa huli, wala akong nakamit na anumang katotohanan at hindi ko kayang lumutas ng anumang mga isyu. Panlilinlang ito sa sarili, at nauwi ako sa pagdanas ng malalaking kawalan dahil dito. Napakahangal ko! Natakot ako nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, at gusto kong magsisi sa harapan ng Diyos at masipag na gawin ang tungkulin ko nang taos-puso.

Pagkatapos ay nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ipagpalagay na nagsasaayos ang iglesia ng trabaho para sa iyo, at sinasabi mong, ‘Isang pagkakataon man ang trabahong ito na makakuha ako ng atensiyon o hindi—dahil ibinigay sa akin ito, gagawin ko ito nang maayos at aakuin ko ang responsabilidad na ito. Kung ako ay isasaayos na magpatuloy sa bahay, ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko para magawa ito nang maayos; aasikasuhin ko nang maayos ang mga kapatid, at gagawin ko ang makakaya ko para matiyak ang seguridad ng lahat. Kung isasaayos akong mangaral ng ebanghelyo, sasangkapan ko ang aking sarili ng katotohanan at maayos na ipangangaral ang ebanghelyo nang may pagmamahal at tutuparin ang tungkulin ko. Kung isasaayos akong mag-aral ng isang wikang banyaga, buong-puso kong pag-aaralan at pagsusumikapan iyon, at susubukan kong matutuhan iyon sa lalong madaling panahon, sa loob ng isa o dalawang taon, upang makapagpatotoo ako sa Diyos sa mga dayuhan. Kung hihilingin sa akin na magsulat ng mga artikulo ng patotoo, maingat kong sasanayin ang sarili ko na gawin iyon, tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at pag-aaralan ang tungkol sa wika. Bagama’t maaaring hindi ako makasulat ng mga artikulong may magandang prosa, kahit papaano ay magagawa kong maiparating nang malinaw ang aking patotoong batay sa karanasan, komprehensibong magbahagi tungkol sa katotohanan, at magbigay ng tunay na patotoo para sa Diyos, nang sa gayon ay napapatibay at nakikinabang ang mga tao sa pagbabasa ng aking mga artikulo. Anumang trabaho ang italaga sa akin ng iglesia, tatanggapin ko iyon nang buong puso at lakas. Kung mayroon akong bagay na hindi maunawaan o magkaroon ng problema, mananalangin ako sa Diyos, hahanapin ang katotohanan, lulutasin ang mga problema ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at gagawin nang maayos ang trabaho. Anuman ang tungkulin ko, gagamitin ko ang lahat ng mayroon ako para gawin iyon nang maayos at mapalugod ang Diyos. Anuman ang aking makamit, gagawin ko ang makakaya ko para pasanin ang responsabilidad na dapat kong pasanin, at kahit papaano, hindi ako sasalungat sa konsensiya at katwiran ko, o magiging pabaya, o magiging tuso at tamad, o magpapakasasa sa mga bunga ng pagtatrabaho ng iba. Wala akong gagawin na hindi aabot sa pamantayan ng konsensiya.’ Ito ang pinakamababang pamantayan para sa sariling asal, at ang taong gumagawa ng kanyang tungkulin sa gayong paraan ay maaaring maituring na isang taong may konsensiya at katwiran. Dapat kahit papaano ay malinis ang konsensiya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, at dapat kahit papaano ay karapat-dapat ka sa kinakain mo tatlong beses sa isang araw at hindi maging palamunin. Ang tawag dito ay pagkakaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad. Mataas man o mababa ang iyong kakayahan, at nauunawaan mo man ang katotohanan o hindi, sa anumang kaso, dapat kang magkaroon ng ganitong saloobin: ‘Dahil ibinigay sa akin ang gawaing ito para gawin, dapat ko itong seryosohin, dapat kong alalahanin ito, at dapat kong gamitin ang buong puso at lakas ko para gawin ito nang maayos. Tungkol sa kung magagawa ko ba ito nang napakaayos, hindi ko maaaring ipagpalagay na garantisado iyon, ngunit ang saloobin ko ay na gagawin ko ang makakaya ko para gampanan iyon nang maayos, at tiyak na hindi ako magiging pabasta-basta tungkol dito. Kung may lumitaw na problema sa gawain, dapat kong akuin ang responsabilidad, at tiyakin na matuto ako ng aral mula rito at gawin nang maayos ang aking tungkulin.’ Ito ang tamang saloobin(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na anumang mga paghihirap o problema ang dinaranas natin sa mga tungkulin natin, dapat ay taos-puso tayong magdasal, umasa sa Diyos, at hanapin natin ang mga prinsipyo. Kailangan nating gawin ang lahat ng makakaya at dapat nating gawin, gamitin ang lahat ng lakas natin para epektibong maisakatuparan ang mga gampanin. Hindi tayo dapat maging pabasta-basta, tuso, o magpakatamad. Sa pagkakaroon ng saloobing ito sa mga tungkulin natin ay mabibigyang-lugod ang Diyos. Sa pagninilay ko sa sarili ko, napagtanto kong kapag nakakaranas ako ng mga paghihirap o problema sa tungkulin ko, sa halip na umasa sa Diyos at hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, madalas akong umaasa kay Lin Mu, tinatamasa ang mga bunga ng pagsisikap niya. Hindi ko pa nga nagawa ang kahit papaano ay dapat kong gawin, lalong hindi ko naibigay ang buong puso at lakas ko. Katumbas ito ng pagiging manghuhuthot lang sa sambahayan ng Diyos. Kaya nagdasal ako sa Diyos at nagsisi, ipinapahayag ang kagustuhan kong mas hanapin pa ang mga prinsipyo, at mas pagsikapan pa ang pagninilay sa mga suliranin o sa mga bagay na hindi ko nauunawaan, at nagpapasyang hihingi lang ako ng tulong kay Lin Mu kung talagang hindi ko kayang lutasin ang mga iyon. Sa sumunod na gawain, madalas kong sinusuri ang saloobin ko sa tungkulin ko. Kapag nakakaranas ng mahihirap na gampanin at nagnanais na tumakas, sadya akong naghihimagsik laban sa sarili ko, pinapayapa ang puso ko, nagdarasal sa Diyos, at masipag na pinag-iisipan ang mga iyon. Hindi ko na iniisip na ipasa na lang ang mga iyon sa iba. Minsan, sinuri namin ni Lin Mu ang isang dokumento na may maraming isyu. Kailangan naming hanapin ang mga nauugnay na prinsipyo, masusing isaalang-alang ang lahat ng bagay, at markahan ang lahat ng isyu. Gusto kong si Lin Mu ang mag-asikaso nito. Pero sa gulat ko, iminungkahi niyang ako ang gumawa nito. Nang hindi nag-iisip, sumagot ako, “Gusto mong ako ang gumawa nito?” Sa sandaling sabihin ko ito, napagtanto kong sinusubukan ko na namang magpakatamad. Agad akong nagdasal sa Diyos para maghimagsik laban sa sarili ko, ipinapahayag ang kagustuhan kong buong pusong makipagtulungan at tuparin ang responsabilidad ko, sa halip na ipasa ang gampaning ito sa iba. Kaya, pumayag akong gawin ito. Habang ginagawa ang gampanin, nagdasal at umasa ako sa Diyos, at tumuon sa pagninilay sa mga prinsipyo. Kahit na mas natagalan ito, nakahanap ako ng landas pasulong. Napanatag ako nang gamitin ko ang lahat ng lakas ko at nang tuparin ko ang responsabilidad ko sa paggawa ng tungkulin ko.

Sa karanasang ito, napagtanto kong nandoon ang mabuting kalooban ng Diyos sa pagsasaayos sa aking gumawa kasama si Lin Mu. Partikular na dahil mas mahusay ang kakayahan niya kaysa sa akin at nakakaunawa siya ng ilang prinsipyo, at kung mahaharap ako sa isang bagay na hindi ko nauunawaan, puwede akong magtanong at matuto mula sa kanya, nangangahulugan na matutulungan niya akong maarok nang mas mabuti ang mga prinsipyo, na siyang pumupuno sa mga kahinaan ko. Kung palagi akong maghahanap ng kaginhawahan ng laman at ipapasa ko lang ang lahat ng problema sa kanya, wala akong anumang matututuhan o anumang pag-usad. Ngayon, kapag nakakaranas ako ng mga problema, hindi ko na agad ipinapasa ang mga iyon kay Lin Mu. Sa halip, hinaharap ko ang mga iyon gamit ang puso ko, tumutuon sa paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo, at nagtatalakay lang ako sa kanya kapag talagang hindi ko kayang tukuyin ang isang bagay. Ang paggawa sa tungkulin ko sa ganitong paraan ay nagdudulot sa akin ng higit pang kapayapaan ng isip.

Sinundan:  70. Sa Likod ng Pag-aatubili Na Irekomenda ang Tamang Mga Tao

Sumunod:  72. Ang Pananampalataya Ba sa Diyos ay Para Lang sa Kapayapaan at mga Pagpapala

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger