9. Mga Pagninilay Matapos Mapatalsik

Ni Zhengliang, Tsina

Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, palagi akong nagpapalaganap ng ebanghelyo sa iglesia. Kalaunan, nagpunta ako sa ibang lugar para mangaral ng ebanghelyo at namahala rin ako ng gawain ng ebanghelyo ng apat o limang iglesia. Sa pamamagitan ng pagsisikap sa haba ng panahon, nagbunga ng ilang resulta ang gawain ng ebanghelyo, at lubos akong nasiyahan sa sarili ko. Sa partikular, ang ilang lider ng iglesia na nakaranas ng mga paghihirap sa gawain ng ebanghelyo ay naghangad ng pagbabahagi ko, at mataas din ang tingin sa akin ng mga kapatid. Kaya, napakasaya ko, iniisip ko na, “Tila ba nauunawaan ko na nang mabuti ang katotohanan at mayroon akong kaunting katotohanang realidad.”

Noong 2013, bumalik ako sa lokal na iglesia para mangaral ng ebanghelyo. Naisip ko na, “Sa paggugol ko ng humigit-kumulang isang taon sa pangangaral ng ebanghelyo sa malayo, nagkaroon ako ng napakaraming pagsasagawa at naunawaan ko ang ilang katotohanan. Ngayong nagbalik ako sa lokal na iglesia, tiyak na isa akong mahalagang kandidato sa paglilinang, at kapag nakinig ang mga kapatid sa pagbabahagi ko, tiyak na magiging ibang-iba ito kaysa noon. Baka mapili pa nga ako bilang isang lider ng iglesia sa mga halalan.” Pagkalipas ng ilang araw, nagpunta sa bahay ko ang isang lider ng iglesia na nagngangalang Jia Xin. Sinabi niya na talagang pinapagod siya ng tungkulin niya, at na sinabi ng ilang katrabaho na hindi niya kayang lutasin ang mga problema, na palagi siyang mukhang inaantok sa mga pagtitipon, at na hindi niya taglay ang gawain ng Banal na Espiritu at na dapat siyang umako ng pananagutan at magbitiw. Sinabi niya na hinikayat siya ng mga mangangaral na gawin din iyon. Binigyang-diin din niya na minsan na niyang tinanggal ang dalawang mangangaral na ito, pero hindi sila kailanman nagnilay sa kanilang sarili at sinabi pa nga nila na sinikil sila ni Jia Xin. Tinanong ni Jia Xin sa amin ng asawa ko kung paano niya dapat harapin ang ganoong mga sitwasyon. Nang marinig ko ang lahat nang sinabi niyang ito, labis akong nagalit, naisip ko na, “Hindi ba’t pagganti ito? Naging katuwang ko si Jia Xin noon, at talaga namang kaya niyang magtiis at magbayad ng halaga kapag nangangaral ng ebanghelyo. Minsan, nagtatrabaho hanggang gabi ang mga baguhan, pero palagi pa rin siyang naghihimagsik laban sa kanyang laman at nakikipagtipon sa kanila. Talagang responsable siya; paano nila nasabing hindi niya taglay ang gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba nila siya sinisikil? Ganyan ang ginagawa ng mga huwad na lider at manggagawa. Hindi, hindi ko maaaring palampasin lang ito. Ngayong nagbalik ako, kailangan ko siyang tulungan.” Hindi naglaon, nagpunta ako kasama ang asawa ko para maunawaan at maimbestigahan ang bagay na ito. Habang nag-iimbestiga kami, lubos akong nasiyahan sa aking sarili, iniisip ko na, “Napakahusay ng pagkilatis ko, kakabalik ko pa lamang sa iglesia ay natukoy ko na ang mga huwad na lider. Kung maiuulat at matatanggal ang mga huwad na lider at mga manggagawang ito, makakagawa ako ng isang malaking bagay. Pagkatapos nilang matanggal, baka magkaroon ako ng pagkakataong mapili bilang isang lider. Talagang makakapatay ako ng dalawang ibon sa iisang bato.” Nang maisip ko ito, naging mas matibay ang “pagpapahalaga ko sa katarungan.” Pagkalipas ng ilang araw, nalaman ko na tinanggal si Jia Xin sa kanyang posisyon ng ilang katrabaho. Hinimay ng mga katrabaho ang asal ni Jia Xin sa iglesia at tinulungan nila ang mga kapatid na kilatisin siya. Nang marinig ko ang balitang ito, napuno ako ng galit, iniisip ko na, “Kayang tumalikod at magtiis ni Jia Xin nang higit pa sa sinuman sa inyo. Paano siya magiging huwad na lider na walang gawain ng Banal na Espiritu? Puwede kayong matanggal lahat, pero hindi siya.” Naniwala ako na isa itong gawain ng paghihiganti, kaya ipinakalat ko sa mga lugar ng pagtitipon ang paratang na sila ay mga huwad na lider at manggagawa, at na ang pagtanggal kay Jia Xin ay hindi alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain. Dahil dito, hindi naisabuhay ng mga kapatid ang mga normal na buhay iglesia, at naging medyo magulo ang iglesia.

Matapos ang ilang panahon, dumating ang isang sister para ayusin ang kaguluhan sa iglesia. Sinabi niya na ang imbestigasyon niya ay nagpakita na hindi alam ni Jia Xin kung paano magbahagi tungkol sa katotohanan at hindi niya kayang lutasin ang mga aktuwal na problema ng mga kapatid. Sinabi niya na si Jia Xin ay talagang isang huwad na lider na hindi kayang gumawa ng tunay na gawain, at na ayon sa mga prinsipyo, dapat siyang tanggalin. Pero nang marinig kong sinabi ito ng sister, medyo nagduda ako, iniisip ko na, “Talaga bang mali kami tungkol dito? Hindi iyon maaari! Mayroon din akong basehan sa kung paano ko hinuhusgahan ang mga tao; hindi niyo ako maililihis lahat. Sinusuportahan mo ang mga lider at manggagawa.” Pagkatapos noon, hindi ko na pinansin ang anumang sinabi ng sister, inisip ko na lang na hindi patas ang pamamahala niya sa mga bagay-bagay. Pagkatapos, sumulat ako ng isang liham ng pag-uulat kasama ang tatlong iba pa, sinabi ko na ang pagtanggal ng mga lider at manggawa kay Jia Xin ay hindi alinsunod sa mga prinsiyo at na naghihiganti sila laban sa kanya. Gayumpaman, talagang hindi madali ang proseso ng pagsusulat ng liham ng pag-uulat na ito. Habang isinusulat namin ito, lagi kaming nagkakaroon ng mga pagkakaiba, at naninindigan kami sa kanya-kanya naming mga pananaw. Isinulat namin ito nang paulit-ulit, at sa bawat pagkakataon may mga bagong pagkakamali. Mayroon akong mga pag-aalinlangan, iniisip ko na, “Hindi ba ayon sa layunin ng Diyos ang pag-uulat namin sa kanila? Kung hindi, hindi namin ito dapat gawin.” Pero naisip ko naman na, “Kapag umatras ako dito at talagang mag-ulat ang iba at matanggal ang mga huwad na lider, magiging kanila ang karampatang merito. Hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng mga pagsusumikap ko dati? Tiyak na iisipin ng mga kapatid na sila ang nakakaunawa sa katotohanan, na sila ang may pagkilatis at pagpapahalaga sa katarungan. Wala nang magbibigay nang mataas na pagtingin sa akin.” Kaya, noong natapos ang liham ng pag-uulat, inilagda ko ang pangalan ko, at iniulat din namin ang sister na namahala sa kaguluhan ng iglesia. Pagkatapos ipasa ang liham, labis akong nasiyahan sa aking sarili. Naisip ko na, “Sa pagkakataong ito, kapag natanggal ang mga huwad na lider at manggagawa at nakita ng mga nakatataas na lider na nauunawaan ko ang katotohanan at kaya kong kumilatis ng mga tao, baka lumabag pa nga sila sa patakaran para iangat ako. Pupurihin ng lahat ng mga kapatid ang kakayahan ko; labis na kahanga-hanga ito!” Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng isang liham mula sa mga nakatataas na lider sinabi nilang sa ngayon, napakaseryoso ng mga pag-aresto ng Partido Komunista, at na kailangan nila ng kaunting panahon bago nila tingnan at asikasuhin ang liham ng pag-uulat na ito. Sinabi ng isang sister na, “Maaaring lumala pa ang mga pag-aresto sa hinaharap. Kung hihintayin natin ang mga nakatataas na lider na ayusin ito, magiging huli na. Kahit na hindi tayo mga lider o manggagawa, kailangan pa rin nating tulungan ang mga kapatid na maging mas mapagkilatis.” Nakinig ako, naisip ko na, “Tama iyon. Hindi ba’t ang pagtulong sa mga kapatid na maging mas mapagkilatis ay isang paraan ng paggampan sa tungkulin ng isang tao? Kapag natanggal ang mga huwad na lider, tiyak na bibigyan ako ng lahat ng pagkilala para sa tagumpay na ito, at baka maihalal pa ako bilang isang lider.” Kaya, pumunta ako sa mga lugar ng pagtitipon at sinabi ko na ang pagtanggal ng mga lider at manggagawa kay Jia Xin ay hindi naaayon sa mga prinsipyo. Sinabi ko rin na hindi huwad na lider si Jia Xin, at na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin mula umaga hanggang gabi at kaya niyang gumawa ng ilang tunay na gawain. Noong panahong iyon, kapag nagtitipon ang mga kapatid, hindi sila nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos at nagkokomento lamang sila sa mga bagay na ito. Nailihis namin ang ilang mga kapatid at kumampi sila sa amin, nagkaroon sila ng mga negatibong pananaw laban sa mga lider at manggagawa at sinabi nilang huwad ang mga ito. Ayaw pa ngang tanggapin ng ilan sa kanilang mga bahay ang mga lider at mga manggagawa, na nagdulot para hindi magampanan ng mga lider at manggagawa ang mga tungkulin nila nang normal. Kumampi sa mga lider at manggagawa ang ilang mapagkilatis na tao, sinabi nilang ginugulo namin ang buhay iglesia. Sa ganitong paraan, nabuo ang dalawang paksyon sa iglesia; para kaming dalawang hukbo na nakikipagtunggali laban sa isa’t isa. Sa tuwing magtitipon kami, tinatalakay namin ang mga bagay na ito, at nawalan ng mga normal na buhay iglesia ang mga kapatid. Ang kaguluhan sa iglesia ay nagpatuloy nang ganito sa loob ng ilang buwan.

Isang araw, dumating ang mga nakatataas na lider para maimbestigahan at maunawaan ang mga nilalaman ng liham ng pag-uulat namin. Naisip ko na, “Tiyak na matatanggal ang mga huwad na lider at manggagawang iyon.” Habang natutuwa ako sa mga bagay-bagay, ginamit ng isa sa mga lider ang mga salita ng Diyos para himayin ang kalikasan ng asal namin. Sinabi niya na bumubuo kami ng mga paksyon, hinahati ang iglesia, at ginugulo ang buhay iglesia, na nagresulta para hindi makapagtrabaho nang normal ang mga lider at manggagawa at nagpatigil sa gawain ng iglesia. Sinabi niya na gumagawa kami ng kasamaan. Sinabi rin niya na bilang isang lider, hindi alam ni Jia Xin kung paano gagabayan ang mga kapatid na maranasan ang gawain ng Diyos. Sa halip, palagi niyang sinusubukang kuhanin ang loob ng mga tao at opinagkakalat ang hindi niya pagkakontento sa mga katrabaho niya. Paano siya nagkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu? Sinabi niyang hindi kaya ni Jia Xin na gumawa ng tunay na gawain o lumutas ng mga problema ng mga kapatid, at kahit na nagmumukhang tinatalikuran at ginugugol niya ang sarili niya, isa siyang huwad na lider at dapat siyang tanggalin; iyon ang naaayon sa mga prinsipyo. Nang marinig ko ang pagbabahagi at paghihimay ng sister na ito sa pagiging huwad na lider ni Jia Xin, bumilis ang tibok ng puso ko at naisip ko na, “May katuturan ang sinasabi nila. Isiniwalat at tinanggal si Jia Xin ng mga katrabaho niyang iyon, at dapat pinagnilayan at sinubukang unawain ni Jia Xin ang kanyang sarili. Sa halip, patuloy siyang pumupunta sa amin, pakiramdam niya ay inaagrabyado siya at inilalabas niya ang mga hinanakit niya. Talagang hindi niya tinanggap ang katotohanan o naranasan ang gawain ng Diyos. Nanindigan ako para kay Jia Xin at hinusgahan ko pa nga ang mga lider at manggagawa, na nakagulo sa gawain ng iglesia. Ang kalikasang ito ay seryoso!” Gayumpaman, dahil wala akong anumang pagkaunawa sa asal ko, noong oras na iyon, basta ko lamang na tinanggap na ako ay nagkamali. Sa huli, sinabi ng mga nakatataas na lider na lubha naming ginulo ang buhay iglesia at na ang kalikasan nito ay mabigat. Isinaayos nila na kami ay magbukod sa bahay at magnilay.

Isang araw, pumunta ako sa bahay ng aking ina, at binigyan niya ako ng tatlong abiso ng pagpapatalsik. Habang tinitingnan ko ang mga ito, nakita ko na bukod kay Jia Xin, sa pagkagulat ko, mayroon ding mga abiso ng pagpapatalsik para sa amin ng asawa ko. Nakasaad sa mga abiso na si Jia Xin ay tuso at mapanlinlang, nagtatanim ng hidwaan at nagtatatag ng mga paksyon sa iglesia, at na sa huli, natukoy siya bilang isang anticristo at siya ay napatalsik. Samantalang ako, sinundan ko ang anticristong ito sa paggawa ng kasamaan at sa paggambala at panggugulo sa buhay iglesia. Naging kasabwat ako ng anticristong ito, kaya napatalsik din ako. Nang matapos kong basahin ang mga abiso ng pagpapatalsik na ito, hindi talaga ako makapaniwala. Ito ay para bang kapag nakita ng isang bilanggo ang nakasulat na hatol ng kanyang sentensyang kamatayan. Labis akong natakot na nanghina ang mga binti ko at hindi ko napigilang manginig, at naisip ko na, “Napatalsik na ako? Hindi ba’t magninilay lang dapat kami sa bahay? Paano kami napatalsik? Talagang nakagawa ako ng malaking kasamaan sa pagkakataong ito.” Noong oras na iyon, nablangko ang isipan ko, at nagmamadali akong umuwi para sabihin sa asawa ko ang tungkol sa pagpapatalsik sa amin. Pagkatapos kong sabihin sa kanya, hindi ko na napigilan pa, napaupo ako sa sahig at napaiyak. Naisip ko na, “Katapusan ko na, talagang katapusan ko na ngayon. Natapos na ang paglalakbay ko sa pananampalataya sa Diyos, at hindi na ako kailanman makakabalik sa iglesia. Sa pagkakataong ito, talagang sinalungat ko ang disposisyon ng Diyos, at baka kailangang maparusahan ako balang araw.” Sa pag-iisip nito, para bang sinaksak ng kutsilyo ang puso ko; labis akong nawalan ng pag-asa at nasaktan. Kinamuhian ko ang sarili ko dahil nagawa ko ang ganitong bagay. Paano ako naging bulag na nagtiwala sa mga salita ni Jia Xin? Wala nang paraan para makabawi sa malaking kaguluhan na naidulot ko sa buhay iglesia, at habang lalo ko itong iniisip, lalong nasasaktan ang puso ko. Araw-araw, wala akong ganang gumawa ng kahit ano. Hindi ako makakain o makatulog nang maayos, at paglipas ng ilang panahon, nabawasan ang timbang ko nang mahigit 10 libra. Araw-araw, para bang naghihintay na lamang ako ng kamatayan. Naisip ko na wala na talaga akong pagkakataong maligtas, na nakatakda akong maparusahan at mapunta sa impiyerno. Para akong isang pasyente na may malubhang kanser, kasing negatibo at walang pag-asa na maaaring maranasan ng saing tao. Naisip ko na mamamatay rin naman ako balang araw, kaya mabuti pang tapusin ko na ito agad. Noong ako ay nasa matinding paghihirap at kawalan ng pag-asa, naisip ko ang lirika mula sa isang himno ng mga salita ng Diyos na pinamagatang “Hangaring Mahalin ang Diyos Kahit Gaano Kalaki ang Iyong Pagdurusa”: “Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi nalulugod ang Diyos sa kanila, at mapanglaw ang kinabukasan nila. Nagdurusa ang ilang tao hanggang sa isang partikular na antas, gusto pa ngang mamatay. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang kakayahan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Pinakinggan ko ang himnong ito nang paulit-ulit. Tila ginagamit ng Diyos ang himnong ito para sabihin sa akin na ayaw Niya akong maging napakahina at walang lakas, na ayaw Niyang mawala ang pananalig ko sa Kanya. Nakagawa ako ng maraming kasamaan at napatalsik na ako, at nakatakda na akong maparasuhan sa hinaharap, pero binigyang-liwanag at ginabayan pa rin ako ng Diyos na maisip ang himnong ito, hindi Niya hinayaan na tuluyan akong malugmok sa pagkanegatibo. Labis akong naantig nito, at nagkaroon ng munting pag-asa sa puso ko, kasama ng kaunting lakas. Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Upang sundin ang praktikal na Diyos, kailangan nating taglayin ang determinasyong ito: Gaano man katindi ang mga kapaligirang hinaharap natin, o anumang uri ng mga paghihirap ang hinaharap natin, at gaano man tayo kahina o kanegatibo, hindi tayo maaaring mawalan ng pananampalataya sa ating pagbabago sa disposisyon o sa mga salitang binigkas ng Diyos. Nangako ang Diyos sa sangkatauhan, at hinihingi nito sa mga taong magkaroon ng determinasyon, pananampalataya, at pagtitiyaga upang makayanan ito. Ayaw ng Diyos sa mga duwag; gusto Niya ang mga taong may determinasyon. Kahit pa nakapaghayag ka ng maraming katiwalian, kahit pa maraming beses ka nang nakatahak sa maling landas, o nakagawa ng maraming paglabag, nagreklamo tungkol sa Diyos, o mula sa loob ng relihiyon ay lumaban ka sa Diyos o nagkimkim ng kalapastanganan laban sa Kanya sa iyong puso, at iba pa—hindi tinitingnan ng Diyos ang lahat ng iyon. Tinitingnan lang ng Diyos kung hinahangad ng isang tao ang katotohanan at kung makapagbabago siya balang araw(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao). Nakita ko na ayaw ng Diyos sa mga duwag; gusto Niya ang mga taong matatag. Kahit na napatalsik ako dahil sa paggawa ng napakalaking kasamaan, ang pinapahalagahan ng Diyos ay kung kaya ko bang magbago o hindi. Kung magbabago ako, kahit na mamatay ako at maparusahan sa huli, magiging sulit pa rin ito. Noong panahong iyon, paminsan-minsang sumasagi sa isip ko ang mga lirika ng himno ng mga salita ng Diyos. Labis akong naantig, at naisip ko na hindi ako iniwan ng Diyos. Sa pinakamatinding pagkasira ng loob at pinakadilim na oras ko, ginamit Niya ang Kanyang mga salita para magabayan, mahikayat at mapakalma ako. Naisip ko na labis ang pagmamahal ng Diyos sa tao, at hindi ako maaaring magpatuloy sa pagiging negatibo. Mula noon, maaga akong gumigising araw-araw at ipinagpatuloy ko ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pinagnilayan ko ang mga paraan kung paano ko sinalungat ang Diyos.

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Marami sa iglesia ang hindi makakilala. Kapag nangyayari ang mga insidente kung saan nalilihis ang mga tao, hindi inaasahan na pumapanig sila kay Satanas; pakiramdam pa nga nila ay labis silang naaagrabyado na tinatawag silang mga alipin ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makakilala, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtunggali kailanman para sa katotohanan. Wala ba talaga silang pagkakilala? Bakit pumapanig sila kay Satanas nang hindi inaasahan? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas kaunting pagkakilala ang mayroon ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustung-gusto ng mga taong walang pagkakilala ang kasalanan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay ang mga tapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at magsalitang kagaya nito? Bawat salita at gawa nila, ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Ang walang-kuwentang mga panloloko ng mga walang pagkakilala ay hahantong sa kanilang pagkawasak sa mga kamay ng masasamang tao, ililigaw sila ng mga ito, at hindi na makakabalik. At gayong pagtrato ang nararapat sa kanila, dahil hindi nila mahal ang katotohanan, dahil hindi nila kayang pumanig sa katotohanan, dahil sumusunod sila sa masasamang tao at pumapanig sa masasamang tao, at dahil nakikipagsabwatan sila sa masasamang tao at lumalaban sa Diyos. Alam na alam nila na ang mababanaag sa masasamang taong iyon ay kasamaan, subalit pinatitigas nila ang kanilang puso at tinatalikuran ang katotohanan upang sundan ang mga ito. Hindi ba gumagawa ng kasamaan ang lahat ng taong ito na hindi nagsasagawa ng katotohanan kundi gumagawa ng nakakasira at kasuklam-suklam na mga bagay? Bagama’t mayroon sa kanila na naghahari-harian at sumusunod naman sa kanila ang iba, hindi ba’t pareho ang kalikasan nila ng paglaban sa Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi sila inililigtas ng Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi matuwid ang Diyos? Hindi ba ang sarili nilang kasamaan ang sumisira sa kanila? Hindi ba ang sarili nilang pagkasuwail ang humahatak sa kanila pababa sa impiyerno?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng pagkahiya at pagkabalisa. Ang kakayahan kong makagawa ng napakatinding kasamaan ay hindi lamang dahil sa hindi ako marunong kumilatis; pangunahing dulot ito nang labis kong pagpapahalaga sa reputasyon at katayuan. Kinuha ni Jia Xin ang aming loob para protektahan ang kanyang katayuan bilang lider. Hindi ko natukoy ang mga layunin sa likod ng mga kilos niya, ni hindi ko tiningnan kung ang mga salita niya ay tumutugma sa mga katunayan. Basta na lang akong bulag na nanindigan para sa kanya, ninais kong maging “tagapagtanggol ng katarungan” at magpasikat. Ninais ko ring kunin ang pagkakataon para makamit ang katayuan ng pagiging lider. Noong isinulat namin ang liham ng pag-uulat, malinaw kong naramdaman na wala kaming patnubay ng Diyos. Hindi kami nagkasundo sa aming mga opinyon, at hindi nakaramdam ng kapayapaan ang puso ko. Gayumpaman, matigas ang ulo ko at ipinagpatuloy ko ang pagsusulat ng liham, sinundan ko ang anticristong ito sa paggawa ng kasamaan. Ang nakatataas na sister na dumating sa iglesia ay nakipagbahaginan para tulungan at isiwalat ako, pero hindi nagbago ang desisyon ko, sa takot na maliitin ako ng iba kung aaminin ko ang mga pagkakamali ko. Pumunta ako sa mga lugar ng pagtitipon at walang pakundangan kong hinusgahan ang mga lider at manggagawa, ipinakalat ko ang impormasyon na sila ay mga huwad. Ang layon ko ay hikayatin ang mga kapatid na itakwil ang mga lider at manggagawa at itaas ang pagtingin nila sa akin, para maaari akong mapili sa mga darating na halalan. Dahil sa mga panggugulo ko, hindi makapagtipon ang mga kapatid at hindi sila makakain at makainom ng mga salita ng Diyos nang normal. Nailihis namin ang kalahati ng mga kapatid sa iglesia, at magkasama kaming nanindigan laban sa mga lider at manggagawa. Nais ng Diyos na makapagtipon at makapagbahaginan ang mga kapatid ng mga salita ng Diyos nang normal at na magampanan nila ang tungkulin nila nang maayos at nagkakaisa. Noong itinayo ng Diyos ang iglesia, nais buwagin ni Satanas ang Kanyang gawa. Samantala, ginagampanan ko ang papel ng alagad at kasabwat ni Satanas, na gumagambala at gumugulo sa gawain ng iglesia. Sa pagkakaroon ko ng ganitong mga pag-uugali, hindi lamang ako kumampi sa maling panig dahil sa pansamantalang kawalan ng pagkilatis. Ang kalikasan ko ay katulad ng kay Jia Xin; pareho kaming labis na nahuhumaling sa reputasyon at katayuan. Para makamit ang katayuan, lumikha kami ng kaguluhan sa iglesia, at napatalsik ako dahil naghangad ako ng katayuan sa halip na maghangad ng katotohanan. Nang maisip ko ito, labis akong nagsisi at kinondena ko ang aking sarili. Lumuhod ako sa sahig at binigyan ko ang sarili ko ng mahigit 100 na malalakas na sampal sa pisngi. Nais kong walang awang parusahan ang sarili ko para mapanatili sa alaala ko ang leksyong ito. Nagdasal din ako sa Diyos, “Diyos ko, Nakagawa ako ng kasamaan. Naghangad ako ng katayuan at nanggulo sa gawain ng iglesia. Handa akong magsisi, magnilay nang tama at subukang unawain ang masasamang gawa ko.”

Pagkatapos noon, nagpatuloy akong magnilay sa aking sarili, iniisip ko na, “Bakit ba gustong-gusto ko ng katayuan at palagi kong nais hangarin at makamit ito? Bakit ba kaya kong gawin ang masasamang bagay na ito?” Nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong kalikasan na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para itaas mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang ugat na sanhi ng kakayahan kong gawin ang masasamang bagay na ito ay dahil napakayabang ko, labis ang pagkabilib ko sa aking sarili, at napakataas ng tingin ko sa aking sarili. Naniwala ako na dahil kaya kong mangaral ng ebanghelyo at lumutas ng ilang problema, nangangahulugan ito na nauunawaan ko ang katotohanan at mayroon akong realidad. Kung kaya, nagawa kong bulag na maniwala sa sarili ko at kumilos nang walang pakundangan, at dahil dito, nagawa ko ang lahat ng masasamang bagay na iyon. Pagdating sa pagkakatanggal kay Jia Xin, hindi ko kailanman hinanap nang maayos ang mga katotohanang prinsipyo. Nakita ko na kayang talikuran at gugulin ni Jia Xin ang sarili niya, kaya niyang magtiis at magbayad ng halaga sa tungkulin niya, kaya naman inisip ko na isinasagawa niya ang katotohanan at mayroon siyang gawain ng Banal na Espiritu. Naisip ko na, kung walang paghangad sa katotohanan, sino ang makakagawa ng mga bagay na iyon nang ganoon katindi? Ang totoo, sa pagkilatis kung ang isang tao ay mayroong gawain ng Banal na Espiritu, hindi siya maaaring husgahan batay sa pagpapakita niya ng pagdurusa, pagbabayad ng halaga, pagtalikod, at paggugol sa kanyang sarili. Kayang gawin ng sinumang masigasig na tao ang mga bagay na ito. Dapat unang tingnan kung kaya ng taong ito na magdasal sa Diyos kapag may mga bagay na nangyayari sa kanya, at kung, kahit na hindi ito alinsunod sa sarili niyang mga kuru-kuro, kaya niyang hayaan ang kanyang sarili, maghanap ng katotohanan at magkaroon ng puso na may takot at nagpapasakop sa Diyos. Bukod dito, dapat din nilang gabayan ang mga hinirang ng Diyos na maranasan ang mga salita ng Diyos at maunawaan ang kanilang mga sarili, at dapat din nilang lutasin ang mga problema ng mga kapatid sa mga tungkulin nila. Ito ang dapat gawin ng isang lider at manggagawa. Hindi nagawa ni Jia Xin ang gawain ng pamumuno, lalo pa ang pagkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu. Noong isiniwalat ng mga tao ang mga problema niya, hindi niya ito tinanggap, inireklamo pa nga niya ang inaakala niyang kawalan ng katarungan, at inilihis pa niya kami. Sinadya niyang ipakalat ang impormasyon sa aming hanay na ang mga ulat na isinampa laban sa kanya ay hindi totoo, dinamay niya kami upang manindigan para sa kanya. Nailihis niya kami at sinabi niya sa mga tao sa iglesia na sinisikil siya ng mga lider at manggagawa, na humantong sa pagkahati-hati ng iglesia sa mga paksyon at pagkalugmok sa kaguluhan. Bahagyang tinalikuran at ginugol ni Jia Xin ang kanyang sarili, pero hindi niya man lang hinahanap ang katotohanan tuwing may mga bagay na nangyayari sa kanya, ni hindi niya pinagninilayan o sinubukang unawain ang kanyang sarili. Para pangalagaan ang katayuan niya, nagdulot siya ng mga paggambala at panggugulo at pinahina ang gawain ng iglesia. Ang lahat ng paggugol niya sa sarili at pagdurusa ay para mapangalagaan ang kanyang katayuan at matugunan ang kanyang personal na pagnanais para sa katayuan. Sa sandaling may magbanta sa kanyang katayuan, gagawa siya ng gayong masasamang gawa tulad ng pagbuo ng mga paksyon at pagtanim ng hidwaan. Ang kalikasan niya ay may pagkamuhi sa katotohanan; isa siyang tuso, mapanlinlang, mapagbalatkayo at malupit na anticristo. Wala man lang akong anumang pagkilatis. Sinundan ko si Jia Xin sa paggawa ng kasamaan at hinusgahan ko ang mga lider at manggagawa sa mga pagtitipon, at dahil dito, nailihis ang mga kapatid at pumanig sila sa akin, isinawalang-bahala nila ang mga lider at manggagawa. Ito ay nagdulot ng matinding kaguluhan sa buhay iglesia. Nakagawa ako ng napakalaking kasamaan, pero inakala ko pa rin na mayroon akong pagpapahalaga sa katarungan; Tunay ngang napakagulo ng isip ko at napakayabang ko na nawalan ako ng lahat ng katwiran. Kung nagkaroon lang ako ng kaunting pagkaunawa sa katotohanan at ng may-takot-sa-Diyos na puso, hindi ko sana magagawa ang ganoon kalaking kasamaan. Nakita ko na malaki ang pagkukulang ko, at napakayabang ng disposisyon ko. Kailangang-kailangan ko ng pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos upang linisin at baguhin ako!

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Bago ipinadadala ng Diyos ang Kanyang matinding galit, naramdaman na Niya ang diwa ng bawat bagay nang lubhang malinaw at ganap, at nakapagbuo na Siya ng tumpak at malinaw na mga pakahulugan at mga kongklusyon. Sa gayon, ang layon ng Diyos sa bawat bagay na Kanyang ginagawa ay sinlinaw ng kristal, tulad din ng Kanyang saloobin. Hindi magulo ang Kanyang pag-iisip; hindi Siya bulag at mapusok; tiyak na may prinsipyo Siya. Ito ang praktikal na aspeto ng poot ng Diyos, at dahil sa praktikal na aspetong ito ng poot ng Diyos kaya naabot ng sangkatauhan ang karaniwang pag-iral nito. Kung wala ang poot ng Diyos, bababa ang sangkatauhan sa mga hindi karaniwang kalagayan ng pamumuhay; at ang lahat ng bagay na matuwid, maganda at mabuti ay mawawasak at hihinto sa pag-iral. Kung wala ang poot ng Diyos, ang mga batas at mga alituntunin ng pag-iral para sa mga nilikhang nilalang ay masisira o maaaring tuluyang mawasak. Mula sa paglikha sa tao, patuloy na ginagamit ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon upang pangalagaan at panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Sapagkat ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naglalaman ng poot at pagiging maharlika, ang lahat ng buktot na tao, mga bagay at gamit, at lahat ng bagay na gumagambala at sumisira sa karaniwang pag-iral ng sangkatauhan ay naparurusahan, nakokontrol at nawawasak bilang resulta ng Kanyang poot(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Nagtataglay ang Diyos ng ganitong uri ng matuwid na disposisyon dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagka-mapanghimagsik at mga buktot na gawa ni Satanas—pagtitiwali at paglamon sa sangkatauhan—sapagkat kinasusuklaman Niya ang lahat ng paggawa ng kasalanan bilang paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang-dungis na diwa. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o di-nilikhang nilalang na hayagang salungatin o labanan Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niyang minsan ng awa o Kanyang pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang disposisyon at labagin ang Kanyang prinsipyo ng pagpapasensya at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ibubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon na wala kahit katiting mang awa o pag-aalinlangan—isang disposisyon na hindi kinukunsinti ang pagkakasala(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi dapat salungatin ng tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos. May mga prinsipyo ang Diyos sa pagkondena at pagtiwalag sa isang tao. Hindi ito isang panandaliang bugso ng damdamin o isang bagay na ginagawa nang padalos-dalos; sa halip, isinasagawa ito kapag nakilatis Niya ang diwa ng isang tao. Noong panahon na gumagawa ako ng kasamaan, paulit-ulit akong pinayuhan at pinakiusapan ng mga kapatid na magnilay at huwag magdulot ng mga paggambala at panggugulo. Gayumpaman, hindi ko ito tinanggap, at kapag hindi umaayon sa mga pananaw ko ang pakikipagbahaginan ng isang tao, nilalabanan ko ito, na humantong sa mas lalo pang paglala ng paggawa ko ng masama. Mula sa una kong pagsuway hanggang sa pagdulot ko ng kaguluhan kalaunan, at pagkahati-hati ng iglesia sa huli, bawat isa sa masasamang kilos na ito ay patunay ng kayabangan at kapalaluan ko, at ng pagtutol at pagkamuhi ko sa katotohanan. Napakayabang at napakatigas ng kalooban ko, hindi ako lumuluha hanggang sa makita ko ang sarili kong libingan. Binigyan na ako ng Diyos ng maraming pagkakataon para magsisi, pero tinaggihan ko ang lahat ng iyon. Kung hindi pa ako pinatalsik ng iglesia, hindi pa huhupa ang galit ng Diyos o ang kaguluhan ng iglesia. Naisip ko kung paano, bago wasakin ng Diyos ang Sodom, maraming beses Niyang binalaan ang mga tao sa lungsod na kailangan nilang magsisi, pero matigas nilang nilabanan ang Diyos at hindi sila nagpakita ni katiting na pagsisisi. Sa huli, pinakawalan ng Diyos ang Kanyang poot sa Sodom at winasak ang lungsod. Ngayon, personal kong naranasan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at bagaman labis na nahihirapan at nasasaktan ang puso ko, pinatigil ako nito sa paggawa ng kasamaan at pinakita nito sa akin na hindi dapat salungatin ang disposisyon ng Diyos, at na ang katotohanan at pagiging matuwid ang siyang may kapangyarihan sa iglesia. Ngayon, ang katunayan na hinayaan pa akong patuloy na mabuhay ng Diyos at hindi Niya kinuha ang buhay ko ay isang tanda ng Kanyang awa. Kung ipinagpatuloy ko ang hindi pagninilay o pagsubok na unawain ang sarili ko, lilipulin ako ng Diyos sa huli. Humarap ako sa Diyos at nagdasal sa Kanya, “Diyos ko, nakagawa ako ng kasamaan at nasalungat ko ang Iyong disposisyon. Ang pagpapatalsik sa akin ay dahil sa Iyong pagiging matuwid. Hindi ko na mababawi pa ang nakaraan kong mga pagsalangsang, at ngayon nabubuhay ako para maunawaan ang aking sarili at magsisi sa Iyo.” Napagpasyahan ko na anuman ang kalalabasan ko sa hinaharap, hahangarin ko ang katotohanan at itatakwil ko ang mga tiwaling disposisyon ko, hindi na ako maghahangad ng reputasyon at katayuan. Kung talagang lilipulin ako ng Diyos balang araw, iyon pa rin ang Kanyang katuwiran. Hindi na ako lubos na umaasa na makapasok sa kaharian; nais ko lamang na magsimulang muli, para maging isang tunay na nilikha. Nagdasal ako sa Diyos sa aking puso, sinabi ko na kung bibigyan Niya ako ng isa pang pagkakataon, handa akong maging isa sa mga pinakamaliit na tagasunod sa iglesia. Handa akong gampanan ang anumang tungkulin na itatalaga sa akin; sapat na sa akin ang makagawa ng kahit isang bagay para sa sambahayan ng Diyos. Kalaunan, natagpuan ako ng iglesia, at pinayagan nila akong tumulong sa mga kapatid na bumili ng mga kalakal. Nakaramdam ako ng lubos na karangalan.

Isang araw noong Abril 2016, pumunta sa bahay ko ang isang lider at sinabi sa akin na, “Tinatanggap ka na muli sa iglesia, at karamihan sa mga kapatid ay sumasang-ayon sa desisyong ito.” Noong oras na iyon, napakaemosyonal ko na hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nang makaalis na ang lider, hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Sa puso ko, patuloy kong pinapasalamatan at pinupuri ang Diyos! Nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko! Hindi ko inakalang bibigyan Mo ako ng pagkakataong makabalik sa iglesia. Salamat sa pagsama sa aking tabi, sa pagbibigay-liwanag sa akin at sa paggabay sa akin para maunawaan ang sarili ko. Diyos ko! Handa akong pahalagahan ang pagkakataong ito, at tinitiyak ko na hindi na ako gagawa ng kasamaan o magdudulot ng kaguluhan. Kung babalik ako sa dati kong mga disposisyon at makakagulo sa iglesia, handa akong tanggapin ang Iyong kaparusahan.”

Pagkatapos kong makabalik sa iglesia, sinimulan ko agad na gampanan ang tungkulin ko. Isang araw, lumapit sa akin ang lider ng iglesia at isinaayos niya na magampanan ko ang tungkuling pagpapatira sa bahay. Naisip ko na, “Paano nila nagawang ibigay ang tungkulin na ito sa akin? Hindi ba’t isa itong tungkulin para sa mga taong nagkaka-edad na? Kapag narinig ng mga kapatid ang tungkol dito, ano na lang ang iisipin nila sa akin?” May ilang saloobin ako tungkol sa lider at pakiramdam ko ay sinasayang nila ang talento ko para sa isang maliit na trabaho. Gayumpaman, kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kapag hinihingi ng Diyos na tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin nang maayos, hindi Niya hinihingi sa kanila na tapusin ang ilang partikular na gawain o isakatuparan ang anumang matinding pagsusumikap, ni ang gampanan ang anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, o na maghimala ka, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang matimtiman kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, gawin mo ang naunawaan mo, isakatuparan mo ang naintindihan mo, tandaan mo nang maigi ang narinig mo, at pagkatapos, kapag dumating na ang oras para magsagawa, magsagawa ka ayon sa mga salita ng Diyos. Hayaan mong ang mga ito ang maging buhay mo, ang mga realidad mo, at ang isinasabuhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi kailangan ng Diyos na gawin ko ang mga pinakamahahalagang gawain. Ang nais Niya ay gampanan ko ang tungkulin ko sa praktikal na paraan. Kahit na ito ay isang karaniwang tungkulin, basta’t nakikinig ako sa mga salita ng Diyos at ginagampanan ang tungkuling ito ayon sa Kanyang kahilingan, sapat na iyon. Hindi ko magagampanan ang tungkulin ko ayon sa kagustuhan ko; dapat ko itong gawin batay sa pangangailangan ng gawain ng iglesia. Dapat akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia at magtrabaho nang tahimik para magampanan ko nang maayos ang tungkulin ko. Ito ang dapat gawin ng isang taong may konsensiya at katuwiran. Ngayon, ibinunyag at sinubok ako ng pagharap ko sa tungkuling ito. Kung wala ang ganitong mga sitwasyon, aakalain ko na ako ay talagang mapagpasakop sa Diyos at na nagbago na ang mapagmataas na disposisyon at pagnanais kong maghangad ng reputasyon at katayuan. Ang totoo, medyo mayabang at palalo pa rin ako; mayroon akong matataas na ambisyon at pagnanais at hindi ako handang maging pinakamaliit sa karamihan. Ito ang tunay kong tayog. Para maging dalisay at magbago, kailangan kong maranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos pati na rin ang mga pagsubok at pagpipino. Nang maunawaan ko ito, tinanggap ko ang tungkuling ito. Kahit na hindi ko alam kung paano magluto, maaari kong masigasig na pag-aralan kung paano magluto habang ginagampanan ang tungkulin ko at patuluyin ang mga kapatid nang naaayon sa mga prinsipyo. Nakaramdam ng kapayapaan ang puso ko habang ginagawa ito. Salamat sa Diyos sa pagligtas sa akin!

Sinundan:  8. Hindi Na Mataas ang Inaasahan Ko sa Aking Anak

Sumunod:  11. May Natutunan Akong Aral Mula sa Karamdaman

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger