10. Naalis ang Aking Pagiging Mapagbantay at Maling Pagkaunawa

Ni Lin Feng, Tsina

Noong 2022, nang isa pa akong lider ng iglesia, nagbunsod ang aking pagmamataas, pagmamagaling, at pagiging arbitraryo para gustuhin kong ako ang masunod sa lahat ng bagay. Dahil dito, napigilan ang kapatid na nakapartner ko at nagambala ang gawain ng iglesia. Isiniwalat at pinungusan ako ng nakatataas na lider dahil sa aking pagmamataas at pagmamagaling, at para sa ganap na pagsunod sa landas ng isang anticristo, at tinanggal nila ako. Pagkatapos ng pagkakatanggal ko, nakaramdam ako ng kawalan ng pag-asa. Pinagnilayan ko ang katunayan na mahigit dalawampung taon na akong nananampalataya sa Diyos, na pinaalis ako dahil sa aking pagmamataas at pagmamagaling nang higit sa isang beses, at na hanggang ngayon, hindi pa rin ako gaanong nagbago. Naramdaman kong kailangan kong maging maayos sa mga tungkulin ko mula noon, at na hindi na ako puwedeng maging napakayabang at hindi ko na puwedeng ulitin ang mga dati kong pagkakamali, kung hindi, hindi na ako magkakaroon ng isa pang pagkakataon na maligtas. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagninilay-nilay, napagtanto kong talagang mayabang at nagmamagaling ako, at na palagi kong pinipigilan ang aking kapatid habang nakikipag-partner sa kanya, ipinipilit ang sarili kong mga kagustuhan at ideya sa kanya at gusto kong sundin niya ako. Bilang resulta, naantala ang gawain. Pinungusan ako nang paulit-ulit pero hindi ako nagnilay-nilay. Talagang sinusunod ko ang landas ng isang anticristo. Nakaramdam ako ng matinding pagkamuhi sa sarili ko, at nagpasya akong gawin ang aking mga tungkulin nang maayos sa isang matatag na paraan mula noon.

Nang maglaon, isinaayos ng lider na mag-organisa ako ng mga materyales para sa pagpapaalis ng mga tao, at sinabi niyang makipagtulungan ako kay Sister Li Xin. Tinanong niya kung gaano ko naunawaan ang aking mapagmataas at palalong disposisyon sa panahon ng aking pagninilay-nilay, at gusto niyang gawin ko ang tungkuling ito sa loob ng isang trial period upang makita kung ano ang mangyayari. Nang marinig ko ito mula sa lider, talagang nasaktan ako, iniisip ko, “Hindi ba’t pansamantala lang ang trial period? Paulit-ulit kong ginawa ang aking mga tungkulin batay sa aking mapagmataas na disposisyon, at ang nagawa ko lang ay gambalain at hadlangan ang gawain ng iglesia. Kung uulitin ko ang mga dati kong pagkakamali, baka tuluyan na akong mawalan ng pagkakataon na gawin ang aking mga tungkulin at ganap nang matatapos ang aking buhay ng pananalig sa Diyos. Ngayon, kailangan kong samantalahin ang pagkakataong ito, maging masunurin, at gawin ang anumang hilingin sa akin. Hindi ako pwedeng magmayabang, magmagaling, at maging agresibo tulad ng dati.” Kalaunan, habang ginagawa ko ang aking mga tungkulin, napansin kong napipigilan si Li Xin ng mga alalahanin tungkol sa pamilya at na hindi siya nakararamdam ng pasanin sa mga tungkulin niya, at na hindi natapos sa tamang panahon ang ilang mga materyales na kailangang ayusin, kaya naisip kong sabihin ito kay Li Xin. Pero nang malapit na akong makipagbahaginan sa kanya, muling lumitaw sa aking isipan ang mga salita ng lider, at naalala kong tinanggal ako noon dahil sa aking pagmamataas, pagmamagaling, at pagiging arbitraryo, at sa pagnanais na masunod sa lahat ng bagay, na pumigil sa iba at nakagambala sa gawain ng iglesia. Nasa trial period pa ako sa tungkuling ito, at bukod pa rito, hindi hiniling ng lider na suriin ko ang gawain ni Li Xin. Kung sasabihin ko ang mga isyu niya, iisipin ba ni Li Xin na masyado akong mayabang at lumalampas sa aking mga hangganan? Iisipin ba niya na pagkatapos lamang ng ilang araw ng pagiging masunurin, bumabalik na ako sa dati kong gawi? Dahil naisip ko ito, nilunok ko ang aking mga salita.

Kalaunan, palaging sinasabi ng lider na hindi kompleto ang mga materyales na inayos ni Li Xin, na kailangang kolektahin at ayusin muli ang materyal ng isang hindi mananampalataya dahil sa hindi tumpak na mga nakaraang paghuhusga, at naantala nito ang progreso. Nakonsensiya talaga ako. Kung nakipagbahaginan sana ako at sinabi ito kay Li Xin sa tamang panahon, hindi ito mangyayari. Sa pagkakonsensiya ko, nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pagkatapos ng maraming taon ng pananampalataya sa Diyos at pagdanas ng maraming kabiguan at pagkadapa, gayundin ng pagbubunyag ng Diyos at ng Kanyang pagpupungos, sa karaniwang sitwasyon, ang mga tao ay dapat pagnilayan at kilalanin ang sarili nila mula sa mga aral ng mga kabiguang ito, hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema, at hanapin sa mga salita ng Diyos ang mga dahilan ng mga kabiguan at pagkadapa nila, pati na ang landas ng pagsasagawa na dapat nilang tahakin. Gayumpaman, hindi ito ginagawa ng mga anticristo. Matapos ang maraming pagkadapa at kabiguan, pinalalala nila ang pag-uugali nila, dumarami at mas lumalala ang mga pagdududa nila sa Diyos, mas tumitindi ang pagsisiyasat nila sa Diyos, mas lumalalim ang paghihinala nila sa Diyos, at gayundin, napupuno ng pagiging mapagbantay laban sa Diyos ang puso nila. Ang pagiging mapagbantay nila ay puno ng reklamo, galit, pagsalungat, at indignasyon, at unti-unti pa nga silang nagkakaroon ng pagtanggi, paghusga, at pagkondena sa Diyos. Hindi ba’t lalo silang nalalagay sa panganib?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus). “Batay sa saloobin ng mga anticristo sa Diyos, sa mga kapaligiran at mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos, sa pagbubunyag at pagdidisiplina ng Diyos sa kanila, at iba pa, mayroon ba silang kahit katiting na intensyon na hanapin ang katotohanan? Mayroon ba silang kahit katiting na layunin na magpasakop sa Diyos? Mayroon ba silang kahit katiting na pananalig na ang lahat ng ito ay hindi aksidente kundi nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ba silang ganitong pagka-unawa at kamalayan? Maliwanag na wala. Ang ugat ng pagiging mapagbantay nila ay masasabing nagmumula sa mga pagdududa nila tungkol sa Diyos. Ang ugat ng paghihinala nila sa Diyos ay masasabi ring nagmumula sa mga pagdududa nila tungkol sa Diyos. Dahil sa mga resulta ng pagsisiyasat nila sa Diyos, lalo silang nagiging mapaghinala sa Diyos, at kasabay nito, mas nagiging mapagbantay sila laban sa Diyos. Batay sa iba’t ibang kaisipan at pananaw na nabubuo mula sa pag-iisip ng mga anticristo, pati na rin sa iba’t ibang pamamaraan at pag-uugali na nabubuo sa pangingibabaw ng mga kaisipan at pananaw na ito, sadyang hindi makatwiran ang mga taong ito; hindi nila kayang maunawaan ang katotohanan, hindi nila kayang magkaroon ng tunay na pananalig sa Diyos, hindi nila kayang lubusang manampalataya at kilalanin ang pag-iral ng Diyos, at hindi nila kayang manampalataya at kilalanin na may kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng nilikha, na may kataas-taasan Siyang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay bunga ng kanilang buktot na disposisyong diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus). Nang maharap sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay talagang hinatulan ako. Hindi ba’t ang inilantad ng Diyos ay ang eksaktong kalagayan ko? Simula noong matanggal ako, namuhay na ako sa kalagayan ng pagiging mapagbantay at maling pagkaunawa. Naniwala ako na maraming beses akong natanggal dahil sa aking pagmamataas, pagmamagaling, at pagiging arbitraryo. Naisip ko na wala akong masyadong pinagbago kahit na mahigit dalawampung taon na akong nananampalataya sa Diyos, na nabubuhay pa rin ako ayon sa aking mapagmataas na disposisyon, at na kung hindi pa rin ako makararanas ng tunay na pagbabago, ibubunyag at aalisin na ako nang tuluyan, at hindi na magkakaroon ng anumang pagkakataon na gawin ang aking mga tungkulin. Nang marinig kong sabihin ng lider na pinapayagan akong gumawa ng tungkulin sa isang trial period, mas lalo akong naging mapaghinala at mapagbantay, at para maiwasang mabunyag muli at matiwalag, lubusan kong inilayo ang aking sarili, nabubuhay sa takot at pag-iingat araw-araw. Nang mapansin kong ginagawa ng kapatid na katuwang ko ang mga tungkulin niya nang pabasta-basta at nang hindi nakararamdam ng pasanin, alam kong dapat kong protektahan ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga isyu niya, pero natakot akong isipin ng kapatid ko na mayabang ako at pagkatapos lamang ng ilang araw ng pagsisimula ng mga tungkulin ko ay bumabalik na ako sa masamang pag-uugali, kaya nagbulag-bulagan na lang ako. Humantong ito sa pagkapinsala ng gawain. Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kapag nabunyag ang mga anticristo pagkatapos na makaranas ng maraming pagkabigo at pagbagsak, hindi lamang sila nabibigong pagnilayan ang kanilang sarili kundi lalo pang nagiging mapagbantay laban sa Diyos, nangangambang mapagkaitan ng kanilang kinabukasan at kapalaran dahil lang sa kahit katiting na pagkakamali. Dahil dito, palagi silang mapagbantay laban sa Diyos. Ano ang pagkakaiba ng disposisyong ibinubunyag ko at ng isang anticristo? Pinagnilayan ko kung paanong ang pagmamataas, pagmamagaling at pagtanggi ko sa katotohanan, ay nagdulot ng malaking pinsala sa gawain ng iglesia. Para sa kapakanan ng gawain ng iglesia ang mga paalala ng lider, hinihimok niya akong pagnilayan pa lalo ang aking mga nakamamatay na kapintasan, para matuto ako mula sa aking mga kabiguan at tumigil sa pamumuhay ayon sa aking mapagmataas na disposisyon. Pag-ibig ito ng Diyos. Pero sa halip na tanggapin ito mula sa Diyos, nakaramdam ako ng pagdududa at pag-aalinlangan. Nakita kong tunay akong mapanlinlang at buktot!

Kalaunan, binasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagtamo ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang mag-aasikaso sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako puwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Isinasaalang-alang ang mga salita ng Diyos, nakita kong kapareho ng disposisyon ng anticristo na inilantad ng Diyos ang disposisyong ibinunyag ko. Anumang tungkulin ang gampanan ko, palagi ko itong iniuugnay sa pagtanggap ng mga pagpapala, at itinuring kong kasinghalaga ng buhay mismo ang pagtanggap ng mga pagpapala. Sa bawat sitwasyon, isinaalang-alang ko muna ang sarili kong kalalabasan at kahahantungan. Noong natanggal at naibunyag ako, hindi ako lumapit sa Diyos para pagnilayan at unawain ang sarili ko, kundi sa halip, naging mapagbantay ako laban sa Diyos at mali ang naging pagkaunawa ko sa Kanya, isinaalang-alang ko lamang ang sarili kong kinabukasan at kahahantungan. Nang gawin kong muli ang aking mga tungkulin, lalong tumindi ang mga naiisip ko, at ginawa kong komplikado ang bawat sitwasyon sa isipan ko, natatakot na ang isang pagkakamali ay hahantong sa pagkakabunyag ko at sa isang masamang kalalabasan at kahahantungan para sa akin. Nang makita kong naging negatibo si Sister Li Xin dahil sa masamang kalagayan niya at naaantala niya ang kanyang mga tungkulin, alam kong dapat na pinoprotektahan ko ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga isyu kay Li Xin at pagtulong sa kanyang gawin nang maayos ang kanyang trabaho, pero nag-alala akong baka isipin ni Li Xin na mayabang at nagmamagaling ako at hindi nagbago, kaya pinabayaan ko ang gawain ng iglesia. Namumuhay ako ayon sa satanikong lason na “Ang bawat tao ay para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” ginagawa lamang ang mga tungkulin ko para magkamit ng mga pagpapala at benepisyo, at tinitingnan ang kinabukasan at destinasyon ko bilang mas mahalaga kaysa anupaman. Hindi ko isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos o ang gawain ng iglesia. Handa akong gawin kung ano ang kapaki-pakinabang para sa akin, pero kung hindi kapaki-pakinabang para sa akin ang isang bagay, hindi ko ito pinapansin, kahit na nakita kong nakapipinsala ito sa gawain ng iglesia. Talagang napakamakasarili at kasuklam-suklam ako! Naisip ko si Pablo sa daan patungo sa Damasco. Matapos pabagsakin ng Panginoong Jesus gamit ang matinding liwanag, bagama’t inamin niyang siya ang pangunahing mang-uusig sa Panginoong Jesus, hindi siya tunay na nagsisi. Wala siyang kahit katiting na pagninilay-nilay o pagkaunawa sa kanyang kalikasang diwa sa paglaban sa Diyos, at bagamat sa panlabas ay nagsumikap siya at naglakbay nang malayo at malawak upang ipangaral ang ebanghelyo, ang layunin niya ay makipagtawaran sa Diyos para makakuha ng isang korona at mga gantimpala. Hindi ba’t katulad ng kay Pablo ang mga pananaw ko sa paghahangad at ang landas na tinahak ko? Sinusubukan kong gamitin at linlangin ang Diyos. Nakita ko kung gaano ako ka-walang pagkatao. Para akong isang oportunista at hindi mananampalatayang pinapasok ang sambahayan ng Diyos, at kung hindi ko babaguhin ang pananaw ko sa paghahangad, hindi ko lang hindi makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos, kundi sa huli ay haharapin ko ang Kanyang kaparusahan.

Pagkatapos, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Paminsan-minsan, gumagamit ang Diyos ng isang partikular na bagay upang ibunyag ka o disiplinahin ka. Kung gayon ba ay nangangahulugan ito na tiniwalag ka na? Nangangahulugan ba ito na dumating na ang katapusan mo? Hindi. … Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang pag-aalala ng mga tao ay nagmumula sa kanilang pansariling mga interes. Sa pangkalahatan, natatakot sila na baka wala silang kalabasan. Palagi nilang iniisip, ‘Paano kung ibunyag, itiwalag, at tanggihan ako ng Diyos?’ Ito ang maling interpretasyon mo sa Diyos; ang mga ito ay isang panig na pala-palagay mo lamang. Kailangan mong alamin kung ano ang layunin ng Diyos. Kapag ibinubunyag Niya ang mga tao, hindi ito para itiwalag sila. Ibinubunyag ang mga tao para mailantad ang kanilang mga pagkukulang, pagkakamali, at kalikasang diwa, para makilala nila ang kanilang sarili, at maging kaya nila ang tunay na pagsisisi; sa kadahilanang ito, ang pagbubunyag sa mga tao ay para tulungan ang buhay nilang lumago. Kung walang dalisay na pagkaunawa, malamang na magkamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos at maging negatibo at mahina. Maaari pa nga silang magpatangay sa kawalan ng pag-asa. Sa katunayan, ang maibunyag ng Diyos ay hindi naman nangangahulugan na ititiwalag ka. Ito ay para tulungan kang malaman ang sarili mong katiwalian, at pagsisihin ka. Kadalasan, dahil mapaghimagsik ang mga tao, at hindi naghahanap ng kasagutan sa katotohanan kapag nagbubunyag sila ng kanilang katiwalian, kailangang disiplinahin sila ng Diyos. At dahil dito, minsan, ibinubunyag Niya ang mga tao, inilalantad ang kanilang kapangitan at pagiging kaawa-awa, pinapangyaring makilala nila ang kanilang sarili, na nakakatulong para lumago ang kanilang buhay. Ang pagbubunyag sa mga tao ay may dalawang magkaibang implikasyon: Para sa masasamang tao, ang maibunyag ay nangangahulugan na itiniwalag na sila. Para sa mga nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang paalala at isang babala; pinagninilay sila tungkol sa kanilang sarili, para makita ang kanilang tunay na kalagayan, at para huminto na ang kanilang pagiging suwail at walang ingat, sapagkat magiging mapanganib ang magpatuloy nang ganito. Ang pagbubunyag sa mga tao sa ganitong paraan ay para paalalahanan sila na baka, sa pagsasagawa nila ng kanilang tungkulin, sila ay maguluhan at hindi mag-ingat, hindi maging seryoso sa mga bagay, makontento sa kaunting resulta, at mag-isip na nagampanan nila ang kanilang tungkulin ayon sa katanggap-tanggap na pamantayan samantalang, ang totoo, kapag sinukat ayon sa hinihingi ng Diyos, nagkulang silang masyado, subalit kampante pa rin sila, at naniniwalang ayos lang sila. Sa gayong mga sitwasyon, didisiplinahin, babalaan, at paaalalahanan ng Diyos ang mga tao. Kung minsan, ibinubunyag ng Diyos ang kanilang kapangitan—na malinaw na para magsilbing isang paalala. Sa gayong mga pagkakataon dapat mong pagnilayan ang iyong sarili: Hindi sapat ang gampanan mo nang ganito ang iyong tungkulin, may paghihimagsik sa iyong kalooban, napakaraming negatibong elemento, lahat ng ginagawa mo ay basta-basta lang, at kung hindi ka pa rin magsisisi, dapat kang maparusahan. Paminsan-minsan, kapag dinidisiplina ka ng Diyos, o kaya ay ibinubunyag ka, hindi ito nangangahulugang ititiwalag ka. Dapat harapin ang bagay na ito nang tama. Kahit itiwalag ka pa, dapat mo itong tanggapin at magpasakop ka rito, at magmadaling magnilay-nilay at magsisi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan at Pagpapasakop sa Diyos Maaaring Matamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan at pagkakonsensiya. Maraming beses ko nang nabasa ang mga salitang ito ng Diyos, madalas na binabanggit ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at sinasabi na ibinubunyag ng Diyos ang mga tao upang iligtas sila, na binibigyang-daan silang mas mapagnilayan at maunawaan ang kanilang sarili, ngunit nang mabunyag at matanggal ako, naghinala akong nais ng Diyos na itiwalag ako, at wala akong nakitang anumang bakas ng pag-ibig o pagliligtas ng Diyos. Bagama’t mukhang ginagawa ko ang aking mga tungkulin, nanatiling sarado ang puso ko sa Diyos. Pinagnilayan ko ang mga taon ng aking pananampalataya. Maraming beses na akong nabunyag at natanggal dahil sa aking mayabang na kalikasan, ngunit hindi ako itiniwalag ng Diyos dahil sa aking mga pagsalangsang, kundi sa halip ay ginamit Niya ang pagsisiwalat at tulong ng aking mga kapatid pati na ang pagbibigay-liwanag at pagpatnubay ng Kanyang mga salita para tulungan akong magnilay-nilay, magsisi, at magbago. Nang magkaroon ako ng kaunting pang-unawa at pagbabago, binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon na gawin ang aking mga tungkulin. Kung talagang tinutukoy ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao batay sa mga katiwalian na kanilang ibinubunyag, dapat ay matagal na akong pinarusahan at hindi sana ako nakaligtas hanggang sa araw na ito. Gaya lang ng kung paanong ang kamakailang pagtanggal sa akin ay ganap na dahil sa kabiguan kong hanapin ang katotohanan at ang aking paglalakad sa landas ng isang anticristo, na seryosong nakagambala at nakahadlang sa gawain. Pinangasiwaan ito nang may mga prinsipyo at lubusan nitong inihayag ang katuwiran ng Diyos. Kung hindi ako tinanggal sa oras, dahil sa aking mapagmataas na disposisyon, marami na sana akong nagawang kasamaan at naharap sana ako sa parusa ng Diyos. Ang ganitong uri ng pagtatanggal ay talagang pagliligtas at pagprotekta ng Diyos, dahil kung wala ito, hindi ko kailanman tunay na mapagninilayan o mauunawaan ang sarili ko, ni pagninilayan ko ang maling landas na tinahak ko. Kaya lumuhod ako at nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, ayaw ko nang mamuhay sa kalagayang mapagbantay at mali ang pagkaunawa, handa akong magsisi at gawin nang maayos ang mga tungkulin ko, at ang hinihiling ko lang ay gabayan at patnubayan Mo ako.”

Pagkatapos kong manalangin, binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Anuman ang iyong mga personal na kaisipan at opinyon, kung bulag kang nagpapasya na tama ang mga ito at na ganito dapat gawin ang mga bagay-bagay, iyon ay kayabangan at pagmamatuwid. Kung mayroon kang ilang ideya o opinyon na sa palagay mo ay tama, ngunit wala kang ganap na tiwala sa iyong sarili, at makukumpirma mo ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap at pakikipagbahaginan, iyon ang ibig sabihin ng hindi pagiging mapagmatuwid. Ang paghihintay na makatanggap ng suporta at pagsang-ayon ng lahat bago kumilos ay ang makatwirang paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pamumuhay Lamang sa Harap ng Diyos Magkakaroon ng Normal na Relasyon ang Isang Tao sa Kanya). “Kung sigurado kang nakakita ka ng problema, at nauunawaan mo sa puso mo na dapat malutas ang problemang ito, kung hindi, maaantala nito ang gawain, pero hindi mo pa kayang sundin ang mga prinsipyo at takot kang salungatin ang ibang tao, ano ang problema rito? Bakit ka matatakot na sumunod sa mga prinsipyo? Seryoso ang kalikasan ng isyu na ito, at nasasaling nito kung mahal mo ang katotohanan at kung mayroon kang pagpapahalaga sa katarungan. Dapat mong sabihin ang opinyon mo, kahit hindi mo alam kung tama ito. Kung mayroon kang opinyon o ideya, dapat mo itong sabihin, at hayaan mo ang iba na suriin ito. Magkakaroon ng mga pakinabang sa iyo sa paggawa nito, at makakatulong ito sa paglutas ng problema(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay?). Matapos pag-isipang mabuti ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagpigil sa iba at paggamit ng katayuan batay sa mapagmataas na disposisyon ay iba sa pagsasagawa ng katotohanan para protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang pagmamataas at pagmamagaling ay kinabibilangan ng paggawa ng mga bagay nang hindi hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, laging kumakapit sa sariling pananaw at hindi tumatanggap ng mga mungkahi ng iba, kahit alam na alam niyang hindi naaayon sa katotohanan ang kanyang mga kilos, gusto pa rin niyang pakinggan siya ng iba, ginagawa ang lahat ayon sa sarili niyang mga kaisipan at opinyon, nang wala ni katiting na pagsasaalang-alang sa kapakanan ng sambahayan ng Diyos. Ito ay pagmamayabang, pagmamagaling, at paglalayon na gamitin ang posisyon para makuha ang gusto. Halimbawa, noong lider pa ako, nanguna ako sa lahat ng bagay. Hindi ako kailanman nakipagtulungan o nakipagtalakayan ng mga usapin sa iba o pumayag na makialam sila, gusto kong laging sumunod ang iba sa mga ideya at layunin ko, at hindi ko kailanman tinanggap ang mga makatwirang mungkahi mula sa aking mga kapatid. Ito ay pagmamayabang at pagmamagaling. Kung may makita akong gumagawa ng isang bagay na lumalabag sa mga prinsipyo at humahadlang sa gawain ng iglesia, responsabilidad ko man ito o hindi, o siya man ay isang taong pinangangasiwaan ko o hindi, dapat ko siyang ilantad at tulungan. Ito ay pagprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at pagpapakita ng pagpapahalaga sa katarungan. Hindi ito pagmamayabang o pagmamagaling. Tinitingnan ng Diyos ang mga layunin sa likod ng mga kilos ng isang tao, at gumawa man o hindi ng mga pagsasaayos ang mga lider, hangga’t may kinalaman ito sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, may pananagutan ang bawat isa na protektahan ang mga bagay na ito. Tunay na bahagi ng sambahayan ng Diyos ang ganyang tao. Nang mapagtanto ko ito, nilapitan ko si Li Xin para makipagbahaginan at sabihin ang mga isyu niya, at para maunawaan kung anong mga hirap ang kinakaharap niya sa mga tungkulin niya. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan namin, medyo bumuti ang kalagayan niya. Isang beses, napansin kong mali ang pag-uuri ni Li Xin sa ilang materyales tungkol sa pagpapaalis sa isang hindi mananampalataya, kaya nagbanggit ako ng mga nauugnay na salita ng Diyos at mga prinsipyo para makipagbahaginan sa kanya. Pagkatapos ng pagbabahaginan namin, naarok niya ang ilang prinsipyo. Ang aking pagkaunawa at naging pagbabago ay dahil sa gabay at patnubay ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  9. Mga Pagninilay Matapos Mapatalsik

Sumunod:  11. May Natutunan Akong Aral Mula sa Karamdaman

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger