91. Pagpapaalam sa Imperyoridad

Ni Keke, Tsina

Mula noong bata ako, medyo mahiyain na ako. Hindi ako mahilig magsalita at bumati sa mga tao. Kapag gusto kong lumabas at nakikita kong nagkukuwentuhan sa labas ang mga kapitbahay ko, talagang kinakabahan ako, kaya iniiwasan kong lumabas maliban kung talagang kinakailangan. Kapag nasa paaralan ako at kailangan kong tawagin ang mga guro para magtanong tungkol sa isang bagay, hindi ko alam kung paano magsisimula, kaya ang tatay ko ang pinagsasalita ko para sa akin. Talagang nagagalit ang tatay ko, at nagrereklamo na hindi ako kasinglakas ng loob ng ibang mga bata. Madalas sabihin sa akin ng tiyahin ko, “Parang naka-tape ang bibig ko. Kung magpapatuloy ka nang ganito, wala kang mararating …” Madalas umaalingawngaw ang mga komento nila sa isip ko, at minsan ay umiiyak ako dahil sa pagiging miserable ko, namumuhi sa sarili ko dahil hindi ako makapagsalita o makapagpasaya ng mga nakatatanda. Madalas akong mainggit sa mga taong mahusay magsalita at kayang magbigay-buhay sa silid. Noong nasa kolehiyo, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at dumalo ako sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid para magbasa ng mga salita ng Diyos. Nakita kong nagtatapat ang lahat at nagbabahaginan ng pagkaunawa nilang batay sa karanasan, nang walang sinumang pinagtatawanan, at malaya rin akong magtapat at makipagbahaginan nang hindi napipigilan. Talagang nakagiginhawa at nakapagpapalayang makasama ang mga kapatid.

Noong Enero 2024, nagdidilig ako ng mga baguhan sa iglesia at nakikipagtulungan kay Sister Wang Lu. Sa mga interaksyon namin, nakita kong ang sister na ito ay may mahusay na kakayahan, mahusay na mga abilidad sa pagpapahayag, at nakakaunawa nang mabuti sa katotohanan. Sa mga pagtitipon, kaya niyang humugot sa mga kalagayan ng mga baguhan sa pakikipagbahaginan niya, at madalas na tumatango-tango ang mga baguhan habang nakikinig sila. Kapag nakikita ko ito, likas akong napapatungo at naiisip ko, “Talagang isa itong taong maraming taon nang sumasampalataya sa Diyos, talagang ibang klase ang paraan ng pagsasalita niya! Pero ako naman, kailangan kong mag-isip nang matagal bago makatugon sa pakikipagbahaginan sa mga tanong ng mga baguhan, at ang sinasabi ko ay hindi kasingtatas o kasingdetalyado ng sinasabi ni Wang Lu. Bakit ba kulang na kulang ako? Kung makikipagbahaginan ako pagkatapos niya, talagang mapapansin ng mga baguhan na hindi ako kasinggaling niya. Huwag na nga, mabuti pang huwag na akong magsalita; sa ganoong paraan ay hindi ako magmumukhang walang kwenta kung ikukumpara sa kanya.” Pagkatapos niyon, natakot na akong magsalita sa mga pagtitipon kasama si Wang Lu, nag-aalalang kung hindi maayos ang magagawa ko, hahamakin niya ako. Minsan, isang baguhan ang naharap sa mga suliranin sa pangangaral ng ebanghelyo, at nagkuwento lang si Wang Lu tungkol sa isang paraan para lutasin ang problema. May gusto akong idagdag dahil may karanasan ako sa aspektong iyon, pero pagkatapos ay naisip ko, “Dahil nandito si Wang Lu, kung hindi ko maipapahayag nang maayos ang sarili ko, iisipin ba niyang masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko sa pagnanais na makipagbahaginan?” Kaya kahit na nasa dulo na ng dila ko ang mga salita, wala akong lakas ng loob na magsalita, at hinintay kong makaalis si Wang Lu bago ako nakipagbahaginan. Sa isa pang pagkakataon, kasama ko sina Wang Lu at Sister Li Hua sa isang pagtitipon kasama ang mga baguhan. Sandali akong nagtanong tungkol sa mga kalagayan ng mga baguhan, at ibinahagi ng isa sa mga baguhan ang mga suliranin niya. Makikipagbahaginan na dapat ako at gagabayan ko ang baguhan kung paano matututo ng aral sa sitwasyong ito, pero dahil naisip kong nandoon ang dalawang sister, na may mahusay na kakayahan sila at mga abilidad sa pagpapahayag, inalala kong, “Hindi ako magaling magsalita, ano ang iisipin nila sa akin kung magiging magulo ang pagsasalita ko?” Dahil nakita nilang matagal akong hindi nagsalita, agad na pinangasiwaan ni Li Hua ang pagbabahaginan, at kahit na unang beses niyang nakilala ang mga baguhan, nagawa niyang natural na makipagkuwentuhan sa kanila. Habang pinapanood sina Wang Lu at Li Hua na nagpapalitan ng pagbabahaginan, talagang nainggit ako, naiisip na, “Ang mga tagadilig ay dapat na mga taong may kakayahan, husay sa pagsasalita, at palakaibigang personalidad tulad ng mga sister na ito.” Naisip ko na naman ang sarili ko: Halos hindi ako nagsalita sa buong pagtitipon at pakiramdam ko ay tagalabas ako. Nainis ako, napapaisip kung bakit hindi ko kayang makipagbahaginan nang kasingbukas-loob ng iba. Maaari kayang hindi lang talaga ako angkop sa isang tungkuling humihingi sa aking magsalita nang madalas? Sa tuwing dadalo ako sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid na may mahusay na kakayahan at mahusay na kasanayan sa pakikipag-usap, labis akong kinakabahan, nangangambang kung hindi maganda ang magiging pagbabahaginan ko, hahamakin ako ng mga tao, at kahit kapag may liwanag nga ako, hindi ako naglalakas-loob na ibahagi ito. Hindi ko magawa ang tungkulin ko gaya ng nararapat, kaya nagdasal ako sa Diyos, naghahanap ng paraan para lutasin ang kalagayang ito at gawin nang normal ang tungkulin ko.

Isang araw, naalala ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nauugnay sa kalagayan ko, at hinanap ko ang mga iyon at binasa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang tao na noong bata pa, ordinaryo ang kanilang hitsura, hindi mahusay magsalita, at hindi masyadong mabilis mag-isip, kaya hindi naging kanais-nais ang mga komento sa kanila ng ilang miyembro ng kanilang pamilya at ng ibang tao sa lipunan, sinasabi ng mga ito na: ‘Mahina ang utak ng batang ito, matagal makaintindi, at hindi maayos magsalita. Tingnan ninyo ang mga anak ng iba, sa husay nilang magsalita ay madali nilang nakukumbinsi ang mga tao. Samantalang ang batang ito ay nakasimangot lang buong araw. Hindi niya alam ang sasabihin kapag nakakasalamuha ng mga tao, hindi alam kung paano ipapaliwanag o pangangatwiranan ang sarili niya kapag may nagawa siyang mali, at hindi natutuwa sa kanya ang mga tao. Mahina ang utak ng batang ito.’ Ganito ang sinasabi ng mga magulang, kamag-anak at kaibigan at ng mga guro niya. Ang ganitong kapaligiran ay nagdudulot ng partikular at hindi nakikitang panggigipit sa gayong mga indibidwal. Sa pagdanas sa ganitong mga kapaligiran, hindi namamalayang nagkakaroon siya ng partikular na uri ng mentalidad. Anong uri ng mentalidad? Iniisip niya na hindi kaaya-aya ang kanyang hitsura, hindi gaanong kanais-nais, at na kahit kailan ay hindi natutuwa ang mga tao na makita siya. Naniniwala siya na hindi siya mahusay sa pag-aaral, na mahina ang utak niya, at palagi siyang nahihiya na buksan ang kanyang bibig at magsalita sa harap ng ibang tao. Sa sobrang hiya niya ay hindi siya nakapagpapasalamat kapag may ibinibigay sa kanya ang mga tao, iniisip niya, ‘Bakit ba laging umuurong ang dila ko? Bakit ang galing magsalita ng ibang tao? Hangal lang talaga ako!’ Hindi namamalayan, iniisip niya na wala siyang halaga pero hindi pa rin niya matanggap na ganoon siya ka-walang kuwenta, na ganoon siya kahangal. Sa puso niya, palagi niyang tinatanong ang kanyang sarili, ‘Ganoon ba talaga ako kahangal? Ganoon ba talaga ako ka-hindi kanais-nais?’ Hindi siya gusto ng kanyang mga magulang, pati na rin ng kanyang mga kapatid, kanyang mga guro o mga kaklase. At paminsan-minsan, sinasabi ng kanyang mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan na ‘Pandak siya, maliit ang mga mata at ilong niya, at kung ganyan ang hitsura niya, hindi siya magtatagumpay paglaki niya.’ Kaya kapag tumitingin siya sa salamin, nakikita niyang maliit nga ang mga mata niya. Sa ganitong sitwasyon, ang paglaban, at kawalan ng kasiyahan at kagustuhan, at ang di-pagtanggap sa kaibuturan ng kanyang puso ay unti-unting nagiging pagtanggap at pagkilala sa kanyang sariling mga kapintasan, pagkukulang, at isyu. Bagama’t natatanggap niya ang realidad na ito, isang palagiang emosyon ang lumilitaw sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang tawag sa emosyong ito? Ang tawag dito ay pagiging mas mababa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). “Sa panlabas, ang pagiging mas mababa ay isang emosyon na naipapamalas sa mga tao; pero sa katunayan, ang ugat nito ay itong lipunan, sangkatauhan at ang kapaligirang ginagalawan ng mga tao. Idinulot din ito ng sariling mga obhetibong dahilan ng mga tao. Hindi na kailangang ipaliwanag pa na ang lipunan at sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas, dahil ang buong sangkatauhan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng masama, lubos na ginawang tiwali ni Satanas at walang posibleng makapagtuturo sa susunod na henerasyon nang alinsunod sa katotohanan o gamit ang mga turo ng Diyos, sa halip ang maituturo sa kanila ay alinsunod sa mga bagay na nagmumula kay Satanas. Kaya naman, maliban sa ginagawa nitong tiwali ang mga disposisyon at diwa ng mga tao, ang kahihinatnan ng pagtuturo sa susunod na henerasyon at sangkatauhan ng mga bagay na kay Satanas ay ang pag-usbong ng mga negatibong emosyon sa mga tao. Kung pansamantala lamang ang mga umuusbong na negatibong emosyon, hindi ito magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ng isang tao. Gayunpaman, kung malalim nang nakaugat ang isang negatibong emosyon sa kaibuturan ng puso at kaluluwa ng isang tao at hindi ito maalis-alis sa pagkabaon doon, kung ganap na hindi niya ito makalimutan o maiwaksi, kung gayon ay tiyak na makakaapekto ito sa bawat desisyon ng taong iyon, sa paraan ng pagharap niya sa iba’t ibang uri ng tao, pangyayari, at bagay, sa kung ano ang pinipili niya kapag nahaharap sa malalaking usapin ng prinsipyo, at sa landas na kanyang tatahakin sa buhay niya—ito ang epekto ng tunay na lipunan ng tao sa bawat indibiduwal. Ang isa pang aspekto ay ang sariling mga obhetibong dahilan ng mga tao. Iyon ang edukasyon at mga turo na natatanggap ng mga tao habang lumalaki sila, lahat ng kaisipan at ideya kasama ang mga paraan ng pag-asal na tinatanggap nila, gayundin ang iba’t ibang kasabihan ng tao, ay lahat nagmumula kay Satanas, hanggang sa puntong wala nang kakayahan ang mga tao na pangasiwaan at iwaksi mula sa tamang perspektiba at pananaw ang mga isyung ito na nakahaharap nila(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na. Napagtanto kong napipigilan ako sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid dahil may matitindi akong pakiramdam ng imperyoridad. Mula noong bata ako, palagi nang sinasabi ng pamilya ko na hindi ako makapagsalita o hindi ko mapasaya ang mga nakatatanda, na mahiyain at nag-aalangan ako kapag nakikipag-usap sa iba, at na hindi ako katulad ng mga anak ng ibang tao na malinaw at malakas ang loob magsalita. Sa ilalim ng impluwensiya ng mga salitang ito, napansin kong walang may gusto sa mga batang katulad ko na hindi makapagsalita nang maayos, at ang mga tao lang na matatas magsalita at palakaibigan ang nagugustuhan ng iba. Ang resulta, madalas na mababa ang tingin ko sa sarili ko at mas gusto kong magtago sa mga sulok nang malayo sa ibang tao. Ngayong nasa iglesia ako na ginagawa ang tungkulin ko, naiimpluwensiyahan pa rin ako ng mga pakiramdam ng imperyoridad. Kapag dumadalo ako sa mga pagtitipon kasama ng mga taong may mahusay na kakayahan at mahusay na mga kasanayan sa pakikipag-usap, bumababa ang tingin ko sa sarili ko at madalas kong hinahamak ang sarili ko. Kahit kapag nauunawaan ko ang mga partikular na isyu, hindi ako naglalakas-loob na makipagbahaginan, at nahihirapan akong makipagtulungan nang matiwasay sa mga sister. Ang pamumuhay nang taglay ang mga pakiramdam ng imperyoridad ay talagang nakaapekto sa kakayahan kong gawin ang tungkulin ko!

Kalaunan, nakabasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga kahihinatnan ng hindi paglutas sa mga pakiramdam na ito ng imperyoridad. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag lumitaw ang emosyong ito sa iyo, pakiramdam mo ay wala kang matatakbuhan. Kapag naharap ka sa isang isyu kung saan nangangailangan na magpahayag ka ng pananaw, ilang beses mong pag-iisipan ang gusto mong sabihin at ang pananaw na nais mong ipahayag sa kaibuturan ng iyong puso, pero hindi mo pa rin magawang sabihin ito. Kapag may isang tao na nagpapahayag ng pananaw na pareho ng sa iyo, tinutulutan mo ang iyong sarili na makaramdam sa puso mo na tama ka, isang kumpirmasyon na hindi ka mas mababa kaysa sa ibang tao. Pero kapag nangyayaring muli ang ganoong sitwasyon, sinasabi mo pa rin sa iyong sarili, ‘Hindi ako pwedeng magsalita nang basta-basta lang, gumawa ng anuman nang pabigla-bigla, o maging katatawanan. Wala akong kwenta, ako ay estupido, hangal, at mangmang. Kailangan kong matuto kung paano magtago at makinig lang, hindi magsalita.’ Mula rito ay makikita natin na simula sa punto ng pag-usbong ng pakiramdam ng pagiging mas mababa hanggang sa kapag malalim na itong nakabaon sa kaibuturan ng puso ng isang tao, hindi ba’t napagkakaitan siya ng sarili niyang kalooban at ng mga lehitimong karapatan na ipinagkaloob sa kanya ng Diyos? (Oo.) Napagkaitan siya ng mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). “Dahil pakiramdam nila ay mas mababa sila, hindi sila naglalakas-loob na humarap sa mga tao, ni hindi nila maako ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat nilang akuin, hindi rin nila maako ang mga bagay na kaya naman talaga nilang maisakatuparan sa saklaw ng sarili nilang abilidad at kakayahan, at sa saklaw ng karanasan ng sarili nilang pagkatao. Ang pakiramdam na ito ng pagiging mas mababa ay nakakaapekto sa bawat aspekto ng kanilang pagkatao, naaapektuhan nito ang kanilang personalidad, at siyempre, naaapektuhan din nito ang kanilang katangian. Kapag may ibang tao sa paligid, madalang nilang ipinapahayag ang sarili nilang mga pananaw, at halos hindi maririnig na nililinaw nila ang sarili nilang pananaw o opinyon. Kapag nahaharap sila sa isang isyu, hindi sila naglalakas-loob na magsalita, sa halip, palagi silang umiiwas at umaatras. Kapag kaunti ang tao roon, nagkakaroon sila ng sapat na lakas ng loob na umupo kasama ang mga ito, pero kapag marami ang tao roon, naghahanap sila ng isang sulok at doon pumupunta kung saan malamlam ang ilaw, hindi naglalakas-loob na lumapit sa ibang tao. Sa tuwing nararamdaman nila na nais nilang positibo at aktibong magsabi ng isang bagay at magpahayag ng sarili nilang mga pananaw at opinyon para ipakita na tama ang kanilang iniisip, ni wala man lang silang lakas ng loob na gawin iyon. Sa tuwing sila ay may gayong mga ideya, sabay-sabay na lumalabas ang kanilang pakiramdam ng pagiging mas mababa, at kinokontrol, sinasakal sila nito, sinasabi sa kanila na, ‘Huwag kang magsabi ng kahit na ano, wala kang silbi. Huwag mong ipahayag ang mga pananaw mo, sarilinin mo na lang ang mga ideya mo. Kung may anumang bagay sa puso mo na nais mo talagang sabihin, itala mo na lang ito sa kompyuter at pag-isipan mo ito nang mag-isa. Hindi mo dapat hayaang malaman ito ng sinuman. Paano kung may masabi kang mali? Sobrang nakakahiya iyon!’ Sinasabi palagi ng tinig na ito sa iyo na huwag mong gawin ito, huwag mong gawin iyon, huwag mong sabihin ito, huwag mong sabihin iyon, kaya’t nilulunok mo na lang ang bawat salitang nais mong sabihin. Kapag may bagay na nais mong sabihin na matagal mo nang pinagmuni-munihan sa iyong puso, umuurong ka at hindi naglalakas-loob na sabihin ito, o kaya ay nahihiya kang sabihin ito, naniniwala na hindi mo ito dapat sabihin, at na kapag ginawa mo ito, pakiramdam mo ay parang may nilabag kang tuntunin o batas. At kapag isang araw ay tahasan mong ipinahayag ang iyong pananaw, sa kaibuturan mo ay mararamdaman mo na hindi mapapantayan ang iyong pagkabagabag at pagkabahala. Bagama’t unti-unting naglalaho ang pakiramdam na ito ng sobrang pagkabahala, unti-unting sinusugpo ng pakiramdam mo ng pagiging mas mababa ang mga ideya, intensyon, at planong mayroon ka sa kagustuhan mong magsalita, magpahayag ng sarili mong mga pananaw, maging normal na tao, at maging katulad lang ng lahat. Iyong mga hindi nakakaintindi sa iyo ay naniniwala na hindi ka palasalita, na tahimik ka, mahiyain, at isang taong ayaw mamukod-tangi. Kapag nagsasalita ka sa harap ng maraming tao, nahihiya ka at namumula ang mukha mo; medyo hindi ka palakibo, at ikaw lang talaga ang nakakaalam na pakiramdam mo ay mas mababa ka. Puno ang puso mo ng ganitong pakiramdam ng pagiging mas mababa at matagal mo nang nararamdaman ito, hindi ito isang pansamantalang pakiramdam. Sa halip, mahigpit nitong kinokontrol ang iyong mga kaisipan mula sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, mahigpit nitong tinatakpan ang bibig mo, kaya gaano man katama ang pagkaunawa mo sa mga bagay-bagay, o anuman ang mga pananaw at opinyon mo sa mga tao, pangyayari at bagay, naglalakas-loob ka lang na pag-isipan ang iba’t ibang anggulo nito sa puso mo, hindi ka kailanman naglalakas-loob na magsalita nang malakas para marinig ng iba. Sang-ayunan man ng iba ang sinasabi mo, o itatama, o pupunahin ka, hindi ka maglalakas-loob na harapin o makita ang gayong kalalabasan. Bakit ganito? Ito ay dahil ang pakiramdam mo ng pagiging mas mababa ay nasa loob mo, nagsasabi sa iyo na, ‘Huwag mong gawin iyan, hindi mo iyan kaya. Wala kang ganyang kakayahan, wala kang ganyang realidad, hindi mo dapat gawin iyan, sadyang hindi ka ganyan. Huwag kang gumawa o mag-isip ng kahit ano ngayon. Magiging totoo ka lang sa sarili mo kung mamumuhay ka sa pagiging mas mababa. Hindi ka kwalipikadong hangarin ang katotohanan o buksan ang puso mo at sabihin ang nais mo at makipag-ugnayan sa iba gaya ng ginagawa ng ibang tao. At iyon ay dahil hindi ka mahusay, hindi ka kasinghusay nila.’ Ang ganitong pakiramdam ng pagiging mas mababa ang umaakay sa pag-iisip ng mga tao; pinipigilan sila nitong isakatuparan ang mga obligasyon na dapat gampanan ng isang normal na tao at ipamuhay ang buhay ng normal na pagkatao na dapat nilang ipinamumuhay, samantalang itinuturo rin nito ang mga pamamaraan, direksiyon at mga layon ng kung paano nila itinuturing ang mga tao at bagay-bagay, paano sila umaasal at kumikilos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Sa pagbabalik-tanaw sa panahon mula nang pumasok ako sa sambahayan ng Diyos, napansin kong nang makita kong bukas-loob na nagtitipon at nagbabahaginan ang mga kapatid, nakaramdam ako ng paglaya. Kapag nagdidilig ng mga baguhan, kaya kong pagbahaginan ang pagkaunawa ko, at nakapagbigay ito ng pakinabang sa mga baguhan. Pero kapag nakakaharap ko ang mga taong palakaibigan, at may mahusay na kakayahan at mahusay na mga kasanayan sa pakikipag-usap, lumilitaw ang mga pakiramdam ko ng imperyoridad. Halimbawa, kapag dumadalo ako ng mga pagtitipon kasama si Wang Lu, kapag nakikita kong may mahusay siyang mga abilidad sa pagpapahayag at mas malinaw niyang napagbabahaginan ang katotohanan kaysa sa akin, pakiramdam ko ay mas mababa ako sa kanya. Kahit nang makita kong may mga pagkukulang ang pakikipagbahaginan niya at may gusto akong idagdag, hindi ako nakahanap ng lakas ng loob para magsalita, natatakot na kung hindi ako maayos na magsasalita, pagtatawanan ako ng mga tao, kaya umaatras na lang ako. Ganoon din iyon noong dumalo ako ng isang pagtitipon kasama sina Li Hua at Wang Lu. Pakiramdam ko ay pipi at tagalabas ako sa buong pagtitipon, at hindi ako naglakas-loob na magsalita kung kailan dapat ay nakipagbahaginan ako. Kahit na bahagi ng katawan ko ang bibig ko, hindi talaga ako nito sinusunod sa mga kritikal na sandali. Ibinigay sa akin ng iglesia ang pagkakataong magsagawa ng pagdidilig sa mga baguhan para idulot sa aking makipagtulungan sa mga kapatid para pagbahaginan ang mga salita ng Diyos at tugunan ang mga kalagayan at suliranin ng mga baguhan. Pero iginapos ako ng mga pakiramdam ko ng imperyoridad, at hindi ko mapagbahaginan ang gusto ko. Ni hindi ko magawa ang sarili kong tungkulin. Hindi ba’t ganap na wala akong pakinabang? Nang mapagtanto ko ito, naunawaan ko na kung patuloy akong mamumuhay na taglay ang mga negatibong damdaming ito, maaapektuhan nito ang tungkulin ko at magiging malaking kawalan ito para sa buhay pagpasok ko. Kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, masyado akong napipigilan sa pamumuhay na taglay ang mga damdaming ito ng imperyoridad. Pakiusap, patnubayan Mo akong iwaksi ang mga negatibong damdaming ito at tuparin ang papel ko.”

Kalaunan, tinanong ko sa sarili ko, “Bakit ba wala akong lakas ng loob na makipagbahaginan sa tuwing kasama ko ang mga sister na may mahusay na kakayahan?” Isang araw, nagtapat ako sa isang sister tungkol sa kalagayan ko, at pinadalhan niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag madalas sabihin sa iyo ng mga nakatatanda sa pamilya na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,’ ito ay para bigyan mo ng halaga ang pagkakaroon ng magandang reputasyon, pagkakaroon ng maipagmamalaking buhay, at hindi paggawa ng mga bagay na magdudulot sa iyo ng kahihiyan. Kung gayon, ginagabayan ba ng kasabihang ito ang mga tao sa positibo o negatibong paraan? Maaakay ka ba nito tungo sa katotohanan? Maaakay ka ba nito na maunawaan ang katotohanan? (Hindi.) May buong katiyakan mong masasabi na, ‘Hindi, hindi nito magagawa!’ Isipin mo, sinasabi ng Diyos na dapat umasal ang mga tao bilang matatapat na tao. Kapag sumalangsang ka, o may nagawa kang mali, o may nagawa kang isang bagay na naghihimagsik laban sa Diyos at sumusuway sa katotohanan, kailangan mong aminin ang iyong pagkakamali, maunawaan ang iyong sarili, at patuloy na suriin ang iyong sarili para tunay na makapagsisi, at pagkatapos ay kumilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Kaya, kung aasal ang mga tao bilang matatapat na tao, sumasalungat ba iyon sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’? (Oo.) Paanong sumasalungat ito? Ang layon ng kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ ay para bigyang-halaga ng mga tao ang pagsasabuhay ng kanilang maliwanag at makulay na parte ng pagkatao at ang paggawa ng maraming bagay na magpapamukha sa kanilang kanais-nais sila—sa halip na gumawa ng mga bagay na masama o kahiya-hiya, o magpakita ng kanilang pangit na pagkatao—at upang maiwasan na mamuhay sila nang walang pagpapahalaga sa sarili o dignidad. Para sa kapakanan ng reputasyon ng isang tao, para sa pagpapahalaga sa sarili at karangalan, hindi puwedeng siraan ng isang tao ang lahat ng tungkol sa kanya, lalo na ang sabihin sa iba ang tungkol sa madilim na parte at mga kahiya-hiyang aspekto ng isang tao, dahil ang isang tao ay dapat mamuhay nang may pagpapahalaga sa sarili at dignidad. Upang magkaroon ng dignidad, kailangan ng isang tao ng magandang reputasyon, at para magkaroon ng magandang reputasyon, kailangang magkunwari ng isang tao at pagmukhaing kanais-nais ang sarili. Hindi ba’t sumasalungat ito sa pag-asal bilang isang matapat na tao? (Oo.) Kapag umasal ka bilang isang matapat na tao, ang mga ginagawa mo ay ganap na salungat sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Kung nais mong umasal bilang isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang pagpapahalaga sa sarili; ang pagpapahalaga sa sarili ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o gumawa ng huwad na imahe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay para sa sariling reputasyon, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para umasal bilang isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para palugurin ang Diyos, at para maligtas. Ngunit kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanang ito, at hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, ang mga bagay na ikinokondisyon sa iyo ng iyong pamilya ay may tendensiyang mangibabaw. Kaya, kapag may nagagawa kang mali, pinagtatakpan mo ito at nagpapanggap ka, iniisip na, ‘Hindi ako puwedeng magsalita ng anumang tungkol dito, at hindi ko rin papayagan na may sabihing kahit ano ang sinumang nakakaalam ng tungkol dito. Kung magsasalita ang sinuman sa inyo, hindi ko kayo basta-bastang palalampasin. Ang reputasyon ko ang pangunahing priyoridad. Walang kabuluhan ang mabuhay kung hindi ito para sa sariling reputasyon, dahil mas mahalaga ito kaysa anupaman. Kung mawawalan ng reputasyon ang isang tao, mawawala ang lahat ng kanyang dignidad. Kaya’t hindi ka maaaring maging prangka, kailangan mong magpanggap, kailangan mong pagtakpan ang mga bagay-bagay, kung hindi, mawawalan ka ng reputasyon at dignidad, at mawawalan ng saysay ang buhay mo. Kung walang rumerespeto sa iyo, wala kang kuwenta at walang silbi kung gayon.’ Posible bang umasal bilang isang matapat na tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Posible bang maging ganap na bukas at suriin ang iyong sarili? (Hindi.) Malinaw na sa paggawa nito, sumusunod ka sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ na ikinondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Mula sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong naimpluwensiyahan ako ng mga satanikong lason na tulad ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” mula pa noong bata ako. Dahil sa mga kasabihang ito ay masyado kong pinahalagahan ang banidad at pride ko, at mula pagkabata, iniwasan ko na ang anumang puwedeng makasira sa pride ko. Kapag naiisip ko ang mahiyaing personalidad at kawalan ko ng husay sa pagsasalita, tumatakbo at nagtatago ako sa tuwing may mga bisitang pumupunta sa bahay namin dahil natatakot akong ipakita na nakakaasiwa ako. Ngayon, kapag dumadalo ako sa mga pagtitipon kasama si Wang Lu, kapag nakikita ko kung gaano niya kahusay naipapahayag ang sarili niya habang nauutal-utal akong magsalita, natatakot akong kung makikipagbahaginan ako, iisipin ng mga sister na hindi ako magaling magpahayag ng sarili ko at mapapahiya ko ang sarili ko, kaya hindi ako naglalakas-loob na magsalita. Hinihingi sa atin ng Diyos na maging mga matapat na tao at tapat sa mga tungkulin natin, pero wala akong lakas ng loob na makipagbahaginan kapag nakakakita ako ng mga problema dahil gusto kong protektahan ang pride ko. Ni hindi ko magawa ang mga tungkuling kaya kong gawin, at nakita kong masyado kong pinahahalagahan ang pride ko. Idinulot sa akin ng mga pagpapahirap ni Satanas na mawalan ng lahat ng integridad at dignidad. Palihim akong nagpasya na sa tuwing mahaharap ulit ako sa ganoong mga sitwasyon, magkakaroon ako ng tamang mga layunin at hindi ako magpapanggap o magtatago, at na hahangarin kong maging isang matapat na tao at tutuparin ko ang mga tungkulin ko!

Kalaunan, patuloy akong naghanap ng paraan para lutasin ang mga damdamin ko ng imperyoridad. Nakabasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “May ilang tao na labis na introvert mula pa noong bata sila; hindi sila mahilig magsalita at nahihirapan silang makipag-ugnayan sa iba. Kahit nasa hustong gulang na sila sa edad na trenta o kuwarenta, hindi pa rin nila mapangibabawan ang personalidad na ito: Hindi sila sanay magsalita o mahusay sa mga salita, hindi rin sila magaling sa pakikipag-ugnayan sa iba. Pagkatapos nilang maging lider, dahil medyo nagiging limitasyon at hadlang sa kanilang gawain ang personalidad nilang ito, dahil dito ay madalas silang nababagabag at nadidismaya, kaya't nararamdaman nilang napipigilan sila. Ang pagiging introvert at hindi pagkahilig na magsalita ay mga pagpapamalas ng normal na pagkatao. Dahil ang mga ito ay mga pagpapamalas ng normal na pagkatao, maituturing ba na mga pagsalangsang sa Diyos ang mga ito? Hindi, hindi mga pagsalangsang ang mga ito, at tatratuhin ng Diyos nang tama ang mga ito. Anuman ang iyong mga problema, depekto, o mga kapintasan, hindi isyu ang mga ito sa mga mata ng Diyos. Tinitingnan ng Diyos kung paano mo hinahanap ang katotohanan, isinasagawa ang katotohanan, kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at sumusunod sa daan ng Diyos sa ilalim ng mga likas na kalagayan ng pagkatao—ang mga ito ang tinitingnan ng Diyos. Kaya, sa mga usaping nauugnay sa mga katotohanang prinsipyo, huwag hayaan na paghigpitan ka ng mga pangunahing kondisyon tulad ng kakayahan, mga likas na gawi, personalidad, mga kagawian, at mga istilo ng pamumuhay ng tao ng normal na pagkatao. Siyempre, huwag mo ring igugol ang iyong enerhiya at panahon sa pagsubok na lampasan ang mga pangunahing kondisyong ito, o sa pagsubok na baguhin ang mga ito. Halimbawa, kung mayroon kang introvert na personalidad, at hindi ka mahilig magsalita, at hindi ka mahusay sa mga salita, at hindi ka sanay makipag-ugnayan at makisalamuha sa mga tao, wala sa mga bagay na ito ang mga problema. Bagama’t mahilig magsalita ang mga extrovert, hindi lahat ng sinasabi nila ay kapaki-pakinabang o naaayon sa katotohanan, kaya ang pagiging introvert ay hindi isang problema at hindi mo kailangang subukang baguhin ito. … Anuman ang orihinal mong personalidad, iyon pa rin ang iyong personalidad. Huwag subukang baguhin ang iyong personalidad alang-alang sa pagkakamit ng kaligtasan; ito ay isang nakalilinlang na ideya—anumang personalidad ang mayroon ka, isa iyong obhektibong katunayan na hindi mo mababago. Sa usapin ng mga obhektibong dahilan para dito, ang resultang nais na makamit ng Diyos sa Kanyang gawain ay walang kinalaman sa iyong personalidad. Kung makakamit mo man ang kaligtasan ay wala ring kaugnayan sa iyong personalidad. Dagdag pa rito, kung ikaw man ay isang taong nagsasagawa sa katotohanan at nagtataglay ng katotohanang realidad ay walang kinalaman sa iyong personalidad. Kaya, huwag mong subukang baguhin ang iyong personalidad dahil lang sa gumagawa ka ng ilang tungkulin o naglilingkod bilang isang superbisor ng isang partikular na aytem ng gawain—maling kaisipan ito. Ano ang dapat mong gawin kung gayon? Anuman ang iyong personalidad o likas na mga kalagayan, dapat mong sundin at isagawa ang mga katotohanang prinsipyo. Sa huli, hindi sinusukat ng Diyos kung sumusunod ka sa Kanyang daan o kung makakamit mo ang kaligtasan batay sa iyong personalidad kung ano ang taglay mong likas na kakayahan, mga kasanayan, mga abilidad, kaloob, o talento, at siyempre ay hindi rin Niya tinitingnan kung gaano mo napigilan ang iyong mga likas na gawi at pangangailangan ng katawan. Sa halip, tinitingnan ng Diyos kung, habang sinusundan mo ang Diyos at ginagawa ang iyong mga tungkulin, isinasagawa at dinaranas mo ba ang Kanyang mga salita, kung mayroon ka bang kahandaan at kapasyahang hangarin ang katotohanan, at sa huli, kung nakamit mo ba ang pagsasagawa sa katotohanan at pagsunod sa daan ng Diyos. Ito ang tinitingnan ng Diyos. Naiintindihan mo ba ito? (Oo, naiintindihan ko.)” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagiging mahiyain ay isang likas na kondisyon ng mga tao at hindi ito isang probema sa paningin ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay ang baguhin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, hindi ang baguhin ang kakayahan o mga personalidad nila. Dapat na isagawa ng mga tao ang katotohanan at gawin ang mga tungkulin nila sa abot ng makakaya nila batay sa mga likas na kondisyon nila, at kapag nahaharap sa mga hindi wastong layunin, dapat silang maghimagsik laban sa mga layuning iyon at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Ito ang uri ng taong minamahal ng Diyos. Naunawaan ko rin na ang mga tungkulin ko ay dapat na magampanan sa harapan ng Diyos, at na habang ginagawa ko ang mga tungkulin ko, hindi ko dapat palaging inaalala ang iniisip ng iba. Ang pagkakamit sa pagsang-ayon ng Diyos ang pinakamahalagang bagay. Kahit na mahiyain ako at hindi magaling magsalita, kaya ko pa ring tumulong na lutasin ang ilan sa mga kalagayan at problema ng mga baguhan, at kapag nakikipagbahaginan ako sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ito ng mga baguhan at nagkakamit sila ng kaunting pakinabang. Hindi ako hinahadlangan ng mga depekto sa personalidad ko na magawa nang maayos ang mga tungkulin ko. Dagdag pa rito, sandaling panahon pa lang akong sumasampalataya sa Diyos, kaya normal lang na magkaroon ng mga pagkukulang sa mga tungkulin ko. Kailangan ko itong harapin nang tama, makipagbahaginan sa abot ng nauunawaan ko, hindi magpanggap o magtago, at matuto mula sa mga kapareha kong sister para punan ang mga pagkukulang ko. Sa ganitong paraan, hindi ko lang magagawa ang mga tungkulin ko, mapupunan ko pa ang mga kakulangan ko. Nang matukoy ko ito, nabawasan ang presyur na nararamdaman ko, at naging handa akong baguhin ang maling kalagayan ko, at makipagtulungan nang matiwasay sa mga kapareha kong sister para tuparin ang mga tungkulin namin nang may iisang puso at isip.

Hindi nagtagal, napili ako bilang isang lider ng iglesia at nakikipagtulungan ako kay Sister Li Hui. Naging mangangaral si Li Hui dati, at may mahusay siyang kakayahan at kakanyahan sa gawain. Noong unang beses akong nakipagtipon kasama siya, may isang sister na nasa hindi magandang kalagayan, at nakipagbahaginan dito si Li Hui tungkol sa mga salita ng Diyos, pero wala masyadong pang-unawa ang sister. Naisip ko kung paanong katatapos ko lang pagdaanan ang katulad ng kalagayan niya, kaya may gusto akong idagdag. Pero sa sandaling buksan ko ang bibig ko para magsalita, bumilis ang tibok ng puso ko, at isip ako nang isip kung paano ipapahayag ang gusto kong sabihin. Nag-alala ako kung ano ang iisipin sa akin ni Li Hui kung hindi ako makikipagbahaginan nang maayos, at naisip ko, “Huwag na nga lang, makikinig na lang ako sa pakikipagbahaginan niya. Kung hindi kayang lutasin ng pagbabahaginan niya ang mga problema ng sister, paanong magiging mas mahusay ang sa akin?” Sa mga kaisipang ito, wala akong naramdamang anumang pagpapahalaga sa pasanin, at nagsimula pa nga akong antukin nang kaunti. Napagtanto kong mali ang kalagayan ko, na tungkulin ko ring tumulong na lutasin ang kalagayan ng sister, at na dapat kong gawin ang makakaya ko para pagbahaginan ang nauunawaan ko. Kaya agad akong nagdasal sa Diyos, “O Diyos, natatakot ako na kung hindi ako makikipagbahaginan nang maayos, hahamakin ako ng sister, at humantong na naman ako sa pagiging isang tagasunod lang. O Diyos, ayaw kong magpatuloy nang ganito. Pakiusap, ibigay Mo sa akin ang pananalig at lakas ng loob na kailangan ko para maghimagsik laban sa laman ko at isagawa ang katotohanan.” Pagkatapos magdasal, naging mas kalmado ako, at naisip ko, “Baguhan lang ako, kaya tiyak na magkakaroon ng mga pagkukulang sa pagbabahaginan ko, pero kahit na pagtawanan ako ng sister, pagbabahaginan ko pa rin ang nauunawaan ko sa harapan ng Diyos.” Sa wakas ay nakakuha na ako ng lakas ng loob na magsalita sa pakikipagbahaginan. Sa gulat ko, sa pamamagitan ng pagbabahaginan ko, natukoy ng sister ang mga isyu niya, at para akong nabunutan ng napakalaking tinik, at hind mailarawan sa mga salita ang kapanatagan at kasiyahang nadama ko. Taimtim kong pinasalamatan ang Diyos sa pagpapatnubay sa aking magawa ang hakbang na ito. Kalaunan, kapag dumadalo ako sa mga pagtitipon kasama ang mga sister na magaling magsalita, hindi na ako napipigilan ng mga alalahanin tungkol sa pride ko kagaya ng dati, at nakikipagbahaginan ako sa abot ng nauunawaan ko. Napakasarap sa pakiramdam na magsagawa sa ganitong paraan! Salamat sa Diyos!

Sinundan:  90. Naranasan Ko ang Kagalakan ng Pagiging Matapat

Sumunod:  92. Ang mga Alalahaning Nasa Likod ng Kawalan ko ng Pagnanais na Ma-Promote

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger