93. Ang Paggising ng isang Alipin ng Pera

Ni Mei Hua, Tsina

Noong bata ako, nakatira ang pamilya ko sa isang liblib na mabundok na lugar. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng mga magulang ko, at napakahirap ng buhay. Narinig ko sa mga taong bumalik mula sa pagtatrabaho sa ibang lugar na maraming oportunidad sa siyudad para kumita ng pera, at na talagang mas maganda ang buhay roon. Kaya inasam ko ang buhay sa malaking siyudad, at umasa akong isang araw ay makakaalis ako sa kabundukan at makakalipat sa malaking siyudad para puwede akong kumita ng pera at mapaganda ko ang pamumuhay ng pamilya ko, at mainggit sa akin ang mga tao sa baryo namin. Nag-aral ako nang mabuti, at palaging maganda ang mga grado ko, pero pagdating ko sa unang taon ng middle school, hindi na ako kayang paaralin ng pamilya ko, kaya kinailangan kong huminto. Pero hindi nagbago ang pagnanais kong makaalis sa kabundukan, at umasa pa rin akong kikita ako nang malaki sa siyudad para magkaroon ng mas magandang buhay at mainggit ang lahat sa akin.

Noong 2007, may nagpakilala sa akin sa isang potensyal na mapapangasawa na tagasiyudad. Akala ko ay hahantong sa mas magandang buhay ang pagpapakasal sa kanya, pero pagkatapos magpakasal sa kanya, natuklasan kong ang pamilya niya ang pinakamahirap sa lugar na iyon. Hindi nakapag-aral ang asawa ko at mga kapamilya niya at umaasa lang sa mabigat na trabaho para makapaghanapbuhay. Ni walang maayos na bubong ang bahay nila na sila lang din ang gumawa. Gawa sa semento ang mga pader at sahig, at sa tuwing umuulan nang malakas, tumutulo ang tubig sa loob ng bahay. Ang pinaka-ikinalungkot ko ay na hindi kami pinapansin ng ilan sa mga kapitbahay namin dahil sa mahirap na pamumuhay namin, na nagdulot sa aking pagsisihan ang kahangalan ko sa pagdedesisyon. Pero nang maisip ko ang katunayang nakapag-asawa ako ng lalaking nakatira sa malaking siyudad, kung saan mas maraming oportunidad para kumita ng pera kaysa sa probinsya, naniwala akong basta’t magtatrabaho kami nang husto ng asawa ko, siguradong patuloy na aasenso ang buhay namin, at sa sandaling kumita kami ng pera, kaiinggitan kami ng mga kapitbahay namin.

Makalipas ang isang taon, nakahanap ang asawa ko ng mabigat na trabaho sa isang pabrika ng hardware, at hindi nagtagal pagkatapos kong manganak sa anak naming lalaki, nakahanap ako ng trabaho na gumagawa ng mga gawang-kamay na paghahabi. Para kumita nang mas malaki, madalas akong magtrabaho hanggang alas dos o alas tres ng madaling araw, at sa paglipas ng panahon, napagod ako nang husto. Minsan sa sobrang sakit ng mga braso ko ay ni hindi ko na maitaas ang mga iyon, at namamaga ang parehong pulso ko. Pero kapag naiisip ko kung paanong kikita ako ng kaunti pang sentimo kapag nakatapos ako ng isa pang gampanin, pakiramdam ko ay sulit ang mga paghihirap na ito. Lalo na kapag ginagamit ko ang perang pinaghirapan kong kitain para bumili ng pagkain at mga pangangailangan para mapabuti ang buhay namin, pakiramdam ko ay sulit ang mga paghihirap na ito. Kaya lalo pa akong nakumbinsi na basta’t magtitiis lang kami ng asawa ko ng mga paghihrap, siguradong hindi magiging mas masahol ang buhay namin kaysa sa buhay ng sinuman.

Isang araw, dumating ang tiyahin ng asawa ko para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, sinasabi na, “Naparito na ang Tagapagligtas, at Siya ang Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa mga tao sa mga huling araw. Mapoprotektahan lang ang mga tao ng Diyos at makakaligtas sa malaking kalamidad sa pamamagitan ng pagtanggap sa pagliligtas ng Diyos at pagkawala sa kasalanan. …” Sumampalataya ako sa Diyos sa puso ko, pero pagkatapos ay naisip ko, “Nakatira pa rin ako sa isang bahay na may tulo, napakabata pa ng anak ko, at kailangan namin ng pera para sa lahat ng uri ng bagay. Kung sasampalataya ako sa Diyos, maaantala nito ang pagkita ko ng pera. Hindi ko mahahayaang mangyari iyon. Ang kumita ng pera ang pinakamahalagang bagay para sa akin ngayon, at tungkol naman sa pananampalataya sa Diyos, kakailanganin ko lang iyong ipagpaliban hanggang sa gumanda na ang pamumuhay ko.” Kaya, tumanggi ako.

Noong panahong iyon, nagsisimula pa lang maglakad ang anak ko, at naririnig kong sinasabi ng mga tao na mabigat ang trabaho sa pabrika ng pagkain, pero tatlo hanggang apat na beses na mas mataas ang suweldo kaysa sa kinikita ko sa puntong iyon. Medyo natukso ako, naisip ko, “Basta’t hindi ako natatakot sa hirap o pagod, kikita ako ng mas malaking pera sa pabrika ng pagkain. Hindi ba’t hahantong iyon sa mas magandang buhay?” Kaya ipinagkatiwala ko ang anak ko sa biyenan kong babae at nagtrabaho ako sa pabrika ng pagkain. Noong panahong iyon, paminsan-minsan ay sinasabi ng asawa ko na sumasakit nang sobra ang likod niya, pero hindi ko talaga iyon sineryoso, iniisip ko, “Paano ka kikita ng pera nang hindi nagtatrabaho nang husto? Hindi ba’t madalas akong nag-o-overtime hanggang alas dos o alas tres ng madaling araw? Sa pagpupursige lang tayo kikita nang mas malaki.” Kaya nagtiis at nagpursige kami ng asawa ko para magkasamang kumita nang mas malaki. Hindi nagtagal, nakahanap ako ng isa pang trabaho sa pabrika ng hardware na nagpapatakbo ng mga gilingan. Habang pinapakinis ko ang mga kagamitan araw-araw, kailangan kong ilagay ang mga kamay ko sa tubig na may nakalagay na iba’t ibang kemikal para maiwasang mangalawang ang bakal. Dahil hindi ako puwedeng magsuot ng mga guwantes para sa marami sa mga kagamitan, ginugugol ko ang isang buong araw nang nakababad ang mga kamay ko sa tubig na ito. Nagkasakit sa bato ang isa sa mga kasamahan ko dahil sa trabahong ito, pero nagtrabaho pa rin ako rito nang walo o siyam na taon. Nagtrabaho kami nang husto ng asawa ko at kumita ng kaunting pera, at malaki ang inasenso ng pagkain at damit na nabibili namin kumpara sa dati, at nakaipon pa nga kami para sa paunang bayad sa isang bahay. Ang mga kapitbahay namin, na dating hindi namamansin sa amin dahil mahirap kami, ay nagsimulang makipaglapit sa amin, bumabati sa amin nang nakangiti sa pagdating at pag-alis nila, at nagsasalita pa nga sila tungkol sa amin nang naiinggit, sinasabing kami, bilang mag-asawa, ay masipag at mas gumanda ang pamumuhay dahil sa mga pagsisikap namin. Medyo nakaramdam ako ng pagmamalaki nang marinig ko iyon, at pakiramdam ko, sa wakas ay nabubunga na ang mga taon ng pagtatrabaho ko nang husto, at wala na akong isasaya pa. Pero isang umaga, habang naggagayak kami ng asawa ko para pumasok, bigla siyang napasigaw sa sakit mula sa kama, at natatarantang nagpadala sa akin sa ospital. Sinuri siya ng doktor at sinabing marami siyang nakausling segmental disc sa ibabang gulugod niya. Inirekomenda ng doktor ang operasyon, kung hindi ay manganganib siyang maparalisa. Sabi nito ay magkakahalaga ng mahigit isandaang libong yuan ang operasyon. Natigilan ako, “Mahigit isandaang libong yuan? Iyon na ang lahat ng pinaghirapan naming pagtrabahuhan ng asawa ko sa lumipas na mga taon, pero mawawala ang lahat ng iyon dahil lang sa isang karamdaman. Hindi ba’t mapupunta sa wala ang lahat ng taon na ito ng pagdurusa? Pero kung hindi siya magagamot at hahantong sa pagkaparalisa, sino na ang makakasama kong lumaban para sa pamilyang ito? Hindi ba’t lalo lang hihirap ang buhay namin?” Mukhang ganoon din ang pagkabagabag ng asawa ko, at hindi niya kayang haraping makita na basta na lang mawala ang perang pinaghirapan niyang kitain, kaya nagpasya siyang umuwi at magpahinga. Noong panahong iyon, ako lang ang nag-uuwi ng pera sa bahay, kaya lalo pa akong nagtrabaho nang husto, at kahit na masama ang pakiramdam ko, nagtitiis at nagpupursige ako.

Isang araw, makalipas ang mga tatlong buwan, habang naghahanda akong umalis papasok sa trabaho, biglang sumakit nang matindi ang leeg ko, sa sobrang sakit ay hindi ko maiangat ang ulo ko, lahat ng tinitingnan ko ay malabo at madilim, at pakiramdam ko ay lalabas ang mga kinain ko. Hinimok ako ng asawa kong pumunta agad sa ospital. Sinabi ng doktor na mayroon akong tatlong malubhang pag-usli sa itaas at ibabang gulugod ko, at na naiipit na ng nakausling disc sa ibabang gulugod ang mga ugat sa kaliwang binti ko. Magkakahalaga ng mahigit 200,000 yuan ang operasyon, at maaari pa rin ngang hindi magamot ang karamdaman ko. Pero kung pababayaang hindi nagagamot, puwede akong humantong sa pagkaparalisa. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko ay mahihimatay ako, habang iniisip na, “May sakit pa ang asawa ko, at ngayon ay puwede rin akong maparalisa. Ni hindi sapat ang perang pinaghirapan naming pagtrabahuhan ng asawa ko para makapagpadoktor kaming dalawa! Sa lahat ng taon na ito, nagtrabaho kami nang napakatindi para kumita ng pera, pero sa huli, wala kaming natamasa, at pareho kaming humantong sa pagkakaroon ng maraming karamdaman. Talaga bang pinagtrabahuhan namin ang lahat ng perang iyon para lang sa wala? At dagdag pa rito, kahit na gastusin namin ang pera, walang katiyakang gagaling ako, at pagdating ng panahon, mawawala na ang pera, pati na ang buhay ko. Para saan ba ako nabubuhay sa buong buhay na ito?” Gulong-gulo ako, at ginugol ko ang mga araw ko nang mapanglaw. Kalaunan, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng isang kamag-anak, nakahanap kami ng asawa ko ng mas magagaan na trabaho. Nakatanggap din kami ng kaunting pera mula sa demolisyon ng bahay namin, at parang nagsisimula nang bumuti ang buhay namin. Gayumpaman, dahil sa pananakit ng katawan ko ay madalas kong maramdamang may mangyayaring masama, at naiisip ko, “Bigla na lang kaya akong mapaparalisa? Paano kung bigla akong malagutan ng hininga?” Habang mas iniisip ko ito, lalo akong natatakot, at madalas kong pinagsisisihan kung gaano ako naging kahangal sa lahat ng taon na ito, hindi talaga pinahahalagahan ang katawan ko para lang kumita ng pera, at ngayon kahit na nagkaroon ako ng kaunting pera, walang halaga ng pera ang makagagamot sa karamdaman ko. Nag-alala ko, “Paano ako magpapatuloy nang ganito?”

Sa paghihirap at kalituhan ko, ipinangaral ulit sa akin ng tiyahin ko ang ebanghelyo. Nagpatugtog siya ng himno para sa akin na pinamagatang “Ang Kapalaran ng Tao ay Kontrolado ng Mga Kamay ng Diyos.” Narinig kong ipinahayag ng liriko ng himno: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagmamadali at nag-aabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong mga sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, isa ka pa rin bang nilikha?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Agad na naantig ang puso ko sa kantang ito. Sa lahat ng taon na ito, nagtrabaho ako nang walang kapaguran para kumita ng pera at nagtiis ng maraming paghihirap, para lang magkaroon ng buhay na kaiinggitan ng iba, pero sa huli, pareho kaming nagkasakit ng asawa ko at nahaharap sa pagkaparalisa. Kung mamamatay kami, ano ang magiging pakinabang ng lahat ng perang kinita namin? Nang maisip ko ito, napagtanto kong ang kapalaran ng isang tao ay talagang wala sa sarili niyang mga kamay. Sa sumunod na ilang araw, pumupunta ang tiyahin ko para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos kasama ko, at nakikipagbahaginan siya sa akin tungkol sa pinagmulan ng sangkatauhan, sa mga misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at sa layunin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Nakita kong napakaraming ipinahayag na katotohanan ang Diyos, na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos, at nakatiyak ako na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos at kaya Niyang iligtas ang sangkatauhan. Ipinangaral ko rin ang ebanghelyo sa asawa ko, at magkasama naming tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Pagkatapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, marami akong nabasang sipi ng mga salita ng Diyos. Isang araw, nakabasa ako ng ilan sa mga salita ng Diyos: “Kapag hindi alam ng mga tao kung tungkol saan ang kapalaran o kapag hindi nila nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, nangangapa at nag-aapuhap lang sila sa hamog batay sa sarili nilang kalooban, at na masyadong mahirap ang paglalakbay na iyon, masyadong nakakadurog ng puso. Kaya kapag napagtanto ng mga tao na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at magpaalam sa masasakit na araw ng ‘pagsubok na bumuo ng isang mabuting buhay gamit ang sarili nilang mga kamay’ sa halip na patuloy na makipagbuno laban sa kapalaran at hangarin ang mga diumano’y mga layon sa buhay sa sarili nilang paraan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya makita ang Diyos, kapag hindi niya malinaw na malaman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang halaga, at hindi masukat ang sakit. Nasaan man ang isang tao, at anuman ang kanyang trabaho, ang diskarte niya para manatiling buhay at ang mga layong hinahangad niya ay walang ibang idinudulot sa kanya kundi walang-katapusang pagkadurog ng puso at pasakit na hindi malimutan, hanggang sa hindi na niya makayang lumingon sa kanyang nakaraan. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, pagpapasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, at paghahangad na matamo ang tunay na buhay ng tao, saka lang unti-unting makakalaya ang isang tao mula sa lahat ng pagkadurog ng puso at pighati, at unti-unting maiwawaksi sa sarili niya ang lahat ng kahungkagan ng buhay ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kung hindi lalapit ang mga tao sa Diyos, makakapamuhay lang sila sa ilalim ng panlalansi ni Satanas, naghahangad ng pera, kasikatan at pakinabang. Mapoprotektahan lang tayo ng Diyos at makakatakas sa mga pinsala ni Satanas sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos, pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos Niya, at paghahangad ayon sa landas kung saan tayo inakay ng Diyos. Nang mapag-isipan ko ito, isa akong taong matinding nagdusa sa mga kamay ni Satanas. Hindi ko nakilala noon ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at palagi kong gustong umasa sa sarili ko para makaalis sa kabundukan at magkaroon ng magandang buhay sa malaking siyudad na kaiinggitan ng iba. Pero hindi natupad ng pinagmulang pamilya ng asawa ko ang mga pagnanais ko, kaya ginusto kong umasa sa pagtatrabaho para kumita ng pera at mabago ang dukha kong kapalaran, ginagamit ang sarili kong mga kamay para gumawa ng mas magandang buhay at maging isang mayamang tao na kaiinggitan ng iba. Nagkandakuba ako sa pagtatrabaho para kumita ng pera, at kahit na malalang napinsala ng trabaho ang katawan ko, hindi nito napigilan ang paghahangad ko sa kayamanan. Sa huli, bukod sa hindi ako kumita ng maraming pera, napagod at nagkasakit ako, at naharap pa nga ako sa pagkaparalisa. Dahil sa masasakit na alaalang ito ay talagang naramdaman ko na hindi talaga kayang kontrolin ng mga tao ang sarili nilang kapalaran. Palagi kong ninanais na umasa sa sarili ko para mabago ang kapalaran ko, pero sa huli, napahirapan ako ng panlalansi ni Satanas.

Kalaunan, tinanong ko sa sarili ko, “Bakit ba dati ay handa akong magdusa at magpakahirap para sa pera pero ayaw kong sumampalataya sa Diyos at lumapit sa Kanya?” Magkasama naming nabasa ng asawa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng hayagang pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil hindi nauunawaan ng mga tao ang kasabihang ito sa parehas na antas, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa salapi. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang salapi upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa salapi at ipagpitagan ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa salapi? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang salapi, na ang kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa salapi? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya? Habang sumusulong ka mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito tungo sa pagtanggap dito bilang katotohanan sa huli, lubos na nahuhulog ang iyong puso sa kamay ni Satanas, at kung gayon ay naipapamuhay ang kasabihang ito nang hindi mo namamalayan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong lumalayo ang mga tao sa Diyos at sa katotohanan dahil naiimpluwensiyahan at nalalason sila ng iba’t ibang maling pananaw na itinanim ni Satanas. Ginagamit ni Satanas ang mga kasabihang gaya ng “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain” para akitin ang mga taong hangarin ang pera, idinudulot sa kanilang magpakahirap at igugol ang buong buhay nila para kumita ng pera. Nagdusa ako nang napakatindi sa paggawa nito! Naniwala akong mapapaganda ko ang buhay ko, matatamasa ang mataas na kalidad ng materyal na buhay, makakamit ang respeto mula sa iba, at kaiinggitan ng iba sa pamamagitan lang ng pagkita ng pera. Noong gumagawa ng mabigat na trabaho, araw-araw ay nagpupuyat ako hanggang alas dos o alas tres ng madaling araw para lang kumita ng kaunti pang sentimo. Noong nagtrabaho ako sa isang pabrika ng pagkain, wala akong sapat na tulog, pero kailanman ay hindi ko pinalagpas ang anumang pagkakataong makukuha ko para mag-overtime para sa mas maraming pera. Ang mga kemikal na ginagamit sa trabaho ng paggiling ay lubhang nakapipinsala sa kalusugan ng tao, pero dahil malaki ang bayad, handa akong gawin iyon. Sa lahat ng taon na ito, ang naiisip ko lang ay kung paano kumita ng mas malaking pera. Kahit noong magdulot ang lahat ng mabigat na trabahong ito ng mga problema sa kalusugan naming dalawa ng asawa ko, ayaw ko pa ring antalain ang trabaho para magpahinga, palaging sinasabi sa sarili ko na, “Kung gusto ko ng magandang buhay, kailangan ko itong kayanin at tiisin.” Kalaunan, sa pamamagitan ng pagtatrabaho namin nang husto, kumita nga kami ng kaunting pera, at nakamit namin ang paghanga ng mga kapitbahay namin, pero nasagad naman namin ng asawa ko ang mga katawan namin, at sa kasamaang palad, ni hindi sapat ang perang kinita namin para sa mga operasyon namin. Nabuhay ako ayon sa lason ni Satanas na “Pera ang nagpapaikot sa mundo” at halos humantong na ako sa pagkaparalisa. Ang lalo ko pang pinagsisisihan ay na noong dinala sa akin ng tiyahin ko ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw, tinanggihan ko ito para kumita ng pera. Kung hindi dahil sa paggamit ng Diyos sa tiyahin ko para muling ipangaral sa akin ang ebanghelyo, kamuntik na akong mawalan ng pagkakatong sumunod sa Diyos, makamit ang katotohanan, at maligtas. Talagang naging hangal ako! Sa sandaling ito ko lang napagtantong ginagamit ni Satanas ang pera para kontrolin ang mga kaisipan ko at mangibabaw sa buhay ko, nagdudulot sa puso kong lalo pang mapalayo sa Diyos. Talagang kasuklam-suklam at buktot ang mga taktika ni Satanas para magligaw ng mga tao!

Makalipas ang anim na buwan, nagsimula akong gumawa ng mga tungkulin ko sa iglesia. Noong una, medyo madali ang mga tungkulin ko at hindi nakakaapekto sa pagkita ko ng pera sa trabaho ko, pero kalaunan, nang maging lider ako, nadagdagan ang trabaho ko sa iglesia, at natagpuan ko ang sarili kong kinakapos sa oras. Sa ilang pagkakataon, habang nasa mga pagtitipon, tinatawagan ako ng amo ko, at nag-alala ako na kapag nagpatuloy ako nang ganito ay maaapektuhan ang trabaho at kita ko. Tutal, hindi naman nakakapagod ang trabahong ito, at kung mawawala ito sa akin, wala akong kikitaing pera! Pero alam kong sa pagsubok na balansehin ang trabaho at ang mga tungkulin ko ay maaantala ang gawain ng iglesia. Labis na nagtalo ang kalooban ko, kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, pakiusap, patnubayan Mo akong hindi mapigilan ng pera, at hindi mawala sa akin ang pagkakataon kong magawa ang mga tungkulin ko.”

Isang araw, naunawaan ng mangangaral ang kalagayan ko at kumain at uminom ng isang sipi ng mga salita ng Diyos kasama ko: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabago-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo mangmang sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa, at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa kawalan ng kakayahan ng puso ninyo na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa akin kundi ang inyong pang-aabandona at kawalan ng gana, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? May kaunting pag-aalab pa rin kaya sa puso ninyo? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Mula sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, nakita ko na, pagkatapos tayong magawang tiwali ni Satanas, kapag pinapili sa pagitan ng pera at ng katotohanan, walang pag-aatubili nating pinipili ang pera at tinatalikuran ang pagkakataong hangarin ang katotohanan. Kahit na nakapasok na ako sa sambahayan ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdidilig ng mga salita ng Diyos, nakaunawa ako ng ilang katotohanan, nang sumabay ang gawain ng iglesia sa mga personal na pinansiyal na interes ko, nag-atubili ako at itinuring na mas mahalaga ang pera kaysa sa katotohanan. Hindi ba’t sinusundan ko pa rin si Satanas? Nang mapagtanto ito, nalaman ko na pagbibigay ito ng Diyos sa akin ng pagkakataong muling pumili, para makita kung susunod ako kay Satanas at hahangarin ang pera o susunod sa Diyos at hahangarin ang katotohanan. Habang tinitingnan ko ang mga kapatid sa paligid ko, nakita kong parami nang paraming katotohanan ang nauunawaan nila habang nagsasanay sila sa mga tungkulin nila sa iglesia, at nakita kong nililinang ako ng iglesia para gawin ang mga tungkulin ko bilang isang lider sa pag-asang habang nag-aambag ako ng bahagi ko, makapagkakamit din ako ng mas maraming katotohanan. Para lang kumita ng pera, hindi puwedeng mawala sa akin ang pagkakataon kong makamit ang katotohanan, at hindi ko puwedeng biguin ang mabuting layunin ng Diyos. Isa pa, palagi kong inaalala na kung isusuko ko ang trabaho ko at hindi na ako kikita ng pera, magiging mas masahol sa iba ang pamumuhay namin. Pero ang totoo, kahit na ngayon ay may bahay at kaunting sobrang pera na ako, hindi ko kinita ang alinman dito, bagkus ay ibinigay ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga sitwasyong tulad ng demolisyon ng bahay namin. Talagang napagtanto ko na ang laki ng kayamanang makukuha ng isang tao ay hindi natutukoy ng sarili niyang mga pasya, kundi nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos. Nakita kong kahit gaano ako katinding magsikap sa pamamagitan ng pag-asa sa sarili ko, hindi ako kikita ng perang higit sa kung ano ang nakatadhana para sa akin. Pero nag-alala pa rin ako na kung hindi ako kikita ng pera, magiging mahirap ang buhay ko at hindi ako rerespetuhin ng iba, kaya nag-aalinlangan ako sa pagitan ng pera at ng mga tungkulin ko. Hindi ba’t nasa parehong kalagayan ako noong tinanggihan ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw alang-alang sa pera? Hindi puwedeng magsayang pa ako ng mas maraming oras ko sa paghahangad sa pera at kasiyahan, dahil idudulot nito sa aking mawalan ng pagkakataong makamit ang katotohanan at dadalhin ako sa kapahamakan.

Kalaunan, nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa para magkamit ng higit pang katotohanan. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa pagtatamasa ng pamilya, katiwasayan, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng buong buhay mo alang-alang sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan. Kung namumuhay ka ng gayong isang di-mahalaga at makamundong buhay, at wala kang anumang layong hahangarin, hindi ba’t pag-aaksaya ito sa iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong paraan ng pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi mo dapat itapon ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Naantig ang puso ko sa mga salita ng Diyos, at naunawaan ko na tanging ang paglapit sa Diyos at paghahangad na makamit ang katotohanan ang tunay na mahalaga at makabuluhan. Sa pagbabalik-tanaw, ipinangaral na sa akin ng tiyahin ko ang ebanghelyo labinlimang taon na ang nakakaraan, pero tinanggihan ko ito para kumita ng pera, at napalagpas ko ang pagliligtas ng Diyos nang labinlimang taon! Sa mga taon na ito, nagtrabaho ako na parang robot, gumagawa ng mabigat na trabaho araw-araw, hindi binibigyan ang sarili ko ng sandali para huminto at huminga man lang, at ang resulta, nagkaroon ako ng lahat ng uri ng karamdaman dahil sa kapaguran. Sa huli, iniwanan akong ganap na hungkag ng labinlimang taon ng pagpapakahirap para sa pera, at nakita kong lubos na walang kabuluhan ang ganitong pamumuhay. Naisip ko ang isang kamag-anak ko, na kumita ng maraming pera, kinainggitan ng lahat sa baryo at naging may-ari ng negosyo, pero madalas siyang makihalubilo at uminom kasama ng mga kasosyo sa negosyo, at sa huli ay humantong ito sa sakit sa atay dahil sa pagkalason sa alkohol. Hinimok siya ng doktor na huwag nang uminom. pero para kumita ng mas malaking pera, hindi siya nag-atubiling pinsalain ang katawan niya sa pamamagitan ng patuloy na pag-inom at pakikihalubilo, at kalaunan ay nagkaroon siya ng kanser sa atay at namatay sa murang edad. Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Sinabi sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi mabibili ng pera, kasikatan, at pakinabang ang buhay at hahantong lang sa pagkawasak. Kung hindi ko gagawin nang maayos ang mga tungkulin ko at magpapatuloy ako sa landas ng paghahangad sa pera, siguradong bibigay ang katawan ko, at hindi lang masisira ang buhay ko, mawawala rin sa akin ang pagkakataon kong maligtas. Kahit na mas maliit na ngayon ang kinikita ko kaysa sa dati, madalas naman akong nakakakain at nakakainom ng mga salita ng Diyos at nakakapagbahaginan ng mga karanasan ko sa mga kapatid, na isang biyaya mula sa Diyos! Naunawaan ko rin na pinahintulutan ako ng Diyos na magsanay sa mga tungkulin ko sa iglesia para masangkapan ko ang sarili ko ng mas maraming katotohanan, makilatis ko ang mga pamamaraan kung paano pinipinsala ni Satanas ang mga tao, makilala ko ang tiwaling satanikong disposisyon ko, at mahanap ko ang tamang direksyon sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanang nakakamit ng isang tao mula sa Diyos ay ang buhay na walang hanggan, isang bagay na hindi maaagaw ng sinuman. Hindi ito maihahambing sa pera at ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay. Nang mapagtanto ko ito, nagdasal ako sa Diyos na handa akong isuko ang trabaho ko, at maayos na sumampalataya sa Diyos at gawin ang mga tungkulin ko sa mga darating na araw.

Kalaunan, isinuko ko ang trabaho ko at ganap na inilaan ang sarili ko sa mga tungkulin ko. Ngayon, pareho kaming nasa mabuting kalusugan ng asawa ko, at naglaho nang lahat ang mga sintomas ng pagkahilo, pananakit ng likod, at hirap na dati naming naramdaman. Ang lalong ikinasasaya ko ay na sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga tungkulin ko, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa tiwaling disposisyon ko. Sobra akong nagpapasalamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin sa pagkaalipin sa pera, kasikatan, at pakinabang, at sa pagdadala sa akin sa harapan Niya at pagbibigay sa akin ng mas maraming pagkakataon para makamit ang katotohanan.

Sinundan:  92. Ang mga Alalahaning Nasa Likod ng Kawalan ko ng Pagnanais na Ma-Promote

Sumunod:  95. Paano Tratuhin ang mga Magulang Alinsunod sa Layunin ng Diyos

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger