16. Pagpapasyang Tahakin ang Landas ng Pananalig sa Diyos

Ni Yixin, Tsina

Si Chen Xiao ay may isang maliit na pamilya na masaya at matiwasay, at sobra siyang minamahal ng kanyang asawa. Napakaganda rin ng pakikisama niya sa mga biyenan at kapitbahay niya, at lubos siyang kinaiinggitan ng kanyang mga kamag-anak at kapitbahay. Noong tagsibol ng 2008, mapalad si Chen Xiao na matanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos, naunawaan ni Chen Xiao na ang mga tao ay nilikha ng Diyos, na ang araw, hangin, at ulan na kanilang natatamasa ay pawang ibinigay ng Diyos, at na bilang isang nilikha ay kailangan niyang gawin ang kanyang tungkulin na ipakalat ang ebanghelyo ng Diyos, na nagdadala ng mas maraming tao sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagliligtas. Masayang sumali si Chen Xiao sa mga hanay ng mga nangangaral ng ebanghelyo. Gayumpaman, hindi nagtagal ang magandang sitwasyon na ito, dahil gustong lipulin ng CCP ang iglesia ng Diyos, gumagawa ito ng iba’t ibang tsismis para siraan at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsasagawa ng mga walang habas na pang-aaresto ng mga nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos maniwala sa mga tsismis, ang asawa ni Chen Xiao, na nagtatrabaho nang malayo sa bahay, ay madalas siyang payuhan sa telepono na isuko na ang kanyang pananalig, at nagsimula ang kanyang pamilya na pag-initan at i-pressure din siya.

Isang hapon noong taglamig ng 2010, hindi pa nagtatagal pagkauwi ni Chen Xiao mula sa pangangaral ng ebanghelyo, dumating ang kuya niya, tumuro ito kay Chen Xiao at sinabing, “Nananampalataya ka pa rin ba sa Diyos at naglilibot na ipinangangaral ang ebanghelyo? Huwag mong isiping estupido ako! Hindi pinahihintulutan ng estado ang pananampalatayang ito sa Diyos, at kung talagang sa huli ay maaresto ka, wala na kaming mukhang maihaharap pa sa publiko!” Habang nagsasalita siya, kinuha niya ang kanyang telepono para tawagan ang kanilang mga magulang. Hindi nagtagal, dumating silang lahat. Napagtanto ni Chen Xiao na dinala ng kanyang kapatid ang kanilang mga magulang para pigilan siya sa pananampalataya sa Diyos, kaya sa puso niya ay tumawag siya sa Diyos upang ingatan ang puso niya sa pagkaligalig. Nagmakaawa sa kanya ang kanyang ina, “Anak, buong araw akong pinag-aalala ng pananalig mo. Natatakot ako na isang araw ay maaaresto ka ng mga pulis, at magdurusa ang ating buong pamilya dahil dito. Dapat kang makinig sa iyong ina, bitiwan mo na lang ang pananalig mong ito.” Dahil nakikita niya ang kanyang ina na patuloy na nagmamakaawa sa kanya, inisip ni Chen Xiao, “Hindi madali para sa kanya na palakihin ako, at ngayon ay pinag-aalala ko siya at tinatakot. Hindi ba’t hindi ito pagiging mabuting anak?” Hindi na makayanang tingnan ni Chen Xiao ang mukha ng kanyang ina kaya ibinaling niya ang kanyang ulo. Nang sandaling ito, ang kanyang ama, na naninigarilyo, ay taimtim na nagsabi, “Makinig ka anak! Gawin mo na lang ang sinasabi namin, gaya ng sinasabi ng mga tao, ‘Magdurusa ka sa pagbabalewala mo sa mga nakatatanda sa iyo.’ Paano ba makakapanatiling buhay ang mabubuting tao sa mundo nating ito? Wala tayong mga kamag-anak na nasa kapangyarihan, kaya kung sa huli ay talagang maaresto ka, hindi ka lamang magdurusa, kundi pagmumultahin ka rin, at kung hindi maganda ang kalabasan, puwedeng mawala sa iyo ang lahat. Noong Cultural Revolution, inaresto ng gobyerno iyong isa mong lolo dahil sa pagiging bahagi ng isang ‘relihiyosong grupo’ at binigyan siya ng mahabang sentensiya. Halos mamatay na siya sa kulungan. Alam ng matalinong tao kung kailan dapat umatras at huwag nang lumaban pa kung wala nang pag-asa! Anak, makinig ka na lang sa akin at isuko mo na ang pananalig na ito. Mamuhay na lang tayo nang tahimik para hindi madamay ang buong pamilya rito.” Hindi makayanan ni Chen Xiao na sobrang mag-alala ang mga may-edad na magulang niya, at nag-aalala siya kung ano ang gagawin niya kung sa huli ay maaresto nga siya ng mga pulis at madawit ang pamilya niya. Sa isang panig ay ang mga may-edad niyang magulang, at sa kabila ay ang pananampalataya sa tunay na Diyos at pagsunod sa tamang landas. Naipit si Chen Xiao sa isang mahirap na sitwasyon. Pagkatapos, mariing sinabi ng kanyang kapatid, “Ang gobyernong CCP ay ateista. Hindi ka mapapayapa hangga’t nananampalataya ka sa Diyos. Hindi lamang ikaw ang magdurusa, kundi madadawit din ang buong pamilya natin. Kailangan mo bang maging masyadong matigas ang ulo? Makinig ka na lang sa mga magulang natin at bitiwan ang pananalig na ito.” Sa sandaling ito, nalito si Chen Xiao at hindi siya sigurado kung paano magpapatuloy. Ang magagawa niya lang ay tahimik na manalangin sa puso niya, “Diyos ko, nanghihina ako sa harap ng paghadlang ng aking pamilya. Pakiusap bigyang-liwanag at gabayan Mo ako.” Pagkatapos manalangin, naalala ni Chen Xiao ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Naunawaan ni Chen Xiao mula sa mga salita ng Diyos na, habang tila hinahadlangan siya ng kanyang pamilya, sa realidad, si Satanas ito na gustong gamitin ang panggugulo sa kanya ng kanyang pamilya upang talikuran at ipagkanulo niya ang Diyos, para mawala niya ang kanyang pagkakataong maligtas. Tunay na traydor at malisyoso si Satanas! Bukod dito, nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran ng lahat, at ang mga bagay na dapat danasin ng isang tao at ang pasakit na dapat niyang pagdusahan sa buhay ay pawang natukoy na ng Diyos. Kung maaaresto ba siya o madadamay ba ang pamilya niya ay napagpasyahan na rin ng Diyos. Kailangan niyang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng bagay at magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos. Tahimik na pinasalamatan ni Chen Xiao ang Diyos para sa Kanyang gabay at nagpasya siya: Gaano man siya hadlangan ng kanyang pamilya, hindi siya kailanman susuko sa kanila, tumatanggi siyang hayaang magtagumpay ang mga pakana ni Satanas. Mariin niyang sinabi sa kanyang pamilya, “Nananampalataya ako sa Diyos at tinatahak ko ang tamang landas. Hindi ako gumagawa ng mga ilegal na bagay o sumasali sa politika. Nangangaral ako ng ebanghelyo para magdala ng mas maraming tao sa Diyos para sa kaligtasan. Isa itong mabuting bagay! Hindi kayo nangangahas manampalataya sa Diyos dahil takot kayong maaresto, kaya hindi ko kayo pipilitin, pero hindi ko kayo hahayaang manghimasok sa pananalig ko. Determinado akong manampalataya sa Diyos hanggang sa pinakahuli.” Walang magawa ang kanyang asawa nang marinig ito at nagpatuloy itong manigarilyo nang nakatungo. Nang makita ang matibay na pasya ni Chen Xiao, galit na umalis ang kanyang mga magulang. Pagkatapos ay malupit na sinabi ng kanyang kapatid sa asawa ni Chen Xiao, “Kung hindi siya makikinig at mananatili siya sa pananalig niyang ito, baliin mo ang mga binti niya!” Pagkasabi nito, galit itong umalis. Pagkatapos marinig ang mga salita ng kanyang kapatid, natakot at nalito si Chen Xiao, “Pero kapatid kita! Mabuting bagay ang pananalig ko sa Diyos, bakit napakawalang puso mo sa akin?” Habang iniisip niya kung paanong ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugang pagtitiis ng maling pagkaunawa at pagtanggi mula sa mga kamag-anak, inisip niya kung paano tatahakin ang daan pasulong. Hindi maiwasan ni Chen Xiao na medyo manghina at sa puso niya ay agad siyang tumawag sa Diyos, “Diyos ko, pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at lakas, at patnubayan Mo ako sa daan pasulong.”

Pagkatapos noon, naalala ni Chen Xiao ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Wala ni isa mang tao sa inyo ang protektado ng batas—sa halip, kayo ay pinaghihigpitan ng batas. Ang mas malaking problema pa ay hindi kayo nauunawaan ng mga tao: Mga kamag-anak man ninyo, mga magulang, mga kaibigan, o mga kasamahan, walang isa man sa kanila ang nakakaunawa sa inyo. Kapag kayo ay pinabayaan ng Diyos, imposibleng patuloy kayong mamuhay sa lupa, ngunit magkagayon man, hindi kaya ng mga tao na mapalayo sa Diyos, na siyang kabuluhan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at siyang kaluwalhatian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Pinagnilayan ni Chen Xiao ang mga salita ng Diyos at naunawaan na tinatatwa ng CCP ang Diyos at sinasalungat ang Diyos, na dahil sa pananampalataya sa Diyos sa isang ateistang bansang pinamumunuan ng CCP, ang isang tao ay magdurusa ng pang-uusig at mga pang-aaresto mula sa CCP, pati na ng maling pagkaunawa o pagtakwil pa nga ng kanyang pamilya, at na hindi maiiwasan ang lahat ng ito. Sa mga huling araw, naparito ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan para iligtas ang sangkatauhan, at ang CCP ay labis na sinasalungat at kinokondena si Cristo, inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano at ginagamit ang lahat ng klase ng kasuklam-suklam na paraan upang hadlangan ang mga tao sa pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Kanya, at sa iba’t ibang dako, naglalagay sila ng mga banner at poster, nag-iimbento ng mga tsismis at sinisiraan at tinatanggalan ng kredibilidad ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gumagawa ng lahat ng klase ng kasinungalingan upang siraan at kondenahin ang gawain ng Diyos. Maging ang mga miyembro ng pamilya ng mga Kristiyano ay sinusupil at inuusig, nadadawit ang buong pamilya sa pananalig ng isang tao. Ginagawa ito para mag-udyok ng pagkadismaya at pagkamuhi sa mga Kristiyano mula sa kanilang mga pamilya. Nabulag ng CCP ang marami na hindi nakauunawa sa katotohanan, na nagiging mga kasabwat nito. Naisip ni Chen Xiao ang sarili niyang pamilya na nailigaw at natakot ng mga walang batayang tsismis na ito. Dahil sa takot nilang madawit, kumampi sila sa CCP at inusig at hinadlangan ang kanyang pananalig sa Diyos, ginugulo ang dating matiwasay na pamilya. Ang pinakautak sa likod ng lahat ng ito ay ang CCP, ang satanikong rehimeng ito! Malinaw na nakita ni Chen Xiao na ang CCP ay ang pagkakatawang-tao ni Satanas, isang demonyo na kumakain sa mga tao! Kinamumuhian niya ang demonyong ito mula sa kaibuturan ng kanyang puso, at nagpasya siyang kumawala sa mga gapos at paglilimita nito upang sumunod sa Diyos habambuhay.

Isang araw noong taglamig ng 2011, pagkatapos mag-almusal, lumabas si Chen Xiao para mangaral ng ebanghelyo. Samantala, noong lumabas ang kanyang asawa para makipag-inuman sa mga kaibigan, ininis ng isang kaibigan ang asawa ni Chen Xiao, at sinabing, “Hindi pinapayagan ng estado na manampalataya sa Diyos ang mga tao. Nananampalataya si Chen Xiao sa Diyos at pumupunta sa lahat ng lugar para mangaral ng ebanghelyo, at kung hindi mo siya babantayan at sa huli ay maaresto siya, maaari itong magdulot ng problema sa iyo!” Kinatanghalian, bumalik sa bahay si Chen Xiao at nang makita niya ang kanyang asawa na naghahalungkat ng mga bagay-bagay, kumabog ang dibdib niya. May nakitang isang pirasong papel ang asawa niya sa ilalim ng tabla na ginagamit sa pananahi at may nakasulat dito na mga salita ng Diyos, at habang pinupunit ito, sumigaw ito, “Ilang beses ko nang sinabi sa iyo? Hindi pinahihintulutan ng estado ang pananampalataya sa Diyos, pero nananampalataya ka pa rin! Bakit ayaw mong makinig?” Habang sinasabi ito, ilang beses niyang sinuntok sa dibdib si Chen Xiao. Napaatras nang ilang hakbang si Chen Xiao dahil sa mga suntok, pagkatapos ay umayos at galit na sinabing, “Wala akong sinasaktan sa pananampalataya sa Diyos, bakit hindi mo na lang ako hayaang manampalataya sa Diyos?” Nang sabihin ito ni Chen Xiao, sinimulan siyang tadyakan nang malakas ng kanyang asawa sa binti, at habang ginagawa ito ng kanyang asawa, sinabi nito, “Kapag lumalabas ako, pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko dahil hindi ko makontrol ang sarili kong asawa, napapahiya ako! Ipapakita ko sa kanila kung sino ang may kontrol!” Mabilis na umawat ang kanilang anak, pero nagpatuloy sa pagtadyak sa kanya ang kanyang asawa, at natisod si Chen Xiao at muntik nang bumagsak. Para matakasan ang panggugulpi ng kanyang asawa, tumakbo palabas ng pinto si Chen Xiao. Mabilis na sumunod ang kanyang asawa, dumampot ito ng ladrilyo mula sa tabi ng kalsada at ibinato ito kay Chen Xiao, na tumama sa sakong niya. Tumakbo siya para iligtas ang buhay niya, at nang lumingon siya, nakita niya ang kanyang asawa na hinahabol siya na may dalang makapal na pamalo na ilang talampakan ang haba. Nataranta si Chen Xiao at, nang malapit na siyang makatakas, nahampas siya ng pamalo ng kanyang asawa. Itinaas muli ng kanyang asawa ang pamalo at walang habas na pinagpapalo si Chen Xiao, nang minumura siya habang hinahampas siya, “Papatayin kita sa palo kung hindi mo bibitiwan ang pananalig mong ito!” Hindi siya tumigil hanggang sa maputol sa dalawa ang pamalo. Sa puso niya ay patuloy na tumawag sa Diyos si Chen Xiao at pagkatapos ay isang kapitbahay ang lumabas at inilayo ang kanyang asawa. Lubhang nabugbog si Chen Xiao kaya sobrang nananakit ang buong katawan niya. Nahirapan siyang tumayo at hirap na lumakad papunta sa bahay ng kanyang ate. Nang makita ng kanyang kapatid na puno ng pasa ang mga braso at binti ni Chen Xiao, naghinagpis ito at sinabi nang may luha sa kanyang mga mata, “Ang ginagawa mo lang naman ay manampalataya sa iyong Diyos, pero napakalupit niya! Paano ka niya nagulpi nang ganito?”

Nang gabing iyon, nahiga si Chen Xiao sa kama, hindi mapakali sa kirot at hindi makatulog. Inisip niya kung paanong noon ay matiwasay ang kanyang pamilya, at hindi kailanman nakipagtalo sa kanya ang asawa niya. Pero dahil lamang sa kanyang pananalig sa Diyos, binugbog at minura siya ng kanyang asawa. Sa loob ay nanghina si Chen Xiao, at patuloy na tumawag sa Diyos, “Diyos ko, dahil sa pagharap sa pang-uusig at pagtanggi ng aking pamilya at mga pang-aaresto ng CCP, sobra akong nanghihina. Paano ako susulong?” Pagkatapos manalangin, naalala ni Chen Xiao ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa niya sa isang pagtitipon: “Marahil ay naaalala ninyong lahat ang mga salitang ito: ‘Sapagkat ang magaan na pagdurusa na panandalian lamang ay naghahatid sa atin ng lalong dakila at walang hanggang kaluwalhatian.’ Narinig na ninyong lahat dati ang mga salitang ito, subalit walang sinuman sa inyo ang nakaunawa sa tunay na kahulugan nito. Ngayon, alam na alam ninyo ang totoong kabuluhan ng mga ito. Ang mga salitang ito ay isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw, at matutupad doon sa mga malupit na pinahirapan ng malaking pulang dragon sa lupain kung saan ito nakahimlay na nakapulupot. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at kaaway ng Diyos, kaya nga, ang mga tao sa lupaing ito ay sumasailalim sa pamamahiya at pang-uusig dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, at natutupad ang mga salitang ito sa inyo, ang grupong ito ng mga tao, bilang resulta(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ni Chen Xiao na ngayong naparito na ang Diyos sa mga huling araw upang gumawa at iligtas ang mga tao sa bansa na kung saan pinakamatindi ang pagsalungat at pang-uusig sa Diyos, dapat danasin ng mga nananampalataya sa Diyos ang pang-uusig at kapighatiang ito, at dapat nilang tiisin ang mga paghihirap na ito. Ginagamit ng Diyos ang gayong mga sitwasyon upang ipaalam sa mga tao ang katotohanan, tinutulutan silang makita ang masama, kasuklam-suklam, traydor, at malupit na kalikasan ng malaking pulang dragon sa gitna ng pang-uusig at kapighatian, at na makilala ang mala-demonyong mukha nito bilang kaaway ng Diyos. Binibigyang kakayahan nito ang mga tao na tanggihan ito, talikuran ito, at manindigan sa kanilang patotoo tungkol sa Diyos, na ipinapahiya si Satanas. Iyon lamang mga taong sa huli ay mapaninindigan ang kanilang patotoo pagkatapos danasin ang pang-uusig at kapighatian ang kalipikadong tumanggap ng walang hanggang pagpapala. Inisip niya rin kung paanong ang kataas-taasang Diyos ay naparito upang gumawa at iligtas ang sangkatauhan sa isang ateistang bansa, tinitiis na pagtawanan, insultuhin, siraan, tanggihan, usigin, at tugisin Siya ng mga taong mula sa sekular na mundo. Wala Siyang lugar na matutuluyan, pero hindi Siya kailanman sumuko sa pagliligtas sa sangkatauhan. Inisip ni Chen Xiao, “Ano ba naman ang katiting kong pagdurusa kumpara doon?” Sa pag-iisip nito, nadama ni Chen Xiao na napakaliit ng pananalig niya. Napagtanto niya na ang kanyang pagiging negatibo at mahina dahil sa katiting na pagdurusang ito, at maging ang maling pagkaunawa at pagrereklamo niya laban sa Diyos, ay nangangahulugang tunay na wala siyang konsensiya at katwiran! Nalaman niya rin na mahalaga at makabuluhan ang pagdurusa para makamit ang kaligtasan sa kanyang pananalig, at sa puso niya ay patuloy niyang pinasalamatan at pinuri ang Diyos! Habang lumalaki ang nadarama niyang kalayaan sa puso niya, malaki rin ang nababawas sa pananakit ng kanyang katawan, at bago pa niya namalayan, nakatulog na siya.

Kinaumagahan, bumalik si Chen Xiao sa bahay. Dinuro siya ng kanyang asawa at sinabi nito, “Kung sasabihin mo lang na bibitiwan mo ang iyong pananalig, tatratuhin kita na parang prinsesa at tutustusan kita, at hindi mo kakailanganing magtrabaho. Kung bibitiwan mo lang ang pananalig mo, puwede mong gawin ang anumang gusto mo!” Nang marinig ito, inisip ni Chen Xiao, “Magmula nang maging mag-asawa tayo, walang pagod na akong nagtatrabaho, nagpupuyat at nagsisikap na manahi ng damit para sa iba upang suportahan ang pamilyang ito. Pinagod ko ang sarili ko hanggang sa punto na dinapuan ako ng mga sakit, at ginugol ko ang mga araw ko na ibinubuhos sa pamilyang ito ang puso at kaluluwa ko. Ngayon, dahil lamang sa pananalig ko, binalewala mo ang ating pagsasama bilang mag-asawa at walang awa akong ginulpi. Tao ka ba?” Napagtanto ni Chen Xiao na hindi titigil ang asawa niya hanggang mapilit siya nitong ipagkanulo ang Diyos. Habang mas iniisip niya ito, mas nagagalit siya. Naalala niya ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa niya dati: “Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga layon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang layon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais? … Walang ugnayan sa pagitan ng isang nananampalatayang esposo at ng isang walang pananampalatayang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga nananampalatayang anak at mga walang pananampalatayang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, ang mga tao ay may mga kamag-anak sa laman, ngunit sa sandaling pumasok sila sa pamamahinga, wala nang magiging anumang mga kamag-anak sa laman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Naalala niya rin ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan, alam niyo na Ako’y unang kinapootan nito bago kayo. Kung kayo’y sa sanlibutan, ay iibigin ng sanlibutan ang sa kanya: ngunit sapagkat kayo’y hindi sa sanlibutan, kundi kayo’y hinirang Ko mula sa sanlibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan(Juan 15:18–19). Pinagnilayan ni Chen Xiao ang mga salita ng Diyos. Nagbalik-tanaw siya kung gaano siya nagpakapagod upang kumita at suportahan ang kanyang pamilya, inaalagaan kapwa ang matatanda at mga bata. Nagmalasakit lang sa kanya ang asawa niya noong nakikinabang pa ito. Pagkatapos niyang matagpuan ang Diyos, lumabas ang tunay na kulay ng kanyang asawa dahil natakot ito na ang pag-aresto ng CCP sa kanya ay magdadawit dito at magbabanta sa mga interes nito. Binalewala nito ang kanilang pagsasama upang protektahan ang sarili nitong mga interes, ginagawa ang anumang kaya nito para hadlangan ang pananalig ni Chen Xiao sa Diyos, maging ang paggamit ng karahasan. Noon napagtanto ni Chen Xiao na wala talagang tunay na pagmamahal sa kanya ang kanyang asawa. Tunay na hindi magkatugma ang mga mananampalataya at walang pananampalataya. Ang diwa ng kanyang asawa ay sa diyablo na namumuhi at sumasalungat sa Diyos. Kaaway siya ng Diyos. Sa pag-iisip nito, naunawaan ni Chen Xiao kung paano siya dapat magsagawa. Dahil nakita niyang papalapit na ang oras para sa pagtitipon, matalino niyang sinabi sa kanyang asawa, “Dahil naging napakalupit mo sa akin, malinaw kong nakikita kung anong klaseng tao ka talaga. Determinado akong manampalataya sa Diyos! Nananakit pa rin ang buong katawan ko dahil sa panggugulpi mo sa akin, at kailangan kong magpaineksiyon at bumili ng gamot.” Pagkasabi nito, pumunta si Chen Xiao sa pagtitipon.

Nang tag-init ng 2017, gaya ng dati, pumunta si Chen Xiao sa isang pagtitipon pagkatapos ng almusal. Pagkatapos ng pagtitipon, nang makarating na siya sa pintuan, nakita niya ang kanyang biyenan at nanay na nakaupo sa labas. Nakita ni Chen Xiao ang kanilang mapuputlang mukha, na may mga bakas pa rin ng mga luha, pero hindi niya alam kung ano ang nangyari. Nang makita niya si Chen Xiao, sinabi kaagad sa kanya ng kanyang biyenan, “Ngayong umaga, dalawang sasakyan ng pulisya ang dumating na sakay ang isang grupo ng mga pulis, at sinabi nilang may nag-ulat na nananampalataya ka sa Diyos at gusto ka nilang dalhin sa istasyon ng pulisya para sa ‘reedukasyon.’ Sinabi ko sa kanila na naglalakbay ka, pero hindi sila naniwala sa akin at patuloy na tinanong ang kinaroroonan mo. Sinabi rin nila na kapag bumalik ka na, kailangan naming tawagan sila kaagad, at kung hindi, ituturing kaming nagkakanlong ng isang kriminal.” Pinunasan ng kanyang nanay ang mga luha nito at nanginginig na sinabing, “Kaaalis lang ng mga pulis nang bumalik ka, muntik na talaga! Bilisan mo at magtago ka sa bahay ng kapatid mo!” Nang marinig niya na dumating ang mga pulis para arestuhin siya, sobrang kinabahan si Chen Xiao at kumabog ang dibdib niya. Nang walang masyadong pag-iisip, nagmadali siyang pumasok upang kunin ang mga aklat ng mga salita ng Diyos at ang kaunting damit, at mabilis na umalis sakay ng kanyang electric bike. Nang marinig na dumating ang pulisya upang arestuhin si Chen Xiao, pumunta sa bahay ng kapatid ni Chen Xiao ang kanyang asawa kasama ang isang pinsan. Pinayuhan siya ng kanyang pinsan, “Kasalukuyang inaaresto ng gobyerno ang mga mananampalataya sa lahat ng lugar, at sinabi ng pulisya na ilegal sa Tsina ang pananampalataya sa Diyos, at basta’t may isang tao sa pamilya ang nananampalataya sa Diyos, hindi tatanggapin sa unibersidad o papayagang sumali sa militar ang mga anak, at tatanggalan ng benepisyo ang matatanda. Kung magpapatuloy ka sa pananalig mong ito, madadamay sa iyo ang mga matanda at bata. Kailangan mong isaalang-alang ang buong pamilya.” Sinabi ng kanyang asawa, “Kapag nangyari na ang lahat, hindi mo na mababago iyon, at kung magpapatuloy kang manampalataya sa iyong Diyos, hindi na makakapagpatuloy mabuhay ang ating pamilya!” Medyo nanghina si Chen Xiao nang marinig ang mga sinabi ng kanyang asawa, at naisip niya, “Kukuha na ng entrance exam sa unibersidad ang aming anak, at kung ang aking pananampalataya sa Diyos ay pipigil sa aming anak na makapasok sa unibersidad, at sa huli ay madadawit ang pamilya ko, siguradong sisisihin ako ng aking pamilya.” Nakadama si Chen Xiao ng pagkabagabag, kaya nanalangin siya kaagad sa Diyos, “Diyos ko! Nahaharap ako ngayon sa sitwasyong ito dahil sa pahintulot Mo, at alam ko na nasa mga kamay Mo rin ang CCP. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo ako upang maunawaan ang layunin Mo.” Pagkatapos manalangin, naalala ni Chen Xiao ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa niya dati: “Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Ang pinagsisikapang hanapbuhay, ang ginagawa ng isang tao upang kumita, at kung gaano karami ang natitipong kayamanan ng isang tao sa buhay ay hindi napagpapasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, at sa halip ay itinadhana ng Lumikha(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Naunawaan ni Chen Xiao mula sa mga salita ng Diyos na ang kapalaran ng isang tao ay naitakda na ng Langit. Naisip niya, “Isa lamang akong maliit na nilikha, na hindi magawang kontrolin ang sarili kong kapalaran. Bukod dito, hindi ba’t nasa mga kamay rin ng Diyos ang kapalaran ng anak ko? Kung makakapasok ba sa unibersidad ang anak ko ay hindi pagpapasyahan ng anumang gobyerno o sinumang tao. Kung maaaresto ba ako ng pulisya ay hindi rin pagpapasyahan ng mga pulis.” Nang maunawaan ito, alam na ni Chen Xiao kung paano magsagawa. Pagdating sa kung makapapasok ba ng unibersidad ang kanilang anak at kung maaaresto at makukulong ba siya, handa siyang ipagkatiwala ang lahat ng ito sa Diyos at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos.

Nakita ng asawa ni Chen Xiao ang matibay niyang pasya at na determinado siyang magpatuloy sa kanyang pananalig. Sinabi nito sa kanya, “Nakuha mo ang atensiyon ng mga pulis at kailangan mong magtago. Hindi ka na puwedeng patuloy na maglakas-loob. Bakit hindi ka na lang sumama sa akin na magtrabaho sa Xinjiang para magtago muna sa ngayon?” Napagtanto ni Chen Xiao na gusto ng asawa niya na dalhin siya sa malaking disyerto, kung saan hindi niya magagawang magbasa ng mga salita ng Diyos o dumalo sa mga pagtitipon kasama ng kanyang mga kapatid. Ang layon nito ay ang hadlangan pa rin ang pananalig niya sa Diyos. Sa puso niya ay patuloy na nanalangin si Chen Xiao, hinihingi sa Diyos na bigyan siya ng pananalig upang mapagtagumpayan ang mga pakana ni Satanas. Pagkatapos manalangin, mariin niyang sinabi, “Hindi maayos ang kalusugan ko at hindi ko kayang magtrabaho roon. Hindi ako sasama!” Dahil nakita ng asawa niya na hindi siya nito makumbinsi, galit nitong sinabi, “Tingnan mo nga ang sarili mo, ginalit mo ang buong istasyon ng pulisya, at maaapektuhan din ang ating anak pagdating sa pagpasok sa unibersidad. Hindi ko kayang mapahiya dahil sa bagay na ito. Gusto ko ng diborsiyo!” Nang marinig niyang sabihin ito ng kanyang asawa, nakadama si Chen Xiao ng matinding salungatan sa loob niya. Naisip niya, “Kung talagang diborsiyohin ako ng aking asawa, sinong mag-aalaga sa anak namin? Paano ako makararaos?” Sa pag-iisip ng mga ito, lubos na nahirapan si Chen Xiao. Sa kanyang paghihirap, naalala ni Chen Xiao ang isang himno ng mga salita ng Diyos na kinakanta niya dati:

Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan

1  Dapat kang magdusa ng paghihirap para sa katotohanan, dapat mong isakripisyo ang iyong sarili para sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa para magkamit ng higit pang katotohanan. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa pagtatamasa ng pamilya, katiwasayan, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng buong buhay mo alang-alang sa pansamantalang kasiyahan.

2  Dapat mong hangarin ang lahat ng maganda at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makabuluhan. Kung namumuhay ka ng gayong isang di-mahalaga at makamundong buhay, at wala kang anumang layong hahangarin, hindi ba’t pag-aaksaya ito sa iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong paraan ng pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa isang katotohanan, at hindi mo dapat itapon ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Naunawaan ni Chen Xiao na dapat bitiwan ng isang tao ang mga panandaliang kasiyahan ng laman upang makamit ang katotohanan, at tuparin ang kanyang tungkulin at maging isang nilikha na pasok sa pamantayan upang magpatotoo tungkol sa Diyos, at na kapag ganoon lamang saka may kabuluhan ang buhay. Nakita niya na ang kanyang pananampalataya sa Diyos at paggawa sa kanyang tungkulin ay ang tamang landas, at na kung isusuko niya ang kanyang pananalig sa Diyos upang magbigay-layaw sa mga pisikal na kasiyahan at magtamasa ng katiwasayan ng pamilya, hindi siya nararapat mabuhay sa harap ng Diyos at mawawala ang kanyang pagkakataong maligtas. Kaya sinabi ni Chen Xiao sa kanyang asawa, “Kung gusto mo ng diborsiyo, ituloy mo. Kahit magdiborsiyo tayo, mananampalataya pa rin ako sa Diyos at susunod sa Kanya habambuhay!” Walang nasabi ang asawa niya at marahas itong lumabas sa bahay ng kanyang kapatid. Kalaunan, nakita ng kanyang asawa at ng kanyang pamilya na gaano man nila subukang hadlangan siya, hindi susuko si Chen Xiao, kaya tumigil sila sa pag-aalala sa kanyang pananalig. Mula noon, nagawang dumalo ni Chen Xiao sa mga pagtitipon at malayang gawin ang tungkulin niya.

Sinundan:  14. Isang Kapasyahan sa Gitna ng Pag-uusig at Kapighatian

Sumunod:  17. Ang Natatago sa Likod ng Pagmumukhang Abala

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger