19. Nakita Ko Na Palaging May Mga Dumi sa Likod ng mga Salita Ko

Ni Xiao Fan, Tsina

Ako ang nangangasiwa sa gawain ng pagdidilig sa iglesia. Pagkatapos ng mahigit tatlong buwan, mabagal pa ring umuusad ang gawain ng paglilinang sa mga tagadilig. Ang katuwang kong brother, si Wang Lei, ay madalas akong paalalahanan na maghanap at magnilay tungkol sa isyung ito, pero tuwing ginagawa niya iyon, sa puso ko ay may kaunti akong paglaban, iniisip na hindi naman ako tamad, at na nagsisikap akong lutasin ang mga problema ng mga tagadilig. Napaisip ako, “Bakit kaya palaging napakabagal ng pag-usad nila? Hindi ko alam kung bakit ganoon. Sa tingin ko ay dahil mahina ang kakayahan nila, at dahil masyadong malubha ang mga tiwaling disposisyon nila.” Kaya, tuwing pinapaalalahanan ako ni Brother Wang Lei na ibuod ang gawain, ito ang saloobin ko. Sa tingin ko ay dahil marami na akong natapos na gawain, hindi ko na kailangang magnilay-nilay. Pero naisip ko, “Pagkatapos ng gayong mahabang panahon, wala pa ring mga resulta sa gawain ng paglilinang sa mga tao, at mabagal pa ring umuusad ang mga tagadilig. Siguradong binabantayan ito ng mga lider at superbisor, at kung hindi ko mabubuod ang mga partikular na isyu, ano ang iisipin nila sa akin? Iisipin kaya nila na ganap akong manhid, na hindi ako epektibo sa tungkulin ko at na hindi ko man lang pinagninilayan ang sarili ko? Pero hindi ko talaga alam kung ano ang mga problema ko. Puwede akong magkusang sabihin ang mga isyu at sabihing nahaharap ako sa mga problema at gusto kong maghanap ng landas pasulong. Sa ganitong paraan, hindi lang ako hindi pupungusan ng mga lider, kundi iisipin nilang matapat ako, at na kapag may mga problema sa gawain ko, hindi ko itinatago ang mga iyon kundi nagkukusa akong humingi ng tulong, at iisipin nilang isa akong taong naghahanap sa katotohanan.” Nang maisip ko ito, labis akong natuwa, at na nakaisip ako ng mabisang solusyon sa mga problema ko. Kaya, isinulat ko ang mga problema ko sa ulat ng gawain at sinadyang idagdag sa dulo, “Magpapatuloy akong maghanap; kung may makita kayong anumang isyu, umaasa akong ipaparating ninyo ang mga iyon at tutukuyin sa akin.” Pagkatapos isumite ang ulat, nasiyahan ako.

Isang araw, sinabi ni Wang Lei, “Sumulat ang mga lider na tinatanong kung bakit wala ka pang nakukuhang kahit anong resulta sa gawain mo ng paglilinang sa mga tagadilig.” Naisip ko kung paanong, ilang araw bago iyon, sa ulat ko ng gawain ay humingi ako ng tulong sa mga lider, at na sa paghihingi ng mga lider na siyasatin ni Wang Lei ang sitwasyon ko, malamang ay sinusubukan nilang tulungan akong tukuyin ang mga problema. Pero kalaunan, naisip ko, “Ginagawa ito ng mga lider para siyasatin ang sitwasyon ko. Nagsisimula na kaya silang imbestigahan ako dahil iniisip nilang talagang may mga problema sa tungkulin ko? Matagal ko nang ginagawa ang tungkulin ko nang walang nakukuhang anumang mga resulta. Hindi ko lang alam kung anong matutuklasan nila! Kung matuklasan nilang napakarami kong problema o may ilang malubhang isyu sa tungkulin ko, pupungusan kaya nila ako? Iisipin kaya nilang mahina ang kakayahan ko at na hindi ko kayang gumawa ng aktuwal na gawain, at pagkatapos ay tatanggalin ako? Sobrang nakakahiya iyon!” Nang maisip ko ang mga ito, labis akong nataranta, “Hindi ko inasahang hahantong ang mga bagay sa puntong ito? Hindi ba’t paghuhukay ito ng sarili kong libingan? Ano ang gagawin ko rito?” Anuman ang gawin ko, hindi ko kayang kumalma. Sa gabi, habang nakikinig ako sa tunog ng pagpindot ni Wang Lei sa keyboard, naisip ko, “Ilan kaya sa mga problema ko ang iniuulat niya? Ano kaya ang iisipin sa akin ng mga lider?” Medyo hindi ako mapakali, at hindi talaga ako makatuon sa gawain. Kaya lumapit ako sa Diyos at nagdasal, “O Diyos, alam kong ang kalagayan ko ay talagang naapektuhan ng sitwasyong ito, at hindi ko alam kung anong aral ang dapat kong matutuhan dito. Pakiusap, gabayan Mo akong hanapin ang katotohanan sa usaping ito at malaman ang tiwaling disposisyon ko.”

Kinaumagahan, pagkatapos ng almusal, sinimulan kong basahin ang mga salita ng Diyos at pinagnilayan ko ang kalagayan ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Isang magandang bagay kung matatanggap mong pangasiwaan, obserbahan, at subukang unawain ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, sa pagkakaroon mo ng kakayanang magawa ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan at para matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa iyo, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan mo na ang prinsipyong ito, hindi ba’t hindi ka na makakaramdam ng paglaban o pagbabantay laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Bagama’t paminsan-minsan ay sinusubukan kang unawain ng isang tao, inoobserbahan ka, at pinangangasiwaan ang gawain mo, hindi mo ito dapat personalin. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga gampaning nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para pangasiwaan o obserbahan ka, o umuunawa sa iyo nang malalim, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang saloobin, at pinupungusan, dinidisiplina, at pinagsasabihan ka nila nang kaunti, lahat ng ito ay dahil matapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang negatibong saloobin o emosyon tungkol dito(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (7)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag pinapangasiwaan at sinisiyasat ng sambahayan ng Diyos ang gawain, ito ay para tulungan ang mga tao na ituwid ang mga paglihis at gawin nang maayos ang mga tungkulin nila, at na hindi ako dapat magkaroon ng anumang mga damdamin ng paglaban o pagiging mapagbantay, dahil hindi ito naaayon sa mga layunin ng Diyos. Naisip ko kung paanong, sa panahong ito, bagaman araw-araw akong abala sa tungkulin ko, madalas na nakikipagbahaginan sa mga kapatid sa mga pagtitipon, sa huli, wala pa akong nakakamit na anumang magagandang resulta. Maraming isyu sa gawain ko na hindi ko namalayan, at kung hindi ko kaagad matukoy at malutas ang mga ito sa lalong madaling panahon, patuloy na maaantala ng mga ito ang gawain. Noong mag-usisa ang mga lider mula sa mga kapatid tungkol sa mga isyu sa tungkulin ko, ito ay para tulungan akong makita ang mga dahilan ng mga problemang ito, at makakabuti ito kapwa sa aking gawain at buhay pagpasok. Hindi ako dapat mamuhay sa kalagayan ng paglaban at pagiging mapagbantay dahil sa takot na mapahiya, o magsisi pa sa pag-uungkat ng sarili kong mga isyu. Kailangan kong tanggapin ang pangangasiwa ng mga kapatid ko, at anumang mga isyu ang tukuyin nila, kailangan akong magkaroon ng isang matapat na puso at isang saloobin ng pagtanggap sa katotohanan. Ito ang umaayon sa mga layunin ng Diyos. Sa pag-iisip nito, nakadama ako ng bahagyang kalayaan.

Pagkatapos noon, nagpatuloy akong maghanap, at tinanong ko ang sarili ko, “Malinaw na gusto kong malaman ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako nakakakuha ng anumang mga resulta sa tungkulin ko, pero bakit ako naging masyadong sensitibo at bakit kung anu-ano ang pumasok sa isip ko noong talagang siniyasat ng mga lider ang gawain ko?” Sa pagninilay-nilay ko, napagtanto ko na naging tunay akong mapanlinlang. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang buong sangkatauhan ay namumuhay sa isang satanikong disposisyon. Tulad ni Satanas, nagpapanggap at nagkukunwari ang mga tao sa lahat ng aspekto, at gumagamit sila ng panlilinlang at pandaraya sa lahat ng bagay. Wala silang hindi ginagamitan ng panlilinlang at pandaraya. Gumagamit pa nga ang ilang tao ng panlilinlang sa mga gawaing kasingkaraniwan ng pamimili. Halimbawa, maaaring bumili sila ng isang damit na usong-uso, ngunit—kahit na gustong-gusto nila ito—hindi sila nangangahas na isuot ito sa iglesia, sa takot na pag-uusapan sila ng mga kapatid at tatawagin sila ng mga ito na mababaw. Kaya, isinusuot na lang nila ito kapag hindi nakikita ng iba. Anong uri ng pag-uugali ito? Ito ang pagbubunyag ng isang mapanlinlang at mapandayang disposisyon. Bakit ba bibili ang isang tao ng nauusong kasuotan, subalit hindi naman siya maglalakas-loob na isuot ito sa harap ng kanyang mga kapatid? Sa kanyang puso, mahilig siya sa mga nauusong kagamitan, at sumusunod siya sa mga kalakaran ng mundo gaya ng ginagawa ng mga walang pananampalataya. Natatakot siya na makita ng mga kapatid ang tunay niyang pagkatao, na makita ng mga ito kung gaano siya kababaw, na hindi siya kagalang-galang at marangal na tao. Sa kanyang puso, hinahangad niya ang mga nauusong kagamitan at nahihirapan siyang bitiwan ang mga iyon, kaya maisusuot lang niya ang mga iyon sa bahay at natatakot siyang makita iyon ng mga kapatid. Kung hindi maaaring ipaalam sa iba ang mga bagay na gusto niya, bakit hindi niya iyon mabitiwan? Hindi ba’t mayroong satanikong disposisyong kumokontrol sa kanya? Palagi siyang nagbabanggit ng mga salita at doktrina, at tila nauunawaan niya ang katotohanan, subalit hindi niya maisagawa ang katotohanan. Isa itong taong namumuhay sa isang satanikong disposisyon. Kung ang isang tao ay palaging nandaraya sa salita at sa gawa, kung hindi niya pinahihintulutang makita ng iba ang tunay niyang pagkatao, at kung palagi siyang nagpapanggap na isang banal na tao sa harap ng iba, ano ang kaibahan niya sa isang Pariseo? Gusto niyang mamuhay na parang isang kalapating mababa ang lipad, ngunit mapatayuan din ng isang bantayog para sa kanyang kalinisan. Alam na alam niyang hindi niya maisusuot sa labas ang kakaiba niyang kasuotan, kaya bakit niya binili iyon? Hindi ba’t pagsasayang ito ng pera? Mahilig lang talaga siya sa ganoong uri ng bagay at gustong-gusto niya talaga ang kasuotang iyon, kaya pakiramdam niya ay kailangan niya itong bilhin. Ngunit sa sandaling mabili na niya ito, hindi niya ito maisuot sa labas. Pagkalipas ng ilang taon, pinagsisisihan niyang binili niya ito, at bigla niyang napagtatanto: ‘Bakit naging napakahangal, napakakasuklam-suklam ko na nagawa ko iyon?’ Maging siya ay nasusuklam sa kanyang nagawa. Ngunit hindi niya kayang kontrolin ang kanyang mga kilos, dahil hindi niya mabitiwan ang mga bagay na ninanais at hinahangad niya. Kaya gumagamit siya ng mapagkunwaring mga taktika at panlalansi upang mapalugod ang kanyang sarili. Kung nagbubunyag siya ng isang mapanlinlang na disposisyon sa gayon kaliit na bagay, maisasagawa ba niya ang katotohanan pagdating sa mas malaking bagay? Magiging imposible iyon. Malinaw na, likas sa kanya ang pagiging mapanlinlang, at panlilinlang ang kanyang kahinaan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kapag namumuhay ang mga tao sa mga mapanlinlang na disposisyon, hindi nila matanggap ang pagsisiyasat ng Diyos sa kanilang mga salita at kilos, at sa halip, kumikilos sila sa isang paraan sa harap ng iba at sa iba namang paraan kapag nakatalikod sila. Palagi silang gumagamit ng mga panlalansi para magpanggap, pinapahirapan ang iba na makita ang katotohanan. Ito ang ibig sabihin ng maging isang tunay na mapanlinlang na tao. Nagbalik-tanaw ako sa nakaraan, kapag iniuulat ko ang gawain. Hindi ko talaga naisip na may mga isyu ako sa paglilinang sa mga tao, at inakala ko na marami na akong nagawang gawain, at kahit na pinapaalalahanan ako ng katuwang kong brother na ibuod ang mga paglihis ko, hindi ko iniisip na pagnilayan ang sarili ko. Pero kitang-kita ang katunayan na mahina ang mga resulta ng gawain, kaya ano ang iisipin sa akin ng mga lider at superbisor kung hindi ko malaman ang mga dahilan nito? Para hindi mapahiya, sinadya kong sabihin na nakaranas ako ng mga problema at na gusto kong maghanap ng solusyon. Bagaman tila taos-puso ako sa sinasabi ko, na para bang may kaunti akong malaking pagpapahalaga sa pasanin para sa gawain, sa realidad, wala akong anumang layunin na hanapin ang katotohanan para lutasin ang problema, at nagpapanggap lang ako para makita ng iba, para makita ako ng mga lider bilang isang tao na tila may malaking pagnanais na maghanap at isang tao na matapat. Pero noong tunay na siniyasat ng mga lider ang mga paglihis at isyu sa tungkulin ko, nabunyag ako. Natakot ako na baka malantad ang malulubhang problema sa gawain ko, at na baka isipin ng mga lider na may mahina akong kakayahan, na wala akong mga kapabilidad sa gawain, o na baka tanggalin pa nila ako, kaya namuhay ako nang may mga damdamin ng paglaban, pinagsisisihan na naghanap ako ng gabay tungkol sa mga problema, iniisip pa nga na ang pag-uulat sa mga problema ay paghuhukay ng sarili kong libingan. Nakita ko na ang paghahanap ko sa mga isyu ay hindi para lutasin ang mga iyon, kundi para panatilihin ang katayuan at imahe ko sa puso ng mga lider. Hindi ba’t sinusubukan ko lang na lokohin ang iba at manlinlang? Ito ang tunay na inilantad ng Diyos—ang pagiging doble-kara, at ang kagustuhang mamuhay ng buhay na gaya ng isang kalapating mababa ang lipad, pero gusto ring magkaroon ng monumento ng kalinisang-puri ko. Naisip ko ang mga Pariseo noon. Bagaman mukha silang masyadong relihiyoso, at nag-asam sila sa pagdating ng Mesiyas, noong aktuwal na dumating ang Panginoong Jesus para gumawa, gaano man karaming himala ang ginawa ng Panginoong Jesus o gaano man karaming katotohanan ang ipinahayag Niya, wala silang tinanggap na kahit ano rito. Nilabanan at kinondena pa nga nila ang Panginoong Jesus para protektahan ang kanilang katayuan at mga kabuhayan. Nagmukha silang relihiyoso sa pag-aasam nila sa pagparito ng Diyos, pero sa realidad, sinusubukan lang nilang ilihis ang mga tao, at sila ay walang iba kundi mga mapagpaimbabaw. Paano ba ako umaasal nang naiiba sa mga Pariseo?

Isang umaga sa mga debosyonal ko, naisip ko ang isang pangungusap ng mga salita ng Diyos, “Nagkukunwari silang gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa upang maisakatuparan ang kanilang lihim na pakay.” Nadama ko na umaayon ito nang malapit sa kalagayan ko, kaya nahanap ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pangunahing katangian ng kabuktutan? Ito ay na sadyang masarap sa pandinig ang kanyang mga salita, at ang lahat ng bagay ay parang tama sa panlabas. Mukhang walang anumang problema, at mukhang maayos ang mga bagay sa bawat anggulo. Kapag may ginagawa siya, hindi mo siya makikitang gumagamit ng anumang partikular na diskarte, at sa panlabas, walang anumang tanda ng mga kahinaan o kapintasan, pero naisasakatuparan niya ang kanyang layon. Ginagawa niya ang mga bagay sa isang masyadong malihim na paraan. Ganito inililihis ng mga anticristo ang mga tao. Ang ganitong mga tao at bagay ang pinakamahirap kilatisin. May ilang tao na madalas na nagsasabi ng mga tamang bagay, gumagamit ng mga magagandang palusot, at gumagamit ng mga partikular na doktrina, kasabihan, o kilos na umaayon sa pagkagiliw ng tao upang manlinlang ng mga tao. Nagkukunwari silang gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa upang maisakatuparan ang kanilang lihim na pakay. Ito ay kabuktutan, pero itinuturing ng karamihan ng mga tao ang mga pag-uugaling ito bilang mapanlinlang. Ang mga tao ay may medyo limitadong pang-unawa at paghimay sa kabuktutan. Ang totoo, mas mahirap kilatisin ang kabuktutan kaysa sa panlilinlang dahil mas palihim ito, at mas sopistikado ang mga paraan at kilos nito. Kung ang isang tao ay may isang mapanlinlang na disposisyon, kadalasan, nahahalata ng iba ang kanyang panlilinlang sa loob ng dalawa o tatlong araw ng pakikisalamuha sa kanya, o nakikita nila ang pagbubunyag ng kanyang mapanlinlang na disposisyon sa kanyang mga kilos at salita. Gayumpaman, ipagpalagay nating buktot ang taong iyon: Hindi ito isang bagay na makikilatis sa loob lang ng ilang araw, dahil kung walang anumang mahalagang pangyayari o espesyal na sitwasyong magaganap sa isang maikling panahon, hindi madaling makakilatis ng anumang bagay mula lang sa pakikinig sa kanyang magsalita. Palaging tama ang mga sinasabi at ginagawa niya, at naglalahad siya ng sunud-sunod na tamang doktrina. Pagkalipas ng ilang araw ng pakikisalamuha sa kanya, puwede mong isipin na ang taong ito ay medyo magaling, nagagawang tumalikod sa mga bagay-bagay at gumugol ng kanyang sarili, may espirituwal na pang-unawa, may mapagmahal-sa-Diyos na puso, at parehong may konsensiya at katwiran sa paraan ng kanyang pagkilos. Pero pagkatapos niyang mangasiwa ng ilang usapin, makikita mong ang kanyang pananalita at mga kilos ay nahahaluan ng napakaraming bagay, ng napakaraming mala-diyablong layunin. Napagtanto mong ang taong ito ay hindi matapat kundi mapanlinlang—isang buktot na bagay. Madalas siyang gumagamit ng mga tamang salita at magagandang parirala na naaayon sa katotohanan at nagtataglay ng pagkagiliw ng tao upang makisalamuha sa mga tao. Sa isang banda, itinatatag niya ang kanyang sarili, at sa isa pa, inililihis niya ang iba, nagkakamit ng katanyagan at katayuan sa mga tao. Ang ganoong mga indibidwal ay labis na mapanlihis, at sa sandaling magkamit sila ng kapangyarihan at katayuan, kaya na nilang manlihis at maminsala ng maraming tao. Lubhang mapanganib ang mga taong may mga buktot na disposisyon. May ganoon bang mga tao sa paligid ninyo? Kayo ba mismo ay ganito? (Oo.) Kung ganoon ay gaano ito kaseryoso? Nagsasalita at kumikilos nang walang anumang katotohanang prinsipyo, lubos na sumasandig sa iyong buktot na kalikasan upang kumilos, palaging nagnanais na manlihis ng iba at mamuhay sa likod ng isang maskara, para hindi makita o makilala ng iba, at para igalang at hangaan nila ang iyong pagkatao at katayuan—ito ay kabuktutan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Aytem: Nililihis, Inaakit, Pinagbabantaan, at Kinokontrol Nila ang mga Tao). Inilalantad ng Diyos na ang mga taong may buktot na disposisyon ay nagsasalita at kumikilos sa isang sukdulang malihim na paraan. Tila sinasabi nila ang mga tamang bagay, at mukhang walang kapintasan ang mga kilos nila, pero sa likod ng lahat ng ito, nagtatago sila ng mga buktot na layunin at palagi silang nakatuon sa kanilang reputasyon at katayuan. Para makamit ang paghanga ng iba, gumagamit sila ng mga salita ng pambobola at mga tamang kilos para ilihis ang mga tao, nagtatatag ng magandang imahe nila sa isipan ng iba habang pinipigilan ang iba na matuklasan ang mga mapaminsala nilang layunin. Ito ay tunay na buktot! Sa maingat na pagninilay-nilay, hindi ba’t umaasal ako nang gaya nito mismo? Malinaw na hindi ko hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema ko, pero umaasal ako na para bang masyado akong mapagkumbaba at may malaki akong pagnanais na maghanap, ang layunin ko rito ay hindi lang para pagtakpan ang mga isyu ko, kundi para itatag din sa isipan ng iba ang isang magandang imahe ko bilang isang taong naghangad sa katotohanan. Alam ko na hindi pa nagbubunga ng anumang mga resulta ang gawain ng paglilinang sa mga tao, na hindi pa gaanong umusad ang mga tagadilig, at na kitang-kita ng lahat ang mga bagay na ito. Kung hindi ko ibinuod at pinagnilayan ang mga isyu ko, ano kaya ang iisipin ng lahat tungkol sa akin? Sasabihin kaya nilang hindi ko pinagnilayan ang sarili ko kahit na wala pa akong nakukuhang anumang mga resulta sa tungkulin ko? Iisipin kaya nila na hindi ko hinangad ang katotohanan at na ako ay lubos na manhid? Kung ganoon, mabuti pang magkusa na akong magsabi. Sa ganitong paraan, hindi sila magkakaroon ng negatibong impresyon sa akin dahil sa hindi pagbubunga ng gawain ng anumang mga resulta, at marahil ay iisipin pa nilang isa akong matapat na tao. Ang mga salita ko ay puno ng sarili kong mga nagpapakanang motibo. Sinubukan kong gamitin ang pakunwari kong paghahanap sa katotohanan para magtatag ng isang magandang imahe ng sarili ko sa puso ng mga lider. Nakita ko na tunay na buktot ang kalikasan ko. Gaya ng sinabi ng Diyos: “May ilang tao na madalas na nagsasabi ng mga tamang bagay, gumagamit ng mga magagandang palusot, at gumagamit ng mga partikular na doktrina, kasabihan, o kilos na umaayon sa pagkagiliw ng tao upang manlinlang ng mga tao. Nagkukunwari silang gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa upang maisakatuparan ang kanilang lihim na pakay. Ito ay kabuktutan.” Sa realidad, wala akong nakuhang anumang mga resulta sa tungkulin ko sa loob ng ilang panahon, kaya kinailangan kong pagnilayan ang sarili ko at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Makakabuti ito kapwa sa gawain ng iglesia at sa sarili kong buhay pagpasok. Pero hindi ako nag-alala o nabalisa tungkol sa mga balakid sa gawain ko, kundi sa halip, puno ang utak ko ng mga kaisipan kung paano iwasan ang mapahiya, at kahit sa mga usaping may kinalaman sa gawain ng iglesia at sa paghahanap sa katotohanan, kumikilos ako nang hindi matapat at nang mapanlinlang. Ginawa nitong tunay akong kamuhian ng Diyos.

Kalaunan, tuwing may pahinga ako mula sa gawain, pinagninilayan ko ang kalagayan ko. Naalala ko na ibinahagi ng Diyos na sa pag-asal ay dapat tanggapin ng tao ang Kanyang pagsisiyasat sa lahat ng bagay, at na lahat ng kilos at gawa ay dapat na dalhin sa Diyos. Kaya, nagmadali akong maghanap ng mga salita ng Diyos kaugnay rito. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang maging mananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan na lahat ng ginagawa mo ay kailangang dalhin sa Kanyang harapan at sumailalim sa Kanyang masusing pagsusuri. … Ngayon, lahat ng hindi matanggap ang masusing pagsusuri ng Diyos ay hindi matatanggap ang Kanyang pagsang-ayon, at yaong mga hindi nakakakilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay hindi maaaring maperpekto. Tingnan mo ang lahat ng ginagawa mo, at tingnan mo kung maaari ba itong dalhin sa harap ng Diyos. Kung hindi mo madadala ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos, ipinapakita nito na masamang tao ka. Mapeperpekto ba ang masasamang tao? Lahat ng iyong ginagawa, bawat kilos, bawat layunin, at bawat tugon ay dapat dalhin sa harap ng Diyos. Kahit ang iyong pang-araw-araw na espirituwal na buhay—ang iyong mga dalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ang pakikipagbahaginan mo sa iyong mga kapatid, at ang buhay mo sa loob ng iglesia—at ang iyong pagseserbisyo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ay maaaring dalhin sa harap ng Diyos para sa Kanyang masusing pagsusuri. Ang gayong pagsasagawa ang tutulong sa iyo na lumago sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ang proseso ng pagdadalisay. Kapag mas matatanggap mo ang masusing pagsusuri ng Diyos, mas napapadalisay at mas umaayon ka sa mga layunin ng Diyos, kaya hindi ka maaakit sa kahalayan, at mabubuhay ang puso mo sa Kanyang presensya. Kapag mas tinatanggap mo ang Kanyang masusing pagsusuri, mas napapahiya si Satanas at mas tumataas ang kakayahan mong maghimagsik laban sa laman. Kaya, ang pagtanggap sa masusing pagsusuri ng Diyos ay isang landas ng pagsasagawa na dapat sundan ng mga tao. Anuman ang ginagawa mo, kahit kapag nakikipagbahaginan ka sa iyong mga kapatid, maaari mong dalhin ang iyong mga kilos sa harap ng Diyos at hangarin ang Kanyang masusing pagsusuri at hangaring magpasakop sa Diyos Mismo; gagawin nitong mas tama ang iyong pagsasagawa. Kung dadalhin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos at tatanggapin ang masusing pagsusuri ng Diyos, saka ka lamang magiging isang tao na nabubuhay sa presensya ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang mga Nakaaayon sa Kanyang mga Layunin). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung tinatanggap ng isang tao ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay, kung wala siyang pagkukubli o pagkukunwari sa kanyang mga gawa at kilos, at kung kaya niyang dalhin ang mga bagay na ito sa Diyos, kung gayon, ang taong ito ay namumuhay sa liwanag, at tunay na isang matapat na tao, at matatanggap ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos. Pero kung hindi kayang tanggapin ng isang tao ang pagsisiyasat ng Diyos, kundi sa halip ay palaging nanlilinlang at nanlalansi, kung gayon, ang gayong tao ay tunay na buktot at kasuklam-suklam sa Diyos. Nakakita rin ako ng isang landas ng pagsasagawa mula sa mga salita ng Diyos. Ang gawain ng paglilinang sa mga tao ay matagal nang walang mga resulta, at naapektuhan na nito ang pag-usad ng gawain ng pagdidilig. Kung magpapatuloy akong manlinlang at magkubli ng mga bagay-bagay, hindi malulutas ang mga problemang ito, hindi uusad ang mga tagadilig sa mga tungkulin nila, at hindi nila magagawang diligan nang maayos ang mga baguhan at bigyang-kakayahan ang mga ito na makapaglatag kaagad ng pundasyon sa tunay na daan, at hahantong ito sa lalong mas malalaking kawalan sa gawain ng pagdidilig. Sinisiyasat ng mga lider ang mga problema at paglihis sa gawain ko para tulungan akong gawin nang maayos ang tungkulin ko. Anuman ang mga isyung tukuyin nila, hindi ko dapat isaalang-alang ang sarili kong pride o katayuan, at kailangan kong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos at maging isang matapat na tao. Kailangan kong taimtim na pagnilayan ang sarili ko tungkol sa mga isyu sa gawain ko, ituwid kaagad ang mga paglihis ko, at gawin nang maayos ang tungkulin ko.

Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa lider, at medyo kinakabahan pa rin ako, dahil nag-aalala ako na baka nakatuklas ang lider ng malulubhang problema sa tungkulin ko, at na baka pungusan niya ako. Tahimik akong nagdasal sa Diyos, sinasabi na anumang mga isyu ang tukuyin ng lider, hindi ko na isasaalang-alang ang sarili kong pride, at na hindi na ako magiging mapanlaban o magkukubli, at na kailangan kong tumanggap at pagnilayan nang wasto ang sarili ko. Nang buksan ko ang liham, nakita ko na tinukoy nga ng lider ang mga isyu sa tungkulin ko, pero hindi niya ako pinungusan. Sa halip, humugot siya mula sa sarili niyang karanasan para gabayan ako na pagnilayan ang mga dahilan ng mahihinang resulta sa tungkulin ko. Matapos basahin ang pagbabahagi ng lider, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking kalagayan at mga problema kamakailan. Nakita ko na namumuhay pala ako sa isang tiwaling disposisyon sa buong panahong ito, at na kapag nahaharap ako sa mahihinang resulta sa gawain ko, hindi ko pinagninilayan ang sarili ko kundi patuloy akong nagdadahilan. Naisip ko na patuloy akong nagpakaabala araw-araw, nagbabahagi ng mga solusyon sa mga kapatid, at na nagawa ko na ang pinakamakakaya ko. Samakatwid, naniwala ako na ang kawalan nila ng pag-usad ay hindi ko problema, kundi dahil sa mahina nilang kakayahan. Hindi nagbubunga ng magagandang resulta ang gawain, pero sa halip na pagnilayan ang sarili kong mga problema, palagi akong umiiwas sa responsabilidad. Tunay akong naging mapaghimagsik at naging matigas ang kalooban ko! Gayundin, sa pagninilay-nilay ko, napagtanto ko na ang gawain ko ng paglilinang sa mga tao sa panahong ito ay naglaman nga ng mga paglihis. Kontento ako basta’t may mga gampanin akong gagawin at hindi ako nakatunganga sa bawat araw, pero hindi ko kailanman seryosong hinanap kung paano gawin ang tungkulin ko sa paraan na magbubunga ng mga resulta. Sa paglilinang sa mga tagadilig, hindi ako nagbuod at nagsabi batay sa tunay nilang mga isyu, at sa halip ay sinundan ko lang ang isang padalos-dalos at mekanikal na pamamaraan sa pagkatuto. Dahil dito, kahit matapos ang ilang buwan ng paglilinang, walang mga resulta. Dahil nakita ko na napakaraming problema at paglihis sa gawain ko, alam ko na kailangan kong itama kaagad ang mga iyon. Nang pagnilayan ko kung paano ako nagpanggap na naghahanap sa katotohanan, tunay na nahiya at napahiya ako! Kung tunay na nagkaroon ako ng puso na tumanggap at humanap sa katotohanan, baka mas maaga sanang natuklasan at nalutas ang mga problemang ito, at nakatulong sana ito sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia. Mula ngayon, handa na akong isantabi ang banidad at pride, mas hanapin ang katotohanan sa lahat ng usapin, at gawin ang tungkulin ko sa praktikal na paraan! Salamat sa Diyos!

Sinundan:  18. Kaya Kong Harapin nang Mahinahon ang mga Kakulangan Ko

Sumunod:  20. Isang Pagninilay-nilay tungkol sa Palaging Pagseselos sa Iba

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger