39. Ang mga Kahihinatnan ng Pagiging Mapagpalugod ng mga Tao
Noong Oktubre 2022, nakatanggap kami ni Zhang Qiang ng liham mula sa lider na humihiling sa aming magtulungan para pangasiwaan ang gawaing pangvideo. Pareho kaming medyo natuwa nang matanggap ang liham. Nang gabing iyon, naunang natulog si Zhang Qiang, at napansin kong parang medyo simple ang sagot namin sa lider, kaya nagdagdag ako ng ilang sarili kong mga kaisipan sa dulo. Pagkaraan ng ilang sandali, nagising si Zhang Qiang, at sinabi ko sa kanya na may ilan akong idinagdag sa liham. Sa hindi inaasahan, sinabi ni Zhang Qiang sa nanenermong tono na kumikilos ako nang may pagkadiktador, at sinabihan akong pagnilayan ang aking mga layunin. Medyo nagulat ako, iniisip na, “Nagdagdag lang naman ako ng ilang sarili kong mga kaisipan at hindi ko naman binago ang orihinal na nilalaman, paanong naging pagkilos iyon nang may pagkadiktador? Paano mo ako pagsasabihan nang hindi nauunawaan ang sitwasyon?” Ipinagtanggol ko ang sarili ko gamit ang ilang salita. Pagkatapos magsalita, nagsimula akong mag-isip, “Nagsisimula pa lang kaming magtulungan, kung magkakalamat ang relasyon namin ngayon, paano pa kami magkakasundo kalaunan?” Para maiwasan ang lalo pang alitan, tinanggap ko ang kanyang puna at nagsimulang magnilay sa sarili ko. Kinabukasan, nang magbukas kami ng saloobin sa pakikipagbahaginan, hiniling sa akin ni Zhang Qiang na tukuyin ko ang kanyang mga isyu. Dahil nagtanong siya, tinukoy ko na madalas siyang nagsasalita nang may ere at pinagsasabihan ang iba. Mabilis na sumimangot si Zhang Qiang, at sinabi niyang wala siyang ganoong isyu. Nang makita ang kanyang matigas na saloobin at pagtangging tanggapin ang sinabi ko, natakot ako na kung magpapatuloy ako, magkakalamat ang aming relasyon, kaya sinabi ko, “Baka hindi ko ito nakikita nang malinaw, kung sa tingin mo ay wala kang ganoong isyu, baka nagkakamali nga ako.” Pagkasabi niyon, binago ko ang usapan, at nang makitang lumambot ang kanyang ekspresyon, nakahinga ako nang maluwag.
Pagkatapos niyon, nagsimula akong maging mas maingat sa pakikisama kay Zhang Qiang. Para makaiwas sa alitan kay Zhang Qiang, karaniwan kong hinihintay na siya muna ang magbahagi ng kanyang mga pananaw sa panahon ng mga talakayan sa gawain, at kung ang kanyang opinyon ay katulad ng sa akin, sasang-ayon ako sa kanya. Ngunit kung magkaiba ang aming mga pananaw, sisikapin kong ilahad ito sa pinakamahinahong paraan na kaya ko at hahayaan siyang magpasya. Kung hindi niya mahusgahan kung alin ang tama, magtatanong kami sa lider. Isang beses, sumulat ang ilang kapatid na nagtatanong tungkol sa mga prinsipyo sa paggawa ng mga video. Napansin kong may isang bahagi sa sagot ni Zhang Qiang na hindi masyadong angkop, dahil masyado itong matigas. Alam kong malamang na mailihis ng sagot niya ang iba, pero naramdaman kong kung direkta ko itong sasabihin, malamang na hindi ito pakikinggan ni Zhang Qiang, kaya ayaw ko na itong banggitin sa kanya. Ngunit naisip ko kung paanong hinihingi sa atin ng Diyos na maging matapat at itaguyod ang gawain ng iglesia, kaya tinukoy ko ang isyu kay Zhang Qiang. Gayumpaman, hindi tinanggap ni Zhang Qiang ang sinabi ko at humanap pa siya ng mga dahilan para sabihing tama siya. Bagama’t sa huli ay napagtanto niyang hindi angkop ang kanyang isinulat at pumayag siyang i-edit ko ito, naubos ang lakas ko pagkatapos ng hindi pagkakasundo. Naisip ko, “Mas mabuti pa sanang wala na lang akong sinabi. Ang pagbanggit ng mga ganitong bagay ay humahantong lang sa mga pagtatalo at magdudulot ng pagkaasiwa sa hinaharap. Kung hindi ko ito babanggitin, magkakasundo kami, at mas mapapanatag ako. Sa malao’t madali, ang disposisyon niya ang magpapatigil at bibigo sa kanya. Hahayaan kong magsaayos ang Diyos ng isang sitwasyon para mapungusan siya kalaunan. Hindi ko na isusubo ang sarili ko para salungatin siya.” Pagkaraan ng ilang panahon, dahil madalas na may mga paglihis ang mga video na gawa ng mga kapatid, iminungkahi kong suriin namin ang mga isyu at pag-aralan nang magkakasama ang mga prinsipyo. Hindi natuwa si Zhang Qiang at sinabi, “Nilinaw na nang husto ang mga prinsipyong ito. Kahit sino ay maiintindihan ang mga ito sa isang tingin lang. Bakit pa natin kailangang pag-aralan ang mga ito?” Naisip ko, “Ang mga dating pagkakamali ay dahil sa ating mapagwalang-bahalang saloobin sa mga prinsipyo. Akala natin ay nauunawaan natin ang mga prinsipyo, pero hindi pala talaga natin ito naaarok. Kung hindi pa rin natin ito pag-aaralan nang maayos ngayon, hindi ba’t pareho lang ito ng dati? Hindi puwede iyan. Kung hindi natin pag-aaralan ang mga prinsipyong ito, patuloy tayong magkakaroon ng mga problemang may kinalaman sa prinsipyo.” Kaya gusto ko sana itong sabihin kay Zhang Qiang, ngunit nang nasa dila ko na ang mga salita, nag-atubili ako, iniisip na, “Malinaw na ang posisyon ni Zhang Qiang, ayaw niyang mag-aral. Kung hindi ko na ito muling babanggitin, kahit papaano ay mapapanatili naming payapa ang mga bagay-bagay. Kung makikipagbahaginan ako sa kanya tungkol dito, magtatalo lang ulit kami.” Nang maisip ko kung gaano ako kahindi-komportable sa loob ng ilang araw pagkatapos ng bawat pagtatalo, hindi na ako muling nangahas na banggitin ito. Pagkatapos niyon, unti-unti ko na ring isinuko ang pag-aaral ng mga prinsipyo. Dahil hindi maayos na nakapasok ang mga kapatid sa mga prinsipyo, nagpatuloy ang mga paglihis sa paggawa ng mga video at kakaunti ang pag-unlad.
Hindi nagtagal, hiniling ng lider sa akin at sa ibang mga kapatid na sumulat ng mga pagsusuri tungkol kay Zhang Qiang. Nang makita niyang palaging hindi kayang makipagtulungan ni Zhang Qiang sa iba at naapektuhan nito ang kanyang mga tungkulin, tinanggal siya ng lider. Medyo natuwa ako, dahil sa wakas ay hindi ko na kailangang makipagtulungan pa kay Zhang Qiang. Ngunit kinabukasan, nagpadala ng liham ang lider na nagsasabing dahil matagal nang walang naibubungang resulta ang aming mga video, binubuwag na ang aming pangkat. Nang marinig ko ito, natigilan ako, iniisip na, “Hindi ko pa nga naibibigay ang lahat ko sa tungkuling ito, tapos ngayon ay tapos na ang lahat?” Sa nakalipas na ilang buwan, nakikipagtulungan ako kay Zhang Qiang nang walang mga prinsipyo, ginagampanan ang papel ng isang mapagpalugod ng mga tao, iniiwasan ang alitan hanggang sa puntong halos hindi na ako nagpahayag ng aking mga opinyon, lalo na ang ibuhos ang aking puso at kaluluwa para magawa nang maayos ang gawain. Ngayon, hindi na ako kailangan para sa tungkuling ito, at wala na akong pagkakataong makabawi sa aking mga pagsalangsang. Pagkauwi sa bahay, nagnilay ako sa sarili ko. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hangarin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasya at pagnanais lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o ng masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na lider at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagugulo ang gawain ng iglesia at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang kumpiyansang magsalita? Walang isa man dito; ito ang pangunahing ibinubunga ng mapigilan ng mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyong ito na inilalantad mo ay ang mapanlinlang na disposisyon; kapag may nangyayari sa iyo, ang una mong iniisip ay ang sarili mong mga interes, ang una mong isinasaalang-alang ay ang mga ibubunga, kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa iyo. Ito ay isang mapanlinlang na disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay makasarili at mababang-uri na disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako isang lider, kaya bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko responsabilidad ito.’ Ang gayong mga saloobin at salita ay hindi mga bagay na sadya mong iniisip, kundi inilalabas ng iyong isip nang hindi mo namamalayan—na tumutukoy sa tiwaling disposisyong nabubunyag kapag ang mga tao ay nahaharap sa isyu. Pinamamahalaan ng mga tiwaling disposisyon na tulad nito ang paraan ng iyong pag-iisip, itinatali ng mga ito ang iyong mga kamay at paa, at kinokontrol kung ano ang sinasabi mo. Sa puso mo, gusto mong tumayo at magsalita, ngunit mayroon kang mga pag-aalinlangan, at kahit na magsalita ka pa, nagpapaliguy-ligoy ka, at nag-iiwan ka ng puwang upang makakambiyo, o kaya naman ay nagsisinungaling ka at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nakikita ito ng mga taong malinaw ang mga mata; ang katotohanan, alam mo sa puso mo na hindi mo sinabi ang lahat ng dapat mong sabihin, na ang sinabi mo ay walang bisa, na iniraraos mo lamang ang lahat, at na hindi nalutas ang problema. Hindi mo natupad ang iyong responsabilidad, ngunit lantaran mong sinasabi na natupad mo ang iyong responsabilidad, o hindi sa iyo malinaw ang nangyayari. Totoo ba ito? At ito ba talaga ang iniisip mo? Hindi ba’t ganap ka nang kontrolado ng iyong satanikong disposisyon? Kahit naaayon sa katotohanan ang ilan sa sinasabi mo, sa mahahalagang sitwasyon at isyu, nagsisinungaling ka at nanlilinlang ng mga tao, na nagpapatunay na isa kang taong sinungaling, at nabubuhay ayon sa iyong satanikong disposisyon. Lahat ng sinasabi at iniisip mo ay naiproseso ng utak mo, na humahantong sa pagiging huwad, hungkag, kasinungalingan ng bawat pahayag mo; sa totoo lang, lahat ng sinasabi mo ay salungat sa mga katotohanan, para bigyang-katwiran ang iyong sarili, para sa sarili mong kapakinabangan, at pakiramdam mo ay nakamtan mo na ang iyong mga layon kapag nalihis mo ang mga tao at napaniwala mo sila. Ganyan kang magsalita; kumakatawan din iyan sa iyong disposisyon. Ganap kang kontrolado ng sarili mong satanikong disposisyon. Wala kang kapangyarihan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Gustuhin mo man, hindi mo masabi ang katotohanan o masabi kung ano talaga ang iniisip mo; gustuhin mo man, hindi mo maisagawa ang katotohanan; gustuhin mo man, hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad. Kasinungalingan ang lahat ng sinasabi, ginagawa, at isinasabuhay mo, at pabasta-basta ka lang. Ganap kang bihag at nakokontrol ng sataniko mong disposisyon. Maaaring gusto mong tanggapin at isagawa ang katotohanan, ngunit hindi ikaw ang magpapasya nito. Kapag kinokontrol ka ng iyong mga satanikong disposisyon, sinasabi at ginagawa mo ang anumang ipagawa sa iyo ng iyong satanikong disposisyon. Isa ka lamang tau-tauhan ng tiwaling laman, naging kasangkapan ka ni Satanas. Pagkatapos, nanghihinayang ka sa muli mong pagsunod sa tiwaling laman at sa kung paano ka maaaring nabigong isagawa ang katotohanan. Iniisip mo, ‘Hindi ko kayang mag-isang madaig ang laman at dapat akong manalangin sa Diyos. Hindi ako tumindig upang pigilan ang mga nanggugulo sa gawain ng iglesia, at binabagabag ako ng aking konsiyensiya. Nagpasya na ako na kapag nangyari ulit ito ay dapat akong manindigan at pungusan ang mga gumagawa ng mga kamalian sa pagganap ng mga tungkulin nila at sa mga nanggugulo sa gawain ng iglesia, upang sila ay umayos at tumigil na sa walang ingat na pagkilos.’ Pagkatapos mong makapag-ipon sa wakas ng lakas ng loob na magsalita, matatakot ka at aatras sa sandaling magalit ang kausap mo at hampasin niya ang mesa. Kaya mo bang maging lider? Ano ang silbi ng determinasyon at tibay ng loob? Parehong walang silbi ang mga ito. … Hindi mo hinahanap ang katotohanan kailanman, at lalong hindi mo ito isinasagawa. Palagi ka lamang nagdarasal, nagreresolusyon, nagtatakda ng mga mithiin, at nangangako sa puso mo. At ano ang kinahinatnan? Nananatili kang isang taong mapagpalugod sa iba, hindi ka nagtatapat tungkol sa mga problemang nararanasan mo, wala kang pakialam kapag nakikita mo ang masasamang tao, hindi ka tumutugon kapag may gumagawa ng masama o kaguluhan, at nananatili kang walang pakialam kapag hindi ka personal na naaapektuhan. Iniisip mo, ‘Hindi ako nagsasalita tungkol sa anumang walang kinalaman sa akin. Hangga’t hindi nito napipinsala ang aking mga interes, ang aking banidad, o ang aking imahe, binabalewala ko nang walang pagbubukod ang lahat. Kailangan kong maging napakaingat, dahil ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril. Hindi ako gagawa ng anumang katangahan!’ Lubos at di-natitinag kang kinokontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kabuktutan, pagkamapanlinlang, katigasan, at pagiging tutol sa katotohanan. Naging mas mahirap na para iyo na tiisin ang mga ito kaysa sa sumisikip na ginintuang korona na isinuot ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng mga tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit!” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang kawalan ko ng lakas ng loob na tukuyin ang mga isyu ni Zhang Qiang ay hindi dahil sa pagiging dominante o mapagmataas na disposisyon ni Zhang Qiang, kundi dahil walang tinag akong kontrolado ng aking mapanlinlang at makasariling kalikasan. Halos lagi na bago magsalita, isinasaalang-alang ko muna kung masasalungat ko ba si Zhang Qiang, at kung mayroong isang bagay na hindi niya magugustuhan, kahit na kapaki-pakinabang ito sa gawain, hindi ko ito sasabihin. Sa pagbabalik-tanaw noong una akong nagsimulang makatrabaho si Zhang Qiang, agad akong nagtatag ng isang prinsipyo para sa sarili ko nang makita kong mahirap siyang pakisamahan: Umiwas sa mga alitan, huwag pakialaman ang kanyang mga isyu, at panatilihin ang isang maayos na relasyon. Nang makita kong may isang bahagi sa sagot ni Zhang Qiang na hindi angkop, tinukoy ko ang isyu, na humantong sa isang pagtatalo, ginagawang alanganin ang ugnayan namin, at lalo pa akong nakumbinsi na tama ang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na “Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan.” Naramdaman kong dapat kong umiwas na magsabi ng anumang bagay na maaaring sumalungat kay Zhang Qiang. Kalaunan, nang makita ko ang mapagwalang-bahalang saloobin ni Zhang Qiang sa pag-aaral ng mga propesyon at prinsipyo, malinaw na alam kong makahahadlang ito sa gawain, ngunit para maiwasan ang alitan, pinili kong umatras. Bilang resulta, dahil hindi pumasok ang mga kapatid sa mga prinsipyo ng paggawa ng mga video, maraming gawain ang nasayang. Nakisalamuha ako sa mga tao mula sa isang mapanlinlang at makasariling disposisyon, ginagawa ang lahat para maiwasang makabangga o masalungat ang sinuman, at bagama’t pinrotektahan ko ang aking mga relasyon, hindi ko talaga tinutupad man lang ang aking mga responsabilidad. Hindi ko pinaalalahanan ang iba gayong dapat sana, ni hindi ko pinanindigan ang mga prinsipyo. Lahat ito ay nakapinsala sa gawain. Mukha akong mabuting tao, ngunit sa katotohanan, ang mga “mabuting” asal na ito ay nagmula sa aking mapanlinlang at makasariling tiwaling disposisyon. Lahat ito ay tungkol sa pagprotekta sa sarili kong mga interes, na kinasusuklaman ng Diyos.
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na humihimay sa satanikong lason na “Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan,” na eksaktong tumutukoy sa aking problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kinokondisyon at iniimpluwensiyahan ka ng pamilya sa ibang paraan, halimbawa, sa kasabihang ‘Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan.’ Madalas, tinuturuan ka ng mga kapamilya na: ‘Maging mabait at huwag makipagtalo sa iba o gumawa ng mga kaaway, dahil kapag nagkaroon ka ng masyadong maraming kaaway, hindi ka magkakamit ng katayuan sa lipunan, at kung masyadong maraming tao ang namumuhi sa iyo at gustong saktan ka, hindi ka magiging ligtas sa lipunan. Palagi kang manganganib, at ang iyong kaligtasan sa buhay, katayuan, pamilya, pansariling kaligtasan, at maging ang iyong mga inaasam-asam na promosyon sa trabaho ay malalagay sa alanganin at mahahadlangan ng masasamang tao. Kaya dapat mong matutunan na “Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan.” Maging mabait sa lahat, huwag sirain ang magagandang ugnayan, huwag magsabi ng anumang bagay na hindi mo na mababawi sa huli, iwasang manakit ng dangal ng mga tao, at huwag ilantad ang kanilang mga pagkukulang. Iwasan o itigil ang pagsasabi ng mga bagay na ayaw marinig ng mga tao. Magbigay ka na lang ng mga papuri, dahil hindi kailanman masamang magbigay-puri sa sinuman. Dapat kang matutong magpakita ng pagtitiis at kompromiso sa parehong malalaki at maliliit na bagay, dahil “Mas madaling malulutas ang hidwaan sa pamamagitan ng pagkokompromiso.”’ Isipin mo, dalawang ideya at pananaw ang itinatanim sa iyo ng iyong pamilya nang sabay. Sa isang punto, sinasabi nila na kailangan mong maging mabait sa iba; sa isa pang punto, gusto nilang maging mapagtimpi ka, huwag magsalita kung hindi kinakailangan, at kung mayroon kang sasabihin, dapat mong itikom ang iyong bibig hanggang sa makauwi ka at sabihin sa iyong pamilya pagkatapos. O ang mabuti pa, huwag mo na lang sabihin sa pamilya mo, dahil may mga tainga ang mga dingding—kung sakaling lumabas ang sikreto, hindi magiging maganda ang mga bagay para sa iyo. Upang magkaroon ng katayuan at makaligtas sa lipunang ito, dapat matuto ang mga tao ng isang bagay—ang maging balimbing. Sa madaling salita, dapat kang maging madaya at tuso. Hindi mo pwedeng basta na lang sabihin kung ano ang nasa isip mo. Kung sasabihin mo kung ano ang nasa isip mo, kahangalan ang tawag doon, hindi iyon pagiging matalino. … Ang ganitong uri ng tao ay palaging nagugustuhan ng ilang tao sa iglesia, dahil hindi sila kailanman gumagawa ng malalaking pagkakamali, hindi nila kailanman pabayang ibinubunyag ang kanilang sarili, at ayon sa pagsusuri ng mga lider ng iglesia at mga kapatid, maayos silang nakikisama sa lahat. Wala silang pakialam sa kanilang tungkulin, ginagawa lang nila kung ano ang hinihiling sa kanila. Sila ay sadyang masunurin at may maayos na pag-uugali, hindi nila kailanman sinasaktan ang iba sa pakikipag-usap o kapag hinaharap ang mga bagay-bagay, at hindi nila kailanman sinasamantala ang sinuman. Hindi sila kailanman nagsasalita ng masama tungkol sa iba, at hindi sila nanghuhusga ng mga tao nang patalikod. Gayunpaman, walang nakakaalam kung tapat sila sa pagganap ng kanilang tungkulin, at walang nakakaalam kung ano ang iniisip nila sa iba o kung ano ang opinyon nila sa mga ito. Pagkatapos pag-isipang mabuti, maramdaman mo pa na talagang medyo kakaiba at mahirap unawain ang ganitong uri ng tao, at na ang pagpapanatili sa kanila ay maaaring magdulot ng problema. Ano ang dapat mong gawin? Isa itong mahirap na desisyon, hindi ba? … Hindi sila nagtatanim ng mga sama ng loob sa sinuman. Kung may isang tao na nagsasabi ng masakit sa kanila, o nagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon na lumalabag sa kanilang dignidad, ano ang iniisip nila? ‘Magpapakita ako ng pagtitiis, hindi ko ito mamasamain, pero darating ang araw na magmumukha kang hangal!’ Kapag talagang iwinasto ang taong iyon o nagmukhang hangal, lihim nilang pinagtatawanan ito. Madalas silang mangutya ng ibang tao, ng mga lider, at ng sambahayan ng Diyos, pero hindi nila kinukutya ang kanilang sarili. Hindi lang talaga nila alam kung anong mga problema o kapintasan ang mayroon sila mismo. Ang mga ganitong uri ng tao ay nag-iingat na hindi magbunyag ng anumang bagay na makakasakit sa iba, o anumang bagay na magbibigay-daan sa iba na makita ang tunay nilang kalooban, bagamat iniisip nila ang mga bagay na ito sa puso nila. Samantala, pagdating sa mga bagay na maaaring magpamanhid o manlihis sa iba, malaya nilang ipinapahayag ang mga ito at hinahayaan ang mga tao na makita ang mga ito. Ang mga taong tulad nito ang pinakatuso at pinakamahirap pakitunguhan. Kaya, ano ang saloobin ng sambahayan ng Diyos sa mga taong tulad nito? Gamitin ang mga ito kung maaari, at alisin ang mga ito kung hindi—ito ang prinsipyo. Bakit ganoon? Ang dahilan ay sapagkat ang mga taong tulad nito ay nakatakdang hindi maghangad sa katotohanan. Ang mga ito ay mga hindi mananampalataya na pinagtatawanan ang sambahayan ng Diyos, mga kapatid, at mga lider kapag nagkakaroon ng mga problema. Ano ang papel nila? Ito ba ang papel ni Satanas at ng mga diyablo? (Oo.) Kapag nagpapakita sila ng pasensiya sa kanilang mga kapatid, hindi ito binubuo ng tunay na pagtitimpi o taos-pusong pagmamahal. Ginagawa nila ito para protektahan ang kanilang sarili at para maiwasang magkaroon ng anumang mga kaaway o panganib sa kanilang daan. Hindi nila kinukunsinti ang kanilang mga kapatid para protektahan ang mga ito, hindi rin nila ito ginagawa para sa pagmamahal, at lalong hindi nila ito ginagawa para sa paghahangad ng katotohanan at pagsasagawa nang alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Ang ginagawa nila ay ganap na isang saloobin na nakatuon sa pagsabay lamang sa agos at panlilihis sa iba. Ang mga gayong tao ay balimbing at hindi magpagkakatiwalaan. Ayaw nila sa katotohanan at hindi nila ito hinahangad, sa halip ay sumasabay lamang sila sa agos” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong nasaktan. Sa loob ng napakahabang panahon, naging mapagpalugod ako ng mga tao, unang-una ay para maiwasang magkaroon ng mga kaaway, at para maging medyo mas komportable ang aking buhay. Sinusunod ko ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na “Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan,” at “Mas madaling malulutas ang hidwaan sa pamamagitan ng pagkokompromiso.” Sa pagbabalik-tanaw, ganito na ako makisalamuha sa mga tao mula pa noong bata ako. Kapag nahaharap sa mga hindi patas na sitwasyon, tulad ng mga kaklaseng nagnanakaw ng mga gamit ko o nanghihiram ng pera nang hindi nagbabalik, sinusubukan ko silang kausapin nang mahinahon, ngunit kapag nakikita ko ang kanilang matigas na saloobin o sama ng loob sa akin, para maiwasan ang paglala ng alitan o magdulot ng gulo sa sarili ko, kadalasan, pinipili ko ang magtiis. Pagkatapos kong matagpuan ang Diyos, nagpatuloy akong makisalamuha sa mga tao sa ganitong paraan. Sa pakikipagtulungan kay Zhang Qiang, sa tuwing nagkakaiba kami ng opinyon o nagpapanting ang tainga ko sa mga salita niya, para maiwasan ang alitan, hinaharap ko ang mga isyung ito sa pamamagitan ng pagtitiis, kakaunti lang ang sinasabi at nananahimik hangga’t kaya ko. Dahil sa aking “pagtitiis”, nagmumukhang hindi makitid ang isip ko o hindi ako nakikipagtalo, na para bang naging mapagpasensiya ako sa iba, ngunit ito ay pawang pagpipigil lamang ng tao at pagpapanggap alang-alang sa pangangalaga sa sarili. Habang nagtitiis, hindi talaga ako tunay na nagpapasensiya, at puno ako ng mga pagkiling at sama ng loob sa iba. Halimbawa, nang makita kong kumikilos si Zhang Qiang batay sa kanyang tiwaling disposisyon, na ginugulo ang gawain, hindi ko inisip na ilantad, pigilan, paalalahanan, o tulungan siya, bagkus, tahimik ko lang hinintay na mabigo siya at huminto siya. Kaya nang matanggal si Zhang Qiang, natuwa ako, ninanais pa ngang mas maaga siyang umalis. Lubos din akong iresponsable sa gawaing pang-video, inuuna ang sarili kong kaginhawahan at iniiwasan ang mga alitan, pasibong nanonood habang napipinsala ang gawain nang walang anumang pag-aalala. Sobrang makasarili ako at kasuklam-suklam, walang anumang katapatan sa Diyos! Ang pagkatalaga sa akin sa ibang tungkulin sa pagkakataong ito ay paraan ng Diyos para magpaalala at magbabala sa akin. Kung patuloy akong aasal at kikilos ayon sa mga pilosopiya ni Satanas para sa mga makamundong pakikitungo, lalo lamang akong magiging makasarili at mapanlinlang, at mas malamang na mahadlangan ko ang gawain ng iglesia at labanan ang Diyos, at sa huli, kasusuklaman at ititiwalag ako ng Diyos.
Kalaunan, napagtanto kong hindi ko kailanman natagpuan ang mga tamang prinsipyo para sa pakikipagtulungan sa iba, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa bagay na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pakikipagtulungan? Kailangang magawa ninyong makipagtalakayan ng mga bagay-bagay sa isa’t isa, at maipahayag ang inyong mga pananaw at opinyon; dapat punan at isuperbisa ninyo ang isa’t isa, at maghanap sa isa’t isa, magtanong sa isa’t isa, at udyukan ang isa’t isa. Iyon ang pakikipagtulungan nang maayos. Sabihin, halimbawa, na inasikaso mo ang isang bagay ayon sa sarili mong kalooban, at may nagsabi, ‘Mali ang ginawa mo, ganap na labag sa mga prinsipyo. Bakit mo ito inasikaso kung paano mo gusto, nang hindi hinahanap ang katotohanan?’ Dito, sasabihin mo, ‘Tama iyan—natutuwa akong inalerto mo ako! Kung hindi, puwedeng magdulot ito ng kapahamakan!’ Iyan ang pag-uudyok sa isa’t isa. Ano, kung gayon, ang pagsusuperbisa sa isa’t isa? Ang bawat isa ay may tiwaling disposisyon, at puwedeng maging pabasta-basta sa paggawa ng kanyang tungkulin, pinangangalagaan lamang ang sarili niyang katayuan at karangalan, hindi ang mga kapakanan ng sambahayan ng Diyos. Ang gayong mga kalagayan ay naroroon sa bawat tao. Kung nalaman mong may problema ang isang tao, dapat magkaroon ka ng pagkukusang makipagbahaginan sa kanya, paalalahanan siya na gawin ang kanyang tungkulin ayon sa mga prinsipyo, habang hinahayaan itong tumayo bilang isang babala sa iyong sarili. Iyon ay pagsusuperbisa sa isa’t isa. Ano ang tungkulin ng pagsusuperbisa sa isa’t isa? Nilalayon nitong pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at iiwas din ang mga tao sa maling landas” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang tunay na maayos na pagtutulungan ay hindi itinatatag sa pamamagitan ng pagtitimpi, kundi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan, at ito ay binubuo sa pamamagitan ng pagtitimpi sa isa’t isa, pagtulong, pagpapaalala, at pangangasiwa sa pagitan ng mga kapatid. Kapag nakikita natin ang maliliit na kapintasan o pagkukulang sa mga kapatid, dapat tayong magparaya sa kanilang mga kakulangan. Gayumpaman, kung makikita natin silang kumikilos nang labag sa mga prinsipyo, na makahahadlang o makagugulo sa gawain ng iglesia, dapat natin silang agad na paalalahanan at pigilan, at hindi tayo dapat basta na lang magtiis. Halimbawa, nang makita kong ayaw ni Zhang Qiang na tipunin ang lahat para pag-aralan ang mga prinsipyo, at nanatili siyang matigas ang ulo kahit na nakipagbahaginan ako sa kanya, dapat sana ay tinukoy ko na nang oras na iyon ang kanyang problema. Bagama’t maaaring humantong ito sa ilang alitan noong panahong iyon, kung isa siyang taong naghahangad ng katotohanan, kapaki-pakinabang sana ito sa kanya at sa gawain ng iglesia. Kahit hindi siya nakinig, hindi ako dapat basta na lang sumuko. Sa halip, dapat sana ay nagpumilit ako, sa pamamagitan ng patuloy na pagpapaalala, pagpupungos, pagbibigay ng babala, o paglalantad sa kanya kung kinakailangan, para maitaguyod ang mga prinsipyo at mapangalagaan ang gawain ng iglesia. Sa ganitong paraan lamang matutupad ang aking responsabilidad bilang isang katuwang. Nabigo ako dati dahil umasa ako sa pagtitimpi para mapanatili ang mababaw na pagkakasunduan, nang hindi tinutupad ang aking responsabilidad na paalalahanan o pangasiwaan ang aking katapat, o iulat ang mga problema. Humantong ito sa kawalan ng tunay na masinsinang komunikasyon o kapwa pagtutulungan sa loob ng mahabang panahon, at dahil dito, walang tunay na pagkakasundo sa aming pagtutulungan. Kung binanggit ko sana ang mga problemang nakita ko sa takbo ng aming pagtutulungan para sa talakayan at konsultasyon, at ginawa kung ano ang kapaki-pakinabang sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia, hindi sana nagdusa ng ganito kalaking kawalan ang gawaing pang-video, at natupad ko sana ang aking mga responsabilidad.
Kalaunan, napili ako bilang isang lider ng iglesia. Napansin kong namumuhay kami ng aking mga katrabaho sa isang kalagayan ng pagbabad sa trabaho nang hindi tumutuon sa buhay pagpasok, at bihira kaming mag-usap tungkol sa gawain. Natuklasan ko rin na hindi kami tinutulungan ng mangangaral sa gawain ng iglesia, at napakapasibo niya sa kanyang tungkulin. Gusto kong banggitin ang mga isyung ito, ngunit nang nasa dila ko na ang mga salita, nag-atubili ako, at naisip ko, “Ang mga tao, sa pangkalahatan, ay ayaw marinig ang ganitong mga bagay. Kung sasabihin ko ito, makasisira kaya ito sa pagkakasundo namin?” Ngunit napagtanto ko agad na sinusubukan ko na namang protektahan ang sarili ko, kaya nanalangin ako sa Diyos na ayusin ang aking kalagayan. Pagkatapos ay nabasa ko ang ilang salita ng Diyos: “Kapag nahaharap sa mga pangunahing isyu ng tama at mali, at sa mga usaping may kinalaman sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung makagagawa ng ilang angkop na pasya ang gayong mga tao at bibitiwan ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na kinikimkim nila sa kanilang puso, gaya ng ‘Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan,’ para maitaguyod ang mga layunin ng sambahayan ng Diyos, mabawasan ang kanilang mga paglabag at masamang gawa sa harap ng Diyos—paano ito makakabuti sa kanila? Kahit papaano, kapag sa hinaharap ay itinatakda ng Diyos ang kahihinatnan ng bawat tao, magpapagaan nito ang kaparusahan sa kanila at mababawasan ang pagtutuwid ng Diyos sa kanila. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, walang mawawala sa mga taong iyon at ang lahat ng bagay ay magiging pakinabang sa kanila, hindi ba?” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Mula sa mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang isang landas ng pagsasagawa. Hindi ako dapat mamuhay nang umaasa sa mga pilosopiya ni Satanas kapag humaharap sa mga sitwasyon, at sa halip ay dapat kong itaguyod muna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at bawasan ang aking mga pagsalangsang. Nang mapagtanto ito, tinukoy ko sa mangangaral ang mga isyung mayroon siya sa kanyang tungkulin. Hindi tumutol ang sister, at sa halip, nagtapat siya at nakipag-usap sa amin tungkol sa kanyang kalagayan. Inilahad ko rin ang mga isyu ng pagtutulungan sa aming mga katrabaho at nag-alok ng ilang mungkahi. Pinagnilayan at kinilala ng mga katuwang na sister ang kanilang mga sarili, at pagkatapos, nagbago at bumuti ang mga bagay-bagay. Napagtanto kong sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos magkakaroon ng tunay na pagkakasundo sa pagtutulungan, at ito ay makapagdudulot ng malalim na kapayapaan at kapanatagan sa ating mga puso.